Thirty One
Tahimik sila pareho sa buong biyahe. They just sat there listening to the radio as it played throughout their trip back.
Hindi alam ni Kelsey kung okay na ba sila o hindi pa rin. He's been giving her mixed signals but she's afraid to assume at this point. Ayaw niya ring maging basehan lang ang mga ginawa at sinabi nito sa kanya sa cafe kanina.
She heard Art sighed deeply as he parked the car into the resort's parking area. Hindi pa nito pinipindot ang door lock kaya hindi pa siya makalabas.
May sasabihin ba ito? Luminga siya sa lalaki dahil hindi pa rin nito pinapatay ang makina ng sasakyan. Art looked tensed as he faced her too. Seryoso ito at halatang kinakabahan.
Habang naghihintay siya sa sunod na gagawin ng lalaki ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa bag at nabasa ang pangalan ni Basti. Agad niya iyong sinagot. Kailangan daw siya nito sa hotel ngayon dahil dumating na ang singsing.
Pinindot na ni Art ang lock ng mga pinto pagkaputol niya ng tawag. Alam niyang dinig nito ang pinag-usapan nila ni Basti.
Hindi pa rin maalis sa isip niya si Art habang tumatakbo siya papunta sa hotel. She could see the disappointment in his eyes when he heard Basti's voice from the other line. At kahit gusto na rin niyang mag-usap sila ay hindi naman niya kayang balewalain si Basti. After all, this was the reason why they were all there. Ito ang main purpose nila.
Who knows, maybe tomorrow or after the engagement party, she and Art will find the chance to talk. Pagod na siyang iwasan ang lalaki. For now, she's hoping for the best.
It may be them together or not. But she honestly just wants both of them to be happy. They deserve that.
Nadatnan niya si Troy sa reception area na naghihintay sa kanya. Ayon dito ay nasa restaurant si Basti, kausap ang sekretarya na nagdeliver ng singsing na pinaadjust pa nila.
"Kelsey." Agad na tumayo si Basti pagkakita sa kanila.
Inalalayan siyang umupo nito sa isa sa pang-apatang upuan sa tagong sulok ng restaurant. Sa kanyang tabi pumwesto si Troy na nag-usisa kung bakit sila naroon.
Kinuwento ni Basti ang mga nangyari habang wala sila kanina. Ang dami na pala nitong nagawa. At lahat ng mga plano ay nakaayos na. Mukhang wala na talagang makapipigil sa plano nito sa isang araw.
"What about the ring?" Naalala niya mayamaya. Iyon ang dahilan nito kanina noong tumawag sa kanya. Kasama siya nitong umorder ng singsing pero hindi pa niya nakikita ang aktwal na itsura nito. Sa magazine at brochure lang niya iyon nakita.
Dinukot nito mula sa bulsa ang isang kahon. Nang buksan niya iyon ay bumungad sa kanya ang isang white gold band na may emerald sa gitna. "It's stunning. This would probably fit." She handed the box back to Basti after making sure that it was the right size for Celine's ring finger. "She would love it."
Niyakap siya nito at nagpasalamat. Sila ni Cujo ang unang nakaalam ng plano nitong mag-propose. Sa kanila rin ito kumukonsulta kapag may mga bagay na hindi nito mapagdesisyunan. Bawat desisyon nito ay tinatanong muna sa kanila.
Palabas na sila noong nakasalubong nila ang mayordoma ng mga itong si Nana Sela. "Andito rin pala kayo, Kelsey. Troy."
Niyakap niya ang matanda na agad na nag-usisa kung may boyfriend na siya. Makulit na inakbayan ni Troy si Nana Sela. Tinanong pa siya ulit ni Nana kung may boyfriend na siya.
"Wala pa nga po. Ihanap n'yo ako." Biro niya rito. Napamahal na rin sila sa matandang halos nagpalaki kina Basti at Jada dahil madalas noon kapag hindi kina Celine ay sa bahay nina Basti sila nagpupunta para magreview o gumawa ng mga projects.
"Naku Nana. Meron na 'yan." Sabat ni Troy. Inirapan niya ito. "Nag-iinarte lang."
Naaliw na pinisil ni Nana Sela ang pisngi niya na tila nanggigigil. "Sino? Si Art pa rin ba?" Humalakhak sina Troy at Basti.
Kakausapin pa sana niya si Nana Sela pero tinawag na ito ng isang babae kaya naiwan na muli silang tatlo."How was the taste test?" Ani ni Basti habang naglalakad sila pabalik sa cottage.
"It was great." Balewalang sagot ni Troy. Ngayon ay sa kanya naman ito nakaakbay. "Kakausapin namin sila pagbalik natin sa Maynila."
"Where's Art?" Ngumisi sa kanya si Basti. "Nakapag-usap na ba kayo?"
Niyakap niya ang sarili at nagkibit balikat. Parehong natawa lang ang dalawa at kinuwento kung paano nasuntok nina Art at Troy si Cujo.
"We were all shocked when you kissed Art on the middle of the beach. Magsisigawan na sana kami dahil akala namin okay na kayo." Kagaya niya ay nakahalukipkip si Basti na tuwang-tuwa sa paglalahad. "Pero umalis ka naman agad pagkatapos. We figured something was wrong. Especially that you came back to us on the sun loungers like nothing happened."
Troy cleared his throat and continued the story. "It only took us a few seconds to realize that you guys weren't okay. Bukod kasi sa pag-alis mo, matagal na nakatulala lang si Art sa dagat pinanood kang umalis. Bago pa namin makwestyon si Cujo kung ano ang nangyari ay nabigwasan na siya agad ni Art sa panga." Humalakhak ito at tinanong pa kay Basti kung ano ang sinabi ni Art pagkasuntok kay Cujo.
"Sabi n'ya, 'Di ba sinabi ko na sa inyong huwag kayong makialam!'." Umiling si Basti bago ito nagpatuloy. "Cujo looked petrified the whole time. Hindi ko inakala na magagawa 'yon ni Art."
Kahit siya ay nagulat din. Sa tagal na nilang magkakaibigan ay wala pang pisikal na away na nagaganap sa pagitan nila. Madalas ay nagkakasagutan lang at naayos kaagad ang mga iyon.
"What about you, Troy? Why did you punch Cujo?" Baling niya sa kaibigan.
"Natataranta siyang nagkwento sa amin kung ano ang mga sinabi niya sa'yo pagkaalis ni Art. I got mad." Tapat na saad ni Troy. "What he told you was foolish and you were also foolish for going along with his idea."
Hindi na siya nagkomento roon dahil nagsisisi rin siya na ginawa niya iyon. "Cujo told me something about you boys having an agreement about me and Art."
"Totoo 'yon." Kumpirma ni Basti. "After the spin the bottle, we figured that it was not wise to meddle between you and Art. Nangako naman si Art na siya na ang aayos ng lahat sa inyong dalawa kaya bilang kapalit nangako kami na hindi na makikialam."
Naguguluhan na luminga siya kay Troy. "Wait, I remember you talked to me on the morning after that night about giving Art another chance and choosing to be happy."
"I was giving you advice. That is totally different from meddling." Halakhak ni Troy.
She rolled her eyes as they reached their cottage and said good night to the both of them. It was way passed dinner at busog na rin naman siya sa rami ng nakain sa cafe.
Kahit si Mav ay nakausap niya rin tungkol kay Art. Ini-insist naman nito na gusto pa rin siya ng lalaki. Like Troy and Cujo he also failed to adhere to the agreement not to meddle with her and Art. Sina Basti lang at Evan ang sumunod doon.
Payapa ang dagat ng gabing 'yon. Bawat hampas ng tubig sa pampang ay sinasabayan ng mabining pag-ihip ng hangin. Para iyong malamyos na tugtog na kumakalma sa lahat ng nakakarinig nito. Everything seemed so serene, calm and peaceful.
Muli siyang nagshower pagdating sa kanyang kwarto. Pagkatapos magpalit ng pantulog at magtooth brush ay lumabas na siya sa banyo.
Tinutuyo niya ang buhok gamit ang kanyang towel habang papalapit siya sa kama. It was past eleven in the evening. Everyone is probably asleep. Tahimik na ang paligid at ang tanging naririnig na lang niya ay pag-ugong ng air conditioner.
Kaya ganoon na lang ang gulat niya noong namataan niya si Art na nakaupo sa paanan ng kanyang kama. Kagaya niya ay nakapagpalit na rin ito ng pantulog at mukhang bagong ligo.
Marahil ay narinig nito ang mga yabag niya kaya ngayon ay nakatingin na ito sa kanya.
She could literally feel the hair on her nape standing because of his stare. Nakaputing t-shirt at pantulog na shorts lang ito ngunit napakalakas pa rin ng dating nito sa kanya. Seeing him looking this lax makes her want to cuddle and sleep in his arms.
Pinilig niya ang ulo para walain ang mga naiisip. This is wrong. Lalo na't kakagaling lang niya sa pagsasabi sa sarili kanina na hahayaan na niya itong maging masaya.
She cannot simply eliminate him from her life. Sa ayaw at sa gusto niya ay magkikita sila nito. Malayo pa ang lalakbayin niya para makalimutan ang lalaki. Pero kailangan na niyang magsimula. Sa ngayon ay pagkakasyahin na lang siguro niyang mahalin ito ng patago at aasa na darating din ang araw na mawawala't lilipas ang lahat ng nararamdaman niya para rito.
"Why are you here?" She asked, her voice almost sounding like a whisper.
Alam niyang narinig siya nito dahil para itong nagising sa pagkatigalgal pagkasabi niya noon. He seemed nervous but she will not ask why.
Parang sasabog ang kanyang dibdib noong walang pasabing kinain ng mga hakbang nito ang distansya sa pagitan nila at mabilis na pinaloob siya sa bisig nito.
His touch aroused millions of emotions she couldn't put a name into. It was a culmination of years of heartbreak, tears, memories and love. Halos mapapikit siya sa dumaloy na munting kuryente sa kanya at unti-unti siyang nilukob ng pamliyar na init nito.
Ilang beses na ba niyang hiniling na mawala na lang ang lahat ng ito? To meet someone new who will surpass all the standards that he has set? To have another chance to fall in love? And be able to look him in the eyes and truly treat him as a friend?
Countless. Hindi na niya mabilang. Sa bawat gabing makakatulog siyang lumuluha dahil rito at sa tuwing iniiwas niya ang mga mata tuwing nakikipag-usap ito sa ibang babae sa mga bar at party na pinupuntahan nila ay wala siyang hinihiling na iba kundi iyon.
She's always pondered that if things would've been different, she wouldn't be here right now. Maybe she would have fallen for someone else. O baka nakailang boyfriend na rin siya kagaya nina Jada at Ash.
But at the end of the day, it is what it is. Hindi niya mababago ang lahat at wala ng makakabawi sa lahat ng nangyari. Ito pa rin si Art at siya pa rin si Kelsey na patuloy na nagmamahal sa lalaki.
At some point she gave up and realized that maybe she may have to settle. To ignore her feelings for him and entertain other guys. While her hectic schedule makes it hard for her to do that, she knew what she had to do.
She should stop looking for him on every guy that she meets. Refrain from comparing every single inch of him into them, stop refusing to let people in and most importantly, she should stop secretly hoping that someday they will be together.
Pero napakahirap.
Can she really settle for a half-ass love? Must she settle for alright when she's already had the best? When she already has experienced the greatest with him? Also, can she really stand on the sidelines and watch him be someone else's man?
Madaling magbigay ng advice sa ibang tao ngunit napakahirap i-apply ng mga iyon sa sarili niyang buhay. Dahil kahit sino yata ay hindi makakapantay dito sa puso niya. Wala ring ibang nakakabuhay sa mga paroparo sa kanyang sikmura kundi ito.
No one but him could give her goosebumbs just by uttering her name. Only Art could make her heart skip a beat with just a single glance. And even his slight touch is enough to send shivers on her spine.
She could hear his thumping heart as he took her into his arms. Tumingala siya at dinama ang kaba na alam niyang nararamdaman din nito.
Bakit ito naroon? Is he here for goodbye? For closure? Hindi pa ba sapat ang usapan nila kanina sa sasakyan nito at kailangan pa nilang muling magpaalaman? May hindi pa ba ito nasasabi? Ano pa ang dapat nilang pag-usapan?
Pinigil niya ang pag-alpas ng luha at nanatili lang na sa loob ng bisig nito. This maybe the last time for them kaya lulubusin na niya.
Sa kabila ng magulo niyang pag-iisip ay nakikiramdam siya sa lalaki. Dinig niya pa ang napakalalim na paghugot nito ng hininga bago ito nagsalita, yakap pa rin siya.
"Magsimula tayo ulit... Wala akong pakialam kung saan, kailan at kung paano tayo magsisimula, but I want you back Kelsey. I don't have the answers for all those questions but I know why we should be together..."
Inilayo siya nito at tinitigan. Mapupungay ang mga mata nitong tila s'ya lang ang nakikita. He looked nervous as he drew another deep breath before he spoke. "You've always had my heart. It never returned to me despite everything that happened. I still love you. And I'm sure I will never stop."
Lutang na lutang siya sa mga naririnig. Everyone has been telling her this for days now but this is the only time that it really sank in. She was too baffled to speak. Mabuti na lang at mariin ang hawak nito sa kanyang tagiliran dahil para siyang nawawalan ng lakas sa mga sinisiwalat nito.
Sa lahat ng sinabi nito ay isang bagay lang ang pinakarumehistro sa kanyang utak. Mahal pa siya nito. At kung paano ay hindi niya alam.
How can he still love her? Nagkamali ba siya ng dinig sa sinabi nito? Paano at bakit ito pa ang nanghihingi ng isa pang pagkakataon? Pagkatapos ng mga ginawa niya ay gusto pa rin siya nito? How could his feelings for her remain amidst the odds that they are in? Parang nakahirap paniwalaan.
Bigla ay may hikbing umalpas mula sa kanya. At sa rami ng nais niyang sabihin ay iisang salita lang ang lumabas.
"Why?" Naluluha niyang tanong.
Bakit sumusugal na naman ito sa kanya? Bakit sa kabila ng lahat ng mga nangyari ay nandoon na naman ito para humingi ng panibagong pagkakataon?
Hindi niya mapigilang magduda kung nararapat ba talaga siya rito. His love seemed so extreme and pure. Napakatibay nito at napakatapang. At kahit ilang taon na ang lumipas ay walang tumibag noon. Does she really deserve that?
"Why?" Tila iyon lang ang alam niyang sabihin. Her mouth refused to speak more despite the turmoil in her head.
Natataranta nitong pinahid ang mga luha niyang walang paalam na pumatak nang sunod-sunod. "I was expecting a slap or an outright no. Not this. Should I be worried?" Natatawa ngunit kinakabahan pa rin nitong usad.
Pinilit niyang patigilin ang pagluha at sunod-sunod na umiling. This was all she's ever wanted. Walang araw na hindi niya hiniling na mangyari ito. Pero kahit ano yatang practice niya sa isip ng mga sasabihin ay walang makakapaghanda sa kanya sa pagkakataong ito.
"Kelsey, you've hurt me and I'll admit that there were times when I hated you. But I cannot forget the days when you've made even the darkest of my days bright. When everything made sense just because we were together..." Nanghihina nitong pinatong ang noo sa kanya. "They told me to give up but I couldn't. Hindi ko kaya."
Pumikit siya saglit at nakinig lang sa mga sinisiwalat nito. Ang bawat salita nito ay pumapawi ng lahat ng sakit at luhang nagpahirap sa kanya nitong mga nakaraang taon.
"Kahit ako ay namamangha sa lalim at tindi ng nararamdaman ko sa'yo. Marami akong hindi maipaliwanag, but I'm certain that I am yours. I don't want anyone else to make you smile. I can't live with the thought of you being in someone else's arms and them having your love, dahil ako lang dapat 'yon." Mariin nitong saad. "I want to kiss you senseless until we both run out of air, be the one you run to when you need comfort and I want to own your heart too. That is my role, Baby. Sigurado ako roon. Sigurado ako sa'yo."
Kita niya ang pamumula ng mga mata nitong nakatitig pa rin sa kanya. More tears escaped from her eyes when she realized that he was resisting the urge to cry. Can she really let go of a love as intense as this for the second time?
"May mga panahon noon na gusto ko ng itigil ito, pero hindi ako makabitaw at kahit mahirap umasa, naghintay ako. Pero ngayon, ayoko ng lumayo. Pagod na akong maghintay. Ayoko na ring pigilan ito. Sa bawat hakbang ko palayo, mas tumitindi ang pagkamamahal ko sa'yo. Pagod na 'kong mahalin ka sa malayo." He said that with finality. Na kahit na ayaw niya ay susubok ito. Na lalaban at susugal ito kahit na tumanggi siya. And her hopeless heart has never felt this elated.
"I'll do everything in my power to make you mine again, Kelsey." Pinal at mariin nitong saad habang magkahinang pa rin ang mga mata nila. "And this time, I'll make sure no one gets in the way. Wala na akong pakialam kung sinong masasaktan. Magalit na ang magagalit, but I'm staying by your side. You'll have no choice but to accept me, the love I'm offering you and to love me back in return. "
She swallowed the lump in her throat to release the tension building up in her. Gulong-gulo ang utak niya pero kapag napapansin niya ang makukulay na emosyon sa mga mata nito ay nadadarang siya.
This is what she wants. Sigurado siya roon. This has been what she's craving and longing for since immemorial. Pagkatapos ng lahat ay hindi niya alam kung kaya pa niyang tanggihan ito. Quite frankly, she'd be foolish to let this chance pass.
Pero paano na ang mga magulang niya? Ang pamilya nito? Ang masalimuot na galit na maaring makuha nila?
Sinulyapan niya si Art. Tahimik ito, tila binibigyan siya ng panahon para mag-isip. There was panic laced in his eyes as he watched her overthink every single detail.
Kaya ba niyang bitawan ito para sa karamihan? Hindi niya alam kung makakaya pa niyang sumagot ng oo. Kung sana ay hindi naganap ang mga pangyayari mula noong isang araw hanggang kanina ay mapipilit niya ang sarili na talikuran na lang ito. Na ituloy na lang ang ginagawa niya mula pa nitong mga nakaraang taon.
But like an alcoholic thirsty for a sip of vodka, she was drawn to him again. She was thirsty for more. Hindi siya bayani. Ayaw niyang magsakripisyo. Alam niya sa sarili na mas gusto niyang maging madamot at sa wakas ay makasama na ang lalaki.
After all these years ay pareho pa rin sila ng damdamin. That means something. She should choose her happiness over anyone else. Pagod na siyang tumakbo palayo kahit na ito lang naman talaga ang gusto niyang makasama. For once, she will bravely follow what her heart desires.
Walang pagdadalwang isip siyang tumingkayad at kinabig ang batok nito. Ramdam niyang naestatwa ito noong marahang dumampi ang mga labi niya rito.
The best love is unexpected. We don't get to pick who we fall in love with. We just meet someone and share an instant connection with them. We then notice and obsess over every single thing about them. It was like that for her. She did not wish to like him this much, but they were here now and that's what should matter the most.
It was pure bliss when he responded after her lips touched his. His kiss was as light as a feather. She wanted to cry more because he did that with so much tenderness. Na kahit sa paghalik ay tila babasagin siyang kristal kung ituring nito.
He was Arrow Braxton. Everyone's willing to surrender everything to him. And anything is on his own beck and call. Hell, some women would even die for a bit of his time. Pero heto ito, tinatayang muli ang lahat para sa kanya. Ibinibigay ang sarili nito kahit walang hinihinging kapalit.
Kelsey is aware that she isn't like that. Maybe she didn't deserve him. Duwag siya. Hindi niya kayang i-give up ang pamilya niya. At ayaw niya rin namang gawin nito 'yon para sa kanya. He deserved someone who would give him something as intense and ardent as what he's willing to offer.
Pinaulanan nito nang mararahang halik ang kanyang labi bago ito tumigil at kinulong siya nang mahigpit sa bisig nito. Halos madurog na siya sa higpit ngyakap nito ngunit tumahimik lang siya at sinikap na gantihan iyon. She just buried her face into his chest and stayed there for awhile.
Sa loob ng bisig nito ay ramdam niya ang pagtaas-baba ng dibdib at pagtawa ni Art. "I'm taking that as a yes." Bulong nito bago halikan ang kanyang ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro