Twelve
Kelsey entered the gymnasium with Jada. She was a fairy and Jada's a rag doll. Since may ka-date sina Celine, si Ashley ay absent kanina, silang dalawa na lang ang nagsabay. Tumanggi siya noong nag-offer si Art na sunduin siya dahil usapan na nila ito ni Jada bago pa man sila nagkasundo ni Art kanina.
There were spider webs hanging from the ceiling and Halloween ornaments on every corner of the venue. Ang mga center piece ng mesa ay jack-o-lanterns na may ilaw sa loob.
Unti-unting nagdatingan ang mga tao habang naglalakad sila papunta sa loob. Basti and Celine were dressed as cavemen.Hindi man halata ay kapansin-pansin ang pagkakahawig ng mga ito sa characters ng The Flinstones. Si Ash na ang ka-date pala ay si Evan, was a corpse bride. The latter was her groom. Si Mav naman na dumating mag-isa ay sailor ang costume.
May ilan pa siyang kakilala na may sari-saring costumes kaya aliw na aliw siya habang hinuhulaan kung ano ba ang inspirasyon ng mga suot ng mga ito.
She was busy oogling over Frankenstein on the entrance door when someone poked her left cheek."One point!"
Excited siyang bumaling doon at sa halip na si Art ay isang bouquet ng bulaklak ang bumungad sa kanya. She thinks that he's dressed as an elf, judging from the long ears, cone shaped hat, colorful attire and the pointed shoes on his feet. Ang kaso lang ay hindi bagay iyon dito dahil sobrang tangkad nito para maging isang dwende.
"Wow! Flowers!" Nakangisi sa kanila si Jada na katabi ang bampirang si Cujo. Napamura ang huli at pinuna ang garbo ng bungkos ng bulaklak na nakalahad sa kanya ng kaharap.
Walang makakapigil sa kanyang dibdib na panay ang pagtahip. Damn it. Her cheeks are burning. Tinanggap niya ang bulaklak at ipinatong iyon sa mesa katabi ng kanyang bag.
"This wasn't in the memo Art. Wala' to sa usapan." Biro niya rito.
Ngumisi sa kanya ang lalaki at tinignan siya gamit ang mapupungay nitong mga mata. "I figured that since I failed on asking properly, kailangan kong bumawi 'ron."
Humakhak sina Mav at Cujo at kinwento kay Jada ang pinaggagawa nito kay Paulo kaninang umaga. Art bowed before her. "Can I have this dance?"
Sumipol at nagsigawan sina Mav noong ipinatong niya ang kamay sa nakalahad nitong palad. Wala talagang magawa ang mga ito. Art held her hands gently and led her to the dance floor.
It may sound weird, but all Kelsey could see was him while they were dancing. She suddenly lost touch with the world outside their arms. Blurred at hindi klaro sa kanyang paningin ang mga ilaw sa paligid at ang ibang mga estudyante na busy rin sa pagsasayaw.
Nagkukwentuhan sila habang nagsasayaw kaya hindi na niya namamalayan kung ilang kanta na ba ang lumipas.
Her heart was pounding hard on her chest. Ang tanging nararamdaman niya ay ang pagwawala ng mga paroparo na pakawala yata ng kasayaw sa kanyang sikmura. Everything is overwhelming. In fact, this is madness. She's slowly losing her mind even after losing her heart to him. Kulang ang kilig para ilarawan ang pagkakalutang ng kanyang puso ngayon.
It's quite funny how she ended up here. She remembers being scared of this unfamiliar feelings that sprouted out of nowhere. Ang pakiramdam na iniiwasan at kinatatakutan niya noon ay hinahanap-hanap na niya ngayon at isa ito sa mga rason kung bakit nagkaroon ng kulay ang kanyang buhay.
"Art, kami naman ni Kelsey." Untag sa kanila ni Cujo. "Never kong na-imagine na magiging wallflower ang dance machine na katulad ko.". Walang pasabi siyang inagaw nito at itinaboy si Art papunta sa table, kung saan nakaupo sina Celine at Evan.
"Baka matapakan mo ko ha?" Tudyo niya rito. Alam niyang isa sa mga talent nito ang pagsayaw dahil miyembro ito ng dance troupe kasama ni Ash.
"C'mon Kelsey! Are doubting my skills? Total package ako." Confident na usad sa kanya ng kaibigan. And true to his words, magaling ngang sumayaw ang bakulaw. Kabaligtaran ng boses nitong makabasag-pinggan.
Ilang beses na tinatanong nito kung ano ang pinag-uusapan nila ni Art kanina. Hindi mawaglit ang ngisi sa labi nito at nagniningning din ang mapaglaro nitong mga mata.
"Wala naman." Balewala niyang sagot. Pinahinga niya ang ulo sa balikat nito noong hinapit siya nito at tinuloy ang pagsabay sa beat ng kanta.
"Don't tell me na nagtitigan lang kayo?" Hindi makapaniwala nitong bulong. Napamura ito noong hindi siya kaagad sumagot.
Natatawa siyang lumayo sa lalaki. "Sira. Of course we talked."
"Talaga? What did you guys talked about?" Inilapit nito ang bibig sa tainga niya para magkarinigan sila. Upbeat na ang kanta kaya maingay at sumisigaw ang mga tao sa paligid nila.
"Why are you always interested with me and Art? Tumigil siya sa pagsayaw at tinignan ito nang mabuti. "Crush mo ko ano?" Kunwari ay pag-aakusa niya rito.
Humahalakhak ang lalaki at ipinakita sa kanya ang ngiti nitong nakakatunaw ng pagsusungit ng mga babae. "Curious lang ako. Alam mo na, dying to know the juicy details."
Tinaasan niya ito ng kilay ngunit nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "We'll support you guys all the damn way. Isa pa, ikaw ang pinakamahal ko sa inyong apat nina Jada." Ngumisi ito at madamdaming tumuro sa dibdib. "You just... get me. At ikaw lang ang nakakatolerate sa mga ginagawa ko. But don't tell them that, dahil tatanggi ako kapag may nagtanong sa kanila."
She chuckled, touched with his confession. Matutuwa na sana siya ngunit dinuktungan nito ang sinabi. "Plus, Jada promised to give me her dessert 'pag tinanong ko raw sa'yo kung kayo na ni Art." Bulong nito na tinaas-baba pa ang mga kilay habang nakatawa sa kanya.
Nilapit niya ang bibig ko sa tainga nito at seryosong nagsalita. Kita niyang nanlaki ang mga mata ni Cujo dahl akala nito ay may sasabihin siyang importante. "I won't tell you the truth."
Humalakhak ito at nakaakbay na inalalayan siya papunta sa kanilang table. "Okay. I'll accept that for now. But if don't tell anyone that. Para may libre na akong dessert." He winked at her.
Siya naman ang natawa. Cujo is really weird. Panay ay sabi nito na siya ang favorite nito pero parang tuta naman ito na sumusunod sa mga inuutos ni Jada.
There was a short intermission number after. Ilan pang kabatch nila ang umaya sa kanyang sumayaw. Pinaunlakan niya ang mga ito dahil marami sa mga ito ay naging kaibigan o kaklase naman niya, kagaya nina Roi at Kaiser na kasama niya sa Debate Team. Nakasayaw niya rin si Paulo. She said sorry for not being able to properly reject his invitation to be his date.
Kantyaw ang bungad sa kanya ni Jada, bukod kasi kay Ash na maraming admirers ay halos hindi na siya umalis sa dance floor. Lagi ay may humaharang kapag babalik siya sa kanilang mesa at hindi siya nakakatanggi sa mga ito.
Umakbay sa kanya si Cujo na kagagaling din lang sa dance floor. "Ibahin n'yo si Kelsey, gustuhin ito."
"Kausap ba kita?" Umasim ang mukha ni Jada. "Are you trying to say na walang nagkakagusto sa akin?" Kung cartoon scene ito, may usok na lumalabas sa ilong nito.
Nagkibit balikat na ngumisi si Cujo pero halata ang pang-iinsulto nito. "Sa'yo nanggaling 'yan." Nabato ito ni Jada ng napkin.
Lumipad sa mukha ng lalaki ang tela at napabunghalit na siya sa pagtawa noong mabilis na hinablot ni Basti ang napkin na balak pa yatang ibato pabalik ni Cujo.
"Enough you two. Nasa harap tayo ng pagkain." Masungit na sabi nito bago umupo sa tabi nina Celine at Evan.
Tumabi siya kina Art at Cujo. Nakamasid lang sa kanya ang una habang malawak naman ang ngisi ng huli.
"Wait a minute, kanino 'yang bouquet?" Tinuro ni Ashley ang bouquet sa table habang kumakain sila. Katatapos lang nitong sumayaw kasama si Mav.
"Kay Kelsey yan!" Proud na sagot ni Mav bago nito inalalayang umupo ang babae.
Nagningning ang mga mata ni Ashley 'nong umupo ito sa kanyang tapat. "OMG you guys! Kayo na ba?"
"Hindi pa! Pero feeling ko malapit na." Diretsang sagot ni Cujo na excited na luminga sa mga pagkain na isine-serve na ng mga waiter.
Habang kumakain sila ay walang humpay ang panunukso sa kanila ng mga kaibigan. Sunod na napag-usapan nila ay ang mga plano para sa sem break. Hindi siya makakasama sa mga lakad ng mga ito dahil pupunta sila ng probinsya para sa birthday ng ate ng kanyang Mommy. Sa araw ng pasukan pa ang balik nila.
Sina Celine at Ash ay may iba ring pupuntahan kasama ang mga pamilya nito kaya si Jada at ang mga lalaki lamang ang magkakasama sa mga susunod na araw.
Pagkakain nakasayaw niyang muli si Art at ang iba niyang mga kaibigan. Madalas ay magkakalapit silang magkakaibigan sa dance floor kaya kahit na nagsasayaw sila ay panay pa rin ang kwentuhan nila.
Nagliwanag bigla ang paligid at may nakatutok na spotlight sa kanilang principal, ang mama nina Basti na nasa stage sa unahan. Naka-costume din ito at masaya silang binati sa pagtatapos ng kalahati ng school year.
"My dear students, thank you for coming to this wonderful party. I want to express my deepest gratitude to the students who made this party come to life. The arts club, para sa ating venue, ang student council, pati na rin ang student electoral board na nag-organize ng party..."
Nilahad nito ang kamay niya sa table nila. "Everyone, let's give them a round of applause please."
Si Basti ang president ng student council, secretary si Celine. Si Jada ang sa Arts Club, habang si Evan naman ang chairman ng student electoral board. Nakakabinging palakpakan ang narinig niya.
Muling nagsalita ang kanilang principal kaya tumahimik na sila. May tinanggap itong isang envelop mula sa secretary nito. "Now, I'm going to announce the winners of the best in costume awards. They are..." Binuksan nito iyon at binasa. "Ms. Ashley Mae Cruz and Mr. Coultrein Jean LeRoi."
Nagpunta sina Cujo at Ash sa stage. Maraming nagpa-picture sa dalawa. Nakangiti lang si Ash sa mga tao. At syempre feel na feel ni Cujo ang moment na iyon. Not long after that, ay nagsayawan na muli.
Nakatingin siya sa mga kaibigang busy sa pagsasayaw noong nag-text ang kanyang Daddy na nasa labas na raw ito at ang Kuya niya.
Pinuntahan niya ang mga ito at sinabi na mayamaya pa matatapos ang party.
Papasok na uli siya sa gym noong mapansin n'ya na may lalaking naka-ubob sa may plant box. Kung walang party ay iisipin niyang pulubi ito dahil bukod sa madungis ito ay punit-punit din ang damit nito.
Kinulbit niya ang lalaki. "Kuya malamok dito. Okay ka lang ba?" Huli na 'nong na-realize niya na si Troy pala iyon. Her best friend was crying!
"Troy? Okay ka lang ba? Are you hurt?" Nilapitan at tinignan niya ang kabuuan nito. Wala naman itong sugat, ngunit mababakas ang pagkabigo sa itsura nito.
Imbes na magsalita ay bigla siya nitong niyakap. Matagal na siyang nasa loob ng bisig nito pero hindi ito nagsalita kahit minsan.
"Huy! Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya rito pagkaraan ng ilan pang segundo ng katahimikan.
Tinignan siya nito ng mariin. "Akala ko hindi mo na ako papansinin."
Ngayon niya lang ulit ito nakitang umiiyak. Noong mga bata sila ay ito palagi ang nag-aalo sa kanya kapag umiiyak siya. It's not true that real men don't cry. They do. Siguro mayroon lang hindi mababaw ang luha pero lahat ay umiiyak. She commends Troy for being so courageous and letting his feelings out.
Matagal ng wala ang tampo niya rito. Her heart is just too full to even harbor any hate for him. But it's reassuring to know that she's important to him too. Hindi ito iiyak kung wala siyang halaga rito.
"You're mad." Pag-aakusa nito. "Alam kong mali na iwanan kayo para kay Nikki pero nasilaw ako sa magagandang pinapakita niya kaya mas pinili kong magbulag-bulagan sa masasamang ugali na pinakita niya sa inyo." He sounded so sorry as he said that.
"Wala na 'yun." Ngumiti siya rito at pinisil ang kamay nitong nakaakbay na sa kanya, pinipigil siyang umalis. " What are friends for? Naiintindihan kita at pati na rin ng mga kaibigan natin."
Pinisil nito ang kanyang ilong gamit ang libreng kamay nito. "I'm really sorry. I know I've been a jerk lately."
Tumango siya at nakinig noong pumailalim muli ang boses ng kanilang principal sa loob na nagsasabing tatlong kanta na lang ang tutugtog bago matapos ang party.
" You know we love you right?" Aniya sa kausap. "We will always welcome you back kahit anong mangyari."
Nagliwanag ang mukha ni Troy. He stood up. Inabot nito ang kamay niya at sabay silang naglakad papasok sa gym.
"Alam kong hinihintay lang nila na lumapit ka. Miss ka na kaya namin. Lalo na nila Mav." Bulong niya sa lalaki dahil baka hindi siya marinig nito sa lakas ng music. Napapag-usapan nila ito minsan at nagkasundo silang kausapin ito sa pasukan dahil bihira nila itong nakikita nitong mga nakaraang araw.
"Siblings fight. That's normal." Hinawakan niya sa balikat si Troy at niyakap sa huling pagkakataon. "But regardless of everything, you will always be our brother."
Humiwalay siya rito at tinulak ito sa direksyon ng kanyang mga kaibigan na nasa mesa nila. Nang tumunog na ang intro ng isa sa mga huling kanta ay hinanap niya ang nag-iisang tao na gusto niyang makasayaw. Ngunit wala ito sa kanilang table.
Ang nandoon lang ay sina Cujo, Evan at Jada na ngayon ay niyayakap si Troy. Ang munting bigat sa kanyang dibdib ay gumagaan sa nakikitang pagbabati ng mga ito. Alam niyang kagaya niya ay hindi rin matitiis ng mga ito ang lalaki.
As the chorus played, she realized that time was passing and if she stays there, hindi sila magkikita ng lalaking ilang buwan nang gumugulo sa kanyang isip.
Without even thinking ay dali-dali siyang humalo sa mga estudyanteng sumasayaw. Hindi niya pinansin ang pagod nang mga paa at ang pagkabangga niya sa ilan sa mga nagsasayaw.
All she wanted was to see him, his smile and his eyes. She would like to feel that tingling energy his touch gives her, the butterflies in her stomach and the erratic beating of her chest that only he could trigger.
Natagpuan niya ang lalaki na tila may hinahanap din sa gitna ng dance floor. Her heart ached at the sight of him searching for someone at the crowd.
Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha nito pagkakita sa kanya. Nakagat niya ang labi noong mabilis siyang nilapitan nito at hinila papunta sa luwag na space sa gitna ng mga taong may kanya-kanyang mga mundo.
Art looked contended as he wrapped his arms over her waist. At dahil mas matangkad ito sa kanya ay nakasandal ang ulo niya sa dibdib nito. Napapikit siya sa mabilis ding pintig sa loob noon. Kinakabahan din ba ito kagaya niya?
"Kelsey." Dinig niya ang paghinga nito ng malalim na tila ba roon ito kumukuha ng lakas ng loob. "I know it's wrong and too much for me to ask..." Mahina ang boses nito ngunit malinaw sa kanya ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. "But can you make a mistake with me?... I know we're friends."
He drew another deep breath before he spoke. "But you're my favorite thing about everyday and I can't stand on the sidelines and watch while other guys fight for your attention. Natatakot akong magustuhan mo rin sila at mawalan ako ng pagkakataon na iparamdam sa'yo kung gaano ka kaespesyal sa akin."
Nanunubig ang kanyang mata dahil sa pinaghalong kaba, saya at kilig. Alam niyang concerned ito sa kanya dahil magkaibigan sila. He even said he liked her. Pero ang malaman na may espesyal siyang pwesto sa buhay nito ay sobra-sobra pa sa lahat ng kanyang mga hiling. It's like asking for bread and receiving a five course meal in place of it.
"I know I asked you to trust me back then, and this is an offense to our friendship." Kinakabahang tumikhim si Art bago ito nagpatuloy. "But please spare me this one chance... Isang beses lang Kels. Give me an opportunity to make you mine.." She heard him drew another deep breath. "Before you I was lost. But you make me see the best things in life and I cannot stop thinking about you. Please give me a chance, hinding-hindi kita paiiyakin..."
She was stunned. Dinig na dinig niya lahat ng sinabi nito at para siyang nasa isang magandang panaginip. Was he? Napapikit siya at nagpasalamat na binigay sa kanya ng Diyos ang kailangan niya. Funny how the Lord gives us what we need not what we want.
She used to dream of an ideal kind of love story when she was younger. Iyong mayroong grand gestures, surprises at love at first sight. Lumaki kasi siya na pinapanood ang mga iyon at sa bawat pagkakataon ay kita niya kung paano naaantig ang puso ng mga bidang babae sa tuwing mangyayari ang mga iyon.
Pero ngayon ay na-realize niyang malayo pala roon ang tunay na buhay. She didn't know that even simple words would be enough when it all comes from a special person. Hindi pala importante ang mga bulaklak, lobo, fireworks at tsokolate. It didn't matter how lavish and majestic they are, dahil kung galing iyon sa maling tao ay wala itong pinagkaiba sa mga bato na nakakalat lang sa lupa.
She and Art were a far cry from those ideal love stories. They were both imperfect and sometimes they mess things up. May mga bagay silang pinaplano na hindi natutuloy, may mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan. But at the end of the day, they always make things work. Ginagawa nila ang lahat para ayusin ang problema dahil sa kabila ng nito ay gusto pa rin nila na magkasama sila.
A girl's prince isn't always someone who confidently strides with his white horse and sweeps her off her feet. He could just be a simple guy, who anxiously admits his feelings because he wants to ask for a chance to make her feel special.
'Di niya alam kung bakit, pero nag-unahang bumaba ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi niya alam na pwede pa lang umiyak dahil sa sobrang tuwa. It was stupid and ironic. Dahil kasasabi lang nito na hindi siya paiiyakin.
Nataranta si Art noong nakita nito ang luhaan niyang mukha. Maagap na pinahid nito ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi. Sa rami ng mga salita sa isip niya ay nagpapatong-patong na lahat at hindi niya alam kung ano ba ang nararapat niyang gawin o sabihin. He looked over the edge, while she stood there like a log who didn't know what to say.
"Sorry. I didn't mean to startle you." Mababakas ang pagkabigo sa itsura nito habang marahan nitong sinasalo ang ilang patak ng kanyang luha. "Everything just slipped out. 'Di ko naman sinasad--"
She felt his body stiffened when she hugged him. Wala itong ginawa o sinabi habang yakap niya ito. Naalala niyang sinabi niya rito noon na maging honest ito sa kanya. Na magtiwala ito at iintindihin niya ito sa abot ng kanyang makakaya. He did exactly that so why would she deprive him of the same?
Pinahid niya ang mga luha at tumingin sa mga mata nito. His eyes looked sad and unsure at the same time. "I--- saw Troy on my way back from my Dad at the parking lot. Nag-apologize siya and for awhile there akala ko ay susumbatan ko siya."
Nang tumigil siya para suminghot ay napansin niyang mataman na nakikinig ito. He was listening to her intently. This is why she admires him so much, hindi lang ito nagbabahagi ng mga nasa isip nito, lagi rin itong handa na makinig sa kanya na para bang sobrang fascinated ito na malaman ang mga nasa isip niya.
"But I couldn't do that." Dugtong niya. "Sa kabila ng lahat ay wala akong kahit anong galit na naitanim para sa kanya, Art. And I think that is because of you."
"If I make you see the best things in life, then let me thank you for inspiring me to be the best version of myself." She saw his amused reaction when she held his hand. "You provide me with so much positivity and happiness that there's no room for hate in my life."
The reaction she saw in his was everything she wanted and more. So much more."When I entered the gym after I reconciled with Troy, all I could think about was you...How I wanted to see you, your eyes and that smile of yours. So I ran as fast as I could searching for you." Unti-unti ay sumungaw ang ngiti nito kaya tumawa siya. "Am I even making sense?"
Hindi niya alam kung naiintidihan ba nito ang gusto niyang ipahiwatig dahil sinasabi niya lang ang mga salitang nais umalpas sa kanyang labi without even an ounce of sugarcoating or pretense. Alam din niya na mapapagkatiwalaan niya ito kaya hindi siya natatakot na sabihin ang kahit ano rito. He also respects her, but calls her out when she crosses the line. When she talks, he lets her finish and says his opinion afterwards.
She heard him chuckle a bit as he nodded, kaya sinaway niya ito. "Wag mo nga akong tawanan. You started this." Bumitaw siya sa pagkakahawak dito at tinuro ang dibdib nito. "You asked me to trust you so I did." Tumawa ulit ito. "And now you're asking if I could make a mistake with you? I think you bring out the best in me, especially in Math, so I wouldn't call being with a mistake."
Inayos niya ang hat nitong bahagyang nagulo dahil sa pagtungo nito sa kanya. "Alam kong magulo pa ang lahat sa ngayon, Art. And I don't want to complicate what we have with silly labels. However, I think we should try to see where this is going. So... yes."
Ilang sandali itong nakamasid lang sa kanya. Pero 'di nagtagal ay kinulong siya muli nito sa mga braso nito. Halos mapunit ang mukha niya sa lapad ng kanyang ngiti noong mayamaya ay nagpasalamat ito sa kanya at hinawi ang mga buhok niyang tumatabon sa kanyang mukha.
Dumaan sa gitna nila si Cujo. "Woah! Do you guys have something to share to us?" Umakbay sa kanya ang lalaki at inilayo siya kay Art. "Manligaw ka muna. I won't let go of my favorite galpal that easy.".
"Oo nga naman. 'Di pa nga kayo, pinapaiyak mo na siya." Nakangising sabat ni Mav na nakaakbay kay Ashley.
"Troy is here to sucker punch you if you make her cry!" Sigaw ni Jada. Nasa likod nito sila Troy at Evan pati na rin sina Basti at Celine na papalapit na sa kanila.
Masaya niyang niyakap ang mga kaibigan. Napakaswerte niya sa mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro