Fight #10: The Three Girls
Dedicated kay TheSupladaGirl, idol daw niya ako eh. Hahaha! May uma-idol pa pala sa'kin sa lagay na ito?
=====
Sizzi's Punch
“Sizzi!”
Hindi ko pinansin ang tumawag sa’kin at nagpatuloy ako sa paglalakad.
“Sizzily Faye Delos Reyes!”
Argh. Napilitan akong lumingon at nakita ko ang dalawang tao at isang halimaw. Ang dalawang tao ay nagngangalang Jayzee at Clark at ang halimaw ay ang hinayupak na si Therence.
“Kailangan ka pang tawagin sa full name bago ka lumingon.” Natatawang sabi ni Clark pagkalapit nila sa’kin.
“Anong kailangan n'yo?” Naka-straight face kong tanong sa kanila.
“Sabay ka sa aming mag-lunch?” Alok ni hinayupak.
Kung may isisingkit pa ang mata ko ay nangyari na 'yon. “Ayoko.”
“Sige na naman Sizzi. Kasabay naman natin 'yong kapatid ko at ni Therence saka 'yong isang kaibigan nila.” Pakiusap ni Jayzee.
“A.YO.KO.” May diin kong sabi. “Buti sana kung hindi ako pag-uusapan ng mga 'yan.” Turo ko sa mga babaeng masama ang tingin sa akin. “Lalo lang madadagdagan ang galit ng mga 'yan. Pati na rin kung anu-anong sumpa sa’kin.” Hayup din 'tong Jayzee na 'to, binubugaw ba ako nito?
Napatingin din 'yong tatlong ulukan sa mga babaeng masama ang tingin sa akin. I rolled my eyes. Oh, come on. As if namang ginusto ko na lumapit ang mga ‘to sa’kin. Kanila na, isaksak nila sa baga at ngala-ngala nila.
Nagpaputok ng mga daliri si Clark. “Mukhang first time kong papatol sa mga babae.”
Gumaya naman si Jayzee at nagpaputok din ng daliri. “Ayoko sana talagang pumatol kaso, bakit kailangan nilang tapunan ng masamang tingin si Sizzi?”
Napakunot ang noo ko dahil sa dalawang ito. Ako nga hindi ko pinapatulan ang mga 'yan tapos sila papatulan nila? Sira-ulo pala ang mga ito eh.
“Bakit ganyan kayo makatingin kay Sizzi? Gusto n'yong dukutin ko ang mga mata n'yo?” Sigaw ni Therence kaya nagulat kami.
Eh paanong hindi kami magugulat eh bigla na lang sumigaw! Ang lapit-lapit kaya namin sa kanya!
Nag-iwasan naman bigla ng tingin 'yong mga taong kung makatingin sa’kin ay parang kutsilyo na kulang na lang ay mamatay ako sa tingin nila. Sus, maya-maya ay masama na naman ang tingin ng mga 'yan sa’kin.
Binatukan ko si hinayupak. “Kung sisigaw ka magbigay ka ng warning! Pambihirang nilalang ‘to! Papatayin mo ba kami sa gulat?”
“Aray naman Sizzi!” Reklamo niya. “Nakakabanas sila eh. Kapag nagpatuloy pa 'yan baka patulan ko na ang mga 'yan.”
Tumaas ang isang kilay ko. “Akala ko ba hindi ka pumapatol sa babae?”
Tumingin siya ng diretso sa mata ko. “Depende naman 'yon sa sitwasyon lalo na kung—“
“Bading ka na?” Gulat kong tanong with matching nanlalaki pang mata.
Nanlaki rin 'yong mga mata no'ng tatlo. Pfft, gusto kong matawa sa mga itsura nila.
“A-anong sabi mo? Ako? Bading?” Gulat na tanong ni hinayupak na may pagturo pa sa sarili niya.
Tinapik-tapik ko naman ang braso niya. “Huwag kang mag-alala, tatanggapin pa rin naman nila kahit na sino ka pa.” Ngumisi ako. “Hindi ko akalain na front mo lang pala ang pagiging leader ng isang grupo. Para ba makalapit ka sa maraming lalaki?” Natatawa kong sabi.
Bigla akong hinawakan ni Therence sa dalawang balikat ko kaya semi magkalapit ang mukha namin. Ayan na naman siya eh!
“Eh kung halikan kaya kita ngayon? Tawagin mo pa kaya akong bading?” Seryoso niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko at itinulak siya. “Subukan mo lang at ililibing kita ng buhay!”
“Mamaya na kayo maglambingan.” Awat ni Clark sa amin. “Hinihintay na tayo nina Rica sa canteen.”
Lambingan daw.
Naglakad na kami papunta sa canteen. Alam kong sinusundan kami ng tingin pero wala akong pakialam. Sa harapan ko lang ako nakatingin. Pagkarating namin sa aming kantina (tae, nakatagalog na naman ako), puno na lahat ng table pero nagdire-diretso kami sa isang table kung saan may tatlong babae roon na middle school pa lang ata? Iba uniform nila eh.
Napatingin silang tatlo sa amin, sa akin ata exactly.
“Kuya, sino siya? Girlfriend mo?” Tanong no'ng babae na mahaba ang buhok.
“Soon.” Naka-smirk na sabi ni Therence.
Binatukan ko nga. “Yabang mo! Labo sa sabaw ng pusit!”
Nanlaki 'yong mga mata ng tatlong babae. “Ikaw si Ate Sizzi?”
“Uh.. oo?” Anong meron kung ako nga si Sizzi?
Bigla na lang akong niyakap no'ng tatlong babae. Whoa! May balak yata silang i-suffocate ako! Pero kahit na ma-suffocate ako sa yakap nila, natutuwa ako. Gusto ko kasi ng kapatid, at tsaka.
.
.
.
.
Tinawag nila akong ate!
“Hinay-hinay lang girls, nasu-suffocate si Sizzi sa ginagawa n'yo.” Natatawang saway ni Jayzee sa tatlo.
Humiwalay naman agad sa akin 'yong tatlo pero mga ngiting-ngiti sila. Kulang na lang maging star 'yong mga mata nila.
“Sizzi, this is Ericka.” Tinuro ni hinayupak 'yong babaeng pinakamaliit sa tatlo na nakapuyod ang buhok ng mataas. “This is Angela Mae, Jayzee’s sister, but call her Amae.” Turo niya sa babaeng maikli ang buhok. “And this is Rica, my sister.” Inakbayan niya 'yong babaeng mahaba ang buhok.
Nanlaki ang mata ko at nagpabalik-balik ang tingin kay hinayupak at Rica. “Sigurado kang kapatid mo 'yan? Baka ampon ka lang?” Tanong ko kay hinayupak.
Napatawa si Rica. “Don’t worry Ate Sizzi, kahit ako nagtatanong din kung kapatid ko talaga ‘to.”
Napangiti lang si Therence at ginulo ang buhok ni Rica. I can see na mabuting kuya si Therence. Kitang-kita naman sa mata niya na mahal na mahal niya ang kapatid niya.
“Dyan muna kayo, kukuha lang kami ng pagkain natin.” Paalam ni Therence.
Tatayo na sana ako para kumuha ng pagkain ko pero hinawakan ni Therence ang balikat ko at pinaupo ulit ako. “Kami na nga ang kukuha.”
Pagkaalis nung tatlong ulukan ay biglang tumawa ng mahina 'yong tatlo. 'Yong parang kinikilig? Gano'n.
“Ate Sizzi, alam mo bang nababanggit ka lagi ni Kuya ‘pag magkausap kami? Inlababo ang kuya ko sa’yo!” Impit ang tiling sabi ni Rica.
“Inlababo? Isubsob ko sa lababo ang mukha no'n eh. Malabong mangyari 'yon.” Sabi ko.
“Nah, ikaw lang naman ang nilalapitan niyang babae rito. Well, except sa amin. Kaya sigurado kaming may pagnanasa sa’yo 'yon!” Nakangiting sabi ni Ericka.
“Pagnanasa talaga?” Napatawa ako dahil sa term nila. “Ako lang kasi ang babae rito na hindi tinatablan ng charms n'yan kaya gano'n.”
“Hindi ka talaga nagagwapuhan kay Kuya Therence?” Hindi makapaniwalang tanong ni Amae.
Umiling ako. “Mukha siyang halimaw na bakulaw.”
Napatawa naman 'yong tatlo sa sinabi ko. First time lang siguro talaga nila na maka-encounter ng babaeng hindi nahuhumaling sa charms ng hinayupak na 'yon, kung meron nga siyang charms.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa makabalik 'yong tatlo dala 'yong mga pagkain namin.
"Oh, baka naman kung anu-ano na ang sinabi n'yong paninira sa amin kay Sizzi ha?" Sabi ni hinayupak pagkaupo niya.
"Wala ah! Si Kuya talaga." Defensive na sabi ni Rica.
"Nabanggit nga nila na sumasayaw at kumakanta ka madalas ng Gee ng SNSD." Kinuha ko na 'yong kutsara at tinidor ko para makakain. Nagugutom na ako.
Narinig ko naman ang malakas na tawanan nina Jayzee dahil sa sinabi ko.
"Babawiin mo 'yong sinabi mo o hahalikan kita?" Banta ni hinayupak.
Naningkit ang mata ko. "Subukan mo lang gawin at lulunurin kita sa muriatic acid."
Biglang napalingon ako kina Amae, Rica at Ericka. Bigla kasing tumawa. Teka, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Parang wala naman eh. Dapat na ba namin silang dalhin sa mental? O kaya sa albularyo dahil may sapi na sila? Teka, sinong may holy water dyan?
"Nakakatuwa kayo Ate Sizzi." Biglang sabi ni Amae na parang nabasa niya 'yong tanong sa isip ko kung bakit sila tumatawa.
"Ang cute n'yo magbangayan!" Dagdag pa ni Ericka.
"Bagay talaga kayo ni Kuya." Tuwang-tuwang sabi ni Rica.
Nanlaki ang mata ko. "Ano? Kami ng hinayupak na ito, bagay?" Excuse me, tao ako (k, kurne) "Sumama kayo mamaya sa'kin sa opthalmologist, ipapa-check up natin 'yang mga mata n'yo, malala na 'yan."
Tumawa ng mahina si Jayzee. "Sayang at hindi n'yo lagi nakikita kung paano mag-away ang dalawang 'yan sa room."
Binato ko ng kanin si Jayzee. "Langya! Bumatos ka pa!"
Napatingin ako sa kanila. Ayaw tanggapin ng utak ko ang information na kapatid ni Jayzee si Amae at kapatid ni hinayupak si Rica.
"Maniwala ka ng magkadugo ang mga 'yan." Biglang sabi ni Clark.
"Mind reader ka Clark?" Gulat kong tanong.
"Hindi." Natatawa niyang sabi. "Kita naman sa mukha mo eh, palipat-lipat pa kina Therence ang tingin mo."
Tumango-tango ako. "Face reader ka pala."
"Huh? Meron bang face reader?" Nagtatakang tanong ni Jayzee.
"Kasasabi ko nga lang 'di ba? Oh, eh 'di meron!" Sabi ko at sumubo na ng pagkain.
"Oo nga 'no?" Timang na sabi ni Jayzee. Gag* 'to, naniwala nga?
"Ate Sizzi, you're so pilosopo!" Natatawang sabi ni Rica. Kumo-conyo 'to ah?
"Common science lang ang pinapagana do'n 'no!" Sabi ni Ericka.
"Common sense 'yon, 'di common science!" Pagtatama ni Rica.
"Ay sorry naman!" Natatawang sabi ni Ericka. "Ano nga 'yong sinasabi ni Song Yi sa My Love From the Star? Ah, 'yong 'sarrey'."
Napatawa kami kasi ginaya talaga ni Ericka 'yong way ng pagsasabi ni Song Yi do'n.
Feeling ko, ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya. Sino ba namang hindi? Eh may kasama kang tatlong makukulit, tapos babatos pasi Jayzee at Clark at may hinayupak pang gaya ni Therence. Oh 'di ba? Ang gulo ng mundo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro