Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #12: Jealous Therence

Therence's Punch

"Jayzee, nararamdaman mo ba?"

"Oo, kanina pa nga eh."

"Ramdam na ramdam ko ang dark aura na nakapalibot kay Therence."

"At alam ko kung bakit."

Binato ko ng lalagyan ng Pringles si Clark at Jayzee. "Manahimik nga kayong mga gag* kayo."

"Hoho!" Pang-aasar lalo ni Clark. "Masaya 'to. Galit si Therence."

Binigyan ko ng matalim na tingin si Clark. "Baka gusto mong mapagbuntunan ng galit ko?"

Tinaas ni Clark ang dalawang kamay niya. "Hindi na nga. Galit ka agad."

"Tss."

"Bakit nga ba galit ka?" Tanong ni Jayzee.

"Gag* lang Jayzee? Kita mo namang close na close si Sizzi kay—"

"P*tang*na Clark. Manahimik ka kundi puputulin ko 'yang dila mo." Putol ko sa sasabihin ni Clark.

"'Yan ang patunay na ang sarap pumatay kapag nagseselos." Nakangising sabi ni Jayzee.

"Nanyo." Mura ko sa kanilang dalawa. "Hindi kayo nakakatulong. At hindi ako nagseselos."

"Hindi nga ba?" Nakakalokong tanong no'ng dalawa.

Hindi naman talaga. Eh ano naman kung close si Sizzi kay Kysler? Wala akong pakialam.

Hindi ako nagseselos. Sadyang ang sarap lang patayin ng hayup na Kysler na 'yon.

Hindi naman selos 'tong nararamdaman ko 'di ba?

"Masabi nga 'to kay Amae. Tiyak na makakatanggap ka ng tatlong batok mula kina Rica." Tatawa-tawang sabi ni Jayzee.

"Pagbuhulin ko kaya kayong dalawa ni Clark?" Banta ko sa kanila. Lalo silang dumadagdag sa badtrip ko.

"Bakit kasi hindi mo pa aminin na may gusto ka kay Sizzi?" Gag*ng tanong ng gag*ng si Clark.

"Wala akong gusto kay Sizzi."

"Wala? Eh kulang na lang mamatay si Kysler sa sama ng tingin mo. Kanina mo pa nga yata gustong patayin si Kysler." Gag*ng sabi ng gag*ng si Jayzee.

Hindi ko na pinansin 'yong dalawa at binaling ko ang tingin ko kay Sizzi at Kysler na magkatabi at nagkukwentuhan.

Kaninang pagdating namin dito sa hide out ay si Kysler na may bitbit na ice cream at fries ang bumungad sa amin. At si Sizzi naman ay tuwang-tuwa.

Ngiting-ngiti talaga.

Parang 'yong ngiti niya nung tawagin siyang Ate nina Rica.

Bakit hindi ko siya mapangiti ng gano'n?

Bwisit!

Eh kahit naman siguro dalhan ko siya ng isang truck ng ice cream at fries, hindi niya ako ngingitian ng gano'n.

Mainit kasi ang dugo niya sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya para uminit ang dugo niya sa'kin.

Baka sadyang ayaw lang talaga niya sa'kin. Hinayupak nga ang tawag niya sa'kin eh.

"Bakit nga pala kayo natagalan ni Therence? Nakipagbugbugan muna kayo?" Rinig kong tanong ni Kysler.

Isinawsaw muna ni Sizzi sa ice cream yung fries saka isinubo at tumango. "Labing-anim na pangit. Mga wala namang binatbat."

Napatawa si Kysler. "Lahat naman ata, walang binatbat sa'yo."

"Magaling ako eh. Kahit ikaw, kayang-kaya kong patumabahin."

"Para namang papatulan kita?" Ginulo ni Kysler ang buhok ni Sizzi.

Tinampal naman ni Sizzi ang kamay ni Kysler. "Huwag nga! Gulo na nga 'yong buhok ko, guguluhin mo pa."

"Maganda ka pa rin naman."

"Wala akong kwarta, hindi kita maililibre."

Napatawa si Kysler kaya napatawa rin si Sizzi. F*ck this.

"Oy Sizzi." Tawag ni Jayzee. "Nanliligaw ba sa'yo si Kysler?"

Nanlaki ang mata ni Sizzi. "Nanliligaw? Nakainom ka ba ng muriatic acid, Jayzee?"

Nagkibit-balikat si Jayzee. "Naitanong ko lang."

Biglang inakbayan ni Kysler si Sizzi. "Hindi pa nga ako sinasagot nito. Ang tagal ko nang nanliligaw."

WHAT. THE. F*CK.

Biglang inalis ni Sizzi ang pagkakaakbay sa kanya ni Kysler. "Huwag kayong maniwala dyan. Gag* 'yang si Kuya Kysler."

Tumawa lang si Kysler. Binatukan lang ni Sizzi ito.

Bigla akong tumayo saka lumabas. Baka makapatay ako kapag nanatili pa ako sa loob.

Nangangati 'yong kamay kong bugbugin si Kysler hanggang sa hindi na siya makilala ng kahit sino. Gusto ko ring ibaon siya ng buhay sa lupa.

Sabihin n'yo nga sa'kin, nagseselos ba ako sa lagay na ito?




Sizzi's Punch

Nakakapanibago.

Parang ang tahimik ni hinayupak ngayon ah?

Hindi rin niya ako kinukulit simula kaninang umaga.

Ang tahimik tuloy. Hindi ako sanay.

May problema kaya si Therence?

"Rica, bakit ang tahimik ng kuya mo?" Tanong ni Ericka.

Lunch break na ngayon at magkakasabay ulit kaming kumain. Mukhang lagi ng mangyayari 'to.

"Ewan ko dyan. Nalimutan nga akong tawagan n'yan kagabi para mag-good night." Sabi ni Rica habang nilalantakan ang pagkain niya.

Pinigilan ko ang mapangiti. Ang sweet naman pala ni Therence sa kapatid niya.

"Ang sabi ni Kuya, galit daw si Kuya Therence kagabi." Sabi ni Amae.

Biglang nag-angat ng tingin si Therence mula sa paglalaro niya ng pagkain niya at sinamaan ng tingin si Jayzee.

Tinaas ni Jayzee ang kamay niya habang natatawa. "Tunay naman ah."

"Bakit galit si Kuya?" Tanong ni Rica.

"Nagsel—"

"Wanna die Clark?" Putol ni hinayupak sa sasabihin ni Clark. Ngayon lang nagsalita si hinayupak.

Nakangiting napailing lang si Clark. "Denial."

"Kuya." May pagbabanta sa boses ni Rica. "Sasabihin mo o sasabihin mo?"

Tumingin lang si Therence kay Rica saka tumingin sa akin at ibinalik ulit ang tingin kay Rica.

Ano bang problema nito?

"Wala lang 'yon bunso." Mahinang sabi ni Therence.

"Hindi ako naniniwala Kuya." Naniningkit ang matang sabi ni Rica. "Bakit ayaw mong sabihin?"

Hindi nagsalita si Therence.

Bumuntong-hininga si Rica. "Fine. Sabihin mo sa akin mamaya."

Naninibago ako kay Therence. Hindi ako sanay na tahimik siya. Ano bang problema niya?

"Sigurado ka bang hindi mo manliligaw si Kysler, Sizzi?" Tanong ni Clark.

Muntik na akong mabulunan sa tanong ni Clark. "Para kang timang Clark. Hindi nga sabi. Kuya lang ang turing ko kay Kuya Kysler."

"Sino si Kysler?" Kunot ang noong tanong ni Ericka.

"Ka-close ko 'yon, kuya ang turing ko do'n." Sagot ko.

"Kasama n'yo ba 'yon kagabi?" Tanong ni Amae.

Tumango ako. "Bakit?"

Nagkatinginan si Rica, Ericka at Amae. Sabay silang tatlong tumingin kay Therence saka ngumiti ng nakakaloko 'yong tatlo.

Bakit kaya?

Tumango-tango si Rica. "Kahit huwag mo nang sabihin Kuya, alam ko na kung bakit."

"Kaya pala tahimik." Dagdag ni Ericka.

"Tsk tsk. Hindi ko akalaing ganyan pala si Kuya Therence." Naiiling na sabi ni Amae.

Napakunot ang noo ko. Anong ibig sabihin ng mga 'to?

"Anong ibig n'yong sabihin?" Tanong ko.

Napatingin sa akin si Rica, Ericka at Amae.

"Seriously Ate Sizzi?" Hindi makapaniwalang sabi ni Amae.

"Hindi mo na-gets?" Tanong ni Ericka.

Napatampal si Rica sa noo niya at umiling.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jayzee at Clark. "Dinaig pa kayo ng mga 14 years old, Sizzi at Therence."

Napatingin lang kami ni hinayupak sa kanila.

What do they mean?

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro