Fight #31: Pain
Sizzi's Punch
"Grabe! 'Yon ba lagi ang ginagawa n'yo ni Kuya Therence dito?" Tanong ni Amae habang nagpapatuyo ng buhok.
"'Yon ba ang lambingan n'yo? Ang sweet!" Batos pa ni Ericka.
Katatapos lang namin lahat maglinis at maligo. Grabe, dinaig pa talaga ang murder case dahil sobrang dami ng ketchup na maladugo ang itsura!
Buti na lang at dalawa ang CR dito sa condo ni hinayupak at dalawa rin ang CR sa condo ni Rica kaya madali kaming nakaligo. Pati kasi buhok namin ay may ketchup din.
"Lambingan ka dyan." Sabi ko habang naglalapag ng juice sa mesa.
"Ayii! Para na nga kayong mag-asawa, Ate Sizzi eh!" Kinikilig na sabi ni Rica.
Nanlaki ang mata ko na napalingon kay Rica. Pambihira! Feeling ko, namumula ako!
"Kumain ka na nga lang bunso." Sabi ni hinayupak at sinubuan ng pizza si Rica.
"Kuya! Nagba-blush ka rin!" Pang-aasar ni Rica sa kapatid.
"Aish." Tumalikod bigla sa amin si hinayupak sa amin at ginulo ang buhok niya.
Napatawa na lang sina Jayzee.
"Bakit nga pala kayo pumunta rito?" Tanong ko.
"Bakit? Naistorbo ba namin kayo?" Nakangising sabi ni Clark.
Pakiramdam ko ay namula ako. "Buhusan kaya kita ng juice?"
"May ginagawa ata kayong kababalaghan!" Batos pa ni Jayzee.
I looked at Jayzee with horror. "What the f*ck? Ano bang klaseng utak ka meron Jayzee? Pambihira!"
"Bakit mukha kang guilty? Meron nga?" Pang-aasar pa niya.
"P*tang---"
"Sizzi." Therence said with his warning tone.
"What?" Paasik kong tanong.
"Nothing." Bumuntong-hininga si hinayupak at bumaling sa dalawang gag*. "Manahimik kayong dalawa dyan kung ayaw n'yong pagkasyahin ko kayong dalawa sa kahon ng pizza. Linisin n'yo nga yang utak n'yo, nilulumot na."
Tinaas ni Clark at Jayzee ang dalawang kamay nila at ngumiti habang pailing-iling.
"Kuya! Dito kami matutulog ha?" Paalam ni Rica habang nakataas ang isang kamay.
Kumunot ang noo ni hinayupak. "Here? Why? Nasa tapat lang nito ang con---"
"Ayii~ Gustong masolo si Ate Sizzi!" Bira agad ni Rica. "Pahiram naman muna kay Ate Sizzi. Halos dalawang linggo na kayong magkasama rito eh. Ngayon lang naman."
(A/N: Bira = Sabad, sagot, sabi)
"Anong pahiram? Your Ate Sizzi is not a thing." Sermon ni hinayupak.
"Oh, chill lang! 'To namang si Kuya. Basta ha? Dito kami matutulog."
"Fine."
"Ito namang si Therence. Parang isang gabi lang kaming manunulugan dito, ayaw pa! Hayaan mo, bukas ay iyong-iyo na ulit si Sizzi." Nakangising sabi ni Clark.
Naningkit ang mata ko. "Bakit kung pag-usapan n'yo ako ay parang wala ako rito?"
Napatawa na lang sila.
***
"Annabelle na lang!" Suggest ni Amae.
"No, huwag horror." Sabi ni hinayupak. "Gusto n'yo bang hindi makatulog si Sizzi?"
Napanguso ako. Eh 'di ako na nga ang matatakutin!
Nandito kami sa living room at nag-aaway-away sila kung anong movie ang panonoorin namin.
"Koizora." Suggest ni Rica.
"Kayo lang ni Sizzi ang makakaintindi no'n!" Reklamo ni Clark.
"May translation naman 'yon eh!" Naka-pout na sabi ni Rica.
"To Do List na lang." Natatawamg sabi ni Jayzee.
"Hayup mo!" Sabi ni hinayupak at binato ng Pringles si Jayzee.
"Bakit? Hindi naman masyadong SPG ah? Hindi naman pinapakita talaga." Depensa nito.
"Kahit na!" Singga ni hinayupak. Tumingin siya sa akin. "What do you want to watch, sweetie?"
Ano nga ba ang magandang panoorin? Hmm. "Barbie?"
Nakangangang napatingin sila sa akin. Ang epic ng mga itsura nila!
Napahagalpak ako ng tawa. "I wish I had captured your faces. Ang epic!"
Napailing lang sina Jayzee samantalang tumawa rin sina Rica. Umiling-iling si hinayupak at pinisil ang ilong ko.
"Aw!" Reklamo ko. "Bakit ba? Ang ganda kaya ng Barbie movies!"
Napatawa lang ng mahina si hinayupak.
"Kidding aside." Pinadaan ko ng paulit-ulit ang hintuturo ko sa bridge ng ilong ko habang nag-iisip. "Lucy na lang."
Sumang-ayon naman sila kaya nanood na kami.
Nakaupo sa carpet si Clark, Jayzee, Amae at Ericka. Nakahiga naman sa sofa bed si Rica at magkatabi kami ni hinayupak sa sofa.
Nilalantakan nina Amae 'yong Jollibee na pinadeliver kanina. Sina Jayzee naman ay chichirya. Samantalang marshmallow ang nilalantakan ni Rica.
Ako? Ice cream at french fries! Nakikisalo pa nga itong si hinayupak eh.
Isinawsaw niya sa ice cream 'yong fries at iniumang sa bibig ko. "Here."
Tiningnan ko muna siya bago ko isinubo 'yong fries. Sumandok naman ako sa ice cream at iniumang din 'yon sa kanya.
Natigilan muna si hinayupak bago niya nakangiting isinubo yoon.
Napailing na lang ako at sumandok ulit ng ice cream.
Natigilan ako. Sh*t! Indirect kiss!
Napatawa ng mahina si hinayupak. Argh! Kainis!
Pinindot niya ang ilong ko. Pagkalingon ko sa kanya ay nakangiti siya.
Bumuntong-hininga na lang ako at napangiti na rin.
Nakatatlong movie na kami pero hindi pa rin sila inaantok. Ang titibay ng mga ito. Samantalang ako, antok na antok na.
Nahalata siguro ni hinayupak na papikit-pikit na ako kaya isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Sweetdreams sweetheart." Bulong nito sa akin bago ako tuluyang makatulog.
Therence's Punch
"Tatapusin nyo pa ba 'yan?" Tanong ko sa kanila habang inaayos ang pagkakasandal ng ulo ni Sizzi sa balikat ko.
Humikab muna si Amae. "Hindi na Kuya Therence. Inaantok na ako."
Nag-inat si Jayzee. "Ako ri--- Ow. Tulog na pala si Sizzi."
"Dadalhin ko lang sa kwarto si Sizzi." Sabi ko habang inaayos ang pwesto ni Sizzi para mabuhat ko siya. "Kayong tatlong bulilit, huwag na kayong maingay okay? Baka magising ang Ate Sizzi n'yo."
Humikab si Ericka. "Paano kami makakapag-ingay kung inaantok na kami? Kuya Therence talaga."
"Sige Kuya, buhatin mo na si Ate Sizzi. Lilinisin ko lang itong mga kalat." Sabi ni bunso habang pinupulot 'yong mga kalat.
"Huwag na Rica. Kami na lang. Matulog na kayo." Sabi ni Clark habang inaagaw 'yong mga balat ng chichirya na hawak ni bunso.
Antok na tumangu-tango si bunso. Binuhat ko naman si Sizzi in bridal style at sumunod sa akin sina bunsong antok na antok na.
Ingat na ingat ko namang inihiga si Sizzi sa kama saka ko ito kinumutan.
Pinaglatag ko sina bunso ng hihigaan nila dahil antok na antok na sila. Naglabas ako ng maraming unan at kinumutan na rin sila.
"Good night Kuya." Antok na sabi ni bunso.
"Good morning na bunso." Natatawa kong sabi at hinalikan siya sa noo.
Nilapitan ko na rin sina Ericka at Amae na nakatulog agad at hinalikan sila sa noo.
Lumapit naman ako kay Sizzi at hinawi ang buhok nitong humara sa mukha niya bago ko siya halikan sa buhok at noo.
Pagkalabas ko ay tapos na sa paglilinis sina Jayzee.
"You really love Sizzi." Komento ni Jayzee at umupo sa sofa.
Napatingin ako sa kanya.
"Kitang-kita naman kung paano ka tumingin sa kanya. Lalo na kanina." Nakangiting dagdag niya.
Napangiti ako bago pumunta sa ref at kumuha ng tatlong lata ng beer.
"Is it a bad thing?" Tanong ko pagkaupo ko.
Umiling ang dalawa.
"Pero paano na si---"
"She's in the past already, Clark." Putol ko sa sasabihin nito. "Sizzi is my present and future. I love her so much. And that was ten years ago. Nalimutan ko na nga kung ano ang itsura niya."
"Wala ka man lang palatandaan?" Tanong ni Jayzee.
Umiling ako. "Except sa binigay kong bracelet sa kanya."
Sizzi's Punch
Naalimpungatan ako. Wait. Hala! Nakatulog pala ako habang nanonood kami ng movie!
Paano ako napunta rito sa kwarto? Sinong nagbuhat sa akin? Si hinayupak ba?
F*ck.
Tumingin ako sa orasan. Alas singko pa lang ng umaga. Mga ala una na ata ako nakatulog.
Medyo bumangon ako para makita ko sina Rica pero---
"F*ck." Mura ko dahil napahiga ulit ako.
Damn! Sumasakit na naman!
Hindi na ako gumalaw para hindi na sumakit pero sh*t! Ang sakit talaga!
Nasa bag ko ang gamot ko. At hindi na ako makatayo sa sobrang sakit.
Padapa akong humiga habang hawak ko ang balakang ko. P*tang*na! Ang sakit talaga!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang luha ko. Sobrang sakit kasi. Ayokong magising sina Rica. Alam kong puyat pa sila.
Pumikit ako ng mariin. F*ck. Sana mawala na ang sakit.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro