Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #14: Action?

Sizzi's Punch

Nakalagay lang ang dalawang kamay ko sa bulsa ko habang naglalakad. Wala akong balak pumunta sa group fight ngayon. Tinatamad ako.

Nag-uuli ako ngayon. Ewan ko ba. Gusto kong mag-isip-isip.

Mag-isip tungkol saan?

Hayup talaga 'tong konsensya ko eh. Sarap pasabugin.

Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nag-uuli para mag-isip-isip. Eh wala naman akong iisipin.

Yung pagiging tahimik at pag-iwas ni Therence sa'yo kamo.

Argh. Pigilan n'yo ako. Gusto kong hambalusin itong utak ko.

Eh ano naman kung ang tahimik ni hinayupak? Eh ano naman kung iniiwasan niya ako? At lalong eh ano naman ang pakialam ko sa kanya?

Kung gusto niyang maging tahimik, eh 'di maging tahimik siya forever! Kung gusto niya akong iwasan, eh 'di iwasan niya ako forever! Wala akong pakialam!

"Aish!" Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis.

Ano bang ipinuputok ng butsi ko?

Hindi lang ako sanay na ang tahimik niya. Hindi ako sanay na walang nambibwisit sa akin. Hindi ako sanay na hindi siya naghahangin.

Oh, masaya na kayo? Masaya na kayo?

Ano ba kasing problema ng hinayupak na 'yon? Alam na nina Rica ang problema niya, pero hindi nila sinasabi sa akin.

"Find it on your own." 'Yan lagi ang isinasagot nina Rica sa akin kapag nagtatanong ako.

Find it on my own? Bahala siya sa buhay niya. Magpaka-emo ba siya ah.

Sinipa ko ng malakas 'yong batong nasa harap ko sa inis. Nakakaasar!

Hindi naman ako ganito dati ah! Wala akong pakialam kahit na tahimik ba siya o maingay dati.

Pero bakit ako nagkakaganito ngayon?

May nakita akong lata sa harapan ko kaya sinipa ko ito ng malakas.

And unfortunately...

mayroong natamaan nito.

"Aray!" Reklamo no'ng lalaki sabay lingon sa gawi ko.

Putspa. Members sila ng group fight.

Kahit ako na 'yong lumalayo sa gulo, talagang 'yong gulo ang lumalapit sa akin.

"Aba, miss. Kung may galit ka sa mundo, huwag mo akong idamay." Nakangising sabi no'ng lalaking tinamaan no'ng latang sinipa ko.

Bakit ba napakaraming mas pangit pa sa unggoy ngayon?

"Kasalanan ko bang ikaw ang tatamaan no'ng sinipa kong lata? Kung masyado kang matalino, umilag ka sana no'ng tatamaan ka ng lata."

Nakakabanas ang taong ito ah? Mas pangit na nga sa unggoy, tanga pa.

"Aba't— Akala mo ba hindi ako pumapatol sa babae?" Pikon niyang sabi.

"Wala akong pakialam dahil hindi ko naman tinatanong." Bored kong sabi.

Ngumisi 'yong isang mas pangit pa sa unggoy na katabi nung natamaan ko ng lata. "Pwede bang ako muna ang mauna pare? Saka na lang kayo 'pag tapos na ako."

Tumaas ang isang kilay ko. "Gusto mong ikaw ang maunang mabasag ang mukha?"

Tumawa 'yong mga lalaking mas pangit pa sa unggoy. May sinabi ba akong nakakatawa?

"Pakipot ka pa Miss. Huwag ka nang manlaban. Masasarapan ka rin naman." Bastos 'to ah!

"Masasarapan nga akong basagin yang mga pagmumukha n'yong mas pangit pa sa unggoy." Nakangisi kong sabi.

Mukhang napikon sila kaya sumugod sila sa akin. Bale, anim sila. Kaya ko naman sila. Mga walang binatbat naman 'tong mga 'to.

Tatlo na ang napapatumba ko noong may humampas na kahoy sa binti ko. Tang*na! Bawal 'yon ah!

Napaluhod ako at tiningnan ng masama 'yong humampas sa akin. Nakangisi siya. Pati 'yong dalawa eh may hawak ding mga kahoy.

Mga mandurugas!

"Ano miss? Papalag ka pa ba?" Nakangising sabi nung humampas sa akin.

Marahas kong inalis ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "Mga duwag kayo. Nalimutan n'yo na ba ang batas ng group fight?"

Tumawa ng malakas 'yong tatlo.

"Walang batas-batas sa amin miss. Gagawin namin ang gusto naming gawin." Sabi no'ng isa.

May lalaking biglang umakbay sa lalaking katatapos lang magsalita. "Walang batas pala ha? Mga tarantad* kayo ah!"

Nanlaki ang mga mata ko no'ng mamukhaan ko 'yong lalaki. Si Therence?




Therence's Punch

"Walang batas pala ha? Mga tarantad* kayo ah!" Sigaw ko at sinuntok sa sikmura at mukha 'yong lalaki sabay inihagis ko sa malayo 'yong kahoy.

Nagdidilim ang paningin ko. Anong karapatan nilang pagtulungan si Sizzi?

Galit na galit na sinugod ko 'yong dalawa pang natitirang nakatayo. Hindi ko talaga tinantanan hangga't hindi ko naibubuhos ang galit ko.

Naramdaman ko na lang na may pumipigil sa akin. "Therence, tama na. Duguan na sila."

Pinikit ko ng mariin ang mata ko para makalma ako. Sinipa ko pa sila ng isang beses bago ko hinigit si Sizzi palayo roon.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Founder, ang bumuo sa group fights. Sila na ang bahala sa mga tarantad*ng pinagtulungan si Sizzi.

"Therence, saan tayo pupunta?" Rinig kong tanong ni Sizzi.

Saan nga ba? Hindi ko rin alam.

"Therence! Hoy! Bitawan mo ako kung hindi mo naman sasagutin ang tanong ko." Dagdag ni Sizzi.

Makaraan ang ilang hakbang ay pumiglas siya sa pagkakahawak ko. Humarap naman ako sa kanya.

"Ano bang problema mo? Matapos mo akong iwasan ng ilang araw eh manghihigit ka na lang basta? Ayos ka rin ah!" Sigaw ni Sizzi.

"Ano ba kasing ginagawa mo roon ha? Kung hindi pa ako dumating eh di sana napagsamantalahan ka na ng mga tarantad*ng 'yon!" Sigaw ko rin.

"Eh ano namang pakialam mo? Buhay ko naman 'to ah!"

Nanahimik ako. Ano nga ba? Ano nga ba namang pakialam ko?

"Kita mo na? Nanahimik ka na naman! Dyan ka naman magaling eh! Bahala ka na nga dyan!" Sigaw niya saka ako nilampasan.

Hindi pa siya nakakalayo sa akin no'ng hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"Ano b—"

Niyakap ko ng mahigpit si Sizzi. Doon ko ibinuhos ang lahat ng naramdaman kong takot at pag-aalala kanina.

Nag-alala ako ng sobra noong hindi pa siya dumadating kanina sa hide out. Hindi rin siya ma-contact ni Kysler kanina kaya naman lumabas agad ako para hanapin siya.

Lalong nadagdagan ang pag-aalala at takot ko noong wala siya sa apartment niya. Mabuti na lang talaga at napadpad ako rito kung hindi... kung hindi, hindi ko alam ang posibleng mangyari sa kanya kung hindi ako napaaga ng dating.

Akala ko talaga, mapapahamak na si Sizzi. Hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa kanya.

Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko kay Sizzi.

"Therence?" Tawag ni Sizzi saka hinagod ang likod ko.

Ang gandang pakinggan ng pangalan ko kapag sa kanya mismo galing.

"May problema ka ba?" Tanong pa ni Sizzi.

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'ng posisyon.

Basta, masarap sa pakiramdam na yakap ko si Sizzi.

"Oh come on Kuya! Hindi ka naman mamamatay kapag inamin mong may gusto ka kay Ate Sizzi eh." Sabi ni Rica.

Tama si Rica, hindi nga ako namatay. Pakiramdam ko nga, mas lalo akong nabuhay.

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro