Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #23: RenZzi?

Sizzi's Punch

"Hi Sizzi!"

"Good morning Sizzi!"

"Hello po Ate Sizzi!"

Nginitian ko lang ng alanganin ang mga bumabati sa akin.

Anong meron ngayon? Bakit nila ako binabati? Hindi na ba sila natatakot sa akin?

Aba himala.

"Hello po Ate Sizzi! Ang galing mo po no'ng Friday!" Sabi no'ng nakasalubong kong lower year.

"Ah? S-salamat." Naiilang kong sabi.

Ano ba talagang meron ngayon?

Napaayos tuloy ako ng side bangs ko. Nakakailang. Yumuko na lang ako.

Hindi ako sanay na nginingitian nila ako ngayon. Sanay kasi ako na mapanuring tingin ang ibinibigay nila sa akin.

Kapag nga makakasalubong ko sila dati ay umiiwas agad sila saka tatabi. Pero ngayon, sinasalubong na nila ako at nakangiti pa.

Waaaa~ Naloloka na 'yong utak ko!

Umiling-iling ako habang hawak ko 'yong ulo ko. Siguro aakalain nilang nababaliw na ako.

Dahil nakayuko ako habang naglalakad, naramdaman ko na lang na may tao sa harap ko at hinawakan ang braso ko para mapahinto ako sa paglalakad.

Buti na lang, kundi, nabangga ko na siya.

"Careful Sizzi." Sabi no'ng mababangga ko sana.

Napatunghay ako. Fudge! Si hinayupak! Nanlaki ang mata ko.

"Good morning to you too, sweetheart." Natatawa niyang sabi.

Napakurap naman ako saka pumiglas sa pagkakahawak niya.

Lalo naman siyang natawa.

Sinamaan ko nga ng tingin. "Tantanan mo na nga ang pagtawag mo sa akin ng sweetheart, hinayupak!"

"Bakit sila nginitian mo no'ng binati ka ng good morning? Bakit ako hindi?"

Naningkit ang mata ko. "Wala kasing good sa morning dahil nakita kita."

Humawak pa ito sa dibdib nito at nag-act na nasasaktan. "You hurt me sweetheart. Parang good morning lang eh."

"Ewan ko sa'yo." Sabi ko at nilampasan siya.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya saka siya sumunod sa akin.

"Para kang artista kanina. Ang daming bumabati sa'yo." Sabi niya habang nakapamulsang naglalakad.

"Nakakapanibago nga eh. Dati ang sama ng tingin sa akin, tapos biglang ganyan sila ngayon sa akin."

"Gawa siguro no'ng concert." Kibit-balikat niyang sabi.

Napayuko naman agad ako. Kapag nababanggit kasi 'yong concert ay 'yong duet namin ni hinayupak ang naaalala ko.

Tae, uminit na naman ang pisngi ko.

"Sizzi?" Sabi ni hinayupak at hinawi ang buhok ko.

Pansin n'yo ba? Lagi niyang hinahawakan ang buhok ko. Inggit ata 'to sa buhok ko eh.

"B-bakit?"

"Why are you stuttering? May sakit ka ba?" Nag-aalala niyang sabi saka hinawakan ang noo ko. "Namumula ka pa. Okay ka lang ba?"

"Ayos lang ako. Bitaw na nga." Tinabig ko ang kamay niya.

Lalakad na sana ako pero humarang siya sa akin at mataman akong tiningnan.

Aish.

Napatawa siya ng mahina saka niya inilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko. "Alam ko na kung bakit, kahit huwag mo nang sabihin."

"Namo." Mura ko sa kanya saka ko siya nalampasan.

Humagalpak naman siya ng tawa habang ako ay nakayuko para maitago ang pamumula ng mukha ko.

"Kyaaaa~ ang sweet ng RenZzi!"

"Ehhh~ Fan na ako ng RenZzi!"

Kumunot ang noo ko. Anong RenZzi? Or sinong RenZzi? Transferee? Aba matatapos na ang September ah?

Nagkibit-balikat na lang ako saka pumasok na sa room namin.

***

"Good morning class."

"Good morning Ma'am."

Hindi ko ulit pinansin si Ma'am. Nakatingin lang ako sa bintana.

"Congratulations sa ating lahat dahil naging successful ang concert at marami tayong natulungan." Sabi ni Ma'am at pumalakpak kaya nakipalakpak ang mga kaklase ko.

"Thank you sa ating mga performers na talaga namang bigay-todo ang performances at napanganga tayong lahat." Dagdag pa ni Ma'am. "Sizzi."

Bigla akong napalingon kay Ma'am dahil tinawag niya ako.

Ngumiti si Ma'am. "Ang galing-galing mo no'ng Friday. Napamangha mo talaga ako. At the same time, you made me feel proud dahil estudyante kita. You did a great job."

Hindi ko alam pero automatic akong napangiti dahil sa sinabi ni Ma'am. Nag-bow pa ako ng konti ng ulo ko bilang pasasalamat.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Bakit kaya? Dahil ngumiti ako at nag-bow?

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Ma'am. "Ang gaan sa pakiramdam na makita kitang nakangiti Sizzi."

Nailang naman ako. Napayuko ako at napaayos ng bangs ko. Mannerism ko kapag nahihiya o naiilang ako.

"Okay class, let's start our discussion na?" Sabi ni Ma'am kaya napaangal ang mga kaklase ko.

Napatingin naman ako sa katabi ko. Nakangiti habang nakatingin siya sa akin.

Yumuko na lang ako sa mesa ko at nagkunwaring tulog.

***

"Ate Sizzi! Ang galing-galing mo talaga no'ng Friday! Hindi kami matigil sa pagsigaw eh!" Sabi ni Ericka.

"Oo nga! Lalo na no'ng duet n'yo ni Kuya! Grabe! Kinikilig ako!" Dagdag pa ni Rica.

"Ikaw Ate Sizzi ang most outstanding sa lahat! Grabe!" Dagdag pa ni Amae.

Napailing na lang ako. Bakit ba hindi sila maka-move on?

Eh hindi ka nga rin maka-move on do'n sa duet n'yo ni Therence.

Pinukpok ko ang ulo ko. Epal na naman eh.

"You're arguing again against yourself." Sabi ni hinayupak.

Napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman 'yon?

Nagkibit-balikat siya na para bang nababasa niya ang nasa isip ko.

Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin.

Nahagip ng paningin ko si f*cking creature. Ang sama ng tingin niya sa akin.

Bumuntong-hininga na lang ako at umiling.

"Is there any problem sweetheart?" Nag-aalalang tanong ni hinayupak.

Tinutukan ko siya ng tinidor. "Tawagin mo pa akong sweetheart, tutusukin kita ng tinidor."

Napatawa naman siya. "Makakaya mo talaga akong saktan?"

"Bakit naman hindi? Gusto mo pitikin pa kita papuntang Pluto at hanapin mo do'n ang mga kapwa mo alien."

"Aray naman sweetheart. It's right by your side where I belong."

"Hayup Therence Lloyd Morales! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" Nanlalaki ang matang sabi ko sa kanya.

Napangiti siya. "You called me by my full name. May improvement na kahit papaano."

Napailing ako. "Malala ka na." Bumaling ako kay Rica. "Pakisabi sa parents n'yo ipagamot na 'tong hinayupak na ito, sobrang lala na kasi."

Napangiti si Rica. "Ikaw lang ang makakagamot kay Kuya, Ate Sizzi."

Muntik na akong malaglag sa upuan ko. Pambihira! Akala ko kakampi ko si Rica!

"Bakit ako ang makakagamot? Hindi naman ako doktor." Sabi ko at nilantakan ang pagkain ko.

Nakakagutom makipagbangayan sa hinayupak na ito.

"Kanino ka kaya nagmana ng pagkapilosopo, Sizzi?" Natatawang sabi ni Jayzee.

"Malamang sa magulang ko. Alangang sa magulang mo. Common sense naman Jayzee." Pang-aasar ko.

Napatawa naman sila.

"Basag ka do'n pare!" Pang-aasar ni Clark kay Jayzee at binatukan pa si Jayzee.

"Namo pare, pwede namang asar na lang, may kasama pang batok!" Reklamo ni Jayzee.

Napatawa na lang ako sa kalokohan no'ng dalawa.

Napatigil ako sa pagtawa dahil nahagip ng paningin ko si hinayupak na nakatingin at nakangiti sa akin.

"What?" Singhal ko.

Umiling lang siya pero nakangiti pa rin siya sa akin.

"Huwag nga!" Sabi ko at itinulak ang mukha niya paharap sa ibang direksyon.

"Bakit?" Natatawa niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo." Sabi ko at tumuloy na lang sa pagkain.

Pero ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin. Kainis naman.

"Ang sweet ng RenZzi!"

"Tingnan mo oh! Tingnan mo kung paano tumingin si Therence kay Sizzi! Kyaaaa~!"

"RenZzi forever!"

Sino ba 'yang RenZzi na 'yan ha? Tapos nadamay pa kami ni hinayupak! Aba naman!

"Hinayupak."

"Yes sweetheart?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sino ba 'yong RenZzi? Kanina ko pa naririnig eh."

Nagulat ako dahil humagalpak siya ng tawa. Oo, hagalpak talaga. Rinig sa buong canteen, kaya ayan, nakatingin sa kanya ngayon lahat ng estudyante.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Natatawa pa rin niyang sabi.

Pati sina Rica medyo natatawa. So ako lang ang may hindi kilala kay RenZzi?

"Ay 'di huwag mong sabihin kung ayaw mo. Bwisit!" Naiinis kong sabi.

Pinisil niya ang ilong ko. "Sweetheart, RenZzi is the combination of our names."

Gulat na napatingin ako sa kanya. WHAT. THE. F*CK.

"Tama ba 'yong pagkakarinig ko? Combination ng names natin? At bakit naman nila pinag-combine ang mga pangalan natin? Wala na ba silang magawang matino sa buhay nila kaya pati pangalan natin ay pinagdidiskitahan?" Mahabang lintanya ko.

Napatawa ng mahina si hinayupak. "It's our couple name, sweetheart."

"COUPLE NAME!" Sigaw ko habang nanlalaki ang mata ko. "Mukha ba tayong couple?"

Nagkibit-balikat lang siya. Nang-aasar ba 'to?

"Nakakaiyamot ka talagang hinayupak ka." Sabi ko.
(A/N: Nakakaiyamot = nakakainis)

Pinisil lang niya ang pisngi ko saka ako kinindatan.

Hayup.

Hayup na puso. Ang bilis na naman ng tibok.

Hayup na puso. Mahuhulog na ata.

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro