Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty Six

Mag-aalas nuebe noong nagpasya siyang magbihis ng simpleng light blue na a-line dress. Bukod sa susuotin niya sa proposal ni Basti ay ito na sunod na pinakapormal.

She wanted to look professional alongside Art. Pagka-apply ng lipstick ay lumabas na siya dala ang handbag na naglalaman ng ilang personal niyang gamit.

Nasilip niya sa labas si Basti na nagtitipa sa laptop nito at ang dalawang bakulaw na sina Cujo at Mav na naglalaro ng cards.

Lalapit na sana siya sa mga ito pero lumitaw si Troy na paalis papunta sa grocery.

Sinuyod siya ng tingin ng kaibigan ngunit hindi ito nagkomento sa kanyang suot. Nabanggit na niya rito ang pupuntahan nila ni Art ngayon.

Kasunod nitong lumabas sina Ash, Evan, Jada at Celine.

"Are you coming with us?" Tanong sa kanya ng huli.

"I can't. May lakad kami ni Art." Bulong niya rito. As much as possible ay ayaw niyang maging big deal ito. She's just doing Art a favor. They were friends. And that's what friends do. Help each other. Pero kaibigan nga lang ba talaga niya ang lalaki?

Parang natuklaw si Celine ng ahas sa sinabi. Kung sa ibang pagkakataon ay tinawanan na niya ang itsura nito. Hindi rin ito nagkomento kagaya ni Troy.

Ang nag-usisa sa kanya ay si Ash na hindi kalayuan sa kanila. Hindi niya napansin ang kaibigan. Akala niyaay dumiretso na ito sa labas. "What did you just say?" Anito na nakapagpalingon kina Evan at Jada. "Saan ka pupunta?"

"May pupuntahan kami ni Art." Mariin ngunit mahina niyang saad.

Impit na tumili si Ash. "Oh my God Kelsey! Are you guys going on a date?"

"No!" Umiling siya. Ganito marahil ang itsura niya kagabi noong natuklasan niya ang nakaraan nito at ni Mav. Ash looked so excited and could not contain it. Jada was mirroring Ashley's facial expression while Evan was flashing a simper.

Troy was grinning behind her. Nagpipigil ito sa pagtawa. She wanted to slap him right there and then. At gagawin niya talaga 'yon kapag nanudyo ito. Ngunit noong lumingon na rin sa kanila sina Basti sa labas ay gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan.

Great. Now everybody knows.

"We're meeting someone for his work." Pahayag niya, pilit na kinukumbinsi ang mga ito sa kanilang sadya ni Art. Hindi nagbago ang itsura ng mga kaharap niya. At sigurado siyang wala sa mga ito ang naniniwala sa kanya.

"Kayo lang dalawa?" Dudang usisa ni Jada.

Kagat ang labi siyang tumango. Tila 'yon lang ang hinihintay ng mga ito dahil humagalpak na ang mga ito sa pagtawa.

"Then that is a date, Kelsey." Tudyo sa kanya ni Ash.

"You guys enjoy!" Masayang bulalas pa ni Jada na niyakap siya bago umalis.

She didn't even bother to defend herself. Alam naman niya ang totoo at hindi rin siya paniniwalaan ng mga ito kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng laway na ipagtanggol ang sarili.

Kumaway na lang siya sa mga kaibigan at sinabihan ang mga ito na mag-ingat.

Ang lima lang ang pumunta sa mall. Pag-alis nina Troy ay agad na inilabas nina Mav at Cujo ang makapal na guest book na nakatago kanina pa sa ilalim ng table.

The two monkeys and Basti are polishing the details about the proposal. Sana ay 'magkaron siya ng panahon bukas dahil sa isang araw na iyon.

"Are you good to go?" Untag sa kanya ni Art na biglang sumulpot galing sa loob.

She almost gasped when she saw him. He looked ravishing. Nakaitim na polo ito, chinos at loafers. May damit bang hindi bumabagay dito?

Lumapit siya at sinabayan ito sa paglalakad. "Yeah. I hope this is okay. Ito lang kasi ang dala ko na medyo formal." Iminuwestra niya ang suot. Her cheeks flushed as he scanned her from head to toe.

"You look beautiful." Dinig niyang usad nito noong nagbalik ang mata nito sa kanyang mukha.

"Thank you." Cheeky niyang sagot. Hindi iyon ang unang beses na may pumuri sa kanya pero dahil galing ito sa lalaki ay sobrang saya niya.

Nagkibit balikat ito at masuyong nilagay ang mga buhok niyang nililipad ng hangin sa likod ng kanyang tenga. He was half smiling as his gaze focused on her. "You always look beautiful."

Kumalabog ang kanyang dibdib sa sinabi nito. Iniwas niya ang tingin rito at sumulyap sa mga lalaking sumipol noong napansin sila.

"Where are you guys going?" Nakatukod ang ulo ni Cujo sa kamay nito habang nakangisi sa kanila. Even his tone was cheery as he asked that. At kahit hindi siya tumingin ay alam niyang naagaw na rin ang atensyon ng dalawang bakulaw na kasama nito.

"May meeting si Art and he asked me to go with him. Sama kayo?" She sat beside Basti. Sinilip niya ang laptop nito. He was making a video presentation. How cheesy.

Aliw na pinagsalubong ni Cujo ang mga kilay at lalong lumawak ang ngisi nito sa kanila ni Art na nakatayo sa likod niya. "Talaga?"

"Meeting lang?" Makulit na paninigurado nito, kahit na pareho nilang alam na hindi rin ito naniniwala sa kanya. He along with all their friends have made up their minds and concluded that this is a date.

Tumango siya at tiningala si Art na hindi man lang siya tinutulungan na mag-explain. Nakatutok lang ang mga mata nito sa kanya, nangisngislap at mukhang excited. Sino ba ang ka-meeting nila at excited na ito?

"Date 'yan e." Tudyong muli ni Cujo. "Ayaw naman naming makaistorbo." Napalitan ang ngisi nito ng pagsimangot dahil tinamaan ito sa mukha ng ballpen na sinubukan i-shoot ni Mav sa basurahan sa may entrada ng cottage.

Tinamaan ito sa ilong ng nasabing ballpen. "May I just remind you, na sa industriyang ginagalawan ko, mukha ang puhunan. Kaya please, hands-off the merchandise." Kinamot ni Cujo ang ilong na medyo namula, busangot na ngayon ang mukha.

Humalakhak sila ni Mav sa itsura ng kaibigan nila . Nakangisi lang si Basti pati na rin si Art na ngayon ay nasa laptop nakatingin.

"I really wish I could help you guys. Pagbalik namin tutulong ako." Sabi niya mayamaya.

Nakakakonsensyang panoorin ang mga ito na todo-effort sa mga gawain. Cujo and Mav are confirming the guest attendance. Bawat bisita ay tinatawagan ng mga ito. Siguradong hindi matatapos ng mga ito ang lahat ng iyon lalo na't titigil na uli ang mga ito pagdating nina Celine galing sa pamimili.

"We'll manage. Don't worry Kell. There's still tomorrow." Nakangiti sa kanila ni Art si Mav. "Just enjoy your date."

Umiling siya at hindi na nagtangka na i-correct ito. Kung iyon ang ikasisiya ng mga ito ay hindi niya pipigilan ang mga ito.

Tinaboy na sila ni Basti pagkatapos noon. "Go. Baka ma-late kayo."

Niyakap siya ni Cujo na nagbanta pa kay Art. "Take care of my favorite girl friend." Tumawa siya dahil sadyang nilagyan nito ng mahabang patlang ang pagitan ng mga salitang 'girl' at 'friend'.

Kumaway sa kanila si Mav habang nagda-dial ito ng bagong number na tatawagan.

Malapit lang ang hotel na kinalalagyan ng restaurant na pagtatagpuan nila kaya naglakad na lang ang sila. Natabunan kasi ng mga bagong dating na mga sasakyan ang driveway kung saan nakapark ang sasakyan ni Art kaya matatagalan sila kung magsasakyan pa sila.

Malayo na sila noong nagsalita ang kanyang kasama. "Thanks for doing this, Kell."

Naasiwa siyang ngumiti sa lalaki. Minsan ay kailangan niyang ipaalala sa sarili na nag-uusap na silang muli. Ni sa hinagap niya ay hindi niya inaasahan na magbabati sila at mag-uusap nang ganito.

She shrugged. "Wala rin naman akong gagawin. So might as well 'di ba?" She has to act like this is nothing. Na wala ang kaba sa kanyang dibdib at ang pagwawala sa kanyang sikmura dahil ng mga paroparo na alaga nito roon.

Magiliw itong nagkwento habang naglalakad sila. Nalaman niyang ang ka-meeting nila ay isang matanda na matagal na nitong kasosyo sa ilang business.

One of their business was failing and is on its way to bankruptcy. Gustong malaman ni Art kung maiisalba pa ba ang nasabing business at kung ano ang maari nitong itulong sa matanda.

Bago pumasok sa restaurant ay inayos niya ang buhok na nililipad ng hangin habang naglalakad sila kanina.

"Let's go?" Aya ni Art na itinuwid ang tupi ng kuwelyo ng polong suot nito.

Tumango siya. "Let's ki—" Napapitlag siya noong masuyo nitong inipit muli sa kanyang tainga ang mga takas na buhok, tila nagpa-party talaga ang mga alaga nito sa sikmura niya. He placed his hand on the small of her back and led her to their table.

May nakaupong mag-asawa na nasa late fifties sa kanilang pwesto noong dumating sila. Nakangiti pa ring inalalayan siya ni Art sa upuan sa tapat ng mga ito bago pumunta sa upuan na katabi niya.

"Art, hijo." Bati ng lalaki. Medyo mataba ito at maliit. Makapal ang balbas nito ngunit mukha itong mabait.

Ang babae naman na sa palagay niya ay asawa nito ay nakamasid lang sa kanila. Kagaya ng lalaki ay malaman ang katawan at mukha itong mabait. Nakabestida ito na kulay puti na may dilaw na mga bulaklak.

Kinamayan ni Art ang dalawa at tinuro siya."Mr. Lee. Mrs. Lee. Magandang araw po. I would like you to meet Attorney Kelsey Go."

Bumaling ito sa kanya. "Kell," Nagbago ang tono nito. Ngayon ay impormal at mas marahan kaysa kanina. "Sila sina Mr. Roderick and Mrs. Irma Lee."

"Hello po." Mabilis niyang inabot ang kamay ng mga ito na nakalahad na sa kanya.

Sa buong durasyon ng meeting ay ilang beses siyang nagsalita. Art often asked her about his plans and she gave him her honest opinions on every question.

Kahit na alam niyang mahusay na negosyante si Art ay hindi niya mapigilang mamangha sa galing nito sa pakikipag-usap at pagpaplano. He was really talented in what he does. No wonder he's excelling on this field.

Ngumiti siya nang tipid kay Mrs. Lee na kanina pang nakatingin sa kanya. Kung siya ay sa pinag-uusapan naka-focus, ito naman ay abala sa pag-aanalisa sa kanya. Bakit kaya?

Mabilis namang nagkasundo si Art at ang matandang lalaki. Wala pang isang oras na nag-usap ang mga ito. Basic lang naman ang issue at nangako si Art na bibilhin ang kalahati ng business ng mga ito para kahit papaano ay gumaan ang problema ng mga ito sa pera. But he has a say on future transactions of the company and has equal part on the revenue. Fair naman iyon para walang malugi sa parehong partido.

Akala niya ay aalis na sila pagkatapos pero inimbitahan pa sila ng mag-asawa na sabayan ang mga ito para mananghalian. Kakaorder lang nila noong tumunog ang cellphone ni Art.

Kumunot ang noo nito 'nong nasilip ang caller ID. Bago ito umalis para tanggapin ang tawag ay saglit na hinaplos nito ang kamay niya.Pasimpleng napasinghap siya sa pagdaloy ng mumunting kuryente doon. "Kell, sagutin ko lang." Turo nito sa cellphone na hanggang ngayon ay nagba-vibrate pa rin.

Pagtango niya ay saka lang ito nagpaalam sa dalawang matanda at tumalikod.

Wala pang isang minuto pagkaalis ni Art ay kinausap na siya ni Mrs. Lee. " So Kelsey, darling." panimula nito sa matigas na Ingles. "Are you Arrow's girlfriend?" Magiliw na utas nito.

"Po?" Naguguluhang tanong niya.Tama siya sa hinala na mabait ang mag-asawa. Napakatamis ng ngiti sa kanya ng babae habang tumawa lang si Mr. Lee sa kanyang reaksyon.

Nilingon ni Mrs. Lee si Art na nakikipag-usap pa rin sa may entrance bago ito magpatuloy. "Perhaps, you're his fiancé?"

"Po?" Noon lang nagsink in sa utak niya ang tinatanong nito kaya agad siyang tumanggi. "Ay! Hindi po."

Mrs. Lee giggled before she spoke. "You see my daughter, Ellen, had a huge crush on Art 'nong college sila. I believe ka-blockmate nilang magkakaibigan si Art at ang kaibigan niyang si Basti na may-ari nitong resort na hindi kalayuan dito."

"She always saw Art as a challenge. He had a stone cold heart and she was determined to melt it. But our daughter can only do so much... Hindi niya kayang tibagin ang pader na kasing tibay yata ng bundok at matagal nang naglalagi sa puso ni Art." Nakangiti ito sa kanya at pagkatapos ay pinakita pa sa kanya ang picture ng anak nito na xerox copy ng ama na singkit at maputi. "Nalaman niya na may hinihintay ito. A girl, who I suppose is you."

Bumilis ang tibok ng puso niya sa narinig. Gusto niyang mag-assume na siya iyon ngunit mahirap na masaktan at umasa. Umiling siya at agad na tumanggi. "Ah... Hindi po ako 'yun. Magkaibigan lang po kami since high school. Nagbabakasyon po kaming magkakabarkada rito sa resort kaya nagpasama s'ya rito."

Imbes na maniwala ay sabay na tumawa ang mag-asawa. Naaliw na hinuli ni Mrs. Lee ang kamay niya. "Hija. Read between the lines." Marahan nitong pinisil iyon. "He's been doing this for years kaya alam na niya ang pasikot-sikot dito. He didn't really need a lawyer. It's clear that he wants to be with you. Kita mo ba kung paano ka niya kausapin at sulyapan nang madalas?"

Nahihiya siyang sumulyap sa babae sa kanyang harap na hindi pa rin tumitigil sa pagsasalita. "Art and Basti have been friends with my daughter since they were in college. Sa tagal ko ng kilala ang batang 'yan, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Buhay na buhay at may emosyon."

"And for God's sake look at him! He's beaming." Deklara nito at itinuro pa si Art na nakatitig sa kanila kahit na busy pa rin ito sa pakikipag-usap sa telepono. Nang nginitian niya ito ay saka lang tumuwid ang noo nito na nakakunot.

She heard Mrs. Lee giggling when she witnessed that. "See, honey. I knew it from the moment I saw them at the front." Sumbat nito sa asawa na hindi nakasagot dahil dinala na ng waiter ang mga order nila.

Bumalik na rin si Art kaya kumain na sila at laking pasalamat niya na hindi na ulit nagbanggit ang mag-asawa ng tungkol doon hanggang sa magpaalam sila sa mga ito.

Pagkahatid nila sa mag-asawa sa exit ng restaurant ay tinahak na nila ang daan pabalik sa cottage.

Kelsey can't help but think about what the Lee's told her. Totoo nga kaya na hinihintay siya nito? Na mahal pa rin siya nito?

Everyone but Art has been saying that to her. Sina Cujo, Mav, Evan at kahit na si Troy na lagi niyang karamay sa pag-iyak dahil sa lalaki ay iyon din ang sinasabi.

Gustong-gusto niyang magtanong at malaman ang sagot kung ano ba talaga.

Pero napakaaga pa para mag-usisa at baka magulo rin nito ang lahat. Ngayon pang tila naaayos na nila ang nasira nilang pagkakaibigan.

Because to be honest, she wasn't ready for the worse. Paano kung iba pala ang sasabihin ni Art sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid nila? They could have countless of positive encouragements but in the end, only his confirmation would matter.

Nililipad ng hangin ang buhok ni Kelsey. Kung sana nadadala lang ng mararahas na ihip ang lahat ng kanyang mga pangamba ay hindi na siya aalis sa tabi ng dagat.

Ngunit kahit ano yatang pilit niya na mapanatag ang sarili ng mabining mga hampas ng alon at ng maaliwalas na ihip ng hangin ay hindi siya magtatagumpay at talagang hindi niya masasawata ang digmaan na nagaganap sa kanyang kalooban.

Niyakap niya ang katawan na kanina pang nagtitiis sa lamig. Napatingala siya noong kumulog. Makulimlim at mukhang uulan. Kaya pala malakas ang hangin.

Art was telling her something about his work as they walked together. Sa kabila ng mga nagbabantang bagyo sa kanyang isip ay may kapanatagang dulot sa kanya ang presensya nito.

Nothing has changed in him. Parang walang nangyari kung kausapin siya nito at kwentuhan ng mga personal na bagay tungkol dito. Everything has been great so far. At hindi niya mapigilang umasa na sana ay magtuloy-tuloy na ito. She'd be a hypocrite if she denies the fact that she still wants him.

Sa gitna ng paglalakad nila ay muling nag-ring ang cellphone ni Art. Agad nitong sinagot iyon.

"Hi Cara." Masuyo nitong bati.

Parang sinaksak siya sa lambing na nakapaloob sa tono ng boses nito. Kita niya rin ang pagliwananag ng mukha nito. Who the hell was Cara?

Ilang sandali itong nakinig lang sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Art looked high as he listened on. Pagkaraan ay tumawa pa ito.

"Of course I miss you." Giliw na giliw nitong pag-amin mayamaya.

Para siyang sinampal sa mga naririnig. Ang lakas ng loob para magtapat sa lalaki na pilit niyang binubuo nitong mga nakaraang araw ay nawalang lahat na parang bula.

Mali si Troy, si Evan, si Mav at ang lahat ng tao na nagpupumilit na gusto pa rin siya ng lalaki. Because Art is definitely in love with the girl he is talking to right now.

She should believe her eyes not her ears which only heard what she wanted to hear.

How gullible can she be to believe that someone can actually wait that long? Lalo na't sinaktan niya ito? Baka magalit at sumbatan pa siya ni Art kapag tinanong niya ito kung sino si Cara kaya nanahimik na lang siya.

Dahil sa mga naiisip ay hindi na niya namalayan kung ano ang pinag-uusapan nito at ng babae nito. She didn't care anyway. All she wants is to get him out of her sight.

Noong malapit na sila sa cottage ay mas binilisan niya ang lakad. Unti-unti niyang naaninag sina Cujo na 'yon pa rin ang ginagawa.

Gusto niyang tumakbo pero baka madapa lang siya at mahirap ding humakbang sa buhanginan. Halos nasa likod lang niya si Art kaya dinig na dinig niya ang pamamaalam nito sa kausap. "Yes... I promise. I'll see you soon. I love you."

With that she died a thousand times inside. Parang may malaking lobo na pumutok sa kanyang tenga at nabingi siya. To hear Art saying that to someone else is really painful. Masakit pa iyon sa pag-alis niya at paglayo rito sa loob ng matagal na panahon.

It was like getting slashed at the neck with a knife. It was a sure-kill. Patay kaagad ang biktima. Walang ospital o kahit anong tahi na makakabuhay dito.

Balewalang bumaling sa kanya si Art. Mrs. Lee was right. He was indeed beaming. But she was wrong for claiming that it was because of her.

Malamang ay ang kausap nito sa telepono ang dahilan. Who is Cara? Ano kaya ang itsura nito? Was she prettier? Nicer? Sexier? Does his mother like her? Kung hindi ay ipinaglaban kaya nito si Art 'di tulad ng ginawa niya?

Malapit na siya sa terasa ng cottage pero agad na bumuhos ang ulan na tila nakikisabay sa bumagsak at sawi niyang puso.

Hanggang dito ba naman ay malas siya? Talagang hindi makapaghintay ang ulan na makapasok muna siya at makasilong bago ito pumatak?

"I'll be back." Anunsyo niya sa mga excited na mukha nina Cujo at Mav na nadatnan niyang naghihintay sa kanila kasama si Basti.

Pinunasan niya ang mukhang nabasa ng ulan sa labas pagkalampas niya sa mga ito. Nagmamadali siyang pumasok sa kanyang kwarto dahil sa kanyang likod at dinig niya ang mabilis at papalapit na yabag ni Art. Siguradong nabasa rin ito ng ulan.

She is stupid enough to hope that she has another chance with Art. Mali na nagpadala at naniwala siya sa sinasabi ng iba, imbes na makinig sa mga babalang pilit na ipinapadala ng kanyang utak.

Once again she's on a slump. And unfortunately it is because of the same man she's been crying about for almost a decade now.

This is pathetic. Ayaw na niyang bumalik sa durog at wasak na Kelsey na hindi kayang pigilan ang pag-iyak at nilalayo ang sarili sa iba. She should be wiser now.

She has to finally end her fantasies for Art and start seeing a future that does not involve him. Dapat niyang kayanin at simulan na agad iyon dahil ayaw niyang maglupagi at humagulhol kapag ipinakilala na nito si Cara sa barkada.

She didn't want them to see her as the loser who never moved on. Her pride is all she has left and she intends to keep it intact.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro