Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Nine

Halos mabingi na si Kelsey sa hiyawan ng mga tao sa kanilang paligid.

Huling araw na ng kanilang intramurals at hindi niya inakala na ganoon kabilis ang paglipas ng panahon. Sa isang linggo ay balik na naman sila sa normal na schedule ng pagpasok.

These past few days have been the best. Walang araw na hindi siya nag-enjoy lalo na't lagi na silang magkakasama muli nina Ash at Jada.

Ang tanging nawawala lang ay sila Celine, Basti at Evan na busy sa pag-iintindi ng mga programs. Pabuntot-buntot naman sa kanila sina Mav, Art at Cujo na tagalibre nila ng mga pagkain at entrance sa mga funhouse.

This was an experience she wouldn't forget in awhile. Hindi niya pinagsisisihan na lumipat siya ng school, dahil kung hindi ay wala sana siyang nakilala na mga bagong kaibigan na aalog ng mundo niya.

Nakataas ang kamay niyang kumakanta kasabay nina Ash habang sumasabay sa pagkanta ni Mav sa stage.

Ilang beses na siyang nakapanood ng mga practice ng mga ito pero iba pa rin pala na mapanood ang mga ito sa aktwal na stage. Dahil nandito na sila bago pa ang simula ng event ay swerteng sa unahan sila napapwesto.

She feels so proud as everyone jammed to their friends' band. Pagpasok pa lang ng mga ito kanina para mag-sound check ay wala ng patid ang tili at pagsigaw ng mga tao sa pangalan ng bawat isa sa mga ito.

Bagay na bagay sa boses ni Mav ang kanta ng isang sikat na banda noong nineties. Gulat na gulat din siya sa lapat ng piano ni Cujo sa kanta dahil walang pianist ang orihinal na arrangement nito.

Kahit na may kalumaan na ang kanta ay alam niyang saulo iyon ng lahat ng audience dahil sa sobrang kasikatan ng nasabing 90's band.

They danced to the humming after the chorus and started singing again on the second verse.

Sumulyap siya kay Art na nasa kaliwa ni Mav. Nakangiti ito habang nakatungo na kinukulbit ang mga tamang kwerdas sa gitara. His passion for the guitar transpires with the smile that he's been wearing since the moment they started playing. Nakakatuwa na makita ito stage, just doing what he loves with their friends.

Ganoon din ang itsura nito 'nong nanalo ang mga ito sa soccer game laban sa ibang school noong nakaraang araw. Parang nais niyang maniwala na siya nga ang swerte nito dahil nakalimang goal ito sa kabuuan ng laro.

Sa tabi niya ay sumasayaw din si Celine. Alam niyang nakahinga nang maluwag ito dahil sa wakas ay tapos na ang lahat ng dapat nitong gawin. Hindi maiitanggi ang pagiging blooming ng kanyang kaibigan dahil kahapon lang ay ibinalita nito sa kanya na plano na nitong sagutin si Basti.

Wala siyang nararamdaman kundi kasiyahan para rito. Over the months that she's known Basti ay wala siyang maipupula sa lalaki. Hindi lang si Celine ang inaalagaan nito, kundi pati sila ni Ash. Mas naging malapit din dito ang kapatid na si Jada na todo ang suporta sa kaalamang magiging magkasintahan na ang dalawa.

Pagkalipas ng intrams ay sama-sama na uli silang lahat bukod kay Troy na laging kasama si Nikki.

Sa rami ng nangyayari sa mga buhay nila ay hindi pa nila napapag-usapan si Troy. Ang dinig niya ay nagkausap na ito at ang ilan sa mga lalaki niyang kaibigan pero hindi niya alam kung okay na ba ang mga ito o hindi.

Tila kinumpirma kasi ni Troy ang sinabi ni Nikki na lalayuan na sila nito dahil kahit minsan nga ay hindi sila nilapitan nito sa kabuuan ng intrams.

Marahil ay iniiwasan nito ang pagkikita ng girlfriend nito at ni Ashley dahil may silent war ang dalawa. Idagdag pa ang eksenang nangyari sa pagitan nila ni Jada at sa babae noon sa canteen na pinag-usapan ng marami.

Maybe he didn't want to add fuel to the fire between his girlfriend and them and he' has decided to lie low for awhile until everything cools off.

"Guys, nood tayo ng movie!" Yaya ni Mav. Ang plano nilang bumili ng costume para sa darating na Halloween Party ay agad na napalitan ng suhestyon nito.

"Oo nga! I heard may magandang horror film ngayon. Napanood namin ang trailer noong nandito kami ni Celine last week." Sabi naman ni Basti na nakaakbay kay Celine.

Magkasintahan na ang dalawa. Epitomy ang mga ito ng perfect couple. Kilala si Basti ng lola ni Celine at 'ganun din naman si Celine kina Basti.

Sumingit si Jada sa pagitan ng mga ito, dumadaing at nakahawak pa sa tiyan. "Let's eat first, Kuya. I'm starving."

Sinegundahan nila Mav ang suhestyon ni Jada kaya hindi nagtagal ay sa kainan naman ang kanilang destinasyon.

Napatingin siya sa kanyang kaliwa at namataan niyang kasabay n'yang naglalakad si Art. He was smiling and humming the tune of a song. Bumilis ang tibok ng dibdib niya noong bumaling ito sa kanya at mas lumalim pa ang ngiti.

Madalas itong ganito. Kapag naglalakad sila ay bigla na lang niya itong napapansin na umaagapay sa paglalakad niya o kaya ay sumusulpot sa kanyang tabi nang walang pasabi.

Not that she's complaining. She hates to admit it pero ang akala n'yang crush lang noon ay mas matindi pa pala sa inaakala niya. Alam na ng utak niya kung ano iyon ngunit hindi pa handa ang kanyang puso para bigyan ng pangalan ang nararamdaman niya para rito.

Huminga siya nang malalim at nagmamadaling humabol kina Mav at Cujo na naglalakad sa unahan nila. Natatakot siyang mahulog nang tuluyan kay Art. She has to eliminate this feeling from her system. Paano kung ayaw nito sa kanya? Makakaya ba niya ang sakit kung sakali?

Sabay-sabay silang tumigil sa tapat ng isang sikat na fastfood. Papasok na sana sila, noong namataan nila sina Troy at Nikki sa may counter.

Lahat sila ay tumigil sa entrada ng restaurant, nakikiramdam kung dapat bang ituloy ang planong pagkain. Kung siya ang tatanungin ay ayos lang na roon sila kumain. The place is too big for them to rub elbows anyway.

Ngunit walang pag-aalinlangang pumihit na si Ash na nakaabrisete kay Jada. "Let's just go somewhere else."

Papunta na ang mga ito sa isang Chinese restaurant na hindi kalayuan sa pinanggalingan nila.

Umangat ang balikat ni Cujo, tinaaas ang mga kamay at sumunod na sa dalawa. "Wala na tayong choice, nakapag-decide na ang mga prinsesa. Ayaw nila rito."

Lahat sila ay umikot na palayo sa kakainan sanang fastfood. Nakapamulsa si Evan sa unahan niya na as usual ay tahimik na naman at sumasabay lang sa alon. Masayang nagkukwentuhan sina Basti at Celine sa tabi nito.

Kasabay naman niya si Mav na nakangising may tinuturo sa may bandang kanan niya. Natisod siya noong napagtantong katabi na naman niyang naglalakad si Art.

Nasa likod niya ito kanina pero ngayon ay nandito na naman ito. Matutumba na sana siya ngunit maagap siyang inalalayan nito.

"Careful Kel." Lalong lumakas at dumoble ang bilis ng tibok sa dibdib niya dahil sa sobrang lapit nito.

Napapitlag siya. Ayun na naman ang malakuryenteng pakiramdam na laging nandoon kapag nagdadampi ang kanilang mga balat. Tila hinahalukay na naman ang sikmura niya sa kaba, sa katunayan ay parang may mga nagkakagulong mga bakulaw sa loob nito.

Naasiwa siyang nagpasalamat at balewalang naglakad papunta sa loob ng Chinese restaurant. Nag-order na sina Evan, Cujo at Basti sa counter kaya dumiretso na sila kina Jada na hanggang ngayon ay nakaismid pa rin.

Pinagdikit nila ang dalawang malaking mesa para magkasya silang lahat. Tumabi siya kay Ash na nakaupo sa kabisera. Sa kaliwa niya ay nakaupo sina Jada at Celine. Sina Evan, Mav at Art naman ay nakahanay sa tapat nila.

"Jads, bakit banas na banas ka pa rin kay Nikki?" Ungkat ni Mav.

Her friend let out an exasperated sigh before she spoke. Ayaw nitong tinatawag itong Jads. "Kung nandoon lang kayo noong kinausap niya kami ni Kelsey. You should've heard how she insulted us and called us lowly."

Ngumiwi si Mav. Alam niyang isa ito sa nakausap na ni Troy. Ang tanging hindi na lang nakakausap ng huli ay si Cujo at silang mga babae.

"I already talked to Troy and he said na hindi naman daw niya sinabi ang mga sinabi sa inyo ni Nikki." Malumanay na panimula ni Mav. Saglit itong tumahimik noong dumating sina Basti na dala ang mga pagkain.

Nag-distribute muna ng mga plato at utensils bago muling nagsalita si Mav. "He said that maybe Nikki said that out of spite. Kasi alam n'yo naman na..." Sumulyap ito kay Ash na maarteng nakikinig lang sa usapan.

It took Mav awhile before he continued, parang inisip pa nito kung ano ang sasabihin. "Ash is one of us. Kaya siguro akala niya she was under attack."

"Under attack?" Offended na ulit ni Jada. Tumirik ang mga mata nito pagkasubo ng egg rice na may orange chicken. "She was the one who kept on going at us na parang nag-aamok ng away."

"But nonetheless, I'm over that. If she wants Troy and since he adores her so much, then magsama sila." Jada waved her hand as she said that.

"And about the dance, he could forget that too. Hindi kawalan sa amin kung hindi niya kami isasayaw sa Halloween Party." Dagdag pa nito.

"Oo nga naman! Ano kayo consolation price?" Segunda ni Cujo. Sa lahat ng mga lalaki ay ito lang ang nagtatampo kay Troy, tila dinamdamdam talaga ang pagtakwil sa kanila ng huli.

Basti shushed Cujo and directed his attention to her and Celine. "Kayo, being the girls closest to Troy, what are your thoughts about this?"

Sumulyap siya kay Celine. Sa tagal na niya itong kaibigan ay alam na niya ang isasagot nito. Pareho lang sila ng iniisip.

"As much as I was hurt with Nikki's words, the fact still remains na kaibigan pa rin niya tayo. Let's just respect his decision." Kalma niyang sagot.

There's no point in keeping a grudge dahil bibigat lang ang loob niya. Ngunit hindi pa siya handang kausapin ang lalaki. Lalo na ngayon na mainit pa ang sitwasyon sa pagitan nito at nina Jada. Hindi man siya nakikisali sa away ng mga ito ay alam niya ang lugar niya.

"And besides, Troy seems to like her so..." Nagkibit balikat na lang si Celine na sang-ayon sa sinabi niya.

"I agree with them. He seems happy. Let's just be happy for him. Hayaan na lang natin s'ya..." Ani ni Art.

"Nikki hates all the girls. I think it's rooted on her rivalry with Ash." Pahayag ni Mav.

"Then wala tayong mapapala kung pagbabatiin natin sila. Trust me, sinubukan na namin sa dance troupe pero walang nangyari. There is no way Troy's hanging with us while he's in that relationship. Lalo na ngayon na pati si Jads ay galit sa girlfriend niya." Convinced na turan ni Cujo.

She saw Jada glare at him for switching sides and calling her Jads again.

Tumango naman si Mav."I know you girls are just being protective of Troy because Nikki has that bad girl reputation going on. But we have to let him go." Parang propesor na pangangaral nito kina Jada.

"He can handle that on his own." Singit ni Evan na ngayon lang nagsalita.

"They're right. Let's just be supportive." Dagdag pa ni Basti na patapos na sa pagkain.

"It's not just that okay." Mayamaya ay saad ni Ashley. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. Ayaw nito na pinangangaralan ito. "There's more to the story."

Kunot noo siyang tumigil sa pagkain at sumulyap sa katabi. Ano pang hindi sinasabi nito sa kanila?

"You see we heard her on the restroom a few weeks ago. She was telling her friends how she tricked Troy into being her boyfriend. Na iisa-isahin daw n'ya kayong magbabarkada." Bulalas ni Ashley

Napailing si Cujo. "You girls are really something." Humakhak ito. "Kahit pala sa pagbabanyo ay may chismisan na nagaganap?"

"That is... manipulative." Ani naman ni Evan. Bakas sa mukha nito ang disgusto.

Hindi niya mapigilang mangamba. Paano nga kung iyon lang ang plano ng babae? And what if ang iba naman niyang kaibigan ang maging target nito? Is Nikki out to destroy their little gang?

"Troy is smart enough to see through Nikki's intentions." Pagtatanggol ni Mav. Kampante nitong tinatapos ang pagkain na para bang wala lang ang siniwalat ni Ash.

Namilog ang mga mata ng huli, puno ng pagtataka. "What if she comes for you? Don't tell me papatulan mo?" Ashley directly asked him.

Napangiwi si Mav, hindi inaasahan ang tanong. "No! Of course not!" Maagap na bulalas nito. "I'm careful with the girls I date. Do you think I would date one of my best friend's ex girlfriend? Ganoon ba kababa ang tingin n'yo sa amin?" Naghihinanakit na wika nito.

Sa halip na maging apologetic ay humagikhik si Ash. "Not entirely. You see, Basti has Celine, Evan is..well, Evan and Art's been with Kelsey too much lately..." Isang malisyosong tingin ang tinapon nito sa kanya bago ito nagpatuloy. " So, our bet is with you and Cujo."

Kelsey nervously glanced at Art who was coincidentally gazing at her too. Will Nikki be able to lure him? She hopes not. Nakataas ang isang kilay nito sa kanya habang nakanguso na tila nagpipigil ng pagngisi.

Nawaglit ang mga mata niya sa lalaki noong gulat na suminghap si Cujo. "I'm insulted. Ganoon pala ang tingin n'yo sa amin?"

Muli ay tumawa lang si Ash. "No offense Cujo, but feeling namin, kahit poste na nakapalda ay ide-date mo."

Lahat sila ay humagalpak sa narinig. Kahit sina Mav at Cujo ay kasali na sa pagtawa.

As much as he was an amazing friend, Cujo was a flirt. Silang magbabarkada lang yata ang exempted sa paglalandi nito. Si Mav naman ay talagang lapitin ng mga babae. Maraming lantaran na nagpapakita ng interes dito at pinauunlakan nito ang mga natitipuhan sa mga 'yon.

Unang nakahuma si Cujo, ngayon ay nanumbalik na ang sigla. "Sa akin kasi, there are three types of girls. 1, Girls I date. 2, befriend and 3, those I avoid." Lahat sila ay nakikinig sa isa na namang teorya na sinasabi nito.

"Sa makatuwid, may mga kategorya yan. I don't just pick random girls and flirt." Pagtatanggol pa ni Cujo sa sarili. "Nikki falls on the 3rd category. I'd have to avoid her not only because she's scheming but also because she's Troy's ex. I know my limits." Mukha namang sincere ang bakulaw na madamdamin pang dinampi ang kamay sa dibdib na parang nangako.

Napadako ang mata niya kay Art na nasa tapat niya. Hinihiwa nito ang chicken breast sa plato nito. Ano kaya siya sa tatlong kategoryang 'yon para rito? Number 2?

"Paano mo naman masasasabi na pangdate or pangkaibigan ang isang babae?" Magiliw na usisa ni Celine.

"Well, that's for us to decide and for you to find out."Kumindat pa si Cujo rito. He went on how he deals with every kind of women in every category. Sa dami at dumi ng mga pinagsasabi nito ay hindi na siya nag-abala pang making.

"That's enough Einstein. Pagdating talaga sa babae, ang dami mong sinasabi." Tumayo na si Evan para patigilin si Cujo.

Nasa labas na sila at tapos ng kumain noong nagpatuloy ang usapan tungkol kay Nikki. "Rest assured that none of us will pursue Nikki once Troy is done with her." Pag-conclude ni Mav na ikinaluwag ng pakiramdam nilang mga babae.

"Pwera na lang..." Ngumisi ito at sumulyap sa katabi nito. "If Evan will---"

Napaubo si Mav nang hampasin ito ni Evan sa likod. Umiiling naman silang nanood lang sa lalaki na tumatawa pa kahit na nasaktan ni Evan.

"I still can't get Cujo's odd theory. " Saad ni Ash. Nasa unahan nila ito, kausap si Jada na hindi rin makaget-over sa mga kategorya ni Cujo.

"Oo nga. How would I know if a guy really likes me or if he just wants me as his friend?" Tanong naman ni Jada.

Umakbay si May sa babae at umagapay sa paglakad ng mga ito. "I really don't agree with his three types of women idea. Kasama lang iyon sa mga imbento niyang prinisipyo." Kahit sila ni Evan ay natawa sa likod ng mga ito. Indeed, Cujo has the weirdest ideas. "But one thing's for sure. If a guy really likes you, you'll see it in his eyes." Misteryosong anas pa ni Mav sa dalawa.

Pasimple siyang tumingin kay Art na kasabay na naman niya. Kanina ay nasa likod nila ito ni Evan dahil may pinag-uusapan ito at si Basti. Ano kaya ang sinasabi ng mga mata nito sa kanya? Hindi niya alam. All she knows is that his dark eyes kept on boring through her everytime they would lock gazes like this. Para bang binabasa nito ang nasa isip niya.

Lagi silang magkasama nito. Still, his overwhelming effects on her do not falter. Ngunit sa kabila ng mga kakaiba niyang nararamdaman para rito ay sobrang kampante siya kapag kasama ito.

Gustong-gusto niyang kasama ito pero natatakot siya sa mga maaring mangyari kapag tuluyan na siyang nahulog dito. She doesn't want to ruin the special bond that they have. They were really good friends. Kahit ano ay nasasabi niya rito.

Natigil ang pagmumuni-muni niya noong marahan siyang tinapik ni Art. Sa lalim ng kanyang pag-iisip ay hindi niya namalayan na nalampasan na niya ang kanilang mga kaibigan. Masuyo siyang nginitian nito at hinuli ang kanyang kamay para higitin pabalik sa kanilang mga kasama na ngayon ay nasa tapat ng bilihan ng token ng bump cars.

Hindi agad sila nakasakay dahil napagtanto nilang hindi sila maaring sumakay nang sabay-sabay. No one wants to ride with Cujo and Mav was talking to some girl at the front of the booth. Si Jada ay sinusuway si Cujo na nagpupumilit na isakay ito sa isang naghihintay na bump car.

Sa gitna ng kaguluhan ay nagdesisyon si Basti na hatiin sila para lahat ay makasakay na. "Kami ni Celine. Tapos sina Evan at Kelsey. Kayong dalawa ni Cujo, Jada. Art kayo ni Ash, tapos kayo 'dun sa isa, Mav."

Tumango si Mav at pumunta na sa counter para bumili ng token. Naiwan sa kanila ang bagong dating na si Nina, ang babae sa harap ng booth kanina na kausap ni Mav. Ayon sa babae ay nakilala nito ang kaibigan nila noong laro nina Art. Nais niyang matawa sa lalaki dahil kasasabi lang nito na 'careful' ito sa mga babae ngunit heto ito ngayon at may kasama na namang bago.

Kausap ni Celine si Nina habang pilit na nagdi-disperse si Basti ng nagsisimulang away nina Cujo at ng kapatid nito.

"Kuya, I don't want to be with this freak! Titilapon ako for sure if I ride with him!" Tinuro ni Jada si Cujo.

Inirapan ng huli ang babae. "Bakit naman Jads?" Malawak ang ngisi ni Cujo kay Jada. "Ako ang bahala. You won't get hurt." Dagdag pa nito. His words were comforting but his expression was wicked, tila may niluluto na namang kalokohan.

"Evan kayo na lang ni Jada, 'tas kami na lang ni Kelsey." Singit ni Art na hiwakan ulit ang kamay niya at higit siya papalapit dito.

"Okay." Sang-ayon ni Evan. Panatag na tumabi rito si Jada, na kung titingnan ay parang nakaligtas sa kapahamakan.

All of their eyes shifted to Ashley, who was starting to look pale. "It's alright. Go ahead guys. I don't wanna ride anyway." Composed na turan nito at lumayo kay Cujo na rito naman nakangisi.

Bukod sa nagbabantang itsura ng lalaki ay alam niya kung bakit ayaw na ni Ash sumama. Kung sila ni Art, tapos sina Jada at Evan ang magkakasama, ibig sabihin ay ang wild child na si Cujo ang magiging driver nito. Isa pa, kakakain lang nila at may posibilidad na magsuka ito kapag naging hyper si Cujo. Certainly that would not be a spot anyone wants to be.

"Why does nobody wants to be with me? Mukha ba akong reckless driver?" Frustrated na wika ni Cujo noong napansin ang namumutla na si Ash.

At the same time ay naawa rin naman siya kay Cujo. Kanina ay alam niyang medyo nasaktan ito dahil tila walang tiwala sila Ash dito at kay Mav. Pero sanay na ito na tinutuligsa ang pagiging babaero nito dahil aminado naman ito roon.

For some reasons, she has a soft spot for the guy. Cujo has a noble heart. Bibihira nga lang ang nakakapansin 'non.

Naalala niya ang pagiging alila nito sa kanya ng buong araw bilang kabayaran matapos nitong mabanggit sa kanya ang pustahan nito at ni Jada tungkol sa kanila ni Art. Ito rin ang unang tumawag sa kanya noong nakasagutan nila si Nikki sa canteen. At kahit anong tudyo at pang-aasar nito sa kanila ay alam niyang ipagtatanggol sila nito kapag may sinasabing masama ang ibang tao tungkol sa kanila.

Huminga siya nang malalim. "Kami na lang ni Cujo. 'Tas kayo ni Ash, Art." Lalapit sana siya kay Cujo pero humigpit ang hawak ni Art sa kanyang kamay, ayaw siyang pakawalan.

Hesitant na tumanggi si Ash na napansin ang kamay niyang kapit pa rin ni Art. "Pero Kel..." Mababakas ang pagdadalawang isip nito pero alam niyang nakahinga ito nang maluwag sa suhestyon niya.

Nagliwananag naman ang mukha ni Cujo sa kanyang sinabi. Pa-cute na ngumuso ito at umakbay sa kanya. "Gusto mo naman akong kasama 'di ba Kel?"

Alanganing tumango siya at ngumiti rito. Dahan-dahan niyang binawi ang kamay kay Art at sumakay na sa isang bump car kasama ito.

Being in the bump car with Cujo was fun. He even led her out of the car after the ride. Taliwas sa pangamba ng lahat ay hindi naman siya nasuka o nahilo sa sobrang kaharutan nito. Kapag binabangga sila ni Mav ay pumapatol ito pero maingat naman at hindi sila nabubuwal sa sasakyan. Panay pa ang kwento ng lalaki kaya tawa siya ng tawa sa kabuuan ng ride.

She was perfectly fine, except for the fact that Art was ignoring her. Hanggang sa loob ng sinehan ay hindi siya nito inimikan. Hindi naman niya ito nakausap pagkatapos dahil umuwi na sila para maghanda sa exams kinabukasan.

Ang exams nila sa Physics at Economics ay hinati sa dalawang araw. Malaking tulong iyon dahil hirap talaga siya sa mga subjects na may computation.

Medyo panatag ang kanyang pakiramdam sa kaalamang puro sauluhin ang lalabas sa exams ngayong araw kaya mabilis siyang natapos.

On the other hand, Art was still ignoring her. Tinanong niya kung may extra pen ito bago magsimula ang test kanina kahit na may pencil case naman siyang puno ng ballpen sa bag, sa pag-asang ngingiti ito at kakausapin na siya ngunit umiling lang ito at hindi na siya pinansin pagkatapos.

Alam niyang nagtampo ito dahil sa ginawa niya kahapon. Pag-uwi niya ay saka niya napagtanto na nakaka-offend ang ginawa niya.

She could've handled the situation differently pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat. She didn't expect that he'd take that against her. Napakaunderstanding nito at hindi pa ito kahit minsan nagalit sa kanya. She wants to say sorry pero natatakot siya na sumbatan nito. Kaya imbes na sugurin ito at pilitin na patawarin siya ay nagdesisyon siyang palamigin muna ang ulo nito. May exams sila at ayaw niyang i-distract ito dahil sa mga issue nila.

Nag-review na lang siya kasama sina Evan at Cujo sa library pagkakuha ng unang exam nila sa economics. Buong umaga silang nakatambay sa library. Nahihirapan siya sa mga may equation at word problems kaya minsan ay nagpapaturo siya sa mga ito.

Paalis na sila sa library noong sabihin ni Evan na may joke itong nabasa sa cellphone.

Siniko siya ni Cujo para ipahiwatig na sumakay na lang siya. "Sige Dude, pasikatan mo kami." Udyok pa nito kay Evan.

Nakangiting kinuha ni Evan ang dalawang makapal na librong dala niya at nilagay ang mga 'yon sa return cart ng library. Inabot pa nito sa kanya ang bag niya bago ito nagsalita.

"Anong hayop ang 'di nalalaos?" Panimula nito noong naglalakad sila papunta sa canteen.

"Aso. Kasi maraming nag-aalaga ng aso." Sagot niya. Mataman pa siyang nag-isip.

"Goldfish? 'Di ba laging prize 'yun sa mga carnival at mga perya?" Napatango siya. May point si Cujo.

"Bear." Simpleng usad ni Evan bago ito tumawang mag-isa. Tumawa na sila ni Cujo kahit na napapatingin sa kanila ang ilang estudyante. The joke wasn't funny. What cracked them up was Evan's face. Sobrang saya nito.

"Bakit bear?" Tanong niya pagkaraan. Hindi pa rin makuha ang logic ng joke.

"Kasi nga 'di ba, oso s'ya." Cujo muttered, emphasizing on 'oso'. He was referring to uso. As in trend. Napailing siya. That joke is old.

Bumaling naman ito kay Evan. "In love ka ba? Why the jokes?"

Ngumisi lang si Evan. Napapansin niya nga na lagi itong masaya nitong mga nakaraang araw. He seems inspired. It's nice that someone is making him happy. But Evan was not as talkative as Cujo. Hindi nila ito mapipilit na magbahagi kung ayaw nito. Kapag handa na ito ay sasabihin rin nito sa kanila kung ano o sino man ang nagpapangiti rito.

Nadatnan nila sa canteen sina Basti, Celine, Jada at Art.

"Friends! Nagjoke si Evan! Manlilibre s'ya!" Cujo sat beside Jada and told them Evan's joke. Everyone of them ended up laughing, not because of the fact na bihirang mag-joke si Evan but because Cujo tricked the latter to treat them lunch.

Napatingin siya kay Art, nakatingin din ito sa kanya. Seryoso ang mga mata nitong madalas naman ay nangniningning kapag nakikita siya. She smiled but he looked away.

The test went well. She only got five mistakes sa Physics dahil wala pang word problems. Sinadya niyang sauluhin ang mga terminologies at definitions dahil alam niyang doon siya magaling.

Kailangan niyang magpaturo kina Mav mamaya sa group study nila sa bahay nina Celine para masagutan niya ng tama ang mga word problems sa part two ng exams nila sa Physics bukas. Papasa siya, tiwala lang.

Palabas na siya ng gate noong narinig niya ang boses ng tumatakbong si Art. "Kelsey!"

Okay na ba sila? Bakit hindi siya pinansin nito maghapon? Hihintayin niya sana ito pero nagmamadali ang Kuya niya na sumundo sa kanya kaya sumakay na siya sa kotse kahit na hindi pa sila nagkaintindihan nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro