Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty Four

Nag-aya pa silang mananghalian pagkatapos maggrocery. They went to a restaurant and ordered food which took ages to prepare. Bukod pa roon ay binagalan nila ang pagkain at nag-additional order pa ng ilang mga pagkain kaya natagalan sila sa pagbalik sa resort.

It was almost three in the afternoon when they got back. Nag-alok na magswimming sina Cujo ngunit dahil sa sobrang kabusugan ay namahinga na lang siya sa kanyang kwarto.

After more than an hour of napping, she walked upon her friends on the terrace.

Nandoon ang lahat maliban kina Ash, Jada at Celine na nasa hotel para sa scuba lessons.

"Celine wants to check out the venue for the party." Anunsyo ni Troy na mukha ring bagong gising kagaya niya.

Tumabi siya rito at inabala ang sarili sa cellphone niya. There were notifications for emails about work, spams and her social media accounts there. May mga text din na mula sa kanyang kapatid at mga magulang na pare-parehong nangangamusta.

Iniisa-isa niya ang mga iyon at nirereplyan ang mga importante habang nakikinig sa usapan ng kanyang mga kaibigan.

"Art and I will come with you. Ani ni Basti sa kanyang tapat. "We can't let Celine figure out some of the preparations. Baka mahulaan niya kung ano ang mangyayari." Nasa kanan nito si Art na tamad na nakatingin sa kanya.

Her heart raced upon seeing him glancing at her. Hanggang ngayon ay nakakapanibago pa rin ang friendly nitong pakikitungo sa kanya. She shot her brows up to ask why he was looking at her. Ngunit ngumiti lang ito at umiling sa kanya kaya hindi na siya nagtanong pa.

Binalik n'ya ang mga mata sa kanyang cellphone at binuksan ang reply ng law firm ng mga blockmates niya sa resignation letter niya. Maluwag na pagtanggap sa kanyang pagbibitiw ang laman ng nasabing email.

Nakausap na niya kagabi ang isa sa mga ito at nabanggit na niya ang plano na magresign. Nagsend lang siya kaninang umaga ng letter para pormal na ipaabot ang kanyang desisyon.

Nakaupo naman sina Cujo at Mav sa duyan, parehong nakatutok sa cellphone. For the nth time that week, she glanced at the rope holding up the hammock.

Napakatibay noon. Considering na kinakaya nito ang bigat nina Cujo at Mav na parehong malalaking tao. Naghaharutan pa ang dalawa kaya lagi iyong gumagalaw kaya himala talagang nakakaya ang mga ito ng nasabing lubid.

"Celine might also ask the staff about the party so you guys have to be really careful." Komento niya.

Tumango si Basti at ipinaalala ang mga kailangan pa nilang gawin. She had nothing more to do. Tinapos na niya iyon noon pang mga huling weekend bago sila pumunta rito.

Ang mga catering at ang design ng buong venue pati na rin ang program ay sina Basti lahat ang gumagawa habang inaaliw nila si Celine sa kung ano-ano.

She crossed her arms as she put her phone down. Honestly ay hindi siya sanay sa ganitong pamumuhay. Too lax and carefree. She's used to having a jam-packed schedule. Nitong mga nakaraang taon ay sobra siyang abala parati at bibihira ang mga ganitong pagkakataon na nakakapagbakasyon siya.

But that will change when she returns to her normal life next week. Ngayon na nagresign na siya sa law firm ay paniguradong marami na siyang oras na libre na maari niyang gugulin sa ibang bagay. She literally came from doing everything to nothing. She has to find a hobby or something she's passionate about. Kung hindi ay baka lagi lang siyang matulog sa kanyang mga libreng oras.

Iniwas niya ang mga tingin sa mga mata ni Art na kanina pang pabalik-balik sa kanya. His head was lazily resting on his palms and his elbows were on the table. His lips twisted when he noticed her trying to avoid his intense gazes, an obvious attempt to hide a grin.

Nag-iinit ang kanyang mukha sa pagkapahiya. Natutuwa ito sa pagkailang niya! Was she being transparent about her feelings? Nahuhuli na ba siya nito?

She wants to believe he cannot do that. Hindi ito psychic at lalong hindi ito mind reader para magawa iyon. Kaya bakit ba sobrang apektado siya? Here she is again, overthinking about something trivial.

Tumagilid na lang siya ng upo at pilit na itinutok ang atensyon sa usapan nina Basti. They were talking about Mav's ex girlfriend, Jennie.

Kanina pang natataranta si Mav na nakatayo na sa tapat ng kabisera ng table.

Nakuha pala ng babae ang numero ni Evan mula sa opisina at pati ang huli ay kinukulit na nito. Apparently, the people at their office were fed up with her and Evan's executive assistant got tricked into giving the former's number to Jennie.

Mav has been avoiding the woman for months now and she's clueless why his ex still stalks him. Hindi ba ito nakakaramdam na ayaw ni Mav dito? Ang alam niya ay ilang beses na itong nakausap ng lalaki pero hindi ito tumitigil.

"Let her come here." Random na suggestion ni Troy. "You'll be out on Thursday anyway."

"And what? Let her stay with you guys?" Tumawa nang pagak si Mav, frustrated na pinadaan nito ang kamay sa buhok nito. "She will drive all of you insane."

"Mukha naman siyang mabait noong pinakilala mo sa amin." Basti sneered and let out a mocking laugh.

Lahat sila ay natawa kasama na si Mav na pinadaan muli ang mga daliri sa buhok nito. "Trust me, I thought she was too. That's why I dated her... But she's crazy."

"Baka pati kayo patulan 'non." Umiiling na dagdag pa ng kanilang kaibigan, puno ng pagbabanta ang boses nito. Jennie cheated on Mav so he broke up with her. Nagkabalikan pa ang dalawa ngunit naulit ang pagloloko nito kaya tuluyan nang kumalas si Mav.

"Then we'll let the girls take care of her." Bumaling sa kanya si Troy. Ngumiwi siya dahil parang alam na niya ang sunod na sasabihin nito. "Andito si Kelsey, I'm sure she can handle another crazy and obssessed ex of yours."

Hindi ito ang unang pagkakataon na papakiharapan niya ang mga baliw na dating kasintahan ng mga kaibigan. And of all the boys, Mav has the craziest exes.

Mayroon na siyang na-encounter na suicidal, nababaliw at mga depressed na yatang mga babae. Maybe it was because Mav really became their boyfriend.

And when he enters into a relationship, he really commits. Hindi ito kagaya ni Cujo na tahasang pinahahayag ang kawalan ng intensyon na pumasok sa isang relasyon kapag nakikipagdate sa mga babae.

Minamalas lang talaga siguro si Mav dahil wala pa itong nakikilala at nakakadate na matino.

Nagkibit balikat lang siya kahit na sa totoo lang ay kinakabahan siya. Some of Mav's exes were really intense. Iyong mga tipo na may tendency na manakit kapag may narinig na mali. Meron din namang naninigaw na para bang kasalanan nila kung bakit naghiwalay ang mga ito.

"Isasama ko si Celine. Maybe we can talk some sense into her." Saad niya sa bahagyang nakahinga nang maluwag na si Mav.

"Or we can let the dragon ladies handle her." Singit ni Cujo na umupo sa maliit na espasyo sa pagitan nila ni Troy.

Dinikit niya ang likod sa pader at umisod dahil pinagsisiksikan talaga ng bakulaw ang sarili nito roon kahit na maluwag pa naman sa kabilang upuan sa tabi nina Basti at Art.

"I'm sure she'll be willing to walk home if Jada and Ash will be the ones to talk to her." Kumindat pa sa kanya si Cujo na gumawa pa ng quotation marks gamit ang mga kamay nito noong sinabi ang salitang talk.

That is an absurd idea. Because Jennie, the spoiled and crazy ex, and their friends Jada and Ash together are a recipe for a disaster.

While she and Celine usually used diplomacy in handling the exes of their friends, Jada and Ash are the opposites. Lalo na kapag malala rin ang topak ng mga dating kasintahan ng mga lalaki, madalas ay nagkakasagutan pa ang dalawa at ang ex ng isa sa mga bakulaw nilang mga kaibigan.

"We'll do that when one of your girls come." Inis na usad ni Mav sa nanunudyong si Cujo. Binato pa nito ng balat ng saging sa ulo ang lalaki.

Sinalo ni Cujo ang balat ng saging at ibinalik iyon sa direksyon ni Mav. Kinagat niya ang labi para pigilin ang sarili niyang matawa noong imbes na kay Mav ay kay Evan iyon tumama. Malulutong na mura ang pinakawalan ng huli bago nito tinapon ang balat ng saging sa basurahan.

"Well, my women know the game. Alam nila kung hanggang saan at kung ano lang kami sa isa't-isa." Makahulugang pahayag ni Cujo na lalong kinainis ni Mav.

Dinig niya sa ibaba ang pasimpleng pagsipa ni Troy kay Cujo para patigilin ito sa pamimikon kay Mav. This is somehow a serious topic for him. Lalo na't record breaking si Jennie na ilang buwan ng naghahabol sa lalaki.

"What time is she coming on Thursday?" Usisa niya bago pa magkainitan ang mga ito.

"She didn't tell." Sagot ni Evan.

"Can you ask her? Para sigurado natin kung darating ba talaga siya o hindi." Ani ni Art na ngayon lang nagpakita ng interes sa usapan.

Sumulyap siya sa lalaki at agad na kinabahan dahil nasa kanya na naman ang malilikot nitong mga mata. Hindi niya kayang labanan ang titig nito, lalo na't may kakaibang kislap doon na ayaw niyang tuklasin kung ano ang ibig sabihin.

Lumunok siya at tinukod ang mukha patagilid sa direksyon nina Evan. Art had a point. Kailangan ay alam nila ang galaw ni Jennie para mapagplanuhan nila kung ano ang nararapat na gawin sa babae.

Tumayo si Evan at lumayo para tawagan si Jennie. Hindi naman sila nabigo dahil mayamaya ay kausap na nito ang babae sa magalang na tono.

"She's arriving on Thursday morning." Anunsyo ni Evan pagbalik nito. Umupo itong muli sa pwesto nito at ibinulsa ang cellphone.

"That's perfect." Bulalas ni Basti. "Mav is leaving tomorrow afternoon kaya hindi sila magpapang-abot." Komento ni Art.

Hindi na siya nag-abala na tignan ang huli dahil baka nakamasid na naman ito sa kanya. Kanina pa ring nakangisi si Cujo sa kanyang tabi na napapansin yata ang pagsulyap ng nasa tapat nila.

"We can say that Mav left and that we're not sure kung babalik pa s'ya for the party." Aniya, pilit na iniignora ang katabi.

Conversations like this usually occur on her former law firm. When they get cases, especially high profile ones, they brainstorm as a group to figure out the best option and remedies for the client. Pinagtatagni-tagni nila ang kwento ng kaso at nag-iisip ng mga posibleng mangyari, pati na ang mga tanong at ebidensya na maaring lumabas sa mga hearing. This is totally her alley.

They're also one step ahead of Jennie. Therefore there's a big chance na aalis na ito kapag nalaman na wala roon si Mav.

"Anong emergency ang sasabihin natin kung sakali?" Interesadong tanong ni Cujo, hindi pa rin nabubura ang ngisi. Kapag tinukso siya nito sa harap ng lahat ay kukurutin niya ito sa tagiliran.

Napaisip silang lahat. Jennie would surely ask about it therefore their stories had to be coherent.

"It shouldn't be as simple as a work emergency, but at the same time not that serious, like a family emergency." Suhestyon ni Cujo.

She nodded. Tama ito. Kung sa trabaho ay malamang na mabisto sila ni Jennie dahil na-brainwash na nito ang sekretarya ni Evan. Baka naman sumugod ito sa bahay ng mga magulang ni Mav kapag ang pamilya ng lalaki ang dinahilan nila.

"What if we tell her the truth?" She blurted out with her hands in the air. "She may have been a wrong to cheat on Mav but we must be considerate. Oo mas madaling lokohin s'ya na may iba na si Mav, pero paano kapag nalaman n'ya ang totoo?"

"Kelsey's right." Ani ni Basti. Tumayo pa ito bago nagsimulang magpaliwanag. "I'm sure Mav has said that to her a couple of times pero siguro magsisink in 'yon kapag iba na ang nagsabi. Sa atin babalik ang lahat kapag nalaman niyang niloko natin s'ya."

"I'm really sorry about all this guys. God knows I don't want to entangle you with this but I have no other choice." Pagod na sumandal si Mav sa railing ng terasa, patalikod sa dagat at nakaharap sa kanila. Hawak nito ang noo at banayad na minamasahe iyon. "Sinubukan ko na siyang kausapin pero ilang beses na akong hindi nagtagumpay at sa bawat pagkakataon ay palala siya nang palala." Litanya pa nito.

"We'll figure something out." Pang-aalo niya sa lalaki. "Maybe she'll get swayed with Celine's words? Or maybe mas makakatulong kung sina Ash at Jada ang kakausap sa kanya? Basta, kami na ang bahala."

The topic changed after that. Nagtuloy-tuloy ang kanilang kwentuhan hanggang sa naisipan nilang kumain sa loob. Hanggang sa panahong iyon ay wala pa rin sina Ash kaya tinutulungan siya ni Mav na magligpit ng pinagkainan.

Art, Basti and Troy were getting ready to pick up the other girls and check out the venue of the party. On the other hand, Cujo and Evan went out. Naghahanap ang dalawa ng pagkakaabalahan nila habang naghihintay kina Basti.

"I never apologized for putting you on the spot when we played spin the bottle." Panimula ni Mav noong naiwan silang dalawa sa kusina.

"Okay lang 'yon. Ano ka ba?" Balewala siyang tumawa at nagsimula na sa pag-iipon ng mga plato sa lamesa. "Do you think na kakausapin kita kung na-offend ako?"

Kinuha nito mula sa kanyang mga kamay ang mga pinagpatong-patong na mga plato. "I feel like a jerk for doing that. Wala akong maiidahilan kundi sobra akong lasing noon Kels."

Mataman siyang nakikinig habang isa-isa niyang inaabot sa lalaki ang mga baso at kubyertos na ginamit nila. "Cujo has been bugging me since that incident. I was tactless. Sinabi niya na dapat daw ipagpasalamat ko na hindi ako nakatanggap ng suntok mula kay Art dahil tinanong ko 'yon."

Kita niya ang katapatan sa mukha ng kaibigan. Wala ang madalas na pilyo nitong ngisi. Sa halip ay halata na nakokonsensya ito sa mga ginawa. "Wala lang 'yon Mav."

Tinapik pa niya ang balikat nito. "Ako nga dapat ang humingi ng tawad... Hindi naman kayo direktang kasali sa mga nangyari, alam ko na naapektuhan din kayo. You were forced to come in between an issue that should've just been about the two of us." Tumabi siya rito sa tapat ng lababo at binanlawan ang mga plato na sinasabon nito.

"Being part of the drama is not a big deal for us. Of course we wanted to keep both of you in the group." Sumulyap sa kanya si Mav. "Kaya kahit kailan hindi namin kayo pinilit na mag-usap. Ni hindi kami nag-uusap ng tungkol sa inyo kapag pareho kayong nandyan."

Seryoso ang kanyang kaibigan. "Most of our friends were just left wondering what happened.

She glanced at Mav. Judging from the way he spoke, she could tell that he knew even before the bonfire incident. Kahit matagal na siyang nakabalik ng Pilipinas ay walang nagtanong kahit sino sa mga ito sa tunay na nangyari. Hindi rin naman iyon isisiwalat nina Celine at Troy. She refused to address the issue for years because besides the fact that no one was daring to ask, she's too hurt to reminisce the past.

"I actually know how it all went. I just asked you because I could sense that both of you were on the edge but still refused to address the issue." Kumpirma nito sa iniisip niya. "Pinlano ko sanang itanong kay Art pero nagbago ng isip niya kaya sa'yo nabunton."

Tipid siyang ngumiti kay Mav. "At least, everything is behind us now. Art and I are... okay. And I just want to make it clear na hindi ako nagtanim ng galit sa'y dahil tinanong mo 'yon. It could've been Cujo or Ash or Jada and I still wouldn't be mad."

If anything, she should thank Mav. Kung hindi dahil dito ay hindi mauungkat ang lahat. She could've been stuck still trying to mend her friendship with Art. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang paghingi ng tawad sa lalaki at baka hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na kausapin ito.

Pinahid pa ni Mav ang mga kamay nitong may mga bula ng sabon at niyakap siya. She chuckled and hugged him back. Awkward na nakalayo sa katawan ng lalaki ang mga kamay niyang basa.

"Honestly, nagalit ako sa'yo noon. You left Art here broken to pieces when you flew to London with Celine and Troy to study and move on with your life." Kwento nito mayamaya.

"Pati kami halos hindi mo na kinakausap." Tumigil ito sa ginagawa at saglit na bumaling sa kanya. Pinakatitigan siya nito nang mabuti na para bang binabasa ang iniisip niya. "Parang kinalimutan mo na rin kami. Pero hindi lang naman ikaw ang nagbago dahil kahit si Art halos hindi namin nakilala."

Hindi niya alam ang itsura niya. Bigla ay nagbubuhol-buhol ang mga bagay sa kanyang utak. Hindi niya ito masisi sa mga naisip dahil kahit sino naman ay ganoon ang mahihinuha sa mga ginawa niya.

Iniwas niya kay Mav ang nag-uulap na mga mata at ipinagpatuloy ang ginagawa. She couldn't bear to have him see her this vulnerable because she just said she's okay and that everything was in the past now. At dapat ay panindigan niya iyon.

Dinig niya na bumalik si Mav sa paghuhugas bago ito nagpatuloy. "If only you saw him after you left. Nagalit siya sa mundo, Kelsey. Nawala ang Art na kababata namin. He became a stranger who was on the path to destruction. He was..."

"Broken." Bulong nito pagkatapos ng isang malalim na buntong hininga. Para bang ayaw nitong sabihin iyon ngunit wala itong ibang salita na maisip para mailarawan ang nasa isip nito.

She swallowed the lump on her throat and tried to appear calm as Mav continued washing the glassware. "But he came around. Unti-unti ay bumalik s'ya sa dati...At ngayon nasa alapaap na naman siya. I've never seen him this elated ever since high school."

She could see worry in Mav's eyes as he faced her direction. "Evan says that we should just let you guys figure things out..."

Walang mababakas na pagbibiro sa mukha nito. "But I don't want the both of you back to that state, Kelsey. Nakita ko kung paanong nilimot at ibinangon ni Art ang sarili niya. Matagal iyon at napakahirap pero kinaya niya. And I'm sure you've been through the same hell he's been."

Tahimik na napabuntong hininga na lang siya sa narinig. Nang umalis siya noong college ay iniwasan niyang makibalita ng tungkol kay Art. If he was broken, she was torn and afraid. Natakot siyang magmahal ulit.

"I know Art would give it a shot again. In fact, " Mapakla itong tumawa at umiling. "He would die for another chance to be with you... He was--- No, he still is, that crazy about you."

Pumikit siya nang paulit-ulit para pigilan ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. Tinuon niya ang pansin sa mga binabanlawan habang nagsasalita ang kaibigan.

"So, if you have any hesitation about Art. Stop." Malumanay ang tono ni Mav pero mababanaag ang bigat ng bawat salitang inuusad nito. "Wag mong hayaan na mahulog ulit kayong dalawa sa bitag kung wala kang balak na samahan siya roon."

"It's been years Mav." Mapait na sagot niya rito, ayaw maniwala sa mga sinasabi ng lalaki. "Gwapo si Art. Mayaman, maginoo at napakabuti. Sobrang ideal niya..." Every word was like a splash of acid into her wounded heart. Iyon ang sinayang niya.

Napakahapdi ng kanyang puso at hindi niya makuha kung paano ipapaliwanag kung gaano iyon kasakit."I'm sure he's already found a girl he rightfully deserves. And if he hasn't, she will probably come on the right time. He's not out of his mind to go back to someone who shattered his heart into pieces."

That was the sad reality. Art is the perfect man. She's sure other women would jump at the chance to be with him. At hindi magtatagal at makikita rin nito ang babae na nararapat dito.

Sadly, it's not her. It would never be her. Because with everything that she's done and all the drama that surrounds the both of them, being with her would just be a misfortune.

"Don't speak so heroic Kel. Can you endure the thought of him being with another woman?" Imbes na sumang-ayon ay marahas na nilingon siya ni Mav. "I've been with him through the years, at kung papalitan ka niya, matagal na sanang may iba. But he still waits for you Kelsey. Hindi siya napapagod maghintay sa'yo." Tila sigurado nitong turan.

Ang huli nitong sinasabon ay ang mga kubyertos. "I know this may sound cheesy, but I'm telling you, every guy has that girl he's never gonna get completely out of his head."

Tahimik na nakikinig siya sa mga sinasabi nito na parang tula. "Of course, there would be other girls he could be interested in and he could have fun with. But no one would ever be able to shake what he feels for that girl."

She looked at him with disbelief. Hindi niya inaasahan na kay Mav n'ya iyon maririnig. That sounds like something Basti or someone who has never been heartbroken would say. It just sounds so hopeless romantic. Pure and perfect. Parang nabasa pa nga niya iyon sa isang libro noon.

Hindi nito pinansin ang pagkamangha niya. Ngumiti lang ito nang tipid sa kanya. "I personally think you're that girl for Art, Kell. Sobrang espesyal ng lahat ng nangyari sa inyo at kahit marami siyang nakikilalang iba na pwedeng mahalin, ikaw pa rin ang hinahanap n'ya."

Somehow what he said ignited a dwindling fire inside her. Sa gitna ng dilim ay may munting liwanag na sumingaw at pinagagaan nito ang kanyang damdamin. Dapat ba siyang umasa?

"I can be romantic too you know." Mav gave off a smug expression when he saw her bemused. "And since I outed you before our friends, I'll let you in on my deepest secret." Misteryosong anas nito pagkatapos nilang maghugas. The clean and washed plates, glasses and utensils were now on the rack.

Curious niyang tinuyo ang kamay at naghintay sa isisiwalat ni Mav. She's sure that he's just toying her but his poker faced expression tells her otherwise.

Pinanood niya na kumuha ang lalaki ng beer mula sa ref. Binuksan muna nito iyon bago ito huminga nang malalim at sa wakas ay hinarap siya, puno ng kaba.

"I've been thinking... about Basti and Celine, you and Art and the future..." Umupo ang lalaki sa harap ng island counter at muli siyang dinungaw. "And I want that too..."

Pinuno nitong muli ang hangin bago ituloy ang sasabihin gamit ang mahina ngunit mariin na boses.

"I'm asking Ash out again." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro