Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #30: Blood

Sizzi's Punch

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" Galit na sabi ni hinayupak.

"Bakit ba? Okay lang naman ako! I'm still alive and kicking!"

Bakit ba napaka-OA ng hinayupak na ito? Argh.

So, ano ba ang ikinakagalit niya?

Last game para sa Intrams ang soccer. Wala itong Category A at Category B. Freshmen, Sophomores, Juniors at Seniors talaga ang magkakalaban. Marami kasi ang kailangan at masyadong mahaba ang game na ito kaya ganyan.

Championship ngayon at ang magkalaban ay Juniors at Seniors.

Halo nga eh, pwede ring sumali ang babae.

At kasali ako.

Kaya sobrang nagulat sina hinayupak na nasa field no'ng ako ang mag-substitute do'n sa isa naming ka-team.

What? Mas gusto ko nga ang soccer kaysa sa tennis.

May isa ring babae sa Senior kaya ayos lang.

Tumakbo palapit sa akin si hinayupak. "What do you think are you doing?"

"Naglalaro, malamang! Bulag ka ba?"

"Bakit ka sumali rito? Paano kung matamaan ka ng bola?"

Napa-roll eyes ako. "Kahit kailan talaga ay OA ka." Saka ako tumakbo.

Sakto naman na ipinasa sa malapit sa aking Senior 'yong bola. Ito ata 'yong isa sa magaling na soccer player.

Agad ko naman siyang hinarangan para maagaw 'yong bola. Pero nginisian niya ako na para bang nang-aasar siya.

Hinahamon ba ako nito?

Sa isang iglap ay naagaw ko ang bola sa kanya. Lumingon naman ako sa kanya at ngumisi. Akala niya ha?

Nakita ko naman si hinayupak. "Hinayupak!" Sinipa ko papunta sa kanya 'yong bola.

Agad naman akong tumakbo palapit sa goal para may back-up siya. Sinipa niya ulit pabalik sa akin 'yong bola kaya sinipa ko ito na malakas papunta sa goal.

At pumasok!

Nahawakan naman no'ng goal keeper 'yong bola, kaya lang, pwinersa ko kasi 'yong pagsipa kaya hindi niya napigilan.

Lumapit si hinayupak sa akin at ginulo ang buhok ko pero kita pa rin sa mukha niya na nag-aalala siya.

1-0 na ang score. Hooo! Kapagod tumakbo!

Nasa Seniors na ulit ang bola kaya ang ginawa ko ay nag-slide ako para maagaw 'yong bola. Naagaw ko nga, kaso nadaganan ako nung inagawan ko. Argh!

'Yon. Kaya nagalit si hinayupak. Medyo masakit pero ayos lang. Aba ganun talaga sa soccer, hindi 'yon maiiwasan.

Nag-sorry naman kasi agad sa akin 'yong lalaki. Kaya ayos lang.

Napailing si hinayupak. "I don't know what will I do with you sweetheart."

Umiwas ako ng tingin. Ayan na naman siya sa sweetheart niya.

"What do you want to eat?" Tanong niya.

Ano nga ba? Hmm. "Pizza?"

"Ayaw mong magkanin?"

Umiling ako. "Tinatamad ako."

"Huh? Anong konek?"

"Eh gagamit pa ng kutsara't tinidor kapag kanin at ulam. Buti pa 'pag pizza, kukunin mo lang 'yong slice tapos pwede mo nang kainin."

Napailing si hinayupak habang natatawa. "Grabe kang tamaan ng katamaran."

"Thank you." Natatawa kong sabi.

Iniabot sa akin ni hinayupak ang isang helmet at sinuot ko agad 'yon. Sumakay na kami sa motor at nag-drive na siya papunta sa Shakey's.

Hindi ako nakahawak sa kanya,huwag kayong ano dyan. Bagal nga magpaandar eh.

Pagkabili niya ay umuwi na kami. Three boxes of pizza ang binili niya.

"Kadami naman nito!" Sabi ko.

"Sus, baka nga mamaya, ubos na natin 'yan." Natatawa niyang sabi.

"May ketchup ba?" Tanong ko habang naghahanap sa cupboard.

"Wait." Lumapit si hinayupak sa akin at may inabot sa mas mataas na part. 'Yong ketchup. "Here."

Umupo naman agad ako saka kumuha ng isang slice at tinaktakan 'yon ng maraming ketchup saka ko nilagyan hot sauce at kinain.

Nakangangang nakatingin si hinayupak sa akin.

"What?" Tanong ko pagkainom ko ng Sprite.

"Ilang araw lang sa'yo ang isang bote ng ketchup?" Tanong niya pagkakuha niya ng isang slice ng pizza.

"Five days? Minsan nga three eh."

"What?"

Inosenteng tumingin ako sa kanya. "Why?"

Umiling-iling lang siya at kumagat na sa pizza pagkalagay niya ng maraming hot sauce.

Mas masarap kaya kapag maraming ketchup! Kahit nga anong prito eh sa ketchup ko sinasawsaw. Well, minsan, sa gravy. Pero iba pa rin talaga 'pag sa ketchup.

Patuloy lang kami sa pagkain ng pizza. Malapit nang maubos 'yong isang box!

Nagulat na lang ako kasi lumapit si hinayupak sa akin at pinahid 'yong sa may gilid ng labi ko. Natigilan naman ako.

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Aish! Ayan na naman ang abnormal na tibok ng puso ko!

Imagination ko ba? O talagang palapit nang palapit ang mukha ni hinayupak?

"H-hinayupak."

"Hmm?"

"L-lumayo ka nga!"

"Hmm?"

Naningkit ang mata ko. Ano ba naman 'yon? Hmm lang ng hmm?

Dahil ayaw niyang lumayo, ipinahid ko sa pisngi niya 'yong slice ng pizza na hawak ko na punong-puno ng ketchup!

Parang natauhan naman si hinayupak at nanlaki ang matang tumingin sa akin.

"Sweetheart!"

Napatawa ako. Ang epic fail ng mukha niya! "What?"

"Anong ginawa mo?"

"Pinahiran ka ng pizza ng puno ng ketchup?" Pa-inosente kong sabi.

Naningkit ang mata niya.

"Ano? Kasalanan mo naman kasi! Bakit ba ang lapit-lapit ng mukha mo?" Singhal ko.

Umiwas siya ng tingin tapos napansin kong ang pula na naman ng mukha niya.

Hala? Nag-blush ulit?

"Hinayupak?"

Hindi niya ako pinansin.

"Hala! Galit ka ba? Sorry na." Sabi ko habang dinudutdot ang pisngi niya na walang ketchup.

Agad namang lumingon si hinayupak sa akin at...

Pinahiran din ako ng ketchup!

Napatili ako kaya tumawa siya ng malakas. Pero siyempre, papatalo ba ako? No way!

Agad naman akong gumanti kaya napatawa rin ako.

"Tanda mo ba 'yong sinabi ko sa'yo dati? Na magmumukha kang matino kapag nagpahid ka ng dugo sa mukha mo? Ayan! Ang tino na ng itsura mo!" Natatawa kong sabi. Nagmukhang dugo kasi 'yong ketchup.

"Ah gano'n? Akala mo hindi kita gagantihan ha?" Nakangisi niyang sabi saka ako hinabol.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapatili kapag muntik na niya akong abutan.

Nagmukhang may pinatay dito sa condo niya dahil mukhang dugo 'yong ketchup!

Para kaming mga bata. Naghahabulan. Halos dalawang bote na ng ketchup ang naaksaya namin!

Napatigil lang kami no'ng may biglang nag-doorbell. Lumapit naman agad si hinayupak at tiningnan sa peep hole kung sino 'yon.

Lumingon siya sa akin at parang pinalapit niya ako at sinenyasan na huwag maingay. Pagtingin ko sa peep hole ay sina Rica pala.

Ngumiti ng nakakaloko si hinayupak sa akin. Nakuha ko naman agad ang gusto niyang iparating.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. At pagkapasok nina Rica...

DYARAN! Pinahiran namin sila ng ketchup!

Napatili sina Rica samantalang napamura sina Jayzee. Napatawa tuloy kami ni hinayupak.

Nakisali na rin tuloy sila sa ketchup fight namin.

Feeling ko bumalik ako sa pagkabata!

Napatingin ako kay hinayupak. Nakatingin din pala siya sa akin at nakangiti kaya napangiti rin ako.

Nagulat na lang ako no'ng mapahiran ako ni Ericka ng ketchup sa mukha kaya agad ko siyang hinabol para makaganti pero napahiran na siya ni hinayupak para sa akin.

Kung pwede lang sana, ganito na lang lagi kami kasaya.

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro