Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #25: Breakers

Therence's Punch

"Meet me at Zone #21. I'll expect you in 15 minutes." Text ni Founder.

Napakunot ang noo ko. May masama bang nangyari?

Buti na lang at tapos na ang klase namin kaya agad kong pinaharurot ang motor ko. Ni hindi ko na pinansin si Clark at Jayzee kahit na tinatawag nila ako.

Mukhang masamang balita ang sasabihin ni Founder.

Pagkarating ko sa Zone #21 ay nandoon din ang ibang group fight leaders. Mabuti na lang at hindi tinext ni Founder si Sizzi.

Oo nga pala, si Sizzi. Agad ko namang tinext si Jayzee at Clark na bantayan muna si Sizzi.

Nang makita ko si Founder ay prenteng nakaupo ito pero naninigarilyo siya. Mukha pang kabado.

Masama nga yata ito.

Itinapon naman ni Founder ang upos ng sigarilyo. "Sa tingin ko ay nandito na kayong lahat na group fight leaders." Bumuntong-hininga ito. "We're facing a big problem."

Nanatili kaming nakinig sa kanya. Pakikinggan muna namin ang sasabihin niya bago kami mag-react.

"May isang grupo with large number of members ang nagsimulang manggulo last week. Their breaking every group fight rules so I called them breakers." May tiningnan si Founder sa cellphone niya. "Last week, ilang beses silang nanggulo sa Zone #9, #12, #17, #18, #25 at #27. I now considered these zones as Danger Zones."

May zones kasi kung saan lang pwede ang group fights. Hanggang Zone #30 lang ang mga ito.

At ngayon, may Danger Zones na.

"Tell your members to be careful. Breakers look like they were trained to be assassins since sobrang galing nila. They wear masks kaya hindi sila makilala. Gusto ko lang na maki-cooperate kayo sa akin para mahuli ang leader nila." Dagdag pa ni Founder.

Narinig ko ang mahinang pagmumura ng ibang group fight leaders. Kahit ako ay napamura sa isip ko.

Sino naman ang leader ng Breakers? Wala bang magawa 'yon sa buhay?

"Therence." Tawag sa akin ni Founder.

"Bakit?"

"You need to protect Sizzi. May nakapagsabi sa akin na may umaali-aligid sa apartment niya nitong mga nakaraang araw."

Nagulat naman ako. Kaya ba ayaw niya akong papuntahin sa apartment niya?

Nagulo ko ang buhok ko sa inis. Paano kung mapahamak na naman siya?

Nakita siguro ni Founder sa mukha ko ang pag-aalala kaya tinanguhan niya ako na parang sinasabi niyang pwede na akong umalis para mapuntahan ko si Sizzi.

Hindi naman ako nagdalawang-isip kaya agad kong pinaharurot ang motor ko.

Tsk, Sizzi. Kailan mo ba ako hindi pag-aalalahanin?

Noong malapit na ako sa apartment building na tinutuluyan ni Sizzi ay napahinto ako.

May umaaligid nga sa apartment niya.

Tiningnan ko ang cellphone ko. May text si Clark at Jayzee.

"Pare, ang daming lalaki rito sa may apartment ni Sizzi." Text ni Clark.

"Naka-antabay pa rin naman kami in case na gawan nila ng masama si Sizzi." Text ni Jayzee.

Napahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at maaasahan ang dalawang ito.

Napansin kong unti-unti nang umaalis ang mga lalaki kaya nagreply ako sa dalawa na pwede na silang umalis dahil parating na ako.

Ipinark ko naman agad ang motor saka patakbong pumunta sa apartment ni Sizzi.

Kumatok ako agad. "Sizzi. Open the door."

"Wait lang hinayupak!" Sigaw ni Sizzi.

Kailan kaya niya ako hindi tatawaging hinayupak?

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at nakita ko na nakatali ang buhok ni Sizzi habang may hawak itong sandok.

"Bakit naka-uniform ka pa? Hindi ka pa nauwi?" Tanong ni Sizzi pagkasara ng pinto nung makapasok na ako.

"You're cooking?" Tanong ko pagkapunta ko sa kusina niya.

Amoy sinigang.

"Yeah. Maluluto na naman. Gusto mong sumabay kumain?" Tanong niya habang hinahalo 'yong sinigang.

Parang nakaramdam naman agad ako ng gutom. "Of course."

Umupo naman agad ako habang hinihintay siyang matapos magluto.

Come to think of it. Para kaming mag-asawa.

Damn. Kinikilig yata ako?

So gay.

"Bakit ka nga pala pumunta rito? Hindi ba sabi ko---"

"Kailan mo balak sabihin sa akin?" Putol ko sa sinasabi niya.

Napatigil naman siya sa paghahalo.

Tumayo ako saka ko siya niyakap mula sa likod. "Pinag-aalala mo na naman ako." Bulong ko.

Napayuko siya. "Sorry."

Hindi na lang ako umimik at hinalikan ko ang buhok niya.

Now, sa ayos namin, para talaga kaming mag-asawa.

"U-umupo ka na do'n. Luto na ito." Biglang sabi ni Sizzi.

I chuckled. Alam ko namang naiilang siya eh.

Humiwalay naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya saka ako kumuha ng dalawang plato, dalawang kutsara't tinidor saka dalawang baso.

"Kailan pa sila umaali-aligid?" Tanong ko pagkakuha ko ng kanin.

"Mga tatlo o apat na araw na." Sagot niya pagkapatong ng ulam sa mesa.

Agad naman akong humigop ng sabaw.

"Masarap ba?" Tanong ni Sizzi.

Hindi agad ako nakapagsalita. Bakit ganito?

Bakit ganito kasarap ang luto ni Sizzi?

"Masama ba ang lasa? Akin na nga. Bibili na lang ako ng---"

"No." Agad kong iniwas ang bowl na pinaglalagyan ng sinigang. "May sinabi ba akong masama? Sobrang sarap kaya."

"Joke ba 'yan?"

"Of course not sweetheart! Pwede na nga eh."

"Pwede nang ano?"

"Pwede ka nang mag-asawa."

Agad na napaubo si Sizzi kahit na wala naman siyang iniinom. Napatawa naman ako ng mahina saka siya inabutan ng tubig.

"Umayos ka nga! Ibuhos ko 'yang sinigang na 'yan sa'yo eh!" Sigaw niya.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Hindi na nga. Hindi na nga po."

Umismid lang si Sizzi kaya lalo akong napatawa. Kumain na lang kami.

"Paano mo nalaman?" Tanong niya.

"Sinabi ni Founder. They are called Breakers." Sabi ko pagkasandok ko ulit ng kanin. 2nd batch na 'to.

"Breakers?"

"Yes, so be careful. Sabi ni Founder ay mukhang na-train talaga sila to be assassins." Uminom ako ng tubig. "And please, huwag ka nang pupunta sa Zone #9, #12, #17, #18, #25 and #27. They are now considered as Danger Zones."

Napatulala si Sizzi. Parang may malalim siyang iniisip.

"Sweetheart."

Napakurap siya ng mabilis. "Bakit?"

"Masyado mo akong iniisip. Nandito lang naman ako sa harap mo."

Naningkit ang mata niya. "Gusto mo ba talagang mabuhusan ng mainit na sinigang?"

Napatawa ako at sumandok ulit ng kanin. Pang-apat na ito.

"Mabuti na lang pala at marami akong sinaing." Naiiling na sabi ni Sizzi.

"Bakit nga ba ang dami mong sinaing? Eh ikaw lang naman dito?"

"Para bukas. Baka kasi bigla akong tamaan ng katamaran, eh 'di iiinit ko na lang."

Pinisil ko naman ang ilong niya. Kahit kailan talaga.

"Ano ba!" Reklamo niya at tinampal ang kamay ko.

Napatawa ako ng mahina pero agad din akong sumeryoso. "Kidding aside."

Napatingin siya sa akin.

"You'll stay at my condo starting tomorrow."

Nabitawan ni Sizzi ang kutsara't tinidor niya. "WHAT?"

======

Sa totoong buhay eh hindi naman talaga magaling magluto si Jessica. Haha! Imagine-in n'yo na lang.

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro