Four
She was awakened by the sound of the door being closed.
Nakakapagtaka iyon dahil mag-isa lang siyang nag-ooccupy roon. Tig-iisa sila ng kwarto nina Jada at Ash, habang magkasama naman sa mga kwartong may double beds sina Mav at Art, pati na rin sina Celine at Basti. Troy, Evan and Cujo are staying on the spacious master's bedroom.
Noong nagmulat siya ng mata ay wala naman siyang nakitang tao. It was already 6:30 at her phone's digital clock. She was late. Ala sais ang usapan nilang magkakaibigan. Kaya pala rinig na niya ang ingay at tawanan mula sa labas.
Tumayo na siya para maghilamos at magbihis ngunit napansin niya ang isang box ng brownies sa bedside table. It looked simple and homey. Nang binuksan niya iyon ay agad na kumalat ang halimuyak nito sa buong kwarto.
Wala siyang naalala na may dala siyang brownies. Sino kaya ang naglagay nito dito? Inilapag niya ang kahon sa table at lumabas. "Guys, kanino yung brownies na naligaw sa kwarto ko?" Bungad niya sa mga kaibigan pagkalabas niya ng cottage.
Her room was closest to the kitchen so there must have been a mismatch. Nalaman niya kasing nagkagulo pa ang mga ito kanina sa paghahati ng mga kwarto. Baka may nakaiwan at hindi pa nakukuha.
All their eyes were on her but nobody answered. Halo-halo ang ekspresyon ng mga ito at hindi niya alam kung pinagtitripan ba siya ng mga ito. "Okay, then I guess its mine." Aniya noong wala pa ring sumagot.
She went inside to change. Mukhang uulan kaya hindi na siya nag-bikini. It was too late for swimming too. The water must be freezing by this time. Sinuot na lang niya ang isa sa mga dress na dala niya. It was a teal spaghetti strapped sundress.
Bago lumabas ay tinikman niya ang brownies. They smelled heavenly. Unang kagat pa lang ay nakilala na agad niya ang lasa nito at nangingilabot ang kanyang pakiramdam sa naisip.
It can't be. Parehong-pareho ang lasa nito sa brownies ni Lola Paz. Kung hindi si Celine ang nagbake ay imposibleng ding si Lola. 5 years na itong nasa langit kasama ang mga magulang ng kanyang kaibigan. Pagkaubos sa isang slice ay nagmamadali na siyang lumabas. Mamaya na niya aalamin kung kanino galing ito.
Nakasalubong niya si Jada na papalabas ng kwarto nito. Sabay silang lumabas at dumiretso sila sa harap ng kanilang cottage. Madilim na kaya kokonti lang ang tao roon. Mas marami ang may gusto sa infinity pool at jacuzzi sa kabilang parte ng resort.
May maliit na tent doon kung saan may naka-set up na table at benches. Cujo, Troy and Mav were grilling under the palm trees while Basti and Art were laughing while preparing the seafood and meat about to be grilled. Nakaupo naman sila Ash at Celine habang naghahanda ng mga gagamitin nila sa pagkain mamaya.
Tinulungan nila ni Jada si Evan na ayusin ang cooler na naglalaman ng mga inumin. He was breaking the huge pieces of ice into chunks. Nilalagay nito ang mga iyon sa isang bakal na mangkok. Sila ni Jada ang nagpapatas ng mga inumin at yelo sa cooler habang iniintay na matapos si Evan sa yelo.
They just sat there talking about how things have been lately. She giggled as Jada mentioned that she's seeing a younger man.
Sa kanilang mga babae ay ito na ang may pinakamakulay na lovelife. Dati kasi ay si Ash ngunit pagkatapos nitong makipaghiwalay sa huli nitong boyfriend ay naglie low muna ito sa pakikipagdate.
Mayamaya ay napapitlag sila noong may nagbigay sa kanila ng juice. Ang isa ay kulay kahel habang dilaw naman ang isa.
Kelsey didn't need to look up. Amoy palang nito ay kilala na niya. Kanina lang ay busy ito sa pag-aayos ng mga posit at karne na iihawin. Wala namang pasabi na nabuhay ang pagtatabol sa kanyang loob. She glanced at Art who was blankly staring at them. Nilapag nito nang marahan ang dalawang baso sa harap nila ni Jada.
Hindi niya naalalang humingi siya ng juice. Sumulyap siya kina Celine at Ash na pareho ring may baso ng juice na hawak. Maging si Evan ay umiinom sa basong kakabigay lang dito. Everyone is having a drink. Bakit ba pinapagod niya ang sarili sa pag-iisip ng dahil lang sa juice?
"Thank you Art." Nakangiti na lang niyang saad. Hindi niya alam kung ano ang itsura niya pero hindi niya mapigilang hindi maapektuhan sa mga mumunting gestures na ganito. This reminds her of their past. Their teenage years and all the good memories they had together.
Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito noong kinausap niya ito. For a moment his stoic expression became tender. Tipid na ngumiti rin ito sa kanya. She can't blame him for being stunned. Ito yata ang unang mga salitang sinabi niya na hindi pilit at reserved sa loob ng matagal na panahon.
Nagpasalamat din si Jada na hindi maitago ang ngisi hanggang sa pag-alis ni Art. Bago uminom ay pinag-umpog nito ang mga baso nila. "Cheers."
Pagkainom ay agad na umasim ang mukha ni Jada, pero nawala rin iyon. "It's great to see you two talking again." There was a hopeful smile on her face.
Ngumiti lang siya para itago ang kaba na kanina pang nasa dibdib niya. Sa loob ng maraming taon ay ngayon lang tahasan na nagkomento si Jada sa kanila ni Art.
Alam niya na marami itong nais sabihin kaya naman nagpapasalamat siya na nirerespeto nito pati ng iba nilang mga kaibigan ang kanyang katahimikan nitong mga nagdaang taon. O baka hindi lang nakakakuha ang mga ito ng chance na mag-usisa dahil madalas siyang wala?
May sasabihin pa sana ang kaibigan niya pero tinawag ito ni Basti. Malapit na yatang maluto ang mga karne at kailangan ng mga ito ng lalagyan.
Nagmamadali na nilang inayos ang mga drinks at nilagay ang mga yelo galing kay Evan sa cooler. Binuhat at tinulak pa nila iyon malapit sa tent kahit na sobrang bigat nito.
She took a sip from her juice as she sat on one of the benches under the tent. Napawi ang panghihina niya sa pagtulak ng cooler noong lumapat sa kanyang lalamunan ang fresh na orange juice. May nalunok pa siyang ilang pulps kaya sigurado siyang fresh iyon. May munting kurot sa kanyang dibdib pagkatanto na baka naaalala pa ni Art ang paborito niyang inumin.
Dahil ubos na ang kay Jada ay uminom din ito ng kaunti mula sa kanyang baso. Confused na luminga sa kanya ang babae. Kapagkuwan ay amused itong umiling at binalik sa kanya ang half-full pang baso.
"Damn! He's being too obvious about his favorites. Mine was canned and it was certainly not as fresh as that." Natatawa na nitong usad bago tumalikod at pumunta kina Basti.
Bago pa siya makapagreact ay inagaw sa kanya ni Cujo ang baso at inubos ang natitirang laman 'non. Tinukod nito ang siko sa mesa habang pareho silang nakadungaw sa pabalik-balik na hampas ng alon sa dagat.
"You know, some things really never change. Like the waves that find their way back to the shore, everything falls into their proper places even after years of wandering." Misteryoso nitong turan.
Mula sa dagat ay nalipat sa kadarating lang ang kanyang atensyon. Ano na naman ang sinasabi nito? Why is he suddenly being poetic? Sa liwanag ng ilaw sa gitna ng mesa ay kita niya ang namumula na mga pisngi ng kasama. Is Cujo blushing because he swam all day or is he tipsy? The answer is probably the latter, which explains his poetic quote awhile ago.
Sinulyapan lang siya nito saglit bago bumuntong hininga at ibinalik ang mata sa dagat. "Did Jada tell you the story about her recent boytoy?" Ngayon ay nagtataka siya sa talim sa boses nito pagkasabi 'non.
"Oo." Inulit niya ang kwento ni Jada kanina tungkol sa cute na encounter nito at ng nasabing lalaki sa isang art exhibit. The boy has a way with words kaya naman kilig na kilig ang kaibigan niya kahit na halos limang taon ang tanda nila sa dine-date nito. The boy is twenty years old, for crying out loud! He may be an adult already but still five years of age difference is amusing.
Taliwas sa aliw na kanyang nadarama ang mababakas sa mukha ni Cujo. He looked pissed. Ngayon ay napagtanto niyang dahil nga sa alak ang pamumula nito dahil naamoy niya iyon sa hininga ito. "I've seen him around. Not even that impressive. Nor handsome. She's too good for him. Magsasawa rin si Jada 'ron."
Nakataas ang kilay niyang sinulyapang muli si Cujo. His brows furrowed, lips form a grim line as his eyes stayed glued to the beach. Saan nanggaling ang poot nito sa boyfriend ni Jada na nakalimutan na niya ang pangalan?
"He seemed nice, according to her stories. Who knows? Baka s'ya na ang hinihintay ni Jada." Kung nakita lang nito kung paano nagniningning ang mga mata ni Jada kanina ay pareho ang iisipin nito.
Cujo hissed. Alam niyang naiinis ito. Kelsey knows she is hitting a nerve but she's unsure why. Napakaprotective nito kay Jada. Ilan pang pintas ang pinakawalan ni Cujo pagkatapos kaya hindi na niya napigilang magkomento. "Is Jada aware that you hate the boy she's seeing? Stop being so protective of her. She's twenty five. Even Basti's okay with her dating."
"And don't worry, hindi kita iiwan sa single's club" Biro pa niya. Lagi nitong pinagmamalaki na miyembro sila ng naturang club simula noong naging magkasintahan sina Basti at Celine.
Ngumisi ito sa kanya, "I love you but not everyone considers you special, Kell." Namilog ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Special dito si Jada?
Hindi man lang nito pinansin ang pagkalito niya at sa halip ay nakatingin ito sa kanya gamit ang nang-iinis na ekspresyon. "Matagal ka nang tanggal sa singles' club ." Cujo had a knowing smile as he spoke. "You've always had someone waiting for you in the sidelines. In denial ka lang... At dinadaga pa rin siya sa dibdib."
Hindi na niya kailangang usisain pa kung sino ang tinutukoy nito. She glanced at the direction of the rows of palm trees which stretched through the villas and cottages nearby. Masaya pa ring nag-iihaw ang kanyang mga kaibigan habang umiinom.
Troy was holding a fan to control the flame at the grill as Evan brushed the meat with sauce. Naghihiwa naman si Basti ng mga naluto na liempo kasama sina Jada at Art. Dinig niya ang malulutong na halakhak ng mga ito.
Lumakas iyon noong lumabas si Mav na mababakas ang inis sa mukha. "Who took all my oranges?" He screamed at the top of his lungs.
Lumapit ito sa kanila at dumiretso sa kasama niya. "Was it you? Did you take them?" Akusa ni Mav kay Cujo na sa halip na kabahan sa init ng ulo ng lalaki ay natawa pa ng pagak.
"Grabe rito. Kapag ba may nawawala ako agad?" Ngumuso ito sa grill.
Natawa siya sa chill sa itsura ni Cujo, nakangisi pa ito kahit na parang susuntukin na ito ng kausap. Mula sa kanila ay nagmartsa naman si Mav papunta sa mga nag-iihaw.
Taliwas sa inaakala niyang seryosong usapan na magaganap ang nangyari pagdating ng lalaki sa grupo. Unang humagalpak si Jada at sumunod naman ang mga kasama nito, pati na rin si Mav na nakalimutan na ang inis mula sa pagkawala ng mga orange nito.
Nagtataka siyang sumulyap muli dahil nagtutuksuhan ang mga ito habang papunta sa kanila ni Cujo. Nakangising parang aso sa kanya si Troy na dala ang mga pusit at hipon. Sila Jada at Basti naman ang may hawak ng plato ng karne at mais. Kasabay ng mga ito si Art na lumalagok mula sa bote ng beer na hawak nito.
Her heartbeat raced as she felt his steady stare as he threaded towards the tent. Namumungay ang mga mata nito at tipid na nakangiti hanggang sa nakalapit na ito sa kanila ni Cujo. Umupo ang lalaki sa tapat niya kaya naman ramdam niya ang pagpahinga ng mga mata nito sa kanya pagkaraan ng ilang segundo.
Mabuti na lang at tinawag siya nina Celine sa loob para magpatulong sa mga prutas na dessert nila kaya nakaiwas siya sa mga tingin ng lalaki. Pagkakain ay naghiwa-hiwalay na sila para matulog. Medyo umaambon kasi at pagod pa rin ang karamihan sa kanila.
Ilang oras nang nakahiga si Kelsey ngunit hindi siya dalawin ng antok. Marahil ay dahil sa napatagal ang tulog niya kanina kaya hindi siya makatulog. Ilang beses pa niyang sinubukan ngunit wala talaga yatang plano ang katawan niyang magpahinga. Suot ang itim niyang oversized cardigan ay bumangon siya at lumabas para magpahangin.
Iniwan na niya ang cellphone sa kwarto dahil wala namang tatawag sa kanya sa oras na ito. It was way passed office hours on a Saturday night and she was on a vacation kaya lahat ng tawag sa kanyang opisina, kung hindi naman urgent, ay nadadivert sa voice mail o sa kanyang sekretarya.
Dala niya ang brownies na may apat pang piraso na natitira palabas. Tahimik niyang isinara ang pinto ng kanyang kwarto at ibinulsa ang susi ng main door bago siya lumabas. Marahil ay tulog na ang kanyang mga kaibigan. Patay na ang mga ilaw at wala siyang mga boses na naririnig.
Pagtapak niya sa terrace ay agad na nilipad ng hangin ang kanyang buhok. She filled her lungs with air as she threaded to the shore. Bukod sa may mga guard na umiikot sa resort ay marami ring ilaw kaya hindi siya natatakot na maglakad kahit gabi na.
Hindi pa siya nakakalayo ay naanininag niya si Evan na nakaupo sa tabi ng dalampasigan. Nakaupo ito sa mga sunlounger na nakahilera roon.
"Evan." Tawag niya noong ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya. Muntik nang mawala ang mga singkit na mga mata nito dahil pilit siya nitong kinikilala sa pinaghalong ilaw mula sa mga poste at sa dilim ng gabi. He smiled when he recognized her and patted the area beside him.
Tumabi siya rito. "I can't sleep. Ikaw?" Tinipon niya ang ilang buhok na nililipad pa rin ng hangin at itinago iyon sa likod ng kanyang tenga.
Tinaas nito ang isang can ng beer. "Nagpapaantok." Inalok siya nito 'non ngunit tumanggi siya.
Evan was a mystery to her when she met him. Hindi ito palaimik at madalas ay nasa likod lang ng iba nilang mga kaibigan. Minsan ay halos hindi nila nararamdaman ang presensya nito, lalo na't hirit pa lang ni Cujo ay sapat na para mabingi silang lahat.
Pero simula noong magkakilala sila ay magaan na talaga ang loob niya rito. Hindi lang talaga niya mabilis na nakuha kung ano ang ugali nito. Agad kasi niyang nakapalagayan ng loob ang iba nilang kaibigang mga lalaki.
Troy and Basti are like Kuyas to her. Laging naroon ang mga ito para gabayan sila at usually ay ang mga ito ang namamagitan kapag may hindi nagkakasundo. Cujo treats her like she's one of the boys while Mav and Art are both gentlemen. Maalaga ang mga ito, palakwento at protective, lalo na sa kanilang mga babae. Ang kaibahan lang ay medyo nalalinan ni Cujo si Mav ng pagkabolero kaya marami ring babae ang huli. Art, on the other hand, was just plain nice, hindi ito mahilig mambabae kagaya ng dalawa.
It took her months to finally get to know who Evan was. Madaldal ito minsan at palabiro rin. He was wise. Silent but very observant.
She especially values his opinions because he seems to know more than what meets the eyes. Marahil ay dahil na rin iyon sa pagiging tahimik nito kaya marami itong nalalaman mula sa pakikinig at pag-oobserba sa mga ginagawa nila. And although he often fails to stand out amongs the other guys in their group, masayang kausap nito dahil laging may sense at laman ang mga sinasabi nito.
Kumuha ito ng isang slice ng brownies na dala niya. Kagaya niya ay napapitlag din si Evan noong natikman nito ang brownies. "I miss Lola Paz." He said after a bite.
She looked at the sky. Nangilabot ulit siya. Napakabuti ng Lola ni Celine. Dahil hindi siya lumaking malapit sa kanyang mga lolo at lola ay parang tunay na lola na ang turing niya sa matanda. Patapos na siya ng elementary noong nakilala niya ang ama at ina ng kanyang Daddy. They're accommodating but she feels out of place with them. While her mother's parents died when she was four.
"Me too. Natakot nga ako kanina. S'ya ang una kong naisip kasi walang umamin kung kanino nanggaling ito."Kinwento pa niya ang pagmamadali niyang magbihis kanina noong walang nagsabi kung sino ba talaga ang may –ari noon.
Natawa si Evan pero pagkaraan ay bigla itong sumimangot na parang may inaalala. "Do you remember the first time Basti and Celine fought?" Tanong nito.
Tumango siya. Hindi niya makakalimutan iyon. Kahit sino naman yata sa kanila ay naalala pa rin iyon.
Lahat kasi sila ay nagulat kay Basti. That was October, days before their sem-break. It was the first time she saw Basti like that, he was raging mad. Daig pa nito ang may PMS dahil ang init ng ulo nito sa lahat.
"It was because of you." Simpleng saad ni Evan.
Siya naman ay napakunot ang noo. Anong koneksyon niya roon?
Ginaya nito ang ginawa niya, tila hindi makapaniwala na ngayon lang niya malalaman ang isinisiwalat nito. "You mean, all along you weren't told where those brownies came from?"
Nakakunot pa rin ang noong umiling siya. Ano ba ang sinasabi nito? Ang tinutukoy ba nito ay ang mga brownies na madalas ibigay ni Art sa kanya noong high school sila?
"Art baked all those boxes of brownies himself." Anito. "Hindi mo ba napansin kung paano kami lumobo sa pagtikim ng mga brownies na pinag-aralan niyang gawin buong semestral break para mabigyan ka niya 'non linggo-linggo?" Evan smiled as he recalled the past.
Paanong nakuha ni Art ang recipe ni Lola Paz? It was a family recipe. If anything, marahil ay si Celine ang may alam kung paano iyon i-bake. Sa katunayan ay ito lang ang naiisip niya na pinanggalingan noon kaya kinain na niya kahit walang umaamin.
"Art was their neighbor. I thought he came by every Monday morning at their bakeshop to buy brownies." Ayaw niyang maniwala. She wanted to believe what she knows.
Nagpatuloy si Evan sa pagsasalita, hindi alintana ang boses niyang unti-unting nanghihina. "Nag-away sila kasi nagselos si Basti--" He paused and cleared his throat.
"Dahil nagkomento si Lola Paz na sana ay si Art na lang daw ang naging boyfriend ni Celine." Iyon ang kwentong naalala niya na sinabi ni Celine. Kelsey was hanging on to every word he was saying like it was life and death for her.
Nakita kasi ni Lola na magkausap sina Art at Celine kaya naibulalas nito 'yon kahit na alam nitong si Basti ang boyfriend ng apo nito. But everything was a just a misunderstanding. Napag-usapan agad ng dalawa 'yon at kinabukasan ay magkabati na ang mga ito.
"Alam mo ba kung bakit nasabi ni Lola Paz na sana ay si Art na lang ang boyfriend ni Celine? Panay kasi ang buntot at regalo ni Art kaya akala niya nanliligaw ito. But the truth was, Arrow Atticus was practically begging Celine for the recipe of the brownies you adore."
Sa halip na sa dagat ay sa kausap siya kanina pang nakamasid. Seryoso at diretso ang tingin nito sa kanya habang nagsasalita kaya alam niyang hindi ito nagbibiro o nagsisinungaling. But what is he saying? Bakit sa loob ng ilang taon ay walang nakapagsabi noon sa kanya?
Hindi pa rin pinapansin ni Evan ang pagkawindang niya sa mga sinasabi nito, nagpatuloy pa rin ito. "And in case you haven't noticed, hindi si Cujo ang kumuha ng mga orange ni Mav kanina."
Napapailing itong bumaling muli sa kanya pagkainom ng beer. "Art has not changed. Pagdating sa'yo, kahit kami tinatalo niya." She watched as Evan crumpled the body of the can and opened another one. "I know what exactly happened between you two and I understand why you're refusing to address the issues, but I'm sure as hell he still loves you, Kelsey."
Bumilis ang tibok ng puso niya, nais niyang umaasa pero nakakatakot. At hindi dapat dahil masasaktan din lang siya sa huli. Ngumiti siya nang mapait. That's impossible. After everything, if she was Art, she would think twice before taking herself back. "I don't think he does, Evan. We barely talk and we don't know each other anymore."
Bali-baliktarin man ang lahat ay ibang tao na sila pareho. Maraming masasakit na nangyari sa nakaraan at iyon ang bumuo sa kung sino man sila ngayon.
Bumuntong hininga ito, tila hindi rin makakuha ng eksplenasyon para suportahan ang mga sinasabi nito.
"I know you're lost now Kell. You may not believe what I just said. But don't give up on Art." Inubos nito ang natitirang beer at tinipon ang mga latang wala ng laman. Hinawakan nito ang balikat niya. "Papasok na ko sa loob. Are you goin' to stay?"
Nang tumango siya ay tahimik na itong umalis papunta sa cottage. Sa rami ng mga siniwalat nito, makakatulog pa ba siya? Ang akala niya ay gagaan ang loob niya sa pagpapahangin, ngunit taliwas ngayon ang nadarama niya. Dumagdag pa sa bigat ng kanyang loob ang mga nalaman niya mula kay Evan.
Yes, she and Art shared something precious back then. Sa lahat ng nakilala niya ay dito lang siya nagkaroon ng connection na ganoon ka-espesyal. She thought everything was finally falling into their proper places everytime she was with him.
But fate really creeps up when you least expect it. While she was busy creating a future with Art in her mind, the past was busy catching up with her. Akala niya ay kaya nilang takasan iyon. Ngunit hindi.
Naalala niya ang sinabi ng ina nito. She was like a ticking time bomb. Isang trahedya na naghihintay lang na sumabog at wasakin ang lahat ng nasa paligid nito.
She was torn between choosing him and choosing everybody's welfare. It was not an easy decision but she was too young to defy the odds. Too afraid to break everyone's hearts.
In the end, she chose everyone and broke her own heart. She left Art and never looked back.
Kelsey knew she had to cut the wires before everything explodes and destroys everything on its path. Pinutol niya ang lahat ng koneksyon sa lalaki pagkatapos noon. It hurt her like hell and those wounds are still feel fresh as if years didn't passed by.
Napatingala s'ya dahil sa pamamasa ng kanyang pisngi. Ang akala niyang mga patak ng ulan ay mga luha palang hindi niya naramdamang umalpas.
Most people have endless tales about all the people they dated. May ilan na kayang ubusin ang daliri sa pagbibilang ng lahat ng minahal ng mga ito. But she only had one. And it is a story she'd never get tired of reliving again and again no matter how it ached everytime she revisits it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro