Fourteen
Pagkalipas ng apat na taon ay nagbalik na sila ni Troy sa bansa. Nauna na si Celine dahil pagkatapos ng klase ay umuwi na ito para alagaan si Lola Paz. Silang dalawa na lang ang nakadalo sa graduation rites.
Hindi pa man sila nakakatagal ng ilang oras sa bansa ay naghanda na ng salo-salo ang kanilang mga kaibigan. They didn't even had time to rest, pagdating niya sa bahay nila ay nagbihis lang siya at nagpunta na sa VIP room ng isang bar.
Pinili niyang suotin ang isang little black dress na pinatungan niya ng cardigan. Kelsey knew this was it. This was the moment she was bracing herself for the last years. Nang sunduin sila ni Celine at Basti kanina sa airport ay sinabi ng mga ito na kumpleto sila ngayon. That meant everyone, including him, would be there.
She never heard from him for years. Sa dalawang beses na umuwi sila ni Troy noon para sa Pasko ay hindi niya nakita kahit ang anino nito. Maybe it was better that way.
Kung nangyari 'yon ay baka magmakaawa siyang balikan ito. Iniwasan na rin niyang makibalita tungkol rito. Akala n'ya ay makakatulong 'yon para makalimutan niya ito. But deep inside ay natatakot siyang malaman sa mga kaibigan nila na may iba na ito. That would break her.
"You ready?" Tanong ni Troy habang papasok sila sa bar. Mukhang kinakabahan din ito para sa kanya. Gusto niyang maiyak sa sobrang pag-aalala nito. He's really the best of the best.
She took a deep breath and flashed a smile. "Yeah."
Kumapit siya sa braso nito at hinanda ang sarili sa mga pwedeng mangyari. Pagpasok nila ay nagputukan ang mga wine bottles at sumabog ng confetti. Sa gitna ay may nakasabit na 'Congratulations Kell and Troy'.
"I still can't believe you guys are back!" Agad silang sinalubong ni Ash na tuwang-tuwa. Inagaw siya nito kay Troy na iginiya ni Mav papunta sa table sa dulo.
Niyakap niya ito. Saglit niyang nakalimutan ang kabang kanina pang lumukob sa kanya. It felt nice to be back home. Hanggang ngayon ay ang mga ito pa rin ang tinuturing niyang pinakamatatalik na kaibigan.
Sa sobrang busy nila sa pag-aaral ay hindi na sila nagkaroon ng maraming kaibigan sa ibang bansa. Ang bachelor degrees nila ay nakuha nila sa loob ng tatlong taon at ang natitirang taon ay ginugol naman nila sa master's. Ang tanging kaibigan ni Kelsey ay ang mga blockmates niya at ilang kapitbahay sa kanilang apartment.
Lagi naman silang magkakasamang tatlo nina Celine at Troy kaya kahit papaano ay nababawasan ang kanyang homesickness.
Pinagpapasalamat siya na biniyayaan siya ng kaibigan na kagaya ni Troy. Simula noong una ay hindi siya nito iniwan. Ito ang nagsilbing lakas niya noong mga panahong wala na siyang magawa kundi ang umiyak. He's been with her through good and tough times and she's grateful for his presence. Napadalas kasi ang pag-uwi ni Celine nitong huling dalawang taon dahil naging sakitin si Lola Paz. She and Troy usually spent their free days cooking and roaming around the countryside.
'Di nagtagal ay sumali si Jada sa yakapan. "Namiss kita Kelsey. Sobra." Anito. Maikli ang buhok ni Jada na bumagay sa face shape nito. Habang tuwid naman at may highlights ang buhok ni Ash. Parehong nakadress ang mga ito at heels.
Gumanti siya ng yakap sa dalawa at kinamusta ang mga ito. Ang huli niyang balita sa mga ito ay parehong may boyfriend ang mga ito.
Masayang pinakita sa kanya ni Jada ang mga pictures mula sa double date ng mga ito noong nakaraang linggo.
Mayamaya ay sumugod na rin ang mga lalaking malalapad ang ngisi. May dala ang mga ito na mga drinks. Time really flies. Noon ay puro juice at soda lang ang iniinom nila pero ngayon ay nasa wastong edad na sila para uminom ng alak at magpunta sa bars.
"Akala namin magtatanan na kayo ni Troy sa Europa." Bulong ni Cujo habang nakakulong siya sa mga braso nito.
Ang laki ng katawan nito lalo at may naaninag siyang tattoo sa ilalim ng long sleeves nito. "Baliw." Aniya rito at agad na sinipat ang mga sulat sa braso nito.
Buong pagmamalaki na ipinakita sa kanya ng bakulaw ang mga tattoo nito na ayon pa rito, ang ilan ay gawa sa Benguet. Ipinaliwanag pa sa kanya nito ang ibig sabihin ng bawat isa sa mga iyon at tawa siya ng tawa nang pinakita nito ang tattoo na may maling spelling.
Imbes na Cujo ay Cuho ang nakasulat sa puno ng braso nito.
Sunod siyang binati ni Mav na kagaya ni Cujo ay halatang nagpupunta rin sa gym. In fact lahat ng mga ito ay mukhang nag-wowork out dahil nagsilakihan ang mga katawan ng mga ito. Kahit naman si Troy ay naggym din pagkatapos ng mga klase nito sa hapon. Madalas ay sinasamahan pa siya nitong magjogging sa umaga bago siya pumasok. That is why he is also ripped.
Walang masyadong nagbago kay Mav maliban sa mas manipis ang buhok nitong medyo mahaba noong huli niya itong nakita. The hairstyle change made him look mature.
Niyakap siya ni Evan na hanggang ngayon ay wala pa ring masyadong imik. He also looked the same except for a couple of stubbles and dark circles under his eyes na hula niya ay dahil sa pagrereview nito para sa engineering board exams.
Ito at si Mav ay kakagraduate lang ng civil engineering at kukuha ang mga ito ng licensure examinations sa darating na Oktubre.
Ngayon ay nagpalit sila ni Celine ng hairstyle. Ito ay nagpabangs habang siya naman ay pinahaba na ang bangs na dati ay regular niyang pinapapaputulan. Troy said her hair made her look more mature. Malayo raw sa iyakin na Kelsey na lagi nitong inaalo.
Si Basti ang pinakamadalas niyang makita dahil bumibisita ang lalaki sa kanila sa London. Nagmature ito lalo na't nagsusuot na ito ng corrective glasses.
Kumain na sila pagkatapos ng kamustahan at yakapan. Kapansin-pansin na lahat ng mga kaibigan niyang lalaki ay nagsilakihan ang katawan. Bagong tambayan yata ng mga ito ang gym. Lalong gumanda sina Ash at Jada. Mas nagkaroon din ng laman ang mga katawan ng mga ito. Inikot ni Kelsey ang paningin sa buong kwarto.
Kulang sila ng isa. Mukhang hindi talaga sila pinagtatagpo ng tadhana. Hindi n'ya alam kung dapat ba s'yang maging masaya o malungkot dahil 'don.
Sa halip na alalahanin pa ang lalaki ay ibinigay na lang niya ang numero sa mga kaibigan. Kakabili lang niya ng local sim card at tanging ang pamilya niya at ni Troy ang nakasave sa kanyang contacts.
Patapos na sila nang magtaas ng baso si Basti sa huling pagkakataon. "Let's offer a toast! To our fri--"
Naagaw ng pagbubukas ng pinto ang atensyon nilang lahat. Sapatos pa lang ng bagong dating ang nakikita niya pero agad na nagwala ang mga paroparo sa kanyang sikmura.
Finally after almost a half a decade, there he was standing a few feet away from her. They were finally breathing the same air, under the same stars and within the same time zone. Kamusta na kaya ito?
"You're late." Umisod si Evan para magkaroon ng space na uupuan si Art. Umupo ito sa tapat ni Jada, malapit sa pintuan.
Tinanguan ito ni Basti. "Okay ngayon na andito na tayong lahat, let's offer a toast to our friends. Troy and Kelsey!" Sinulyapan sila nito. "Welcome back."
Sabay-sabay silang uminom pagkatapos. Pagkababa ni Kelsey ng baso ay hindi niya mapigilang sumulyap sa kabilang dulo.
Seryosong kausap ni Art si Evan. Pinagmasdan niya ito. Gone was the boyish Art she fell in love with four years ago. He was replaced by a man na halatang kasama rin nina Cujo na mag-gym.
He still had those eyes. Pero ang dating makulay at punong-puno ng emosyon ay malalim at blangko na lang ngayon. His face aged magnificently. Mas nadepina ang panga nito at ngayon ay mukhang masungit na rin ito gaya ng kausap.
Hindi niya alam kung gaano katagal niya itong tinitigan. Ngayon lang niya ito nakita matapos ang lahat. It feels surreal to be being in the same room as him.
Napalis lang ang titig niya noong inaya siyang sumayaw nina Jada sa labas.
Umiling siya pero mapilit ito kinuha pa ang dalawa niyang mga kamay. "You think pababayaan naming nakaupo ka lang d'yan hanggang mamaya? Tara na." Wala siyang nagawa nang hinila na siya nito.
On their way out ay saka lang s'ya napansin ni Art. Kitang-kita niya kung paano nagtagis ang bagang nito pagkakita sa kanya.
Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok. Sana pala ay nag-ayos siya. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi. Pero bago pa siya makagalaw ay parang wala lang na bumaling ito kay Evan at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan. Her heart swelled as he laughed and continued talking like he didn't see her at all.
Pilit niyang itinago ang pait sa kanyang ngiti habang paalis sila. Napakatanga naman niya kung inaasahan niyang sasalubungin siya nito ng yakap at ngiti. They were way passed the pleasantries. At marahil ay tinitiis lang nito ang presensya niya dahil pareho silang nasa iisang barkada.
They made their way to the middle of the dance floor. Tuwang-tuwang gumiling ang sina Ash at Jada sa saliw ng maingay na musika. Kahit si Celine ay sumasabay sa mabilis na beat ng kanta kaya nagsayaw na rin siya.
'Di nagtagal ay lumabas na rin ang mga lalaki galing sa kanilang exclusive room. Agad nakahanap sina Mav at si Cujo ng mga babaeng makakasayaw at dumiretso naman sa bar sina Evan at Art.
She saw how every woman's neck craned to their direction. Gusto niyang pagtutusukin ang mga eyeballs ng mga ito. Hindi siya tanga para hindi makuha kung paano titigan ng mga ito ang lalaki. Lust. Desire. Puro ganoon ang nasa mga mata ng mga babae.
Habang abala sa pag-indayog ang mga katabi ay naestatwa si Kelsey nang may isang babaeng hapit na hapit ang suot na lumapit kay Art at malanding sinampay ang mga braso dito.
She could see his face from here. Nakangisi ito sa babae at tila aliw na nakikipag-usap dito. He deserved to be congratulated too. Because he has moved on. Isang bagay na hindi niya magawa hanggang ngayon. Baka nga hindi niya kailanman maa-achieve 'yon.
Agad lumitaw sa kanyang balintataw ang dating Art. The one she fell in love with, not that stranger flirting with the girl in the skimpy outfit. If this was before, hindi ito ngingiti sa iba. Heck he won't even give other girls a second look. All his attention would be hers.
Pero sinayang n'ya 'yon. Alam niyang wala na siyang karapatang angkinin ito at ipagdamot sa iba. She lost that chance a billion years ago.
Tears pooled in her eyes. She wanted to cry right there and then. Hindi na niya alam kung ano ang sunod na nangyari dahil inalalayan na siya ni Troy at Basti papunta sa parking lot.
"Bakit tayo umalis? Hahanapin nila tayo." Untag niya sa mga ito. Nasa likod nila si Celine na dala ang bag at cardigan niya. Wala itong imik na nanonood lang sa kanya. She can see pity beneath her tiny eyes.
"You know why." Mababakas naman ang iritasyon sa mukha ni Troy. "C'mon." He was leading her to his car.
Oh great. For once ay ayaw n'yang isipin ng mga ito ang kalagayan niya bago ang sariling kasiyahan ng mga ito. She didn't want to spoil everyone's fun. Kung gusto ng mga ito na mag-stay ay kakayanin niya.
"No." Binuksan na nito ang sasakyan pero hindi siya sumakay. "We're not going." Nagtangka siyang pumihit para bumalik pero hinawakan siya nito sa pulso.
"Kelsey." Matigas na usad nito sa pangalan niya. Judging from Troy's tone, he's pissed. Iminuwestra nito ang bukas na pinto ng sasakyan.
Imbes na matakot at sumunod ay pilit siyang ngumiti rito. The alcohol is starting to kick in her system and she is beginning to feel numb. Physically. Namumutla na ang kanyang kamay mula sa paghawak ni Troy.
"What? I'm alright." Her voice almost cracked. She will be, eventually.
Nagbabantang umalpas ang mga luhang nagsisiksikan sa mga mata niya. Although grateful siya ay hindi siya magiging okay kung habang buhay siyang tatago at aasa sa comfort nito at ni Celine. She has to face the sad reality that Art was not hers anymore.
"Are you really?" Naghahamong tanong ni Troy. Sa rami na ng pinagdaanan nila at sa dalas ng mga pagkakataon na sinagip siya nito ay nagkaroon na ito ng tungkulin na ituwid siya kahit na minsan ay ayaw niya. He was brutally honest. Sinasabi nito kahit ang mga bagay na ayaw niyang marinig.
Kilala niya ang lalaki, konti na lang ay matatamaan na siya ng galit nito. Hinanda na niya ang sarili sa sunod na sasabihin nito pero wala siyang narinig. Bagkus ay kumalma ito at sumulyap sa kanyang likod.
"'San na kayo?" Humihingal pa si Ash, halatang galing sa pagtakbo. Kasunod nitong dumating ang iba nilang kaibigan. Huling dumating sina Evan, Jada at si Art na walang reaksyon sa nangyayari.
"Kell's tired. We're gonna call it a night." Simplend saad ni Troy na mahigpit pa rin ang hawak sa kanyang palapulsuhan. "I think she's a little bit jetlagged and the alcohol worsened it." Nakasandal ito sa kotse nito habang siya ay nakatayo sa tabi nito.
Nilingon niya ang mga kaibigan. Ash seemed relieved. "We'll see each other soon naman 'di ba?"
"Yeah." Maybe Troy was right. She's had enough tonight. "I'll call you." Isa-isa niyang nginitian ang mga ito. She forced a smile. Making sure not one tear slips. Ika nga, fake it until you make it.
Marahan siyang inalalayan ni Troy papasok ng sasakyan. Pagkaupo niya ay lumapit pa si Basti kay Troy na kakasakay pa lamang. "Ingat kayo pag-uwi." Tumango ang huli. "Take care of her." Paalala pa nito. After giving her one last glance ay tumuwid na ito ng tayo at hinayaan silang umalis.
Hinatid pa sila ng tanaw ng mga ito. As they exited the parking lot, Troy spoke. "I'm sorry you had to see that Kelsey. Pero dapat alam mo na--"
"I know." She interrupted him. "Wala akong karapatang mag-inarte ngayon dahil ako ang nang-iwan. Alam ko namang mangyayari 'tong ganito, Troy. At maniwala ka man o hindi, ni-ready ko na ang sarili ko rito."
Humikbi siya. "I just didn't know... na ganito pala kasakit." She sobbed. Ang hirap pala 'pag wala kang magawa 'kundi ang umiyak. She cried as if everything just happened yesterday.
Well, in her defense it felt like that. The wound still as fresh as it was four years ago, maybe even deeper. Tinabi nito ang sasakyan at kinulong siya sa bisig nito. Oh how she wished na hindi ganito ang sitwasyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro