Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fifteen

Naging busy si Kelsey sa law school ilang linggo pagkatapos 'non. That was her initial plan anyway. To go to law school. Ang naiba lang ay ang kanyang pre-law na rito sana niya kukuhanin sa Pilipinas.

She was quite thankful for the hassle that was law school. Doon niya nai-divert ang lahat ng frustrations at sakit na nararamdaman niya.

She started to get busy to even think of Art. Nawalan siya ng panahon na malunod sa lungkot because she even barely had enough time to study. Nagsimula na rin kasi siyang magtrabaho sa kumpanya ng kanyang ama.

Unti-unti ay nasanay siya routine na iyon. It was tedious but it kept her going everyday. Dahil din 'don ay bihira siyang nakakasama sa mga lakad.

She only had Sundays free and most of the time ay tumutulog na lang siya at namamahinga sa bahay.

On her holidays, madalas ay sina Troy at ang magkasintahang sina Celine at Basti lang ang kasama niya sa Taste Buds, ang brain child ng mga ito.

Nagtatayo ng restaurant sina Troy at Celine at kagaya niya ay nainibago ang mga ito sa buhay sa Pilipinas. They had to take driving lessons dahil malayo ang batas trapiko sa London sa pinaiiral dito. Kumuha rin sila ng mga government issued IDs. But overall it was great to be home. Namiss niya ang kanyang pamilya.

Their other friends were busy too. Ash was pursuing grad school while Dee went to the US for her Masters. Naging abala sina Mav at Evan sa pagiging inhinyero, Basti started to manage their family business and Cujo was doing well with taking photos. Sa katunayan ay panay ang imbitasyon dito ng nga foreign magazines.

Wala siyang masyadong balita kay Art. Except that he's taking his MA and that he's been busy taking over his father's line of banks. It was nice to know he patched things up with his father. Alam niyang malaking parte nito ang nasaktan nang iwan ito ng huli.

Nagkasya na lang siya sa panakanakang pagsulyap sa lalaki sa mga pagkakataong pareho silang nakakadalo sa paglabas ng kanilang barkada.

Madalas ay late itong dumarating o minsan naman ay hindi na ito totally sumisipot. She looked forward to every dinner and clubbing with her friends partly because of the possibility of seeing him. Pero wala rin namang kaso kahit na dumalo ito o hindi dahil invisible na siya sa mga mata nito.

Sa iilang beses na nagtatagpo sila ay hindi man lang siya tinatapunan nito ng tingin. Minsan ay napapansin niyang sinasadya silang iwanan ng mga kaibigan sa pag-asang kahit papaano ay mag-uusap sila. Pero walang nangyayari.

Habang siya ay halos hindi makahinga sa sobrang kaba ay tila bored na bored itong tahimik lang at mas gusto pang kumain o titigaan ang inumin sa harap nito kaysa sa kanya. She wanted to talk to him but she didn't know what to say.

Ano ba ang magandang pambungad sa taong sinaktan mo kahit na nagmakawa na siyang huwag mo siyang iwan?

Pagkatapos ng ilang attempts ay napagod na rin ang mga kaibigan nila. Bihira na silang iwan ng mga ito na mag-isa. Tila pinagpapasalamat na lang ng mga ito na wala sa kanila ni Art ang tumitiwalag sa grupo sa kabila ng mga nangyari at tinotolerate na lang nila ang presensya ng isa't- isa.

She eventually got used to his cold treatment. Kalaunan ay hindi na niya pinapansin ng presensya nito. It came to a point when she just gave up and refused to gaze at his direction. Mabuti na rin siguro iyon dahil parang sinasaksak ang puso niya kapag may lumalapit ditong mga babae at nakangiti nitong kinakausap ang mga iyon.

Maybe that was fate's way of telling her to stop. To keep moving forward kahit na mahirap. To stop hoping for the impossible.

Alam niyang sa kaibuturan ng kanyang puso ay umaasa pa rin siyang mababalik ang lahat sa dati. Na makita ulit siya nito sa kabila ng masasakit na nangyari sa kanila. Pero wala na. Hindi na mangyayari iyon kahit gaano pa man siyang umasa.

On her second year at law school, dumoble ang kanyang readings at cases. Ang resulta ay dumalang ang tsansa niyang lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ang dating once a week nilang pagkikita ay naging thrice a month at later on ay naging isang beses sa isang buwan noong ikatlo niyang taon sa law school.

Kelsey worked her ass off during those three years.

Kahit sa law school ay hataw din siya. She took full load of units and made sure to ace every exam and recitations she had. That continued under her fourth year. Kahit anong pilit ng kanyang ama na mag-resign muna siya o magbawas ng workload ay hindi siya sumusunod.

Hindi nagtagal ay nakagraduate siya at nagfocus naman sa bar exams. During those times ay wala siyang ginawa kundi mag-aral.

Tanging sina Troy at Celine lang ang sinisipot niya dahil nangako siyang tulungan ang dalawa sa business ng mga ito. They made it big. Parang mga patak ng ulan na nagsulputan ang mga branches ng restaurants ng mga ito sa buong Kamaynilaan pati na rin sa mga probinsya.

The last four years have been a hell of a journey for her. Kaya naman feeling niya ay nakalaya siya sa huling araw ng bar exams. Sa wakas ay tapos na siya at pinagdasal na sana ay sapat na ang mga ginawa niya para makapasa sa nasabing exam.

Sa isang bar kung saan may kaunting salo-salo ang kanilang block nagpasyang pumunta ang kanyang mga kaibigan para batiin siya.

Her friends came together so they had to occupy a separate table from her blockmates. Nakangiti niyang sinalubong sina Cujo at Mav na agad siyang binuhat at niyakap.

"We're proud of you." Bulong sa kanya ni Mav na mas lalo yatang lumaki ang katawan.

"Very." Nakangising sumbat ni Cujo na ngayon ay may bigote. Hindi niya alam kung bagay ba iyon dito o hindi. He looked funny. "At marami kang utang sa amin. For all those nights that you failed to show up."

Natatawa lang niyang niyakap din sina Evan at Ash na bagong dating.

Bagong ahit si Evan at si Ash naman ay bumalik na sa dati ang buhok. Kulot na uli iyon at itim na itim.

Huling dumating sina Basti at Celine na may dala pang cake para sa kanya.

"You shouldn't have guys!" Aniya sa mga ito noong binuksan ni Cujo ang kahon at tumambad sa kanya ang paborito niyang flavor ng cake.

Habang buhay siyang magpapasalamat sa mga ito dahil kahit wala siya madalas nitong mga nakaraang taon ay hindi siya nakakalimutan ng mga ito. They made sure to surprise her on her birthdays with gifts and called her whenever they went out without her.

At kahit na short notice lang ang imbitasyon niya kanina ay nagpunta pa rin ang mga ito. Nagsimula lang ito sa biruan sa kanilang facebook groupchat dahil tinanong sa kanya ni Cujo kagabi kung saan siya magpapablow out.

Nabanggit niya ang bar na ito at nagkasundo ang mga ito na puntahan siya. Okay na rin iyon. Isang simpleng dinner lang sana ang idadaos niya para sa mga ito pero ayos na rin ito.

Bukod sa wala siyang planong mag-throw ng party ay iilan lang naman ang mga ito na kaibigan niya. Bukod pa sa ilang kaopisina niya at blockmates.

Hinihintay nila si Troy na nagpapark ng sasakyan sa kabilang street bago niya hipan ang kandila sa cake na dala nina Celine.

Jada is still at the US at hindi na siya umaasa na dumating si Art. Ni hindi nga siya nito tinitignan, kaya malabong pumunta ito sa salo-salong para sa kanya.

Sinindihan na nina Cujo ang kandila noong umupo si Troy sa kanyang tabi. Bago pa siya makapapikit para magwish ay nalilito na siya sa uneasy na itsura ng bestfriend niya. He looked constipated to be honest. Pagod na ba ito?

Sa bagay ay ito ang naghatid at sumundo sa kanya sa venue ng bar exams simula noong unang linggo hanggang ngayon. At nanggaling pa sila sa bahay ng kanyang mga magulang para sa isang maikling dinner bago pumunta rito.

Kulang ang salitang salamat bilang kapalit sa lahat ng ginagawa nito para sa kanya. One of these days ay babawi siya rito at hindi na siya makapaghintay na ito naman ang magpasalamat sa kanya.

She smiled and uttered a short prayer to thank God for all the blessings. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at hindi niya inaasahan ang una niyang nasilayan.

Arrow Atticus Braxton was coming to their direction. Naliligaw ba ito o may iba itong lakad doon?

Hindi itinago ng kanyang mga kaibigan ang pagkamangha sa bagong dating. Everyone is eveidently surprised with his appearance. Pero wala ni isa sa mga ito ang nagkomento tungkol doon. Hindi ito nag-confirm sa groupchat kung pupunta ito kaya nag-assume sila na hindi ito sisipot.

Nagkasya na lang sila Cujo at Mav sa pagngisi. Ash and Celine were teasing her with their eyes. Habang parang wala namang nangyari na umisod sina Basti at Evan na binigyan ng espasyo si Art sa katapat niyang upuan.

Ngunit sa halip na roon dumiretso ay napatda siya noong walang paalam na niyakap siya ng lalaki. Her heart was on her sleeve as he whispered 'Congratulations.' to her.

His nearness made her spine shiver a bit. Nakikita na siya nito ngayon?

Gulat man ay nagpasalamat siya kay Art na balewalang umupo sa tabi ni Evan. Hindi na niya kailangang tumingin sa paligid dahil alam niyang pawang nakangisi ang mga kaibigan nila.

Ang puso niyang ilang buwang namahinga mula rito ay tila nabubuhayang tumatahip habang ang kanyang sikmura ay parang nililibot na naman ng milyon-milyong gamogamo.

This was the first time he spoke to her after years and years of avoiding each other. And the impact was as strong as a tidal wave.

Nabasag ang katahimikan noong tumawag si Basti sa waiter para magkaroon ng baso ang lalaki.

Kung saan-saan na napapadpad ang usapan pero nakamata lang siya sa lamesa. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi mawala ang init mula sa yakap ni Art. He smelled of expensive perfume and aftershave

She sighed. Must she overthink and observe everything about him? She shouldn't.

Sa kanyang kaliwa ay dinig niya pa rin ang ngisi ni Troy. He's been observing her eversince Art arrived. Kaya pala ganoon ang itsura nito kanina. Inirapan niya ito pero lalo itong natawa.

"I tried to warn you. Nakita ko siya sa parking lot kaya nagamamadali akong pumunta rito pero hindi mo ako pinansin." Bulong nito sa kanya bago ito sumimsim sa scotch on the rocks nito.

Sinipa niya ito sa ilalim ng mesa. Kahit hindi direkta ay alam niyang nanunukso ito. Masyado na silang matagal na magkakilala at sobra na silang close na kahit ang pagggalaw ng mga kilay nito ay alam niya ang ibig sabihin.

Troy winced when she hit his ankle. Sa kanyang harap ay nagpipigil din ng tawa si Celine. Tila napapansin nito ang nangyayari sa kanila ni Troy. Pinilig nito ang ulo na para bang pinaakto siya ng normal.

Umayos siya ng upo at nakinig sa usapan ng kanilang grupo. This was the advantage of being in the same roof for years. Tingin pa lang ay nakakapag-usap na silang tatlo.

Hindi na dapat siya magpaapekto sa mga random na gestures. She's an improved version of herself now. Alam niyang sa loob ng ilang taon ay nakausad na siya mula sa wasak na babaeng nagbreakdown noong nakita si Art na may kausap na babae sa bar.

Sa katunayan ay hindi na naulit ang breakdown niya noong unang beses niya itong nakitang muli. Over the years, she has handled herself gracefully and could safely say that she could endure the sight of him entertaining women at bars and restaurants trying to flirt with him.

But as the middle of their twenties arrived, she's beginning to doubt if she could keep this up. Alam niyang one of these days ay may ipapakilala na itong girlfriend and eventually ang babaeng mapapangasawa nito. At hindi niya alam kung kaya niya pa rin na manood lang kapag nangyari iyon.

Natatakot siyang magkaroon ng part two ang kanyang bar breakdown at sa panahong iyon ay hindi na siya maaring magsabi na may jetlag siya.

After a quick video call with Jada, they ordered snacks. Everyone was excited because Jada is coming back next year. Madalang kasi ang uwi nito dahil may trabaho ito roon.

She regularly talks to Jada over skype. Maraming kwento ito sa buhay sa Amerika at kung paano ito natutong maging independent dahil wala ito sa comfort zone nito.

Drinks were served as they were eating. She could not even begin to take in how much bottles and glasses of alcohol were on their table. Some of them will be driving later, ayos lang kaya? Pinili pa ng abusado na si Troy ang pinakamahal na wine at hard liquors kaya malaki ang posibilidad na malasing sila ngayong gabi.

Inupdate siya ng mga kaibigan sa mga nangyayari sa buhay ng mga ito noong mga nagdaang buwan na wala siya sa mga lakad.

Mav has a serious girlfriend that he introduced to the group. Arkitekto ang babae at kasama nito sa firm. Baka makasama na siya sa mga lakad kaya one of these days ay magtatagpo sila ng babae. Ano kaya ang itsura nito?

Ash and Evan were both single but the former loves to go on dates kaya malamang ay one of these days ay may ipakilala na rin ito sa kanila. Ash keeps on telling her that she's searching for someone with whom she shares 'sparks' with. Hindi niya alam pero feeling niya ay nahanap na nito ang taong iyon pero hindi nito matanggap.

Tipid pa rin si Evan sa pagbabahagi tungkol sa buhay nito. He said he's dating right now pero sabad naman ni Mav ay lagi itong nag-oovertime kaya malayo iyon sa katotohanan.

She's lost count on how many years Celine and Basti have been together. Basta ang alam lang niya ay hindi maghihiwalay ang mga ito at mauuna ang dalawang magpakasal sa kanilang lahat.

Cujo was still him. Kulang ang daliri nilang magkakaibigan para mabilang ang mga babae na nagogoyo nito at nakakalungkot na hanggang ngayon ay may mga nagpapaloko pa rin dito.

On the other hand, Troy has been dating this girl for a while now. Nireto niya iyon sa lalaki at so far ay maganda ang progress ng mga ito. He's contended with his life right now, especially that his business with Celine is booming.

Ang impormasyon naman niya kay Art ay iyong mga galing lamang sa media o sa passing conversations sa kanilang groupchat. Madalas ay nakikipagbiruan ito kina Mav roon kaya kahit papaano ay nakakasagap siya ng kaunting bagay tungkol dito.

Ang alam niya ay ilang branches na ng bangko ng tatay nito ang binuksan nito ngayong taon. He's been named as one of the most promising young men of this country by the media and his company just received an award from the government this year. Matunog din ang pangalan nito sa mga investments kaya maraming businessmen ang nais itong maging kasosyo.

With regards to his personal life ay wala siyang balita. Iniiwasan na rin naman niyang alamin kung may dinedate ito dahil masasaktan lang siya.

Pagkalipas ng kwentuhan ay pumunta na sila sa dancefloor.

Pinakilala niya ang mga kaibigan sa kanyang mga blockmates. May ilan sa mga ito na kakilala na nina Cujo at Mav kaya agad na nakapalagayang loob ng mga ito ang isa't-isa. Soon their group mixed with her blockmates.

May ilan na nasa mga booth at tables habang ang iba naman, kasama siya ay nasa dance floor. Inilabas niya sa pagsayaw ang lahat ng frustrations at pagod nitong mga nakaraang buwan.

Game namang sumayaw kasama niya sina Ash at Celine. Ash was telling them about the guy she was seeing. Nireto raw iyon ng mga magulang nito. He was a gentleman but quite boring kaya anito ay hindi na ito papaya sa mga sunod na dates.

They went to the bar after awhile. Umorder sila ng drinks habang tinitignan sa cellphone ni Ash ang picture ng naturang lalaki. Tama ito. He seemed like a great guy but there was no excitement in his eyes. Unang tingin pa lang ay alam niyang hindi ito magugustuhan ng kanyang kaibigan.

People were starting to crowd that area so she started to feel a little queasy. Nakakailang baso na siya ng cosmopolitan at umeepekto na yata iyon kaya umupo na siya sa kanilang table.

Maybe it was because of the stress and depravity of sleep for the last weeks kaya namalayan na lang niyang nakaidlip na siya sa lounge ng kanilang pwesto. She rested her head on the backrest of the sofa and let it take in her weight as she drifted to sleep.

The place is safe. Madalas siya rito, dahil madalas mag-aya na mag-inom ang mga kaklase niya pagkatapos ng mga exam at madudugong recitation. Puro kakilala niya ang naroon at bukod pa roon ay kasama niya sina Troy kaya panatag siyang nagpagupo sa antok.

Naalimpungatan na lang siya sa marahang pagtaas at baba ng sinasandalan niya. It took her seconds to figure that she was sleeping on someone else's chest. The man smelled of fresh mint and manly aftershave. His pecks were firm so it was like a pillow. She couldn't see with the strobing of laser lights and her fuzzy drunk vision.

Sa dilim ay sigurado siyang si Troy iyon. Only he had the audacity to be that close to her. Ngunit may munting kaba sa kanyang dibdib na tila bumubulong na hindi ito ang kanyang bestfriend. Hindi ganito ang amoy ni Troy.

Kaya sa kabila ng antok ay pinilit niyang itinaas ang ulo para maaninag ang kasama. Pero isang pagkakamali iyon dahil umikot ang kanyang paningin sa ginawa.

The feeling of familiarity she had with the stranger kept her from waking up. For some reasons, she could not detect even an ounce of peril in his presence. Lalo na noong marahan siya nitong hinila pabalik sa bisig nito.

Maybe it was Cujo or Mav. Ang mga ito lang ang touchy sa kanilang barkada. But nevertheless, she knew she was in good hands. Alam niyang nagkalat ang kanyang mga kaibigan at kung masamang tao ang kanyang kasama ay malamang nabugbog na ito nina Troy.

Humagikhik siya sa pagitan ng paghikab, nakapikit pa rin. The stranger had a gentle but firm grip. She feels giddily over the tingles she feels from his hands over her shoulders.

"You feel so warm." Sumiksik pa siya rito dahil hindi sapat ang kanyang cardigan para labanan ang lamig mula sa aircon na hindi kalayuan ang pwesto sa kanila. She was too drunk and tired to stop herself from saying that out loud.

Hindi umimik ang lalaking ipinagpapalagay niyang si Troy. Ilang beses na ba siyang inuwi nito sa mga bars at party na dinadaluhan nila noong college?

Sa halip na magsalita ay hinapit pa siya nito, niyakap at inilapit sa katawan nito. She let her head rest fully on him.

Kelsey knows she is drunk. Napakadali niyang tinamaan ng alak. Bukod sa kung ano-ano ang pinagsasabi niya ay kanina pa siyang nakakadinig ng pagtatambol na sumabay sa mabilis na beat ng music sa loob ng bar. Hindi kaya sintido niya iyon na kanina pang tumitibok sa sakit at hilo?

Nonetheless ay pinahinga niya ang sarili sa kasama. She had to sleep, otherwise she wouldn't be able to stand up and walk later. She's already spent too much of her hard-earned money and energy over the past few weeks. The amount of pressure and stress was no joke. Ngayon lang siya nakahinga ng maluwag kaya lulubusin na niya ang kabaitan nito.

"Can we stay here for a little while more?" Ungot niya rito. At muli ay hindi ito sumagot at nanatili lang doon na nakaalalay sa kanya, marahan pang tinapik ang kanyang likod para mas madali siyang makatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro