Fight #16: Sweetheart
Sizzi's Punch
"Mas gusto ko pa ring magkatuluyan si Allen at Lenalee kaysa kay Lavi at Lenalee! Kahit na ba matanda ng isang taon si Lenalee kay Allen, age doesn't matter naman eh!" Naka-pout na sabi ni Rica.
Napatawa ako. Grabe, affected na affected si Rica eh.
"Hala at tatawagan ko mamaya 'yong author ng D.Gray Man na dapat ay si Lenalee at Allen ang magkatuluyan." Natatawa kong sabi.
"Ate Sizzi naman eh!" Reklamo ni Rica.
Lalo akong napatawa.
Natutuwa talaga ako kasi hindi ko akalaing adik din pala si Rica sa D.Gray Man. Aba! Wala kaya akong makakwentuhan 'pag tungkol sa D.Gray Man.
Pero buti ngayon at meron na.
"Matatapos mo na ba Ate Sizzi ang D.Gray Man? Episode 75 pa lang ako eh." Tanong ni Rica.
Tumango ako. "Episode 100 na ako mamaya. Tatapusin ko na. Hanggang 103 lang 'yon 'di ba?"
"Waahh! Buti ka pa, matatapos mo na. Samantalang ako, hindi pa."
Napatawa ako. "Sunod kong papanoorin ay Katekyo Hitman Reborn eh. Gusto ko sana ay Bleach, kaso masyadong mahaba. 'Yong One Piece naman, hindi pa nadadagdagan ng new episodes."
"Maganda 'yong Katekyo Hitman Reborn, Ate Sizzi! Tapos ko na 'yon eh!"
"Oh, huwag kang spoiler Rica." Pigil ko agad kay Rica.
"Gwapo rin si Tsunayoshi Sawada, Ate Sizzi."
"Akala ko ba kay Allen Walker ka? Eh bakit nga—"
"Hi Therence!"
!#$@&$#@!
Naputol 'yong sinasabi ko kay Rica dahil sa dumating na 'to. Anong ginagawa ni f*cking creature dito?
Good mood na ako eh! Tapos bigla siyang eepal? Bastusan ba!
Nakita kong tumalim din ang paningin ni Rica kay Celestine. Naiinis siguro dahil na-interrupt ang pag-uusap namin tungkol sa anime.
Anong sumapi kay Celestine at pumunta siya rito? Gano'n na ba kakapal ang mukha niya?
Gano'n ba siya kadesperada kay Therence?
Well, kalat na kalat naman po kasi sa Jayden High na may gusto siya kay Therence.
May kumalat pa ngang issue na naging sila ni Therence. Last year kasi, madalas na magkasabay silang pumasok at nakaangkla pa talaga siya sa braso ni Therence.
No'ng una, ang daming na-shock. Pero kasi iritang-irita no'n si Therence at inaalis agad ang pagkakakapit ni Celestine sa kanya.
Pero ang sabi noon ni Celestine eh nahihiya lang DAW si Therence.
May ilang naniwala na sila, pero karamihan ay hindi. Halata naman daw kasing desperada talaga si Celestine kay Therence.
Doon nagsimulang bansagan si Celestine na "Best Actress".
After kasi no'n eh mas gumaling siya sa pag-arte kaya nakukuha niya 'yong simpatya ng teachers.
I mean, ang galing niyang mambaliktad ng sitwasyon. 'Yon bang, sa halip na siya 'yong masisi eh hindi.
Kaya nga hindi ko pinapatulan ang f*cking creature na 'yan.
Anong show naman kaya ang gagawin ng f*cking creature na ito?
"What the hell are you doing here, stupid witch?" Galit na sabi ni Amae.
Whoa. Inis din pala si Amae kay f*cking creature?
"Therence, can I join here?" Tanong ni f*cking creature at hindi pinansin si Amae.
Bastusan din ang f*cking creature na ito ah!
"Ang kapal ng mukha mo ah!" Sigaw ni Ericka.
"You're not even freaking welcome here! Can you just go away? You're losing our apetites!" Dagdag ni Rica.
Pareho pala kami ni Rica na napapa-english kapag galit.
"I'm asking Therence, not the three of you." Sabi ni f*cking creature kina Rica saka bumaling kay Therence at ngumiti. "So Therence, can I?"
Bilib din naman ako sa kapal ng mukha ng f*cking creature na 'to.
Suntukin ko na kaya? Nah. Sayang energy, tss.
Nilantakan na lang ulit ni Therence ang carbonara niya. "Ask my girlfriend first if she'll allow you."
Napatingin ako kay hinayupak? May girlfriend siya?
Parang may sumaksak sa puso ko sa nalaman ko.
Umiling-iling ako. Aish! Kung anu-ano na naman ang naiisip ko!
Nanlaki ang mata ni f*cking creature. "Girlfriend? Where is she? Who is she?"
Ba, umi-english din pala ang f*cking creature na ito.
Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin. Si Therence.
"Sizzi is my girlfriend. Got a problem with that?" Mayabang na sabi ni hinayupak.
Nabitawan ko ang kutsara ko sa gulat. Kahit nga sina Rica eh napanganga.
The f*ck? Kailan pa ako naging girlfriend ng hinayupak na 'to?
"You wanna die Therence? Who the f*ck told that I am your girlfriend? I'll kill you both!" Sigaw ko at inaalis ang pagkakaakbay ni Therence kaso ayaw patanggal.
Talaga naman.
Biglang tumawa si f*cking creature. "Oh my God Therence, that was the best joke ever!"
Supalpalan ko kaya ang f*cking creature na 'to? Kaarteng tumawa, akala mo naman, ikinaganda niya. Eww.
Tiningnan pa ako ni f*cking creature mula ulo hanggang paa. "And as if you would like a damn girl like Sizzi. She's not even your type."
Napanting ang tenga ko sa narinig ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag akong DAMN GIRL ng f*cking creature na ito?
Kita ko namang dumilim ang mukha ni Therence. Pati sina Rica ay tumalim ang tingin kay Celestine.
"What the f*ck did you say? You called Ate Sizzi a DAMN GIRL? F*ck you bitch!" Galit na sigaw ni Amae. Halatang nagpipigil siya na huwag masugod si Celestine.
"You flirty ugly witch! You wanna go to hell this early?!" Sigaw ni Ericka.
"The f*ck Celestine?!" Galit din si Jayzee.
"Kahit babae ka, baka patulan kita." Mahinahong sabi ni Clark pero may diin ang bawat salita niya.
"What did you just call my girlfriend?" Seryosong tanong Therence.
Mukhang sisimulan na ni f*cking creature ang acting niya.
"I-I'm sorry. I-I didn't mean it. M-Maybe I was just carried away by my shock. I'm sorry." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Celestine at may papahid-pahid pa sa pisnging nalalaman.
Pumalakpak si Rica, 'yong nang-uuyam na palakpak, gano'n. "And the award for the Best Actress goes to Celestine Tuazon!" Napailing si Rica. "You really do believe na madadala kami ng acting mo Celestine? Dream on!"
"I-I'm really sor—"
"You called my girl a damn girl, Celestine. Everyone knows na hindi ako pumapatol sa babae, unless, you want to be the first?" Putol ni Therence sa sinasabi ni f*cking creature.
Tiningnan ko ng masama si Therence. "What do you mean MY GIRL, Therence? You really wanna die?" In-emphasize ko talaga yung my girl.
Kailan pa ako naging kanya?
Biglang humarap si Therence sa akin at hinaplos ang pisngi ko.
Darn this! Ang abnormal na naman ng tibok ng puso ko!
Takte! Ano 'tong nararamdaman ko?
"Because you're mine, sweetheart." Nakangiting sabi ni Therence.
WHAT. THE. F*CK.
Nanlaki ang mga mata ko saka ko tinabig ang kamay ni Therence. "Mangilabot ka nga hinayupak! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? You're f*cking out of your mind!"
Napatawa si Therence. "You're responsible for that sweetheart."
Napahilamos ang kamay ko sa mukha ko. " You wanna see the beauty of hell this early, hinayupak?"
Nagulat na lang ako no'ng bigla siyang ngumiti. Inilagay pa niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na humara sa mukha ko.
Napanganga ako at nanlaki ang mata.
Hinawakan niya ang mukha ko. "As long as you're here by my side, any place would be heaven for me."
Lalo pa akong napanganga sa sinabi niya.
Pakiramdam ko pa ay parang may malikot sa tiyan ko. Nakatitig lang si Therence sa akin at nakangiti.
Ako lang ba? O talagang ang gwapo ni Therence?
P*TANG*NA.
Wala akong sinabing gwapo ang hinayupak na 'to ha! Wala talaga! Guni-guni n'yo lang 'yon! Oo! Guni-guni n'yo lang 'yon!
Inalis ko ang pagkakahawak ni Therence sa akin saka tumingin sa pagkain ko. "Kadiri kang hinayupak ka."
Napatawa ng mahina si Therence. "Kinilig ka naman eh."
Gulat na napatingin ako sa kanya. "In your f*cking dreams!"
May narinig na lang kaming padabog na umalis. Si f*cking creature.
Mabuti naman at lumayas na ang letcheng 'yon.
"KYAAAA~!"
Napatalon kami sa gulat dahil biglang tumili si Amae, Rica at Ericka. Anong problema ng mga 'to?
"Oh my God! I'm so kinikilig! Kyaaaa~" Tili ni Ericka na pinapaypayan ang sarili gamit ang isang kamay niya.
"Oo nga! Grabe! Kinikilig talaga ako! The best!" Dagdag ni Amae.
"Sayang at hindi ko nai-video! Nai-upload ko sana!" Dagdag pa ni Rica.
Nagtatakang tiningnan ko lang sila habang tumitili. Nasaniban na naman ng kung anong espiritu ang tatlong ito.
"360-degree mood change." Naiiling si Therence habang binubulong niya yun. "Mga mukhang papatay kanina pero ngayon, grabeng makatili."
Tinapik ni Jayzee ang balikat ni hinayupak. "Hoo! Congrats pare! Umaasenso ka na!"
Tinapik di ni Clark ang balikat ni Therence. "Oo nga! Si Celestine lang pala ang makakatulong para mag-improve ka."
Parehong kumunot ang noo namin ni hinayupak. Anong sinasabi ng mga ito?
"Sweetheart pala ha! Common na siyang endearment pero nakakakilig naman Kuya so don't worry!" Pang-aasar ni Rica kay Therence.
Sinubuan ni Therence si Rica ng sandwich. "Manahimik ka bunso."
"Ayiiii~" Pang-aasar ni Ericka at Amae.
Tumingin muna ng mabilis sa akin si Therence saka umiwas ng tingin. Namumula 'yong pisngi niya.
Napatungo ako at tinuloy ko na lang din ang pagkain ko ng fruit salad.
Alam ko kasing namumula rin ang pisngi ko.
Sweetheart? Damn it.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro