Twenty Eight
Paglabas niya ng banyo ay nadatnan niya si Troy na naghihintay sa kanyang paglabas. Kunot ang noo nito at kahit hindi pa ito nagsasalita ay alam na niya ang pag-uusapan nila.
"What was that?" Singhal nito sa kanya. "I can't believe you let Cujo talk you into doing something as foolish as that." Sermon pa nito.
Pagod na umupo siya sa kanyang kama. "It was not his fault. Ako lang 'yon Troy. And I don't know what came over me."
There was disbelief in Troy's eyes. Alam niyang galit ito sa ginawa niya ngunit hindi na siya sinasabihan nito dahil wala rin namang mangyayari. It's done and over. Wala na silang magagawa dahil tapos na iyon.
"Do you know the commotion you started outside? Akala ko okay na kayo? Art thought that everything is fine. Sinabi niya pa nga kagabi na---" Pinilig nito ang ulo at kinuha ang kanyang bag.
Lito niya itong pinanood habang nilalagay ang kanyang cellphone at wallet sa kanyang itim na shoulder strapped bag.
"You are coming with me and Celine. We're going to the coffee shop where you had a meeting this morning." Anunsyo nito sa tonong alam niyang hindi mababali. Na wala siyang choice kundi sundin ito.
Tumayo siya at naghandang sumama sa lalaki. Kumalma ito noong natuklasan na hindi siya tatanggi sa sinasabi nito. She needs time away from all this anyway. A breather.
Dinala nito ang kanyang bag at nagmartsa sila palabas ng kanyang kwarto kung saan naghihintay sina Basti at Evan. Sa likod ng mga ito ay nandoon si Cujo na nakabusangot ang mukha.
"I'll just change my clothes. Wait for me here." Deklara ni Troy bago ito pumunta sa kwarto nito.
Sinilip niya ang suot. Naka-off shoulder dress siya na stripes at sandals. They were only going to the coffee shop so this is fine.
Tahimik na nag-uusap sina Basti at Evan sa tapat ng counter top, umiinom ng beer. Nang lumapit siya sa mga ito ay saka niya lang nakita ang itsura ni Cujo.
"What happened to you?" Untag niya sa huli. Namumula ang panga nito. Hinayaan siya ni Cujo na sipatin ang mukha nito. Wala namang sugat doon. There was just redness in his jaws.
"He became a punching bag." Basti chuckled. Umiiling naman si Evan na umiinom ng beer.
Tinignan niya ang kabuuan ni Cujo. Nakadamit na ito kaya hindi niya makita ang katawan nito. Napaaway ito? "Why? What happened?"
Mula sa freezer ay naglabas siya ng ice cubes, inilagay iyon sa isang maliit na tuwalya at dinampi iyon sa panga ni Cujo.
"See! I told you guys she's not mad at me. It's not about me!" Asik nito habang nilalapat niya ang tuwalyang may yelo sa mukha nito.
"That's what you get for being nosy. Pasalamat ka at hindi ka sa mata pinatamaan ni Art. And that he didn't gave you a full blow." Sermon pa ni Basti na ikinagulat niya.
Ito ba ang komosyon na tinutukoy ni Troy kanina? Cujo was hit because of her! Where the heck is Art? Ano ba ang nangyari? Bakit parang walang nangyari na umiinom pa ang mga ito ng beer doon?
"Look, I was just joking with Kelsey. Akala ko susundan niya ako sa pampang at iiwan si Art doon. I didn't think that she'd actually do it." Pagtatanggol ni Cujo sa sarili nito.
Hindi ito pinansin ng dalawa na pinag-umpog pa ang mga bote na hawak.
"Are you mad at me?" Baling sa kanya ni Cujo. Medyo gumagaan na ang mood nito.
Umiiling siya, naawa sa itsura nito. Inaamin niya na sinisi niya ito kanina pero alam naman niyang hindi siya pinilit nito. And it was her decision to do it. Not Cujo's. She's the one to blame.
"No. I got irritated but I'm used to you being like that." Pag-amin niya. "You really have the talent to push everyone's buttons."
Tumawa sina Basti at Evan sa kanyang sinabi.
"See!" Frustrated na itinaas ni Cujo ang mga kamay. "I told you guys! It's not about me!" Ulit pa nito.
"We know it isn't." Tinapik ito ni Basti sa balikat. "But still, nakialam ka, even when we explicitly agreed not to."
"You're intentions may have been good, but we had an agreement." Dagdag pa ni Evan na nagbukas ng bagong bote ng beer.
Palipat-lipat ang kanyang tingin sa mga kasama. Ano ang pinag-uusapan ng mga ito?
"What are you guys talking about?" Singit niya.
Pare-parehong nagkibit balikat ang mga lalaki. Kahit si Cujo ay hindi nagbahagi. Niyakap lang siya nito at humingi ng tawad dahil sa ginawa nito.
She patted his back. There was no use in getting mad now. What's done is done. At hindi naman talaga siya pinilit ng lalaki na gawin iyon. Ang gusto niyang malaman ay kung ano ang nangyari at kung nasaan na si Art.
Iniwan sila nina Basti at Evan dahil tinawag ang mga ito ni Celine para tulungan sina Ash at Jada na dalhin ang mga floaters pabalik sa pinaghiraman nito.
"Your loyal henchmen punched me." Sumbong ni Cujo sa kanya noong mapag-isa sila sa kusina. Confused siyang luminga sa lalaki at patuloy na dinampian ng malamig na tuwalya ang panga nito.
"After you left Art punched me here." Tinuro nito ang panga. "Then Troy followed up on my arm." Ngumiwi ito noong napadiin ang lapat ng tuwalya rito pagkarinig niya sa kwento nito.
What was Art thinking? Where the hell is he? Pati si Troy? Ano ba ang nangyari?
"I'm sorry, Cujo. This is totally my fault." She apologized. Dapat pala ay hindi agad siya umalis dahil dito nabunton ang lahat ng tensyon.
"We had an agreement to keep our hands off you and Art and just let you figure things out on your own." Patuloy nitong saad habang pinapalitan niya ang yelo sa loob ng tuwalya.
Nagulat man ay pinalampas na lang niya ang mga tanong tungkol sa mga pinagkasunduan ng mga ito. Considering what happened, that agreement is a wise decision. Pero bakit hindi iyon sinunod ng kanyang katabi?
She chuckled when Cujo winced as she continued putting cold compress on his jaw. "Then why'd you do it kung bawal? Kagabi kinausap mo pa ako tungkol doon." Aniya na ang tinutukoy ay ang pag-uusap nila bago sila pumunta kina Mav at Evan para maglaro ng ps4.
"Fuck brotherhood." Mura nito. "You know I love you the most right? You're my favorite. My loyalty is yours..."
Touched niyang niyakap ang lalaki at pinasalamatan. Hindi niya alam kung nambobola lang ito o nagsasabi ng totoo. Ngunit hindi iyon ang unang beses na sinabi nito iyon sa kanya. Cujo has his peculiar ways but he always means well. Tumawa ito nang malutong sa kanyang ginawa.
"And besides, Art is being such a slow poke. Naiinip na ako sa mga galaw niya." Halakhak pa nito mayamaya.
She rolled her eyes as Cujo mentioned his name again. Talaga bang wala itong kadala-dala? Mabuti na lang at silang dalawa lang ang tao roon.
Hinayaan siya ni Cujo sa ginagawa niya para maibsan ang pamumula ng panga nito. Panay ang reklamo nito tungkol sa pananakit ng braso at panga pero panakanaka ay binabalik nito kay Art ang usapan.
"Why do you always find it too easy to forgive us but fail to have a little bit of faith on Art?" He suddenly asked.
"Even when we push you to your limits, you still try to understand." There was seriousness laced in his voice as he continued his monologue. "Kahit na nilagay ka ni Mav sa alanganing sitwasyon noong Linggo, wala kaming narinig na kahit ano sa'yo. At ako, kahit na ano ang gawin ko sa'yo lagi kang umiintindi at pinapalampas lang ang lahat."
Hinawakan siya nito sa balikat para magtama ang mga mata nila. "You always do your best to look pass everyone's fault and give us countless of chances... But why can't you grant Art with another chance even when he's done nothing to hurt you?"
Malungkot siyang ngumiti kay Cujo. Hindi niya inaasahan na ang lalaki pa ang makakapagparealize sa kanya ng mga bagay na iyon.
Was she being unfair to Art? To be honest, Cujo was right. Art never did intentionally hurt her. In fact ay siya ang may patong-patong na atraso rito.
Now, he's trying so hard to be nicer and friendly to her but she's making it hard for him by letting her feelings rule over her. Masyado siyang nagpapabulag sa pagmamahal niya rito na hindi niya naiisip na sinasayang niya ang pagkakataon na ito para magkabati sila.
Bago pa siya makasagot ay lumabas na si Troy sa kwarto. He was wearing blue long sleeves and shorts. Nakataas ang kilay nito noong lumapit ito sa kanila ni Cujo.
"I told you we are okay!" Inis na pahayag ni Cujo sa kanyang bestfriend na nadatnan silang magkausap sa kusina.
Sumulyap siya kay Troy. She knew Cujo was not lying when he told her that the former punched him. Sa totoo lang ay nagulat siya. Sa loob ng ilang taon nilang pagkakaibigan ay ngayon lang nito pinatulan si Cujo.
"We'll take you to the clinic inside the hotel." Nakanguso na usad ni Troy kay Cujo na nagkukunwaring galit.
Akala niya ay hindi mag-uusap ang dalawa ngunit habang palabas sila ng cottage ay parang walang nangyari na nagbibiruan na ang mga ito.
Sa gitna ng kanilang paglalakad ay nakasalubong nila sina Basti at Evan na kasama sina Jada at Ash.
Agad dinaluhan ng dalawang babae si Cujo. They were wearing robes over their swimsuits.
"Art and Troy sucker punched me." Nagpapaawang balita nito na ipinakita pa ang panga nitong medyo namumula pa rin.
Saglit lang tinapunan ni Jada ng tingin ang mukha ni Cujo. "They could've done worse to be honest." Halakhak nito na ikinatawa ng iba nilang kaibigan.
Tinitigan naman ni Ash ang panga ng lalaki. "I know. You had it coming too, with your tactless mouth and insane ideas." Segunda pa ng babae bago ito bumaling sa kanya na nakangisi.
"What did he say to you Kelsey?" Curious na tanong ni Ash.
Sasabihin niya ba? Her friends are unexpectedly taking all these lightly. Hindi niya alam kung ikakatuwa ba niya iyon o pangangambahan. Paano ba niya sasabihin ang mga nangyari sa maayos na paraan? But then again, may maayos bang paraan?
"I just wanted to help her decide." Singit ni Cujo noong hindi siya kaagad sumagot. "I don't know why everyone overreacted."
Tinapik ito ni Troy. "Hindi mo naman na s'ya kailangang tulungan in the first place." Natawa si Troy dahil lumayo si Cujo pagkalapat ng kamay nito sa balikat ng huli. Masakit pa rin siguro ang braso ng bakulaw.
"This wouldn't have happened if you've just kept your thoughts to yourself." Inakbayan ni Basti si Cujo bago ito humarap sa kanila ni Troy.
"Celine's already in the parking lot. You guys go ahead. Kami na ang bahala rito." Anito na ang tinutukoy ay si Cujo na dadalhin sa clinic.
"Tara na?" Aya sa kanya ni Troy. Wala na ang inis sa mukha nito, bumalik na ang usual na mood nito.
Tumango siya at nagpaalam na kina Basti. Bago umalis ay lumapit siya kay Cujo na nakatayo sa may labas ng hotel kasama ang iba nilang mga kaibigan.
"I'm really sorry you got hurt because of me. Babawi ako, promise." Nakokonsensya niyang turan sa lalaki. Sinilip niya ang panga nitong hindi na masyadong namumula.
"You don't have to. Just talk to Art... Sagutin mo na para hindi lagi mainit ang ulo." Nakakalokong sagot nito. Cujo earned a slap on the arm from Basti after he said that. Umiiling naman si Evan at tumawa na lang si Troy.
"Naghahanap ka ba talaga ng sakit ng katawan?" Asik dito ni Jada.
"Yeah, Cujo. Have you really learned nothing from being punched?" Ani naman ni Ash na inaayos ang tali ng roba nito.
Nagkibit balikat lang si Cujo at muli ay bumaling sa kanya, gamit pa rin ang mapaglaro nitong mga mata.
"Since I got punched twice already, what do I have to lose now?" Mayabang na anas nito na muli nilang ikinatawa. Now Cujo's infamous grin was up again. Kung hindi niya ito kasama kanina pa ay hindi siya mag-iisip na nasuntok ito sa mukha.
After saying another round of goodbyes to their friends, she and Troy headed for the parking lot. Tahimik lang sila habang naglalakad. She's still unsure how to strike a conversation. Ngayon lang ito napuno nang ganoon at hindi niya pa rin matanggap na sinuntok nito si Cujo.
"You should talk to him Kelsey." Panimula nito noong nakalayo na sila sa hotel. Tinatahak nila ang medyo malayong trail papunta sa parking lot.
Sumulyap siya sa kaibigan. Kahit wala itong binanggit na pangalan ay alam na niya kung sino ang tinutukoy nito.
Pero handa na ba siya sa katotohanan? What if he's really in a relationship?
No, scratch that. He is definitely in a relationship. Napakasweet nito sa kausap nito sa telepono kanina at sa katunayan ay nagsabi pa ito ng I love you roon.
Kaya ba niyang lunukin ang relayidad na wala na talaga siyang espasyo sa puso nito? Ang isipin pa lang iyon ay mabigat na. Ano pa kaya iyong ipilit na ipasok sa isip niya na wala na talagang pag-asa?
"You can't run away from him forever, you know. Kung iiwasan mo ngayon, darating din ang panahon na kailangan ninyong harapin ito kaya bakit papatagalin pa? This has been long and overdue Kels." Dagdag pa ni Troy habang papalapit na sila sa parking lot.
Ayaw man niyang aminin ay tama ito. This is something that she should've dealt with a couple of years ago. Sapat na nga siguro na ilang taon siyang nagtago at umiwas sa lalaki. At ayaw na rin niyang maulit ang ganitong pagkakataon na nagkakagulo ang lahat dahil sa mga issues nila.
"I know that, Troy." Deklara niya noong papasok na sila sa parking area kung saan nakapark ang Cadillac nito. "Don't worry. Kakausapin ko si Art mamaya kapag nakabalik na tayo."
At least she has a few good hours to prepare what to say and how to properly express her thoughts on the coffee shop. Isa pa ay hahanapin pa rin niya ang lalaki.
Nasaan kaya ito? Ayos lang kaya ito?
Tila nababasa naman ng kanyang kaibigan ang naglalaro sa kanyang isip. "You don't need to do it later. He's coming with us." Pinal na deklara nito, ngayon ay papunta na sa Audi A8 na umiilaw sa kanilang tapat.
Nahihilo siya noong binuksan ni Troy ang passenger seat ng sasakyan ni Art at tinulak siya sa loob.
She was too startled to even react. All she could do was watch as her bestfriend put on her seatbelt and followed his image disappear from her sight after closing the door beside her.
Kelsey froze in her seat when she realized where she was.
She was at Art's car! For the first time ay nakasakay siya sa kotse nito. At nandoon silang dalawa para mag-usap. Art's car smelled like him. It was also very neat. Walang palamuti iyon kundi ang maliit na rosaryong kahoy na nakasabit sa rearview mirror.
Pinakiramdaman niya ang kasama na bumusina kay Troy na sakay ngayon ng sasakyan nito kasama si Celine. Hindi nagtagal ay umalis na sila. They were leading the way because they've been there this morning.
Mas makipot ang dinaanan nila kanina at hindi kasya ang sasakyan. Mga tricycle at motor lamang ang nakakalusot doon kaya sa main road sila dumaan.
This route took longer to reach the coffee shop. Imbes na 15 minutes ay mahigit sa kalahating oras na ang biyahe papunta roon.
They were both silent during the duration of the trip. Wala siyang naririnig kundi ang kanyang dibdib na may nagtatambol yata sa sobrang kaba. Pinagpapasalamat naman niya iyon dahil wala pa siyang maisip na sasabihin sa lalaki. Bahala na. Baka kapag nakakain siya ay may mabuo siya.
They pulled over the same coffee shop later. Once again Kelsey thanked her lucky stars as she can now get off his car. Kasama naman nila sina Celine at Troy sa pagkain kaya kahit papaano ay may makakausap siyang iba. Wala pa kasi talaga siyang maisip na sasabihin dito kaya mamaya na lang kapag pauwi na sila.
Sa side mirror sa kanyang tapat ay naaninag na niya ang mga kaibigan na tumigil sa kanilang likod. Hindi nagtagal ay lumabas na ang mga ito at pumasok sa coffee shop.
She unbuckled her seatbelt and readied herself to alight his car. Sinakbit niya ang bag na naglalaman ng kanyang mga personal na gamit at inayos ang maninipis na bangs na bumabagsak sa kanyang noo.
The air between them is suffocating. Kung paanong nakakatagal sila roon ay hindi niya makuha.
"Let's g---"
"Are we avoiding each other again?" Kasabay ng pagclick ng mga pintuan ay nadinig niyang usad nito. Her brain started to panic. Nilock nitong muli ang mga pinto kaya wala na siyang kawala.
Sumulyap siya rito. Nakaharap ito sa kalsada sa kanilang unahan. He was staring at it like it holds all the answers to his problems.
Walang patid ang kabog ng kanyang dibdib simula pa kanina. To say that she's terrified is not enough. Ayaw niyang basagin ang katahimikan dahil alam niyang ito na ang sukdulan ng lahat. That even after years of telling herself that everything's done, this is the only time she's certain that it is.
Na pagkatapos ng pag-uusap na ito ay tapos na talaga silang dalawa. At wala nang kahit katiting na pag-asa na maibalik pa ang dati nilang pagtitinginan. Can she really get through this conversation?
Tila naramdaman nito ang titig niya kaya sa kanya na lumipat ang mga mata nito. Art's face displayed immense pain and agony. His eyes were blood shot and she knew that he was struggling to hold everything in.
"You let me get attached to you, Kelsey." He accused. "And now you've stopped speaking to me again... " Kuyom ang panga ni Art at puno ng galit at sakit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. "Tell me, am I just a joke to you?
She inhaled deeply but refused to answer his question. Ni hindi niya matagalan ang mabibigat nitong mga mata na ngayon ay naghihintay sa kanyang sagot.
But what can she say to fix all these? Paano niya aayusin ang lahat ng ito ng hindi siya nawawasak?
Sa kanyang palagay ay sirang-sira na sila. At kahit anong pilit nila nitong mga nakaraang araw na ayusin at ibalik ang lahat sa dati ay wala pa ring nagbabago.
She cannot keep on pretending that she's alright with just being his friend. Na kaya niyang marinig ito na masaya habang kausap ang babaeng mahal nito. She knows she's being selfish but that is just how she feels. Pero mali pala iyon.
"I'm sorry Art. I know that I've made a stupid move." Maliit ang boses niyang usad. Alam niyang narinig nito iyon dahil naging marahas ang paghinga nito.
"Shit na sorry 'yan Kelsey! " Hinampas nito ang manibela at doon nilabas ang tinitimping galit. "I'm sick and tired of your apologies! Wala ka bang ibang alam gawin kundi ang humingi ng tawad? Why do you always push me aside when it gets tough? Laro lang ba ang lahat ng ito sa'yo?"
Tahimik na humikbi siya sa narinig. She wished that things were simpler. That maybe she could just do something to take all the hurt away. Because he was right. Sorry is not enough. And maybe giving it more time was too vague and intangible.
However, all she could do is sit there and witness him explode and vent out all his frustrations.
Tumingala ito, sapo ang noo at huminga nang malalim bago siya muling hinarap. Nanliliit siya sa sakit na nababasa niya sa mga nito. Pakiramdam niya ay napakasama niya at hindi siya nararapat para saktan ito ng ganoon. She blinked to stop her tears from flowing.
"I am willing to take whatever is left and be anything you want me to be, Kelsey. Just don't banish me from your life again." His voice almost broke as he spoke.
Muli ay isang patagong hikbi ang kanyang pinakawalan. To hear him pleading like everything was his fault even when it was hers is even more heartbreaking. He was being so kind, letting down his pride, while she's refusing to acknowledge the fact that she is holding everyone down just because of her feelings.
They said that love shouldn't be selfish. When you love something, you must want its happiness, even when it does not include you.
Iyon lamang ang nasa isip niya habang nakatingin lang ito sa kanya gamit ang mabibigat na mga mata. Dapat bang pairalin na niya iyon? Susuko na ba siya?
Dahan-dahan niyang nilapat ang nanginginig na mga daliri sa pisngi nito. His skin felt warm against her cold and shivering hands. Nakakakiliti ang pakiramdam ng balat nito sa kanya.
Gusto niyang manghina dahil pumikit ito noong naramdaman ang kamay niya. Mababakas ang pagod at pagsusumamo rito noong muling naghinang ang kanilang mga mata.
She wanted to cry and beg him to take her back instead. To have another chance. But it is too late for that.
Simula noon hanggang ngayon ay wala siyang naidudulot dito kundi sakit at paghihirap. Sa halip na masaya ito ngayon kasama ang babaeng mahal nito ay patuloy niyang pinasasama ang loob nito. She remains to be a baggage that he has to carry around.
She's never wanted anything or anyone more than she wants him. Aminado siya roon. But it never occured to her that he will never be free if she keeps on holding on to him forever. Habang buhay silang ganito kung hindi siya bibitaw.
Hindi siya kailanman matuto kung sa kaibuturan niya ay mananatili siyang umaasa na magiging sila ulit. She has to learn to accept things on how they actually are and be okay even when things don't go her way.
Amidst the slow and painful sinking of her hopes for them inside her head, she tried to muster a smile. She owes him this for all the hurt she's put him through. Tumingin siya sa labas at nagsimula na sa pagsalita.
Looking back, she never had the chance to confess how she felt about him. And now for the last time, she can finally let all her feelings out. For both of them to be free.
"You we're never banished from my life, Art. And you never will be." Ang aminin iyon ay nagpakasarap sa pakiramdam. Sinubukan niya itong iwasan ngunit kahit kailan ay hindi niya napipigilan ang pagnanakaw ng sulyap dito. There may have been times when she tried to act like she does not care about him, but deep inside ay ito ang pinakaimportante sa kanya.
"We were so good together. And maybe, we still are." Pinigil niya ang sariling mga luha na kanina pang dumudungaw sa kanyang mga mata at matapang na nilabanan ang tingin ng kausap. "Napansin ko 'yon nitong mga nakaraang araw. Gusto ko talagang mbalik tayo sa dati. Iyong tayo bago pa ang lahat ng ito... Believe me, I really did. I did not intend for things to go awry again, especially now that we're rebuilding our friendship again."
She heard him sigh deeply and press the car lock button. Sa wakas ay makalalabas na siya. Ngunit kailangan na niyang tapusin ang lahat. Para kapag lumabas siya ay maari nang liparin ng hangin ang lahat ng bigat na nakadagan sa kanilang dalawa.
"But I was not expecting that it would also cause a stir inside me..." Muli ay isang marahas hininga ang pinakawala niya. "The feelings I thought were already bottled up on the back of my mind were all reappearing and it ate me up inside. Alam kong mali ang nagawa ko kanina pero I am being honest now. I am really apologizing for it at kung ayos lang sa'yo, gusto ko talagang maayos tayo. Dahil kahit ang mga kaibigan natin naapektuhan na."
This is the last moment for them. And she wants to at least keep a memory of this moment because as soon as she steps out of his car, it's over.
Walang paalam na niyakap niya ang lalaki at sininghot ang amoy nitong hindi yata niya kailanman pagsasawaan. "You will always be dear to me, Art."
He remained silent as she spoke again. "I've said that once at totoo 'yon. And even though things have not went the way we want them to, I still root for your happiness... I wish that some girl will be able to fill you with so much love that it'll consume all the pain and hurt that I've caused you."
Pain was evident when she glanced at Art after hugging him. Nais niyang umiyak pero ayaw niyang malaman nito na masakit sa kanyang kalooban ang kanyang ginagawa.
Sinikap niyang huwag ipakita ang pait noong muli siyang ngumiti sa lalaki. "This will be a slow process. Alam ko na hindi madaling magsimula ulit sa simula at kalimutan ang lahat ng mga nangyari. But like what I've said to you the last time, I will never stop apologizing because you are important to me and I want you in my life."
Hindi na siya nag-abalang silipin pa kung ano ang itsura ni Art pagkasabi niya noon. Lumabas na siya at naglakad na papunta sa loob ng coffee shop.
Nagpapasalamat siya na rito sila nag-usap sa labas. At least pagkatapos ay maari niyang ma-distract ang sarili niya sa ibang bagay. At hindi magmumukmok lang sa kanyang silid para umiyak.
She has just let go of the love of her life. Ngayon ay hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Pupulutin ba niya ang mga sirang bahagi ng kanyang puso o hahayaan na lang iyon sa sahig?
But she will make it. She always does.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro