Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #17: Iwas

Sizzi's Punch

Napakunot ang noo ko no'ng hindi ko makita si Sizzi pagpasok ko ng room.

Hindi na naman pumasok ang babaeng 'yon.

Kahapon ay absent si Sizzi at walang may alam ng dahilan.

Ako nga ang tinanong mga teachers kung nasaan siya.

Eh hindi ko nga rin alam.

Kahapon ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Tinatadtad ko na ng texts pero hindi rin nagre-reply. Pinuntahan ko na rin sa apartment niya, pero wala siya do'n.

Saan na naman pumunta ang babaeng 'yon? Pinag-aalala na naman ako! Ni hindi man lang sinabi kung saan siya pupunta.

Bakit naman niya sasabihin sa'yo? Boyfriend ka ba niya?

Nagulo ko ang buhok ko sa iritasyon. Hindi ba pwedeng ipatanggal 'yong nakakabwisit na parteng 'yon ng utak natin? Nakakabanas eh!

Kahit sina Rica, tinatawagan na siya pero hindi rin niya sinasagot. Hindi rin nagre-reply sa mga texts nila.

Baka mapahamak na naman 'yon eh!

"Wala pa rin si Sizzi?" Parang tangang tanong ni Clark.

"Nakikita mo ba si Sizzi ngayon?" Sarkastikong tanong ko.

"Oh, chill lang pare, umagang-umaga ay high blood ka kaagad." Sabi ni Clark.

Napa-tss na lang ako.

"Tinanong ko na si Kysler pero hindi rin daw niya alam. Ni hindi nga rin daw nasagot sa mga tawag at texts niya." Sabi naman ni Jayzee.

Napatingin ako sa kanya.

Nagkibit-balikat si Jayzee. "Malay mo, alam ni Kysler, close naman sila eh. Pero hindi raw talaga niya alam."

Napabuntong-hininga ako.

Pagkatapos kasi no'ng nangyari sa canteen, nag-absent agad si Sizzi kinabukasan no'n, at kahapon nga 'yon. Tapos hindi na naman pumasok ngayon.

Iniiwasan kaya niya ako?

Hindi ko ba dapat ginawa 'yon?

Dapat ba, hindi ko muna pinaramdam sa kanya ang nararamdaman ko?

Gusto ko lang naman kasing mas magkalapit kami. Pero mukhang kabaliktaran ang nangyari.

I pushed her away from me.

Umupo ako sa upuan ko at napahilamos ako sa mukha ko.

This is frustrating, really frustrating.




Sizzi's Punch

"Hindi ka na naman papasok Sizzily?" Tanong ni Mama sa akin.

Umiling lang ako.

Napabuntong-hininga si Mama at hinainan ako ng almusal.

"May problema ka ba anak?" Tanong ni Mama sa akin.

Nakatitig lang ako sa pagkaing nasa harap ko.

Actually, nagulat sina Mama no'ng pagbuksan nila ako ng pinto no'ng makalawang gabi.

Hindi ko rin naman alam kung bakit ba ako pumunta rito sa bahay.

Matapos kasi no'ng nangyari sa canteen ay sobrang nailang ako kay hinayupak.

Ang hirap kaya, lalo at seatmates kami. Buti na nga lang at hindi niya narinig no'n ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nakakatakot nga kasi baka may sakit ako sa puso.

Umeepekto lang ata 'yong sakit kapag malapit si hinayupak sa akin.

Para makaiwas, umalis muna ako sa apartment ko. Pero hindi ko akalaing sa bahay namin ako dadalhin ng mga paa ko.

Wala namang iba pa na nakakaalam kung saan itong bahay namin.

"Sizzily?" Pukaw ni Mama sa mga iniisip ko.

Tinatawag lang akong Sizzily ni Mama kapag gusto niyang sabihin ko sa kanya ang anumang problema ko o bumabagabag sa akin.

Tumingin ako kay Mama at ngumiti ng tipid. "Wala Mama."

She looked at me suspiciously. "Ganyan ba ang mukha ng walang problema?"

"May problema ka rin naman Mama ah. Pero nakangiti ka pa rin."

Napatawa si Mama. "Namana mo talaga sa Papa mo ang pagiging pilosopo."

"Sa iyo Mama, correction."

Lalong napatawa si Mama at kinurot ang pisngi ko. "Loko ka talagang bata ka."

Napatawa na rin ako. Na-miss ko ang tawa ni Mama. Kailan ba kami huling nagkaroon ng heart to heart talk ni Mama? Hindi ko na matandaan.

Ngayon ko naisip na sobrang tigas pala talaga ng ulo ko. Na gusto ko lang iniisip ko.

Nalimutan kong mahal na mahal ako ni Papa at Mama.

Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko at agad na namuo ang luha sa mata ko.

Napansin siguro 'yon ni Mama kaya niyakap niya agad ako.

Doon na ako napahagulgol ng iyak.

"Sorry Mama. Sorry kung ang tigas ng ulo ko." Sabi ko sa mga pagitan ng hikbi ko.

Lalong humigpit ang yakap ni Mama sa akin. "Sshh, ayos lang 'yon Sizzily. Mahal na mahal ka namin ng Papa mo. Kahit ano pa ang ugali mo, mamahalin ka pa rin namin." Pinahid ni Mama ang mga luha ko.

"Mahal ko rin kayo Mama." Pinahid ko rin ang mga luha ni Mama.

Napangiti si Mama. "Nagmana ka sa Papa mo ng pagkamatigas ang ulo."

Napatawa ako. "Buti na lang Mama wala si Papa rito. Magdadabog 'yon kung narinig ka."

Napatawa rin si Mama.

May trabaho kasi si Papa. Kahit gustung-gusto niya na huwag pumasok kasi nga nandito ako.

Pagkatapos ng iyakan portion namin ni Mama ay kumain na kami ng almusal. Nagkukwentuhan kami habang kumakain.

"Sigurado ka bang wala kang problema anak? Hindi ka naman uuwi rito kung wala eh." Pangungulit ni Mama.

"Eh..."

"Tungkol ba sa lalaki, Sizzily?"

Pakiramdam ko ay namula ako no'ng sinabi 'yon ni Mama.

"May boyfriend ka na anak?" Tuwang-tuwang tanong ni Mama.

"Wala Ma!" Gulat kong sagot agad.

Napatawa si Mama. "Bakit ka defensive?"

"Ang imposible naman kasi ng sinabi mo Mama. Labo sa sabaw ng pusit." Nakanguso kong sabi.

"Anong imposible? Aba sa ganda mong 'yan, walang nagkakamali sa iyo?" Biro ni Mama.

"Wala talaga Mama."

"Eh bakit ka namula? Lalaki nga? Anong problema? May gusto ka sa kanya pero hindi ka niya gusto? O baka naman may nangyari na sa in—"

"MAMA!" Kaya ayaw kong makausap ng ganito si Mama eh! Kung anu-ano ang iniisip!

"Ano? Sabihin mo kasi sa akin nang hindi ako nag-iisip ng kung ano ang problema mo."

Paano ko ba sasabihin? Ang hirap kaya mag-explain!

"Eh kasi Mama..."

"Ano?"

"Naiilang kasi ako sa lalaking 'yon."

Napatigil si Mama sa pag-inom niya ng kape. "Naiilang? Bakit?"

"Hindi ko rin alam Mama. Basta, 'pag malapit siya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kapag hahawakan niya ako, para akong nakukuryente. Kapag nagsasabi siya ng kakornihan, may naglilikot sa tiyan ko. Kaya naiilang ako sa kanya. Baka kasi may sakit na ako, tapos lumalala dahil sa kanya." Mahabang lintanya ko.

Pabagsak na ipinatong ni Mama ang mug sa mesa saka nanlalaki ang matang tumingin sa akin.

Anong ibig sabihin no'n? May sakit nga ako?

"Anak..."

"M-Mama, may sakit nga ako? Paano na 'to? Gastusin na naman? Magiging pabigat pa ako—"

"Sizzily..."

"Paano na lang 'yong sabi ko sa inyong bibigyan ko kayo ng mas magandang buhay? Paano na lang 'yong—"

"Anak huminahon ka." Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

Napatingin ako kay Mama.

Ngumiti si Mama. "Wala kang sakit. In love ka lang."

Nanlaki ang mga mata ko na tumingin kay Mama.

"Seryoso ka ba Mama?"

"Well, base sa mga sinabi mo kanina. Oo, sigurado ako Sizzily."

No way.

"Pero parang confused ka pa kaya ganyan. Hayaan mo, malilinawan ka rin." Dagdag pa ni Mama.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Ako? In love? Kay hinayupak?

"Sino ba 'yong lalaking 'yon anak?" Tanong ni Mama.

"Basta Mama. Mawawala rin naman siguro ito."

"Sizzily, hindi laging pag-iwas ang solusyon sa problema. Kasi, kapag lalo mong iniwasan, lalong hindi ka titigilan."

Napabuntong-hininga ako.

Nakakailang tawag at texts na sila sakin pero hindi ko sinasagot ang mga 'yon.

Tinapik ni Mama ang pisngi ko. "Pumasok ka na bukas ha? Lalong hindi ka tatantanan ng problema mo kung patuloy mo itong tatakbuhan."

Ngumiti ako. "Salamat Mama."

Dapat ko na sigurong harapin ang problemang ito.

Kailangang patunayan ko na hindi ako mahina. Hindi ako mahina.

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro