Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 63

"CHI!"

Naibuka lamang ni Chippy ang bibig pero hindi niya magawang bumigkas ng salita. Malalim siyang lumunok. Pakiramdam niya ay isang taon siyang hindi nagsalita o inubos niya ang boses kakasigaw. There was this uncomfortable feeling in her throat that she couldn't seem to understand kahit anong gawing hagud.

"Chi, gising ka na rin!" Rin? She repetead in her mind but was distracted when Tor came in. Kagaya ni Aurea kanina ay natigilan din ito sa may pintuan, namimilog nang husto ang mga mata. "Dad, tumawag ka ng doktor dali. Gising na si Chi," baling nito sa asawa.

"I'll call, Vier. Wait for me here."

Tor gave her a small smile of relief saka sila iniwan. Lumapit si Aurea sa kanya. "How are you?" malumanay nitong tanong. In-adjust nito ang recliner ng kama upang maisandal niya nang maayos ang likod doon. "Tubig gusto mo?"

She nodded. Mabilis naman nitong nasalinan ng tubig mula sa glass pitcher ang baso na nakapatong lamang sa mesa sa mini dining room. Her room was probably a suite considering how spacious it was at halos kompleto ang mga gamit.

"Here." Bumalik ito upang maalalayan siyang makainom ng tubig.

The moment the water hit her tongue, she nearly swallowed it in one desperate gulp. Uhaw na uhaw siya na hindi niya maintindihan kaya bahagya siyang nasamid at inihit ng ubo.

"Careful, Chi." Inilayo na ni Aurea ang walang lamang baso.

"W-what. . . happened?" her tone hoarse and strained. Despite her frail state, inabot niya ang isang kamay ni Aurea. "Sabi mo. . . gising na rin?" She cleared her throat. "Are they awake?"

"Oo, Chi, gising na sila." Itinabi nito ang baso sa itaas ng mesa sa gilid ng kanyang kama. Daha-dahan nitong inalis ang pagkakahawak niya rito pero hindi iyon binitiwan hanggang sa bahagya itong makaupo sa maliit na espasyo sa gilid ng kanyang kama. "Kakagising lang nila kanina."

Napangiti siya roon. She was relieved. "How are they?"

"Ayos lang sila. Nandoon ang tatay ni Doc Vier, inaasikaso sila. Magkatulong sila sa pag-aalaga sa inyo habang wala kayong malay."

"I need to see, Mathieu, Au. Help me up." Nagtangka siyang bumangon mula sa kama kahit na may nakakabit sa suwero sa isang kamay pero maagap si Aurea. "Au—"

"Chi, hintayin muna natin sina Doc Vier."

"I'm fine, Au. Alam kong hindi ako naaksidente. I was just asleep for god knows how long." Unti-unti na ring bumabalik ang natural na boses niya.

Nagpumilit pa rin siyang bumangon pero nang lumapat ang mga paa niya sa sahig ay hindi niya naramdaman agad ang lakas ng mga binti. Mabuti na lang at naging maagap sa pag-alalay sa kanya si Aurea at hindi siya tuluyang nahulog at natumba. Nanlalambot ang mga tuhod niya kaya pinaupo siya nitong muli sa gilid ng kama.

Aurea shot her a tense, disapproving look. "Ilang araw kang nakaratay lang sa kama sa tingin mo ay makakatayo ka agad?"

Chippy let out a soft sigh and offered an apologetic smile. "Sorry."

Tipid na ngumiti si Aurea, tanda na naiintindihan siya nito. "Stay here." Iniwan siya nito para kunin ang wheelchair na nakapuwesto lamang sa isang tabi. Tinulak nito iyon hanggang sa kanya. "Hindi man lahat ng problema may solusyon pero may ibang paraan para makalusot." Kahit na mas maliit ito sa kanya ay nakaya pa rin siya nitong maalalayan hanggang sa pag-upo niya sa wheelchair na hindi nasasagi ang suwero sa IV pole.

Napangiti siya. "Salamat, Au."

Mula sa kanyang likuran ay sumilip ang mukha nito sa kanan niyang balikat. Ramdam niya ang paghawak nito sa push handle ng wheelchair sa likuran.

"You're welcome. Saka, ganyan nangyari kanina doon sa tatlo." Aurea drawback her head and she started pushing her forward toward the door. "Sabay-sabay nagising at sabay-sabay na bumaba sa kama at nahulog." Bahagya itong natawa.

Namilog naman ang mga mata niya. "Nahulog? You mean, natumba nang subukang tumayo?"

"Oo. Akala yata nila isang araw lang silang tulog." Binuksan nito ang pinto para sa kanya. Maliban sa pagtutulak sa kanya ay hawak din ni Aurea ang IV pole. "Pero kahit na ganoon ay masaya kaming lahat na gising na kayo." Huminto si Aurea sa tapat lamang ng silid niya. "Ah, nga pala, magkatapat lang pala kayo ng kwarto ni Chef. Noong una ay nasa iisang hospital suite lang kayo pero nagkaroon kasi ng emergency kay Chef kaya mas minabuti na ilipat siya."

Inangat niya ang mukha kay Aurea. "Anong nangyari?"

Mapait na ngumiti si Aurea saka lumipat ng tayo sa tabi niya para hindi siya mahirapang tingnan ito. "Ewan din. Bigla na lang tumigil sa pagtibok ang puso ni Chef noon. Mabuti na lang at naging mabilis ang mga nurse at hindi pa nakakaalis ang tatay ni Doc Vier kaya na-revive siya."

Hindi siya makapaniwala. Mathieu almost died? But how? Dahil sa nalaman ay bigla siyang hindi mapakali.

"Have you checked on him? How is he?"

Kumurap-kurap ito. "Si Chef?"

Sunod-sunod siyang tumango. "Nabanggit mong gising na sila, di ba? Malamang, kasama roon si Mathieu." But Aurea's expression was vogue. Lalo tuloy siyang kinutuban. "Au—"

"Chi, hindi pa nagigising si Mathieu."

Umawang ang bibig niya at napakurap—she refused to believe it. Impossible na hindi pa gising si Mathieu. Sabay-sabay silang napunta sa nakaraan kaya sabay-sabay dapat silang nakabalik sa orihinal nilang panahon.

"No," iling niya.

"Chi—"

"What about Amora and Iesus? Huwag mong sabihing pati sila ay hindi pa nagigising?"

Natigilan at namilog nang husto ang mga mata ni Aurea. That expression doesn't seem like Aurea knew. "Nakita mo sila?"

"Didn't you realize they were missing?" bahagya ang pagtaas ng boses niya, ramdam na niya ang paghigpit ng pagkakakuyom ng mga kamao niya. She didn't mind the sharp sting of the dextrose needle in her hand.

"Chi, calm down." Lumuhod ito sa tabi niya at inabot ang kamay niyang walang nakatusok na swero at hinawakan ito. "Alam namin na nawawala sila. Kahapon pa hinahanap nila Kap at Ser sina Iesus at Amora pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nahahanap. Hindi kabisado ni Kap ang tunnel sa baba kaya sumama na rin si Arki sa paghahanap."

Aurea gently squeezed her hand, reassuring her. Tinitigan lang siya nito sa mga mata. Strangely, there was something in Aurea's gaze that made her begin to feel herself calming down.

"Okay ka na?" malumanay nitong tanong.

Chippy swallowed hard. She was calmed now, but how did Amora and Iesus end up in 1935? At isang araw lang ba silang nawawala?

"You said I was asleep for over a week now?" basag niya. Aurea nodded. "Ilang araw na ba ang lumipas simula nang mawalan kami ng malay?"

"Ika walong araw ngayon."

Eight days?

Binilang niya ang buwan kung kailan sila napunta ng 1935. Kung tama ang pagkakaalala niya. It was April 21, 1935 when Priscilla confessed her feelings to Mateo outside the church and she died eve of December 25. . . meaning, 8 months silang namalagi sa 1935. Namilog nang husto ang mga mata niya. Kung ganoon, katumbas ng isang buwan sa nakaraan ay isang araw sa hinaharap.

Then she remembered LV.

"Au, did LV look for me while I was gone?"

Kumunot ang noo ni Aurea at tila may binabalikan sa isipan nito. "She might have looked for you," sagot nito pagkatapos may makumpirma sa isip nito. "Nabanggit nga sa'kin ni Mang Ben na bumisita si Miss LV noong isang araw pa. Pero hindi ko naman siya nakita sa loob." Namilog ang mga mata ni Aurea at biglang napasinghap. "Shuks! Huwag mong sabihing—"

"Au, I can't explain the full details for now pero bumalik kami sa 1935, magkakasama kaming lahat doon nila Mathieu, Simon, Drew, at Juan. Pero noong patapos na ang taon doon ay napasok sina LV, Iesus at Amora. Kaya kung nandoon sila, malamang ay kagaya rin naman sila na nakatulog nang matagal."

"At ibig sabihin din noon ay nakapasok si Miss LV sa mansion nang walang nakakapansin sa kanya."

"Malamang. Or else, she wouldn't be transported in 1935. I know by now, alam n'yo nang naging portal ang mansion ng pinsan ko." Aurea nodded. "Kaya dapat mahanap din natin si LV dahil baka nandoon lang siya."

"Sige, sasabihan ko si Tor para matawagan niya sina Ser."

Muling tumayo si Aurea at nauna sa pinto sa tapat upang buksan ito. Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman niya habang binubuksan nito ang pinto: pagkalito, kaba, at takot. Malalim siyang lumunok dahil pakiramdam niya ay pigil niya ang kanyang paghinga. Agad na umakyat muli ang takot at kaba sa puso niya nang tuluyan nang bumukas ang pinto ng silid nito. Naiangat niya ang isang kamay sa kanyang dibdib, nagsisimulang manikip iyon.

Aurea pushed the wheelchair to the side of Mathieu's bed. The monitors beeped steadily in the background, assuring her that Mathieu was still alive, but hadn't woken up yet. His face was pale and his body was unnaturally still. Suddenly, she felt all her emotions overwhelmed her.

"Au." Kusa na lamang naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Chi—"

"Au," yumugyog ang mga balikat niya sa pag-iyak, "dapat gising na siya dahil gising na kami."

Bakit hindi pa rin nagigising si Mathieu?

Bumalik sa tabi niya si Aurea nang tingnan ito. Bumakas ang awa sa mukha nito at nasundan niya ng tingin ang muling pagluhod nito sa kanyang tabi. "Chi, hindi ko rin alam. Baka. . . baka mamaya magigising na rin si Chef. Baka. . . nauna lang kayo." Hinawakan nito ang isa niyang braso. "Naalala mo ang sinabi ko kanina? Naunang magising ang tatlo sa'yo, 'di ba?" Lumuluhang tumango siya. "Chi, dumaan muna ng mahigit tatlong oras bago ka nagising. Kaya. . . baka ganoon din si Chef. Kaya tahan na, please." Aurea cupped her face and wiped the tears from her cheeks. "Ayoko na umiiyak ka dahil nasasaktan din ako."

Pero hindi mapigilan ang mga luha niya. Dapat gising na si Mathiue. Dapat kasama na nila ito ngayon. 

"Chizle."

Napalingon siya sa bukas na pinto. Vier stood there, shoulders slumped in exhaustion, but relief washed over his face the moment their eyes met. Mula sa pagkakaluhod ay tumayo si Aurea bago pa man makalapit nang tuluyan si Vier. Lumuhod ito at may pag-iingat na niyakap siya.

"God, Chizle."

"Vier." May pananabik niyang niyakap pabalik si Vier. Like a lost little girl finally reunited with her older brother, she couldn't hold back her tears as she sobbed into his chest. Nang makita ito ay tila ba bumalik sa kanya ang lahat ng mga pinagdaanan niya sa nakaraan at nais na lamang niyang isumbong dito ang lahat. "I'm sorry. . ." pero iyon lamang ang tanging nasambit niya.

"Shsh. You're awake now." She held onto the back of his white coat, her fingers gripping it tightly. "Let it out. I'm here now. We're here now."

Will she ever be okay after what she has discovered? Even now, she could still feel the baby growing inside her despite knowing she had lost it back in 1935. Her heart breaks knowing she couldn't do anything to save her child. . . and Mathieu hasn't woken up yet.

Dahil doon ay mas lalo pang lumakas ang pag-iyak niya at humigpit na may pag-iingat naman ang yakap ni Vier sa kanya.




VIER insisted that she wait in her room until Mathieu wakes up. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito kahit na ayaw niya. Tito Vincent, Vier's father who is also one of de Dios' trusted family doctors came to check on her. Tito Vin assured that she was okay, maliban na lang sa bulungan ng mag-ama kanina. Parang may gusto itong sabihin pero pinigilan ni Vier ang ama nito. Those two are hiding something from her. Sigurado siya roon.

Aurea and Tor left a while ago, uuwi muna raw sa Faro dahil hindi ma-contact ang cellphone ni Balti. Nagri-ring lang din ang cellphone ni Sep sabi ni Vier kaya mas mabuti na puntahan na lang sa Faro. Jude answered Tor's call but told him that Thad must have left his phone at home dahil nahanap nito sa mesa sa kusina ang cell phone nito.

She was left alone after, lumabas muna si Vier, pinuntahan sina Juan, Simon, at Andrew. Naibaling niya ang tingin sa mesa, nakapatong doon ang cellphone niya. Kanina pa siya tulala. Hindi niya rin masyadong naubos ang pagkain dahil wala siyang gana. Hindi niya mapilit ang sarili lalo na't hindi pa rin nagigising si Mathieu kahit dalawang oras na ang lumipas. Ang bagal-bagal ng oras, gusto na niyang matapos ang tatlong oras na paghihintay.

Bumuntonghininga si Chippy saka inabot ang cellphone. Agad niyang hinanap ang number ni LV sa contacts at tinawagan iyon. Matagal bago may sumagot sa kabilang linya pero nagulat pa rin siya nang may marinig na tunog ng paggalaw ng tao mula sa kabilang linya.

"Vee?"

She heard a deep yawned. "Hello?" Namilog ang mga mata niya nang marinig ang boses ni LV. "Wait. Who's calling me?" LV's voice sounded tired and sleepy. Gumalaw na naman ang may hawak ng cellphone at parang tiningnan kung sino ang kausap nito. "'Langya, Chizle Priscilla!"

Bahagya siyang natawa—relieved that LV came back safely and with her ill natured personality intact.

"How are you?"

"How am I? Shit—parang sasabog ang bungo ko." She can already imagine her friend grimacing painfully. But why? "Hindi ko alam kung anong ginawa kong pagtulog at ganito kasakit ang ulo ko. Para akong nakipag-inuman sa sampung satanas."

Hindi niya napigilan ang tawa. "Gaga!"

At mukhang nakahiga lang ito sa kama nito. She wondered how the hell LV came home? "Wala akong matandaan, 'langya iyan!"

Kumunot ang kanyang noo. "Walang natatandaan na ano?"

"Nagising na ako kanina, nakatulog lang ulit dahil ang sakit talaga ng ulo ko. I swear I don't have any idea what I did for the last 2 days and a half. Like, seriously, no fucking clue at all. But I scanned my phone and saw that I sent a message to Nikita 3 days ago informing her that I will take 3 days off from work—the third day is today. So that explains why I didn't receive any calls from work—as if naman busy kami ngayon after all those shits I did that ruined my business. Anyway, going back. . ."

Kung hindi lang siya sanay sa mabilis na pagsasalita nitong kaibigan niya ay baka hindi agad siya makakasunod sa mga sinasabi nito.

"I did leave Nate alone—alone, imagine iyon, Chi. Ganoon ba ako selfish para iwan ang kapatid ko? Well maybe at some point—two days and a half ago, I was selfish. At hindi ko alam kung sinong masamang espiritu ang sumanib sa akin sa nakalipas na dalawang araw kasi alam ko ngayon, ako na 'to."

"Oh, ta's?"

"Luckily, Nate was safe while I was gone. Thank God!" LV groaned in annoyance, probably for herself. "At heto nga, wala akong malinaw na alaala kung saan ako nagpunta sa nakalipas na dalawang araw at kalahati pero may mga candid photos dito sa cellphone ko na hindi ko matandaan kung saan ko kinuha. I'll send those photos later para makita mo rin." LV let out an exasperated sigh. "You know what at this point, pakiramdam ko ay kailangan ko na ng exorcism. Deliverance. Shit." Mukha na naman itong napangiwi sa kabilang linya. "Lintik na bungo 'to ayaw makisama."

Hindi na tumino sa isip niya ang ibang mga sinabi ni LV. She was too caught up with her friend's situation. LV clearly did not remember what happened in 1935; it seemed like someone cleaned the mess on her side. Pero sino?

"Chi, call you later."

Bigla ay namatay ang linya pero sunod-sunod ang notification na natanggap niya sa Messenger. LV sent all the photos to her. Isa-isa niyang tiningnan ang mga iyon. Totoo na mga candid photos ang mga iyon. Mostly photos taken near the shore at sunset. One is inside a bamboo forest. There was also a row of boats docked at the port. . . pero ang mas nahiwagaan siya ay itong vintage mobile kiosk sa tabing dagat na mukhang tindahan ng kung anu-anong abubot—iba't ibang klase ng mga accessories tulad ng salamin, suklay, pantali. . . at ng. . . teka lang, hindi niya makitang malinaw.

She zoomed the photo to have a clear look at this one item quite hidden from her perspective. Naningkit ang kanyang mga mata, masyadong malabo pero pamilyar sa kanya ang hitsura. Is it a dream. . . catcher?

Napasinghap siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto. Dumulas ang cellphone sa kamay niya at nahulog sa kanyang hita.

"Vier—" she choked out upon saying his name.

His eyebrows furrowed, confusion evident on his face as he walked closer. "I'm sorry, I did not mean to startle you. Did something happen? You seem like you have seen a ghost." Vier's face softened and chuckled a little.

Bumuntonghininga siya. "Nagulat lang."

Naupo ito sa silya sa tabi lang ng kama niya. "I thought you were already sleeping."

Ngumiti siya at kinuha muli ang cellphone saka ibinalik sa itaas ng mesa. "Paano ako makakatulog kung hindi pa rin nagigising si Mathieu?"

Napalitan ng lungkot ang ngiti niya. Hinanap niya ang wall clock na nakasabit sa silid at tiningnan ang oras. It was already 9:15 PM—tatlong oras na ang lumipas simula nang magising siya.

"Did you check Mathieu's room before coming here?" baling niya ulit kay Vier.

He gently nodded. "His pulse was still normal, but no sign of consciousness." An apologetic smile crossed his face.

"Sa tingin mo, Vier, naiwan siya sa 1935?"

"He might. . . still be there, Chi."

Ramdam niya ang muling pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Just the thought of it terrified and pained her—Mathieu, alone in 1935, with no one to rely on. Pero bakit? Bakit kailangan pa niyang manatili roon? Tapos na ang lahat, 'di ba?

"Sep still hadn't found Sus and Amora," dagdag nito. "They stopped for the time being and will resume their search tomorrow."

"They were with us." Namilog ang mga mata ni Vier. It seemed like they haven't thought about that possibility. "Bago sila napadpad sa 1935 ay may binabaybay silang daan sa tunnel. Hindi rin alam ni Amora kung gaano na kalayo ang natahak nila dahil madalim ang buong paligid."

"Sus must have known where it was exactly. Bukod kay Lolo Xers ay si Iesus lang ang may kakayahang lakbayin ang lagusan sa ibaba ng hindi nawawala. But I know he didn't tell you why he went there."

Umiling siya. "Kahit si Amora ay wala ring alam."

"Hopefully, she's not hiding something from us as well."

Kumunot ang noo niya. "Bakit, Vier? May paghihinala ka ba kay Amora?"

"Her loyalty isn't to us, Chi. She knows much more than she lets on but remains silent, bound by a loyalty to Iesus that we may never fully understand."

Nahiwagaan siya roon. Vier seemed to imply that Amora is not just a simple woman hired by Tita Cloudia to aid her son's needs at home. That there may be shadows around her and secrets that tied her to the mystery of Iesus' birth.

But what could it be?

"Things will be more complicated if Sus continues to resist telling us the truth." Kinilabutan siya sa sinabi ni Vier. Pakiramdam niya bigla ay may paparating na unos na siyang tuluyang tatapos sa kanilang lahat. "They have already start questioning his actions. If this will continue, it will completely divide us all."

Ramdam niya ang pananaas ng mga balahibo niya sa katawan. Tila biglang mas lalong lumamig ang buga ng aircon sa loob ng kanyang silid kahit pa may suot siyang makapal na cardigan.

"Wala naman siguro sa inyo ang tatryador kay Iesus. Matibay ang pagkakaibigan n'yong lahat. May mga pagkakataaon na hindi kayo nagkakaintindihan pero mabilis n'yo naman nareresolba."

"It's not us that will bring chaos in this friendship, Chi."

"Then. . . sino?"

"Someone is out to destroy what Iesus had started. . . and I have a feeling that he's already out there." Vier's face was filled with fear, his expression strangely unsettling. Lalong nanlamig ang pakiramdam niya, nagsisimula na siyang matakot nang sobra.

Vier had never been this terrified and bothered. Kaya siya natatakot dahil kilala niya ito. Vier always knew what was happening around Faro and when he thinks that something is wrong, he is always right.

"I made a promise with Lolo Xers," pagpapatuloy nito. "I promised to protect our home. To protect you. And Iesus."

Inabot niya ang isang kamay ni Vier at marahan iyong pinisil. "Vier, you don't always need to protect us, but I know you still will." She caught his eyes and gave him a reassuring smile. "But we will be fine. Iesus will be fine. And we're here to protect you. We're family here. At alam kong, iyon din ang gusto ni Lolo Xers. . . na makita niya taong nagtutulungan. We just have to trust each other, okay?"

Nanatili lamang ang tingin nito sa kanya. Dahil doon ay mas lalo niyang napansin ang pagod sa mukha ni Vier. Simula pagkabata ay naging responsibilidad na nito ang alagaan at protektahan sila. Vier had devoted his life in serving the de Dios and she is grateful to have her Kuya Vier in their lives. But despite that, she realized something—something that they had taken away from him.

"But I want to remind you that you also have a life to fulfill, Vier. We are beyond grateful that we have you, pero ayokong maging dahilan ang responsibilidad na iyon para kalimutan mong may buhay ka rin sa labas ng Faro. I want you to be happy and free just like anyone else. Kaya huwag mong kalimutan na unahin din ang sarili mo."

His shoulders slumped, a weary sigh escaping him as he forced a small, bittersweet smile.

"I know," he uttered.

"And I think Iesus is keeping a lot of secrets from us because he didn't want to burden us."

"He's not a burden."

Napangiti siya. "He's just annoying."

Pareho silang natawa ni Vier. "Can't disagree with you with that," he commented after.

"Hay naku! Ang drama ng pamilyang 'to."

There was a short pause before Vier spoke again. "Speaking of drama, there's something important I need to tell you."

"Hmm?"

"You have to start paying attention to yourself, Chi. . . especially, your health."

Naikiling niya ang ulo, medyo hindi niya gets iyon. "Bakit? Mukha ba akong hindi healthy?"

"Not in that sense."

"So, bakit nga?"

"Because you're pregnant."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro