Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #18: Improving

Therence's Punch

"Kuya, okay lang si Ate Sizzi. Nagtext na siya sa akin kagabi. Papasok na raw siya ngayong umaga." Text ni Rica sa akin.

Napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at papasok na siya.

Paano ko ba pakikitunguhan ngayon si Sizzi?

Dapat ko ba siyang tanungin kung saan siya pumunta?

Napabuntong-hininga ako. Umaakto na naman akong boyfriend niya, kahit hindi.

Malapit na ako sa gate nung matanawan ko si Sizzi. Hindi ko dapat siya lalapitan pero automatic na tumakbo ang mga paa ko papalapit sa kanya.

Tinapik ko siya sa balikat. Napatalon naman si Sizzi sa gulat. Napatawa tuloy ako.

Pakalingon niya sa'kin ay parang namula siya saka umiwas ng tingin.

"Bakit absent ka ng dalawang araw?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Ah, hindi mabuti ang pakiramdam ko no'n eh." Nakatungong naglalakad si Sizzi.

"Saan ka pumunta? Bakit wala ka apartment mo?" Tanong ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Ang dami mo namang tanong. Kailan ka pa naging pulis?"

"Masama bang magtanong?"

"Hindi."

Natahimik lang kami.

"Pumunta ako sa bahay namin. Saka, papasok ba ako ngayon kung hindi na mabuti ang pakiramdam ko?" Basag ni Sizzi sa katahimikan.

Napatingin ako sa kanya. Kinurot ko ang pisngi niya. "Magaling ka na nga, namimilosopo ka na."

Tinabig niya ang kamay ko. "Naman eh!"

Napatawa na lang ako.

"Omo? Sabay pumasok si Sizzi at Therence!"

"Shetify! Sila na ba? Sila na ba?"

"Ate, huwag OA, 'pag magkasabay pumasok, sila agad?"

'Yan ang mga bulungang naririnig ko habang naglalakad kami ni Sizzi.

"Pero ang sweet nila eh! Saka hindi mo ba nakita 'yong sa canteen? 'Yong lumapit si Celestine sa kanila?"

"Nakita ko 'yon! Napanood ko! May video no'n sa underground website!"

Nakita kong kumunot ang noo ni Sizzi. Mukhang narinig din niya 'yong mga bulungan.

Mai-download pala mamaya 'yong video.

"Hindi kaya mabinat ka?" Tanong ko kay Sizzi.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Parang ayaw mo akong papasukin ah?"

Napatawa naman ako. "Hindi ah! Nag-aalala lang. Paano kung magkasakit ka na naman?"

"Maano naman?"
(A/N: Maano = eh ano)

"Yo Sizzi!"

Nandito na pala 'yong dalawang gag*.

"Bakit nawala ka ng dalawang araw?" Tanong ni Jayzee.

"Dapat pala, ni-record ko na 'ying sinabi ko kanina para hindi paulit-ulit." Naniningkit pa rin ang mata na sabi ni Sizzi.

Napataas na lang ng kamay ang dalawa. Naramdaman siguro na baka mabadtrip pa si Sizzi.

"Sinundo ka ni Therence?" Parang tangang tanong ni Clark.

Nanlaki bigla ang mata ni Sizzi. "Hindi ah!"

Pfft. Cute.

"Tigilan n'yo na nga si Sizzi. Upakan ko kayo eh." Sabi ko sa dalawa.

"Chill lang! Eto na nga, hindi na nga kami magtatanong." Sabi nung dalawang gag*.

Pagkarating namin sa room ay dumiretso na kami sa mga pwesto namin. Si Sizzi naman ay nakatingin lang sa bintana habang nakahalumbaba.

Maya-maya pa ay dumating na si Ma'am Adviser. Biglang tumayo si Sizzi para siguro ibigay 'yong admission slip niya.

"Class, may event nga pala tayong gaganapin next month. Concert siya para makalikom tayo ng pera to help the victims ng nagdaang bagyo. May gusto ba sa inyong mag-volunteer?" Tanong ni Ma'am Adviser.

May mga anim na tumaas ng kamay. Sila 'yong mga marurunong kumanta saka sumayaw.

"Ikaw ba Therence? Ayaw mo?" Baling ni Ma'am sa akin.

Hindi nga ako nagtaas ng kamay, eh 'di ibig sabihin ay ayaw ko. Si Ma'am talaga.

Pero may naisip akong kalokohan.

"Okay lang po Ma'am, kung kasama po si Jayzee, Clark at Sizzi." Sagot ko.

"Ano?" React nung tatlo.

"Bakit pati ako? Ano bang malay ko dyan sa concert-concert na 'yan?" Galit na sabi ni Sizzi.

Nagkibit-balikat ako. "Try lang naman eh. Hindi naman siguro parehong kaliwa ang paa mo, saka mas matino ka naman sigurong kumanta kay Anne Curtis."
(A/N: Please don't be offended. Fan po ako ni Anne Curtis.)

Tumalim ang tingin niya sa akin. "Supply-an mo ako for one month ng ice cream at french fries, hinayupak ka."

Napangiti ako.

Pumalakpak ng isa si Ma'am. "Okay! So, it's settled then? This Saturday na ang start ng practice n'yo. Galingan n'yo ha?"

Improving na si Sizzi. Pansin n'yo? Hindi siya nagmura kanina kahit galit na siya. Tapos, pumayag din siya na sumali sa concert na ito.

Ngayon, ano kayang gagawin ni Sizzi sa concert? Kakanta o sasayaw? Pwede rin namang pareho.

Masabi nga kay bunso na i-video si Sizzi para may remembrance ako.

***

"Really?" Sigaw nina Rica saka tumingin kay Sizzi na tumango lang saka ako sinamaan ng tingin.

Pinigilan ko ang matawa.

Alam n'yo na naman sigurong lunch break ngayon dahil kasama namin sina bunso.

"Ate Sizzi! I'm so excited! Anong gagawin mo? Kakanta? Sasayaw? Or both?" Tuwang-tuwang tanong ni bunso.

Umiling-iling si Sizzi. "Taga-ayos ng lightings."

Nanlaki ang mga mata namin. "What?"

Ngumisi si Sizzi. "Wala namang sinabi si Ma'am na magperform ako 'di ba?"

"May practice na sa Sabado! Ibig sabihin magpe-perform ka!" Sabat ni Clark.

"Magpa-practice ako kung paano kontrolin ang lightings." Nakangisi pa ring sabi ni Sizzi.

Mukhang inaasar lang kami nito.

"Ate Sizzi naman. Kahit kumanta ka man lang o sumayaw, sige na~" Pa-cute na sabi ni Ericka.

"Oo nga naman Ate Sizzi. For us, please?" Batos pa ni Amae.

Ngumiwi lang si Sizzi at umiwas ng tingin.

Wala pang nakakatanggi sa puppy look ng tatlong ito. Kahit kami nina Jayzee.

"Ate Sizzi?" Tawag ni bunso kay Sizzi.

"Hindi ba pwedeng sa harap ninyong tatlo lang ako magperform? Ayokong may makapanood na iba."

Nanlaki ang mga mata ko. Sh*t. Sizzi is pouting right now.

Umiwas ako ng tingin kay Sizzi. F*ck.

I want to kiss her.

And this is not good.

"Problema mo Therence?" Tanong ni Jayzee.

"Wala, huwag mo akong pansinin." Sagot ko.

Napansin ko namang biglang ngumiti ng nakakaloko si bunso.

Alam niya kung bakit ako nagkakaganito.

Tsk. Kapatid ko nga 'to.

"Ey, gusto namin na marami kang kasama on stage tapos ikaw ang magiging outstanding!" Sabi ni bunso.

Lalong napanguso si Sizzi.

Putek. Lalo pa akong inaasar ni bunso!

"Eh 'di kayo ang kumanta at sumayaw sa harap ng maraming tao." Sabi ni Sizzi. "Gusto n'yo bang bumalik si Yolanda rito? Baka masira rin 'yong stage 'pag sumayaw ako!"

"OA na Ate Sizzi." Natatawang sabi ni Amae. "Sige na kasi."

"Wala kang one month supply ng ice cream at french fries." Sabi ko.

Napahinga ako ng maluwag dahil nawala na 'yong pag-pout ni Sizzi.

"Blackmailer."

Nanlaki ang mata ko dahil bigla akong inirapan ni Sizzi at nag-pout.

Tang*na! Isa pang pout ni Sizzi, hahalikan ko na siya!

Narinig ko naman ang pagtawa nina Jayzee. Pero 'yong tawa nina Amae eh parang kinikilig.

"Kasalanan mo 'to 'pag pinagtawanan ako ng mga tao!" Banta ni Sizzi sa akin.

Napatawa ako. "Oh, believe me sweetheart, they will not."

"Ayan ka na naman sa sweetheart mo! Ilibing kita ng buhay dyan eh!" Sinamaan niya ako ng tingin.

Napangiti ako at inayos ang bangs niya dahil humahara sa mukha niya. Hindi ko matingnan ng maayos ang mukha niya eh. "Kaya mo ba naman?"

Nanlaki ang mga mata niya saka biglang umiwas ng tingin. "Bakit naman hindi?"

F*ck. She's blushing.

I chuckled. "Sabi mo eh."

"Hala, mang-asar pa!"

"Inaasar ba kita? Hindi naman ah?"

"Ewan ko sa'yong hinayupak ka."

Napatawa ako.

"Uhh, dapat na ba kaming umalis? May sarili na kayong mundo eh." Sangat ni Clark.

Lalo akong natawa dahil namula si Sizzi.

Binato ako ng kanin ni Sizzi. Nailagan ko naman. "Bwisit ka."

"Yes! Nai-video ko rin this time!" Sigaw ni bunso habang hawak ang iPhone 6 niya.
(A/N: Ipinagmayabang?)

"Ilipat mo 'yan sa memory card mo sa Samsung Galaxy S5 mo ng maipasa mo sa amin." Demand ni Ericka.

Napatawa si bunso. "Oo na nga!"

Napailing na lang ako. Pero bigla rin akong napangisi.

Manakaw nga mga minsan ang phone ni bunso para maipasa ko sa cellphone ko.

"Alam ko ang ngiting 'yan Kuya." Sabi ni bunso.

Lalo lang akong napangisi.

Napatingin ako kay Sizzi. Confused 'yong mata niya habang pabalik-balik ang tingin niya kay bunso at sa akin.

Improving na talaga si Sizzi. Akalain n'yong may pagka-childish pala siya?

Unti-unti na niyang ino-open ang sarili niya sa amin.

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro