Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #28: Intramurals (Part 1)

Sizzi's Punch

"4-A! 4-A! 4-A for the win!"

"Go 4-B! Go 4-B!"

"3-A is the best! 3-A is the best!"

Halos nakakabingi ang cheer ng bawat sections. And as you can read, intramurals namin ngayon.

Hindi nga sana ako papasok kaso required na kailangan lahat ay may sasalihan. Well, may exception siyempre 'yong mga may sakit gaya ng hika, and so on and so forth.

Andito kami sa gym at opening nga ngayon ng intramurals. Argh. Bakit ba paulit-ulit ako?

Hayaan n'yo na nga!

Ngayon pa lang eh medyo nagkakapikunan na sa kantyawan. Lalo na 'yong mga first year students. Kulang na lang magrambulan sila.

Kapag ganitong Intrams, galit-galit muna ang bawat sections. Ewan ko nga ba at sobra nilang sineseryoso ang Intrams.

Biglang may tumabi sa akin. At kahit hindi ko siya lingunin eh kilala ko na siya.

Siya lang naman ang nagpapaabnormal sa puso ko.

Ugh. Ano ba 'tong sinasabi ko?

"Panoorin mo ako mamaya." Demand ni hinayupak.

"Kasabay no'ng game mo ang laro ko."

Gulat na napatingin siya sa'kin. "What? Hindi pwede! Hindi kita mapapanood."

Nagkibit-balikat lang ako.

Sa katunayan naman kasi eh hindi naman talaga sabay eh.

At manonood naman talaga ako ng laro niya.

Kaso ayaw kong sabihin na manonood ako at baka lumaki ang ulo niya.

Isa pa, kahit naman i-cheer ko siya (na never ko namang gagawin) eh hindi niya ako maririnig. Sa dami ba namang magchi-cheer para sa kanya.

Para saan pa, 'di ba?

"Makapunta nga sa committee ng---"

"You're not going to do that!" Putol ko sa sasabihin niya. "Really, hinayupak? Isang linggo naman ang Intrams! Pambihira!"

Bigla siyang ngumisi. "So, 'pag may game kami, manonood ka?"

Napaiwas ako ng tingin. Argh. Busted. "Wala akong sinabi."

Napatawa ng mahina si hinayupak at inayos niya ang bangs ko na humahara sa mukha ko.

Nakakahalata na ako ah! Inggit talaga siya sa buhok ko!

"Inggit ka ba sa buhok ko kaya lagi mong hinahawakan?" Tanong ko.

Hindi nagsalita si hinayupak. Tapos saka ko lang napansin na...

Namumula siya.

Hindi nga?

Automatic na umangat ang kamay ko at pinakiramdaman ko ang noo niya. Bigla naman siyang umiwas ng tingin at ibinaling sa ibang direksyon ang ulo niya.

Ako naman ang napatawa. Nag-blush ang isang Therence Lloyd Morales!

"Makapagpamisa nga." Natatawa ko pa ring sabi.

".... kita... eh."

"Ha?" Sorry naman at hindi ko narinig. Paano kasi, ang lakas ng sigawan tapos bumulong lang siya. Ay maririnig ko nga 'yon.

"Wala." Nakaiwas ang tingin pa ring sabi niya.

"Hello Jayden students!" Rinig kong sabi ng MC. "Kanina pa nagpapaligsahan sa mga cheers ang bawat section! Kaya alam na alam kong excited na kayo! So for our first game in basketball, category A..."

Oo nga pala, may Category A at Category B ang aming Intrams. Ang Category A ay first at second year samanatalang Category B ang third at fourth year.

Imagine-in n'yo nga naman kung kalaban ng first year ang fourth year, 'di ba?

Oo nga pala, 'yong fourth year na captain ng 4-A ang nagtakbo hawak 'yong torch. Akala n'yo si hinayupak 'no? Hindi. Dapat daw kasi fourth year eh.

Lumabas muna ako kasi sobrang daming tao sa gym, feeling ko masu-suffocate ako.

Napahinga ako ng maluwag kasi hindi ako nasundan ni hinayupak.

"Hi Ate Sizzi!"

Napangiti ako dahil si Rica 'yong tumawag sa akin. Tumakbo siya palapit.

"Bakit mag-isa ka lang? Asan si Amae at Ericka?" Tanong ko.

"Nasa canteen. Nakain. Papunta ako dun ngayon, sasama ka Ate Sizzi?"

Sasagot na sana ako pero nakita kong may parang nagmamasid sa amin.

Binalingan ko si Rica at ngumiti. "Hindi na muna bunso. Magpa-practice pa ako eh."

"Sayang. Galingan mo Ate Sizzi ha? Manonood kami."

Ngumiti na lang ako kay Rica at naglakad na palayo. Agad namang umalis sa pwesto 'yong taong nagmamasid sa amin no'ng nagsimula akong humakbang papunta sa direksyon nito.

Kaya delikado kapag may ganitong event dito sa school namin eh. Pwede kasing pumasok ang outsiders.

Ang bilis no'ng tao. At mukhang alam niya ang pasikot-sikot dito sa school.

Asan na 'yon?

Isa kaya 'yong Breaker?

"!@#&%##!@$**!!!"

Napamura ako dahil may biglang humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay si hinayupak lang pala. P*ta.

"Sinong hinahabol mo?" Tanong niya.

Nabatukan ko naman agad siya. "Huwag ka ngang manggulat, hayup!"

"Hindi kita ginulat. Sadyang busy ka lang sa kung sino 'yong hinahabol mo. Sino ba 'yon?"

"Wala, tutubi lang 'yon." Walang kwentang palusot ko at naglakad na paalis.

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga nito at ang mga yabag niya sa pagsunod sa akin.

Buti naramdaman niyang ayaw kong sagutin ang mga tanong niya tungkol do'n sa hinahabol ko.

Ano ba ang kailangan sa akin ng Breakers?




Therence's Punch

3rd day na ngayon ng Intrams. At pansin ko ang medyo pagka-distant ni Sizzi sa amin.

Magkahalong inis at pag-aalala ang nararamdaman ko. Bakit ba ayaw niyang sabihin sa amin ang problema?

"Kuya! Kuya! Laro na ni Ate Sizzi!" Sigaw ni bunso na tumatakbo palapit sa akin saka ako hinila papunta sa tennis court.

Tennis kasi ang sinalihan ni Sizzi.

Pagkarating namin do'n ay nagulat ako. Si Celestine pala ang kalaban niya.

"Sus, taob na 'yang si Celestine."

"Himala pa nga at nakasama sa semi-finals 'yang si Celestine."

Napailing na lang ako sa mga narinig ko. Ang daming galit kay Celestine.

Well, ako rin naman. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan na tinawag niyang damn girl si Sizzi.

At oo nga. Nakakapagtaka na umabot siya ng semi-finals. Wala sa itsura niyang kaya niyang mag-tennis.

Napatingin ako kay Sizzi. Nag-i-stretching siya. Naka-straight face pa nga eh.

Kapag napapatingin siya kay Celestine, parang may balak siyang patamaan 'to ng bola sa mukha.

Sana nga gawin niya.

Nagsimula na ang game. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Sizzi, o talagang mas magaling sa kanya si Celestine?

Lamang kasi si Celestine. Kaya ayun, sobrang confident ni Celestine, ang yabang ng ngiti.

"Kung pwede lang batuhin ang stupid witch na 'yan ay nagawa ko na." Nanggagalaiti na sabi ni Amae.
(A/N: Nanggagalaiti = nanggigigil)

"Bakit ba hinahayaan ni Ate Sizzi na malamangan siya ng witch na 'yan? Kainis!" Dagdag pa ni Ericka.

Ngumisi si bunso. "Ano ba kayo? Ngayon pa lang talaga nagsisimula ang laro."

Nagserve si Celestine at nasagot naman ito ni Sizzi.

"WHOA!"

Nanalaki ang mata ko. Ang bilis no'ng bola kaya hindi nahabol ni Celestine.

Napanganga si Celestine samantalang nagkibit-balikat lang si Sizzi at ngumisi.

Ngayon pa nga lang nagsisimula ang laban.

Nagserve si Sizzi, nasagot naman ito ni Celestine at inulit na naman ni Sizzi ang tira niya na sobrang bilis no'ng bola.

Lalong lumakas ang cheer para kay Sizzi. Mukhang napipikon na si Celestine.

Sinadya nga ni Sizzi na palamangin muna si Celestine. Para siguro makaranas man lang na nalamangan niya si Sizzi.

Hanggang sa matapos ang laro ay gano'n ang ginawa ni Sizzi. Hindi na tuloy naka-score si Celestine.

Ang lakas ng sigawan dahil si Sizzi ang panalo. Ngumiti naman siya sa mga nag-cheer sa kanya.

Tumakbo agad palapit sina bunso kay Sizzi at ni-congrats ito. Nahalata ko naman na tumitingin-tingin sa paligid si Sizzi.

Sinong hinahanap niya?

Hindi ko na lang pinansin 'yon at kinuha ko ang panyo ko para punasan ang pawis niya.

"H-huwag na. Ako na. May face towel ako." Pigil niya sa kamay ko.

Pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagpupunas ng pawis niya.

Napayuko siya ng kaunti saka napansin kong namula siya. Napangiti na lang ako.

Inabutan ko naman siya ng gatorade na ininom naman agad niya.

"Ate Sizzi, magpalit ka na! Malapit na ang laro nina Kuya!" Sabi ni bunso habang tinutulak-tulak pa si Sizzi.

Napatawa si Sizzi. "Oo na, oo na."

Napansin ko na namang tumingin-tingin siya ulit sa paligid.

Bakit? Ano bang problema?

======

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro