Nineteen
They were walking towards their cottage when they saw a bonfire under the rows of coconut trees. Iniwan marahil iyon ng mga nagswimming kanina at hindi na pinatay.
"Nabitin ako roon." Ani ni Mav. "Who's up for more drinks?" Nakaakbay ito kay Cujo na humarap sa kanilang lahat at nagreklamo na hindi pa ito nakakatikim ng kahit isang patak ng alak sa gabing iyon.
They took out the cooler and placed ice and drinks there. Nagluto rin si Troy ng sisig at naglabas ng mga chips para may makain sila.
Lahat sila ay nakaupo sa palibot ng bonfire habang nag-iinom ng beer. They talked about random events. Mula sa pagkawala ng shorts ni Cujo noong PE nila noong high school hanggang sa ex-girlfriend ni Mav na clingy at mahilig manigarilyo.
Malalim na ang gabi 'nong naisipan nilang mag-spin the bottle. Everyone was a bit wasted at that point. Ang ilang wala pang tama ng alak ay siya, si Troy at si Evan. Their friends often called them the Avengers. Silang tatlo ang pinakamatagal malasing.
Cujo and Mav were borderline drunk. Kaunting baso na lang ay bibigay na ang mga ito. Celine's cheeks were flushed while Art and Basti were starting to blush from drinking too. Lasing na sina Ash at Jada na papikit-pikit na sa kanyang tabi.
Unang tumapat ang bote kay Jada. "Truth." Sabi agad nito sa gitna ng paghikab.
Nagtinginan sila, naghihintay kung sino ang magtatanong. Out of the blue, Cujo stood up and blurted a question. She didn't know if it was because of the lighting but she actually thinks that he is serious. O baka naman nagbu-blurry na ang paningin nito kaya naniningkit ang mga mata nito para makita si Jada.
"Why do you friggin' hate me?"
Kahit siya ay nais malaman ang sagot. Mula pa noon ay parang bato na ang mga ito na kapag pinag-uumpog ay dumidiklap at nagbabadyang maging apoy.
Cujo has been the one who teases everyone a lot. May pagkakataong sobrang kulit nito pero nato-tolerate naman nila ang lalaki lalo na't sanay na naman sila sa ugali nito. Si Jada lang talaga ang hindi makatagal sa mga pang-aasar ng lalaki.
"Easy. Because you're intolerably dense. Hindi mo maramdaman na ayaw ko ng mga biro mo." Balewalang sagot ni Jada. Sobrang pula na ng mukha nito at halatang inaantok na.
Tahimik na inikot ni Cujo ang bote. Sa daming beses na iyong sinabi ni Jada ay hindi na marahil ito apektado. She's said worse to him on other days anyway.
The bottle stopped on Evan's direction next. He chose dare. Pinaligo ito nina Mav sa dagat. He seemed reluctant at first but he did it in the end. Nangangatal ito sa lamig pagbalik.
Ilan pang rounds ang nagdaan. Mav chose dare and he was asked to call his latest ex. Sumagot ang babae at sinabing miss na miss na nito ang lalaki. Lahat sila ay nagpipigil na tumawa dahil nagkukumahog na nagpaliwanag si Mav na dare lang ang dahilan ng pagtawag nito at pinatay na ang tawag.
The dares were despicable and kept on getting wilder as the time passed by. Everyone pretty much picked truth more after some point. Dahil sa alak ay walang filter ang mga salita ng karamihan sa kanila.
The questions on those who choose truth varies. May mga pointless at mayroon din namang mga tanong na lahat sila ay curious na malaman ang sagot.
Cujo was asked the weirdest place he's ever done it, while Evan was asked about his lovelife.
Somehow ay pinagpapasalamat niya na hindi pa siya natitiyempuhan ng bote. She's hesitant to pick dare pero mas lalong ayaw niyang piliin ang truth.
Alam niya kung ano ang itatanong ng mga ito kung sakali. They'll surely ask about Art. At hindi niya alam kung magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo.
Inalalayan na ni Troy at Evan sina Ash at Jada paalis dahil lasing na ang mga ito at tulog na. Almost everyone of them were too flushed from the booze so they decided to spin the bottle for a couple more times before finally calling it a night.
Pinaikot ni Basti ang bote. Kinakabahan siyang huminga nang maluwag noong lumampas ito sa kanya at dahan-dahang bumagal papunta kay Mav at sa katabi nito. Ngunit mali yata iyon dahil tumigil naman ito sa tapat ng taong kanina pa ring nakamasid lang sa kanya.
Kelsey wanted to utter a curse as the stupid bottle's mouth stopped at Art's direction.
"Truth." Anito. Ang kabang kanina pang tumitindi sa kanyang dibdib ay hindi nababawasan dahil nakamata lang ang lalaki sa kanya, tila pareho ang naiisip na tatanungin ito ng tungkol sa kanila kung truth ang pipiliin nito.
Kinagat niya ang labi at iniwas ang mga mata rito. So much for planning to apologize to him tomorrow. Mukhang mapupurnada yata ang kanyang plano.
"This is goin' to be good." Tipsy na saad ni Mav habang nakatingin sa kanya. Kinabahan siya lalo dahil parang alam na niya kung ano ang itatanong nito. It's too obvious he's too drunk to even filter his thoughts. "Do you still---"
"Scratch that." Putol ni Art kay Mav. "I want... a dare instead." Usad nito, nakatagis ang bagang sa kanya. He was glaring at her, as if telling her this was all her fault.
"Well then, jump in the water too." Utos dito ni Mav.
After another glare, Kelsey watched as Art ran to the water, took a dip and went back to them. Nang muling umupo ito ay tila hindi nito iniinda ang napakalamig na tubig dagat na walang pag-aalinlangan nitong nilusong para lang maiwasan na matanong ng tungkol sa kanila.
She saw his lower lip shivering as he tried to cover up the coldness from the air by crossing his arms. Ganoon ba katindi ang galit nito sa kanya na mas pipiliin nitong mamatay sa lamig kaysa ang pag-usapan siya?
Pagbalik ni Art ay nag-aya na si Basti na matulog pero humiling pa si Cujo ng isa pa, dahil aantayin pa nila ang pagbabalik nina Troy. Pinagbigyan naman ito nina Basti kaya sa huling pagkakataon ay pinaikot ni Mav ang bote.
Seconds before it turned into a complete halt, Kelsey felt a thug in her stomach. Humataw sa pagtibok ang puso niya.
Why now? Sana ay kaninang hindi pa sila natatamaan ng alak siya natapatan ng bote. Dapat ay sumama na siya kila Ash at Jada sa cottage at natulog na, ngunit nagpaiwan pa siya rito at nagpatuloy na maglaro ng mapanganib na larong ito.
"Truth." Pikit mata niyang pili. Kung magde-dare siya ay sa dagat din ang punta niya. Sa lamig 'non ay alam niyang lalagnatin siya kinabukasan. Or die right there of hypothermia. Kita niya ang pangangatal nina Evan at Art na parehong naligo sa dagat.
The dares could get deadly or risky. They might dare her to kiss Art. Or stay inside a room with him and talk. There are too muxh possibilities and she was not sure up to where those possibilities extend.
Bahala na, she can lie anyway. There is no lie detector test to check if her answer is true or not.
She can almost hear crickets when her friends didn't instantly asked her a question, as if giving her an opportunity to choose dare instead.
Si Celine, sa gitna ng pamumula, ay concerned na nakatingin sa kanya pati na rin si Basti na mukhang gustong patigilin na ang laro. Cujo was half-smiling and Art's stare kept on lingering at her, as if telling her that she's doomed.
Sa gitna ng katahimikan ay tumikhim si Mav. Tila nagdadalwang isip ito ngunit sa huli ay nagtanong na rin. "What happened between you and Art?"
She sat there stunned with what he said even if she was already expecting that question. Blangko ang kanyang isip at kahit na pinlano niyang magsinungaling ay walang salitang lumabas sa kanyang mga labi.
Sumulyap siya kay Art na tumatagos sa kanyang kaluluwa ang titig. His eyes were full of pain. Kuyom din ang bagang nito.
Lumunok si Kelsey. She knows everyone was waiting for her answer. Mababakas kay Celine ang pag-aalala at si Basti naman nag-iisip kung paano puputulin ang lahat ng ito. Mav was bracing for her response while Cujo was surprisingly silent, wala ang mapaglaro nitong ngisi na laging handa na manukso.
Huminga siya nang malalim. Funny but she wanted to answer. Her friends deserved to know at nahihiya siyang taon na ang nakalipas pero hindi man lang niya naisip na isiwalat ang lahat sa mga ito.
Ngunit hindi niya alam kung paano at kung saan siya magsisimula. What she was about to reveal is the culmination of unfortunate events that spanned decades before they were even born.
Even Art knew a different story. Ang alam lang marahil nito ay ayaw na niya rito kaya siya bumitaw. That she couldn't trust him and that she was not happy with him anymore. Tanging sina Basti, Celine at Troy lang ang nakakaalam sa totoo.
Would she tell everyone the truth? O pangangatawanan niya ang sinabi niya kay Art? She sighed. Bahala na.
"Ahm." Muli ay huminga siya nang malalim. Ito na siguro ang panahon para alpasan na ang nakaraan na pilit gumugulo sa buhay niya hanggang ngayon.
"She didn't like me enough." Mariing singit ni Art bago pa man siya makapagsimula. "She left and chose to runaway 'cause my Mom told her to."
Blangko at walang emosyon nitong nilahad ang buong kwento sa harap ng kanilang mga kaibigan. From their parents being engaged, her parents eloping and his family's issues, all the way to their emotional moment on the soccer field.
Kelsey was beyond shocked. Tila nabundol siya ng tren sa narinig. Lahat ng mga bagay na akala niyang totoo nitong mga nakaraang taon ay huwad pala. He told them everything so he knew she was lying when she said she wasn't happy with him anymore. He knew? Papaano?
Ngunit bakit hindi siya nito sinumbatan kahit kailan? Nagkamali siya. At hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya iyon. Sa halip na sabihin ang totoo ay nagsinungaling pa siya at sinaktan ang lalaki na walang ibinigay sa kanya kundi pagmamahal at kasiyahan.
She could not look Art in the eyes as he spoke. Ang pait sa boses nito ay tila punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa kanya.
Nahihiya siyang gumalaw at magsalita dahil alam niyang siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Na napakatanga niya at hindi siya nararapat para rito. That even when he gave her all his love, she did not even have the courage to tell him the truth. Mas pinili niyang bitawan ito at tumakbo.
Hindi na nakapagtanong pa ang kanyang mga kaibigan dahil bumalik na sina Troy pagkatapos magkwento ni Art. It also didn't matter that the two returned because everyone was speechless by the time Art finished talking. Mukhang nahulasan pareho sina Mav at Cujo habang seryoso namang nakamasid si Basti at ang malapit na maiyak na si Celine.
At least everything was out in the open now. Bukas ay alam niyang malalaman nina Ash at Jada mula sa dalawang lalaki ang mga isiniwalat ni Art ngayon. Evan said he knew about this yesterday at kahit malaman naman nito ang totoo ay wala ring mangyayari. Tahimik silang nagligpit na parang walang nangyari at pumasok na sa kani-kanilang mga kwarto. Sa rami ng rebelasyon ay naumid ang dila nilang lahat.
Nagpalit siya ng pantulog at humiga na. Muli ay pabaling-baling na naman siya sa kanyang kama. She was physically drained but no matter how hard she tries to sleep, she could not do so.
Walang balak mamahinga ang utak niya na nagimbal sa natuklasan niya. Napapraning siya kung paano niya haharapin ang lalaki bukas. She could not leave and spoil Bast and Celine's engagement party so she has to endure the remaining days.
Lumabas na lang siya at nagpasyang magpahangin ulit para magpaantok. Subalit naantala ang kanyang paglabas noong napansin niya ang pigura sa kanilang terasa. Nakatingala ito at nakakuyom pa rin ang panga na habang nakahiga sa duyan.
Hindi alam ni Kelsey ang gagawin niya. Her brain totally shut down. Gusto niyang umalis doon at tumakbo na lang pabalik sa kanyang kwarto ngunit ayaw sumunod ng kanyang mga paa. Sa halip ay hindi makapaniwalang nakatitig lang siya rito.
How could everything come to this? Gusto niyang bumalik at ibahin ang lahat ng ginawa niya para maiwasan ito. They are both so broken. Hindi niya alam kung may pag-asa pa ba na maayos ang lahat.
Hindi nagtagal ay naramdaman nito ang presensya niya kaya binuksan nito ang mga mata. She saw his bloodshot eyes as he stared at her, tired and frustrated from everything that has happened.
Gusto niyang humakbang palapit sa lalaki at sabihin dito ang mga damdaming bumabagabag sa kanya. She wanted to breakdown and ask for another chance. She would beg if she has to. She's longed for him all these years and she's sure she'll never love anyone else this much. But its seems that she's lost that chance long ago. Because they have been doomed from the start.
Wala siyang maisip na salita para mailarawan ang nararamdaman niya. Wala ring mga luha na lumabas sa kanyang mga mata.
Her eyes may have already ran out of tears to cry for this man. Hindi man niya ito masisi dahil ilang taon na ba siyang umiiyak para sa lalaki? Countless. She spent nights crawled up in her bed wishing that things were different. But when the sun rises the next day, she's still her and he's still him. Ganoon pa rin ang sitwasyon. Walang pagbabago.
She'd be lying if she would say that she did not often think of this moment. Lagi niyang ini-imagine noon na sa muli nilang pag-uusap tungkol sa kanilang dalawa ay maglulupagi siya at magbebreakdown sa harap nito.
Pero ngayon ay nakatayo lang siya at naeestatwa sa harap ng nag-iisang lalaking minahal at sinaktan niya sa tanang buhay niya.
Looking back, tama ang napagtanto niya noong tinalikuran niya ito sa soccer field noon. Ito lang talaga marahil ang gugustuhin niya ng ganito katindi. Na wala na siyang mamahalin at nanaisin kundi ito lang.
Ilang taon na ang lumipas pero ito pa rin ang sinisigaw ng sutil niyang puso. Sa lahat ng lalaking nakikilala niya ay hinahanap niya pa rin ang mga damdamin na tanging ito lang ang nakakapukaw sa kanya. She hopelessly looks for his deep eyes in every guy that she meets. She longs for his voice and his contagious laugh in every conversation that she has. And she secretly hopes to see him everytime she goes out with their friends. She's tried to get over him but she always failed to do so. It was like being this irrevocably in love with him is her karma for breaking his heart.
Huminga siya nang malalim at pumikit upang sabihin ang salitang alam niyang matagal na dapat niyang sinabi. "I'm sorry, Art."
Of all the words on the top of her head, that was all that she could muster. Sana pala ay pinaghandaan niya ito dahil kulang yata ang lahat ng salitang alam niya para maiparating ang nais niyang sabihin.
But before she could even utter another word, he stood up and left. Sunod niyang nakita ang papalayong imahe ni Art.
Sinundan niya ang malalaking mga hakbang nito. Tila nagkaroon ng bagong lakas ang nanalalambot niyang mga tuhod. Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa maabutan niya ito. At huli na 'nong napagtanto niya kung nasaan sila.
Something in her wanted this to be over. To be able to finally face him. And to close this chapter of their story.Because maybe, this will set both of them free.
Nakarating na sila sa dulo ng hilera ng mga puno ng niyog. They were near the fence which protects the whole property.
Nang tila napansin iyon ni Art ay hinarap na siya nito. He was at a dead end and finally figured that he had no choice but to confront her.
Inaasahan man niya ay nasaktan siya sa nakita sa mga mata nito. There was hatred in his eyes. Batid niya iyon sa kabila ng kakaunting ilaw mula sa liwanag ng gabi.
Hindi niya inakala na hahantong dito ang pangyayari kanina sa bar. She was so hopeful. Umasa siya. Hahanap na sana siya ng magandang timing para kausapin ito. But then this happened.
She stood before him. Hinarangan niya ang daraanan nito para hindi ito agad makaalis. "Art, when? How did you--"
"'Nong araw ding 'yon, Kelsey. My Mom knew what was up as soon as she saw me drenched at the front of our house after crying my eyeballs out." Hindi na siya pinatapos nito.
Diretso ang mga mata nito sa kanya. Punong-puno iyon ng poot. Kung hindi niya ito kilala ay baka natakot na siya dahil mukha na itong bayolente. But Art wouldn't hurt her. He never did hurt her.
Napahikbi siya sa naisip. Ngayon ay nanunubig na ang kanyang mga mata, tila nagkaroon ng bagong supply ng luha. "Why didn't you tell me?" Akusa niya rito.
"How could I when you've already taken me out of your life?" Galit na hinarap siya nito. "Paano kong ipipilit pa ang sarili ko sa'yo?"
"I will admit there were times when I wanted to confront you. I loathed you. Gusto kong maghiganti. To make you feel all the hurt you've inflicted in me."His eyes were blood shot and immense pain was evident there. Nanatili siyang nakamata lang sa lalaki noong naglakad ito palapit sa dalampasigan. To hear him say that is just a million more stabs in her heart.
"Pero lumipas ang mga buwan at lumipas din ang galit. A huge part of me kept on stupidly waiting for you to come back." Anito sa nanghihinang boses. "Pero nabigo na naman ako, Kelsey. Dumaan ang maraming taon, kahit sulat, text, chat, email o postcard wala akong natanggap."
Nanghihina itong umupo sa mga buhangin na hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. "You always told me to trust you." Hindi itinago nito ang pait sa sinabi. "And I did, wholeheartedly. But why didn't you trust me? Ako lang ba ang tanga na nagtiwala na mahalaga rin sa'yo kung ano man ang mayroon tayong dalawa noon? Ganoon ba kawalang kwenta ang lahat sa'yo na napakadali lang na bitawan ako?"
She wanted to cry as he uttered every word. Nanliliit siya sa galit at pagkabigo na nababasa niya sa mga mata nito. She felt like the baddest person on earth. All she cared about was the pain she was feeling. Hindi niya naisip na kagaya niya ay nasaktan din ito ng ganoon katindi. Hindi niya inakala na ganoon kalalim ang sugat na ibinigay niya rito.
Sapo ang ulo itong tumungo at lalong sumasakit ang dibdib niya sa tila kawalan nito ng pag-asa sa kanila. "I opened up my heart to you. I bared everything." Marahas ang pag-usad nito ng bawat salita. "I wanted to court you. But you said you didn't want to complicate us with silly labels so I trusted you completely. Wala akong tinira para sa sarili ko."
Kahit hindi niya kita ang mukha nito ay alam niyang sobra niya itong nasaktan. And she only has herself to blame. Duwag siya at hindi niya ito pinagkatiwalaan.
"I even begged you to stay. I stripped myself of my pride and knelt." She heard his voice break as he spoke again. "But that was not enough to make you stay. Or even explain why you suddenly had to let me go."
That triggered the waterworks in her eyes. Sunod-sunod at walang patid na pumatak ang kanyang mga luha dahil sa sinabi nito. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi marinig nito ang kanyang pag-iyak. Sa gitna ng paghinga ay sumasabay ang mahihina niyang paghikbi. Kung maiibalik niya lang ang lahat ay gagawin niya.
"You could've told me the truth. My Mom told me that she asked you to break it off with me." Bumaling ito sa kanya at nagulat sa kanyang itsura. Gusto niyang manghina sa sakit na nabasa sa mukha nito.
Lumamlam ang mga mata nito na kanina ay puno ng galit."However, I could've agreed to any plan you had. I was that crazy for you. So why couldn't you trust me Kel? All these years, that has been bugging me. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Bakit mas pinili mong wasakin ako?"
She has always imagined this moment in her mind. Alam niyang darating din ang araw na mapag-uusapan nila ito ngunit wala palang makakapaghanda sa kanya para rito. All the words she rehearsed on her mind are lost and she can't even think of the right words to properly tell him her made up alibis.
Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya na lumuhod sa harap nito. This has been long overdue. Ang dapat noon pa niyang inayos ay nag-iwan na ng napakalalim na sugat sa kanila pareho.
"I have no words to properly explain why I did those things. I may have cherished what we have but I was too afraid Art..." Aniya sa pagitan ng pagsinghot. Hindi ito gumalaw at pinanood siyang tumatangis sa harap nito.
She inhaled deeply before she honestly told him everything. "Natakot akong mawala ang lahat sa ating dalawa kapag nagpumilit akong hawakan ka sa kabila ng magulong koneksyon ng mga pamilya natin."
"I was so torn... You were more than just a friend to me. You were so special... " Lumayo siya para makita nito sa kanyang mga mata ang kanyang sinseridad.
Suminghot siya at pilit na pinigil ang pag-iyak. "But I loved my family. They were my life. And I know you love yours too... And when your Mom told me everything, I was petrified." Dumungaw siya sa lalaking nakatingin lang sa kanya habang sinisiwalat niya ang lahat. "That we would lose everything just because of us. That in the end we would just destroy everything dear to us, including each other."
Tumingala ito, pumikit at pinisil ang mga mata. To see him in the verge of crying and still hurt because of everything is heartbreaking.
Tumikhim si Art ngunit hindi ito nagsalita. Alam niyang kahit ano pang sabihin niya ay hindi sapat para ipagtanggol ang mga kasalanan niya. Na paulit-ulit lang pero ang konklusyon ay pinili niya pa rin na saktan ito. Ang magsinungaling at talikuran ito.
"We may never be able to get everything back to where they were..." Her voice was getting shaky. Napakahirap aminin na malaki ang posibilidad na hindi na sila babalik sa dati. Tila wala ng pag-asa na maging sila sa huli. Pero iyon ang totoo.
"But I want to tell you that I trusted you..." She tried to sound as normal as possible. Huminga siya ng malalim bago magpatuloy. "I really did, Art... And if I were to turn back everything, I'd choose not to lie to you. But I can't do that now."
Napahikbi siya sa tinuran nito kanina na hindi ito naging mahalaga sa kanya. Hindi iyon totoo. Kung alam lang nito kung gaano kadalas siyang tumitig dito. Kung paano tumatalon ang puso niya kapag nagtatama ang kanilang mga mata. At na hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa mga nararamdaman niya para rito.
Nanatili lang itong nakamasid sa kanya. She is unsure if there was anger in his eyes. But all she could see were sadness and lack of hope.
Parang may sumasaksak pa rin sa kanyang puso. Kahit ngayon ay nalulungkot pa rin ito dahil niya. Napakasakit na ang lahat ng magaganda nilang alaala ay natatabunan na ng kalungkutan at pait. And that is all they will be. A painful memory.
"I'm sorry." She murmured, wanting to caress his cheeks, but chose not to. "I'm not forcing you to forgive me and maybe I do not deserve to be forgiven but I am apologizing to you because you are important to me...You always have been and you will forever be dear to me."
With that she stood up. "At hindi ako mapapagod na mag-sorry dahil ayokong tumanda tayong dalawa na galit pa rin sa isa't-isa. I'm sorry that I have been a coward all these years but I hope you will find it in your heart to forgive me. We both deserve to be free from all the hurt."
As she left Art seating in the sand, Kelsey only feels two things. Relief and regret.
Relief that finally she is getting freed of the weight on her shoulders for the past years. Na sa wakas ay makakalaya na siya mula sa galit ni Art.
Regret for all the time that was wasted. For all the tears she has cried and sleep she has lost for this. Because now she realizes that this will be all that she'll ever be to him. A friend. Nothing more.
Tama na muna ito sa ngayon. Bukas siguro ay hihingi siyang muli ng tawad dito at unti-unting kakausapin ang lalaki hanggang sa kahit papaano ay maging magkaibigan silang muli.
She has to be careful. Nais man niyang maging kaibigan ito ulit ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya rito at sa ginagawa niya ay mas binubuksan niya ang sarili na masaktan lalo dahil hanggang doon na lang sila. Hindi na lalampas pa roon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro