Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eight

Pagkacheck ng kanyang attendance ay nasa AVR ulit siya kasama ang debate team para mag-screen na naman ng mga mag-aaudition sa debate competition. Sa tingin niya ay matatapos na sila ngayong umaga.

Tamang-tama iyon dahil pinakiusapan siya ni Celine na tulungan ito sa covered court na mag-ayos ng venue para sa meeting ng mga program sponsors mamaya.

Habang nililigpit si Kelsey ng gamit ay hindi niya napigilang bumuntong hininga. Sa mga susunod na araw ay puro pag-iintindi na para sa intrams ang gagawin nila.

Hindi niya alam kung mas gusto ba niya ang ganito o iyong nasa classroom lang siya maghapon at nakikinig sa mga lesson na itinuturo ng kanilang mga teacher. Nagpapasa lang sila ng mga assignment sa umaga at puro practice at pag-oorganisa na sa mga natitirang oras. Mas napapagod siya ngayon kaysa sa mga normal na araw.

Naagaw ni Mae ang atensyon niya noong impit itong tumili at pasimpleng tinuro ang tabi niya. She left after that. Ano naman kaya ang nakikita nito? Imposibleng ipis o kulisap dahil kagagaling lang ng maintenance dito pagkadating nila.

Sakto namang may kumulbit sa kanya kaya bumaling siya sa kanan. Hindi siya nakapaling ng sagad dahil bumangga ang kanyang pisngi sa mainit na dulo ng daliri ng isang tao na hula niya ay si Art. Ngayon ay umaalingasaw na ang pamilyar na pabango nito sa paligid niya.

"One point!" Magiliw na saad nito. Ngumiti ito sa kanya at masuyong hinawi ang mga buhok na tumatakip sa kanyang mukha. Her system went haywire as he did that. Hindi niya mapigilan na huwag itong titigan.

Alam kaya nito kung paano nito ginugulo ang kanyang sistema?

Balewala naman nitong niligpit ang ibang gamit niyang nakakalat sa mahaba at malapad na mesang ginagamit nila. She was impressed as he clearly seemed to recognize her belongings. Wala itong kinuha na hindi sa kanya.

Bakit kaya ito nandito? May kailangan ba ito?

"Sabay na tayo pauwi." Diretso nitong saad noong naisakbit niya ang kanyang bag. Sa likod ni Art ay kita niya ang nakakalokong mga ngisi nina Mae at Roi na nag-aayos ng mga denied na applications. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at itinuon sa kaharap ang buong atensyon.

Art was looking at her intently. Nang dinala na nito ang kanyang folder na ipapasa sa kanilang adviser ay hindi na siya nakatanggi.

"Art?" She had to admit that she already feels giddily about them walking together alone. After the rain incident ay ngayon lang mauulit iyon.

"Hmm?" He murmured, still beaming at her. Saglit siyang natulala sa mga mata nito. They were full of emotions she couldn't name. Talagang hindi nakakasawang tumingin doon.

Ipinakita niya rito ang kamay na may nakasuot na relo. "It's too early to go home. Unless you're thinking of cutting class." It was only eleven.

Ang plano niya ay mananghalian muna bago pumunta kay Celine sa covered court. Itatanong niya rin sa kaibigan kung nakakain na ba ito para dadalhan niya ito kung sakaling hindi pa.

Nadaanan nila sina Ash at Cujo sa field na nagpapractice ng sayaw, habang ang iba nilang kaibigan naman ay hindi na nila nakita.

Napakamot ito sa ulo. Hindi niya mawari kung bakit pati iyon ay nakakakilig din sa kanya. Kahit ano yata basta tungkol dito ay sapat na para maapektuhan siya. "I know that, silly. But I have nothing to do until the afternoon so I thought I would tail you until it's time to go home. Okay lang ba?"

She secretly grinned at his boyish expression. Of course it was alright. In fact, was better than okay. Pinilig niya ang ulo at nagkunwari na hindi big deal ang lahat ng ito sa kanya. "Okay."

Bahagya niyang binilisan ang lakad para malampasan ito at sa wakas ay mapaalpas na ang ngiting kanina pang nais lumitaw.

Hindi nagtagal ay nasa tabi na niyang muli ang lalaki. They remained silently walking side by side until she remembered something.

"Art, what's your family like?" Tanong niya. She never really had the chance to ask him personal questions like this.

Alam na nito ang buhay niya dahil madalas ay nagtatanong ito sa kanya ng mga bagay tungkol sa buhay niya, kagaya ng mga paborito niya, mga hilig niyang gawin at kahit tungkol sa kanyang pamilya.

Napaisip ito sa tanong niya. Ayos lang kaya na tinanong niya iyon? Masyado bang personal ang tanong niya? He's already asked her that so palagay naman niya ay hindi.

Tumikhim si Art at huminga nang malalim bago nagsalita. "Magulo. My parents hated each other since I was a child. Hindi ko nga alam kung bakit sila nagpakasal when all they ever did was fight. After my little sister's 3rd birthday, they decided to call it quits. Dad works abroad at kami ng kapatid ko, kasama namin si Mommy.".

"Oh-- Sorry for asking." She didn't know that his family was like that. Akala niya nasa ibang bansa lang ang daddy nito para magtrabaho. 'Yun pala, anulled na ang parents nito. "I could just imagine how devastating it must be to have your parents go on separate ways."

"Nah! It's alright, I got used to it. They seem happier without each other. And besides, may mga tao ngang mas mahirap pa ang sitwasyon kaysa sa akin. Kahit ganito, maswerte pa rin ako. I have more than what I need and that's enough." Nakangiti nitong sagot.

She smiled at his optimism. Why can't other kids be like him? Instead of trying to blame everything to their parents' separation, why not try to look at the bright side of life? Lahat ng tao ay may dinadalang bagahe, magdedepende ang apekto nito sa paraan ng pagdadala rito.

Nakatingin ito ulit sa kanya "And their separation has taught me the value of love and relationships..." She couldn't help but look into his eyes again. It was captivating. Para bang nakakadarang at nang-aakit. "I vowed to always look beneath the present. To not rush and commit with someone for the long haul. Ayoko ng panandalian, Kelsey. I want to be with the same person until I grow old and weak. I want something that will last.".

Iniwas niya ang mga mata kay Art. His eyes were piercing into the deepest parts of her soul and she's starting to lose the willpower to succumb into his charms.

Maybe this thing with Art isn't as dangerous as she thinks. She has never been this alive. Para bang pagsisihan niya kung uurong siya dahil lang sa takot. After all, we only lose when we hold back.

Ilang beses pang naulit ang mga hapong silang dalawa ni Art ang magkasama. She initially thought that it would just be like what she had with Troy. Na sa pagtagal ng panahon ay mawawala ang mga estrangherong pakiramdam at kakalma ang kanyang pakiramdam kagaya ng nangyayari kapag kasama niya si Troy.

The latter has always been like a brother to her. Kahit na ngayong may sama siya ng loob dito ay hindi nawawala ang pagturing niyang iyon dito.

However, as she spent more time with Art, she's slowly realizing that her friendship with the him is a far cry from Troy's.

Yes, they did things together too. They also shared countless coversations. But she always feels that there is something more. A connection much deeper and complex than friendship. It was something that she only felt with him. Wala kay Troy, kay Cujo at sa iba pa nilang mga kaibigan.

Over the next days ay halos araw-araw na niya itong kasama sa school at sa pag-uwi. Unti-unti ay nakakuha siya ng mga impormasyon tungkol dito. His mother is part-Chinese while his father is half-American. Mahilig din ito sa mga numero at sa paggigitara.

His favorite food is chicken adobo and he simply adores his sister. Kahapon ay sinamahan niya itong bumili ng gift para sa birthday ng Nanay nito. Wala siyang masyadong alam sa ina ni Art ngunit sabi nina Cujo ay mahilig daw mag-ayos ang babae kaya bumili sila ng sapatos.

So far, everything was going well. Kahit nawala sa kanya si Troy ay mas nakilala naman niya ito at ang iba nilang mga kaibigan.

She and Mav have a blast everytime they defeat Cujo at arcades. Dumami pa lalo ang mga inside jokes at mga tsismis ang sinisiwalat sa kanya ni Cujo, at kahit si Evan na minsan n'ya lang makausap noon ay nagiging madaldal na sa kanya. There have been changes but they were for the better and she was grateful for that.

Pero kahit na marami nang nag-iba ay hindi nawala ang mga kakaiba niyang nararamdaman kapag kasama niya si Art. Sa halip na kumalma ay parang binabagyong alon ang kanyang dibdib kapag kasama niya ito. Sa panahong ito ay iyon na lang yata ang constant sa kanya.

At ang nakakatakot noon ay nakasanayan at kung minsan ay hinahanap na niya. She seemed to have developed an attachment with Art.

Kapag inaakbayan siya nina Cujo ay namimiss niya ang kakaibang init na bumabalot sa kanya tuwing ito ang kasama niya. Ang kabang namamayani sa kanyang sistema kapag nasa paligid ito ay napapaltan ng kahungkagan kapag wala na ito.

She had her stomach checked too, but their family doctor just grinned when she told him about the spasms and the racing feeling she had in her chest. Pinayuhan siya nitong hayaan lang ang mga iyon dahil normal lang daw ang mga 'yon.

Busy siya sa pagdidikit ng mga pangalan ng VIP guests sa mga upuan. It was days before the intrams and they had members of the alumni coming for a special meeting. Dapat ay si Celine ang nandito ngayon ngunit nagpi-print ito ng mga name tags kaya napakiusapan siya nitong tumulong.

Agad siyang pumayag dahil wala na naman siyang gagawing iba dahil tapos na ang mga screening nila para sa debate competition. All she has to do now is her task as an academic coordinator which is to prepare questions for the quiz and spelling bees.

Tapos na ang lahat ng mga mesa noong dumating siya sa AVR. Ang dapat na lang niyang gawin ay lagyan ng mga laso ang mga upuan na pinatungan ng puting tela. Madali niyang natutunan ang tamang paraan ng pagtatali dahil ginagawa na nila iyon sa Home Economics subject nila sa dati nilang paaralan. Pagkatapos noon ay ilalagay niya ang mga pangalan sa tamang seating arrangement at tapos na.

Hindi na niya namalayan ang pagdaan ng oras dahil bukod sa gusto niya ang ginagawa ay mag-isa lang siya roon. Nagulat na lang siya noong may kumulbit sa kanya. Pagharap niya sa dieksyong pinanggalingan ng kulbit ay may tumusok sa kanyang pisngi at agad siyang binati ng mala-kuryenteng sensasyon.

She smiled and faced Art. Bumungad sa kanya ang mga nangungusap nitong mata. He was wearing his spike shoes. Nakapaloob ang soccer uniform nito sa varsity jacket na may malaking logo ng kanilang school sa may dibdib. Nakahigh socks din ito at katamtaman ang haba ng shorts.

"One point!" Lately nagiging favorite na nito ang one point na 'yon. Lagi na lang siya nabibiktima noon at hindi lang ito ang madalas gumawa 'non. Pati sina Mav, Basti at maging si Evan ay nangungulbit at sinusundot ang kanyang pisngi bilang pagbati. Marahil ay isa na naman ito sa mga pauso ni Cujo.

Kinuha nito sa kanya ang dala niyang basket na punong-puno ng malalapad na strips ng asul na ribbon. Tahimik na sinundan siya nito hanggang sa madikitan niya kahuli-hulihang upuan sa harapan.

"Wait lang. May training ka 'di ba?" Nagtataka niyang tanong natapos. May game ang mga ito mamaya laban sa ibang school.

Ngumisi lang ito bilang sagot. Ibig sabihin ay mayroon. Hinampas niya ito. "Bakit ka nandito? Tumakas ka?"

Nagkibit balikat ito, tila walang pakialam na dapat ay naghahanda na ito para sa laro mamaya. "Ikaw, hindi ba dapat nasa field ka na?" Sa halip ay usad nito, nakangisi sa kanya.

Umupo ito sa hindi kalayuang upuan sa kanyang tagiliran. Nakapatong ang ulo nito sa kamay na nakatukod sa mesa habang nakamasid sa kanya. Ngayon ay siya naman ang nasa hot seat.

Pinangako niya ritong manonood siya ng laro nito kahapon habang pauwi sila. Dinungaw niya ang kanyang wristwatch. Kulang-kulang na dalawang oras pa naman bago ang laro pero sigurado siyang ngayon pa lang ay puno na ng mga tao doon lalo na't pwedeng manood ang mga estudyante ng kalaban nilang school.

Binalik niya ang ngisi rito. "Bakit anong meron sa field?"

Napawi ang ngisi nito kaya tumawa siya at nag-peace sign para ipahiwatig na hindi niya nalilimutan ang kanilang usapan. "Baka sumingit na lang ako kina Mav mamaya." Busy ang mga kaibigan niya pero nagkasundo silang manonood ng soccer match mamaya.

Marahan siyang hinila ni Art para maupo sa tabi nito pero hindi siya nagpatianod. Nanatili siyang nagbabasa ng papel na binigay ni Celine na listahan ng seat plan ng mga dadalo. Nilalagay niya ang mga pangalan ng mga ito sa tapat ng mga upuan para malaman ng mga bisita ang tamang upuan na nakalaan para sa bawat isa.

"You did all these by yourself. Shouldn't you be resting already?" Pagod na tanong sa kanya ni Art. Tila ito ang nanghihina sa mga pinaggagagawa niya. Ramdam pa rin niya ang titig nito sa kanya.

Mula sa dulo ng kanyang mga mata ay kita niya ang pag-analisa nito sa mga mesa at sa mga pangalan na pinatong niya roon. Halos tapos na ang 40 sa mga iyon, 60 na lang at matatapos na siya.

"Hanggang hapon ko pa sana itong gagawin pero may panonoorin ako mamaya kaya kailangan ko na 'tong matapos." Kunwari ay nagtataray niya itong binalingan. Napasinghap siya dahil nasa likod na pala niya ito. Ang mga mata nito ay hinihigop na naman ang katinuan sa kanyang pag-iisip noong nagtama ang paningin nila.

Nakanguso nitong hinawi ang ilang takas na buhok na sumasama sa kanyang maninipis na bangs. She smiled, touched by his gesture. His touch was as light as a feather.

Iniwas niya ang atensyon dito at tinuro ang ilan pang mga upuan na hindi niya napansin na wala pang ribbon. That means she has more work to accomplish. Napansin niya ang pangamba sa mga mata nito noong tamad itong umupong muli malapit sa kanya.

"Look, I missed some chairs. I'll rest after I finish." Baka magahol siya sa oras kapag magpahinga siya kaya kahit na gusto niyang umupo roon at makipagkulitan na lang dito ay dapat siyang magmadali. The sooner she finishes everything here, the sooner she could go to the soccer field. Ayaw naman niyang hindi makanood sa laro nito.

Imbes na sumagot ay parang may spring na tumayo si Art at nakangiting humila ng isang upuan na wala pang nakalagay na ribbon. She watched as he concentrated but miserably failed to replicate the ribbons that she tied.

"Okay na ba 'to?" Pinakita pa nito sa kanya ang una nitong ginawa. Nakangiwi siyang umiling. It looked horrible. Kinailangan pa niyang i-demonstrate ang steps at pagkatapos ng ilan pang attempts ay natuto rin ito.

Iniwan niya ito saglit para tapusin ang iba pang mga pangalan na wala sa tamang pwesto. Mas mapapadali sila kung tutulong ito kaya hindi na siya tumanggi.

Sa kalagitnaan ng kanyang ginagawa ay lumapit ito sa kanya at may inilabas sa gym bag nito.

Inabutan siya ni Art ng mineral water at styro na alam niyang may pagkain sa loob. "You should at least eat this. Dumaan ako rito kanina para ayain ka sanang kumain pero busy ka kaya hindi na kita inabala. I know you've not eaten lunch yet kaya binili kita n'yan."

She hesistated, despite the hunger slowly creeping in her tummy, especially when she smelled the food. Kailangan na nilang matapos para makaalis na sila rito.

Pero ito na ang nagbukas ng styro at mineral water pagkatapos ay pinaghila pa siya nito ng upuan at pinilit na umupo roon. "Please Kelsey? Kung iniisip mo 'yung natitirang mga upuan, I can do it."

Bukod sa gutom na talaga siya ay hindi niya matanggihan ang nagsusumamo nitong mga mata. Tinanggap niya ang kutsara at tinidor na kanina pang inaabot nito.

"Okay Art I will eat this. But you have to go now. Baka hinahanap ka na nila roon. Bibilisan ko lang ito para matapos ako agad. I'll make it there on time, I promise." Noong sumubo siya ay saka lang niya napagtanto na kanina pang umaga ang huli niyang kain. Nalimutan niyang magbaon ng pagkain at tinatamad siyang lumabas kaya hindi na siya nananghalian kanina.

Sumulyap siya kay Art na kampanteng nanonood sa kanyang pagkain. He really looked like an angel. Truth be told, she's beginning to think that he's her guardian angel. Lahat ng bagay ay pinapadali nito. At lagi siyang tinutulungan nito sa abot ng makakaya nito.

Akala niya ay aalis na ito noong lumayo ito sa kanya kaya kumaway na siya para magpaalam dito. Ngunit sa halip na dumiretso sa pintuan ay bumalik ito sa mga upuan na nilalagyan nito ng ribbons. "Keep on eating and don't wave goodbye at me. I won't go there without you."

Humagikhik siya sa masungit na tono nito. He mumbled inaudible words as he resumed with the ribbons. Hindi niya alam kung kumakanta ba ito o kung tama ang dinig niya sa tila pagsasabi nito na 'Hindi ako makakapaglaro ng maayos 'pag wala ka 'ron.' ng pabulong.

"Ano? Were you saying something?" Nag-iinit ang pisngi niyang tanong. Kung anu-ano na ang naririnig niya. Is her mind playing tricks on her? Hindi ito sumagot. Ngumiti lang ito sa kanya at pasipol-sipol nitong tinapos ang pagtatali.

Tahimik siyang kumain habang si Art naman ay itinuloy ang pagsasaayos ng mga pangalan sa seat plan.

Tatlong mesa na lang ang natitira noong natapos siyang kumain. Isinara niya ang styro at inubos ang tubig mula bote bago ito itapon sa basurahan. Inipon na niya ang kanyang mga gamit at naghanda para makaalis na sila sa lalong madaling panahon.

"You missed practice because you were here knotting up ribbons?" Kelsey could see Mav's grin as he was entering the AVR. Nakasampay sa balikat nito ang isang acoustic guitar, sa likod nito ay nandoon ang nangingiting si Evan na may nakasakbit na backpack sa likod.

Hindi pinansin ni Art ang mga ito bagkus ay nasa papel ng seating arrangement ang focus nito. Binabasa pa nito isa-isa ang mga pangalan para masiguradong nasa tamang pwesto na ang lahat.

"Soccer practice?" Usisa niya sa mga bagong dating. Umupo sa tabi niya si Evan habang sinisilip naman ni Mav ang binabasa ni Art.

Umiling si Evan pagkalapat ng likod nito sa sandalan. "Band practice."

Lito niyang sinulyapan ang kaibigan. "What band?" Nang sulyapan niya ang gitara sa likod ni Mav ay saka lang sumagi sa isip niya ang isang ideya. "You mean like a music band? Beatles 'ganon? " Nag-mention pa siya ng ilang banda para masigurado na tama ang hinala niya.

Hindi naman siya nabigo dahil tumango si Evan. Now she was intrigued. Hindi niya alam iyon.

Binanggit nito na may banda ang mga kaibigan niya na tumutugtog sa ilang okasyon at event sa kanilang school. Anito ay napagkatuwaan lang ng mga ito iyon noong una pero nanalo ang mga ito sa battle of the bands noong sophomore year ng mga ito at nagdesisyon ang mga ito na ituloy na iyon.

Mangha siyang nakinig kay Evan habang pinakikita nito ang drum sticks na nasa loob ng bag nito. Ayon dito ay ito ang drummer, si Cujo ang percussionist, si Basti ang lead guitaruist, si Art ay bassist at si Mav naman ang vocalist. Si Troy naman ang tumutugtog ng acoustic guitar pero dahil sa munting alitan nila ay si Mav na ang hahalili rito.

She couldn't believe that her friends were in a band. Alam niya na magaling kumanta si Mav at mahilig maggitara si Art ngunit hindi niya naisip na may ganito pa.

"So when are you guys playing?" Excited niyang tanong. She couldn't wait to tell this to Celine and the other girls.

"We will play a song or two sa battle of the bands sa pangalwang araw ng intramurals." Ani ni Mav na lumapit sa kanila ni Evan. Nakangisi ito sa kanya at tinuro si Art na seryoso pa ring nagtitingin ng mga pangalan.

"Damn. He's really whipped." Natatawang usad nito kay Evan. Bago pa makapagkomento ang lalaki ay lumapit na sa kanya si Art at niyaya siyang umalis.

Wala siyang nagawa 'nong hinuli nito ang kanyang kamay at marahan siyang hinila palabas ng AVR. Nakatutok ang mga mata niya sa malapad na likod nito habang naglalakad sila. Hawak pa rin nito ang kanyang kamay, hindi alintana ang panunukso ng kanilang mga kaibigan sa likod nila. Napahawak siya sa dibdib, hindi pa rin talaga nawawala ang matindi nitong epekto sa kanya. Mawawala pa ba iyon? Nitong mga huling araw kasi ay patindi nang patindi ang nararamdaman niya para rito.

Hinatid siya ni Art sa bleachers bago ito pumunta sa locker room.

Nadatnan niya sa unahang row sina Celine, Basti, Jada at Cujo. Marami pang space sa kanilang inuupuan dahil paparating pa lang sina Mav at Evan na bumibili ng pagkain at si Ash.

Malawak ang ngisi ni Cujo sa kanya noong sinilip niya muna ang papalayong pigura ni Art bago siya bumati sa mga ito. Of course he knows something is brewing between them, lagi nilang kasama ito nitong mga nakaraang araw dahil half day na lang ang schedule ng mga practice nito sa sayaw.

But Cujo has been very silent about what's going on with them. Panay lang ang ngisi at tudyo nito sa kanila gamit ang mapaglaro nitong mga mata. Taliwas kina Mav at Basti na tahasan silang pinupuna at inuulit sa isa't-isa.

Kung ano man ang dahilan nito ay pinagpapasalamat niya dahil kahit siya ay naguguluhan pa rin kung ano ba talaga at paano niya sisimulan na kausapin si Art ng mga bagay na tungkol sa kanila.

Tinuro ng bakulaw ang espasyo sa tabi nito na malayo kina Basti at Celine na nagtatawanan. Kakaupo niya lang nang lumapit si Jada sa kanya.

Dala nito ang asul na bag at inilabas mula roon ang ilang tubes na sa palagay niya ay face paint. "It's your turn Kels!" Magiliw na saad ng kanyang kaibigan. Galing pala ito kina Basti at ang pinagtatawanan ng dalawa ni Celine ay ang mga nakalagay sa pisngi ng mga ito.

Itinali muna niya ang buhok at nilagyan ng clip ang kanyang bangs. Pinahiran ni Jada ang kanyang pisngi ng dalawang guhit, blue at white, at sa kabila naman ay sinulat nito ang #7.

She looked like a crazed fan lalo na noong dumating si Ash na mayroon na ring sulat sa pisngi at binigyan sila ng mahahabang lobo na dini-distribute sa may canteen.

Mav and Evan arrived with hotdog sandwiches and fruit shakes. Katatapos lang lagyan ang mga ito ni Jada ng face paint nang pumasok ang referee at pumito, hudyat na magsisimula na ang laro.

Hindi nagtagal ay ipinakilala na ang mga players. "Look o, Art is glancing at our direction." Siniko siya ni Ash. Napapagitnaan siya nito at ni Cujo na kanina pang panay ang usap sa babaeng nasa likod nila. Mula ang nasabing babae sa kalaban nilang school.

Napailing na lang siya noong pati si Mav ay kinukuha na ang pangalan ng kaibigan ng kausap ni Cujo. She's starting to think that they came here for the girls. Kilig na kilig naman ang mga babae, hindi aware sa malagim na reputasyon ng mga kausap nila.

Walang patid ang pagkabog ng kanyang dibdib pagkakita sa itinuturo ni Ash. He was handsome in his white and blue striped jersey. Ngayon ay palibot-libot ang mga mata ng lalaki na tila may hinahanap.

Kumaway sila ni Ash kay Art na agad tumakbo papalapit sa kanilang pwesto. Dahil nasa unahan sila ay madali silang nakita nito.

Ngumisi ito nang napansin ang itsura nilang magkakaibigan. Pinindot pa nito ang pisngi niya na sinulatan ni Jada ng numero ng jersey nito.

"You look like a groupie. Would you like to be the president of my fan club?" Biro pa nito sa kanya.

Nakanguso niya itong hinampas ng lobong mahaba. May fan club ba ito? Marahil ay mayroon na dahil nagkalat ang mga cartolina na may sulat ng pangalan nito sa buong area.

"Why not take me, pare? I'm passionate. I am also friendly and I know a lot about you. Kumpara kay Kelsey ay mas qualified ako." Singit ni Mav. Ngayon ay nasa harap na ang atensyon nito at ni Cujo, wala sa mga babaeng nasa likod nila. Marahil ay nakuha na ng dalawang bakulaw ang number ng mga babae.

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Humalakhak si Art at may sasabihin pa sana pero pumito na ang referee at inanunsyo na magsisimula na ang laban.

Sa halip ay tumitig na lang sa kanya ang lalaki at nilagay sa likod ng kanyang tainga ang mga buhok na nililipad ng hangin. "Wait for me, sabay tayo pauwi." Anito sa kanya.

Napalunok si Kelsey. Alam niyang ang atensyon ng mga taong malapit sa kanila, hindi lang ang mga kaibigan nila, ay naroon, lalo na noong sumipol sina Mav at Cujo at tumatawang nagmura. Hindi naman umimik si Evan pero nakangisi ito. Sa dulo ng kanilang upuan ay dinig niya ang halakhak nina Basti at Celine na ngayon ay papalapit na sa kanila.

Hinawakan niya ang pisngi dahil nag-iinit ang mga iyon sa pinaghalong kilig at hiya. Sa kabila noon ay tumango siya sa lalaki na tila hinintay pa ang sagot niya bago bumaling kina Basti.

"Bakit si Kelsey lang ang maghihintay sa'yo? We'll all wait for you." Anunsyo ni Basti nang nakarating ang mga ito.

"Oo nga naman! Ngayon lang tayo ulit magkakasama pauwi!" Reklamo ni Jada.

"That's so true! At saka akala mo ba hindi naming napapansin na lagi mong sinosolo si Kelsey nitong mga nakaraang araw? Hindi na namin s'ya nakakasabay mag-lunch" Pinulupot ni Ash ang braso sa kanya.

"Wag nga kayong selosa d'yan. Let them be." Saway ni Cujo sa mga ito. Hindi makapaniwala siyang luminga sa katabi. Nagbabagong buhay na ba ito mula sa madalas na panunudyo sa kanya?

Nagkakamali siya dahil nakakaloko ang ngisi nito. "But of course, our food later will be on Art. 'Di ba pare?" Nilagay nito ang kamay sa balikat ni Art na nakangiti lang sa kanilang usapan.

Art really had a nice smile. There were moments when his smile would pop up on her mind and out of nowhere ay napapangiti na rin siya. Minsan naman kapag nangiti ito sa kanya ay gumagaan ang loob niya at nalalinan siya ng magaan na mood nito.

Art nodded which made all their friends cheered. Namimiss niya ang mga ganitong pagkakataon na nabubuo sila. Kung sana ay okay lang sana sila ni Troy ay kumpleto na sila.

Kinailangan ng magpaalam ni Art nang tinawag ito ng kateammate na galing din sa audience. Kanya-kanya silang sabi ng good luck sa lalaki habang inaayos nito ang sintas ng sapatos nito.

"Bring home the bacon Art!" Sigaw ni Celine. Humiyaw din sila nina Ash at Jada bilang pagsang-ayon sa sinabi ng huli.

Tinapik ni Basti ang balikat ng lalaki. May binulong pa ito na ikinatawa nina Mav, Cujo at Evan na lumapit din sa dalawa.

Pagkatapos ng ilan pang salita ay umalis na ang lalaki. Pinanood niyang tumakbo si Art papunta sa teammates nito sa hindi kalayuang bench.

Pinagpag ni Cujo ang kamay sa pants nito noong nakabalik na ito sa kanyang tabi. Nakangisi sa kanya ang kanyang kaibigan at bumulong ito. "I had a bet with Jada last month about you and Art. And I think she owes me a week's worth of homework..."

Lito siyang sumimangot sa katabi. Ano na namang pinagsasabi nito? Pinagpustahan sila ng mga ito? On what stakes?

Bago pa siya makapagtanong ay nagpatuloy ito sa pagkukwento. "We're on the right track... Art just said you're his lucky charm."

Malutong ang halakhak ng lalaki habang siya namanay nawindang sa sinabi nito. Napahawak siya sa tiyan na ngayon ay punong-punona naman ng paroparo na alaga yata ni Art.    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro