Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #24: Weird

Sizzi's Punch

"When did Constantine the Great found the Byzantine Empire?" Rinig kong tanong ni Ma'am Social Studies.

Graded recitation namin ngayon. Bawal ang tumingin sa libro at notes. Kung sino ang makasagot, eh 'di 'yon lang ang may grades.

"Yes, Mr. Villon?" Tawag ni Ma'am Social Studies.

"330 A.D. Ma'am."

"Very good."

Well, rank number three eh. What do you expect?

"What is the capital of Byzantine Empire?" Tanong pa ni Ma'am. "Yes, Ms. Fernandez?"

"Constantinople Ma'am. Its former name was Byzantium. Constatine the Great rebuilt this city and named it Constantinople. This city is called Istanbul today, a city located in Turkey."

"Very well said, Ms. Fernandez."

Ang haba naman ng sagot. Capital lang naman ng Byzantine Empire ang tinatanong.

Rank number one eh.

"How did Byzantine Empire ended?"

"In the late 1000's, the Byzantine Empire started to decline. Its territories, constantly under attack by the Turks, were invaded also by the Crusaders, who held Constantinople for more than 50 years. In 1453, Constantinople fell finally to the Turks. That's how Byzantine Empire ended." Sagot ko habang nakahalumbaba akong nakatingin sa bintana.

Biglang nanahimik kaya napatingin ako sa unahan. Nakita kong medyo nakanganga si Ma'am. Hindi siguro niya inaasahan na sasagot ako.

"And when Constantinople fell to the Turks in 1453, many of the learned men who had lived there fled to other cities in Western Europe, often taking with them classical manuscripts. So they helped arouse an interest in the learning of ancient Greek throughout Europe. The date 1453 is widely thought as the end of the Middle Ages and the beginning of the Renaissance, a word meaning 'rebirth' of interest in ancient learning." Dagdag ko pa habang nakatingin ng diretso kay Ma'am.

Ginaya ko lang 'yong rank number one namin na napakahaba sumagot. At nakakapagod magsalita ng mahaba.

Nakatunganga lang sa akin si Ma'am Social Studies. Honestly speaking, bitter sa akin si Ma'am. Hindi ko alam kung bakit. Basta, ang init ng ulo niya sa akin.

Sa kanya ako nakatanggap ng pinakamababang grade ko noong first grading. Biruin n'yong nakatanggap ako ng mataginting na 85. Nahiya pang gawing 84 para mawala na ako sa Class 3-A.

Perfect ko kaya ang quizzes niya saka 'yong First Periodical exam niya.

Ang dahilan niya eh hindi raw naman ako nagre-recitation.

Paanong magre-recitation ako eh tinatamad ako? At isa pa, lagi kayang ang tinatawag lang niya ay Fernandez, Porta at Villon.

Sinong gaganahang magrecitation sa kanya? Kaya nga hindi na rin tumataas ng kamay 'yong iba kong kaklase eh.

Bigla namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Well, maliban do'n sa rank one to three. Tsk, mga competitive masyado. Hindi naman nila 'yon madadala kapag namatay na sila.

"Wooo~ da best ka Sizzi!"

"Kabisado mo ba ang buong libro?"

"Teka, hindi naman ata nakalagay sa libro 'yong huling sinabi ni Sizzi."

"Ilang libro kaya ang binasa ni Sizzi?"

Napaayos ako sa bangs ko at medyo napangiti. Hanggang ngayon eh naninibago pa rin ako sa compliments na naririnig ko galing sa kanila. Well, may iba pa rin na sobrang sama kung makatingin at magsalita tungkol sa akin.

'Yong mga 'yon eh 'yong mga baliw na baliw kay hinayupak.

Naramdaman kong ni-pat ni hinayupak ang ulo ko. Paglingon ko sa kanya ay nakangiti ito. "Nice answer Sizzi."

"Tss." Ismid ko at tinanggal ang kamay niya sa ulo ko sabay tingin ulit sa bintana.

***

What is the mass of 5.0 mol of Carbon?

Nandito ako ngayon sa sala ng apartment ko at busy sa pagsasagot ng assignment sa Chemistry.

Nakaupo ako sa sahig tapos 'yong maliit or mababang mesa ang pinagsusulatan ko.

Madali lang naman 'tong assignment. Sobra.

Wew, yabang.

No'ng matapos na ako sa assignment sa Chemistry ay assignment sa Math naman ang inatupag ko.

Find the surface area of a pyramid with a base of 4.2 cm and a slant height---

Napatingin na naman ako sa pinto no'ng may marinig akong mga yabag. Kanina pa 'yon, mga isang oras na.

Pabalik-balik sa harap ng pinto ng apartment ko.

Sino naman kaya 'yon? Nasa dulo ng hallway ang apartment ko, at walang umuupa sa tapat ng apartment ko. Ano 'yon, trip lang no'ng tao na magpabalik-balik?

Hindi ko naman binubuksan ang pinto dahil hindi naman kumakatok.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na 'yon pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagsasagot sa assignment ko.

"When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off  of your feet."

"Hello?" Bungad ko pagkasagot ko sa tumatawag sa cellphone ko nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller.

Kaso walang nagsasalita.

"Hello?" Ulit ko.

Pero wala pa ring nagsasalita.

In-end ko na lang 'yong call. Saka ko lang nakita na unregistered number pala 'yong tumawag sa akin.

Sino naman kayang walang magawa sa buhay ang tumawag na 'yon?

"When your legs don't work---"

"Hello?" Pagalit kong sabi.

"Hey! Bakit ka galit Sizzi?"

"Therence!" Gulat kong sabi.

Tiningnan ko ang cellphone ko at si hinayupak nga ang tumatawag.

Napahinga ako ng maluwag.

"May problema ka ba Sizzi? May nanggugulo ba sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong.

"Oo, ikaw."

"Kakamustahin lang naman kita."

"OA ka. Parang hindi tayo nagkita kanina ah."

".... lang.... kita."

"Ano?" Ang hina kasi ng pagkakasabi. Hindi ko naintindihan.

"Wala, wala."

"Ay 'di wala!"

"Banat na naman 'yang boses mo." Natatawa niyang sabi. "But are you sure that you're fine? Is there someone or something bothering you?"

Hindi ako nakapagsalita. Sasabihin ko ba kay hinayupak? Baka naman kasi sabihin niyang napa-paranoid lang ako.

"Sizzi."

"Bakit?"

"Parang wala ka sa sarili mo. Wait me there sweetheart. Expect me in 10 minu-----"

"Huwag kang OA hinayupak." Putol ko sa sinasabi niya. "I'm fine, really. Dinaig mo pa sina Mama."

"I'm just---"

"Ibababa ko na 'to. Bye." Agad kong in-end ang call dahil may narinig na naman akong mga yabag.

Pakiramdam ko eh hindi iisa ang pabalik-balik na 'yon, iba-iba kasi 'yong tunog ng yabag, 'yon bang may magaang maglakad kaya mahina lang, may mabigat ang paa kaya malakas ang yabag, may sobrang bilis, may mabagal at iba pa.

Tumayo ako at pumunta sa terrace. Mabuti na lang pala at medyo madilim dito.

May bintana sa dulo ng hallway na mga five feet siguro ang taas kaya pwede kong silipin mula rito sa labas kung sino man ang pabalik-balik na 'yon.

Tumuntong ako sa railings saka ako umakyat doon sa sementadong pwedeng tuntungan sa itaas no'ng bintana. Tumawid ako papunta sa terrace ng katapat kong apartment.

Sumilip ako sa bintana.

At tama nga ang hinala ko. Ang daming lalaki sa labas ng apartment ko at nakaabang sa may pinto kung lalabas ba ako o hindi.

Pagsilip ko sa baba ay napakarami ring lalaki.

Napakunot ang noo ko. Anong kailangan ng mga 'to sa'kin? Wala naman akong utang sa kanila. Hindi rin naman kami mayaman.

Weird.



Therence's Punch

"Sweetheart."

"Hmm?" Lumingon sa akin si Sizzi.

"Kanina ka pa tulala. What's bothering you?" Nag-aalala kong tanong.

Nung tawagan ko siya kagabi eh medyo tahimik siya. Para bang may malalim siyang iniisip.

Umiling-iling si Sizzi. "Nothing."

"You sure?"

Tumango siya, pero halatang lumilipad sa ibang dimensyon ang isip niya.

"Sweetheart."

"Ano?"

"Sweetheart."

"Ano nga?"

Napangiti ako. Hindi na siya nagagalit kapag tinatawag ko siyang sweetheart. "Sigurado ka bang ayaw mong sabihin? Alam kong there's something that bothers you."

"It's nothing." Bumuntong-hininga siya. "Basta huwag ka na ulit pupunta sa apartment ko at huwag mo lagi akong samahan pauwi. Maliwanag?"

Napakunot ang noo ko. "Why?"

"Basta." She let out an exasperated sigh. "Please Therence?"

Tumango na lang ako.

I know that there's something bothering her. Isn't it really something? Or someone?

I need to find that out.

=====

Hala! Sino kaya 'yon?

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro