Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #19: Castlelites Academy

Sizzi's Punch

Napataas ang isang kilay ko noong hindi ko makita si hinayupak sa room.

Aba himala?

Tumingin ako kay Jayzee at Clark para magtanong pero—

"May aasikasuhin daw silang magkapatid." Sabi ni Jayzee.

Napakunot ang noo ko.

"Sinagot na ni Jayzee ang itatanong mo." Natatawang sabi ni Clark.

"Wala naman akong itinanong at itatanong." Sabi ko at umupo na sa upuan ko.

Kung tinatamaan lang ng kidlat ang nagsisinungaling, natamaan na ako.

"Deny pa!" Pang-aasar ni Clark. "Kaya bagay kayo ni Therence eh."

"Labo sa sabaw ng pusit." Sabi ko agad.

Tumawa lang 'yong dalawa.

Dati, tinuturing ko pa silang tao. Pero ngayon, nagbabago na ang isip ko.

Nahahawaan na sila ni hinayupak.

Lakas makaimpluwensya talaga ng gag*ng 'yon.

Naghalumbaba na lang ako at tumingin sa bintana.

Ano kayang inaasikaso nila? Pwede naman kasing sa weekends nila asikasuhin 'yon. Ganun ba 'yon kaimportante kaya kailangan pa nilang mag-absent?

Napabuntong-hininga ako. Ano ba namang pakialam ko sa kung anumang inaasikaso nila?

At oo nga pala, hindi ako uma-attend ng practice para sa concert chenes na 'yon. At meron akong limang dahilan kung bakit.

Una, ayokong makita nila akong sumayaw o marinig kumanta. Baka pagtawanan nila ako.

Pangalawa, tinatamad ako.

Pangatlo, kasali rin si f*cking creature.

Pang-apat, kasali rin si f*cking creature.

At panglima, nasabi ko na bang kasali rin si f*cking creature?

Ayokong makita ang pagmumukha ni f*cking creature at ang pagbibida-bidahan niya. Baka kasi maingudngod ko sa sahig ang pagmumukha no'n.

May special practice naman kasi akong ginagawa.

"Good morning class."

Andyan na pala si Ma'am Adviser.

"Good morning Ma'am."

As usual, hindi ako tumayo para i-greet si Ma'am Adviser. Ayoko nga. Sayang energy.
(A/N: Huwag gayahin, nakamamatay.)

"Class, nagtataka siguro kayo kung bakit wala si Therence. Nag-aasikaso silang magkapatid ng ilang papeles." Paliwanag ni Ma'am.

"Para saan po?" Tanong ng mga kaklase ko.

"Sad to say, pero may possibility na magtransfer ang magkapatid sa Castlelites Academy." Sagot ni Ma'am.

Sa gulat ko ay napahampas ako sa mesa ko. Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Don't mind me." Sabi ko at tumingin na ulit sa bintana.

F*ck! Transfer? Sa Castlelites Academy? Just sh*t!

Castlelites Academy is a school for elites, for Pete's sake! The Castleford family owns it and their family is rank number six in business world!

Bakit biglaan naman? Bakit hindi nila sinabi sa amin agad?

Bakit ako nalulungkot? Bakit ako nasasaktan?

Ang sama ng ugali niya! Napakahinayupak! Pinakahinayupak sa lahat ng hinayupak!

Matapos niyang... matapos niyang bulabugin ang mundo ko, bigla na lang siyang aalis?

Damn him!

***

Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng apartment building na tinutuluyan ko pero nilampasan ko lang siya na para bang hindi ko siya nakita.

Ang kapal ng mukha niya para pumunta rito.

"Hey! Sizzi! Wait!" Habol ni hinayupak sa akin.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa hagdanan. Bakit kasi nasa third floor ang apartment ko?

Biglang sumulpot si hinayupak sa harap ko kaya napatigil ako sa paglalakad ko.

"Oh? Andyan ka pala. Kabute ka na pala ngayon." Naka-straight face kong sabi.

Mukhang nagulat naman siya dahil sa tinging ibinigay ko sa kanya.

An emotionless look.

"May problema ba Sizzi?" Tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita. Kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

May problema nga ba? Bakit ba ako nagkakaganito?

"Wala." Sabi ko at nilampasan siya.

Pero hinarangan niya ako agad.

Talaga naman.

"Tell me what's your problem sweetheart." Halos pabulong na sabi ni hinayupak at hinawakan pa ang mga braso ko.

Ayan na naman siya sa lint*k na sweetheart niya.

"Bitawan mo nga ako!" Piglas ko sa pagkakahawak niya at nagmamadaling pumunta sa apartment ko.

Pero dahil lalaki siya, naabutan niya ako. At saktong nasa tapat kami ng apartment ko.

"Sweetheart—"

"Lumayas ka sa paningin ko at baka hindi kita matantya." Putol ko sa mga sinasabi niya. "At tigilan mo na nga ang pagtawag-tawag mo sa akin ng p*tang*nang sweetheart na 'yan. Tayo ba ha? Tayo ba?" Sigaw ko.

Natigilan si hinayupak dahil sa pagsigaw ko. Dahil nga ba sa pagsigaw ko? O dahil sa sinabi ko?

Napayuko si hinayupak. "I'm sorry Sizzi."

"Bakit ka nagso-sorry? Sa pagtawag mo sa akin ng sweetheart? O sa pagbabalak mong magtransfer sa Castlelites Academy?"

Gulat na napatingin si hinayupak sa akin.

"Alam mo bang nakakagag* ka?" Sabi ko. "Bubulabugin-bulabugin mo ang nananahimik kong buhay tapos bigla kang aalis? P*tang*na mo! Ni hindi ko nga alam kung bakit nagagalit ako! Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa nalaman ko! Nakakainis! Nakakabwisit! F*ck—"

Naputol ang mahaba kong paglilintanya, dahil niyakap ako ng mahigpit ni Therence.

"Damn it, sweetheart." Bulong niya. "Do you really think na kaya kitang iwan?"

Nagulat ako.

"That's one of the least things that I will do. I'm not leaving you, sweetheart." Dagdag pa ni Therence.

Kumawala siya sa pagkakayakap niya sa akin at may parang pinupunasan siya sa bandang pisngi ko.

F*ck. Umiiyak ako?

So that explains why malabo ang paningin ko.

"I hate it when you're crying. Don't cry, Sizzi." Sabi ni Therence at hinalikan ako sa noo.

Pero naramdaman ko ang kuryenteng dulot no'n hanggang sa paa ko.

Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

"Wala kang sakit. In love ka lang."

Biglang nag-replay sa utak ko ang sinabi ni Mama. Posible ba talaga? Posible ba talagang in love ako sa hinayupak na ito?

Umiling-iling ako. Hindi pwede 'to. Ayokong baliin ang pangako ko.

"Sizzi?" Pukaw ni hinayupak sa akin.

Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa akin. "A-ayos na ako. Pasensya ka na."

Kumunot ang noo niya. "Are you sure?"

Tumango lang ako.

"Dumiretso agad ako rito dahil hindi kita nakita maghapon. Gusto kasi kitang makita." Sabi niya.

Tumalikod naman ako para buksan ang apartment ko. "Bakit?"

"Wala. Gusto ko lang. Masama?"

Napa-roll eyes ako. Back to hinayupak mode na naman siya.

Hinarap ko si hinayupak. "Nakita mo na ako. Layas na."

"Pinapalayas mo ang crush ng bayan?" Turo niya sa sarili niya.

"Ikaw lang ang may crush sa sarili mong hinayupak ka."

"'Yon ang sabi ng mga doktor noong ipinanganak ako! Ipinanganak na ang crush ng bayan!"

Napataas ang isang kilay ko. "Duguan ka pa kasi nung ipinanganak ka. Mga minsan, try mong magpahid ng dugo sa mukha, saka lang titino 'yang pagmumukha mo."

Napanganga siya sa sinabi ko. Nginisihan ko siya at sinamantala ang pagkakataon saka ko siya pinagbagsakan ng pinto.

Pinigilan ko ang mapahagalpak.

"Whatever sweetheart." Rinig kong sabi ni hinayupak. "Aalis na ako. Nakita na kita eh. Bye."

Narinig ko na lang ang mga yabag niya paalis.

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa pinto ko.

I just cried in front of Therence.

Nagulo ko ang buhok ko sa inis. Pinakita ko na naman sa kanya ang weak side ko!

Makagawa nga ng gamot na pampalimot nang mapainom ko kay hinayupak para malimutan niya ang pag-iyak ko at ang mga pinagsasabi ko sa kanya kanina!

Argh! Mababaliw na ata ako!

=====

'Yong Castlelites Academy po ay setting nocng isa kong written (literally) story. Kaso, tinatamad ako magtype. Parang tanga lang pati 'yon. Kahit naman itong FUTE, parang tanga lang din. Wala kasing nagco-comment. Nakaka-hurt hurt.

Kahit simpleng "Okay 'yong update" ayos na sa akin. Kahit nga ang i-comment n'yo eh "Pangit", "Walang kwenta", ayos lang din. At least, nalaman kong kailangan kong i-improve bawat updates ko 'di ba?

Ang haba ng note ko. Mas mahaba pa yata 'to sa update ko. Haha! Pasensya na. Sinabi ko lang ang himutok ko.

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro