Fight #11: Himala!
Sizzi's Punch
Maraming estudyante ang natigilan nang makita nila ako. Sino ba naman ang hindi?
Ang basagulera, may galit sa mundo at palamura na Sizzi na nakilala nila ay nakangiti ngayon. Oo! Nakangiti ako! Mahirap bang paniwalaan?
"Ano kayang nangyari at nakangiti si Sizzi?"
"Baka dahil kaninang tanghali?"
"Bakit? Anong nangyari?"
"Hindi mo ba nakita? Kasama niyang mag-lunch sina Therence saka sina Rica."
"Anong konek no'n?"
"Pagong! Ibig sabihin masaya siya kasi close na siya kina Therence saka kina Rica! Eh 'di mas malaki ang chance niya kay Therence."
Napatigil ako sa harap no'ng kumpulan ng mga babaeng napakalakas magbulungan. Kung bulungan pa nga ang tawag do'n.
Natigilan naman sila at takot na tumingin sa akin. Iniisip siguro nilang mumurahin ko sila.
Well, gusto ko sana. Kaso masyado akong masaya ngayon.
Walang imik na nagpatuloy ako sa paglalakad. Narinig ko pa ang malakas nilang buntong-hininga. Mga relief na hindi ko sila sinigawan at minura.
(A/N: Imik = salita, sabi)
Alam kong iniisip ninyong napakababaw ng kaligayahan ko. Pero masisisi n'yo ba ako? Wala akong kapatid. Gustung-gusto kong magkaroon ng kapatid.
Sobrang saya ko talaga no'ng marinig ko silang tinawag nila akong Ate. Sa tanang buhay ko, ngayon lang may tumawag na Ate sa akin.
"Ang saya mo ata?"
Kahit gaano pala ako kasaya, hindi no'n kayang talunin ang inis ko sa hinayupak na ito.
"Oh? Ano naman?"
Nagkibit-balikat siya. "For the first time kasi ay nagmukha kang tao."
Naningkit ang mata ko. "Wow ha? Hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo."
"Masyado kasi akong gwapo. Tama 'di ba?"
Napakahangin talaga nito. Ihagis ko ito papuntang outer space eh.
"Nagtataka ako kung bakit."
"Nagtataka ka kung bakit ang gwapo ko?"
Lalong naningkit ang mata ko. "Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa sa lupa. Sa lakas ng hangin mo, sapat na 'yon para ilipad ka papuntang Pluto."
Napatawa naman si hinayupak. "Hindi naman ako mahangin ah?"
"Hindi raw?" Umismid ako. "Ayaw talagang tanggapin ng utak ko ang katotohanang kapatid ka ni Rica."
"Maganda si Rica, gwapo ako. Does that not count?"
"Gwapo ka? Sinong may sabi? Dadalhin ko sa opthalmologist, malala na ang lagay no'n."
Napatawa lang siya. Patuloy lang kami sa paglalakad.
Pero teka, wala bang balak umuwi ang isang 'to?
"Hindi naman dito ang daan pauwi sa condo mo ah? Layas na."
"Ihahatid na kita."
Nanlaki ang mata ko. "What I am? A five-year old?" Naningkit ang mata ko. "Excuse me. Kayang-kaya ko na ang sarili ko."
Nag-shrug siya. "Hindi naman masama 'di ba?"
"Naka-drugs ka ba?"
"Of course not."
Hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
"Something's weird." Rinig kong sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. "Huh?"
"You're not shouting at me."
Natigilan ako. Oo nga 'no? Nagkibit-balikat ako. "Be thankful to Rica, Amae and Ericka."
Ngumiti siya. "They'll get a lot of ice cream later."
Ini-spoil niya sina Rica, which makes him a good brother.
Kung bakit kasi wala akong kapatid.
Nakarating na kami sa tapat ng building ng apartment ko. Wala ba talagang balak umuwi ang isang ito?
"Lumayas ka na nga." Taboy ko sa kanya.
"Matapos kitang ihatid, itataboy mo ako ng gano'n-gano'n lang? Lupet ha?" Humawak siya sa dibdib niya at nag-act na nasasaktan. "Ang sakit naman no'n."
Nilagay ko ang isa kong kamay sa beywang ko. "Eh sino ba naman kasi ang may sabing ihatid mo ako?"
"Tss." Umiwas siya ng tingin.
"Tss." Panggagaya ko saka pumasok sa loob.
Pero sinundan niya ako.
Talaga naman.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Therence. "Aalis ka o aalis ka?"
Nilampasan niya ako at nagpatuloy siya sa paglalakad. "Sabay na lang tayong pumunta mamaya sa hide out."
What the— "Isa Therence!"
"Isa lang talaga ako." Ngumisi siya sa akin.
Tumakbo ako para abutan siya pero tumakbo rin siya at nauna pang pumasok sa apartment ko.
At ang hinayupak, feel at home na feel at home.
"Tumayo ka dyan kung hindi, kakaladkarin kita palabas." Paano kasi, nakahiga pa dun sa sofa ko.
Tumayo nga siya pero inuli naman niya ang apartment ko. Para namang hindi pa siya nakapasok dito dati.
"Bakit ka umalis sa bahay n'yo, Sizzi?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat. Hindi ko rin alam kung bakit. May kakaiba akong naramdaman no'ng binanggit niya ang pangalan ko.
Nagiging weird na naman ako.
"Pakialam mo? Ikaw nga rin, nakabukod sa mga magulang mo."
"Medyo malayo sa school ang bahay namin."
"Eh bakit si Rica?"
"May driver naman kami."
Napatingin ako sa kanya. Alam kong maykaya sila sa buhay. Eh bakit—
"Mayaman kayo 'di ba? Bakit sa Jayden High kayo nag-aral?"
Tumingin siya sa'kin. Hindi ko mabasa ang mga emosyon niya sa mata niya.
"Hindi kasi ako kilala no'ng taong gusto kong maalala ako." Ngumiti siya. Ngiting malungkot.
Napakunot ang noo ko. Anong konek no'n?
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta ako sa kusina para kumuha ng ice cream.
***
"Gaano katagal ka nang nakabukod sa mga magulang mo?" Tanong ni hinayupak.
Naglalakad na kami papunta sa hide out eh. Medyo malayo kaya maaga kaming papunta.
"Bakit ba interesado ka?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Masama bang magtanong?"
"Three months."
"Huh?"
"Three months na."
Tumango-tango naman siya. "Bakit ka bumukod?"
"Isa pang tanong, ihahagis kita papuntang outer space."
"Sungit. Para nagtatanong lang."
"Tss." Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Aba, tingnan mo nga naman ang swerte."
Nagulat na lang ako dahil biglang pumunta si Therence sa harap ko at hinarangan ako. Sinilip ko naman 'yong nagsalita.
Tao ba 'to? Mukha pang matino 'yong unggoy sa itsura nila eh.
Wooo~ Bad Sizzi, bad.
"Hoy Morales, akala mo ba eh nakalimutan na namin ang ginawa mo sa amin?" Tanong no'ng lalaking daig pa ang nakuryente dahil tirik-tirik ang buhok niya.
"Anong ginawa mo sa kanila? Lalo mong pinapangit?" Bulong ko kay Therence.
Biglang napatawa si Therence. As in, halakhak talaga, 'yong sobrang lakas.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan ha?" Sigaw no'ng lalaking puro hangin ang laman ng katawan.
"Pare, may babaeng kasama." Nakangising sabi no'ng lalaking dinaig pa ang tingting sa kapayatan.
"Kung ako sa'yo Morales, ibibigay ko na 'yang babaeng kasama mo. Para hindi ka na mahirapan." Timang na sabi no'ng lalaking hindi ko na halos makita. Sobrang itim eh.
Dumilim ang mukha ni Therence. "Dare to lay a finger on her and you're dead."
"Baka hindi mo napapansing labing-anim kami at mag-isa ka lang?" Maangas na sabi no'ng lalaking mukhang ermitanyo dahil sa balbas niya.
Eh kung pasabugin ko kaya ang mukha niya? Anong akala niya sa akin? Mahina? F*ck him!
"Eh kung baliin ko kaya ang lahat ng buto mo sa katawan? Naniningkit ang matang sabi ko.
"Palaban naman pala ang babaeng 'yan eh. Gusto ko 'yan." Nakangising sabi no'ng lalaking parang si Megamind sa laki ng ulo. Ang pangit talaga ng mga 'to. Trying hard pang ngumisi.
"Napatumba ko na kayo dati. Kaya kong gawin ulit 'yon." Bored na sabi ni hinayupak.
"At napakayabang mo pa rin gaya ng dati!" Pikon na sabi no'ng lalaking puno ng pimples sa mukha. Ew.
Nagkibit-balikat si Therence saka ngumisi.
Tinapik ko sa balikat si Therence. "Kita mo na? Hindi lang ako ang nakakapansin ng kayabangan mo." Sinamaan ko ng tingin si Therence. "At patay ka sa akin kapag hindi mo ako hinatian sa mga 'yan. Hindi mo ba alam ang 'share your blessings'?"
Bumuntong-hininga si hinayupak. "Fine. Sa'yo 'yong isa, akin 'yong labing-lima."
"Eh kung bugbugin din kaya kita? Anong isa lang? Anong akala mo sa akin, mahina?"
Tumawa siya ng mahina. "Fine, tig-walo tayo. Okay na? May reklamo ka pa?"
Ngumisi ako. "Madali ka naman palang kausap." Tumingin ako sa mga pangit. "Basta ako 'yong bubugbog sa mukhang ermitanyong 'yon. Babasagin ko ang pagmumukha dahil akala niya kanina eh hindi ko kayang lumaban."
Napailing si hinayupak. "Basta ako yung sa malaki ang ulo at maitim. Binastos ka eh."
Bago pa ako makapagsalita eh sumugod na sa amin 'yong mga pangit.
Isang lalaki muna ang lumapit sa akin. Akala siguro ng mga ito ay hindi ko sila kaya. Well, tara? Patulugin natin ang mga pangit na 'to.
Nakailag ako sa suntok nung lalaki tapos ay sinipa ko sa sikmura at sa mukha. Ayun, tumba agad. Ano ba naman 'yan.
Nanlaki 'yong mga mata ng mga lalaki, mga hindi makapaniwala. Ano kayo ngayon?
Nginisian ko sila.
Sumugod sa akin 'yong pitong lalaki at pinalibutan ako. Mabagal silang kumilos kaya ang daling ilagan ng mga suntok at sipa nila.
Pagkailag ko sa suntok ng isang lalaki ay tumuon ako sa likod nito para masipa 'yong isa pang lalaking susugod saka ko sinipa 'yong likod ng lalaking tinuunan ko kaya padapa itong bumagsak. Psh, isa na lang ang natitira. At 'yon ay ang pangit na ermitanyo. Sinadya kong ihuli ang pangit na 'to.
Kita kong nanginginig na ang katawan nito. Kaya lalo akong napangisi. Ang dali naman pala nitong matakot.
Tumingin muna ako sa gawi ni hinayupak. 'Yong malaki ang ulo at maitim din ang itinira niya.
Akala siguro ng ermitanyong ito na hindi ko ramdam na sumugod siya. Agad ko namang nahawakan ang kamao nito saka ipinilipit at tinuhod ang sikmura niya saka siniko ang likod niya. Ayun, bagsak.
Pagkalingon ko kay hinayupak ay tumba na 'yong malaki ang ulo tapos ay sinuntok lang niya ng isa 'yong maitim at knock out agad.
Tiningnan ko 'yong mga nakahandusay na pangit. "Lalakas ng loob, wala naman palang binatbat."
Napatawa ng mahina si hinayupak. "Tara na. Hayaan mo na ang mga 'yan."
"Hinayupak." Tawag ko.
"Oh?" Tumingin siya sa akin.
Itatanong ko ba? "Ah, wala. Tara na." Nauna pa akong maglakad kaysa sa kanya.
Gusto ko lang namang itanong, kung ano 'yong ibig sabihin niya kanina. 'Yong siya na ang bahala sa malaki ang ulo at maitim dahil binastos daw ako?
Pagkasabi kasi ni Therence no'n, parang galit na galit siya. 'Yon bang, parang girlfriend niya ang binastos.
Napailing ako. Makapunta na ngang opthalmologist dahil parang may deperensya na rin ang mga mata ko.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro