Thirty Two
Ilang minuto na mula noong nagising si Kelsey ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kama. Nakaupo na siya roon kanina pa at tulalang nakasandal sa headboard. She has been in a daze ever since she woke up.
Pilit niyang iniisip kung ano ba talaga ang mga nangyari kagabi. Was she dreaming? Or maybe hallucinating? Or maybe too drunk?
Ilang beses na niyang kinusot ang mata para magising siya ng tuluyan. Busog naman siya kaya siguradong hindi siya nag-iimagine kagabi. At lalo namang hindi siya uminom ng alak kaya malayo ring lasing siya. Pero para kasing napakaimposible na mangyari iyon.
Ngunit tila totoo nga dahil may kakaiba sa kanyang kwarto. It doesn't smell like her anymore. There was a more prominent manly scent that she wouldn't fail to recognize. Also her sheets and pillows were all sporting his smell.
Bago pa siya makapag-isip ng kung anu-ano ay bumukas na ang pinto. Inuluwa nito si Art na masuyong ngumiti noong nadiskubre na gising na siya. What happened was real! Is her luck finally coming around?
Dumiretso ito sa kanya at binigyan nang magaang halik ang kanyang buhok bago tamad na umupo sa kanyang tabi. Bahagya siyang lumayo rito para ayusin ang buhok na magulo pa rin. Bakit ba tumulala pa siya kanina? Dapat ay naghilamos man lang siya pagkagising.
"My mornings have never been this wonderful." Deklara nito. He tucked the stray hairs on the back of her ear.
She grinned because he looked high as he said that. Kulang na lang ay literal na kumislap ang mukha nito sa saya. Masarap sa pakiramdam na napapaligaya niya ito kagaya ng kasiyahan na binibigay nito sa kanya.
"Did you sleep well?" Malambing na usad nito.
Tumango siya at marahang pumaloob sa bisig nito. Bahala na kung mukha pa siyang bagong gising. Ilang beses na siyang nakita nito sa ganoong estado. And besides, he's also seen her in worse conditions, therefore this is nothing.
Hindi na ito nakabalik sa kwarto nito kagabi dahil nag-usap pa sila. Malapit ng magliwanag noong natapos sila at hindi yata iyon mapuputol kung hindi siya nakatulog habang panay ang kwento nito.
They talked about the past, the present and even some plans they have for the future. That was what one of the things she missed most about him. Napakasarap kausap nito. Kahit yata ano ay kaya niyang ibahagi rito.
Namalayan na lang niyang nakatulog na pala siya sa tabi nito. Alam niyang hindi ito umalis dahil kanina ay naalimpungatan siya na nakadantay ang kamay nito sa kanyang tiyan.
Art chuckled as she snuggled into him. "I could get used to this." Biro pa nito. Walang kahit anong indikasyon ng pagtanggi ang lalaki sa kanyang ginawa. Sa halip ay walang pag-aalinlangan pa nitong pinahinga ang baba sa kanyang balikat at hinapit siya palapit.
She couldn't help but smile as he said that. Hindi niya alam na may ganitong lebel pala ng kasiyahan. It was out of this world. She was too happy to even think of the past and all the struggles that await them once they face the real world. Sa ngayon ay ito lang ang importante sa kanya.
Ang pagtunog ng kanyang cellphone ang umabala sa kanila. Bumitaw siya kay Art at kinuha ang cellphone na nasa bedside table.
It was Evan. Sa itaas ng screen ay natuklasan niyang alas nuebe na pala ng umaga. Nakapag-almusal na kaya ang kasama niya na ngayon ay ramdam niyang nanonood sa kanya? Sa dulo ng kanyang mga mata ay kita niya ang paninitig nito.
Sinagot niya ang tawag at agad na sinalubong siya ng boses ng kaibigan. "Good morning Kelsey. I'm sorry to disturb you but Jennie just texted me and she's on her way to the resort. Nandito kasi kami nina Basti sa hotel kaya hindi na ako makapunta sa'yo ng personal."
"No problem, Evan. What time do you think she'll arrive? Is she bringing a car?" Usisa niya. Sa background nga ay naririnig niya ang boses nina Celine, Troy at Basti na nagtatawanan. Ano kaya ang ginagawa ng mga ito roon? May plano ba silang nakalimutan niya?
"That is why I'm calling Kel. She's riding a bus here. Hindi ko alam kung bakit hindi na lang siya nagmaneho papunta rito pero mga isa't kalahating oras mula ngayon ay darating na siya sa terminal." She heard Evan drew a sharp breath as he said that. Alam na niya ang pupuntahan ng usapang ito.
"I guess I have to pick her up from there." Pahayag niya. May ideya na siya kung bakit nag-commute papunta rito si Jennie pero hindi na importante iyon. Naka-oo na siya kay Mav kahapon at nangako na siya ang mag-iintindi sa ex nito. "Can I borrow your car? Or can I bring someone with me?"
Sumulyap siya sa katabi na panay ang turo sa sarili nito. Art looked so eager pointing his own fingers towards him to volunteer himself. Kulang na lang ay agawin nito ang cellphone mula sa kanya para maipresinta kay Evan ang sarili na samahan siya.
Mula kay Art ay sa kabilang direksyon dumako ang kanyang mga mata. Mav told the boys to keep away from Jennie because she has a reputation for being a cheater and a flirt. Ayos lang ba na isama niya si Art? Isa pa ay ang alam niya ay sasamahan nito si Basti ngayong araw para sa isang meeting.
"Okay, you can borrow mine." Anunsyo naman ni Evan sa kabilang linya. "Cujo is just around the beach, gusto mo bang magpasama sa kanya?"
Tatanggi na sana siya dahil sa paalala ni Mav ngunit malakas na tumikhim si Art sa kanyang tabi. "I'll go with you." Sabad nito, sinigurado na rinig ni Evan ang boses nito.
Wala namang mababanaag na gulat sa kanilang kaibigan noong muli itong nagsalita. Sa katunayan ay dinig niya ang tahimik na halakhak nito. "Is Art there with you?"
Nanliliit ang mga mata niyang bumaling sa katabi. Ngayon ay nakangisi na ito sa kanya, alam na wala na siyang choice kundi ang isama ito sa lakad niya. "Yeah. Andito s'ya. Why?" Iniwas niya ang mga mata mula sa mapaglarong titig ni Art.
"Bring him along with you." Suhestyon ni Evan. Alam na ba nito ang mga kaganapan sa kanila ni Art? But then again, lahat ang mga ito ay naroon at si Cujo naman ay naglalakwatsa sa dagat kaya si Art lang ang nandoon sa cottage. Isa pa, bakit kailangan ba siyang mag-isip kung alam na ng mga ito? Mamaya o bukas naman ay aamin din sila kaya malalaman na rin iyon ng lahat.
"Are you sure?" Nagdadalwang isip pa rin niyang anas. Pilit niyang iniiwas ang mata kay Art na nakikinig pa rin sa usapan nila ni Evan.
"Oo naman. He can drive for you." Balewalang sagot pa ng huli. "Ang bilin ni Mav na huwag palapitin sa aming mga lalaki si Jennie ay para kay Cujo lang. Art is safe, especially because you're with him." Dagdag pa nito na tila nababasa ang kanyang pangamba.
Pinutol na ni Evan ang tawag pagkatapos siyang sabihan na mag-ingat at balitaan ito. Was she being obvious about not wanting Jennie to see Art?
"I don't find her attractive. At kahit siguro maging kamukha mo siya ay hindi pa rin." Nakangisi pa ring turan ni Art na nakapagpabalik ng kanyang atensyon dito.
She raised her eyebrows at him. Tila nag-eenjoy ito na panoorin siya na binabakuran ito. "'Di ba may pupuntahan kayo ni Basti mamayang lunch?" Sabi niya para tumigil ito sa mga naiisip. Halos isang oras ang biyahe papunta sa terminal kaya magagahol ito sa oras kung sasamahan pa siya nito.
Pinilig nito ang ulo para alalahanin ang nasabing usapan pero mayamaya ay nagkibit balikat lang ito. "He could handle that on his own. Kasama rin naman niya si Celine maghapon kaya baka wala ng mapuntahang iba 'yon."
Hindi na siya nakaalma dahil muli siyang hinatak nito para yakapin. "I want to be with you as much as I can. I don't care if we have to babysit some crazy lady, as long as I am with you." Dagdag pa nito.
Ngumisi siya sa paglalarawan nito kay Jennie. The woman was indeed crazy. Paano kaya nila ito makukumbinse na tigilan na si Mav?
Masuyo siyang hinagkan sa labi ni Art bago siya pakawalan. "I'm gonna get ready. You should too. Sa labas na tayo kumain ng almusal." Anito pagkatapos.
Umupo siya nang tuwid at nagsimulang magligpit ng kama pag-alis nito. Walang pagsidlan ang kaligayahan niya habang naghahanda siya sa kanilang pag-alis.
She couldn't help but feel giddily as she brushed her hair and dabbed her lips with a bit of color. Art was still in love with her. Ngayon pa lang iyon tuluyang tumitimo sa kanyang isip. Kung paanong naka-survive iyon sa loob ng maraming taon ay misteryo sa kanya. At kahit siya ay nagugulat kung paanong tila natatakluban ng kasiyahan niya ngayon ang lahat ng sakit na iniinda niya nitong mga nagdaang mga taon.
Kakatapos niya lang mag-ayos noong kumatok si Art sa pinto.
Napagbuksan niya itong inaayos ang suot nitong relo. Nakaitim na polo shirt ito at tinernuhan nito 'yon ng shorts at sapatos.
She wore a white off-shoulder dress with tassels and sandals. She saw admiration in Art's eyes as he glanced at her. Imbes na punahin kung gaano ito kagwapo sa suot ngayon ay tinulungan na lang niya ito sa pag-aayos ng collar nito. Hinayaan naman siya nitong itupi iyon sa tamang itsura.
Ramdam niya ang paninitig nito sa kanya habang ginagawa niya iyon kaya naman halos mangatal na ang kamay niyang inaabot ang bandang leeg nito. Ngumiti siya nang matamis noong nagtama ang mga mata nila pagkatapos.
Seryoso nitong pinatakan na naman ng halik ang kanyang mga labi pagkababa niya ng kamay. "Everything is still surreal for me, Kelsey. Natatakot ako kapag pumipikit ako kasi baka magising ako at madiskubre ko na panaginip lang pala ang lahat ng ito."
Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito at niyaya na ito paalis. Kahit siya ay nararamdaman din iyon. But they were here now. At totoo ang lahat ng ito. This is not some dream she could wake up hours from now. Napatunayan niya iyon noong naligo siya kanina sa napakalamig na tubig na magigising kahit yata ang pinakanahihimbing na dragon dito sa mundong ibabaw.
Sumulyap ito sa relo sa braso nito. "Where do you want to eat?" Anito habang papalabas sila. Nilock nito ang pinto dahil walang tao sa kanilang cottage. Baka kasama ni Cujo na nagsuswimming sina Jada at Ash.
Nagkibit balikat siya. "Anywhere." Kahit saan naman basta kasama ito ay ayos na sa kanya. "Pwedeng magdrive thru na lang tayo para mas mabilis."
"Is that okay with you? Don't you want a more filling meal?" Banayad na tanong nito. Balewala nitong hinuli ang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon habang naglalakad sila.
"Okay lang 'yon. Baka maunahan kasi tayo ni Jennie sa terminal. Baka maligaw siya kapag nag-attempt siyang pumunta rito mag-isa." Aniya habang pasimple niyang binabawi ang kamay na gagap nito.
"Isn't that what everybody's secretly wishing for?" Natatawang usad nito. Art refused to let her hand go, instead he swayed their hands as they walked by the beach. "What are you doing?" Untag pa nito sa kanya.
Tumingin siya sa paligid. "People might see." Paalala niya rito.
Hindi ganoon karami ang tao sa labas dahil Huwebes at may pasok sa eskwelahan at opisina. Bukas pa ng gabi ang dagsa ng mga tao na nilulubos ang weekends.
But there were guests that looked familiar to her. May ilan pa nga silang mga kakilala na nakakabatian nila kung saan-saan nitong mga nakaraang araw. They were not exactly celebrities but she wanted to be sure, lalo na't matunog ang kanyang kasama sa mga media flatforms.
"Let them see us. I don't care." Sa halip na lumuwag ay lalong naging mahigpit ang kapit nito sa kanya. "And besides, I'm your boyfriend now. Am I not allowed to hold your hand?"
His brows furrowed when he asked her that. Wala siyang maisip na sagot sa tanong nito. Boyfriend. Iyon ang sinabi nito at hindi siya maaring magkamali ng dinig. Hanggang ngayon ay hindi pa malinaw sa kanila kung ano ba talaga sila. They didn't get to define the relationship last night. Sila na ba talaga?
He smirked when he saw her confused reaction.
"You can't just kiss someone on the lips after a confession and refuse to be their girlfriend, Kelsey. You have to take responsibility for that." Anitong hindi pa rin binibitawan ang kanyang kamay.
Nakanguso niyang iniwas ang mga mata rito. Hindi rin naman siya tatanggi na maging girlfriend nito. Hinayaan na lang niyang kapit nito ang kanyang kamay hanggang sa makarating sila sa sasakyan nito.
"Is Mav coming back tonight?" Aniya noong nakalabas na sila sa resort.
"That's his plan. Hindi ko lang alam kung matutuloy s'ya." Sagot ni Art. Nakatutok madalas ang mata nito sa kalsada ngunit panakanaka ay sumusulyap ito sa kanya. "Mav has the craziest exes. Hindi ko alam kung ano ang gayuma na pinaiinom niya sa mga babae niya. Para silang sinasapian ng kung anong espirito na hindi tumitigil sa pagpaparamdam."
He was right. This was a common situation for Mav. Mabuti at hindi ito nadadala na mag-girlfriend kahit na ganoon ang mga nagigiging ending ng mga relasyon nito. Naalala tuloy niya ang usapan nila ng lalaki noong isang gabi. He said something about asking Ash out again.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa isiniwalat nito. How did they managed to keep everything a secret from the rest of them? Bukod sa kanya ay sino pa ba ang nakakaalam? At ano ang tunay na nangyari sa dalawa?
"What's on your mind?" Naagaw siya ng boses ni Art mula sa malalim na pag-iisip. Nakangisi ito habang pabalik-balik pa rin ang sulyap sa kanya at sa dinaraanan nila. "Are you worried about me having crazy exes too?"
Ngayon ay narito na ang buo niyang atensyon. Now that they're talking about it, she wants to know if he's had any relationships these past few years. "Why? Should I be worried?" Balik tanong niya.
Honestly she wouldn't be surprised if he had a few girlfriends. After all, almost nine years have passed since high school and considering how they parted ways, it would be possible for him to find comfort on other women.
"Lucky for you, I didn't get into any relationship." Art shrugged as they took a left turn. "I stayed faithful to you despite how we ended." Balewalang paglalahad nito.
She couldn't help but glance at him and doubt his recent revelation. Paano? Totoo ba?
Humalakhak si Art noong nakita ang itsura niya. Parang inaasahan na nito ang reaksyon niya. Masisisi ba siya nito kung hindi siya naniniwala? Siyam na taon na ang nagdaan.
"I will admit that I tried hanging out with other women." Panimula nito.
Ngayon ay seryoso na ang boses nito, nababanaag niya ang sakit at pait doon. "I dated other girls with the intention of forgetting you. I was desperately struggling to erase you. At kilala mo sina Cujo at Mav. Sa utak nila ang solusyon sa lahat ng problema ay babae. They believe that when something leaves, there has to be a replacement."
"But eventually I got tired of fooling around. There could be tens and hundreds of girls around for me to play with but even all of them together would not be enough to fill the void that you left in me... I realized it was not for me. Na hindi ko pala makikita ang hinahanap kong kasiyahan sa iba dahil matagal ko nang natagpuan 'yon. I stopped and just waited for you to come back."
'Yon pala ang sinasabi ni Mav. Nakakapagsisi na iniwan niya ito at piniling saktan. Had she known that it would be like this, she should've thought of another way. Hindi niya inakala na ganoon katindi ang magiging epekto ng mga ginawa niya rito.
Marahas itong huminga bago nagpatuloy sa pagkukwento. "When you came back, I was sure that I wanted you back. Pero hindi ko inaasahan ang galit na lulukob sa akin noong nagkita tayo ulit. You were just too perfect when you returned that I felt pathetic for being miserable. Para bang mas ikinabuti mo ang pag-iwan sa akin, while I was here wallowing in pain ever since you left."
She didn't know that he felt that way. Kung alam lang nito kung paano siya nagluksa dahil sa paghihiwalay nila at kung gaano karaming beses niya itong iniyakan.
"But that is not the worst part. Sa kabila ng galit ko, hindi ko pa rin mapigilan ang pagnanakaw ng tingin sa tuwing nakakasama ka sa mga lakad. I tell my interested colleagues that you're in a relationship so they would stop prying on you..." Nakakunot ang noo na tinapunan siya nito ng tila nahihirapan na ekspresyon.
"Are you aware how famous you are in our field? Kapag nalalaman nila na magkaibigan tayo ay halos ibigay na nila ang lahat ng hinihingi ko para lang makuha ang numero mo." He even let out an even more frustrated sigh. Para bang matagal na nitong kinikimkim iyon.
"But I rarely go out. Lagi lang akong kasama nina Troy." Palusot niya. Hindi surpresa sa kanya ang sinabi nito. Her brother and father tells her the same sentiments. Hindi na rin niya mabilang ang natatanggihan niyang mga paanyaya.
Aside from being too busy with work and school, she didn't see the point on going out anyway. Alam niya kung sino ang gusto niya kaya bakit makikipagbolahan pa siya sa iba?
"Mabuti na lang at wala ring nangangahas na pursigihin ka dahil baka nabaliw na ako." Pag-amin nito mayamaya.
"I was still constructing a master plan to finally make a move when I learned about Basti's plan to propose. Inaamin kong hindi ito kasama sa lahat ng mga binabalak ko. But when I saw you crying that night after we played spin the bottle, everything just went out of the window. Nakalimutan ko na kung ano ang mga plano ko para suyuin ka, pati yata pangalan ko nakalimutan ko ng sandali. Isang haplos mo lang Kelsey, nawala lahat... Ng sakit, galit at paghihirap na umalipin sa akin ng matagal na panahon. At ang masaklap 'dun gusto ko pa. I wanted you even more. Gusto kong maramdaman ang marahang haplos na 'yon dahil parang 'yon yata ang sagot sa mga problema ko." Tumawa ito nang mapakla at tumingala. He was resisting the urge to cry again. Namumula na ito sa pagpipigil.
He chuckled as he grabbed her hand resting on her thigh. Masuyo nitong hinalikan 'yon. "Then we became friends again. Hindi ko alam kung paanong naniwala ka na pakikipagkaibigan lang ang intensyon ko. Dahil mula noong umagang kumain tayo ng almusal pagkatapos nating mag-usap hanggang sa pagtulog mo sa balikat ko 'nong hapon alam ko na hindi lang 'yon ang gusto ko."
"I was entralled to you again, Kel. I let go of all my plans and decided to just wing it. Alam kong maaring magalit ka sa akin dahil hindi 'yon ang pinagkasunduan natin pero hindi ko na napigilan. Dahil sigurado ako na ikaw lang talaga. Wala na akong makikitang iba." His voiced cracked and his eyes were full of sincerity.
Kitang-kita niya ang pagsusumamo at pagsuyo sa mga mata nito. "Sa lahat ng pagkakakamali na nagawa natin sa isa't-isa, sigurado ako na pinakatama pa rin na ikaw ang piliin ko."
She was beyond moved. Gusto niyang maiyak ngunit pinigil niya dahil baka mataranta ito at huminto sila sa gitna ng kalsada.
She wanted to say something pero hindi niya alam kung mapapantayan ba niya ang mga tinuran nito. Kahit ano naman yatang sabihin niya ay hindi makakasabay sa mga sinabi nito. Does she really deserve him? Hindi pa siguro pero pipilitin niya. "Thank you for not giving up on me." Tinawid niya ang distansya sa pagitan nila at hinagkan ito sa pisngi.
"I will never do that." Anito na para bang napakaimposible 'non. Muli ay masuyo siyang sinulyapan nito. "You're the love of my life and I intend to keep you. We have the rest of lives ahead. You have to get used to the idea of us being together."
Pinahid niya ang lipstick na lumalin sa pisngi nito dahil sa halik niya. She gave him the widest smile she could muster. "So no crazy exes then?" Pagbabalik niya sa usapan nila kanina.
Umiling ito at muling tumatawang hinalkan ang kamay niyang gagap pa rin nito. "No. It's just me, who's crazy about you."
Hindi na siya umimik at hinayaan itong magfocus sa pagmamaneho. She was also crazy about him. He's all that her heart raves about.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro