Fight #13: Ang Tatlong Tagabatok
Rica's Punch
"Ang torpe naman pala ni Kuya Therence 'no?" Sabi ni Ericka pagkainom ng Chuckie.
Napabuntong-hininga si Amae. "Nakakainis 'yong kabagalan niya."
"Nakita ko na 'yong Kuya Kysler ni Ate Sizzi. Erm, sa tantiya ko eh mga 20 years old na siya." Paliwanag ko habang nagbabasa ng book 6 ng Mortal Instruments, 'yong City of Heavenly Fire.
"Saan mo nakita?" Tanong ni Ericka.
"I asked Kuya Clark na mag-take ng picture ni Ate Sizzi with this Kysler guy. Here." Pinakita ko sa kanila 'yong picture.
Tumango-tango si Amae. "In fairness, hindi carjack ang fes."
(A/N: Carjack = pangit, itatapon)
"No wonder, selos na selos ang kuya mo. They look really close." Komento ni Ericka.
Nandito kami sa may study area. Actually, uwian na namin kaso hinihintay ko pa si Kuya. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa bahay. Naka-leave 'yong driver namin.
At dahil mababait itong mga kaibigan ko, nakihintay na rin sila. 4 PM kasi ang dismissal namin samantalang 5 PM sina Kuya.
"So, wala ba tayong gagawin to this situation?" Tanong ni Amae.
Napangisi ako. "I guess, may kailangan na tayong batukan para may matauhan?"
Whoa. Rhyme yun ah?
Napapalakpak si Ericka. "Ow! Ow! Gusto ko 'yan!"
"Para namang hindi ka lagi nambabatok." Natatawang sabi ni Amae.
"Iba naman 'ying ngayon. Seryosong batukan with matching sermon ang mangyayari ngayon." Katwiran ni Ericka.
Kami kasing tatlo ang dakilang tagabatok ng tatlong ulukan. Well, siguro kilala n'yo na ang tinutukoy ko. So I don't need to elaborate them, right?
Kanina ko pa napapansing umi-english ako. Ginagawa akong conyo ni Author, which is I'm really not.
Tsk, kasasabi ko lang na hindi ako conyo eh!
Maya-maya pa ay dumating na sina Kuya.
Nalimutan kong sabihin na dalawang araw nang tahimik si Kuya.
Nakakapanibago nga eh. Wala 'yong makulit kong Kuya.
Kahit si Ate Sizzi, naninibago sa katahimikan ni Kuya. Ni hindi nga sila nagbabangayan.
Kita ko namang bothered din siya kung ano ba ang problema ni Kuya.
Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako. Natutuwa ako kasi feeling ko may something na silang nararamdaman sa isa't isa. Kaso naiinis ako sa katorpehan ng Kuya ko at pagkamanhid ni Ate Sizzi.
Ang sarap nilang batukan pareho.
Pero siyempre, si Kuya lang ang babatukan ko. Ayoko ngang saktan si Ate Sizzi.
Kinuha ni Kuya ng walang imik ang bag ko.
Walang sabi-sabing binatukan ko siya.
"What was that for?" Gulat na sabi ni Kuya habang nakahawak sa likod ng ulo niya.
"Warm up pa lang 'yan." Banta ko.
"Wala naman akong ginawang kalokohan ah?" Depensa ni Kuya.
Agad namang lumapit si Ericka at binatukan din siya. "Wala nga. Dapat ka lang matauhan."
Nangunot ang noo ni Kuya. "Saan?"
Nanggigigil na binatukan ni Amae si Kuya. "Ang sarap mong itapon sa bangin!"
Narinig ko ang pagtawa ni Kuya Clark at Kuya Jayzee.
"Lagot ka Rence—"
"Anong itinawag mo sa akin?" Putol ni Kuya sa sinasabi ni Kuya Jayzee. Dumilim din ang mukha ni Kuya.
Bakit kaya? Dahil tinawag siyang Rence? Anong meron do'n?
Itinaas ni Kuya Jayzee ang dalawa niyang kamay. "Chill! Hindi ko sinasadya. Sorry na pare."
"Makakatanggap ka yata ngayon ng maraming batok at sermon, pare." Sabi ni Kuya Clark para mawala 'yong atensyon ni Kuya kay Kuya Jayzee.
"Talaga!" Sabi ni Ericka. "Nang matauhan."
"Wala naman akong ginagawa ah!" Depensa na naman ni Kuya.
"'Yon na nga! Wala kang ginagawa." Sabi ko.
Kumunot ang noo ni Kuya. "Ano bang ibig n'yong sabihin?"
"Rica, pigilan mo ako, baka mabugbog ko ang kuya mo." Naniningkit ang matang sabi ni Amae.
"Hindi kita pipigilan, tutulungan pa nga kita." Sabi ko agad.
"Eh kasi naman Kuya Therence," panimula ni Ericka. "Utang na loob, huwag ka nang magpakatorpe! Alam namin na may gusto ka kay Ate Sizzi, don't deny it. Duh?" Nag-roll eyes pa si Ericka.
Lalong kumunot ang noo ni Kuya. "Sinong may sabing may gusto ako kay Sizzi? Wala akong gusto sa kanya."
"So kaya pala sobrang tahimik mo for two days no'ng malaman mong may ka-close na lalaki si Ate Sizzi?" Sabi ko.
"At kaya naiinis ka bigla kapag naririnig mo ang pangalang Kysler?" Batos pa ni Amae.
"Oh come on Kuya! Hindi ka naman mamamatay kapag inamin mong may gusto ka kay Ate Sizzi eh." Dagdag ko.
"Bakit ba pinagpipilitan n'yong may gusto ako sa pangit na 'yon?" Iritang sabi ni Kuya.
Nanlaki ang mga mata namin.
WHAT. THE. HECK?
Agad naming nilapitang tatlo si Kuya at sunud-sunod siyang binatukan. How dare he?
"Ikaw ata ang kailangang pumunta sa opthalmologist, Kuya. Hindi pangit si Ate Sizzi!" Sigaw ko.
"Gusto mo bang dukutin ko 'yang mata mo nang mapunasan ko? Malala na yan!" Dagdag ni Ericka.
"Grabe ka pare. Anong pangit si Sizzi? Ang ganda nga niya eh!" Sabat ni Kuya Clark.
"Maganda na nga, astig pa. Kaya nga crush ko si Sizzi." Sabat din ni Kuya Jayzee.
"Crush ko rin kaya si Sizzi!" Amin ni Kuya Clark.
Nagulat kami dahil bigla silang kwinelyuhang dalawa ni Kuya. Uh oh.
"Pardon?" Madilim ang mukha ni Kuya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi no'ng dalawa.
Kami rin naman.
"Pare, chill lang. Crush lang namin si Sizzi, pero hindi namin siya aagawin sa'yo." Paliwanag ni Kuya Jayzee.
"Oo nga. Relax lang. Crush nga lang eh. Hinahangaan lang." Paliwanag din ni Kuya Clark.
Bumuntong-hininga si Kuya at binitawan ang dalawa. "Mabuti na yung malinaw. I'll kill you with my bare hands if you try to hit on my girl—"
Biglang natigilan si Kuya. Napangiti naman kami.
"See? Kusang lumalabas ang feelings mo Kuya." Pang-aasar ko.
"Tss, wala akong sinabing gusto ko siya." Palusot ni Kuya.
Napapalatak kami. Aish! Denial pa rin!
"Tarang ihulog sa bangin ang kuya mo, Rica?" Alok ni Amae.
"Hayaan n'yo na, at least may improvement." Natatawa kong sabi. "Lumalabas ng kusa 'yong possessiveness niya kay Ate Sizzi. And speaking of Ate Sizzi, sorry Kuya kung hindi mo naihatid ngayon si Ate Sizzi."
"Hindi ko siya hinahatid." Depensa ni Kuya.
"Ahh," tumango-tango ako. "Sinusundan mo lang lagi just to be sure na safe siyang nakakauwi?"
Gulat na napatingin si Kuya sa akin. Akala siguro niya eh hindi ko alam.
Marami kaya akong source.
"Oh! Bago nga pala namin makalimutan." Sabi ni Amae.
Lumapit kaming tatlo at nakatanggap ng tigatlong batok si Kuya Clark at Kuya Jayzee.
"Bakit na naman?" Reklamo ni Kuya Clark.
"Gawa 'yan kanina. Akala talaga namin eh magiging kontrabida kayong dalawa kina Kuya Therence at Ate Sizzi." Sabi ni Ericka.
"Wala pa kaming balak mamatay ng maaga." Sabi agad ni Kuya Jayzee.
Napatawa naman kaming tatlo.
Sabi ko sa inyo eh, effective 'tong pambabatok namin sa kanila. See? Natauhan sila.
I wonder kung kikilos na si Kuya. Aba, kapag hindi, I will take Amae's suggestion na ihulog sa bangin ang kapatid ko.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro