Fight #20: The Concert (Part 1)
Therence's Punch
Hindi na naman siya um-attend ng practice.
Pero ang nakakapagtaka ay hindi siya pinapagalitan ni Ma'am Adviser.
"Wala na naman si Sizzi. Bukas na kaya 'yong concert!" Puna ni Clark.
Oo, bukas na nga 'yong concert. General rehearsals nga ngayon para sa blockings at pagkakasunud-sunod ng performances.
Ni hindi hinahanap ng choreographers si Sizzi.
Nakakapagtaka talaga.
Napabuntong-hininga ako. Ilang linggo na pala ang nakalipas mula no'ng inakala ni Sizzi na magta-transfer kami ni bunso sa Castlelites Academy.
At simula no'n, pakiramdam ko ay mas naging malayo siya sa akin.
Madalang na nga siyang sumabay sa amin kapag tanghalian. Kapag hindi pa siya kakaladkarin nina bunso ay hindi siya sasama.
Mali ba ang mga nagawa ko? Bakit taliwas ang mga nangyayari sa gusto ko?
Nami-miss ko na si Sizzi.
I know it's weird dahil araw-araw kaming nagkikita. Pero pakiramdam ko kasi ay may invisible na pader sa pagitan namin.
'Yon bang, ang lapit-lapit niya, pero pakiramdam ko napakalayo niya.
Nakakainis. Ano bang dapat kong gawin?
"Therence!" Sigaw ng isa naming choreo.
Agad naman akong tumayo. "Po?"
"Kanina pa kita tinatawag. Can't you see na ikaw na lang ang wala rito sa stage?" Mataray na sabi nito.
Saka ko lang napansin na nasa stage na nga sina Clark. Aish! Kami na pala ang magba-blockings!
Tumakbo naman agad ako paakyat sa stage saka yumuko sa choreo namin bilang paghingi ng tawad. "Sorry po Miss."
"Masama ba ang pakiramdam mo? Madali lang naman ito then you can go home na para magpahinga. Baka lalong hindi ka pa makapagperform bukas."
"Sige po." 'Yon na lang ang nasabi ko.
Tinanguan lang ako ni Ma'am Choreo. "Okay guys! Pwesto na! Do this perfectly para isang pasada lang."
Sinubukan ko namang umayos sa pagsasayaw para nga makauwi na ako. Kahit anong pilit ko naman kasi ay lumilipad papunta kay Sizzi ang utak ko.
Pagkatapos no'ng blockings namin ay nilapitan ako ng isang organizer. "Therence wait!"
Huminto naman ako. "Bakit?"
"Pauwi ka na 'di ba? Pwedeng favor?"
"Sure."
"Pakisabi naman kay Sizzi na 'yong solo part niyang kanta ay after ng sayaw na modern jazz. Then 'yong duet ay after naman ng sophomore choir."
Nagulat ako. May solo at may duet si Sizzi?
Heck! Sino ang ka-duet niya?
"Duet? Sinong ka-duet ni Sizzi?"
Nabigla naman siya. "Huh? Hindi mo ba alam? Eh 'di ba—"
"Izzy! Kailangan kita rito!" May biglang sumigaw at nakatingin ito sa gawi namin.
"Oo! Teka lang!" Ganting sigaw ng kausap ko saka bumaling sa akin. "Sige Therence ha? Pakisabi na lang kay Sizzi. Salamat!"
Tumakbo agad siya palapit do'n sa tumawag sa kanya.
Wrong timing naman no'n. Hindi ko tuloy nalaman kung sino ang ka-duet ni Sizzi.
Nagkibit-balikat na lang ako saka umalis para puntahan si Sizzi sa apartment niya.
Sizzi's Punch
"Huwaaaaa~ Ayoko na!" Napahiga ako sa sofa ko.
Bakit kasi kailangan pang naka-heels sa sayaw? Ang sakit sa binti! Ang sakit sa paa! Tapos hindi ako sanay!
Inis na tinanggal ko suot kong heels saka pumunta sa ref para kumuha ng ice cream.
Tinotoo kasi ni hinayupak 'yong one month supply ng ice cream at french fries.
May nagdedeliver sa akin lagi rito.
Disappointed ka naman? Kasi akala mo si Therence ang laging magdedeliver sa'yo?
Pinukpok ko ang ulo ko. Kainis! Kung anu-ano na naman ang iniisip!
Sumubo na lang ako ng ice cream.
Pero napaisip ako. Tama ba itong ginagawa kong pag-iwas sa kanya?
Natatakot kasi ako na baka tunay ang sinabi sa akin ni Mama.
Kailangan ko nang pigilan bago pa lumalim 'di ba?
Napabuntong-hininga ako.
Mabuti na lang pala at pinsan ko ang nakuha nilang isa sa mga choreographers kaya okay lang kahit hindi ako um-attend sa practice.
Hindi ko naman masyadong ka-close si Ate Yachie eh. Pero kung ituring ako no'n, para niya akong bunsong kapatid.
"Galingan mo Sizzi. Nakakairita kasi 'yong Celestine. Kung pwede nga lang eh hindi ko na siya sinali sa concert na 'yin. Napakaarte. Akala mo naman eh magaling. Duh." Napatawa ako dahil nag-roll eyes pa si Ate Yachie.
"Ayaw ko naman talagang sumali. Si hinayupak ang nagsali sa akin."
"Hinayupak?"
"Si Therence."
Nanlaki ang mata ni Ate Yachie. "Ow? Ang gwapo no'n ah! Bagay kayo!" Bigla siyang napaisip. "Kaso lagi 'yong tamlay 'pag practice. Minsan naririnig ko pa silang tatlo na lagi kang pinag-uusapan. Kung pagbabasehan nga ang boses ni Therence habang sinasabi ang pangalan mo, parang miss na miss ka na niya."
Napabuntong-hininga na naman ako no'ng maalala ko ang usapan naming 'yon ni Ate Yachie.
Bakit naman ako mami-miss ni hinayupak? Araw-araw naman kaming nagkikita.
O baka naman, nami-miss din niya ang pagbabangayan namin? 'Yong sigawan namin? Nami-miss din ba niya 'yon, gaya ng pagka-miss ko sa mga 'yon?
Sana nga.
Therence's Punch
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa apartment building na tinutuluyan ni Sizzi.
Nasa hallway pa lang ako ng third floor ay parang may naririnig na akong tumutugtog.
Pagkalapit ko sa pinto ng apartment ni Sizzi ay napagtanto kong galing doon ang tugtog na naririnig ko.
Genie ng SNSD ang naririnig ko.
Sisihin n'yo si bunso kung bakit alam ko ang kanta.
Napakunot ang noo ko. Fan din ba ng SNSD si Sizzi?
Kaya naman pala rinig sa labas ang tugtog ay dahil hindi nakasara ng mabuti ang pinto.
Pambihirang Sizzi talaga oh! Paano na lang kung may ibang pumasok dito? Eh 'di napahamak pa siya?
"Geuraeyo nan nul saranghae unjaena miduh~"
Nanlaki ang mata ko. Boses ba 'yon ni Sizzi?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip.
At lalong nanlaki ang mga mata ko.
Sizzi is singing while dancing Genie. Naka-heels pa ito na sa tantya ko ay three inches ang taas.
The way she dances is so wavy. I mean, basta! Ang wavy niyang sumayaw.
And I was mesmerized by the way she moves her body to the rhythm of the song.
Biglang humarap sa gawi ko si Sizzi. At nanlaki ng sobra ang mga mata niya, napahinto pa siya sa pagsayaw.
Mga ilang segundo siyang gano'n saka niya pinatay ang audio player at tinanggal ang heels na suot niya.
"W-what are you doing here?" Nanlalaki pa rin ang mga matang tanong niya sa akin. Nakatutok pa sa akin 'yong heels habang hawak niya 'yon.
Napatawa ako. "Hindi mo naman siguro balak itapon sa akin 'yan ano?" Lumakad ako papasok.
Nakaturo pa rin sa akin 'yong heels habang lumalayo si Sizzi. "Talagang ibabatikal ko itong sapatos na ito sa'yo kapag hindi ka lumabas. Labas!"
(A/N: Ibabatikal = ibabato)
Natatawang umupo ako sa sofa niya. "Ano pa bang ikinakahiya mo Sizzi? Makikita rin naman kasi kitang magsayaw bukas."
"Eh kasi naman eh!" Parang batang nagdadabog si Sizzi. "Bakit kasi pasok ka nang pasok ng may apartment? Hindi ka ba marunong kumatok?"
"Speaking of, hindi kasi nakasara ang pinto. Paano na lang kung nagkataon na iba ang pumunta rito? Eh 'di napahamak ka pa?" Sermon ko.
"I can handle myself." Inirapan pa ako!
"Babae ka pa rin." Kontra ko.
"What are you trying to say? I'm a f*cking weak person?" Sigaw niya.
"Wala akong sinasabi."
"Ano bang ginagawa mo rito? Lumayas ka na nga!"
Itinaas ko ang plastic na hawak ko. "I brought you french fries and ice cream. Baka ubos na 'yong pina-deliver ko sa'yo."
Naningkit ang mata niya. "Pwede na akong magtinda ng ice cream, alam mo ba 'yon?"
Napatawa ako. Bigla naman akong may naalala. "Sabi nga pala no'ng isang organizer ay pagkatapos ng modern jazz ang solo performance mo. Then after ng sophomore choir ang duet mo. Sinong ka-duet mo?"
Gulat na napatingin siya sa akin. "Duet? Wala akong alam."
Napakunot din ang noo ko. "Huh? Baka nagkamali lang 'yong organizer."
"Baka nga." Tumango-tango si Sizzi. "'Yon lang ba ang ipinunta mo rito? Layas na."
"Aray naman Sizzi." Humawak ako sa dibdib ko at nag-act na nasasaktan. "Kararating ko lang tapos papaalisin mo agad ako?"
"Eh wala ka na namang gagawin pa rito. Eh 'di umalis ka na."
I can stare at you all day. 'Yan ang gusto kong sabihin.
Hindi ko alam pero automatic na umangat ang kamay ko para ayusin ang buhok ni Sizzi.
"T-Therence. A-ano bang ginagawa mo?"
"Inaayos ang buhok mo?"
Nag-roll eyes si Sizzi. "Tatawa na ba ako?"
Ngumiti ako. "Pakiramdam ko kasi, ang layo-layo mo."
She stiffened.
"You're being distant Sizzi. Please stop doing that. Nahihirapan ako."
Napatingin siya sa akin. Dahan-dahan akong lumapit para mayakap siya.
"Sorry." Mahinang sabi niya.
Napahinga ako ng maluwag at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. "It's okay sweetheart. No need to say sorry."
Naramdaman ko na niyakap ako ni Sizzi pabalik. Napangiti ako at hinalikan ko ang buhok niya.
=========
Sa birthday ko na lang po ipo-post ang Fight #21. Malapit na naman 'yon, don' cha worry. Haha! Gift ko sa inyo.
Birthday ko pero ako 'yong magreregalo? Nice!
Comments n'yo lang, ayos na birthday gift na 'yon. Kahit huwag ng votes, haha! Comments lang hinihingi ko. Salamat! :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro