Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 62

This is my birthday gift to Iesus. Happy Birthday, Milord. <3

***

December 24, 1935

AKALA NI CHIPPY ay may isang buong araw pa pero muli na namang bumilis ang takbo ng oras. Nasaksihan niya hindi lamang ang pag-akyat ng araw pati na rin ang mabilis na paglubog nito. Humigpit ang hawak niya sa kapirasong papel na nasa kanyang kamay. Ramdam niya sa buong kaibuturan ng kanyang katawan ang nalalapit na katapusan nilang mag-ina.

Nahigit niya ang kanyang hininga nang tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang paligid kasabay nito ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Napaupo siya sa gilid ng kama, nanginginig ang buong kalamnan, at nanlalamig ang buong katawan.

Nagitla siya sa malakas na kalabog ng pagbukas ng pinto kaya napatingin siya roon—it was Mathieu. Bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalala. Pigil niya ang mga luha sa paglandas sa kabila ng paninikip ng kanyang dibdib. Alam nila pareho na hindi na nila mapipigilan ang mga mangyayari mamaya. Ito na ang magiging huling sandali nilang tatlo.

"Chi—" Mathieu gulped, his strides dragging as he walked towards her.

Mapait siyang ngumiti. "We can't stop it now," usal niya. Pero kahit anong pigil niya sa kanyang mga luha ay kusa pa ring nalaglag ang mga iyon mula sa kanyang mga mata. Lumuhod sa kanyang harapan si Mathieu, held both her hand with the paper still on her hand. "I'm scared, Math," pag-amin niya.

She realized that knowing her death was scarier than being unaware of it. She may not have time to prepare, but at least she wouldn't feel this great fear in her heart.

"I am. . . too," he gave a somber reply.

"I don't think Priscilla died accidentally, Math." Inabot niya ang kapirasong papel dito. He willingly took it from her hand. She saw how he carefully read what was written on it. "Someone killed us in this lifetime."

Nag-angat ito ng mukha, umigting ang panga, at bakas ang seryoso sa ekspresyon ng mukha nito. Halata ang pagpipigil ng galit nito sa pagkuyom ng mga kamao nito. Tuluyan nang nilakumos ng kamao nito ang sulat.

"We don't have much time!" narinig niyang sigaw mula sa bukas na pinto, sabay silang napatingin doon—si Noah. Bakas ang galit sa mukha nito, na tila ba may nakarating dito na masamang balita. "Mateo, alalayan mo ang aking kapatid at bumaba na kayo ngayon din." Pumasok ang grupo nila Andris, kasama sina Simon at Juan. May pagmamadaling isa-isang hinakot ng mga ito ang mga gamit sa loob.

Tumayo si Mathieu at inalalayan siyang makatayo mula sa gilid ng kama. "Anong problema, Noah?"

"Ipagpaliban n'yo muna ang mga tanong. Kilos na." Iyon lamang at iniwan na sila ni Noah.

Bumaling si Simon sa kanila, na siyang natira. Lumapit ito sa kanila na may seryosong mukha. "Chef, narinig ko mula kay Andris na kumikilos daw ang grupo nila Temyong para makaganti kay Mateo. Sa ngayon ay hindi pa alam ng mga gago na ngayon ang alis n'yo kaya uunahan daw natin ang grupo nila bago pa makapanggulo."

Humawak siya sa braso ni Mathieu. "Kung ganoon ay dapat umalis na tayo at baka maabutan pa nila tayo rito."

"Iyon din ang naisip ni Noah," sagot ni Simon. "Si Julian na raw ang bahala rito sa mansion. Kaya tayo na."

Bigla siyang may naalala. "Teka! Paano sina Amora at Iesus?" Hindi nila puwedeng iwan ang dalawa rito.

"Pinuntahan ni Andeng, sabay-sabay na silang pupunta sa daungan. Juan will meet them there. Mauuna na rin silang sasampa sa barko para makapagtago." Nagkatinginan sila ni Mathieu bago ibinalik ang tingin kay Simon. "Let's go."

Tumango silang dalawa ni Mathieu kay Simon saka sumunod dito.







"MAG-IINGAT KA, HA?" Ramdam ni Chippy ang paghigpit ng yakap ni Amara sa kanya, mahigpit ngunit may pag-iingat. "Mangungulila akong labis sa iyo," gumaralgal ang boses nito.

Bumalik ang bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya napigilan ang sariling mga luha. "Labis din akong mangungulila sa iyo," tugon niya sabay kalas mula sa mainit na yakap ni Amara. Sa kabila ng mga luha ay ngumiti siya sa kaibigan. "Ngunit masaya ako para sa iyo. Alam kong mamahalin ka nang sobra ni Kuya Julian. . . ni Xersus. . . at ng buong pamilya ko. Hindi mo rin mararamdaman ang pagkawala ko—" tila may bumara sa lalamunan niya, pero ngumiti pa rin siya. " —ng ilang buwan."

Bumaba ang kanyang kamay sa malaking umbok ng tiyan nito. "She will be as beautiful as you."

Namilog ang mga mata ni Amara. "A-anong ibig mong sabihin doon, Pri?"

"Magsisilang ka ng isang napakagandang bata at papangalanan mo siya sa isang napakagandang bulaklak."

Napangiti si Amara. "Isang supling na babae nga ang nabanggit sa akin noon ng lola ni Pol. Binanggit niyang magkakaroon ito ng napakagandang asul na mga mata na minana pa nito sa ninuno ng kanyang ama."

Tumango siya at muling niyakap ang kaibigan. "Mag-iingat ka."

"Ipagdarasal ko ang iyong kaligtasan palagi, aking kaibigan. Hindi ko man batid kung kailan ulit tayo magkikita ngunit nakakasiguro akong hindi rin iyon magtatagal. Hintayin mo ako, ah."

Tumango siya sa kabila ng kanyang mga luha. Mimimiss niyang sobra si Amara. Ito ang naging kaibigan at karamay niya sa panahong ito. Kaya sobrang bigat na iwan ito. . . lalo na't mabibigo niya ang kaibigan. Ito na ang huling beses na mayayakap niya ito nang mahigpit ng ganito dahil ang susunod na balitang matatanggap nito tungkol sa kanya ay ang kamatayan na niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya rito para ikulong ang luhaan nitong mukha sa kanyang mga palad.

"Magkikita ulit tayo," garalgal ang kanyang boses. "Pangako ko iyan." Marahil hindi na sa panahong ito pero aasa siyang magkikita ulit sila ni Amara.

Lumuluhang tumango ito. "Aasa ako."

Pinakawalan niya ito upang ang ina naman niya sa panahong ito ang yakapin. "Mama," iyak niya sa dibdib nito. "P-paalam na po."

Ramdam niya ang magaang paghagod nito sa kanyang buhok at ang mainit na yakap nito sa kanya. When her mother died in her present life, she wasn't able to hug her mother like this for the last time. And it's heartbreaking to think that in this lifetime, instead of her losing her mother. Her mother ends up losing her—me. Life was really ruthless to this family.

"Mahal na mahal kita, anak."

"M-mahal na mahal din po kita, Mama."

Bahagya itong kumalas ng yakap sa kanya para matingnan nang buo ang kanyang luhaang mukha. Hindi niya napigilan ang paghikbi nang tingnan ito. Mama, hikbi niya sa kanyang isip. Kung may paraan lang para makapiling niya ito sa panahon kung saan maaari silang mabuhay na masaya at payapa ay gagawin niya. . . ngunit alam niyang mahirap kalabanin ang tadhana lalo na kung ito ay nakatakda na. Kahit sa maikling panahon niya rito, napunan ang pangungulila niya sa ina.

"Ingatan mo lagi ang iyong sarili, anak," wala pa man ay may labis nang pangungulila sa ngiti nito. "Baunin mo sa iyong puso ang pagmamahal ko sa iyo. . . sapagkat kailanman ay hindi ito magmamaliw kahit ilang panahon pa ang lumipas."

"Mama. . ."

Hinalikan nito ang kanyang noo. "Hanggang sa muli nating pagkikita, anak ko." Pinakawalan na siya nito. "Sige na, umalis na kayo."

"Mag-iingat kayo, hija," ni Tiyo Jose.

"Susunod kami," dagdag ni Julian.

"Si Xersus?" Hinanap niya ang bata sa paligid pero wala ito. "Na saan siya?"

"Nasa silid nito, nagtatampo," sagot ni Julian. "Ngunit, hayaan n'yo na muna ang batang iyon. Ang kanyang pagtatampo ay lilipas din."

"Huwag ka nang mag-alala, Pri. Ako na ang bahala sa anak namin," Amara assured her.

"Salamat."

"Aalis na kami," paalam ni Noah, lumapit ito para yakapin ang ina. "Susulat ako lagi." Saka kumalas ng yakap dito.

"Paalam at maraming salamat," basag ni Mathieu, nakaalalay na sa kanya. "Ako na po ang bahala sa mag-ina ko."

"Alagaan at protektahan mo sila, Mateo," pakiusap ni Tiyo Jose. Tumango lamang si Mathieu. "Gabayan nawa kayo ng Dios sa inyong paglalakbay." Bumaling ito kay Noah. "Noah, hijo, ikaw na ang bahala sa kanila."

"Opo, Tiyo."

"Tara na," udyok sa kanya ni Mathieu papunta sa auto ni Noah. Inalalayan siya nito hanggang sa makapasok siya sa likuran ng sasakyan. Si Noah naman ang naupo sa likuran ng manibela, katabi ni Mathieu.

At nang pinaandar na ni Noah ang sasakyan at unti-unti na silang lumalayo sa malaking bahay, mas lalong tumino sa isip niya na iyon na ay huling beses na makikita niya ang mga ito na buhay. Lilisan siya hindi lamang bilang isang Maria Priscilla Altagracia y de Dios, pero bilang isang Chizle Priscilla de Dios Garcia.

Kaya nang tuluyan nang makalabas sa malaking gate ang sasakyan, lumuluhang tiningnan niya ang unti-unting naglalahong parola na patuloy na ipinaglalaban ang liwanag laban sa dilim na bumabalot sa paligid. Marahil ay susunod na matanaw niya ito ay nakabalik na siya ng hinaharap.

Sana nga.







NANG DUMATING sila sa daungan ay agad siyang niyakap ng malamig na simoy ng hangin. Bahagyang namumula ang langit, mukhang nagbabadya ang isang ulan. Inayos niya ang suot niyang itim na mahabang balabal, tuluyan nang dumaosdos mula sa kanyang ulo ang takip no'n kaya malayang inilipad ng hangin ang kanyang buhok. Tanaw ni Chippy ang malaking barko ng pamilya nila sa kanyang harapan. Magkahalong mangha at pangingilabot ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon.

Iginala niya ang tingin sa paligid, sila lamang ang nandoon. Abala ang mga tauhan ni Noah sa pag-akyat ng mga gamit nila papunta sa barko. Pero pakiramdam niya ay may ibang taong nagmamatiyag sa kanya sa malayo pero hindi lang niya makita. O dala lamang iyon ng takot sa puso niya kung kaya't kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan niya.

She sighed.

Nakabalik na si Mathieu sa kanyang tabi. "Let's go," pag-alalay nito sa kanya papunta sa wooden ramp na nagsilbhing hagdan paakyat ng barko. Nakasunod sa kanila sina Simon at Andris na may kanya-kanyang gamit na dala.

"Ang pinsan ko at si Amora?" bulong niya kay Mathieu.

"They're already inside. Andrew confirmed."

"Si LV?"

"She's with Juan, they're probably with Iesus right now."

Tumango siya. Tuluyan na rin silang nakasampa ng barko. It was her first time being in a merchant ship. Malayo ang hitsura nito sa mga nasakyan na niyang barko sa hinaharap. Despite her worries, she can't help but admire the craftsmanship poured in building the de Dios ship. Hindi man ito ang orihinal na barko na gamit ni Jose Remegio de Dios, but Tiyo Jose mentioned that the ship was a replica of the first de Dios ship of Jose Remegio. She wondered how Iesus would feel after setting foot on this ship, which they had only seen in photos.

"Senyorito," singit ni Simon. "Baba ulit muna kami ni Andris, may iakyat pa raw."

Tumango si Mathieu. "Ihahatid ko muna si Priscilla sa silid namin bago ko puntahan si Noah."

Humawak siya sa braso ni Mathieu. "Ayoko muna pumunta roon. Puwede mo ba akong ihatid muna sa bandang harapan ng barko?"

"Mahal, masyado nang malamig ang simoy ng hangin para sa'yo at baka biglang umulan."

"Sige na, Math. Please."

Mahina itong bumuntonghininga. "Ano pa nga bang magagawa ko?" He offered his arm, kumapit siya roon.

Dinala siya nito sa main deck ng barko. Mathieu seem to be familiar with the ship. Malaki at maluwag ang barko, hindi naman ito nakakalito, marami lang nakaharang na mga poste kung saan nakakabit ang mga layag at mga emergency boat.

"Ako lang ba? O pamilyar ka talaga sa barkong 'to?" basag niya habang naglalakad sila.

He chuckled. "Weird, but it felt like I've been here before." Nag-angat ito ng muka sa itaas nang tumigil sila. Sinundan niya kung saan ito nakatingin. If she was not mistaken, it's one of the crow's nests. "Something is telling me that I spend most of my time up there." Tinuro pa nito iyon bago ibinalik ang tingin sa kanya.

Natawa siya. "Ano ginagawa mo roon?"

He shrugged. "I don't know. Maybe it was my job?" Nagpatuloy sila hanggang doon sa dulo, almost at the bow. "I'm quite familiar with the anatomy of a ship. So we're currently at the fo'c'sle." It was a partial deck after the main deck just before the ship's bow. "Below these areas are the cargo access, followed by the berth deck, which serves as the crew's sleeping quarter.  Then we also have the gunport. . . the gun deck. . . the rum and water cask storage. . . and so on."

Kaya pala may nakikita siyang labas-masok na mga tao kanina dito. Marahil ang mga tauhan 'yon ni Noah.

"Oh?" Napakurap siya. So? Binalikan niya si Mathieu. "So that explains your fondness for collecting replicas of wooden pirate ships? And Noah's Ark?"

He chuckled. "Hon, I thought you had already figured that out before?"

Her lips twitched. "Napansin ko lang pero hindi ko dinidibdib. May habit akong ganoon, 'di ba? Otherwise, I would have discovered a lot of things in my family. Pakialamera lang ako sa buhay ng iba, pero pagdating sa mga hidden clues, I ignored it."

"Very Chizle."

"I know. I learned my lesson the hard way."

"I remember Juan said, ang pagsisisi ay parang taba sa bbq stick. Wala namang taba ang tinutusok sa unahan." He laughed a little.

Pati siya ay natawa na rin. "Weird talaga ng mga words of wisdom ng isang 'yon."

"But it made sense."

"Sana ma-apply niya rin sa buhay niya, 'no?"

"He will. . . but hopefully, not too late. Sometimes, we don't always need to remind our friends to do good. Let them make mistakes, so they'll learn from it."

Totoo rin naman. No matter how much we care for them, we cannot forever protect them from making mistakes. See me? I made a lot but learned from it.

"Ah, nga pala," baling niya kay Mathieu, "nabanggit mong pupuntahan mo si Kuya Noah." He nodded. "May pag-uusapan kayo?"

"May itatanong lang ako."

"Ah. Akala ko naman kung ano. Sige na, puntahan mo na. Balikan mo na lang ako rito mamaya. Dito lang muna ako."

Tinitigan siya nito. "I'm quite hesitant, but I'm sure nothing could go wrong if I leave you here for a few minutes."

"Math, nasa barko na tayo ng pamilya namin. Sa tingin mo ay may makakalusot sa kuya ko rito? I'm sure he knew every person who boarded this ship." Tinapik niya ang braso nito. "Kaya, sige na."

He sighed and looked convinced—well, a little convinced.

She smiled to assure him. "I'll be fine. Go." Tinaboy niya na ito. Bahagya lang itong tumawa sa ginawa niyang pagtulak pero tumalima rin sa kanya.

Now, she had the place by herself. Kalmado ang dagat pero ramdam niyang nagsisimula nang maging marahas ang malamig na hangin. Sumasabay sa hampas ng alon ang marahas na pagpipilit ng mga layag ma makawala sa kung saan ito nakagapos. Bumalik na naman ang pakiramdam na tila ba may nagmamatiyag sa kanya—only this time, it was already near her.

Lumingon siya sa kung saan umalis si Mathieu, walang tao pero ramdam niyang meron kanina.

Pinihit niyang tuluyan ang katawan. "Sino 'yan?" tanong niya sa kawalan.

Sinilip niya ang bawat sulok, pero ni anino ay wala siyang matanaw. Umihip ang malakas na hangin dahilan upang iyakap niya nang husto ang balabal sa katawan.

"Doming? Andris?" sambit niya. Mula sa kinatatayuan niya ay bumaba siya.  "Juanito? . . . Lily?" Tila bawat hakbang ay pangingilabot ang katumbas. Kataka-takang biglang tumahimik.

"Kuya Noah—" Kaya lang ay bigla siyang napasinghap.







"NOAH?"

Walang naabutang tao si Mathieu sa navigation room ngunit may sindi ang nakasabit na candelabra sa gitna ng mababang kisame. Ibig sabihin ay may tao rito kanina. Iginala niya ang tingin sa buong paligid. Sinindihan din ang lampara na nakapatong sa pahabang mesa sa gilid, kasama ng mga estante ng mga libro. The chamber was softly shadowed by the dim light, and the air was heavy with the smell of leather, oil, and old wood. The room also had three portholes that served as windows.

The navigation room felt unusually spacious, contrasting with the cramped quarters he'd expected. It reminded him of Iesus' underground museum—modest in size but equipped with all the latest navigation tools of this era. Its rustic interior and arcane details, which he had only seen in historical books, documentaries, and movies left him completely amazed.

Mathieu hovered near the table, where a map lay spread out, weighed down by a compass and magnifying glasses. He studied the map more closely, observing how the Asian countries were marked along a dotted route beginning in the Philippines.  It seemed to be the very course Noah had intended for his navigation. Also, he couldn't help but notice that the map looked remarkably similar to the old map in Iesus' underground museum. Lolo Xers was indeed careful to preserve his family's heirloom so that he could pass it on to his grandson. 

Marahas na bumukas ang pinto, sa gulat niya ay marahas din ang pagbaling niya roon.

"Noah," tawag niya, pero tila may kakaiba rito. His expression was grim, his eyes shadowed with an intensity of hatred—as if he wanted him dead. Sa hindi niya inaasahan ay malakas na dumagundong ang kulog at biningi nang bahagya ang kanyang tainga. Gumuhit ang tila latigong liwanag at bumakas ito sa nanghihimagsik na ekspresyon ng kapatid ni Priscilla.

Sinubukan niyang itago ang biglang pag-akyat ng kaba sa kanyang puso. Bumuga siya ng hangin at tipid na ngumiti.

"Noah, pasensiya na't nauna ako rito. Akala ko ay nandito ka." Bahagyang kumunot ang noo nito at tila nahulog sa malalim na pag-iisip. "Noah, ayos ka lang ba?"

"Sa tingin ko ay may mali sa akin," sagot nito na hindi direktang nakatingin sa kanya.

Lalong kumunot ang noo nito nang tingnan nito ang mga kamay sa harapan nito. Itinago niya ang pag-igtad ng katawan nang muling kumulog ng malakas. Ramdam ni Mathieu ang pagyanig ng barko. Pero wala sa namumuong sama ng panahon ang atensiyon niya. Nasa kakaibang kilos ni Noah. May masama siyang kutob at hindi niya gusto ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan.

Mathieu cleared his throat. "Patawad ngunit saka na lamang tayo mag-usap. Mukhang uulan na at iniwan ko sa labas si Priscilla."

Pinaglapat niya ang mga labi upang obserbahan muna ang magiging reaksyon ni Noah ngunit tila naging bato na ito sa kinatatayuan nito. Lalong tumindi ang kaba na nararamdaman niya. Hindi niya alam, pero bigla niyang naalala ang mag-aalahas. Ang unang engkuwentro nila rito. That scheming jeweler can manipulate a human being from a far distance.

That means. Namilog ang mga mata niya at pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso ng ilang segundo.







NAPASINGHAP SI CHIPPY nang biglang gumuhit ang liwanag sa kalangitan kasabay no'n ang malakas na dagundong ng kulog. Marahas siyang napaangat ng mukha sa langit. Tila doon niya lang napansin na nagliliyab na nang sobra ang kulay ng kalangitan, nagbabadya ng matinding unos.

Parang may mali.

Hinugot niya mula sa bulsa ng balabal ang pocket watch upang matingnan ang oras nang biglang gumuhit muli ang isang malakas na kidlat, halos yanigin ang barko sa lakas no'n. Impit siyang napasigaw at naitakip ang mga braso sa kanyang ulo. Nabitiwan niya ang orasan. Naramdaman niya ang mabibigat na butil ng ulan na tumatama sa kanyang balat—umuulan na.

Akmang aalis na siya nang biglang may kamay na humawak sa kanyang isang kamay. Impit siyang napasinghap at tuluyang napalingon. Namilog nang husto ang mga mata niya nang makita kung sino ito.

Umawang ang labi niya, halos hindi makapaniwala.

Imposible.

"Binalaan na kita sa aking sulat, Priscilla ngunit ayaw mong makinig sa akin." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay, nasasaktan siya nang sobra. "Sinira mo ang buhay ng anak ko," nanlilisik ang mga mata at punong-puno ng galit ang ekspresyon ng mukha ng ina ni Mateo.

Dios ko! Huwag mong sabihing—Hindi. Hindi ang ina ni Mateo ang papatay sa mag-ina ng anak nito. At paano nito nalaman na nandito sila? Paano ito nakasampa sa barko nang walang nakakapansin? Kagaya niya ay may suot itong itim na balabal na may takip sa ulo at sa ilalim no'n ay isang panlalaking damit. Halatang malinis ang pagkakapusod ng buhok ng ginang mula sa ilalim ng takip ng ulo nito.

"Wala ho akong sinira, Donya Diana. Lahat ho ng mga paratang nila sa akin ay walang katotohanan! Nagmamahalan ho kami ng anak ninyo." Lalong naguluhan si Chippy dahil tila nabobosesan na niya sa sarili ang totoong Priscilla sa panahong ito. Isang bagay na hindi na niya ma-kontrol pa.

"Kakambal ng iyong kapanganakan ang kamalasan ng iyong pamilya. Hindi dapat ikaw ang babaeng minahal ng aking Mateo." Napangiwi siya nang humigpit lalo ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Dapat ay naniniwala na agad ako sa sinabi ng manghuhula tungkol sa kapalaran ng aking anak—"

"Ngunit bakit ngayon pa ho?" Pilit niyang inaalis ang hawak nito. "Hindi ho ba't matagal n'yo nang inalis ang karapatan n'yo bilang ina kay Mateo? Pinagkaitan n'yo ng pagmamahal ang anak n'yo, Donya Diana. Ikinahihiya n'yo."

Dahil sa sinabi niya ay lalong nandilim ang mga mata nito sa kanya. "Walang ka alam! Hindi mo maiintindihan ang pagmamahal ko sa aking anak dahil hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko para lamang mabuhay siya. Ngunit lahat ng mga sakrispisyo ko ay sinira mo. Sinira mo ang buhay na ipinaglaban ko para sa kanya!"

Nagawa niyang alisin ang kamay nito at nakalayo siya. Pero bigla itong naglabas ng baril at itinutok iyon sa kanya. Kasabay ng unti-unting paglakas ng ulan ay ang pagyakap ng takot sa buo niyang katawan.

If Priscilla and her baby died because of Mateo's mother, how will Mateo feel after knowing the truth? The weight of the truth would crush him. All these years? But Chippy bravely stood in front of Mateo's mother. She shrugged off all her fears. For one last time, she will stand up for him.

"Ipinaglaban n'yo ho ba talaga? Inalam n'yo ho ba ang totoong nararamdaman ng anak ninyo? Kinumusta n'yo ho ba? Marahil ay wala ho akong nalalaman sa buhay n'yo pero buong-buo ho sa memorya ko ang lungkot at pangungulila ng anak ninyo sa magulang. Nariyan nga ho kayo pero ang trato n'yo ho sa anak ninyo ay parang bagay na walang halaga sa inyo. Ganoon ho ba ang paraan n'yo upang maipaglaban siya?"

Humigpit ang pagkakahawak nito sa baril. Nakita niya kung paano isa-isang nagbagsakan ang luha ng ina ni Mateo sa kabila ng galit sa ekspresyon ng mukha nito.

Nagpatuloy siya, "Wala hong anak ang may kakayahang pumili ng magulang. Naging bunga man ng pagkakamali ang anak ninyo pero wala ho siyang kinalaman sa naging kasalanan ninyo sa asawa ninyo. Kayo ho ang nagkamali. . . kaya bakit ang anak n'yo ang nagdurusa?"

"Manahimik ka!"

"Hindi ho ako mananahimik lalo na't alam n'yo naman na mahal na mahal kayo ng anak ninyo! Tinitiis n'yo siya kahit na alam n'yo naman na nagdurusa siya. Ano hong saya at kapayapaan ang makukuha n'yo sa pagpaslang sa amin?" Iniyakap niya ang mga braso sa kanyang tiyan na tila kaya nitong salagin ang ano mang bala na tatama sa kanila sa oras na kalabitin nito ang gatilyo. "Para n'yo na hong inalisan ng pagkakataon ang anak n'yo na mabuo ang pamilyang hindi n'yo kayang ibigay sa kanya."

Ramdam niya ang paninikip ng dibdib at siya ay mahinang napahikbi habang nakatingin sa ginang.

"Mawala man ho kami. . . pero kamumuhian ho kayo nang sobra ng anak ninyo."

"May pagkakamali man ako ngunit ina ako, Priscilla. Alam ko ang makakabuti sa anak ko. . . at mas pipiliin ko ang kapakanan niya. Sandali lamang ang pighati na mararamdaman niya. . . makakalimutan ka rin niya—"

"Maaatim mo bang paslangin ang apo ninyo?!" sigaw na niya.

"At ano? Magagaya lamang din sa inyo ang batang iyan. Magdurusa rin siya dahil sa dugong pinagmulan niya. Isang sumpa ang magmahal ng isang de Dios. Mapapatawad din ako ng aking anak sa gagawin kong ito."

"Tiya Priscilla!"

"Xersus?!" singhap niya sa gulat nang lumabas ito bigla sa kung saan at patakbo itong lumapit sa kanya.

Namilog ang mga mata ni Chippy nang umaktong kakalabitin ng ina ni Mateo ang gatilyo ng hawak nitong baril. Nahigit niya ang hininga. Dios ko, mababaril nito ang bata!

"Tiyaaa!"







"CHIZLE. . ." Mathieu desperately called out as he rushed his way out—nagsisimula nang umambon nang makalabas siya. "Chizle!" he screamed, his voice raw with desperation and frustration.

Fuck, I shouldn't have left her!

He was about to leave when a strong hand gripped his shoulder, twisting him around before slamming him hard against the wall. The impact knocked the breath from his lungs, leaving him dazed and gasping. Bago pa siya makabawi ng lakas ay mabilis siyang sinakal sa leeg ng kapatid ni Priscilla. Fuck! He fought desperately, his fingers trying to break free from the tight grip.

But damn it, he won't budge!

Naramdaman na niya ang bahagyang pag-angat ng kanyang paa mula sa sahig.

"N-Noah!" Noah's grip tightened around his neck, the pain coursing through him like fire. Desperation clawed at his chest.  "Noah. . . si Mateo. . . ito. . ." he choked. "P-pakiusap. . . pa. . .pakinggan mo. . . ako! Huwag. . . huwag mong pakinggan. . . ang. . . kung sino mang. . . komo. . .kontrol sa iyo. Alalahanin mo. . . ang iyong. . . kapatid. . . si Priscilla. . . kailangan. . . n-niya. . . t-tayo. . ."

"Bitiwan mo siya!"

Nasundan niya ang pagngiwi ni Noah sa sakit nang may kung anong tumama sa likod ng ulo nito. Tumalbog ang bato sa sahig. Kasabay nang pagluwag ng pagkakasakal nito sa kanya ay ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig. Habol ang kanyang hininga na napahawak siya sa kanyang leeg. Napalunok siyang mariin pero sandali lamang at napalitan iyon ng pamimilog ng kanyang mga mata nang makita si Pol na may hawak na tirador sa kamay. Iyon malamang ang ginamit ng bata para mailigtas siya.

"Kuya Mateo, takbo na po!"

Tumakbo si Pol at nagtago nang muling gumalaw si Noah.

"Shit!" mura niya.

Muling gumihit ang nakasisilaw na liwanag sa nangangalit na kalangitan at dumagundong ang kulog. Mabibigat man ang paghinga dala nang matinding sakit ng kanyang katawan ay sinikap niyang makabangon at makatayo bago pa man makabawi si Noah at saktan siyang muli.

Fuck, where the hell are you Simon? Juan. . . and Andrew!

Lumalakas na ang ulan. Sinugod siyang muli ni Noah pero nagawa niyang saluhin ang suntok nito. He had no choice but to punched him on the face. Bahagya itong tumilapon pero hindi tuluyang natumba. Screw this! If he won't fight back, he will die.

Noah moved like a puppet, his every action controlled by someone unseen. His eyes were wide and darkened, and he kept his focus on his enemy. Sigurado siyang mapapatay siya nito kapag hindi siya lumaban.

"Noah, I don't want to fight you, but you leave me no choice!"

Noah hurried toward him without saying a word. He raised his knife and was ready to stab him in the throat when Andris arrived just in time. Nagawa nitong hawakan ang kamay ng amo nito.

"Senyorito, takbo na!" Walang pagdadalawang isip na sinuntok nito sa tiyan si Noah para mabitiwan nito ang kutsilyo. Mabilis na pinatid ni Andris palayo ang kutsilyo bago pa man ito mapulot muli ni Noah.

"Andris—"

Mabilis lang siya nitong sinulyapan. "Takbo naaaa!" sigaw nito. Akmang susugurin muli siya ni Noah nang iharang ni Andris ang katawan. Buong lakas na hinawakan nito sa magkabilang balikat si Noah upang hindi makalapit sa kanya. "Ngayon na, Senyoritooooooo!"

Nagkukumahog na iniwan niya si Andris at mabilis na tumakbo. Nagkabangga-bangga siya at makailang beses na muntik nang madulas sa kanyang pagmamadali pero hindi siya tumigil. Kailangan niyang puntahan ang mag-ina niya.

God, I know it's impossible to save them, but if You wouldn't allow me to change their fate, then allow me to see the truth behind all these sufferings. Kahit iyon na lamang, Panginoon, pakiusap.

Pero nang marinig ni Mathieu ang malakas na tunog ng putok ng baril sa paligid ay tila tumigil na nang tuluyan sa pagtibok ang kanyang puso.

"Mahal ko. . ."







"HUWAAAG!"

Umalingawngaw sa paligid ang isang putok ng baril. Sinalubong niya ng yakap ang bata at pinihit palayo upang protektahan ito. Umawang ang kanyang labi nang maramdaman ang pagbaon ng bala sa kanyang likuran. Nasundan pa iyon ng isa pang putok ng baril na muling tumama sa kanya. Kusang kumawala ang mga luha niya sa kanyang mga mata at tuluyan siyang nawalan ng lakas.

"Tiyaaaa!" bumalahaw ng iyak si Xersus nang hindi nito kayanin ang kanyang bigat at tuluyan silang napahandusay sa sahig. Sa kanyang pag-ubo ay lumabas sa kanyang bibig ang sariling dugo na siyang lalong nagpatindi ng iyak ng bata. "Tiyaaaaa! Patawaaad pooooo."

Naipikit niya ang mga mata, ang sakit ay parang dumadagundong sa kanyang dibdib, sumasakal sa kanyang paghinga. Inilapat niya ang nanginginig na kamay sa kanyang umbok na tiyan at napahikbi.

"Tiyaaaa. . . huwag n'yo po akong iwan," yakap ni Xersus sa kanya. "Tiya. . . lumaban po kayo. . . pakiusap po. . . H-hindi. . . hindi ko po kaya. . . na m-mawala. . . m-mawala po kayo. . . Tiyaaa. . . pakiusap po. . ."

Tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. Ramdam niya ang pagdanak ng dugo sa sahig sa pagtindi ng sakit na bumabaon sa buong katawan niya. Patuloy sa paglandas sa kanyang mga mata ang kanyang mga luha.

"T-Tiya. . ."

Pilit niyang minulat ang mga mata upang matingnan ang mukha ni Xersus. Sa kabila ng sakit ay pilit siyang ngumiti. Pinilit niyang iangat ang isang kamay upang haplusin ang pisngi nito. Walang tigil ang pagpalahaw nito ng iyak.

"H-hindi. . . mo. . . kasalanan. . ." halos pabulong na niyang usal dito. Dahan-dahan siyag umiling habang lumuluha. "T-tandaan. . . mo. . . 'yan. W-wala. . . kang. . . kasalanan."

Maya-maya,  bumalot sa buong paligid ang malakas na tunog ng kampana, at tila naging hudyat na ang lahat ng kanyang paghihirap ay magtatapos na. Hindi niya napigilan ang mapahikbi nang sobra sa kabila ng sakit at ng kanyang panghihina.

"Tiya. . ."

Nanginginig ang mga kamay na pilit niyang pinanatili ang palad sa pisngi ni Xersus. Dinudurog ang kanyang puso sa pag-iyak nito. Ayaw niya itong iwan pero pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay bilang na lamang ang segundo na mayroon siya.

"H-huwag. . . n'yo po akong iwan. . . pakiusap po. . ."

"Mahal ko," tawag niya rito.

Bumaba ang nanghihina niyang kamay sa kwintas na suot nito. Pamilyar siya na hindi sa pendant na kasam no'n—isang gintong singsing. She clutched the necklace, her fingers tight around it, as if it were the only thing keeping her from falling into her final end.

"H-huwag. . . na huwag mo akong. . . kakalimutan. . ."

"Tiya—"

Pero kagaya ng mga kuwentong nabasa na niya, gaano man ito kaganda o kabigat ang paghihirap, may hangganin pa rin ang lahat.

At hanggang dito lang ang akin.

Bumagsak ang kanyang kamay, at sa huling sandali, ang kadiliman ay ganap nang sumakop sa kanyang paningin. Parang isang nilimot na lagusan na hindi ko na kailanman muling mababalikan.







PRESENT




NAPASINGHAP NG BANGON si Chippy. Mariin siyang napahawak sa kanyang dibdib, habol-habol ang kanyang hininga. Lumunok siya upang pakalmahin ang sarili, at tila doon lamang luminaw sa kanyang mga mata ang kulay ng silid. Wala siya sa kanyang kwarto.

Marahas niyang naigala ang tingin nang makarinig siya ng kakaibang tunog. Napansin niya ang heart rate monitor sa kanyang kaliwa. Doon siya nagbaba ng tingin sa kanyang mga kamay dahil may mga nakatusok at nakakabit doon na mga aparato.

Napakurap siya.

What happened?

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang gulat na mukha ni Aurea. Nabato ito sa kinatatayuan nito.

"Chi?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro