Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

TULUYAN NANG HINUBAD ni Chippy ang suot na black stilettos at itinabi iyon sa gilid ng glass door. Nakasuot na sa kanya ang pinahiram na black denim jacket ni Mathieu dahil nilalamig na siya. The kind of jacket na kahit siguro hubarin niya ay didikit pa rin sa kanya ang pabango na nanatili sa jacket ni Mathieu. It smelled nice at hindi irritating sa ilong – malamang sa malamang ay mamahalin.

Mathieu open some lights inside the restaurant, enough for the two of them not to stumble with each other. Despite the dimness, napahanga pa rin siya sa ganda ng interior design ng ship inspired wooden restaurant.

She has heard a lot of things about Noah's Ark but she didn't pay much attention to it dahil nalalayuan siya sa lugar at may trust issues siya sa mga trends nowadays na madalas sumisikat lang dahil hina-hype masyado ng tao.

But in all fairness, this restaurant exceeds my judgmental expectations. Paano pa kaya kapag may araw at may tao?

"You own this place?" casual na basag niya sa katahimikan.

Nakangiting tumango si Mathieu. "Fortunately," he chuckles. "Feel yourself at home." 

Nice, hindi lang face value ang mayroon sa kanya. He's also a businessman.

It was past twelve midnight on her watch, halos sarado na rin ang mga establishments na nadaanan nila. Despite the urban life in Cebu City, nights in most areas still follow a rural life - even in the big cities within Cebu. 

She has visited Manila a lot of times, kahit malalim na ang gabi ay madami pa ring buhay na establishments. Siguro sa mga provinces sa Luzon, medyo tone down ang night life.

Here, may piling lokasyon lang sa s'yudad ang may nocturnal life. The rest, nagiging ghost town after 9 p.m., kaya it would be impossible to find an open restaurant at this hour, unless people go to IT Park or in some areas in Mandaue where most clubs are located. Kasi doon sila galing sa Bonifacio District kanina. Tumawid lang 'tong si Mathieu ng isla dahil wala na rin naman silang mapupuntahan nang mga ganitong oras.

"Aren't you afraid I'll take advantage of you?" sunod na tanong ni Chippy habang busy pa rin sa pagtingin sa paligid.

May second floor din pala sa loob but mezzanine style dahil nakikita ang itaas kung tatayo ang tao sa gitna ng ground floor – hindi fully close ang ceiling. Nice! Very Spanish-Filipino din ang desinyo ng mga furniture at fixtures sa buong restaurant. Halatang pinag-isipan talaga.

"I think that would be my line," sagot sa kanya ni Mathieu. "I'm cooking."

Sa sobrang engrossed niya sa interior ng restaurant ay hindi na niya napansin ang mga ginagawa ni Mathieu kaya nagulat siya nang may suot na itong black apron. 

"You own a restaurant and now you're cooking –"

He smiles. "I'm a chef."

Impressive. "How many women have you brought here?"

Pero bakit feeling niya nabanggit na nito 'yon sa kanya noon at hindi lang niya matandaan?

"I don't bring them in my kitchen." May pilyong ngiti sa mukha nito. "I prefer devouring them in my bed."

Napamaang siya. "Knowing you –"

"That's just your assumptions of me. Believe me, I can prove you wrong."

She can't help but roll her eyes at him. The arrogance! "Whatever!"

Natawa lang ito sa kanya. "Give me at least fifteen minutes, I'm sure I can find us something to eat."

"You're a chef and you own a restaurant pero hindi ka pa kumakain?"

"It's past twelve midnight, malamang kapag gising pa ang tao nang ganitong oras ay makakaramdam na ng gutom."

Lahat na lang, Mathieu, may sagot ka. Puwede mo namang sabihin na gutom ka without sounding like you're correcting me. Tsk. You're becoming like my cousin Iesus.

"Yeah, right. Whatever," iritang respond niya.

Tinawanan lang ulit siya ni Mathieu.

Oh, 'di huwag kang tanong nang tanong, gaga!

"I'll be back."

Bumalik sa kusina si Mathieu at nagpasya naman si Chippy na lumabas na nakayapak. Sarado ang glass door palabas ng floating cottage kaya doon siya dumaan sa main door at umikot lang siya. Hindi naman mabato ang daan dahil cemented at puro Bermuda grass ang nalalakaran niya.

Agad na yumakap sa kanya ang malamig na hangin ng gabi – lalo na sa kanyang mga pisngi. Ginawa na niyang bathrobe ang jacket ni Mathieu para hindi makapasok ang lamig sa loob. Nalalanghap niya ang magkahalong amoy ng tubig alat, puno, at mga bulaklak sa paligid. May napansin din siyang mga artificial roses sa tabi ng Noah's Ark – parang isang hardin. 'Yon yata ang sikat na 10 Thousand Roses na katabi lang ng Noah's Ark. Those are LED-powdered roses. Alam niya na naging tourist destination na rin 'yon sa Cordova. Hindi na umiilaw ang mga bulaklak at sarado na rin.

Nagpatuloy siya sa floating cottage, may wooden dock sa gitna ng mga cabana, doon siya dumaan dahil 'yon ang aisle. Nasisilip niya ang loob ng cabana na may nakapalawit na parang lamp pero sa kurting pusô sa itaas ng mesa. Pusô is not a delicacy in Cebu but it's an old method of cooking rice na karaniwang kapares ng mga street food at lechon Cebu. Inilalagay ang bigas sa loob ng isang woven pouch na gawa mula sa coconut leaves at isinasaing sa mainit na tubig.

Isang bagay na interested siyang gawin kapag nabigyan ng pagkakataon.

And yes, maganda nga roon kumain kapag gabi dahil presko ang hangin.

Bigla siyang napahinto sa paglalakad nang biglang umilaw ang mga lightbulbs sa itaas. Napatingala siya at napalingon sa likuran. Nakita niya si Mathieu mula sa loob ng restaurant na nakangiting nag-thumbs-up sa kanya. Natawa siya.

"Sabi magluluto pero bakit kung ano-ano ang ginagawa?" reklamo pa niya sa sarili. Nagpatuloy siya sa paglalakad. "At least, maliwanag."

In all fairness ulit, may romantic vibes kapag sa labas nag-dinner.

Huminto siya sa pinakadulo dahil malamang hindi naman siya nakakalakad sa dagat kung ipagpapatuloy niya.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Nakikita niya roon ang mga mangingisdang pumapalaot, kumikinang ang mga ilaw na dala ng mga ito. Nakikita rin niya ang binubuong pangatlong bridge na kumukonekta sa Cordova at Cebu City at ang mga ilaw ng mga malalapit na isla.

Naupo siya sa gilid at nilublob ang mga paa sa tubig. She didn't feel any cold, it oddly feels warm underneath.

Isinandal ni Chippy ang mga palad sa wooden dock, tumingala sa madilim na langit na punong-puno ng mga bituin ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay ang tahimik ng gabi kahit na naririnig niya ang marahang hampas ng alon ng tubig sa paligid.

Dinama niya ang malamig na hangin – kahit papaano ay ramdam niya ng mga oras na 'yon ang kalayaan.

Tama nga, nature has its own way of comforting souls. They're better empathizers than humans.

Maya-maya pa ang naramdaman niya ang vibrations ng paglalakad mula sa wooden dock sa palad niya. Napatingin siya sa restaurant, naglalakad palapit sa kanya si Mathieu na may dalang serving baskets na mukhang gawa sa rattan.

"I hope I didn't keep you waiting?" tanong nito nang makalapit.

Nagawa nitong hubarin ang black sneakers gamit lang ng mga paa nito. Mukhang sanay na sanay sa mga bagay na kinakailangan nang mabilisang aksyon.

"Parang kakaupo ko lang rito pero nandito ka na agad." Pinagpag niya ang mga kamay at umayos ng upo. "Bilis ah?" Naupo ito sa tabi niya, pumagitna sa kanilang ang serving basket na may lamang apat na slice ng Club Sandwich at dalawang bottled water. "Akala ko ba magluluto ka?"

"Heavy meal is not a good idea to eat at this hour." Inabot ni Mathieu ang share niya. "Baka hindi tayo tunawan kinabukasan."

"Thanks." Kinagatan na agad ni Chippy ang sandwich. She was indeed hungry, na confirm niya nang makita ang pagkain. "Although, iniisip ko na tinitipid mo lang ako." Natawa si Mathieu. "Hindi lang halata pero kaya kong bilhin 'tong restaurant mo."

And the sandwich tasted so good.

"I'd rather want you not to try." Kinagatan ni Mathieu ang share ng sandwich nito, nagtatago ang ngiti sa pagnguya nito.

"So, bakit ka gutom?" pag-iiba ni Chippy, but at the back of her mind, bakit ba niya paulit-ulit bino-brought-up ang nanghihingalong kalamnan ni Mathieu? Uunlad ba ang Cebu kapag sinagot siya nito? "Wala namang makakain doon sa bar," dagdag pa niya.

"Just a few drinks."

"Iinom ka na hindi kumakain?"

Chippy!!!

"Kumain na ako."

"At nagutom ka na naman?"

Alam mo, tangina mo, Chippy! Bahala ka sa buhay mo.

Mathieu chuckles. "Yup. I'm a man. I still have a big appetite." Halos maubos na nito ang kinakain na sandwich.

Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang sa tiyan nito. "Hindi halata."

"I'm not really a gym person. I'm more into athletic activities."

"Tulad nang?"

"I swim... run... bike... in my free time."

Ngumiti si Mathieu, hindi niya naman mapigilan na tignan ang mukha nito habang tinatapos ang sandwich.

Nililipad ng hangin ang nagulo na nitong buhok. He look so peaceful and contented with his food. Simula noong unang beses niyang makita si Mathieu ay may aura na talaga itong prince charming. 

Kakabasa mo 'yan ng mga fairytale books, Chippy. I really thought I have outgrown that phase in my life. I guess old habits don't fade with time. 

But Mathieu has those kinds of charms in him that she knew he was not aware of, otherwise, he will use them for his own gain. If she didn't know he was a playboy ay maloloko siya nito na inosente itong lalaki at walang kahit anong alam sa usaping sex.

"I sometimes join IRONMAN," dagdag nito.

"Good for you," she says dryly.

Chippy distracts herself, nag-focus siya sa pagkain. Kung anu-ano lang naiisip niya – not a nice idea. Ini-insist niyang wala sa hulog ang mga pinagtatanong niya at pinagpapansin dito.

Mathieu is not the kind of man she should invest feelings with. He don't care about serious relationships.

At ikaw?  

Natawa si Mathieu. "I'm assuming that you're not the athletic type?"

"Hindi talaga. Tamad ako mag-exercise."

"Hindi ka tabain?"

"Mabilis akong tumaba." Namilog ang mga mata ni Mathieu. Obviously, mas payat siya ngayon kaysa noong unang magkita sila. She was big when she was a kid, but a lot of things happened in her life at hindi nag-workout sa kanya ang stress eating. "Hindi lang ako kumakain sa tamang oras."

Kumunot ang noo nito. "Why are you depriving yourself with food? Alam mong magkakasakit ka niyan. Wala namang masama if we gain some weight as long as we're healthy."

"Marami lang ako iniisip. I will gain weight again once my appetite is back."

"Same problem?"

"Same problem... minus that asshole."

In-emphasize niya ang dulo para mas dama.

Natawa ulit ito. "Nakapag-move-on na?"

"Hindi ko alam." Inabot ni Chippy ang bottled water at binuksan ang takip. "Maybe?" Uminom siya ng tubig pagkatapos.

"You're ruining your life here while they're living their life to the fullest. I don't think it's fair."

"What do you mean?"

"I'm saying that you're being unfair to yourself." He pauses. "Masaya sila na hindi ka pinoproblema pero ikaw hinahayaan mong maging miserable ka sa kakaisip sa kanila. Persisting to change some things and people in our lives that are out of our physical strength is like sinking ourselves along with the ship's anchor. You have to be the ship's wheel and not the anchor. You have to sail in your own course of fate."

Natahimik si Chippy at napaisip. She yearns for freedom pero instead na makaahon ay lalo lamang siyang lumubog.

I have been running away, but they always have there ways in bringing me back in this pit of misery. O baka ako talaga ang nagbabalik sa sarili ko sa impyernong buhay na 'to?

"Why don't we talk about other things?" Naputol ang pag-iisip ni Chippy nang marinig ang boses ni Mathieu at mukhang sinadya nitong lakasan ang pag-pagpag ng mga kamay para makuha ang atensyon niya. "Ano bang hilig mo maliban sa pagiging miserable sa buhay?"

Tumagal ng ilang segundo ang pagproseso ng utak niya sa tanong nito.

"Gago!" ang naging tugon niya tuloy.

Natawa si Mathieu. "Truth burns your soul, hmm?"

Hindi napigilan ni Chippy ang matawa. "Alam mo, ang gago mo?!"

"I always get that a lot."

"You didn't even leave a note," akusa niya rito.

"I thought we're clear with no strings attached?" Mathieu chuckles. "Unless you want more –"

"You're really a jerk," aniya pero tawang-tawa naman si Chippy.

"I mean, we're two consenting adults who are perfectly sane to decide how we will settle our own sexual cravings." Pilyong-pilyo ang ngiti ni Mathieu.

"Shut up!"

"You might want to reconsider."

"You're my beloved brother. Why would you think I'll reconsider hooking up with you?" sakay pa niya rito.

Mathieu grimaces. "It doesn't sound nice."

"Oh, 'di ba? Tapos inaasar mo pa ako kanina."

"Nagbabasa rin naman ako ng libro at nanonood ng mga palabas but I haven't encountered a scene in which the male lead pretends to be the beloved brother of the female lead. It's always, I'm his lover and her lover thing. Pero, kuya? Seryoso? Bakit mo naisip na gawin akong kuya? Mukha ba tayong magkapatid?"

Ang lakas ng tawa ni Chippy. "Meron 'yan, ilipat mong ibang channel."

"I'm deeply hurt, Ms. Chizle for your lack of creativity in the field of pretense."

"E sa 'yon ang una kong naisip."

"I'm sure you could do better."

"Next time."

"Make me your husband next time."

"Gagawin kitang Tito next time." Nasira na naman ang mukha ni Mathieu. Tawa pa rin siya nang tawa. "Oh, 'di kaya, pinsan ko."

"Sabihin mong kapitbahay mo lang ako at wala akong pakialam sa'yo."

Napamaang si Chippy. "Ay grabe! I saved your ass the last time."

"I've paid your kindness, Princess. I saved you earlier, so we're quits now."

"How unfortunate of me."

"Do better alibis next time so you can convince me in saving you whenever you get yourself in trouble. You're one troublemaker, princess."

"Magkano ka ba? I'll pay you to be my knight in shinning armor."

"My wealth is enough, but I do appreciate the offer." Pilyo ulit itong ngumiti. "And let me remind you that you cannot buy the value of a person with money."

Napangiti siya. "You're really something."

"You mean, you find me interesting?"

"Weird."

Natawa si Mathieu. "Weird has a positive connotation of being extraordinary. I'll take that as a compliment."

"You're enjoying this aren't you?" akusa niya rito.

"I do, actually."

Sinabayan na lamang ni Chippy ang masayang tawa ni Mathieu. She has to admit, it had been a while since she had that kind of conversation with someone. Iesus and Vier had been very busy with their work. She was never lucky with friends. Sinuwerte lang siya kay LV. Ang babaeng 'yon na laging nasa trabaho ang atensyon at pagpapayaman para may ipambubuhay sa jowa nitong tuod.

But maybe Mathieu is not a bad idea after all.

Inilahad ni Chippy ang kamay kay Mathieu. He look dumbfounded with her sudden action. Pero ngumiti lang siya rito.

"I'm Chizle Priscilla Garcia," buo niya ng pangalan niya. She only gave him her first name before.

Sumilay ang magaang ngiti sa mukha ni Mathieu. "I hope you haven't forgotten my name." Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. "I'm –"

"You're Mathieu Dimitri Brandor," dugtong niya.

Lumapad ang ngiti ni Mathieu pero nagtaka siya nang bigla itong tumawa. "I hate to ruin our moment, but I'm sure you got my full name incorrect."

Kumunot ang noo ni Chippy. "Huh?"

Sa naalala niya ay in-spell nito ang Mathieu doon sa hotel. Her memories are vogue that night pero malinaw na ang isip niya nang makita ang kapirasong papel na may nakasulat na pangalan nito. Hindi niya lang alam kung bakit isinulat nito 'yon. Maybe she had asked him?

Hinugot ni Mathieu ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito at may hinanap doon. Sumilip siya sa kung anong hinahanap nito sa album ng gallery nito. 'Yon pala ay may scan copy ito ng PSA nito. In-zoom nito gamit ng dalawang diliri ang parte kung saan nakalagay ang buong pangalan nito.

MATHIEU DMITRY VALDEVIELSO BRANDAEUR

"Bakit may PSA ka riyan?!"

"That's how you spell my full name."

Sabay pa nilang dalawa.

Ngiting-ngiti ito habang kung makatingin naman siya kay Mathieu ay para itong tinubuan ng tatlong ulo.

"Nakakaloka ka! Magpapakilala ka na nga lang lalapagan mo pa ako ng PSA. Wala ka bang trust issues sa buhay?" Sa isip niya dapat 'yon kaso sa sobrang stress niya ay naisatinig niya tuloy. "Pero in all fairness, burgis na burgis buong pangalan mo ah."

Tawang-tawa ito. "Okay lang, 'yan. Wala ka rin namang mahahanap tungkol sa'kin sa mga social media."

Naintriga si Chippy, inilapit pa niya lalo ang mukha rito. "Ay, talaga? Bakit?" Pero imbes na sagutin, Mathieu pokes one finger on her forehead, saka itinulak ang mukha niya palayo.

"But you can call me mine, sometimes," pag-iiba nito, ang laki pa ng ngisi.

Inirapan ni Chippy si Mathieu saka pinalis ang kamay nitong nakaharang sa pagitan nilang dalawa.

"And you can call me gago sometimes." Aliw na aliw na tinawanan siya ni Mathieu. Napangiti naman siya. In all fairness, aliw din palang kausap ang gago. "Anyway, paano naman 'yan pino-pronounce ang apelyido mo?"

"It's silent AE so, it's just Brandur."

"Alam mo, ang arte ng mga ninuno mo. Puwede naman palang gawing Brandur nilagyan pang AE."

Natawa ulit si Mathieu. "For aesthetic purposes."

"Pagsubok kamo kapag nag-take ng exam."

"Got the hang of it."

"Sabagay, wala tayong magagawa kundi mag-adjust. Nga pala, you can call me Chippy."

Namimilog ang mga mata ni Mathieu, hindi na ito tumatawa but the traces of his smiles didn't leave his face. Mukhang hindi lang nito na gets ang biglang pag-iiba niya ng topic.

"Chippy?" ulit nito.

"Nickname ko." Amuse na amuse ang mukha nito. Parang ayaw pa maniwala. "Oo nga! Chizle Priscilla, Chippy."

He chuckles. "You're literally not healthy for the body, junk food."

"Sinful treats always satisfy the soul."

"Same in the saying that the way to a man's heart is through his stomach."

Chippy nods her head. "Ikaw nagsabi niyan." Naikiling ni Mathieu ang tingin sa kanya. Inosente naman ang tingin niya rito. "What?"

Bumalik na naman ang charming na ngiti nito. "It's nice seeing you again, Chippy."

"I'm not going to have sex with you tonight."

Sobrang off ng sagot niya pero ganoon ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito.

"I doubt."

Sa mukha nito ay parang siguradong-sigurado ito na mababago nito ang isipan niya. Hindi siya nito nilubayan ng tingin. Tila inaakit siya ng mga mata nito.

"Tigilan mo ako, Mathieu. Kukunin ko pa ang kotse ko at baka patayin ako ng pinsan ko kapag naiwala ko 'yon."

"Your cousin will not kill you if we get there on time. The night is still early."

"Masyadong maaga para bukas," pabalang niyang sagot.

Natawa na naman ito. "You hate losing in any argument, aren't you?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Paano mo nasabi?"

"I just observed."

"Ang dami mong napapansin."

"It's a hobby that becomes a useful asset in its own perfect time."

Mathieu smugly smiles.

"Good for you."

"Okay, let's go," biglang nagbago ang isip nito. "Let's get your car and get you home." Tumayo ito at inilahad ang isang kamay sa kanya.

Tinanggap niya ang kamay nito at hinayaan si Mathieu na hilahin siya patayo. "I'll pay your gas." Yumuko lang siya para kunin ang serving tray. Isinuot naman nito ang sapatos nito.

"Ng isang taon?"

Umayos siya ng tayo para magkaharap ulit sila ni Mathieu. "In your dreams, lover boy."

He chuckles. "Mga ilang tulog pa kaya?"

"Siguro mga sampung milyong tulog."

Kinuha nito mula sa kanya ang serving tray at magkaagapay na silang naglakad pabalik sa restaurant.

"Dami naman."

"Of course, para sulit."

Tinawanan lang ulit siya ni Mathieu.

Nang makapasok ulit sila ay nagpaalam muna itong may kukunin sa opisina nito. Sumunod siya rito dahil natatakot siyang mag-isa kapag maluwag masyado ang lugar. Matatakutin din talaga siya pero mas matapang pa rin siya kay Bartholomew Juarez.

Hindi naman nito isinarado nang buo ang pinto kaya nakapasok siya. Dim ang ilaw sa loob ng opisina ni Mathieu dahil binuksan nito ang study lamp nito sa desk nito. May hinahanap lang ito sa drawer.

"Math –"

"Naalala kong nakalimutan ko pala ang wallet ko," natatawang sagot nito.

"Wow, ang lakas ng loob maglasing pero walang pera."

Iginala ni Chippy ang tingin sa opisina nito. Simple lang ang ayos, typical office na may minimalist interior design. May receiving area sa isang corner, may sofa rin, center table, at tatlong ottoman chairs na mukhang kasing kulay lang din ng sofa na naroon, she just couldn't see the right color because that part is dark. May iilang paintings din ang nakasabit sa pader at office plants.

"Kaibigan ko ang may-ari ng bar doon."

Naibalik niya ang tingin dito. "Kaya naman pala."

Walang desktop sa desk ni Mathieu, sa tingin niya ay laptop lang ang ginagamit nito at lagi pa yata nitong dala. Pero may pataas din na closet sa malapit.

He chuckles. "Found it."

"Mukha ka namang masinop sa mga gamit pero burara ka sa wallet mo."

"Count that in my imperfections." Umalis ito sa mesa nito. "Let's go."

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso pero bigla silang napalayo sa isa't isa. Mukhang hindi lang siya ang nakaramdaman ng pagkakuryente nang magdikit ang mga balat nila. Ramdam na ramdam niya ang spark na parang lumatigo sa buong katawan niya.

Mula sa nag-aagaw na liwanag at dilim ay nagtama ang kanilang mga mata. Hindi naman malayo ang distansiya nilang dalawa. Kaya iyong tawirin ng dalawang hakbang.

"Don't look at me like that, Chi," there was danger in his tone, a sinful desire of agony hiding behind his familiar baritone voice.

"Bakit? Paano ba kita titigan?"

Namulsa si Mathieu, bumaba ang tingin, at nang mag-angat ng mukha ay may pilyo ng ngiti na naglalaro sa labi nito. Napalunok at nabasa ni Chippy ang labi. 

Damn it, Chizle! Kapag hindi ka pa lumabas sa silid na 'to ay alam mo na ang sunod na mangyayari sa inyong dalawa ng lalaking iyan.

Tinawid ni Mathieu ang dalawang hakbang na distansiya nilang dalawa, hindi nito nilubayan ng tingin ang mga mata niya. Umangat ang isang kamay nito sa kanyang kanang pisngi, the mere touch of his thumb on her cheek awakens every fiber of her body. 

Napalunok si Chippy, inaakit siya ng mga mata nito.

"Akala ko ba no strings attached?" basag niya.

"Yes."

"And what are you doing now?"

"Ano bang ginagawa ko?"

"You're seducing me."

"Is it working?"

"Ano sa tingin mo?"

He smirks. "I think..." He bents his head to press his warm lips on her lips, it lingers there. Chippy could feel her heart beating so fast. "It's working," dugtong ni Mathieu bago hinawakan ang magkabila niyang mukha at inangkin nang tuluyan ang kanyang mga labi. His kisses were demanding, nang-aangkin at nagpupumilit na tugunin niya.

"Kiss me back, Chi," anas nito sa kanyang mga labi, napasinghap naman siya nang hapitin siya nito palapit sa katawan nito, kahit siguro hangin ay hindi na makakadaan sa sobrang pagkakadikit ng mga katawan nila.

She clutches on his shirt.

She didn't hold back. She returns his kisses with the same roughness, demanding him to wound her lips with his kisses.

Bumasag sa nakakabinging katahimikan ang ungol na kumawala sa kanilang mga bibig. Sa mga sumunod na sandali ay hindi lang ang pagtitimpi ang nahubad, pati na rin ang mga damit na sagabal para sa gabing iyon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro