Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 64

"BECAUSE you're pregnant."

Chippy blinked, she couldn't seem to process what Vier had said. Siya? Buntis? That's impossible.

She shook her head in disagreement. "No, imposible iyon." Tinitigan niya nang husto sa mga mata si Vier. "I took a pregnancy test before—in fact—I did the test before I made the whole fake pregnancy news with the entire family. I already knew that I wasn't pregnant though there were signs, Vier—and that—that pregnancy test confirmed that I wasn't pregnant at all. Kaya imposible. . ." Napahawak siya sa kanyang tiyan. "Na buntis ako," she uttered in almost a whisper.

"False negatives can occur for many medical reasons, Chi," Vier said, his tone steady but with unspoken urgency. "One of the most common is testing too early. I can't go into the specifics, as it's outside my expertise. But. . ." He paused, locking eyes with her, his gaze intense. "I can see through you."

Chi's breath caught as Vier's words seemed to hang in the air.

"Chi, there's another life within you," Vier continued softly. "A glowing heartbeat, faint but undeniable. I already did the initiative of confirming it for you, just to ensure that no medical procedure could jeopardize your health. . . or the baby growing in your womb."

Kusang naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata. She couldn't believe it, but at the same her heart rejoices. Sa sobrang galak ng puso niya ay gusto na lamang niyang umiyak sa sobrang saya. It was as if she had brought her baby from the past into the present, just like how she prayed for. Naibaba niya ang kanyang mukha sa kanyang tiyan at may pagmamahal na inilapat nang maayos ang mga palad sa hindi pa halatang umbok ng kanyang tiyan.

"I didn't lose our baby, Vier."

"Chi—"

Nag-angat siya ng kanyang luhaang mukha at ngumiti. "Our child came home with me."








TAHIMIK na pumasok si Chippy sa silid ni Mathieu. Hinila niya ang malapit na silya palapit sa gilid ng kama at naupo roon. She reached for Mathieu's hand, gently clasping it, then leaned her elbows on the side of the bed, resting her cheek against his palm as she gazed at his peaceful face.

Tatlong araw na ang lumipas simula nang magising siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Mathieu. Sep already found Amora and Iesus, nakasalubong ng mga ito ang pinsan niya na karga sa likod nito ang walang malay na si Amora sa kalagitnaan ng gubat sa likod lamang ng parola.

Amora had woken up a few hours before Sep found them, nag-alala pa sila na baka magaya ito kay Mathieu pero laking pasasalamat nila na nagising agad ito. Now, they were just waiting for Mathieu to wake up.

She had been waiting for him to come home with them. Alam niyang matutuwa ito kapag nalaman nitong totoong magkakaroon na sila ng anak. . . and that her pregnancy scare were true after all. He had always been his dream to become a father.

"Math, please, wake up. I need you here with me. We need you. . . kami ng anak mo. Nandito na kami. . . ikaw na lang ang hinihintay namin," her voice broke at the last word. Tears streamed in her eyes, kasabay no'n ang pagyuyog ng mga balikat niya. "H-hindi ko alam. . . ang gagawin ko kapag. . . k-kapag nawala ka sa buhay namin. Kaya pakiusap, gumising ka na. Gumising ka para sa amin."

Pakiusap, umuwi ka na sa amin ng anak mo.







Marso, 1936

Mathieu stood in the familiar old nipa hut, deep within the lighthouse forest. It stopped in different moments—dates he could no longer remember exactly, yet his mind was being flooded with memories. Each memory was a shard of Mateo's sufferings—his rage, his pain, and the crushing weight of despair that allowed him to feel the darkness Mateo had lived after Priscilla's death.

Tuluyang bumigay ang mga tuhod niya at siya ay napaluhod sa kawayang sahig. Bumaba ang kanyang tingin sa kanyang marumi at sugatang mga palad na hindi na nagagamot. Bumagsak doon ang butil ng mga luha kasabay nito ang malakas na hikbi na kumawala sa kanyang bibig at ang pagyugyog nang husto ng kanyang mga balikat.

The air around him felt heavy and suffocating as if the world itself mourned alongside with him. He wept like a lost child in the forest—a child who had lost his family. . . and home. Each cry was a desperate plea for something he could no longer bring back. It presses deep within his soul, deafening the silence around him.

He felt betrayed.

And stupid.

All he ever wanted was to be accepted, to be loved,  and to have a family of his own. But once again, his mother had taken that hope away from him, ruining everything he had tried to build for himself. Not only had she abandoned him as her son, pero pinatay rin nito ang kanyang mag-ina. Naikuyom niya ang mga kamay at malakas na sinuntok ang mga ito sa kawayang sahig. Bahagyang bumigay ang parte na iyon at dumugo ang kanyang mga kamay. Ngunit tila namanhid na ang kanyang katawan upang makaramdam pa ulit ng anumang sakit.

If his mother did it out of love, she should have allowed him to be free and to choose what makes him happy. Ngayon ay wala na siyang mukhang maihaharap sa mga de Dios. Paano niya magagawang ipagtapat na ang sarili niyang ina ang pumatay kay Priscilla at sa anak nila? Kaya dapat ay wakasan na lamang niya ang kanyang buhay.

Tumayo si Mathieu at humagilap ng kung ano mang matulis na bagay na maaari niyang gamitin. Hinalughog niya ang bawat kasangkapan sa kusina pero wala siyang nakita. Malakas siyang napamura at isa-isang inihagis ang mga gamit doon sa sahig.

Marahas siyang naglakad papunta sa kawayang mesa at sinira ang pagkakaayos ng mga kahon at mga papel roon hanggang sa makapa niya ang isang punyal. Bahagyang umikot ang kanyang paningin at nabitiwan ang punyal, nasagi niya ang isang kahon ng kanyang bisig at sumabog ang laman nito sa sahig. May diin ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa pagkatapos upang makakuha ng lakas at hindi tuluyang matumba. Muli ay naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata nang makita ang sulat kamay ni Priscilla mula sa mga liham na kumalat sa sahig.

Dumaosdos ang kanyang katawan at tuluyan nang napasalampak ng upo sa sahig. Inabot niya ang panyo na may burda ng sampaguita at inilapat sa kanyang dibdib. Humihikbing ipinikit niya ang mga mata habang inaalala ang mukha ng kasintahan. Ang kanyang pinakamamahal na hindi na niya makikita at makakapiling pang muli.

"S-sana. . . sana ay matagal ko nang binasa ang iyong mga sulat, mahal ko. Sana ay una kitang nakilala. . . upang maaga kitang minahal."

Patawad.

Patawarin mo sana ako, mahal ko.




NAGISING si Mathieu sa ingay ng bolang paulit-ulit na binabato sa kubo at ng matinding sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Naimulat niyang bahagya ang mga mata habang nakaharang ang isang braso roon. Kumislot ang mga mata nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang sintido. Damn it! May inis na bumangon siya at atubiling bumaba ng silong upang maharap ang kung sino mang nambubulahaw sa kanya nang ganitong oras.

"Magandang umaga po," masiglang bati ng isang boses ng batang lalaki.

Nagising yata ang buong kaluluwa niya nang luminaw sa paningin niya ang isang pamilyar na batang lalaki na may kulot na itim na buhok, morenong balat, kulay tsokolate na mga mata, at mahahabang pilik mata na nakatayo malayo sa kanya. The kid was holding a woven rattan ball.

Niño?

"Hey kid—" Bigla itong tumalikod at tumakbo papunta sa gubat. "Niño!" sigaw niya. Sinundan niya ito ng takbo hanggang sa masukal na gubat. "Shit!" napamura siya nang maramdamang may tumusok na kahoy sa tagiliran niya na siyang nagpahinto sa kanya. "Damn it!" muli niyang mura nang matanaw na malayo na ang bata sa kanya. "Niño, hintay!" sigaw niya muli, at humabol siya rito. Hindi siya sumuko sa paghahabol pero dinala lang siya ng paghahabol niya sa dalampasigan.

Agad na yumakap sa kanya ang malamig na simoy ng hangin at halimuyak ng alat ng dagat. Pinagpapawisan at habol ang hininga na naigala niya ang tingin sa paligid. Ang marahang hampas ng alon sa buhanginan ay tila isang mahinang himig na tumagos sa kanyang tainga, ngunit sa kabila ng tunog na nililikha ng kalikasan ay tila pakiramdam ni Mathieu ay ang tahimik ng mundo.

Sa hindi malamang dahilan, dumako ang tingin ni Mathieu sa bangin na pumagitna sa dalawang dalampasigan. May puwersang tumutulak sa kanya na pumunta roon pero hindi niya alam kung bakit.

Ibinalik na lamang niya ang tingin sa laot, mula sa kalayuan ay may natatanaw siyang mga bangka. He let out a heavy sighed and turned his back from the sea. Kalmado niyang tinahak ang daan pabalik sa kubo ngunit habang naglalakad ay nahulog naman siya sa isang malalim na pag-iisip. Binaybay niyang muli ang mga pangyayari bago siya humantong sa kubo sa masukal na gubat ng parola.

Mateo didn't see who killed Priscilla but he found his mother's necklace in the de Dios ship. He confronted his mother and found out the truth. The truth that shattered Mateo completely. His father begged him to hide the truth from the de Dios, lalo na't tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip ang ina nito. Walang alam si Dimitreo sa nangyayari sa pamilya nito dahil mas pinili ni Mateo na itago ito sa kapatid. Despite his dissapointment and hatred for his mother, he couldn't destroy the image Dimitreo had of her.

Kaya sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng mga Valdevielso, mas pinili ni Mateo na talikuran ang pamilya at hayaan ang ama at kapatid nito ang gumawa ng paraan upang masagip ang hacienda. Ilang linggo simula ng pagkamatay ni Priscilla ay lumabas si Temyong upang akuin ang kasalanan. At hanggang doon lamang ang memorya na mayroon si Mateo.

Kung sino man ang taong nasa likod ng pag-ako ni Temyong sa kasalanan ng ina ay may duda siyang kasabwat ng kanyang pamilya ang makapangyarihang mag-aalahas. Lalo na't malinaw sa kanyang isip kung gaano nito napapasunod sa kamay nito ang grupo nila Temyong.

Ngunit may isa pang bagay ang nagpapabigat sa kalooban niya ngayon—si Xersus. Simula nang masaksihan nito ang pagkamatay ng pinakamamahal na tiyahin ay naging tahimik na ang bata at laging tulala. Hindi na rin ito nagsasalita.

Huminto siya sa paglalakad at nag-angat ng tingin. Nakabalik na pala siya sa kubo. Kung tama ang pagkakabilang niya ay magta-tatlong buwan na siya rito bilang si Mateo. At araw-araw ay nararamdaman niya ang pagdurusa ni Mateo sa kubong ito. Bumuga siya ng hangin at pumasok na muli sa kubo.

Nang balikan niya ang mesa ay doon lamang niya napansin na may mga sulat doon—sulat na hindi niya maalalang sinulat niya. Isa-isa niyang dinampot ang mga papel, sulat kamay nga iyon ni Mateo. Kapansin-pansin ang marahas at mabilis na paraan ng pagsusulat nito sa mga liham. Liham na sinulat nito sa linggwahe na Spanish at may iilan din doong sulat sa salitang French.

His forehead creased. "These letters are familiar." Naiintindihan niyang buo ang nakasulat doon pero hindi pa niya binabasa lahat. "Did the time jump again? Why couldn't I remember I wrote this?"

Although there were fragments of memories in his head that showed Mateo writing this during the night, it may sound weird, but this is how things work here. Mathieu chose one letter and kept the others behind it. Binasa niya iyon nang buo sa pagkakataon na iyon. At agad niyang napansin na may kakaiba sa paraan ng pagkakasulat no'n.

Nagsisimula ito sa pagkukwento tungkol sa pagmamahal nito kay Priscilla ngunit sa kalagitnaan nito ay nagbabago ang tuno ng sulat at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari na naganap sa panahon ng 1935. Sa sulat na iyon ay ibinahagi ni Mateo ang tungkol sa mag-aalahas na siyang utak ng mga kababalaghang nangyayari rito sa Pueblo de Liloan upang mapabagsak ang mga de Dios. At sa huling dalawang talata ng sulat ni Mateo, bumalik ang pagkukuwento nito tungkol kay Priscilla at ang pag-aasam nitong makita itong muli. Nagtatapos ang liham nito sa mga katagang 'Siempre tuyo', which means 'Always yours'.

Sinuno niyang basahin ang ibang mga sulat ni Mateo at ganoon pa rin ang mga estilo ng pagkakasulat ng mga talata nito. Nakatago pa rin ang mga mahahalagang impormasyon sa kalagitnaan ng sulat nito. Pati ang kung sino ang tunay na pumaslang kay Priscilla at kung bakit nawala itongg parang bula.

He finished the rest, stunned into silence. He realized that if he had been able to find these letters before Chi, he could have found out the truth. Ito pala ang rason kung bakit pinapahanap ito ng lolo niya, dahil nakasulat sa liham ni Mateo na hanapin ito sa isang parola sa norte at ibigay sa mga de Dios. And it's because, these were literally the truths that Mateo had hidden in his old love letters.

Napakurap si Mathieu, ramdam niya ang biglang pagkawala ng lakas ng mga binti. Kaya bago pa siya tuluyang matumba ay hinagilap niya ang silya at naupo roon. Bumaba ang tingin niya sa mga sulat sa kanyang kamay—still dumbfounded.

All this time. The truth was just inside these letters. Pero bakit nakalimutan ng lahat ang tungkol sa nangyari rito sa Pueblo de Liloan—kay Priscilla at Mateo? Who erased the memories of the people in this town?

Bumalik sa mesa ang kanyang tingin, lalo na sa kahon. It was the same medium size chest box that secured the letters until the present. Inabot niya ito at napansin ang lumang larawan at perlas na hikaw.

So, Mateo did really keep the pearls. He didn't return it to the de Dios. O baka, isasauli pa lamang niya kasama ng mga katotohanang isinulat niya.

He took the photo and the pearl earings remained in the box. In his amazement, hindi pa pala nasisira ang larawan na iyon—and it was Mateo and Priscilla's photo. Kung paanong nasira iyon sa hinaharap ay mananatiling palaisipan na lamang sa kanya. Or maybe the years that passed had worn the photo down, so no one will recognize Priscilla and Mateo's forgotten fate.

Muli siyang nahulog sa isang malalim na pag-iisip ngunit sandali lamang nang may marinig siyang pagkatok mula sa pinto. Agad na alarma si Mathieu at mabilis na ipinasok sa kahon ang mga sulat. Hindi na niya inabalang ibalik sa mga sobre ang iba roon.

"Magandang hapon po." Boses iyon ng isang batang lalaki.

Natigilan siya, 'magandang hapon?' Sa pagkakaalala niya ay umaga pa nang makita niya ang batang si Niño kanina. Ngunit, iba ang timbre ng boses ng bata. Hindi katulad ng kay Niño.

Bumaling siya sa may bintana, tila lumamlam ang liwanag ng araw, hindi kagaya kanina na tirik na tirik. Damn, he was right. The time fastfoward again without him noticing it.

"May tao po ba?" Lumingon si Mathieu sa may pintuan at nakita ang batang si Pol. Sa kabila ng magulo niyang ayos at mahabang buhok at lumalagong barbas ay halata sa mukha nitong namumukhaan siya ng bata. "K-kuya Mateo?"

"Pol."

"Kuya Mateo!" malaki ang ngiting tuluyan itong pumasok at lumapit sa kanya, "Nandito lamang po pala kayo. Pero ano pong ginagawa ninyo rito?"

"Pol, mahabang kuwento," lumuhod siya sa harapan nito, "ngunit inaasahan ko mula sa'yo na mananatili itong lihim sa pagitan nating dalawa."

"Makakaasa po kayo, pero pinapahanap po kayo sa akin ni Xersus."

"Ni Xersus? Bakit kamo?"

"May sasabihin po siya sa inyo. Kaso, hindi po siya makalabas sa mansion."

"Kumusta siya? Ayos lang ba siya? Nakakapagsalita na ba ulit siya?"

Tipid na ngumiti si Pol. "Tahimik pa rin po siya, Kuya Mateo pero maayos naman ang kalusugan niya. Kaya lamang po, lagi siyang dinadalaw ng mga masasamang panaginip at bigla-bigla na lamang umiiyak."

Napabuga ng hangin si Mathieu. "Ganoon ba."

"Ngunit, araw-araw po akong naghahanap sa inyo. Ang sabi po ng isang katiwala sa pamilya n'yo ay matagal ka na raw umalis sa mansion."

Kumunot ang kanyang noo. "Pero paano mo ako nahanap dito?"

"May isang bata po akong nakasalubong kanina. Napulot ko po kasi ang bola niya tapos sinauli ko sa kanya." Naisip niya agad si Niño. Walang ibang batang may dala lagi ng bola kundi ang batang iyon. "Nagtanong po siya sa akin kung may hinahanap ako. Tapos sabi ko po ay oo. Sinabi niya sa akin na sundan ko lang daw po lahat ng puno na inukitan niya ng bituin at matatagpuan ko ang hinahanap ko."

"At dito ka dinala ng mga punong may nakaukit na mga bituin?"

Sunod-sunod na tumango si Pol. "Opo, hindi ko nga po alam na may kubo pala rito. Akala ko po ay naligaw na ako. Salamat sa Dios at ginabayan Niya po ako. Pero, Kuya Mateo, dapat n'yo po puntahan si Xersus. Ang balita ko po kasi ay aalis na sila sa Pueblo de Liloan at pupunta na ng Europa."

"Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila, Pol. Hayaan mo na lang ako rito."

"Ngunit importante po ang kanyang sasabihin sa inyo."

"Mas makakabuti para sa kanya na huwag na akong makita, Pol." Tipid at may lungkot ang ngiti niya rito. "Malaki ang kasalanan ko sa kanya."

Kumunot ang noo ng bata. "Ano pong kasalanan ninyo?"

"Hindi mo na kailangang malaman—" Natigilan si Mathieu nang marinig ang kaluskos ng kung sino sa labas ng kubo. Agad na inilapat niya ang isang daliri sa labi at pinaupo si Pol. Inabot niya ang kahon ng mga sulat mula sa mesa at pinahawak sa bata.

"Kuya Mateo, bakit po?" mahinang tanong nito, bumakas agad ang pag-aalala sa boses at mukha ng bata.

"Shsh. Manatili ka lang rito."

May pag-iingat na lumapit siya sa bintana at sumilip doon. Napalunok siya nang makita ang likod ng isang lalaki na nakatayo sa harapan ng bahay. Agad na nakaramdam siya ng pangamba.

Standing with his back to the house. The mysterious man was dressed in a white suit that clung to his tall frame and matched his hat and shoes. He gripped a cane in one hand, giving his presence an opulent authority. Bahagya itong gumalaw upang ibaling ang tingin sa kaliwa nito, gamit ng libreng kamay ay binaba nito nang bahagya ang suot na sombrero upang matakpan ang kalahati ng mukha nito.

Masama ang kutob niya sa lalaking iyon. That hat. He will never forget that hat. He knew it belongs to that scheming jeweler.

Binalikan niya si Pol at lumuhod muli sa harapan nito. "Pol." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. His gaze on the child intense. "Tulungan mo ako."

Tumindi ang takot sa mukha ng bata. Ayaw man niyang masali ito pero si Pol lang ang makakatulong sa kanya ngayon.

"Kuya, natatakot po ako sa paraan ng pagkakasabi n'yo sa mga salitang iyan. Bakit po?"

Pilit siyang ngumiti sa bata. "Huwag kang mag-alala, hindi kita ipapahamak." Marahan niyang ginulo ang buhok nito. Damn, he really look like the younger version of James. He shrugged it off. Focus, Mathieu. "Nais ko lang humingi ng kaunting tulong sa'yo."

"Ano po iyon, Kuya Mateo?"

"Itong kahon na hawak mo." Ipinatong niya ang isang kamay doon. "Itago mo ito sa parola." Hindi niya mababago ang nakaraan kahit na gusto niyang ibigay iyon kay Xersus. Ang magagawa lamang niya ay isakatuparan ang mga pangyayari sa nakaraan upang matagumpay itong makarating sa hinaharap. "Umakyat ka sa pinakataas at humanap ka roon ng pagtataguan mo nito."

"Po?"

Iniwan niya ito saglit at nagsulat ng mabilis sa isang kapirasong papel. Tandang-tanda niya kung anong laman ng sulat ni Mateo kay Dimitreo. Umaasa siyang kagaya ng nangyari sa nakaraan ay makakarating din ito sa kapatid ni Mateo. Sinilid niya ito sa sobre bago binalikan si Pol.

"Pol, dalhin mo itong sulat sa kapatid ko." Inabot niya sa bata ang sobre. "Walang ibang dapat makahawak ng sulat na iyon kundi ang Kuya Dimitreo mo lamang. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango ito. "O-opo."

Maingat na pinatayo niya ito at giniya sa malaking cabinet ng damit. "Magtago ka muna rito. Kapag narinig mong wala nang tao sa labas ay magmadali kang lumayo rito. Kahit anong marinig mo ay huwag na huwag kang babalik at lilingon." Binuksan niya ang cabinet at pinapasok doon ang bata.

"Kuya Mateo ako po ay kinakabahan sa iyong mga habilin. Tila po ay may mangyayaring masama sa inyo."

Ngumiti siya sa bata. "Huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko na ang sarili ko."

"Nawala na po si Ate Priscilla. Pati rin po ba kayo ay iiwan kami ni Xersus?" Bumalatay ang matinding lungkot sa mukha nito. "Lalo pong madudurog ang puso ni Xersus kung sakali man pong may mangyari po sa inyong hindi maganda."

"Walang mangyayaring masama sa akin."

"Pangako po?" Itinaas ni Pol ang isang kamay at inilapit ang hinlilit nito sa kanya. Napatitig siya roon. He remember Chi taught Xersus about pink promises. Xersus might have taught Pol about it too. "Kuya Mateo, ipangako n'yo po sa akin na hindi po kayo mamamatay."

I will try to survive Pol. "Pangako." He interlaced his pinky finger with Pol's. "Tell Xersus, I love him." Inilayo niya ang kamay rito at dahan-dahang sinarado ang pinto.

Tumayo siya at hinagilap ang punyal sa mesa. He casually slipped the small knife behind him and walked calmly toward the door. Mula sa itaas ay bumaba siya sa silong. Halatang napansin na siya nito pero hindi ito lumingon.

"Sino ka?" he demanded.

Pinihit nito ang katawan paharap sa kanya. His cane, moved alongside with him. Nakababa ang harapan ng sombrero nito pero halata ang kakaibang ngiti nito. Basing from his physical appearance, he was a foreigner in this country.

"Sino ang nagpadala sa'yo rito? At anong pakay mo?"

With the back of his hand, his unique design of a gold infinity bracelet immediately caught Mathieu's eyes, but the man tipped his hat upward, revealing his face to him. His eyes, a soft shade of purple, contrasted with his copper-colored hair. He possessed sharp features, a striking blend of Asian and Western roots, and cat-like eyes—piercing and untamed.

His presence screams chaos and war—something that doesn't sit well with Mathieu.

"I must admit, I am quite distressed to find that you no longer recognize me, Matt." Natigilan si Mathieu. Hindi niya sigurado kung si Mateo ang tinutukoy nito o siya dahil kung tawagin siya nito ay parang kilalang-kilala din nito ang pagkatao niya sa hinaharap. "It is not as though we did not become good friends in the past."

"Who are you?" he demanded again.

"Sebas," a dark smirk curled at the corners of his mouth, "a dear good friend of your captain, Iesus."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro