THIRTY FIVE
Paalis na sila sa kusina noong bumalik sina Art at Evan. Ayon sa dalawa ay nag-usap pa sina Mav at Jennie. Binalita rin ng mga ito sa kanila na hindi pa umaalis ang babae ngunit nagkasundo na ito at si Mav na maghiwalay ng mga landas.
"Do you guys want to eat out tonight?" Aya ni Basti habang naglalakad sila pabalik sa cottage.
"I think we should celebrate. Maraming magagandang bagay ang nangyayari." Pagsang-ayon ni Celine na nakakapit sa braso ng huli.
"Sige tara." Ani ni Troy na kasabay si Paula.
Nasa likod sila nina Art at Evan. Pinagigitnaan siya ng dalawang lalaki na pinag-uusapan ang Stan na tinutukoy kanina ni Basti.
"Is she Jada's boyfriend?" Evan asked her. There was a spark of intrigue in his squinted eyes that she only noticed now.
Sa kanilang tatlo ay siya ang madalas na kakwentuhan ng babae kaya normal lang na sa kanya magtanong ang mga ito.
Umiling siya. "As far as I know, she's dating a younger man. Alam din iyon nina Ash at Cujo." Naalala niya noon na nilalait pa nga ni Cujo ang dinedate ni Jada na nakalimutan na niya ang pangalan.
Saglit na nag-isip si Evan. "That Stan looked mature. He even seems older than us."
"Maybe that's why Cujo punched him. He thought Stan was harassing her when he suddenly smacked her on the lips." Suspetsa ni Art na nakikinig lang simula kanina. Nakaakbay ito sa kanya.
Ngayon lang ulit niya naalala na nanuntok nga pala si Cujo. Interesado siyang bumaling sa lalaki. "How is he by the way? Is he hurt?"
Art shook his head. "Good thing Stan didn't fight back. Nakataas lang ang mga kamay niya habang binabalya siya ni Cujo kahit na maraming tao na ang umaawat."
"Pero sigurado akong nakatikim iyon ng sapak mula kina Ash at Jada dahil silang tatlo ang magkakasama simula pa kanina." Nakangising usad ni Evan.
She laughed and shared who Stan is. "Jada met her at the US when she went there for her Masters. Pareho silang Pilipino kaya nagkasundo sila. He's probably here for the party or perhaps a vacation."
"And he probably kissed her as a greeting." Kibit balikat niyang saad.
Sa dulo ng kanyang mata ay kita niya ang pagtaas ng kilay ng kasintahan. "Should I also expect the same greeting when a friend of yours come by?" There was something in his baritone voice that made her want to shiver.
Natatawa siyang bumaling kay Art. There was a sharp warning in his eyes telling her that she shouldn't push her luck but she refused to adhere to it. "Maybe." Kunwari ay misteryoso niyang saad kahit na malayo iyon dahil puro babae ang kanyang mga kaibigan.
She wanted to take back her words because Art really looked bothered with her answer. "Wala lang naman iyon. You can even ask Troy and Celine. That's quite normal, especially in the European countries." Ngayon ay sinusubukan naman niyang lagyan ng band aid ang napakalaking butas na kagagawan niya.
Huli na noong napagtanto niya na lalo lang niyang sinindihan ang apoy na nagbabaga sa loob ng kanyang kausap. London is in freaking Europe! Napakatanga niya dahil hindi siya nag-isip bago magsalita.
"We're in the Philippines.” He warned as his teeth gritted.”They'd have to settle with handshakes and quick hugs. Because if someone tries to kiss you on the lips even when I'm not around, so help me Kelsey, I would dislocate their jaws severely that they won't get to use their lips for awhile."
Sa tabi nila ay nadinig niya ang malulutong na halakhak ni Evan. "Kung ‘ganon, mabuti na lang at si Jada ang kaibigan ni Stan."
Hindi na lang siya nagkomento. Sa halip tumigil siya sa paglalakad at pinulupot ang kamay sa braso ng lalaki. Nagtagumpay siya na pahintuin din ito kaya naiwan sila sa tabing dagat habang papasok na sa cottage ang kanilang mga kaibigan.
“You don't have to get mad." Aniya para kumalma ito noong sila nalang dalawa ang nandoon.
She saw the frustration in his eyes as he struggled to calm himself up.
"I just hate the thought of you kissing someone else. Regardless of the reason, I'm not okay with it, Kelsey.” Naiinis na pag-amin pa nito. “Our friends are right. You are the why to my everything. Everything that I do is in pursuit of you." His face slowly descended until his forehead touched hers.
She tiptoed to kiss him lightly on the lips. Kita agad niya ang paglambot ng ekspresyon nito dahil sa ginawa niya. Doon siya kumuha ng lakas ng loob para haplusin ang pisngi nito.
"There's nothing I want more than to be your everything.” Tapat niyang pahayag. “I only have eyes for you Art. And no one's kiss could change that." Hinayaan niya ang sarili na malunod noong marahan nitong inangkin muli ang mga labi niya. Napapikit siya dahil sa kabila ng maliit na away nila ay napakagaan at masuyo ang halik nito.
She's slowly realizing that they're both not perfect. He is not perfect. And she's certainly far from that. But they both wanted this to work.
As much as she was giving him a part of her, he is also gambling to give her a huge part of him that she could break again.
There would always be struggles but they chose each other and decided to take this risk. The least she could do is to give him the most that she can and try to wipe his worries and insecurities away. Because he was putting all his bets on her. Muli ay wala na naman itong itinitira.
"Why do you make me smile effortlessly?" Anito bago siya hapitin sa isang mahigpit na yakap. His embrace was tight that even the air could not pass between their bodies.
Kelsey just laughed. If only Art knew the power he had over her. Maybe he would freak.
Nanatili itong nakayakap sa kanya hanggang sa may dumating na mga bata na nagbabatuhan ng mga buhangin. Niyaya na niya itong pumunta sa cottage dahil baka tamaan sila at mapasukan ng buhangin sa damit.
Ang pinaghalo-halong mga boses ng kanilang mga kaibigan ang sumalubong sa kanila habang papalapit sila.
Nangingibabaw ang boses ni Cujo na nakikipagtalo kina Jada at Ash sa hindi niya malamang dahilan. Nakaupo ang tatlo sa mga stool ng island counter kasama sina Evan at Mav. Nasa dining table naman sina Basti, Celine, Troy at Paula.
Nasa tapat pa lang sila ng pinto ay tumahimik na ang mga ito. Everyone at the room were looking at them with bemused expressions, waiting for the both of them to announce what the heck was happening between her and Art.
Bago magsalita ay sumulyap siya kay Art na mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Nakatingin ito sa kanya, tila nakikiramdam at nagpapaalam na isiwalat ang tungkol sa kanila.
This day has been amazing. She’s on cloud nine. She wants to share this euphoria with their friends. Both of them have been so lucky to have friends who give undying love and support to them.
Sa pagkakataong iyon ay walang pag-aalinlangan na niyang itinaas ang kamay na gagap ni Art.
“Kami na!” Sigaw niya.
“Pretend to be shocked.” Utos ni Cujo kay Mav. Nakangisi ang una sa kanila, walang tanda na kagagaling lang nito sa isang away kanina.
Exaggerated na humiyaw ang dalawang bakulaw na ikinatawa ng kanilang mga kaibigan.
All of their friends cheered for them, kahit sina Celine na kanina pa nilang kasama sa hotel at sina Jada na una nilang pinag-aminan. Masaya pang nagtayuan ang mga ito at niyakap sila na para bang ngayon lang nalaman ng mga ito ang mga isiniwalat niya.
“I was always rooting for you guys.” Ash exclaimed as she enveloped her in a hug once more. Jada and Celine joined later and before they knew it, they were crying happy tears. Tumatawa nilang pinahiran ang luha ng isa’t-isa at bumaling sa kanilang mga kasama na pinagtatawanan ang pagiging emosyonal nila.
Sa likod nila ay nagkakantyawan naman ang mga lalaki. "You've done good my boy." Ani ni Mav kay Art . Nag-high five pa ito at si Troy.
“Does that mean, I’m not your favorite anymore?” Makulit na untag sa kanya ni Cujo na inagaw pa siya mula sa pagkakayap ni Ash. Inirapan ito ni Jada na nakahawak din sa kanyang balikat.
“I don’t even recall saying that you were my favorite.” Balik niyang biro sa lalaki. Nang niyakap niya ito ay humahalakhak na binuhat pa siya nito kaya naman saglit siyang umangat sa lupa.
“You’re finally taken Kels!” Anunsyo ni Mav na ipinaloob din siya sa malalaking braso nito.
After that they settled into the seats on the kitchen. Mav, Ash, Cujo, Evan and Jada were at the stools at the counter while she, Art, Basti, Celine, Troy and Paula were at the dining area adjacent to them.
“Nauubos na tayo sa Singles’ Club.” Deklara ni Cujo na tinignan ang mga katabi nito. “Sino kayang sunod na malalagas?”
They all chuckled. His observation was legit. Ngayong naging magkasintahan na sila ni Art at ipinakilala ni Troy si Paula ay ang mga ito na nga lang ang wala sa seryosong relasyon.
“Excuse you!” Asik dito nito Jada. “May boyfriend kami ni Ash.”
Cujo smirked, obviously attempting to annoy Jada even more. “Where are they then? Bakit wala sila rito?”
Hindi na umimik si Jada. That was a unwritten rule between them. To introduce only those they were serious about to the whole group. Kapag hindi pa ipinapakilala sa kanila ay hindi pa seryoso ang mga ito.
She already met Jon, Ashley’s recent boyfriend a few times. Ngunit malabo ang estado ng mga ito ngayon. Bago sila pumunta rito ay naghiwalay na ang dalawa. Noong isang araw lang ay sinabi naman ni Jada ay nagkabalikan na ang dalawa. Hindi pa iyon kinukumpirma ni Ash kaya hindi pa sila sigurado kung ano na ba talaga. On the other hand, she’s only heard about Jada’s boyfriend. Hindi pa nga niya maalala ang pangalan ng lalaki. Ang alam niya lang ay mas bata ito sa kanila.
Bukod sa kanila ni Celine na parehong parte rin ng barkada ang boyfriend ay si Troy lang ang nagdala ng girlfriend. Evan is single and Mav is adamant about pursuing Ash.
“Enough about that. Let’s just focus on those that are here.” Balewalang iniba ni Ash ang usapan. Bumaling ito kay Paula na nasa tabi ni Troy. “Welcome to our little group Paula. Huwag kang mag-alala, magulo lang talaga sila. But they don’t bite… It's nice to finally meet the woman who tamed Troy."
Troy wheezed as he repeated the word ‘Tame’. “We all know who should be tamed around here." Ngumuso ito kina Mav and Cujo na nakangisi lang sa mga pangyayari at nagrereklamo dahil sa sinabi ni Ash na hindi ito nangangagat.
Imbes na pansinin ang mga ito ay umikot ang mga mata ni Ash. "Let’s just agree that half of you are womanizers… Ang matino lang talaga sa inyo ay sina Evan, Basti at Art.”
Walang nagtangka na umalma sa sinabi ng kanilang kaibigan. Sa halip ay proud pang nagliyad si Cujo ng dibdib at ngumisi lang sina Troy at Mav. Humagalpak naman sa pagtawa sina Basti at Art habang wala pa ring imik si Evan.
"Anyway, Paula." panimula ulit ni Ash. "What do you do? And saan kayo nagkakilala ni Troy?"
“I'm actually a chef. I work at the Ortigas branch of Taste Buds." Nakangiting sagot ni Paula.
Tumatangong nakikinig si Ash. Tahimik naman sila at nanonood lang sa palitan ng usapan ng dalawa. "Ah. And I assume na na-meet mo si Troy sa Taste Buds?"
Umiling si Paula. "No. He was my classmate back at the culinary school. Pero ‘di kami masyadong nagpapansinan. He was a snob at may pagka-now-it-all din siya kaya na-preskohan ako sa kanya noon." Napatawa silang lahat sa pagiging upfront nito. "But I was friends with Celine. Noong umuwi ako last January, she offered me the job sa branch nila sa Ortigas. I saw Troy again and the rest as they say is history." Pagkukwento ni Paula.
Inubos nila ang hapong iyon sa pagkilala sa girlfriend ni Troy. Wala namang naging problema roon dahil mukhang kagaya niya ay magaan din ang loob nina Ash kay Paula.
“Can someone drive me to the mall early tomorrow? I need to wire money.” Anunsyo ni Ash mayamaya. Paalis na sila papunta sa hotel para hindi na sila magluto ng hapunan.
Kelsey grinned as an idea crossed her mind. Sumulyap siya kay Mav na tumuwid ng upo simula noong narinig ang sinabi ni Ash. Ilang beses na nagtaas-baba ang adam’s apple nito at huminga pa ito nang malalim.
Nais niyang matawa. Natotorpe ba ito? Sa rami ng mga naging babae nito ay hindi siya makapaniwala na kinakabahan ito.
“Mav can drive you. Nasa dulo pa ng parking ang mga sasakyan ng iba. Mas madaling makakalabas si Mav kasi kadarating lang niya.” Maagap na suhestyon niya bago pa makapagpresinta ang iba.
Ash was taken aback with her suggestion. Blangko ang ekspresyon na bumaling ito sa lalaki na hanggang ngayon ay parang hindi mapakali.
She wanted to curse as everyone blatantly ignored what is happening before their very eyes. Nakaakbay lang sina Basti at Troy sa mga girlfriend ng mga ito at tamad na nilalaro ni Art ang kanyang mga daliri. Sa kabila naman ay inip na tinatapik ni Jada ang mesa at nakangalumbaba si Evan at si Cujo ay nagmamaktol na gutom na ito.
Saglit na naghinang ang mga mata nina Ash at Mav bago nagkibit balikat ang huli. "Sige sasamahan kita." Buo ang boses na sagot pa ng lalaki.
Ash shrugged too as she returned to her previous position. Balik na ang poised at composed na facial expression na lagi nitong ginagamit. Balewala na nitong kinausap si Jada.
Kelsey gave a sly smile to Mav who was now looking at her. He was half-smiling at her. Aliw niyang nilawakan ang ngiti sa kaibigan. She now believes in second chances. Even if things do not work out the first time, there is still a posibility if it is tried again. Wala namang mawawala kung susubok. Ngunit marami tayong hindi makukuha kung mananatili tayong natatakot at tumitingin lang mula sa malayo.
Maybe if they win, they'll be happier. And if they won't then they could at least learn from it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro