Kabanata 9
"CHIPPY!" TAWAG SA kanya ni Iesus.
Alam niyang tatawagin siya ni Iesus dahil nakatingin ito sa kanya pero nagitla pa rin si Chippy nang sobra, napaatras pero dahil maliit na lamang ang espasyo na pumapagitan sa kanya at sa railings ay tumama ang likod niya sa matigas na bakal kaya siya napangiwi.
Chizle, think! Hindi puwedeng malaman nila Iesus and Vier ang tungkol sa inyo ni Mathieu. It will be a big trouble and I can't afford to lose my freedom. Not tonight or at this hour and definitely never.
Chippy gulps, parang may nakabara sa lalamunan niya na hindi niya alam kung ano. Something inside her is stiring with panic, while her remaining sanity is trying to calm her nerves down, yet she felt so torn kung magpapanic ba siya o kakalma muna.
For god's sake, Chizle! Just pretend you don't know the guy. You're pretty good at this, nothing could go wrong as long as Mathieu will cooperate.
"Chizle, come here," tawag ulit sa kanya ni Iesus.
Ramdam niya ang panlalamig hindi lamang ang kanyang mga palad pati na rin ng kanyang mga pisngi. Tila ba mas lalong lumamig ang hangin sa paligid. "Teka lang!" pasigaw na sagot niya. Nanginginig ang mga kamay na nagawa pa niyang i-text si Mathieu habang naglalakad.
Don't talk about us. - Chippy
Mabilis din niyang ibinulsa ang cellphone at lumapit sa grupo ng mga kaibigan nito. Nakangiti na hinarap niya si Mathieu na halatang nagkukunwari ring hindi siya kilala. If she didn't know him, she'll probably believe that he wasn't faking that genuine smile he was giving her.
"Math, this is my cousin, Chizle," pakilala ni Iesus sa kanya kay Mathieu.
Lumapad ang ngiti ni Mathieu. Hindi naman mapigilan ni Chippy ang mapakunot-noo sa kanyang isip. Ang tingin niya sa ngiti ni Mathieu ay magkahalong pagkamangha, pagkalito, at pagkagulat, but still, he was giving her the best actor award response.
"Nice to meet you," inilahad ni Mathieu ang isang kamay sa kanya, "Chizle." Seriously? What's with the amusement and sparkles in his eyes? Tila natutuwa pa ang loko. "Mathieu Dmitry Brandaeur." Gustong-gusto niyang pandilatan ng mga mata si Mathieu. "Math for short."
If it wasn't rude and weird not to accept Mathieu's handshake ay baka ginawa na niya. Still, kailangang magkunwari.
Matamis na matamis siyang ngumiti kay Mathieu at tinanggap ang kamay nito.
"Nice to meet you too, Mathieu. Please call me Chippy."
"Sounds tempting," he chuckles. Iesus clears his throat, binitiwan ni Mathieu ang kamay niya. "But not healthy," he added, suppressing a smile.
Hands on her back, Chippy was taken aback nang mapatingin siya sa gawi ni Balti, he was suspiciously looking at her. Anak nang, ang issue pa naman ng gurong 'to. Sinalubong ni Chippy ang tingin ni Balti, she squints her eyes at him. He grins. Kung may human proof man ng pagkakachismoso ng mga lalaki, I will nominate Bartholomew Juarez without second thoughts.
"Well," basag ni Iesus.
"May balak ka bang bumuo ng kulto mo, Sus?" putol ni Chippy sa pinsan niya to break the ice. "Aba'y, halos ilabas mo na lahat ng apostoles ni Jesus Christ dito sa Faro. Ikaw ba ang magpapa-facilitate ng second coming?"
Nagtawanan ang mga kaibigan nito.
Naningkit naman ang mga mata ni Iesus sa kanya. "Stop thinking nonsense."
Pinagkrus ni Chi ang mga braso sa itaas ng dibdib, tumatawa, saka tinapik sa balikat ang pinsan niya. "Anyway, banyo lang ako." Tinignan niya ang ilan sa mga kaibigan nito, lalo na si Mathieu. "Excuse me." Iniwan niya ang grupo ng mga ito at tinungo ang direksyon ng Juander Pets Clinic. "Juan, pagamit ng restroom," pahabol na sigaw niya.
"Sure!"
Pumasok siya sa pet clinic at nagkulong sa banyo. Hinayaan niya lang nakasarado ang takip sa toilet bowl at naupo roon.
"Shit! Shit! Shit!" nanggigil niyang mura sa mahinang boses. Gusto niyang kalbuhin ang sarili. "Seriously? Talaga ba? Ang galing naman ka bonding nitong tadhana."
Hinugot niya muli ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at hinanap ang cellphone number ni Mathieu. She starts composing her message for him habang nakikipag-debate sa utak niya.
No, this won't work. I can't continue our relationship. Iesus will kill me. Vier will probably exile me in the most humane way as possible. Vier loves me but he will not tolerate this if he'll know. Saka wala akong balak makipagrelasyon sa isa sa mga kaibigan ng mga pinsan ko. It's stressful, naiisip ko pa lang sumasakit na ulo ko.
Bumuga siya ng hangin, her thumb hovers on top of the send icon. Naglapat ang mga labi niya nang husto at magkasabay na ipinikit niya ang mga mata at pag-tap ng hinlalaki niya sa screen ng cellphone niya.
Nang imulat niya ang mga mata ay pumasok na sa thread nila sa Viber ang message niya.
"It's for the better," aniya sa kawalan.
Her shoulders drop, hindi maalis ang tingin niya sa screen ng cellphone niya. Hindi pa nag-mark seen ang huling message niya rito, baka hindi nito hawak ang cellphone. She doesn't need to know his answer, buo na rin naman ang pasya niya. Ito ang sign ng langit sa kanya na tigilan na niya itong mga kalokohan niya bago paman niya pagsisihan lahat.
Muli siyang napabuntonghininga.
Ngayon, kailangan niyang mag-isip kung paano makakaalis ng Faro na hindi napapansin ni Iesus.
Miss Junkfood
Online 15 minutes ago
let's stop the agreement
i don't think it's a good idea
sorry
"Who's that?"
Mabilis na ibinaba ni Mathieu ang cellphone, umakbay sa kanya si Jam. He smiled at his friend saka pasimpleng ibinalik ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.
"A woman broke up with me," Mathieu answers, chuckling.
"Ouch." Umarteng natamaan ng palaso si Jam sa dibdib. Natawa lang si Mathieu sa kalokohan nito. "My deepest condolences, bro. But just to be clear," he chuckles, "I thought ikaw ang nakikipag-break at hindi ang babae? What happened?"
"We're not in a real relationship."
"Another fling."
"Yup."
Natawa ito. "Tara, inom!" Tinapik siya nito sa balikat. "Hindi pinoproblema ang kasawian, Mateo. Hindi ka naman yata nauubusan ng babae. I have a good feeling na masaya pa rin ang Pasko at New Year mo ngayon."
Natawa si Mathieu. "Amen, my friend."
"Sa ngalan ni Iesus, magbubunyi tayo."
"Gago!"
Tawang-tawa si Jam. "'Yan ang purpose ni Cloudio sa mundong 'to. Ang maging tagapagligtas natin sa mga kagagohan natin sa buhay. Anyway, sama ka?"
"Saan?"
"Sa bahay ni Sus, kukunin namin ang sinaunang alak niyang malapit nang limutin ng panahon."
Muling natawa si Mathieu. "Hindi na, I'll just wait here."
Lumayo sa kanya si Jam. "Sure ka? Malungkot maiwan."
"Sanay na ako."
"Ako rin." Natawa ulit si Jam. "Anyway, balik kami agad." Iniwan na siya nang tuluyan ni Jam at lumapit sa grupo nila Simon.
Naglakad si Mathieu sa direksyon ng railings, tumayo siya roon at isinandal ang mga braso sa bakal na harang. Nililipad ng malamig na hangin ang kanyang buhok at tila sumasabay sa bawat hampas ng alon sa paligid.
Madilim ang malawak na dagat at nagtatago ang buwan sa likod ng mga ulap. May nakikita siyang ilaw mula sa karatig isla at sa iilang pumalaot na mangingisda. He stares at the view for a few more seconds bago niya hinugot muli ang cellphone sa kanyang bulsa. Binasa niya muli ang mensahe ni Chippy sa kanya.
Kung nagulat si Chippy na makita siya. He was also dumbfounded by fate's wickedness. Tunay ngang maliit ang mundo. Who would have thought he'll find her here? He was damn curious about her whereabouts, but he can't break the rules they've agreed on – on not crossing private boundaries.
And out of all the places, dito pa sila magkikita sa Faro. He finds it amusing and unfortunate. He was just beginning to enjoy Chippy's company, but he understand her.
Nagsimula siyang mag-type ng reply rito.
It's better if they end things before Iesus finds out. It would just make things hard for both of us. Hindi ko puwedeng galitin ang isang Iesus. There are still a lot of things that I need to know from him.
Mathieu Dmitry
Online
I understand.
But please, take care of yourself. :)
Isa pa, hindi niya ugali ang pigilan ang isang tao kapag gusto nitong umalis.
MID OF JUNE 2019
CHIPPY HAD NO idea why her father demanded her to be at his house immediately. Wala pa sana siyang balak pumunta but he sent his three guards to take her. Ayaw niya ng eskandalo sa condo at nawalan na rin siya ng oras para problemahin kung saan nito nakuha ang address niya.
He was so furious when he was talking to her on the phone. Nag-iinit din ang ulo niya dahil wala naman siyang kaide-idea kung anong ikinagagalit nito.
Itinapon ng ama niya ang isang brown envelope sa mesa ng opisina nito. Sumabog ang ilang stolen photos nilang dalawa ni Marco last year mula roon. Particular na doon sa resort kung saan nakipaghiwalay si Marco sa kanya.
"I want to hear the truth from you, that's why I called you here," seryosong basag ng ama.
Sila lamang dalawa sa loob ng opisina nito.
Napalunok si Chippy. Was it fear? She doesn't think so. Sanay na siya na napagtataasan ng boses ng kanyang ama lalo na kapag galit ito. What she feels at that moment is confusion. Bakit ngayon lang lumabas ang mga larawan na 'yon? And why does it look like it was angled to make her look like the clingy mistress? Fuck!
"I already talked with Marco."
Napaangat ng tingin si Chippy. "Talked with him?!" She scoffs. "And what the hell did he tell you?"
"That some of these photos were just friendly dates."
Unbelievable!
"How sweet of him," sarcastic niyang sagot. "And did he also say that I misunderstood his kindness into something else?"
Knowing that jerk, he will do everything to cover up his mess. It would no longer be too surprising if she is the villain of his story.
"Chizle -"
"I think he did."
She doesn't need to know the whole story, she can read between the lines. Alam niyang ipinasa ni Marco ang kasalanan sa kanya.
That bastard!
"You need to clear this up and talk with your sister, Eunice. Hindi makakabuti sa kondisyon niya na magkagalit sila ng asawa niya. It wouldn't be good for the baby. I'll take care of the rest before the media finds this."
Marco and Eunice got married last April of 2019, buntis na rin ang babae ngayon. Pero problema pa ba niya iyon? Matagal nang wala sila ng litseng Marco na 'yon. It takes two to tango, hindi lang naman siya ang involved sa affair na 'yon. Marco participated in that betrayal.
But what pains her most is looking at her father's face, worn out, and void of any traces of his formidable character. He was heavily concerned with his step-daughter's happiness.
Pakiramdam ni Chippy ay ibang tao siya. Isang kontribida sa masayang buhay ng paborito nitong anak. She had known his father as someone who never begs other people in exchange for his great pride, but for the daughter who isn't even related to him by blood, Ephraim Garcia was willing to do everything.
And for her, it also means, he did believe in everything Marco had said.
"You think... I'm the bad person here?"
Nanatili itong tahimik, halata sa mukha nito ang guilt. Lalo siyang nasaktan sa katotohanang hirap itong ikubli ang katotohanan na 'yon sa kanya.
"You believe him more than your own child? Ganoon ba kasama ang tingin mo sa'kin? You even asked him first before even hearing my side?!"
Marahas siyang napabuga ng hangin.
"What if sabihin ko na may relasyon nga kami?"
Nanlaki ang mga mata ng ama nito. Hindi na rin niya mapigilan ang dismaya at inis niya sa ama. Gusto niyang magwala ng mga oras na 'yon.
She scoffs, nagpupuyos na ang kanyang puso.
"Na gagawin ko ang lahat masira ang relasyon nila ni Eunice?!" dagdag pa niya.
"Chizle!" Tumaas ang boses ng ama niya.
"At hindi lang 'yan. I will ruin this perfectly family of yours. Lahat nang mayroon ka ngayon, sisirain ko. Pati na ang buhay ng pinakamamahal mong anak-anakan!"
Umangat ang isang kamay nito at dumapo sa kanyang pisngi. Naibaling niya ang mukha sa kaliwa. She did her best to hold her tears kahit ramdam na niya ang mga luhang gustong-gusto nang kumawala. Kahit na bumabaon sa kanyang balat ang tila bagang sakit nang malakas na pagkakasampal nito sa kanyang pisngi.
Hindi na 'yon bago sa kanya. Her father had hurt her a lot of times... because of them.
Marahas na ibinalik niya ang tingin sa ama.
"You always say that I make the people around me suffer," punong-puno ng galit ang bawat salitang binitawan niya. Those words remained in her mind the first time she heard them from him, haunting her whenever they find a chance. "And believe me, you will not be an exemption," she says through gritted teeth.
Tumiim ang panga ng ama niya. Sinalubong niya ang nanlilisik na tingin nito nang buong tapang.
She had enough of this bullshit. If Marco wants war, she will give it to him.
"You have changed so much, Chizle. Hindi na ikaw ang kilala kong anak. What have you done to yourself?"
"You made me like this."
"If only your mother and brother were still alive -"
"Where do you get the audacity to mention them? In the first place, ikaw naman ang unang nakalimot. And yes, Papa, if Mama and Kuya were alive, hindi ganito ka miserable ang buhay ko. If I had known that things wouldn't be good in the future... I should have died with them."
"Chizle!"
"I should have been dead as everyone wishes."
"Enough!"
"And don't beg, it doesn't suit you," dagdag niya. "Let your favorite son-in-law fix his marriage." She smirks. "If he can." Iniwan niya ang ama at dire-diretsong naglakad sa direksyon ng nakasaradong pinto.
"Chizle, come back here. Hindi pa ako tapos -"
"I've said enough. Goodbye."
Binuksan niya ang pinto at walang lingon-lingon na lumabas ng opisina nito. She sees Marco waiting at the living room. Nakaupo ito roon pero nang makita siya ay tumayo ito. She ignores him and walk straight to the main door.
"Chizle!" habol ni Marco sa kanya.
"Go back to hell, Lucifer!" Hinaklit siya nito sa isang braso kaya napatigil siya sa paglalakad sa gitna ng pathway papunta sa gate. "What the hell?!" singhal niya rito, sinubukan niyang alisin ang kamay na nakahawak sa braso niya. "Bitiwan mo nga ako!"
Binitiwan siya nito pero halos mawalan naman siya ng balanse. Gusto niyang murahin ng isang milyong beses ang lalaki kung puwede lang.
"Anong sinabi mo sa ama mo?" he demands.
"Sinabi ko na, tangina mo."
Halata sa mukha nito ang pagpipigil ng galit dahil mukhang maliit lang ang pasensiya nito sa kanya nang mga oras na 'yon.
The hell I care! Kahit magwala pa siya.
"Chizle, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Don't try to play coy with me. I know you. I know what you're capable of doing."
"Tangina, alam mo naman pala e. Bakit ka pa nagtatanong?"
He was steady, but she notices how Marco was holding himself from hurting her. Subukan lang nito at hindi lang suntok ang ibibigay niya rito. Iangat niya ang impyerno kapag pinagbuhatan siya nito ng kamay.
"Hindi pa ba sapat ang pagiging drama writer mo para paniwalaan ang tatay ko na ako ang may kagagawan nang lahat? Napaniwala mo nga ang ama ko, bakit hirap ka bang paniwalain ang asawa mo? Akala ko ba patay na patay sa'yo 'yon? Kung hindi, aba'y hindi ko na problema 'yon."
Lalong nandilim ang tingin ni Marco sa kanya.
"You made me look like the villain in your story, Marco. Gusto ko lang i-remind sa'yo na ikaw ang nanligaw sa'kin at pareho nating ginusto 'yon at dahil nga, mahal kitang litse ka noon, pinagmukha ko ang sarili na tanga. Para akong aso na sunod nang sunod sa bawat gusto mo. Pero natauhan na ako, hindi mo na ako mapapaikot sa palad mo."
Lumapit siya kay Marco, nakaangat ang mukha rito kahit na mas matangkad ito sa kanya. Matalim na matalim ang tingin niya sa lalaki. Kung kaya lang pumatay ng tingin ay baka humandusay na ang walangya sa lupa kung saan ito nararapat.
She couldn't believe she loved this man. She feels sorry for Eunice, napunta ito sa walangkwentang lalaki, but Eunice's problems are not hers to worry.
"You started this war, and I'm not backing away. Haharapin kita kahit saang impyerno pa tayo mapunta."
To annoy him more, tumingkad siya para maglapat ang mga labi nila. Halata ang pagkabigla nito sa ginawa niya, but when she was about to pull away, naramdaman niyang gumalaw ang labi nito sa kanya.
What the fuck?!
Akmang itutulak niya ito nang marinig niya ang sigaw ng isang babae.
"Chizle!!"
Halos tumilapon siya nang itulak siya nang malakas ni Marco, napasalampak ng upo sa damohan. Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses, it was Eunice. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanila, nanginginig ang mga kamay, umiiyak.
"What the fuck, Chizle!" singhal ni Marco sa kanya. "Don't make things worse for us. May asawa na akong tao. Sana maintindihan mo na hanggang pagiging kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Leave us alone."
Napamaang si Chippy.
Tangina 'to ah! Ginigil siya ng walangya. Tumayo siya pero para lang din matigilan. Napansin niyang may dumadaloy na dugo sa mga binti ni Eunice. Napaatras si Chippy, hindi niya alam ang gagawin. Bigla siyang nawalan ng kakayahang mag-isip.
"M-Marco..." iyak nito. "Ang baby natin... Marco..."
"Eunice!" Tinakbo ni Marco ang pagitan na distansiya na mayroon sila ni Eunice at mabilis na binuhat ang asawa. "Papa! Mama!" sigaw ni Marco, tumaktabo sa direksyon ng parking area. "Mang Tony, ang sasakyan! Dalian n'yo!"
Kahit na nanginginig ang mga kamay at nanlalambot ang mga binti ay tumakbo si Chippy sa direksyon ng gate. Ang tanging tumino sa isip niya ay ang tumakas bago pa man magkandalitse-litse ang lahat.
Shit! Shit! Shit!
ATUBILING IBINIGAY NI Chippy ang hinihinging passport, wallet, at cellphone kay Iesus. Sinubukan niyang rumason kanina pero hindi siya makalusot. Pakiramdam niya ay yayanig ang buong mansion nito kapag nagmatigas pa siya.
"You are prohibited to leave Faro without my permission, Chizle Priscilla," may awtoridad na paalala ni Iesus.
Nasa sala siya ng mansion nito. Isang araw lang siyang naging malaya bago pa nito natunton ang gusali ng condominium kung saan siya nakatira. She figures out that he was able to get her information from her father.
Ito mismo ang pumunta sa bahay niya kanina at nagpilit na iuwi siya ng Faro. Wala siyang magawa dahil guilty siya. Eunice almost had a miscarriage because of what she saw the other day. Hindi lang ang ama niya ang galit sa kanya, pati na rin ang ina ni Eunice at ang mga magulang ni Marco.
"I have my eyes and ears to watch over you," dagdag ni Iesus.
Para siyang bata na nakaupo sa sofa habang nakatayo sa harapan niya si Iesus. Kanina pa ito galit, wala siyang maaninag na sinyales ng nalalapit na paghupa ng galit nito sa kanya.
Fine, she wasn't that evil. A part of me felt guilty and I know that I will feel worse if something bad happened to the child. Hello, hindi naman ako ganoon kasama. Wala namang kasalanan ang bata. Malas lang niya at pangit parents niya.
Besides, kailangan niya munang magpalamig. Masyado pang mainit ang mga mata ng tao sa kanya. She will stay here for a few weeks, saka siya hahanap ng paraan para makatakas.
"For once, Chi, bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo."
Naglapat ang mga labi ni Chippy. "I... didn't... mean to... you know..."
"So, it's true?" Napaangat ng mukha si Chippy sa pinsan niya. "Nagpakababa ka para lang mahalin ka ng lalaking 'yon?"
"My god, Sus! Pati ba naman ikaw?"
"Oo, pati ako kung hindi ka magsasalita nang maayos," sarcastic nitong sagot. "You really think, I would believe that man's words, Chizle? I've known you since you were a baby. Kahit sa malayo ay makikilala kita."
Iesus is scolding her pero bakit nata-touch siya sa mga sinabi nito? Gusto niyang umiyak at yakapin si Iesus for the first time.
"It was all a lie," sagot niya. "He twisted the story."
"Pero naging kayo pa rin?"
Tumango si Chippy. "Pero naging kami bago pa naging sila... things just didn't work out for us... and thank goodness, oo, dahil napakawalangya niyang gago niya. And he deserves all the misery. Period."
Bumuga nang malalim na hininga si Iesus. "That can't be changed, nangyari na ang nangyari, and it's useless to explain your side at the moment. Let them cool down for now, saka ako mag-iisip paano ko kakausapin ang ama mo."
"Kaya ikukulong mo ako sa lupain mo?"
"That's the best solution for now."
"For you!"
"For everyone."
"Ayaw ko sa bahay mo. Mamamatay ako nang maaga rito."
"I will let you stay on the rooftop."
"Talaga?"
Iesus nods his head. "And don't even think of running away. Dahil kapag tinakasan mo na naman ako, you will leave me no choice but to keep your passport, phone, credit cards, and bank cards under my care."
Napamaang si Chippy. "What the fuck?!"
"Words, young lady."
Nanggigil siya. Shuta! This is not fair! Gusto niyang murahin ang pinsan niya pero kailangan niyang magpa-good-shot, otherwise, lalo lang siyang malulugmok sa kulungan niya.
Okay, kalma, Chippy. Idaan mo sa mabuting pag-uusap ang lahat.
Kinalma muna ni Chippy ang sarili bago ulit nagsalita. "Hindi ba 'yon unfair? Importante sa'kin ang mga 'yan. Paano na ang online business ko?"
"I'll find other options for you."
"Sus, seryoso? Wala naman akong masamang ginawa. Sila naman ang may kasalanan ah."
"May kasalanan ka rin –"
"Pero –"
"At some point, you do, and I want you to reflect on it. In the meantime, enjoy your simple life here in Faro and save yourself from any trouble. Trust me, it's for your peace of mind."
"And yours as well," she says dryly.
"Yes, I was looking forward to it."
Kumibot-kibot lang ang mga labi niya. Ano pa bang magagawa niya? Nandito na siya. Wala na rin naman siyang mapagtataguan pa. At least dito, hindi siya magagawan ng masama ni Marco if indeed he's planning for revenge.
"Sus? You there?"
Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Kumunot naman ang noo niya, pamilyar na pamilyar siya sa boses na 'yon.
"I'm inside, Mathieu!" sagot ni Iesus. Ibinalik ng pinsan niya ang tingin sa kanya. "Let's end our discussion here. I'll talk to you later."
Nag-thumbs-up siya kay Iesus.
"Anong ginagawa niya rito?" pag-iiba ni Chippy.
"Why don't you ask him yourself if you're too curious?" sarcastic nitong balik tanong sa kanya.
Inirapan niya si Iesus. "Ayos mo kausap."
"Anyway, gutom ka na ba?"
"Bakit ipagluluto mo ba ako?" asar niyang balik.
S'yempre gutom siya, hindi pa nga siya nakakapag-breakfast ay pinilit na siya nitong magligpit ng mga gamit. Nakakahiya naman kasing paghintayin ang isang Iesus Cloudio de Dios.
"No –"
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mathieu. Namilog nang husto ang mga mata nito nang makita siya, halatang nagulat.
Kumunot ang noo ni Chippy.
"Good late morning," nakangiting bati ni Mathieu habang naglalakad palapit sa kanila. "Pero mukhang hindi maganda ang umaga ng iyong pinsan, Sus."
"Don't mind her."
Mathieu chuckles.
Luh, ganda ng araw mo? Sana all.
Bumaba ang tingin ni Iesus sa wrist watch nito. "My video call meeting will start five minutes by now –"
"It's fine, Sus. I can wait."
Mukhang may pag-uusapan ang dalawa. Kaso mukhang isiningit lang ni Iesus si Mathieu sa busy schedule nito.
"I'm sure I can make myself useful," dagdag pa ni Mathieu.
Ngumiti si Iesus. "Sounds good. Anyway, maikli lang naman ang meeting na 'to. I'll free my sched after to discuss your concerns."
Tumango si Mathieu. "Okay."
"I need to go up, Math, please do me a favor."
"Ano 'yon, Sus?"
"Tulungan mo muna mag-order ng pagkain ang pinsan ko. Gutom na 'yan, kaya masama na ang tingin." Lalo lang kumunot ang noo ni Chippy. Natawa naman si Mathieu. "Bayaran na lamang kita mamaya."
"Sure, no problem."
"Thanks. I'll leave you two here. Akyat lang muna ako."
Iniwan na sila ni Iesus at dire-diretsong umakyat sa hagdan. Sinilip-silip pa ni Mathieu ang hagdanan, sinisigurong nakaakyat na nang tuluyan si Iesus. Siya naman, naniningkit pa rin ang mga mata nang ibalik ni Mathieu ang tingin sa kanya.
"Hi," bati nito, halatang nagpipigil ng ngiti.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?"
Humugot ito nang malalim na hininga at humalukipkip sa harapan niya. Puno ng amusement ang mga mata na hindi niya alam kung saan nanggaling.
"Let me guess," may naglalarong pilyong ngiti sa mukha nito, "you just can't get yourself away from trouble, aren't you, princess?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro