Fight #21: The Concert (Part 2)
Rica's Punch
"Thank goodness! Nakaupo rin tayo!" Sabi ni Ericka habang pinapahid ang pawis niya.
"Sobrang daming tao! Akala ko pa naman Jayden students lang ang pwede. Kaso may outsiders din!" Reklamo ni Amae pagkainom niya ng tubig.
Tahimik lang akong nagpunas ng pawis ko.
Ngayon na 'yong concert at sobrang daming tao nga! Buong akala talaga namin ay Jayden students lang ang pwede pero nagulat kami sa sobrang dami ng tao dahil pati pala outsiders ay pwede.
I bet, ang laki ng nalikom na pera ng concert na ito.
And we are glad to help.
VIP tickets ang kinuha namin, na sina Kuya ang nagbayad. Well, this is the happiness of being the youngest.
Kumo-conyo na naman ako. Nakakainis si Ms. Author ah?
Anyway, 7 PM na ngayon pero 8 PM pa magsisimula 'yong concert. Agapan daw kasi namin para konti pa lang ang tao, kaso 'yon nga, sobrang dami na agad.
Alam na naman naming dahil kina Kuya kaya sila manonood eh.
"Kasali pa kaya si Sizzi?" Rinig kong sabi no'ng nasa likuran namin.
"Hindi na siguro. Sabi naman kasi ni Celestine ay hindi 'yon uma-attend ng practice."
"Wala naman kasi atang talent ang basagulerang 'yon. Except sa makipag-away and to flirt Therence."
Parang napanting ang tenga ko sa narinig ko. Mga kalahi 'to ng stupid witch na si Celestine.
"Baka gusto n'yong makaladkad palabas ng gymnasium?" Sabi ni Amae at tinaasan ng kilay ang dalawang babae.
Mukhang nabigla naman sila dahil hindi nila akalaing kami ang nakaupo sa unahan nila.
"May marinig pa kaming hindi magandang salita galing sa mga bunganga n'yo, mararanasan n'yong makaladkad na ang nakalapat sa sahig ay 'yang mga pagmumukha n'yo!" Dagdag ni Ericka.
Parang namutla naman ang dalawa saka natatarantang umalis. Psh, mga duwag naman pala ang mga 'yon.
"Mga duwag." Sabi ko. "Natakot sa tatlong 14 years old lang? Grabe."
"Well, dahil 'yon sa tunay na katauhan natin na nagle-level up hanggang 20 years old!" Natatawang sabi ni Amae.
Napatawa kami.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko dahil si Kuya ang tumatawag.
"May problema ba Kuya?"
"I've been calling Sizzi pero out of coverage ang cellphone niya. Wala pa kasi siya rito. I'm worried na baka—"
"Hey! Relax Kuya." Natatawa kong putol sa mga sinasabi niya. "Ate Sizzi is fine. In fact, dumaan muna kami sa apartment niya to check her kung kailangan niya ng tulong. Mamaya ay papunta na rin siya dyan."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya sa relief. "Baka nakatulog 'yon. Ma-late pa 'yon eh."
"Oh, trust me Kuya, she won't." In-end ko na ang call.
Hindi ko maiwasang kiligin kay Kuya at Ate Sizzi. Lume-level up na sila.
Kuya already began to show his sweet side to Ate Sizzi. But he's always absentminded when he does that. Para bang nagkukusa ang katawan niya.
Si Ate Sizzi naman, laging nagba-blush. Feeling ko ay nabawasan din ang pagiging cussing machine ni Ate Sizzi.
Pero ando'n pa rin ang bangayan nila. Nadagdagan lang ng sweetness dahil kay Kuya.
Kaninang tanghali kasi ay magkakasama kami. Kaya I noticed all the changes.
7:30 na. Medyo matagal pa. Buti na lang nagdala kaming pagkain kundi magugutom kami.
Therence's Punch
"Good evening people!" Rinig kong sabi nung MC na lalaki.
Magsisimula na't lahat-lahat ay wala pa rin si Sizzi.
Pero sabi naman ni bunso ay ayos lang siya. Baka mamaya pa 'yon kasi ikalima pa silang magpe-perform.
"Wow, sobrang daming tao. We didn't expect this. We want to extend our gratitudes to all of you for helping us to make this concert possible. And! We're glad to inform you na nakalikom tayo ng almost P300,000! Kaya thank you very much everyone!" Sabi ng babaeng MC.
Wow, ang laking pera nun. Marami kaming matutulungan.
"So, hindi na namin kayo paghihintayin pa. Let's give a big hand to our performers!" Sabay na sabi ng MCs.
May tumugtog naman agad. 'Yong opening number. Wala pa naman kami do'n kaya nakatambay pa kami rito sa backstage, dressing room namin to be exact.
"Ahem! Ahem!" Napatawa kami kasi kanina pa nagki-clear throat si Jayzee. Feeling singer eh.
"Tama na nga 'yan Jayzee! Para kang gag*! Akala mo naman singer ka nga!" Sabi ni Clark at binato pa ng plastic bottle si Jayzee, na nailagan naman nito.
"Mahirap na 'no! Baka mamaya, pumangit ang boses ko." Depensa ni Jayzee.
"Pangit talaga ang boses mo, gag*!" Kantyaw ko sa kanya.
Nagpatuloy pa 'yong concert. May screen naman kasi rito sa dressing room namin kaya nakakapanood pa rin kami. Tapos na ang ikaapat na performance.
Sina Sizzi na.
"Andyan na kaya si Sizzi?" Tanong ni Clark. "Sila na ang kasunod oh."
"Hey audiences! What can you say about the performances that you just had witnessed?" Tanong nung babaeng MC.
Nagsigawan naman ang audiences.
"Masaya kami dahil nagustuhan n'yo." Natatawang sabi nung lalaking MC. "But the next performance that you will witness is different from the others. Who are KPop fans here?"
Marami ulit ang nagsigawan.
"Wow, KPop indeed has a large population." Manghang sabi nung babaeng MC. "At isa na ako sa fan ng KPop! So, are you guys ready?"
Sigawan ulit.
"Let us all watch a cover version of Girls' Generation!" Sabay na sabi ng MCs.
Sobrang dilim ng stage. Pero may music na tumugtog at may narinig kaming kumanta.
"Geobi naseo shijakjocha an hae bwattamyeon
Geudaen tudeoldaeji marajom
(GG)."
Nanlaki ang mga mata ko. Boses 'yon ni Sizzi!
Biglang nagliwanag ang stage and there, I saw Sizzi.
Biglang natahimik ang lahat. Mga gulat siguro na makita si Sizzi.
"Jujeohamyeon gihweneun modu neoreul bikyeoga
Gaseom pyeogo nawabwara jom
(TRX)
Bring the boys out."
Parang pang-majorette ang suot ni Sizzi. Meron pa siyang suot na maliit na tiara. Siya lang din ang nakapalda, 'yong iba kasi ay short or 'yong fit na slacks(?) Siya lang din ang nakasuot ng white na damit, samantalang 'yong iba ay puro dark colors ang kulay ng damit.
And she looked gorgeous. Napakasimple lang ng make up niya pero siya ang outstanding doon sa siyam.
"Yeah, you know
B-bring the boys out
We bring the boys out, we bring the boys out, yeah
B-bring the boys out."
"Everyone make some noise!" Sigaw ni Celestine.
Siya ang nag-cover sa parts ni Tiffany. 'Pag nanonood si bunso ng videos ng SNSD, si Tiffany lagi 'yong sumisigaw ng gano'n.
Parang napilitan lang ang audience na sumigaw.
Nakatitig lang ako kay Sizzi. I was mesmerized again by her movements.
"Girls' Generation make you feel heat
Jeon segyega neoreul jumokhae
B-bring the boys out
Wipungdo dangdanghaji ppyeossokbuteo
Neon wollae meotjyeosseo
You know the girls?
B-bring the boys out."
Biglang nag-iba ang music. Parang naging remix.
Mukhang 'yong performance ng SNSD dati sa MAMA Singapore ang ginaya nila. 'Yong pinag-remix ang Korean version at English version ng The Boys.
At turn na si Sizzi.
"Wanna know my secrets from them I'll never tell
'Cause I got them magic touch them
Imma try and I fail
That's right (Yeah right)
I-I (Yeah right)
Come tonight
I know I can fly."
Holy sh*t.
"May inatake sa puso! Jayzee! Tumawag ka ng ambulansya!"
"Gag*! Na-stroke 'yan!"
Hindi ko pinansin ang dalawang gag*ng kasama ko.
Dahil ang utak ko ay busy pa sa pagre-replay kung paano ngumiti at kumindat si Sizzi pagkakanta niya ng part niya.
Isa pang holy sh*t.
Naramdaman kong may yumugyog sa akin. "Therence! Aba! Galaw-galaw!"
Natauhan naman ako.
Rinig na rinig ko ang malakas na sigawan ng tao. Dahil nga remix ang ginawa nina Sizzi, nakafocus ito sa sayaw. Alam n'yo 'yan, kung napanood n'yo ang performance ng SNSD sa MAMA Singapore. At si Sizzi ang nasa gitna.
Mukhang naka-get over na sila na magaling sumayaw at kumanta si Sizzi.
"'Cause the girls bring the boys out
Girls bring the boys out
Girls bring the boys out
Girls bring the boys out~"
Nanlaki ang mata ko. F*ck! Nakaya ni Sizzi ang mataas na part na yun?
"B-bring the boys out."
Malakas ang naging hiyawan ng audience. May naririnig pa akong isinisigaw ang pangalan ni Sizzi.
Sizzi definitely made our jaws dropped.
Namatay ulit lahat ng ilaw kaya akala namin ay tapos na pero hindi pa pala.
"Sowoneul malhaebwa."
Tapos parang nag-echo ito.
"Sowoneul malhaebwa."
Nag-echo ulit.
"Sowoneul malhaebwa."
At nag-echo ulit.
"Turn it up, just turn it up, that's right. C'mon."
Nagliwanag na naman ang buong stage.
"Sowoneul malhaebwa, ni mamsokae itneun jaguen ggomeul malhaebwa."
Pumunta si Sizzi sa gitna. Turn na pala niya.
"Ni meorieh itneun isanghyun geul geuryuhbwa
Geurigo nareul bwa
Nan nuh eh genie ya, ggomiya, genie ya."
Ngumiti si Sizzi kasabay ng malakas na hiyawan ng tao. Wow. Ang dami agad niyang fans.
"Geuraeyo nan nul saranghae unjaena miduh
Ggomdo yuljungdo da joogo shippuh
Nan gudae sowoneul ilyuhjoogo shipeun
Hengoonae yeoshin
Sowoneul malhaebwa (I'm genie for you, boy)
Sowoneul malhaebwa (I'm genie for your wish)
Sowoneul malhaebwa (I'm genie for your dream)
Naegaeman malhaebwa (I'm genie for your world)."
"Pare, genie mo raw si Sizzi." Nang-aasar na sabi ni Jayzee.
Natatawang tinuro ako ni Clark. "P*ta pare, tulo-laway ka!"
Pinahid ko ang bibig ko pero wala naman kaya lalong natawa ang dalawang gag*.
Binato ko naman sila ng balat ng V-cut. "P*tang*na n'yong gag* kayo!"
Lalong napahagalpak ang dalawa.
"Eh 'di lalo ka nang na-in love kay Sizzi n'yan?" Tanong ni Jayzee.
Nginisian ko lang sila at uminom ng tubig.
Hell yeah.
Sizzi's Punch
Agad akong kumuha ng tubig pagkarating ko sa backstage. Katatapos lang ng performance namin. At sobrang nakakahingal! Kapagod!
Dalawang kantang magkasunod ba naman 'yon tapos sumasayaw habang kumakanta kami!
Kumuha agad ako ng face towel at pinahid ang pawis ko.
"Waaaaa~ Sizzi! Ang galing-galing mo!" Salubong sa akin no'ng isang organizer.
Ngumiti naman ako. "Salamat."
Halos lahat ng makasalubong ko sa backstage ay pinupuri ako. Nginingitian ko lang sila.
Ang saya pala sa pakiramdam.
I mean, worth it itong concert na ginanap. Bukod sa makakatulong na kami ay napasaya pa namin ang mga nanood.
Na-feel ko rin ang support nila sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti kapag naririnig ko ang sigawan nila 'pag part ko na ng kanta.
Ang sarap sa feeling!
"Oh my God Sizzi! You did it! Sobrang galing mo!" Tili ni Ate Yachie at niyakap ako ng mahigpit.
"Ate Yachie, pawisan ako!" Natatawang sabi ko.
"Hayaan mo na!" Tumawa si Ate Yachie. "Punta ka na ng dressing room n'yo nang makapagpalit ka na. Dali!"
Napatawa na lang ako.
Naglakad na ako papunta sa dressing room pero nakasalubong ko si f*cking creature.
Oh damn. May balak pa ata siyang sirain ang mood ko.
"Akala mo naman magaling ka? You suck, for your information. Naka-lip sync ka lang ata kanina." Taas ang isang kilay na sabi nito.
Lip sync? Putspa talaga ang f*cking creature na 'to. Mukha bang nag-lip sync ako kanina?
Napailing na lang ako at nilampasan siya.
Pero talagang ginagalit niya ako dahil hinigit niya ang buhok ko.
Talaga naman.
"Let go of Sizzi, Celestine!"
Napalingon kami kung saan galing ang boses na 'yon. Nakita ko si hinayupak na madilim ang mukha at papalapit sa amin.
Agad namang binitawan ni f*cking creature ang buhok ko.
"Kasi Therence, siya ang nagsimula. I just did that to defend myself. It's not what you think." Sabi ni f*cking creature.
Naningkit ang mata ko. Aba't talagang binabaligtad pa ang sitwasyon!
Lumapit si hinayupak sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Are you alright, sweetheart?"
"I'm fine." Maikling sagot ko.
Nagiging habit na niyang tawagin akong sweetheart.
"Please Therence, listen to me—"
"I'll walk you to your dressing room." Sabi ni hinayupak sa akin at hindi pinansin ang sinasabi ni f*cking creature.
Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan ni hinayupak ang likod ko at nagsimula na kaming maglakad.
Nilingon ko sa f*cking creature. Ayun, nagdadabog dahil sa inis.
"Ang sama ng ugali mo. Ni hindi mo man lang pinansin si f*cki— si Celestine." Sabi ko.
"Do you want me to?" Natatawang tanong ni hinayupak.
Nagkibit-balikat ako. "It's up to you. Pero huwag ka nang umasang papansinin pa kita."
"Then I'll never do that."
Nakarating na kami sa dressing room.
Nagulat ako dahil kinuha ni hinayupak ang face towel sa akin at siya ang nagpunas ng pawis ko.
"You were amazing back there, sweetheart. You shocked us." Nakangiting sabi ni hinayupak. "And you look gorgeous."
Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya kaya napayuko ako.
Napatawa ng mahina si hinayupak at tinapik-tapik ang chin ko gamit ang hintuturo niya. "Malapit na kaming mag-perform."
Napatunghay naman ako. Oo nga pala. Kaya siguro nakita niya kami ni f*cking creature.
"Watch me sweetheart." Sabi ni Therence at tumalikod na para umalis.
Wait. Did he just winked at me?
Napa-roll eyes ako. Pero nakangiti akong pumasok sa dressing room.
I'll watch him, of course.
=========
Masakit sa dibdib habang tinatype ko ito. Naalala ko na naman kasing na-forced out na si Jessica sa SNSD. Siya pa naman ang ultimate bias ko Hindi ko pa rin kasi matanggap hanggang ngayon.
Kung nakita n'yo lang ako no'ng mabasa ko 'yong news sa internet, naglupasay talaga ako. Grabe ang iyak ko, daig ko pa ang na-brokenhearted.
Anyway~ Ayan, ang haba na naman ng note ko. Bwahahaha! Mas mahaba pa sa update.
Isa pang anyway~ Happy birthday to me! Bwahahaha! Please comment :3 I will highly appreciate that. Pa-birthday n'yo na sa akin!
Ang haba nitong Fight #21! Favorite number eh. Mehehehe.
Songs used:
The Boys by SNSD
Genie (Tell me your wish) by SNSD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro