Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SPECIAL CHAPTER

A/N:  Commercial chapter muna tayo, Weirdas. This is my 13th year writing anniversary chapter for myself and for everyone. I will resume my update next chapter. Bago man o matagal na kayong reader, gusto ko lang pong magpasalamat sa paglalaan n'yo lagi ng oras sa mga kwento ko kahit na matagal pa akong mag-update. Sana ay hindi kayo magsawa sa mga kwento ni Madam WG. For now, let's have a good laugh in this special chapter. Don't forget to comment your reactions. ❤️

***

MY LORD

I'm at home.
You said you wanted to talk.
I have an hour to spare.

Simon  🐮
Ayon. Be there, my lord. XD

Paakyat na si Simon ng bahay ni Iesus nang matanaw niya sa daan si Amora, may dala-dala itong picnic basket na nakapalawit sa isang braso nito. Pareho silang tumigil sa paglalakad nang magkalapit silang dalawa.

"Sister, saan punta mo?" nagtatakang tanong ni Simon.

"Ah, kina Chi. Pinapatawag ako e. May importante raw siyang sasabihin. Ewan ko ba. Basta."

Natawa siya. "O, kalma lang. Hindi naman kita ipapakulong dahil lang sa pagpunta mo kina Madam Chizle Priscilla."

"Naku, basta, hindi kami magtsi-tsismis ngayon, Sir Mon. Baka ho iyan ang iniisip ninyo. Hindi ho ako ganoong klaseng tao."

Lalong natawa si Simon. "Hindi ka sure."

"Sir Mon, stop." Itinaas ni Amora ang libreng kamay para patigilan siya. Lalo lang siya naaliw at natawa. "Basta ho ako ay may malinis na konsensiya." Naikiling nito ang ulo sa kanan. "Nandito ho kayo, Sir Mon? Si Boss po ba ang pakay n'yo?" He nodded. "Ah, sabagay, mas nakakatakot kung hindi si Boss Sus ang pakay n'yo sa bahay." Amora grimaced and shivered in fear. Halatang multo na naman ang nasa isip nito. Mabuti na lang at hindi siya matatakuting tao. "O, siya sige po. Punta na ho kayo roon. Kapag nagutom ho kayo ay maraming pagkain sa ref ni Boss Sus. Kaka-grocery lang namin kahapon."

Simon crossed his arms over his chest. He eyed her suspiciously this time. "Nag-grocery. Hmm."

Ngumiti si Amora. "Sweet namin, 'no?" This time, she's suppressing her laugh. "Pero mas okay sana kung wala siya para makapag-grocery ako ng marami. Hirap kasama ni Boss Sus, lahat ng bibilhin kalkulado. Siguro kapag bored siya mabibilang niya ilan eksakto ang hibla ng buhok ko sa ulo."

Humagalpak ng tawa si Simon. "Loko."

"Totoo! Dami niyang time usisain ang nasa listahan ko. Mas marunong pa siya sa akin e ako ang katulong niya sa bahay."

"Pero sino ba magbabayad?"

"Siyempre siya. Alangan naman ho ako." Ngumisi si Amora. "Pero huwag n'yo ho sabihin sa kanya a. Mahahati na naman ako sa dalawa sa talim ng tingin n'on sa'kin. Katakot. Baka sa susunod ho Sir Mon ay may manananggal nang lumilipad sa Faro." Ang lakas ng tawa nilang dalawa. "Tama na nga ho. Hirap n'yo talaga kausap, Sir Mon. Problema n'yo ho kasi ang hirap n'yong pagsalitain."

Simon chuckled. "P-parang. . . kasalanan ko pa?"

"Kasalanan ho ni Boss Sus." Bumungisngis pa si Amora. "Una na ho ako at baka ako naman ho ang hatiin ni Chi. Naku, it runs in the blood."

Tawang-tawa si Simon. Iniwan na siya ni Amora at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa pinakatuktok kung na saan ang bahay ni Iesus. Pinihit niya pabukas ang seradura ng pinto ng main door at lumikha ito ng langitngit na tunog na siyang bumasag sa katahimikan ng paligid.

"My lord?" tawag niya nang makapasok. Sinarado niya ang pinto sa likuran. "Yuhoo? My lord, you there? My lord kung nandiyan ka ay pakigalaw ang baso—ay wala nga pala akong baso." Natawa siya sa sariling joke. "My lord, tara shot."

Ang ingay-ingay na niya pero walang Iesus na sumasagot sa kanya. Nakatayo lang siya sa gitna ng sala. Hinugot niya ang cell phone sa bulsa ng kanyang pantalon at nagtipa ng mensahe para kay Iesus.


Simon🐮
My lord, nawawala ka.

Matagal bago nag-reply si Iesus.

MY LORD
I'm not lost.

Simon🐮
You've been found. (U_U)

MY LORD
. . . .
wait for me in the library
Papa's calling
For a while

Simon🐮
Okies!
Sanay naman akong pinaghihintay.
Naks. Take your time, my lord.
Pero huwag mo lang akong
Kalimutan (T_T)


Dumeretso si Simon sa library. Nag-ikot-ikot muna sa mga shelves na naroon para aliwin ang sarili. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya ang oras sa relong pambisig. Nakailang kuha at balik siya ng mga libro pagkatapos mabasa ang mga nakasulat sa likod. Books varies from fiction, non-fiction, biographies, poetry books, and academic books. Nakaayos base sa klase at genre ang mga libro sa estante at nakahanay alphabetically. Kaso walang nakapukaw na kahit anong libro sa kanya kaya lumipat siya sa malaking bintana, hinawi ang kurtina at sumilip mula roon. Walang tao pero halatang malakas ang ihip ng hangin sa mga dahon ng puno dahil nalalagas ang mga dahon at nahuhulog sa lupa.

Tiningnan niyang muli ang oras sa relo, lagpas dalawampung minuto na. Bumuntonghininga si Simon. Nagtungo siya sa mahabang sofa at naupo roon. Hindi siya nakuntinto kaya lumipat siya sa pang-isahang sofa. He cleared his throat and focused his gaze in front. Nakatapat sa kanya ang fireplace na hindi umaapoy sa mga oras na iyon.

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Simon at nagsimulang maningkit ang kanyang mga mata. Bumuga siya ng hangin at tila may puwersang humahatak sa kanya sa gawing kaliwa niya. Marahas niyang ibinaling ang tingin doon at agad niyang nakita ang hindi nakatagong pinto. Hindi ito nakikita sa labas ng library. Matagal na siyang curious sa pinto na iyon. Hindi lang siya nabibigyan ng pagkakataon na buksan ito.

Tumayo si Simon at naglakad patungo roon. Hindi na siya nagdalawang-isip, deretso niyang pinihit pabukas ang pinto at talagang namilog ang mga mata niya sa nakita. Isang maliit na silid na may pang-isahang sofa sa gitna at kahoy na pabilog na mesa sa harapan. Sa mga pader ng silid ay mga lumang painting na nakasabit.

"'Langya!" Manghang-mangha si Simon habang inililibot ang tingin. "Ano ba itong bahay mo, Sus? Escape room? Astig." He excitedly sat at the wine red one seater sofa in the middle. Tumuwid siya ng upo. Made a serious face and cleared his throat before saying, "Kuya, two points po kay my lord dahil pinaghihintay niya po ako rito nang matagal. One point po para kay Ser dahil masyado na siyang maraming nalalaman."

Ang lakas ng tawa ni Simon pagkatapos.

"Gago! Ang astig. Akalain mong may confession room dito si My lord?" Bigla ay may nabuong ideya sa utak niya. He cleared his throat again. "Housemates," paggaya niya sa boses ni Big Brother. Tawang-tawa si Simon pagkatapos. He still got it. Ang dami niyang naloko noon dahil sa talento niyang ito. "Tor, pumasok ka sa confession room."

At dahil bored siya.


A FEW MINUTES LATER


Nagtataka man ay nanatiling tahimik si Tor habang nasa loob ng maliit na silid na iyon na ngayon lamang niya napuntahan. Doon siya pinapunta ni Simon at mahigpit na nagpaalalang huwag niyang sasabihin sa iba ang tungkol sa pag-uusap na ito at kung saan sila magkikita.

"Tor."

Napaigtad si Tor at marahas na naigala ang tingin sa paligid. "Who are you?"Nakakunot ang kanyang noo. Hindi niya alam kung saan galing ang boses ngunit tila may nakatagong speaker sa silid na iyon.

"Tor, ikaw. . . ay. . .aking pinatawag dito sa aking confession room. Ngayon. . . ang nakatakdang araw . . . upang inyong pagbotohan kung sino-sino sa inyo ang lalabas ng aking bahay."

Lalong kumunot ang noo ni Tor. "Huh?"

"Dalawang puntos at isang puntos para sa taong sa tingin mo ay hindi na karapatdapat na manatili rito sa Faro."

"Is this some kind of a joke? A prank? Show your face."

"Tor."

"This is nonsense."

"Hindi ka makakalabas dito nang hindi ka bomoboto. Huwag mo akong hamunin. At maaaring hindi mo magugustuhan ang aking solusyon patungkol sa naging reakyon mo."

"You're threatening."

"Atty. Kale Thomas Velez."

"I have the right against self-incrimination."

"Tor, maaari ka nang lumabas ng aking confession room. Salamat."


A FEW MOMENTS LATER


"Jude."

Namilog ang mga mata ni Jude sa pagkagulat. "Kuya?" Napahawak siya sa sandalan ng kamay ng kanyang upuan. "Langya. Kuya ikaw ba iyan?"

"Jude, hindi ko hinihikayat ang pagmumura sa aking bahay."

"Kuya, chill. Sorry na." Natatawang, naigala ni Jude ang tingin sa silid. "Grabe, akalain mong umabot ka rito sa Faro, Kuya. Ito na ba ang bagong bahay mo? Naks. Pangarap ko pa naman maging big four."

"Big four sa pagiging makasalanan?"

Jude was taken aback, pero natawa lang din sa huli. "Darn, let's not state the obvious. I'm a changed man now." Nagtaas pa siya ng kanang kamay. "I swear to God. Cross my heart. Mamatay man ang mga halaman ni Ser."

"Jude, maaari ka nang bomoto kung sino sa tingin mo ang hindi na karapatdapat manatili sa aking bahay."

"Two points and one point rule iyon, Kuya, 'di ba?"

"Oo."

"Ayon. Hmm. Kuya, two points po para kay Tor. Masyado na ho siyang mapangduda. Wala pa nga po akong ginagawa ay hinuhusgahan na niya ang pagkatao ko. Past is past, Kuya. Nagbago na ho ako. Mahirap po bang paniwalaan ako sa bagay na iyon? Mabait na po ako ngayon, Kuya. Kahit itanong n'yo pa po sa asawa ko."

"Siyempre asawa mo iyon."

"Kuya!"

"Tapusin mo na ang iyong pagboto, Hud—Jude."

"Kuya, isa rin kayong judgemental." Tawang-tawa si Jude. "Anyway, one point naman po kay Ser, kasi wala pong Tor kung walang Balti." Bumungisngis si Jude. "At wala pong Balti kung walang Tor. You're welcome, Ser. I got you."


NEXT


"Balti."

"Two points po para kay Maha—"

"Balti, wala rito ang kapatid mo."

"Ah, wala ba?" Napakamot sa noo. "Sige, sige ulit. Two points po para kay Iesus. Makuwento ko na lang din sa inyo Kuya kung bakit. Sa nakalipas na taon ay napapansin kung ginagamit na lamang ako ni Sus para i-translate lahat ng nakasulat sa itim na libro. I get it. He needed me because I can do something for him. But what do I get in return? Disappointment. Nagulat lang ako Kuya noong marinig kong sabi ni Sus kay Thad doon sa boardwalk na, four years and I still admire your passion to your work. Napaisip ako doon, Kuya. Kasi within that 4 years, I was there. So when he says na 4 years and I still admire your passion to your work, where was I?"

"Nasa library. . .  niya."

"Exactly."

"Tulog."

"Well, ibang usapan na iyon, Kuya. Ang pinupunto ko rito ay . . . may favoritism talaga si My lord. Ramdam ko iyon. Kaya two points sa kanya."

"At ang isang puntos ay para kanino?"

"Siyempre kay Arki. Theirs was a history that they treasure the most and I could not do something to change that. Pero kaya ko silang i-vote out dito. Kala nila."

"Salamat, Balti."

"No, Kuya, salamat."


NEXT


"Thad."

"Two points po para kay Simon."

"Si Simon?"

"Opo."

"Sa anong . . . kadahilanan, Thad?"

"Hanggat may bahay po siyang matutuluyan ay hindi niya tatapusin ang kanyang bahay."

"Ano pa?"

"Iyon lamang po."

"Talagang, napakahaba mong magbigay ng komento, Thad."

"Hindi naman po masyado."

"Halata nga."

"At isang puntos po para kay Ser."

"Si Ser?"

"Opo."

"Maaari mo bang sabihin ang iyong dahilan."

"Ini-spam niya ang inbox at email ko ng enrollment form ng St. Nathaniel. Paulit-ulit ko nang sinabi na hindi ako ang magdedesisyon n'on sa ngayon dahil nililigawan ko pa ulit ang aking mag-ina. Hanggang sa aking panaginip ay nakikita ko ang enrollment form na iyon. Iyon lamang po."


NEXT


"Mathieu."

"Naks! Kuya." Tuwang-tuwa na iginagala ni Mathieu ang tingin sa paligid. "May ipapaluto po kayo?"

"Maaari ka nang bomoto."

"Seryoso?"

"Ay, hindi. Nagbibiro lamang ako."

Humagalpak ng tawa si Mathieu. "Ito naman si Kuya hindi na mabiro. Pasensiya na. Pasensiya na. Pagod lang ako."

"Saan ka na naman galing kagabi?"

"Wala. Nagmunimuni lang sa tabing dagat. Unwind kumbaga. Try n'yo rin minsan, Kuya. Nakakarelax."

"Pag-iisipan ko."

"Huwag lang talaga kayong ibalik sa 1935."

"May sinasabi ka, Mathieu?"

"Ah, wala po. Sabi ko, ang astig ng confession room n'yo, Kuya. It's giving me a regency era." Mathieu chuckled. "Hmm. Two points." Mathieu gave it a thought. "I'm giving my two points to Ser. Napapansin ko pong napapadalas na ang pagtusok niya sa akin ng magic pencil. Noong una ay hindi siya masakit, ngayon Kuya ay para na akong sinaksak ng lapis ni Chuckie. One point for Sus, kasi lagi nilang sinasabi na mahahati ang dagat kapag nalaman niyang girlfriend ko ang pinsan niya. . ." Mathieu smirked. "At gusto ko pong makita iyon nang personal."

"Mathieu."

"Yes, Kuya?"

"Ikaw ba ay may naisulat nang last will and testament?"

"I got that all covered, don't worry about that, Kuya. Bayad na lahat ng life insurance ko. Gusto mo ng proof? May tatlo ako—"

"Maaari ka nang lumabas dito, Mateo."

"Kuya nasa 1935 iyon." Mathieu chuckled. "Nasa present tayo."

"Mathieu."

"'Yon. Thanks, Kuya. You're the best." Patayo na sana si Mathieu nang bumalik siya sa pagkakaupo. "Kuya, puwede ko bang batiin ang mahal ko? Chizle Priscilla, mahal ko. I love you—"

"Lumabas ka na Mathieu."

Tawang-tawa si Mathieu. "Love you, Kuya. Ciao."


NEXT


"Jam, kumusta? Ikaw . . . ay . . .  nakabalik na pala."

"Ah, oo. Kahapon lang, Kuya. Kumusta? Did you miss me?" Jam chuckled. "I admit, this is quite a surprise. Alam mo bang nag-audition ako sa PBB noon, Kuya?"

"At hindi ka natanggap?"

"Natanggap." Tumango-tango si Jam. "Natanggap ko na agad pagkatapos na hindi na ako tatawagan." Humagalpak ng tawa si Jam. "But no hard feelings. Masaya naman ako sa buhay ko noon. Tahimik lang, gaya ni Mark."

"Jameson."

"Joke lang, Kuya." Pigil na pigil ni Jam ang tawa. Humugot muna siya nang malalim na hininga bago nagsalita. "Grabe. Napapanood ko lang ito noon sa TV. Minsan ginagawa ko pa 'to sa harapan ng electric fan namin." Iginala ni Jam ang tingin sa paligid. "Tito Boy? Nandiyan ka rin ba? Willing po akong magpa-interview ngayon—"

"Jameson Erik."

Umayos ng upo sa Jam. "Ito na nga po. Seryoso na, Kuya. Sige, sino ba iboboto ko? Hmm. Binibigyan ko po ng 1 point si Simon. Okay na po kami sa kanya. Napakita na niya sa amin na mapagmahal siya, maalaga, at marunong din pong magluto ng corned beef at chicken joy. Magaling din po siyang umiyak sa mga weekly task namin, Kuya. I think mas makakabuti po na lumabas na siya rito at ligawan na niya po ang crush niyang wedding organizer. Doon naman po niya ipakita ang pagiging mapagmahal niya. Balita ko ho kasi ay single na ho ulit iyong crush niya."

"Talaga?"

"Verified and confirmed." Jam chuckled. "At two points po kay Kap. Kap, sorry. Walang personalan pero sa tingin ko it's time na ikaw na ang mamahala sa Alquiza. Naniniwala akong, ikaw talaga ang totoong tagapagmana ng Alquiza. Ampon lang talaga si Andeng."

"Jameson."

Tawang-tawa si Jam. "Drama."

"Kakapanood mo iyan ng teleserye."

"Anyway, Kuya, ahead notice, baka mag-voluntary exit din ako soon."

"Sa anong kadahilanan, Jam?"

"Mawawala po ako ng ilang buwan." Ngumisi si Jam. "At alam kong mami-miss ako nang sobra ni Juan. Pero baka umuwi akong may asawa. Naks."

"Bawal iyan sabihin dito."

"Patay."

"Lumabas ka na nga Jameson."

"Cut n'yo iyon." Tawang-tawa si Jam. "Sorry, Direk."


NEXT


"Juan."

"Kuya."

"Juan."

"Kuya."

"Juan, bomoto ka na lang."

Juan chuckled. "One point kay Andrew. Medyo close na kami ngayon. Medyo lang. Bffs. Two points para kay Simon dahil ayaw kong may kahati sa mga C2 at Piatos. At sa tingin ko po ay mas sasaya siya sa piling ni LV—"

"Juan, bawal mag-name-drop."

"Ni LVenson Ventanilla."

"Sino iyon?"

"Pangalan ng baboy ng kapitbahay namin sa Alo. May pagkakaunawaan sila Si at ang baboy na iyon nila Aling Marites."

"Iyong totoo, Juan."

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Umusok bigla at biglang naging pusa si Juan. "Damn it."

"Juan."

"Meow. Meow. Meow. Meow."

"Lumabas ka na rito, Ryuu Juan Song."

"Meow!"


NEXT


"Kap."

Nagpipigil ng tawa. "Yes, Kuya."

"Bilang ikaw ang nanalo sa aking weekly task. Nagawa mong makalakad sa swimming pool na hindi nalulunod. Ikaw ay . . .  nagkaroon ng immunity para ilagtas ang sarili mo sa nominasyon ngayong linggo. Gagamitin mo ba na ito ngayon, Kap?"

"Hindi pa po, Kuya."

"Ngunit, kung ikaw ay hindi palarin na mailigtas sa nominasyon ngayong linggo ay hindi mo na magagamit ang immunity na ito."

"Sige, gamitin ko na lang. Madali naman akong kausap."

"Sigurado ka na ba riyan, Kap?"

"Parang hindi."

"Dapat ka nang magpasya, Kap."

"Sige."

"Anong sige? Pakilinaw."

"Ililigtas ko ang sarili ko ngayon, Kuya." Nakarinig si Sep ng tatlong beses na tilaok ng manok. Napalinga siya sa paligid. "Ba't dumami si Sanpe?"

"Alarm ko iyan, Kap. Alas tres na."

"Ahh."


NEXT


"Hayme."

Takang-taka si Hayme. "Anong gagawin dito?"

"Hayme, gaya ng. . . pangako ko. At katulong na rin ng mga taong nilapitan ko. Nais kong . . . ipaalam sa iyo. . . na . . . nakita na namin ang iyong nawawalang ina at kapatid na babae."

Kumunot ang noo ni Hayme. "What?"

"Sa iyong harapan ay makikita mo ang isang kahon. Sa loob ng kahon na ito ay ang isang blindfold. Maari mo na itong isuot pansamantala."

"Ho?"

"Sa aking takdang panahon ay makikilala at makakausap mo na ang iyong pamilya."

"Wait, what?!"


NEXT


"Andrew. Kumusta?"

"Fine. I guess?"

"Napapansin kong napapadalas ang iyong pag-iisa at ikaw ay umiiwas sa iyong mga kaibigan. Ito ba ay may dahilan, Andrew?"

"I'm just thinking. . . that's all."

"Kung ano man ang mga bumabagabag sa iyong isipan. . . ay bukas lagi ang pintuan ng aking confession room kung nais mong maglabas ng iyong saloobin."

Tumango si Andrew. "Salamat, Kuya."

"Kung ano man ang iyong pinagdadaanan ngayon. . . alam kong mabibigyan din ng kaliwanagan sa tamang panahon."

"I also believe in that."

"Salamat, Andrew. At sa oras na iyong ibinahagi sa amin ngayon. Maaari ka nang bomoto."

"Two points para sa kuya ko. Kailangan na niyang lumabas para pamahalaan ang Alquiza. One point para kay Juan, masyado pa rin siyang masiba."


NEXT


"Magandang hapon, Doc Vier."

Naniningkit na naikiling ni Vier ang ulo sa kanyang kanan. "Kuya?"

"Bilang . . . ikaw ay kabilang sa instutasyong nangangalaga at nagpapalawak sa impormasyon at kahalagahan ng kalusugan sa kaisipan. Ikaw ay, pinatawag ko rito. Upang hingin mula sa iyo ang iyong pananaw tungkol sa mga pinagdadaanan ng iyong mga kaibigan. Maaari kang magbahagi ng anumang mabuting aktibidad na maglalayon na mapabuti at mapagaan ang bigat ng kanilang nararamdaman dito sa aking bahay.

"Sa tingin ko ay kailangan nila ng oras para magpahinga, Kuya. A complete rest with a complete detachment from the nuisance of their respective realities that triggers whatever is resurfacing in their heads. It's not an easy job to do. It takes a lot of courage and will to take such precautions. But I believe that the friendship that we have built in this home can help each of us face these difficulties slowly but with progressive improvement. The support system does have positive benefits in the lives of people, Kuya. Knowing that they are not the only ones who are experiencing downheartedness at this moment and that there is still someone willing to carry their burdens with you would mean that you can rely on them during tough times. This assured us somehow and that's the positive impact of having a genuine circle of friends, Kuya."

"At sa tingin mo, Vier . . . ganoong klaseng pagkakaibigan ang mayroon kayong trese?"

Tumango si Vier. "Yes, Kuya."

"Kung ganoon, anong maimumungkahi mong aktibidad upang mas mapatibay itong pagkakaibigan dito sa Faro?"

Vier chuckled, "Inuman, Kuya. . . with moderation."


AND LASTLY


Amora and Iesus entered the small room in the library. Nagtataka si Iesus dahil parang may narinig siyang mga taong sunod-sunod na pumasok sa kanyang bahay pero nang bumaba siya ay wala siyang naabutan. Even Simon was nowhere in sight.

"Amora, I told you to lock this room." Masama ang tingin ang ibinigay ni Iesus kay Amora. "Why did you leave this open?"

"Sorry na Boss, nakalimutan ko lang hong i-lock kanina bago ako pumunta kina Chi. Kakalinis ko lang ho kasi kaninang umaga. Ila-lock ko na ho ngayon." Biglang sumarado ang pinto at parehong napatingin sa isa't isa ang dalawa. "Boss!" Mabilis na dumikit si Amora sa braso ni Iesus at humawak sa manggas ng suot nitong white long sleeve polo. "Sabi ko naman ho kasi sa'yo na haunted itong bahay n'yo."

"Ikaw lang ang kilala kong relihiyoso pero takot sa multo."

"Boss, wala namang personalan."

"Tsk."

"Amora at Iesus."

Parehong natigilan ang dalawa nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Kumunot ang noo ni Iesus. Wala siyang natatandaan na may lalaking nagsasalita rito sa bahay niya.

"Who are you?" he demanded.

"Oo nga, sino ka?" segunda ni Amora.

"Nais kong ipaalam sa inyo . . . na kayong dalawa. . .ang pinakabagong Faro house guest sa aking bahay. . . at mananatili kayo rito sa mga susunod na araw. Iesus, nais kong. . . subukin mo ang kanilang pasensiya, kakayahan, at pagkakaibigan dito sa aking bahay. Amora, ikaw ay mananatili sa isang lihim na silid at tutulungan mo si Iesus para gumawa ng mga paraan upang masubok ang ugali ng aking mga housemates. Hindi ka maaaring makita ng mga housemates at hindi ka rin maaaring mahuli, Iesus ng iyong mga kasamahan."

"Ngayon na talaga, Kuya?" naiiyak ni tanong ni Amora.

"Oo, ngayon na."

"Iesus, sa iyong pamamalagi dito sa aking bahay. Mayroon kang gagawing task at kapag ito ay iyong natupad. . . ikaw . . . ay makakalaya na."

"Kuya, puwede ba namin iyang gawin now na?" tanong ni Amora.

"Anong gagawin ko?"

"Kung ano man ang mga ito. . . ay malalaman mo sa takdang panahon. Pero sa ngayon, nais ko muna kayong batiin. Iesus. Amora. Maligayang pagdating sa aking bahay."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro