Fight #29: Intramurals (Part 2)
Sizzi's Punch
"Kyaaaa~! Galingan mo Therence!"
"Go Jayzee my loves!"
"Clark babes! Fighting!"
Last day na ng Intrams namin ngayon.
At alam kong may idea na kayo kung ano at sino ang may laban ngayon.
Championship na ng basketball, Category B. 3-A at 4-A ang magkalaban.
At ito ang pinaka-inaabangan na laban ngayon Intrams.
Sabi kasi babawi ngayon ang 4-A. Dahil no'ng first year pa lang kami at second year sila ay kami ang nag-champion sa basketball.
Mas marami ang manonood ngayon. Kulang na lang eh gumuho itong gym sa sobrang daming tao. Meron pa nga sa labas eh.
Kaya naman maganda ang pwesto namin ay alam n'yo na kung bakit. Malamang sa alamang ay kagagawan ito no'ng tatlong bakulaw na maglalaro ngayon.
"Hindi mo man lang ichi-cheer si Kuya?" Tanong ni Rica.
Umiling ako. Bakit pa ako magsasayang ng energy kung hindi naman niya ako maririnig 'di ba?
Ang dami nang nagchi-cheer sa kanya, tama na 'yon.
"Kahit isang beses lang Ate Sizzi. Please?" Pangungulit pa ni Rica.
Umiling ulit ako.
Medyo kampante ako na hindi kami makikita no'ng nagmamasid sa amin since sobrang daming tao.
Baka kasi Breaker 'yon, baka maidamay pa sina bunso kaya medyo dumidistansya ako sa kanila.
Mahirap na.
Hindi nagtagal ay tumunog na ang buzzer. Hudyat na magsisimula na ang laro kaya lalong lumakas ang sigawan.
Medyo humina nga lang kasi hindi kasama sina hinayupak sa first five. Bakit ba hindi pa sila nasanay? Eh sa third quarter pa pumapasok ang mga 'yan tapos wala nang labas-labas.
No'ng magsimula na ang laro ay parang inilampaso ng 4-A ang 3-A. Grabe. Ni hindi maka-score ang 3-A sa galing mang-block ni Lincent, 'yong sinasabing ace player ng 4-A. Pa-easy-easy pa nga siyang magpa-shoot eh.
Kaya ayun. Ang laki agad ng lamang ng 4-A. No'ng end ng first quarter, ang score 12-29. My goodness.
No'ng mag-second quarter na ay lalong lumaki ang lamang ng 4-A. Hindi ko alam kung sinasadya ba 'yon ng 3-A o ano. Pero mukhang kampante pa rin sina hinayupak.
Ang dami nang nagrereklamo na ipasok sina hinayupak. Grabe, feel na feel naman nila ang panonood.
Ang score nong mag-end ang second quarter ay 25-48. Pambihira.
Sina Rica ay prente ring mga nakaupo. Mga kampante rin ano?
No'ng mag-buzzer ulit para sa simula ng third quarter ay tumayo na ang tatlong ugok. Kaya ayan, sobrang lakas ng sigawan. Kulang na lang talaga ay magiba itong gym.
(A/N: Magiba = masira)
"Kyaaaaaa~ Finally! Ang Big 3!"
"Panalo na ang 3-A! Hoooo~"
"Go Therence! Go Jayzee! Go Clark!"
Lumingon sa gawi namin si hinayupak. Kaya nagtilian 'yong mga nasa likuran namin. Kesyo sa kanila raw nakatingin si hinayupak.
Nakatingin pa rin siya sa gawi namin kahit na nagpito na 'yong referee. Aba? Ano bang hinihintay nito?
Dinunggol-dunggol naman ako nina Rica na para bang 'I-cheer mo na Ate Sizzi!'
Ang ginawa ko ay ngumiti ako kay hinayupak saka tumango na para bang nagsasabi na 'Galingan mo'.
Napailing si hinayupak. Iniisip siguro nito na ang tamad ko. Ni hindi man lang nag-effort na umimik ako.
(A/N: Umimik = magsalita)
Tumingin ulit sa gawi namin si hinayupak saka ngumiti at sumaludo, 'yong parang 'Areglado'.
See? Kami lang ang nagkakaintindihan.
Nagtilian ulit 'yong mga nasa likuran namin. Kesyo nginitian daw sila ni hinayupak.
Mga feelingera. Ako ang nginitian ni hinayupak. Huwag kayong ano dyan.
K, hayaan na nga.
Nasa 4-A ang bola na parang sa isang iglap ay naagaw ni Clark. Oh well, sobrang galing kasi ni Clark sa stealing. Para bang sa isang kisapmata ay nasa kanya na ang bola.
Agad naman itong pinasa ni Clark kay hinayupak na nasa half-court pa lang ay itinira na ang bola. And shoot.
Pero three points lang 'yon.
Sobrang lakas ng hiyawan. Napanganga naman 'yong iba.
Well, si hinayupak kasi "raw" ang ace player ng section namin. Since sobrang galing niya sa shooting. Bibihira lang pumalya ang tira niya. Kung mga twenty times siyang makakahawak ng bola, dalawa lang ang sablay.
Tumingin ulit sa gawi namin si hinayupak at saka kumindat. Napa-roll eyes naman ako pero nag-thumbs up ako sa kanya at ngumiti.
Damn.
"Emergerd! RenZzi moment 'yon! Kyaaaaa~!"
"Sayang! Hindi natin na-video!"
Napasimangot ako. Akala ko wala na 'yong RenZzi, buhay pa pala.
Pati sina Rica, nabugbog na ako ng hampas.
No'ng sumablay ang tira no'ng 4-A ay agad naman itong na-rebound ni Jayzee. Si Jayzee kasi ay sinasabing King of Rebound.
Ipinasa naman niya ito kay Clark, na walang tingin-tingin na ipinasa kay hinayupak. Isa pang kagalingan ni Clark ang pagpasa ng bola. Kahit hindi siya nakatingin eh alam niya kung saan nakapwesto ang mga kakampi niya.
Parang ang nangyari eh three vs. five. Echeng lang 'yong dalawa pang ka-team nina hinayupak.
Nangangalahati pa lang ng third quarter ay 45-52 na ang score. Ang bilis nilang nahabol ang score. Ang bilis din naman kasi nilang gumalaw.
Para ngang napipikon na ang 4-A eh.
20 seconds na lang ang natitira at sa 4-A ang bola. May balak pa atang magpaka-buzzer beater itong si Lincent. No'ng five seconds na lang ay saktong hakbang ni Lincent para mag-shoot ay naagaw ito ni Clark na agad naman niyang pinasa kay hinayupak na nasa three-point line ng court ng kalaban saka itinira ang bola patungo sa ring nila at...
What do you expect? Siyempre nag-shoot!
Hiyawan ang mga nasa gym. Ang score na ay 62-55 ang score. Lamang na ang 3-A! At hindi biro ang ginawang paghabol nina hinayupak sa 23 points na lamang ng 4-A kanina!
Nabuhayan na ng tuluyan ang 3-A at ang fans nina hinayupak. Sina Rica nga ay medyo nakikisigaw na rin eh.
Therence's Punch
Pambihira naman ang mga ito. Sabi namin magpalamang, pero hindi naman 'yong masyadong malaking lamang! Hindi biro ang habulin 'yong 23 points!
"Good job mga pare." Nakipag-apir sa amin 'yong captain namin na si Rook.
Dapat nga ako ang captain, tinanggihan ko lang.
"Good job talaga, hindi biro ang maghabol ng 23 points!" Reklamo ko.
Napatawa naman si Rook. "Hayaan mo na! Pinapanood ka naman ni Sizzi eh. May inspirasyon ka naman."
"Namo." Nasabi ko na lang, pero nakangiti ako.
No'ng magsimula na ang fourth quarter ay pansin kong sobrang harass na ang ginagawa ng 4-A. Mga pikon na. Lalo na si Lincent.
Ako ang binabantayan niya lagi. Nginisian ko nga para lalong mapikon. Ayan, na-blocking foul tuloy.
"Grabe ka namang maka-harass. Bakla ka ba?" Tanong ko.
"P*tang*na mo! Yabang mong tarantad* ka ah!" Mura niya tapos hinigit ang jersey ko.
Napituhan naman siya ng referee. Technical foul. Napailing na lang ako.
Masyado kasing pikunin. Ayan tuloy.
No'ng matapos ang laro. Ang score ay 77-65. At siyempre, panalo kami. Kami pa? Magaling kaya kami.
Nagsaya naman ang 3-A at lahat ng outsiders na sinuportahan kami. Lumingon ako sa pwesto nina Sizzi pero wala sila do'n. Asan na sila?
"Congrats Kuya!" Sigaw ni bunso at inabutan ako ng face towel. Ah, pumunta pala sila rito sa pwesto namin.
"Oh." Biglang may nag-abot ng gatorade sa akin. Si Sizzi. "Congrats."
Nakangiting inabot ko 'yong gatorade.
Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumanib sa akin pero lumapit ako kay Sizzi.
At hinalikan ko siya sa pisngi.
Natigilan siya, maging sina bunso at ilang mga tao. Medyo nanahimik nga rin 'yong gym.
No'ng inilayo ko na ang mukha ko ay nanlalaki ang mata ni Sizzi. Saka siya dahan-dahang lumingon sa akin.
Biglang naningkit ang mata niya. Kulang na lang may lumabas na usok sa tenga at ilong niya. "How f*cking dare you to do that?" Sigaw niya.
Nagkibit-balikat ako.
"I'll send you deeper than hell!" Sigaw pa ni Sizzi.
"Oras na ba para tumakbo?" Tanong ko.
"Run. Run for your f*cking life!" Galit na sabi ni Sizzi saka ako hinabol.
Naghabulan kami sa loob ng campus. Kung may anong madampot siya ay binabato niya sa akin. Hindi naman ako natatamaan.
Pinagtitinginan nga kami ng ibang estudyante. Kami na nga ang parang bata.
'Yong iba, vini-video kami. Sinuway na nga kami no'ng ibang teachers pero tuloy pa rin kami ni Sizzi sa paghahabulan.
Lumingon ako at nakita kong huminto si Sizzi. Kaya huminto rin ako. Pareho kaming hinihingal. Aba nakakapagod! Galing pa ako sa laro.
Masama pa rin ang tingin ni Sizzi sa akin pero lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang pawis niya gamit yung face towel na inabot ni bunso sa akin na hindi ko pa nagagamit.
Bigla naman niyang hinawi ang kamay ko at binatukan ako.
Konti na lang talaga at matatanggal na ang ulo ko.
Napanguso si Sizzi pero maya-maya ay napatawa siya. Kaya napatawa na rin ako.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro