01
01
Hayden
"Bumalik na lang kaya tayo?" nakangusong saad ko habang nagma-martsa sa maputik na daan sa gitna nitong masukal na gubat.
Hinawi ko ang ilang matatalas at makating damo na pilit yumayakap sa mga binti ko gamit ang stick na hawak ko sa kaliwang kamay.
Ash snorted. "Dude, ipagpa-bukas na lang natin 'to, masyado ng madilim." saglit niyang itinaas ang sapatos at pinipilit alisin ang putik na kumakapit dito.
"Don't tell me you're afraid of the dark?" nanunuyang sambit ni Dria na bahagyang nangunguna sa paglalakad na halos kasabay na si Blade.
"Dalhin kita sa dilim ngayon at makikita natin." balik ni Ash.
Kahit ang sulo at ang malamlam na liwanag na binibigay ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin ay kitang kita ko pa rin ang nanunuksong ngiti ni Abo.
Nagsisilbing musika sa aming pandinig ang tunog ng mga kulisap, ang huni at pagaspas ng mga ibon at ang mismong katahimikan ng gubat. But the perfect usual rhythm was ruined by the voices of two madmen arguing for some nonsense thing.
"'Yung sapatos ko nagdudusa sa maputik na daanan samantalang pasarap lang sa buhay yung malanding Luther na 'yon kasama ang mga babae niya." rinig kong reklamo na naman ng Abo.
I really wonder if he even gets tired blabbering nonsense.
"Sino ba kasing may sabing suotin mo 'yang bago mong sapatos? Anong akala mo sa gagawin natin, paparada sa bayan?" maanghang na usal ni Dria.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil kahit takpan ko ang mga tainga ko ay rinig na rinig ko pa rin sila.
Ilang hakbang pa at kusang tumigil ang mga paa ko nang marinig ang kaluskos na palapit nang palapit sa amin. Pinikit ko ang mga mata ko upang mas mapakiramdamang mabuti ang paligid. Lalong dumarami ang mga kaluskos at nagmumula ito sa iba't-ibang parte na tila pinapalibutan kami.
Huminto na rin ang yabag ng paa ng mga kasama ko kaya't alam kong nakaramdam na rin sila.
As I've expected, bahagyang nakataas na ang kamay ni Blade nang magmulat ako, a sign that we just need to stop a bit but not to retreat.
"Marami sila at napapalibutan na tayo, anong gagawin natin Blade?" tanong ko nang palakas na ng palakas ang kaluskos na naririnig ko.
"Their shadows were continuously moving." lumipat ang tingin ko kay Cal nang sa wakas ay nagsalita na rin.
"Kasama ka pala namin, dude?" napailing na lang ako nang hindi siya binigyang pansin ni Cal.
"Maka-eksena lang talaga ang abo," anang ni Dria. Kahit saan talaga abutan itong dalawa.
I heard a heavy sigh from Blade. "They were threatened in their own territory."
"So, we need to go or-"
"We need to prove them wrong."
We're all gasping for air when suddenly a hissing sound of a snake fills our ears. No, scratch that. What I mean by snakes is... the poisonous one!
Dahan-dahan kaming lumalapit sa isa't-isa habang sila ay pa-ikot na lumalapit sa amin.
Nilingon ko naman si Cal na nakatingin sa taas at nang sundan ko ang tingin niya ay natanaw ko ang mga itim na uwak na kumukumpol sa itaas namin.
I'm hearing different sounds of creatures right now and I want to roll like a ball and just cover my ears dahil sa paulit-ulit ang nakakarinding tunog na kanilang ginagawa.
It would be a lie to say that I'm not afraid right now. Lagi kong dala ang takot sa mundong kinagagalawan ko. This treacherous world won't forgive me if I tilted a bit where I should be.
But where should I be?
Is my worth inferior to these creatures? Will this world punish me if I try to harm his favor?
Hindi ko makapa kung anong nararapat kong gawin at palagay ko ganon rin ang mga kasama ko. Mas naging alisto ang bawat isa. But no one dared to execute even just a single move.
Hindi namin alam kung saang panig sila. But regardless of which side they are, hindi kami maaaring magpadalos-dalos. We were taught to always stand in the middle of any existence, to maintain peace and harmony.
Sa ilang sandaling binalot ng katamihikan ang madilim na kagubatan, nakapagtatakang walang ni isang gumagawa ng hakbang at patuloy lamang kaming nagpapakiramdaman.
As if like us, they were also waiting for a command.
Nayakap ko na lamang ang sarili ko nang dumaan ang isang kalmado ngunit napaka-lamig na hangin. Kasabay nito ay umalingawngaw ang tunog na tila pagsipol ng isang sirena, isang boses na sinlamig ng tubig sa banga.
Napa-amang ako nang sa isang kurap mabilisang naglaho sa palibot namin ang mga mababangis na hayop kanina.
They're gone without a trace...as if nothing happened.
We're all shocked that it feels like our ability to speak was blown by that cold air.
"Cool." mahinang usal ni Dria.
"Nah." seryosong sabi ni Ash. "It's cold, grr." dagdag niya sabay amba ng yakap kay Dria. Iritang-irita namang hinahawi ito ng isa.
Nasapo ko na lang ang noo ko sa lambingan ng dalawa.
"It's her," Blade mumbled in a very low sound but his whispers will never escape our ears.
"Her?!" gulat na sigaw ni Ash. I mean, what's wrong?
"Hindi mo naman agad sinabing babae pala ang pupuntahan natin, tara na at baka biglang sumunod si Luther."
At isang malakas na batok galing kay Dria ang naging sagot mula rito. Muli na lamang akong napailing habang hinahawi ang iilang mga baging na nakalaylay.
"But seriously Blade, whom are we heading to?" naitanong ko.
Sumama kami sa kanya ng walang ideya kung saan kami pupunta. Ngunit sa narinig ko ay may kailangan kaming hanapin at dalhin sa akademya.
"To my betrothed," he answered casually. Like...
"WHAT?!"
Sabay-sabay kaming napatigil sa paglalakad, pare-parehong hindi makapaniwala. He must be kidding! Nilingon niya kami nang mapansing nagsitigil. And his stern face told us he's far from joking.
"There's no way..." rinig kong bulong ni Dria.
Nakangising umakbay si Ash kay Blade, "Dude, binata ka na!"
"Kailan pa? Why didn't you tell us nang nakapaghanda," at tuluyan ng nabulabog ang dinadaanan namin sa ingay ng dalawa ngunit tila hindi sila naririnig ni Blade. He really got the talent.
And I can't wait to meet her!
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang ang kaninang maputik na daanan ay napalitan ng malambot at mamasa-masang damo. Nalalapit na ang umaga ngunit ni isang bakas na may naninirahan dito ay wala kaming matagpuan.
Teka...
"Dinaanan na natin ito kanina, hindi ba?" ani ko at muling naalerto nang nasiguro ko ang hinala.
Malalambot na baging sa gitna ng dalawang nakahapay na puno...mga asul na mansanas kaliwa...matataas na talahib sa kumpol ng isang kakaibang bulaklak.
Ngayon ay siguradong-sigurado na ako...
"Nililigaw tayo ng kagubatan."
Kaunting diskusyon at pare-pareho silang sumang-ayon. Agad pinangunahan ni Blade ang paggawa ng plano.
"Alam ba ng mapapangasawa mo na paparating tayo?" kuryosong abo.
"You guess," Blade answered with a glare.
"Ayon! Kaya naman pala walang sumasalubong sa atin."
"Romantiko na sana, ang kaso... naliligaw!" kantyaw nina Ash at Dria. Nauwi na lang sa tawanan ang sana'y pagpaplano.
"Eto pa, aware ba naman na ikaw ang mapapangasawa?" dagdag na biro ni Ash.
"Ooof—" dagdag ko pa at nagpatuloy sa kantyaw at tawanan.
"No...not yet." sagot ni Blade na nagpatigil sa aming lahat.
"Dude..." si Abo.
"Bro..." Cal.
"So, ikaw lang ang nakaka-alam na ikakasal kayo." Dria concluded. And again, we got no word from him, but we got an answer. Nalaglag ang panga ko. Oh no no, he can't be serious!
Hindi ko na napigilang magbigay ng panig, "If so, you should've prepared a gift and made arrangements to ask for her hand," mahinahong payo ko.
What the heck is he doing? I know he doesn't have experience with things like this. But visiting your fiancee—who isn't even aware of you—empty handed, who's in the right mind would do that.
Yeah, of course Blade.
Hmm... maybe I should ask them to share their words with our leader. But who?
Ashtone is definitely, certainly disqualified. Luther is eh? Like what Ash said, babaero but his experience might help.
And Cal, of course, the most qualified. Yeah, he is.
"What now, Blade? I think we should head back and prepare." suhestyon ni Dria habang nag-uusap ang mga lalaki.
"Hush Dria, I got this. Konting words of wisdom ko lang 'to," tumatango-tango pa ang nagmamarunong na si Ash.
Halos matapik ko na ang noo ko. Of all people, ang abo pa talaga ang magpapayo. That Ash only knows how to piss 'the one', that's the move. That's his friggin' proud move!
Blade heaved a heavy sigh, "Not my priority, I could even build a castle and give it to her."
Ash whistled upon Blade's remark. Nagtama ang tingin namin ni Cal. I smiled.
"But right now, we only have one thing to do..."
I embrace myself as the wind begin to whistle at a very soft rhythm.
"To take her back home."
Nagtama ang paningin naming lahat nang muling marinig ang mala-serenang tinig ng isang babaeng kumakanta.
"To ten million fireflies, I'm weird cause I hate goodbyes..."
•••
.xin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro