Kabanata 65
SEBAS?
"The scheming jeweler," usal ni Mathieu. "Don Sebastino."
The man pursed his lips while slightly tilting his head to the right—his expression a mix of skepticism and scheme. From the looks of it, Sebas would either agree with him or lie.
"Let's stick with Sebas." Sebas shook his head gently, and a smirk appeared again on his lips. "The jeweler," he added.
Mathieu evaluated Sebas's reaction. Kung hindi ito nagsisinungaling sa pangalan nito ay marahil umiiwas itong magbigay ng impormasyon sa kanya. He's being cautious, he's potent on that.
"I'm not going to tell you the reason behind everything I did in this town. You're smart. Alam kong may ideya ka naman na, Mateo." Now he's calling him Mateo. Who really is this man? "Just hand me the pearls," kalmado nitong utos.
Kumunot ang kanyang noo. "Who told you I have the pearls with me?"
"Maglolokohan pa ba tayo rito, Mateo? Sa tingin mo ay hindi ko alam na wala na sa pamilya mo ang perlas na hikaw?"
"Hindi ko ibibigay sa'yo ang perlas kung hindi mo sasabihin kung sino ka ba talaga. Sa bibig mo na nanggaling na matalino ako. Now, why would I simply give those pearls away like that?"
His eyes glared, piercing with utter annoyance. His jaw clenched, as if he were struggling to hold back his anger. That reaction hit Mathieu like a bolt of lightning, dragging him back to the night Noah almost killed him—the familiar impatience and annoyance in Noah's expression was nearly the same as Sebas's.
"You're getting on my nerves, Matt."
"Who are you?!" he demanded again.
Sebas scoffed, eyebrows furrowed in pure irritation. His lips curled slightly into a sneer, and his head was tilted in disbelief, just enough to show how Mathieu's persistent reluctance had reached his patience at its breaking point.
"Just give me the damn pearls," Sebas still refused to answer him.
"Make me."
"Ibibigay mo sa akin ang mga perlas o idadamay ko si Xersus—"
"Don't you dare lay a hand on that kid!" he yelled, warning him with intense fury. "Or I'll kill you myself."
Bumalik ang mapang-uyam na ngiti sa bibig nito. "Make me," ibinalik nito ang sinabi niya kanina. Damn him! "I need the pearls and the list. Ang dalawang iyan kapalit ng hindi ko paggalaw sa pinakamamahal mong Xersus."
"What list?!"
"Listahan ng mga pamilyang nagnakaw ng mga makapangyarihang bagay mula kay Jose Remegio de Dios. Alam kong nasa mga de Dios iyon. Get that for me."
"Bakit hindi ikaw ang kumuha kung alam mo naman pala?"
"Sa tingin mo ay iuutos ko sa'yo kung kaya ko? Nagpapatawa ka ba?" Sebas clicked his tongue in irritation. "Even in different body and time, you never change, Matt. You still tick my patience with people's reluctance to provide you proof."
Mathieu studied Sebas's words. Mas lalo lamang tumindi ang paniniwala niyang nabuhay na ito sa panahon ni Jose Remegio de Dios. Him, admitting that he was a close friend of Iesus was a proof already. But why would he admit it? Unless he's trying to play tricks on him again—deceiving him into believing something far from the truth.
"Who was I in your time?" Natigilan ito roon. Mathieu continued, "You seem like you knew me very well in my past life."
"I'll tell you who you are if you give me the pearls and the list."
"You have deceived many people in this town. You ruined the de Dios. Why would I believe you?"
He stared at him for a moment, his gaze intense and unwavering. "You have to take the risk if you want the truth, Matt," sagot nito. "That's how life on Earth works. You have to do the impossible things just to survive."
"Even at the expense of killing someone?" he growled, his hand slowly moving toward the dagger at his back.
"If one must kill to survive. I will, Matt."
Mathieu swallowed hard, allowing himself to keep himself together. Kahit na gustong-gusto niya nang hugutin ang punyal at isaksak sa dibdib nito ang matulis na bagay na iyon upang magwakas na ang buhay nito. Ngunit sino ba ang niloloko niya? Mathieu knew Sebas is not an ordinary man. He was either cursed to live in immortality, or condemned to reincarnation, doomed to never forget the haunting memories of his past lives.
"Bibigyan kita hanggang sa ganap na takipsilim bukas upang maibigay sa akin ang mga hiniling ko sa iyo," dagdag nito. "Magkita tayo sa bangin na natatanaw mo mula sa dalampasigan. Kapag ako ay binigo mo, hindi ko maipapangako ang kabutihan ko."
"KUYA MATEO, ano po ang gagawin natin?"
"Wala kang gagawin na ikapapamahak mo, Pol," seryosong baling ni Mathieu sa bata. Nang makaalis si Sebas ay hindi na niya pinahintulutang umalis si Pol. Ihahatid na lamang niya ito hanggang sa parola mamaya upang masiguro ang kaligtasan ng bata. "Ngunit, ikaw ay aatasan kong bantayan si Xersus."
"Paano po ang pinag-uutos n'yo po sa akin kanina?"
Natuon ang atensiyon niya sa kahon at sa sobre ng sulat na nakapatong doon. Nasa gitna ito ng mesa, pumapagitna sa kanila ni Pol. "Ako na ang bahala." Ibinalik niya ang tingin sa bata. "Basta sikapin mong maiabot mo kay Dimitreo bukas ng umaga ang sulat. Bumalik ka agad sa mansion ng de Dios pagkabigay mo."
Tumango si Pol. "Sige po."
"Ang mabuti pa ay umuwi ka na." Inabot niya kay Pol ang sobre. "Ihahatid na kita hanggang sa parola." Tumayo si Pol. Nasundan niya ang pagtupi ni Pol sa sobre sa dalawa at ang pagtago nito sa sobre sa bulsa ng pantalon nito.
Hindi pa tuluyang dumidilim nang lumabas sila ng kubo. Sinuguro niyang dala niya ang mga hikaw na perlas at baka balikan siya roon ni Sebas. Hawak ni Mathieu sa isang kamay ang lampara, kung bibilisan nila ang paglalakad ay maihahatid niya si Pol na hindi pa kumakagat nang buo ang kadiliman sa paligid.
"Kuya Mateo, sino po ba ang nakita n'yo kanina sa labas?" basag ni Pol sa katahimikan.
"Mas mainam na wala kang alam, Pol. Mas masisiguro ko ang kaligtasan mo kung mananatili kang mangmang sa mga nangyayari sa kapaligiran mo."
"Ngunit ayoko pong maging mangmang, Kuya Mateo. Ang sabi po ni Senyorito Noah sa akin ay ang kamangmangan po ay maaaring gamitin ng masasamang tao upang abusuhin at lokohin ako. Mahirap man po ako, Kuya, ngunit naghahangad po akong maging matalino kagaya po ninyo."
Huminto siya sa paglalakad, gayun din si Pol. Hinarap niya ang bata at bahagyang ginulo ang buhok nito. Aurea and James are fortunate to have a grandfather like Lolo Pol, who, from an early age, learned the importance of bravery and wise decision making.
"Pol, hindi mo pa lubos na maiintindihan ang mga nangyayari sa ngayon, ngunit sa paglaki mo, maiintindihan mo na nakakagawa ang mga matatanda ng mga desisyong maaaring pagsisihan din nila sa huli kung sa tingin nila ay iyon ay makakabuti."
The lamp's light illuminated Pol's innocent expression, revealing his deep confusion. Mathieu smiled to reassure him.
"Ngunit tama ka. Hindi tama na manatili tayong mangmang sa lipunan." Nagpatuloy sila sa paglalakad, magkaagapay. "Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan upang matututo tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Higit sa lahat ay gamitin ang kahirapan upang pagtakpan ang mga maling desisyon natin sa buhay. Piliin pa rin nating gumawa ng mga magagandang bagay na hindi tayo nakakasakit ng iba."
"Sige na nga po, Kuya Mateo. Hindi ko na po kayo kukulitin kung sino po ang tao kanina."
Bahagya siyang natawa. "Para sa isang bata ay masyado kang usisiro."
Natawa rin ito. "Marami lang po akong napapansin at hindi po ako napapakali kapag hindi po nabibigyang kasagutan ang mga gumugulo po sa aking isipan. Pasensiya na po, Kuya, kung marami po akong tanong."
"Ayos lang."
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin sila sa parola. Huminto sila ngunit hindi na sila lumapit pa. Hanggang sa bukana lamang ng gubat niya ito maihahatid at baka may makakita pa sa kanya.
"Hanggang dito na lamang, Pol. Mag-ingat ka sa pag-uwi."
"Kuya Mateo."
"Hmm?"
Mula sa kabilang bulsa ng pantalon ni Pol ay may nilabas itong nakatiklop na sobre. "Muntik ko na pong makalimutan. Bale, ito po ay pinadala sa akin ni Xersus." Inabot nito ang sobre sa kanya. "Mahalaga raw na maipaabot ko po iyan sa iyo."
Nagtataka man ay tinanggap niya ang sobre. "Bakit daw?"
"Hindi niya po sinabi nang buo ngunit sa naalala ko po ay nakuha niya po iyan sa mga gamit ni Ate Priscilla. Naisip niya pong para po iyan sa inyo." Bumaba ang tingin niya sa sobre sa kanyang kamay. Galing kay Priscilla? "Tutuloy na po ako, Kuya. Paalam po at mag-ingat po kayo palagi."
Ibinalik niya ang tingin sa bata at tumango. "Pol," tawag niya muli rito nang talikuran siya nito. "Sandali."
Huminto ito at lumingon. "Bakit po?"
"Maaari bang ilihim mo kay Xersus na nagkita tayo."
Namilog ang mga mata nito. "Bakit po?"
"Saka mo na lamang sabihin kapag paalis na sila ng bayan na ito. Makakaasa ba ako?"
Tumango ito. "Opo, Kuya, makakaasa po kayo."
"Salamat."
Hinintay lang ni Mathieu na makapasok si Pol sa gate at bumalik na rin siya sa kubo. Iginala niya ang tingin sa buong paligid ng kubo, mukhang wala namang nabago sa mga ayos doon. Dumulog siya sa mesa at naupo sa silyang ginamit niya kanina. Agad niyang binuksan ang sobre na binigay ni Pol. Para siyang nabato sa kinauupuan niya nang mabasa ang nakasulat doon.
Mali siya ng inisip kanina. It was not a love letter from Priscilla, but a list of surnames that she might have written in the past—something he would never have the chance to ask her why she had written. Nangunguna na nga roon ang apelyido niya.
Valdevielso
Velez
Rosmondo
Salvaleon
Ventanilla
Palma
And six more last names written on the paper. Three of which were familiar last names: Velez, Tor. Rosmondo, Niña on his father's side. And Salvaleon, Mari, Jude's wife. Mamamaya pa ay may kakaibang lamig sa simoy ng hangin na pumasok sa loob ng kubo. Pinanlamigan siya hindi lamang ng mga kamay, pati na rin ng buo niyang katawan. Ramdam niya ang pagtaas ng mga balahibo niya sa sobrang pangingilabot.
Ibig bang sabihin nito ay pagtatagpuin muli ang bawat pamilyang nakasulat sa listahan ng pamilya nila Priscilla? That the fates of these families had been bound for generations, all because of the powerful items they had stolen in the past.
Is this why Sebas wanted the list? To find every last missing item for himself? But why? What could he possibly need them all for?
May pagmamadaling binuksan ni Mathieu ang kahon ng mga liham. Mula roon ay inilabas niya ang isang di-taling lagayan ng alahas. He loose the tie and poured the pearl earings on his left palm from the pouch. Tinitigan niya ang tila kumikinang na perlas sa kanyang palad. He had been wondering what this pearl could do. He had his assumptions, but there were no enough proofs to conclude it.
"Anong klaseng kapangyarihan ang taglay mo?" seryoso niyang tanong doon kahit na malabo siya nitong sagutin. "At bakit. . . gusto ka niyang makuha?"
THE NEXT DAY, Mathieu did what must be done.
Inakyat niya ang parola at doon itinago ang kahon ng mga liham—eksakto sa kung saan at paano ito nahanap ni Chippy. It was locked, but Priscilla had owned a spare key before, and he had managed to keep it.
Magtatakipsilim na, kaya nagmadali na siya. Sakabilang parte ng gubat siya dumaan dahil nasa bahaging iyon ang bangin. Hindi siya pamilyar sa daan pero nagpatuloy siya sa paglalakad, halos lakad-takbo na ang kanyang ginawa. Hindi alintala ang pawis na nilalabas ng kanyang katawan at mababangis na hayop na maaaring makasalubong niya. There was no trace of fear left in him. He will give what that damn bastard wants.
Nang makarating sa tuktok ay agad siyang biningi ng lakas ng hangin at sinilaw ng gintong liwanag ng paglubog ng araw. He dragged himself forward until the edge of the cliff. Tanaw niya roon ang buong karagatan at mga bangkang pumapalaot ng mga oras na iyon. Nagkalat na ang kulay kahel sa kalangitan at unti-unti na ring humahalik ang araw sa dagat.
Mathieu took a deep breath, filling his lungs with the cool air, then exhaled slowly, allowing the tension in his body to melt away. Hindi niya maipaliwanag ngunit habang tinititigan niya ang paglubog ng araw ay tila pakiramdam niya ay huling beses na niyang mapagmamasdan ito. Ang pakiramdam na iyon ay nagdala ng paninikip sa kanyang dibdib, at pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.
It was already a now or never for him.
He's here.
"You're here." Seryoso ang ekspresyon ng mukha na hinarap niya si Sebas. "I must admit, I almost doubted your sense of judgment." He smirked.
Mula sa sling bag na kanyang suot ay inilabas niya ang kapirasong sulat at maliit na lalagyan ng alahas. "I brought the pearls and the list."
Sebas slowly stepped forward and only stopped midway. "I have a strong feeling you shall not let me have it so easily. What is it that you desire?"
"Tell me, about these pearls. . . and what they can do."
Sebas seemed to give it a thoughtful moment before giving in. "Lágrimas de almas y promesas eternas," pausing, his gaze serious and obdurate.
Mathieu translated it on his mind. It means, tears of souls and undying promises.
"Those pearls possess the power to bind the owner's soul to their loved one," Sebas continued. "With each rebirth, the souls return, bearing the weight of pain and unfulfilled promises. . . eternally entwined with one another. . . bound by their fates."
"It means, this was not our first life?"
"Unfortunately," his answer was sardonic.
Mathieu's brows creased. "What do you need this for?"
"It is plainly beyond the bounds of your concern. Now, hand me down the pearls. . . and the list."
Sebas stepped forward but stopped when Mathieu stepped back, almost at the edge of the cliff. One wrong move and he will fall to his demise. And clearly, judging by Sebas's terrified wide eyes, he hadn't expected that.
"Don't—"
"Tell me who you are and my connection to Iesus if you want these." Itinaas niya ang hawak na lagayan ng alahas at papel sa ere. "Now!" he commanded.
"Indeed, you certainly know how to play this game, Mateo."
"Who is Iesus? And what connects me to him?"
"Nice try."
Nanlaki ang mga mata ni Mathieu nang biglang nawala ito at bumungad na lang bigla sa kanyang harapan. Mabilis na nahawakan ni Sebas ang kanyang dalawang palapulsuhan. "I-it can't be—" hindi makapaniwalang usal niya.
Umangat ang sulok ng labi nito sa mapang-asar na ngiti. "Everything is possible, Matt."
Hindi siya nagbawi ng tingin. Wala man siyang kapangyarihan ngunit may utak siya. "Yes, everything is possible." Binuka niya ang kaliwang kamay at hinayaang ilipad ng hangin papunta sa dagat ang kapirasong papel.
Sebas stared at him in utter disbelief, then at the piece of paper slowly drifting away, his grip loosening.
"I know you wouldn't tell me the truth." He kicked him out with force, throwing Sebas on the ground. He held the pouch near his heart. "And I vow that no one in this town will know the truth." Mathieu smiled, a bittersweet calm settling over him, before allowing himself to fall from the cliff.
"Matthaeus!!!"
He closed his eyes and waited until he could never open them again. It was the only plan Mateo had on his mind.
PRESENT
"THE BABY is healthy, Vier." May ngiting pinagmasdan niya ang sonogram sa kanyang kamay. Kausap niya sa cellphone si Vier. Kagagaling niya lang sa clinic ng kaibigan na doktora ni Vier—si Dra. Eve Mendez at pabalik na siya ngayon ng silid ni Mathieu. "Maha, will be here. Sinend ko sa kanya ang pinabibili na mga vitamins ni Dra sa akin. May pharmacy naman dito pero gusto niyang siya ang bumili para raw hindi ako mapagod."
"Hindi ba busy si Maha?" Ramdam niya ang pagkunot ng noo ni Vier sa kabilang linya.
"Marami raw siyang time ngayon." Her lips twitched and eyes turned to slits. "Hayaan mo na't nagdadahilan lang ang isang 'yon na makadalaw kay Juan dito sa ospital."
Natawa sa kabilang linya si Vier. "Point taken."
"Sige na, ibaba ko na 'to at mukhang busy kayo riyan sa bahay ni Sus. Balitaan mo na lang ako."
"Sure. Thanks."
End call.
Huminto muna siya sa paglalakad para mailagay sa loob ng sling bag niya ang cellphone at prenatal booklet niya. Nagpa-discharge na siya kahapon. Iyong tatlo lang ang bukas pa magpapa-discharge. Kailangan pa raw ng tatlo ng sapat na pahinga. Well, it was only Juan and Simon who insisted it. Wala lang magawa si Andrew dahil iyon din ang pinilit ng kuya nito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, malapit naman na siya sa kwarto ni Mathieu. As she have heard, only Lola Mara often visited her grandson. In fact ay naabutan niya si Lola Mara kanina. Hindi siya nagpakita dahil hindi naman siya kilala ng matanda. Nahiya rin siyang lumapit at magpakilala rito. Sa kuwento ni Vier, pinalabas nilang nasangkot sa isang aksidente si Mathieu kasama sila—a car accident. Hindi lamang lumabas ang balitang iyon dahil sa impluwensiya ni Iesus.
Late na rin nilang naipalam iyon kay Lola Mara para hindi masyadong mag-alala ang matanda. Nabanggit nga sa kanya ni Vier na minsang naikuwento ng matanda rito ang kagustuhan nitong madalaw sana si Mathieu ng mga magulang at mga kapatid nito. Pero sa ilang beses na pagdalaw ni Lola Mara ay bigo itong maisama ang pamilya ni Mathieu.
Just by thinking about it, Chippy couldn't help but remember Mateo's life in 1935—his longing for his family to love and accept him. Nakakalungkot isipin na hanggang sa panahon na ito ay mailap pa rin kay Mathieu ang pagmamahal na inaasam nito. When will his family realized how lucky it is to have a son like him?
Ramdam niya ang biglang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata at paninikip ng kanyang dibdib. Simula nang makarating sila sa 1935 ay naging kahinaan na niya si Mathieu. Iiyakan na niya lahat ng mga malulungkot na bahagi ng buhay nito. Kasi alam niya sa puso niya, that he was a goon son worthy of love.
"Ay ano ba 'yan?!" Huminto siya, marahas niyang pinunasan ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata. "Kung ayaw nila sa papa mo, anak, ay tayo ang magmamahal sa kanya." Inilapat niya ang isang palad sa kanyang tiyan. "Lulunurin natin ang papa mo sa pagmamahal. Hinding-hindi natin siya pakakawalan. Atin lang siya habambuhay."
May ngiting sumilip sa kanyang mukha. The thought of hearing their child call Mathieu "papa" melts her heart. It sounded so beautiful in her ears.
Iginala niya ang tingin sa buong pasilyo, pamilyar na sa kanya ang daan. Alam niyang nasa pasilyo na siya kung na saan ang silid ni Mathieu. At hanggang sa makarating siya sa harapan ng pinto ng silid nito ay nakangiti siya. Hindi man niya sigurado kung kailan magigising si Mathieu, pero maghihintay siya—sila ng anak nila.
Pinihit niya ang knob ng pinto pabukas, dahan-dahan, at nang mag-angat siya ng mukha ay nabato siya sa kanyang kinatatayuan. Namilog nang husto ang kanyang mga mata, hindi siya makapaniwala, at pakiramdam niya ay huminto sa pagtibok ang kanyang puso. Humigpit ang hawak niya sa knob ng pinto.
"Chi. . ."
May kumawalang hikbi sa kanyang bibig nang marinig ang boses ni Mathieu. Nanginginig ang isang kamay na naitakip niya ito sa kanyang bibig. Tuloy-tuloy ang paglandas ang mga luha sa kanyang mga mata habang pilit na kumakawala ang malakas na hagulgol sa kanyang bibig.
Nakasandal ang likod ni Mathieu sa headboard ng kama nito at tila kanina pa siya hinihintay.
A smile slipped on his face. "I'm home."
Humahagulgol na tinakbo niya ang distansiyang pumagitna sa kanila at sinugod ito ng yakap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro