Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 61

December 18, 1935

CHIPPY's giggle echoed in the whole living room. It was the third time she had accidentally stepped on Mathieu's foot as they slowed dance. Pumailanlang sa paligid ang malamyos ng musika mula sa isang old fashion record player sa bahay. Well, hindi ito old fashion sa panahon na ito, but in the future, it will become Lolo Xersus' vintage gramophone na hanggang ngayon nagagamit pa rin ni Iesus. She often wonders how the hell they manage to keep it working—miracles?

Mathieu chuckled. "It isn't the first time that we dance but you seem to have the most daunting talent against dancing."

"Sinabi ko na sa'yo na parehong kaliwa ang mga paa ko."

"In all lifetimes?"

Natawa siya. "Baka? I don't think Priscilla was a good dancer either. Otherwise, I wouldn't be as miserable right now." Tumawa si Mathieu. But instead of getting offended, proud pa siyang parehong kaliwa ang mga paa niya. "I guess my lack of talent in dancing transcends all timelines."

"You're still cute either way."

She couldn't help but pursed her lips as she eyed him intently. Huminto na sila sa pagsasayaw pero nanatili pa rin ang isang braso nito sa kanyang bayway habang ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang isang kamay. Her other arm were comfortably resting on his shoulder. He meet her eyes and sheepishly smiled at her. She really hate and love how handsome and charming Mathieu was.

"Bola!"

"I beg to disagree. I always give compliments with the best of intentions." He winked, napamaang naman siya. He then chuckled.

"Ngayon mo sabihin sa'kin na hindi ka nga playboy, Mathieu Dmitry." May gigil na pinalo niya ang balikat nito kung saan nakahawak ang kanyang isang kamay.

At the same moment, he laughed and grimaced. "Hon, since when did I courted someone at the same time, hmm? You were not even my girlfriend but I religiously played the part of a faithful boyfriend. Ngayon mo sabihin sa'kin kung playboy ako?"

Pinaningkitan lang niya ito ng mga mata. Ayaw man niyang aminin, but yes, he did not engage in any romantic relationship outside their complicated arrangement. Heck, he did not even have any sexual partners aside from her. She would know, Sep can't stop complaining about Mathieu's change of heart. Siyempre, hindi alam ni Sep kung bakit.

"Masyado kang dedicated."

"That's because I don't want to lose you." His hand went to cupped her face. "I'd rather sink than lose the chance of staying by your side. That's how much I love you, Chizle."

She found herself smiling at those words. "Not even Iesus?"

Natawa ito. "You know that I greatly respect Sus, but not even him can stop me."

"Sige nga, kung matapang ka. Sabihin mo sa kanya 'yan ng harapan."

"Well, definitely not in this timeline." Naipikit niya ang mga mata nang gawaran nito ng magaan na halik ang kanyang noo. "And not in the present," dagdag nito pagkatapos.

Natawa siya. "Coward."

"Tiya Priscilla! Tiya Priscilla!"

Napalayo sila sa isa't isa nang marinig ang sumisigaw na boses ni Xersus. Humahangos ito nang mahanap sila at huminto sa harapan nila. Lumapad ang ngiti nito nang ipakita nito sa kanila ang isang camera sa kamay nito. Pareho silang nagkatinginan ni Mathieu bago ibinalik ang tingin sa bata.

It was a vintage camera in her original timeline, the type that wealthy families in this timeline probably had. Maraming ganyan ang pamilya nila, safely kept under Iesus's care at present now. Ang iba ay in-donate sa mga museums. Hindi na katakataka kung bakit maraming kakaibang gamit at mga libro ang pamilya nila, lalo na sa panahon na ito. Ang iba pa nga ay sa ibang bansa lang nahahanap, dinala lang dito. For generations, the de Dios had acquired the luxury to collect all types of items—bago man o luma—may sumpa man o wala.

"Tiya, Tiyo, tingnan n'yo po itong regalo sa akin ni Tiyo Noah. Nakita ko po ito sa kanyang silid at tinanong ko po siya kung ano po ang kakayahan nito. At ang sabi po ni Tiyo Noah, kaya po raw nitong kumuha ng mga masasayang alaalala at gawing isang napakagandang larawan."

Hindi lamang siya ang napangiti, kasama na rin si Mathieu. Lumuhod sa harapan ni Xersus si Mathieu.

"Tingnan n'yo po, Tiyo Mateo." Ibinigay ni Xersus ang camera.

Sinipat naman iyon ni Mathieu. "Aba'y, napagkaganda naman nito Xersus. Ano bang tawag nito?" game pa nitong tanong na mas lalong nagpasabik sa mga mata ni Xersus.

"Camera po."

"Cool," sambit ni Mathieu, manghang-mangha sa pagsipat muli ng camera sa kamay nito.

Kumunot ang noo ni Xersus. "Cool? Ano po iyon? Malamig po?"

Natawa si Mathieu at mapaglarong ginulo ang buhok ni Xersus. "It means, it's great invention. Cool."

Namilog ang mga mata ng bata. "Ohhh. Cool."

"Anyway, why don't we try this. Nabanggit ba ng Tiyo Noah mo paano magiging larawan ang mga kuha mo rito?"

"Opo. Pero siya po ang gagawa. . . pero po kapag malaki na raw po ako ay ituturo niya po sa akin."

"Halika, Xers." Hinawakan niya sa kamay ang bata at pumuwesto sila ng tayo sa likuran ng altar cabinet kung saan naka-display ang ibang mga larawan. "Mat, kunan mo kami ng larawan ni Xers dito." Nasa harapan niya ang bata.

"Sige." Lumipat ito ng puwesto ng tayo, across them bago inangat ang camera sa mukha at inilapit sa mga mata. "On my count. . . one. . . two. . ." Isinampay niya ang isang kamay sa balikat ni Xersus at ngumiti. She was about to raise a hand for a piece sign pero binaba niya ulit. Dios ko, Chi! Hindi pa ang tamang timeline para sa ganoon. Behave! ". . . three, smile!"

Umilaw ang camera, hindi naman sila nasilaw dahil maliwanag pa. Ibinaba ni Mathieu ang camera at may ngiting tiningnan sila.

"Oh, kayo naman," aniya. Iniwan niya si Xersus doon at pinalitan si Mathieu. Napangiti siya nang buhatin ni Mathieu sa isang braso si Xersus na ang lakas ng tawa habang nakakapit sa leeg nito. "Ang ganda n'yong tingnan, parang mag-ama."

"Bagay ba?"

Nag-thumbs-up siya rito. "Huwag na maglikot, ah." Itinaas niya ang camera sa mukha at siniguro na kasya ang dalawa sa maliit na viewfinder. She know some terms since may fascination din siya sa photography and sometimes she still uses the Kodak film camera—regalo ng Kuya Josiah niya noon. "Smile!" She intentionally captured a stolen moments of Xersus and Mathieu.

Sa shot na iyon magkaharap ang dalawa at tumatawa. She's not sure, may sinabi yata si Mathieu na nagpatawa nang husto kay Xersus.

"Go and join them." Napatingin si Chippy sa kanyang kaliwa—si Julian lang pala. May ngiting kinuha nito mula sa kamay niya ang camera. "Ako na ang kukuha ng larawan n'yong tatlo."

"Papa!"

"Mahal, halika na dito," tawag sa kanya ni Mathieu.

Ngumiti siya kay Julian. "Salamat."

Tumango lang ito. "Mag-ingat ka sa paglalakad."

Which she did at in-piece naman siyang nakalapit sa dalawa. Magkatabi silang nakatayo ni Mathieu at nasa harapan nila si Xersus. Her left hand rested on Xersus shoulder. Ganoon din ang ginawa ni Mathieu habang ang isang braso ay nakayakap sa kanyang baywang. Kahit hindi niya tingnan ang mga mukha nila ay alam niyang kagaya niya ay nakangiti sina Mathieu at Xersus—ramdam niya nang kunan sila ng litrato ni Julian.

Kinunan din sila ni Julian na silang dalawa ni Mathieu, pero kumuha si Mathieu ng upuan at pinaupo siya roon habang nakatayo sa tabi niya si Mathieu. Nag-request siya ng isa pa ulit na kuha kasama si Xersus pero this time, gusto niya na portrait style na kalahati lang ng katawan nila ang kita habang magkadikit ang mga pisngi nila ni Xersus. She wasn't sure if that photo will reach 2021, but she want to hope that it will.

"Xers," kuha niyang atensiyon dito.

"Bakit po, Tiya?"

Ngumiti siya sabay haplos sa isang pisngi nito. "Ipangako mo sa akin na iingatan mo lagi ang camera na ito, ha? Kumuha ka nang maraming larawan na nais mong maalala sa iyong pagtanda. Para sa ganoon, makikita rin ng mga apo mo ang mga bagay, mga tao, at lugar na tunay na nagpasaya sa iyo."

Sunod-sunod na tumango si Xersus. "Opo, Tiya! Pangako po."

She raised a hand for a pinky finger promise. Napatingin ito sa kamay niya, but she urged him to do the same. "Pinky swear." He blinked in confusion. Natawa naman siya. "It means, you will keep your promise to your Tiya Priscilla."

"Oh?"

"Like this." She linked her pinky finger with Xersus' little pinky finger. "Ibig sabihin, tutuparin mo ang pangako mo sa akin kahit mawala man ako."











"KUYA ANDRES!"

Andrew stopped on his tracks, lumingon siya sa malaking bahay. It was Andris who called. Bahagyang hingal ito nang makalapit sa kanya.

"Andris," he acknowledged. Pinag-aralan niya ang ekspresyon ng mukha nito. His grandfather looked ecstatically happy. He was even smiling like an idiot—no offense. He still has such great respect with this man.

"Paalis ho kayo?"

He nodded. "Nagpapasama sa akin si Juanito."

"Saan naman ho?"

"Wala siyang sinabi." Tumango-tango lang ito. "Nga pala, may sasabihin ka ba sa akin?"

"Galing ho ako sa opisina ni Senyorito Noah." Nahihiyang kinamot nito ang noo, but he seemed happy still. He wondered why. "Sakatunayan nga ho ay inalok ako ng Senyorito na magtrabaho sa kanya sa barko." Namilog ang mga mata ni Andrew. "Siyempre ho ay tinanggap ko ho agad kahit ano pa man iyon."

Hindi niya mapigilan ang pagngiti.

"Bukas ho, Kuya Andres ay magsisimula na ho ako. At ang sabi ho ng Senyorito ay isasama niya rin daw ho ako sa mga paglalakbay niya."

Kitang-kita niya ang pangingislap ng saya sa mga mata ni Andris. So this was the start that changed the lives of the Alquiza for good? Tiningnan siya nito ng deretso sa mga mata at ito'y punong-puno ng determinasyon.

"Magsisikap ho ako nang husto upang mabago ho ang buhay ko, Kuya Andres. Para ho sa pamilya ko."

May ngiting tinapik niya sa isang balikat ang batang bersiyon ng kanyang Lolo Andris. He couldn't help but feel proud that he was able to meet the man behind the success of the Alquiza—his Lolo Andris.

"Salamat," aniya.

May pagtataka sa mukha nito. "Para ho saan?"

Hindi na niya ito nasagot nang dumating sina Xersus at Pol. "Pol ang bagal mo!" Mula sa bahay nag-uunahan sa pagtakbo ang dalawa. Nauna si Xersus na may na camera.

"Sandali lamang at ako'y natapilok pagbaba!"

Huminto bigla si Xersus at may malaking ngiting inangat ang camera nito. Sa gulat ni Andrew ay biglang umilaw ang flash ng camera at kamuntik pang matumba si Xersus nang sumalubsob si Pol sa likuran nito. Good thing the camera was securely strapped on Xersus's neck.

"Apolonio, ikaw ba'y walang mga mata?!" may inis na sigaw ni Xersus.

"Sakatunayan, Xersus ay meron ngunit tila ba wala kang pandinig sa lakas ng iyong mga sigaw. Ikaw ba'y bingi?"

Nagkatinginan silang dalawa ni Andris at sabay pang natawa.

Pinagmasdan niya ang mukha ng dalawa pagkatapos. He couldn't help but notice the uncanny resemblance of the two to Iesus and James, Aurea's brother. Xersus and Pol could pass as Iesus and James's childhood version of themselves—minus the blue eyes since Xersus had the same brown eyes as his father. At imbes na nasa ilalim ng mata ang nunal ay nasa pisngi ni Pol.

"Xersus, Pol," tawag niya sa dalawa, "tama na iyan," pagsaway niya.

Imbes na makinig ay sabay pa siyang tiningnan ng masa ng dalawa. He was taken aback. Kids! Which reminds him of that assistant of his. Hopefully, she hasn't unalive herself yet. He wouldn't allow her. He has still many pending works to do when he comes back and she will suffer with him.








"BOSS, anong balak mo rito?" Amora curiously asked.

Nakaupo sila sa isang malaking putol na kahoy na mukhang matagal nang inanod sa dalampasigan. Tuluyan nang humimlay ang araw pero hindi pa rin sila umaalis sa puwesto nila. Sinindihan na lang nito ang lampara nilang dala. Dapat ay hanggang sa paglubog lang sila ng araw doon kaso mukhang ayaw pa bumalik nitong boss niya sa kubo.

"At saka, sa tingin n'yo po makakauwi na tayo pagkatapos ng ika-24 ng Disyembre?" dagdag niya. Muntik na niyang banggitin ang kamatayan ni Priscilla sa araw na iyon pero binago niya. Masyadong sensitive ang topic na 'yon.

"Everything is possible." Iesus glanced at her bearing that small smile on his face. "The only challenge is, how long will we have to wait?" Muli nitong ibinalik ang tingin sa harapan. Malamig na ang simoy ng hangin at patuloy pa rin sa paghampas nang marahan ang alon sa dalampasigan.

"Boss, bakit ganyan ka?" Ibinalik nito ang tingin sa kanya, confused was written all over his face. But anyway, as she was saying. "Ang matalinghaga mo po kasi magsalita lagi. Para kang mga parables ni Papa Jesus. Hindi ka naman ang Dios, pero bakit ang hirap din intindihin ng mga plano mo? Alam mo iyon? Wala bang for average thinker like me? Iyong hindi ko na kakalkalin ang utak ko kung meron ba talaga ako no'n—"

Sa gulat niya ay biglang tumawa ito—tawa na buhay na buhay. Napakurap tuloy siya at napatitig sa namumula nitong pisngi at naniningkit nitong mga mata naaninag niyang malinaw dahil sa liwanag ng lamparang hawak nito sa isang kamay.

"Boss, huwag mo 'kong tawanan. Seryoso ako, ah." Hindi siya tumawa, sa halip ay pinaseryoso niya pa ang ekspresyon.

"S-sorry." He couldn't help but laugh again.

"Boss, ah," nguso pa niya.

Pinunasan nito ang mga luhang kumawala sa ilalim ng mga mata dahil sa sobrang pagtawa. Sa totoo lang, isa sa mga bagay na namamangha siya lagi sa boss niya e ang ugali nito. He's unpredictable. Naku, hmp!

Even though he had calmed down, the traces of his laughter were still visible on his face. Umihip ang hangin at nilapad nang bahagya ang may kahabaang buhok nito. He wasn't looking directly at her, but his eyes were sparkling genuinely with. . . happiness. Pinatingkad lalo ng liwanag ng lampara ang kasiyahang kusang lumantad sa mga mata nito.

At ewan ba niya, naramdaman na lamang niya ang pagngiti ng kusa.

"Boss, puwede maging honest sa'yo?" basag niya.

"Have you not been honest with me the whole time?" His smile faded and stared at her sharply. Natawa siya. Hindi talaga siya affected sa mga ganyang tingin nito. "Although, I'm not surprised," bawi nito na may mapang-uyam na paggalaw ng mga labi.

Napamaang siya. "Wow! Boss, honest ako sa'yo, ah. At saka, kahit madami na akong nalalaman sa'yo eh, quiet lang ako. Loyal ako sa'yo, 'di lang halata."

"I like you best when you're quiet." Namilog ang mga mata niya sa pagkalito. Anong ibig sabihin n'on? "But your mouth has a mind of its own."

"Ah, so ayaw n'yo po na madaldal ako, ganoon?" He shook his head. Lalo siyang nalito. "Boss, ang labo n'yo sa part na 'yon. Explain n'yo nga po ng malinaw."

"Hindi mo rin naman maiintindihan."

"Eh, paano nga po? Ayaw n'yo naman ipaliwanag nang maayos. Saka, Boss, hindi ba dapat team tayo rito? Partner tayo, kaya dapat alam ko rin ang mga plano n'yo."

He stared at her. "I don't have plans."

Napakurap siya. "Huh?"

"I said, I don't have plans," ulit nito sa malumanay na pagsasalita. "At least for now."

"Bakit?"

"Amora, I don't want you to dig deeper into everything I do. Your doubts about me will grow as you start to distrust everything. I can't afford to lose you. . ." Natigilan siya roon. ". . . at least. . . not this early."

Naalala na naman niya ang sinabi ni Mother Superior na madalas niyang nakakalimutan. Mahigpit na paalala nitong huwag siya masyadong maging komportable at manghimasok masyado sa buhay ng anak ni Madam Cloudia. Her job was to help him without questioning his plans.

I can't afford to lose you. . . at least. . . not this early.

Pero bakit siya? Sa dami ng tao sa mundo, bakit siya ang napiling maging assistant ng isang misteryosong Iesus Cloudio de Dios? And 'not this early?' Does it mean, may balak itong palayain siya kahit hindi pa tapos ang napag-usapan nilang taon na maninilbihan siya sa poder nito?

"Boss—" Lumagpas ang tingin nito sa kanyang likuran, bahagyang nakaangat ang tingin. Medyo nagtaka siya kaya pinihit niya ang katawan upang sundan iyon ng tingin. "Boss, anong meron?" Cliff na ang parte na iyon na nagsilbing harang sa kabilang parte ng dalampasingan at may natatanaw siyang itim na pigura ng isang matangkad na tao na naglalakad papunta sa dulo ng bangin. . . at tila may suot na sombrero.

Hala, the who?

"We have to go."

Naibalik niya ang tingin dito. Mabilis na pinatay ni Boss Iesus ang lampara at hinawakan siya sa isang kamay. "Po?" Naguguluhan siya. May puwersa siya nitong hinila patayo at hinatak palayo sa lugar. Akala niya ay tuluyan na silang babalik sa kubo pero huminto ito kasama siya at hinila siya para magtago mula sa hanay ng mga puno.

Napasinghap siya dahil talagang dinikit siya sa katawan ng puno ng niyog. Nailapat niya tuloy ang mga palad sa puno. Napangwi siya dahil masakit din 'yon. Ramdam niya sa kanyang likuran ang kabuuang pigura nito, pressing against her back. Dios ko, ang utak niya. Bakit naman kasi ganitong posisyon pa?

"B-boss."

"Shs." Ang kamay nito na may hawak na lampara ay nakahawak sa kanyang baywang habang nakalapat ang isa sa puno, sa bandang itaas ng ulo niya. Ramdam niyang sinusundan nito ng tingin ang misteryosong tao sa may bangin dahil kita iyon sa puwesto nila. "I don't think he had seen us."

Kumunot ang noo niya. "He? Naaninag n'yo po?"

"He stopped to look around."

"Oh—" singhap niya nang dumikit pa lalo ang katawan niya sa puno. Isang tulak pa, hahalik na ang mukha niya sa puno ng niyog. Wala pa man din siyang first kiss? Hoy, Amora, hindi mo kailangan ng first kiss at ikaw ay magmamadre.

She heard him sigh in relief but pressed her more against the tree.

"B-boss, tama na po," daing na reklamo na niya. Ramdam niya na ang gaspang ng katawan ng puno na bumabaon sa kanyang palad. "Dahan-dahan naman po. Iyong mukha ko hahalik na sa puno."

He might have realized it, kaya naramdaman niya ang paglayo nito nang bahagya sa kanya. Pero iyong hawak sa baywang niya ay nanatili. Pinihit niya ang katawan paharap dito, sa kabila ng dilim ay aninag niya ang inosenteng pagtitig nito sa kanya.

"Boss, kalma." Itinaas niya ang dalawang kamay sa pagitan nila. Tila napaso ng apoy na inilayo rin nito ang mga kamay. "Kung malapit lang 'yong tao doon sa bangin, malamang ay iisipin niyang gumagawa tayo rito ng kababalaghan."

"I'm not—I mean—"

"Shs, stop." Idinikit niya ang isang daliri sa labi nito. Napakurap ito sa ginawa niya pero sandali lang at hinawakan nito ang pupulsuhan niya upang ibaba ang kamay na iyon. "Sorry, na carried away lang, Boss. At saka, sino ba kasi iyong natanaw ninyo? Kalaban po ba siya?"

"I have no idea," sagot nito sabay talikod sa kanya at naglakad papasok muli sa masukal na gubat.

Agad na sumunod siya at humawak sa siko nito. "Boss!"

"Keep your voice down, Amora," sita nito sa kanya.

"Boss, pagkatapos ng ginawa natin, iiwan mo lang ako? Aba'y hindi naman puwede iyon," aniya sa mahinang boses.

"You make it sound like we did more than standing behind that damn coconut tree."

"Ikaw lang nag-iisip no'n, ah." Pero, oo nga, parang iba nga iyon. Napatingin siya sa hawak niyang siko nito. Himala, hindi ito kumislot para bitiwan niya ito. "At saka, ayokong mawala rito mag-isa. Amo kita kaya dapat alagaan mo 'ko."

"Isn't it the other way around?"

"Pagbalik po natin sa present, aalagan kita. Ngayon, ikaw muna mag-alaga sa'kin."

"Tsk."

Ngumisi siya kahit hindi nito nakikita. "Boss, in all fairness, ang hot n'yo po pala sa dilim. Posessive kayo, ganern. Bakit po hindi kayo naging police?"

"What does it have to do with me?" Ramdam niya ang pagkunot ng noo nito.

Bahagya siyang tumawa. "Kinulong n'yo po kasi ako sa bisig n'yo kahit wala akong kasalanan."

Huminto ito sa paglalakad kasabay no'n ang sunod-sunod na pag-ubo nito, tila ba nabilaukan sa sariling laway. Nang lingunin siya, ang sama ng tingin nito sa kanya. Nag-peace-sign siya. If looks could kill, malamang ay nahati na siya sa dalawa nang mga oras na iyon—crosswise pa.

"Ito naman si Boss ang seryoso. Pinapatawa ko lang po kayo. Ang seryoso n'yo kasi roon sa nakita n'yo sa bangin."

He pointed a finger at her. "Be quiet," he said firmly.

Ngumiti lang siya nang sobrang tamis. "Ngayon na ba o mamaya na, Boss? Kasi may sasab—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang ipitin nito sa isang braso ang leeg niya saka binusalan ng palad nito ang bibig niya. Napahawak siya sa brasong iyon bago siya parang bangkay na hinatak at kinaladkad palakad ng amo niya.

Gage, ang hard talaga ni Boss sa'kin—in all timeline na ba? Hoy.





December 20, 1935

SERYOSO ang pagbabasa ni Chippy sa diary ni Priscilla. May bagong sulat doon na ginawa ni Mateo sa orihinal na timeline ng dalawa.

Buo na ang pagpapasyang ginawa ni Mateo na kami ay aalis na nang tuluyan sa Pueblo de Liloan. Ito ay ayon na rin sa mungkahi nila Kuya Julian at Kuya Noah na mas ikakabuti na kami ay lumayo muna rito at manirahan muna sa tahanang binili ni Kuya Julian sa Inglatera. Bagama't batid namin na magiging mahirap ito sa akin lalo na't malaki na ang aking tiyan at marahil isilang ko na ang aming supling sa susunod na buwan. Ngunit sa tingin ko ay mas makakabuti pa rin iyon.

Lulan ng barko na pagmamay-ari ng aming pamilya, kasama ng aking Kuya Noah ay tutungo muna kami sa Maynila at mananatili roon ng ilang linggo sapagkat may mga kargamento siyang ibababa at iaakyat mula roon na dadalhin niya sa mga bansang nasa kanyang ruta. Iikot muna ang barko sa ibang parte sa Asya bago ang pagpunta namin ng Inglatera. Wala namang dapat alalahanin pa sapagkat isa namang mahusay na doktor ang aking si Mateo. Panatag akong maaalagaan niya ako hanggang sa aking panganganak.

Binuklat niya ang kasunod na pahina.

Ngunit habang palapit ang araw ng aming pag-alis ay hindi ko maiwasang pansinin ang lumbay sa mga mata ni Mateo. Napag-alaman kong dinalaw niya pala ang kanyang mga magulang noong isang araw ngunit umuwi siyang galit na galit. Iniiwasan man niyang ikuwento sa akin ang naging pag-uusap niya at sa kanyang mga magulang ay ramdam kong hindi iyon naging maganda. Ngunit kanina ay dumalaw si Dimitreo at naabutan kong niyakap niya nang mahigpit ang kuya niya bago siya umalis. Alam ko sa puso ko kung gaano kahalaga kay Mateo ang mga magulang niya. . . higit sa lahat ang kanyang nakababatang kapatid. Wala siyang ibang hinangad kundi ang mapabuti ang relasyon niya sa mga magulang niya at maging buo ang pagtanggap at pagmamahal nila kay Mateo sa kabila ng masakit na katotohanan ng kapanganakan niya. Nakakalungkot man ngunit tila hanggang sa huling pagkakataon ay hindi nakamtan ng aking pinakamamahal na Mateo ang pangarap na iyon.

Umaasa akong sa pagdating ng aming munting supling ay mabubuo namin ang masayang pamilya na hindi naranasan ng kanyang ama. Ngayon pa lamang ay nanabik na ang aking puso sa araw na iyon. Kaya kahit na may pangamba sa aking puso ay ipinagpapasa Dios ko na lamang.

Binuklat ulit niya ang huling pahina sa likuran.

"Sa bisperas ng pasko habang ang lahat ay nagsasaya at nagsasalo-salo sa kanilang noche buena," basa ni Chippy. "Ay palihim kaming aalis ng Pueblo de Liloan at maaaring hindi na muling babalik sa bayang taos puso naming minahal ngunit kami'y tinalikuran."

Chippy gasped when she heard something was thrown inside the window of her room. Naibaba niya ang diary sa kama, kumakabog ang dibdib sa sobrang gulat. May ingat na tumayo siya sa kama upang silipin kung ano iyon. Sa paanan ng kama, sa sahig mismo ay may nilamukos na papel na sa tingin niya ay sinadyang lagyan ng maliit na bato sa loob. Hindi niya muna pinulot ito at dumungaw siya sa bintana sa kabila ng panganib.

Sinalubong siya ng malamig na ihip ng hangin ng umaga. Tuluyan nang umakyat ang sikat ng araw. Hindi lamang sa lamig ng simoy ng hangin kaya naiyakap niya ang mga braso sa sarili—nangingilabot din siya. Weird, dahil sa tanda niya ay hapon pa noong nagbabasa siya ng diary ni Priscilla—pero biglang umaga—at wala siyang natatanaw na tao sa paligid.

Lalo siyang pinanlamigan nang may mapagtanto. "Hindi kaya?"

Marahas niyang naibalik ang tingin sa loob ng silid. Natutop niya ang palad sa bibig nang makita ang mga kahon-kahong gamit na nakasalansan nang maayos sa isang panig ng silid. Wala pa ang mga gamit na iyon nang nagbabasa siya kanina. At tila. . . naging mas malinis na ang silid. . . maliban sa mga kahon, nailigpit na rin ang ibang gamit niya.

Huwag mo sabihing?

Mariin siyang napalunok, hoping it could calm the heaviness of her chest. Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay sa sobrang kaba. She knew she was right. She felt it in every part of her body.

Bumaba ang tingin niya sa sahig, nandoon pa rin ang nilamukos na papel. May pag-iingat na humawak siya sa paanan ng kama upang dahan-dahang maibaba ang sarili at mapulot ang papel. Tumayo siya pagkatapos at mabilis na binuksan ang laman ng papel. Tama nga siya, may bato sa loob pero may sulat kamay ng kung sino.

Sulat pagbabanta para kay. . . Priscilla.

Buhay ang kapalit kung pipiliin mong lisanin ang bayan ng ito kasama si Mateo. Kaya ito ay pag-isipan mong maigi, Priscilla.

Tumaas-baba ang kanyang dibdib sa kanyang marahas na paghinga. Tila napasong nabitiwan niya ang sulat at nahulog ito sa sahig. Kasabay no'n ang biglang paglandas ng mga luha niya mula sa kanyang mga mata sa kabila ng hindi niya pagkurap.








HUMINTO at naikiling ni Simon ang ulo sa kanyang kanan nang makarating sa sala ng mansion. Sigurado siyang maaliwalas pa ang panahon sa labas nang pumasok siya ng kusina pero nang paglabas niya ay biglang nag-iba ang liwanag—as though the sun had just risen. He find it impossible, alas tres ng hapon pa lang nang huling tiningnan niya ang orasan.

Seryosong binaling ni Simon ang tingin sa grandfather's clock sa sala. Sobra siyang nagulat nang makitang alas sais y media pa lang ng umaga. What the hell? Iginala niya ang tingin sa paligid. What just happened? Did the time fast forward again?

Naglakad siya sa gitna, hinanap ang kalendaryo sa sala. He found it and damn. He didn't like what he's seeing.

"December 24, 1935," usal niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro