A/N: I would like you to play this song in the second part of this story. MatChi's theme song that never fails to make me cry. Thank you for your patience. . . and enjoy.
***
MULA SA SALA, isa-isa nilang tinitigan ni Mathieu ang mga maka-display na mga litrato doon. Mula sa henerasyon nila Jose Remegio hanggang sa panahon nila Tiyo Jose ay meron. She realized that their family were not that big, it's not the typical family who bears many children. Naglalaro lang lagi sa isa o dalawa ang anak na isinisilang na de Dios.
"Iesus is really a spitting image of Jose Remegio." Inangat ni Mathieu ang picture frame ng isang mag-ama. She smiled as she gazed upon it. "Is this his son?" he glanced at her.
Chippy nodded. "Oo, si Amari Yesus." Kinuha niya rito ang larawan, but she made sure Mathieu could still look at it on her hand. "Sa tingin ko ay ten years old pa rito si Amari." Tinitigan niyang maagi iyon.
She remembered she saw this same photo when she was just a child—noong nabubuhay pa ang Lolo Xersus niya. Kaunti na lang kasi ang naka-display ngayon sa bahay ng pinsan niya. Right after Lolo's death, Tito Josef have it cleaned and stored somewhere in the house. Hula nga niya e baka nilipat din ni Iesus ang mga iyon sa underground museum. Usually mga family photos na lang ang naka-display ngayon sa library at sa sala naman ay picture ng Lolo Xersus nila at ng mga anak at apo nito.
"He didn't have the blue eyes," Mathieu commented.
"Nope. As far as I could remember, apat lang sa pamilya namin ang nagmana ng asul na mga mata. Isa na roon ang pinsan ko. Sabi nga nila ay sumpa ang pagkakaroon ng asul na mga mata."
Ramdam niya ang pagtingin ni Mathieu sa kanya kaya binaling niya rito ang mukha. His brows aligned in curiousity. "Why?"
"Noong bata ako, narinig ko ang pag-uusap nila Kuya Josh at Sus noon. Although, it was just an assumption by Iesus that time. Sabi niya, baka raw ganoon din daw ang maging kapalaran niya. . . na matutulad din siya sa mga na unang dalawang de Dios."
Ibinalik niya ang frame at kinuha ang larawan ng dalawang anak na lalaki ni Amari na sina Joaquin Amadeo de Dios at Justino Javier de Dios. Isa sa dalawang bata roon ay may asul na mga mata—ang siyam na taong gulang na si Joaquin.
"Joaquin was the second blue-eyed de Dios, but he died at the age of 9. Sumunod si Azalea, ang anak na isisilang nila Amara at Julian." Namilog ang mga mata ni Mathieu. She nodded in confirmation. "Siya ang kapatid ni Lolo Xers. Pumasok siya ng pagkamadre pero hindi rin daw natuloy at umalis din siya. After leaving the convent, three years after, she died."
"Ilang taon siya noon?"
"Thirty-three yata."
"Oh." Napakurap ito, tila hindi makapaniwala. "So that explains why Sus thought he's cursed. Pero, matagal naman nabuhay si Jose Remegio."
"Pero siya lang. . . paano naman ang mga sumunod, Math? Ang pinsan ko? Will he live longer like Jose Remegio or suffer the same fate with Joaquin and Azalea? No one knows what lies for him."
"But if he's the reincarnation of your Lolo Rem, Sus might be saved."
"Hopefully." Ibinalik niya na ulit sa altar cabinet ang larawan ng magkapatid. Ramdam niya ang kalungkutan sa kanyang puso. "Dati, iniisip ko lang kung paano makakawala sa pamilya namin. Iniisip ko na mas mapalad pa rin si Sus dahil nga siya ang magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng pamilya namin at kahit papaano ay buo pa naman ang pamilya niya. But with all the things I've learned here, Math," inangat niya ang mukha rito. "I realized that I am not the only one struggling in our family. If I wanted that freedom badly, maybe Sus wanted that too. Alam mo iyon?" Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "He had never invalidate my feelings even if things were also hard for him. Kaya pakiramdam ko. . . ang selfish ko, Math. Ang selfish ko pagdating sa taong minahal ako nang sobra bilang bunsong kapatid niya."
May pag-iingat na ikinulong siya ni Mathieu ng yakap sa mga bisig nito nang may kumawalang butil ng luha sa kanyang mga mata.
"Knowing Sus, he will never take your actions against you."
"A-alam. . . ko."
"We've already reached this far, Chi. With all the information we found here, we can finally repay Sus for his sacrifices for us."
Hilam ng mga luha, inaangat niya ang mukha sa masuyong nakangiting mukha ni Mathieu. Hope radiated in his light brown eyes that always reminds her of the sun—her sun. Kinantalan siya nito ng halik sa kanyang kanang pisngi.
"It will be fine," he murmured in her ear, niyakap siya nito nang husto pero may pag-iingat. "We will be fine. . . maybe not in this lifetime. . . but in the future."
Sa sinabi nito ay may kuwalang hikbi sa kanyang bibig at naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Bumalik sa pagdaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. His arms remained embracing her, but his other hand moved to her back and gave her a gentle pat.
"Ilang taon lang naman ang hihintayin ko para makasama kayo ulit. Maghihintay ako."
Then she realized—the glitch in the translation she had made back in her room—the voice in the letter. It was Mathieu—Priscilla's Mateo. All along, those letters were meant to be found by her.
TUMAKAS lamang silang dalawa ni Mathieu sa bahay. Pumunta sila sa simbahan ng San Fernando El Rey, sinadya nila kung kailan halos ng mga tao sa bayan ay namamahinga. Pagdating nila roon ay sarado pero kilala ni Mathieu ang sakristan kaya pinapasok sila.
"Kuya Mateo, saglit lamang ho kayo ah. Baka ho kasi ako ay mapagalitan ni Padre Lorenzo," saad ng batang sakristan na may morenong balat at kulot na buhok nang pagbuksan sila nito ng pinto ng simbahan.
Mathieu smiled. "Huwag kang mag-alala, Luis, saglit lamang kami."
"Sige ho, magbabantay muna ho ako sa labas."
"Salamat."
Sa paglabas ni Luis ay maingat na sinarado nito ang bahagyang nabuksang parte ng malaking pinto ng simbahan. Magkahawak kamay na naglakad silang dalawa ni Mathieu patungo sa altar at nang makarating doon ay may ngiting humarap sila sa isa't isa. Suot niya ang isang mahabang puting bestida at maikling belo sa kanyang ulo. Puting polo na may mahabang manggas naman at brown na pantalon ang suot ni Mathieu. Nakakabit sa pantalon nito ang isang belt suspender na madalas suot sa panahon na iyon.
Napakaganda ng paligid at tila ba basbas mula sa langit ang tumagos na liwanag na nagmula sa altar at sa mga bintana ng simbahan. May ngiti at walang pagdadalawang-isip na ibinigay na rin niya kay Mathieu ang isa pang kamay na may kapareho niya ng ngiti sa mga oras na iyon.
Mahabang proseso ang pagpapakasal sa panahon kung saan namumuhay sina Priscilla at Mateo. At sa sobrang dami ng mga naganap sa buhay nila, marahil isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hindi na nagawang magpakasal ng dalawa. But if she was indeed Priscilla in 1935 and Mathieu was Mateo. Naniniwala siyang, those two will sneak inside a church and make sure to have God as the witnessed of their undying love.
"Can I be honest?" basag nito.
"Ano?"
"I have dreamed of marrying you in this church, Chi." Nakangiti man pero halata ang pamumula ng mga pisngi ni Mathieu, lalo na sa likod ng tainga nito. Namilog ang mga mata niya sa pagkamangha pero hindi niya rin napigilan ang mahinang matawa. He looked embarassed to admit it, pero malakas pa rin ang loob umamin. "I don't know why, but every time I passed by this church, it always reminded me of you—the woman I met at the foot of the lighthouse."
"Right, iyong araw na nakapulot ako ng pangit na ID."
Mathieu chuckled. "Grabe ka talaga sa ID ko. Pagpahingahin mo na 'yon." Ramdam niya ang masuyong pagpisil ng mga kamay nito sa mga kamay niya. "Guwapo naman ang may-ari ng ID na 'yon."
"Naks, confident ah."
"But kidding aside, Chi. Since that day, your face tattooed in my mind. Kaya mabilis kitang nakilala doon sa hotel."
Namilog muli ang kanyang mga mata at bahagyang napasinghap. "Kung ganoon—"
He chuckled. "Yup. Bakit sa tingin mo ay kampante ako sa'yo noong gabing iyon? I've already seen your face clearly before. It wasn't the second time, Chi. It was actually the many instances that I have seen you." He smiled proudly this time. "I saw you when you went to USC to surrender my ID. Hindi lang ako lumapit."
Kumunot ang noo niya. "At bakit? No—" She shook her head. "Mathieu," she eyed him. "Hindi mo binanggit sa'kin 'yan noon."
"Why?" He smirked. "Can't I keep secrets now? Baka isipin mo pang patay na patay ako sa'yo. Which is true by the way. Guilty as charged." He shrugged his shoulders, his smile grew wider and more playful.
Natawa siya. "And what do you mean by those many instances, ha?"
He didn't respond immediately. "I have always known who you are, Chi. I know you're Iesus's cousin. And you're the only daughter of Governor Ephraim Garcia. My father's political rivalry. But despite those red warnings, I couldn't stop myself from appearing in your life."
Inangat nito ang isa niyang kamay sa labi nito at masuyong hinalikan ang likod no'n na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Napakurap siya and she swore to God, for a moment she thought her heart skipped a beat.
"Whether it was fate or my self-doing, I don't regret any," he added.
Napangiti siya pero sandali lamang at may bigla siyang naalala. "Iyong sinabi mo sa'kin noon. . . kaya ka nakipaghiwalay dahil mahal mo ako. Matagal mo na ba talaga akong mahal noon, Math?"
Dahan-dahan nitong binaba ang kamay nitong hinalikan pero hindi iyon binitawan.
"I'm not quite certain." He chuckled. "Required ba ang specification para makumbinse kitang mahal kita?"
"Hindi naman," pigil niya ang mapangiti nang sobra, "baka lang gusto mong dumiga."
Naningkit ang mga mata nito sa pagtawa, nagliwanag nang husto ang mukha ni Mathieu. Isang bagay na minahal niya rito nang husto. He had always been the light of her world.
"But if I remember, simula nang mabunggo mo ako sa parola ay hindi na naging normal ulit ang buhay ko. Hindi na rin naging normal ang buhay ni Mateo nang magtapat si Priscilla ng pag-ibig sa kanya sa labas ng simbahan na ito." Hindi napigilan ni Chippy ang mahinang pagtawa. "Panahon lang ang nagbago pero hindi ang kakulitan at katigasan ng ulo mo. I guess, that makes me drawn to you."
"Ang katigasan ng ulo ko?"
He smirked. "Because my princess couldn't keep herself out of trouble." Tinaasan pa siya nito ng isang kilay. Damn, this charming chef!
"Pero may choice ka naman na layuan ako, duh."
"But my choice is you." Lumapit pa itong lalo sa kanya. "Simula noon at ngayon, ikaw lang ang pinipili nitong puso ko. Magkaroon ka man ng isang libong pangalan at mukha, makikilala at makikilala pa rin kita. Sa tigas ba naman ng ulo mo."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Bakit feeling ko uuntugin mo lahat ng ulo ng paghihinalaan mong ako?"
He chuckled. "I might be tempted to do that."
Natawa siya. "Bwesit." Ngumiti siya nang makahuma. "Pero alam mo ba," aniya.
Their eyes gazed upon each other. "Hindi pa, mahal ko," may pilyong ngiting tugon nito. Kainis, ang harot.
"Sa tuwing negative ang pregnancy test na sinusubukan ko ay nalulungkot ako." Ito naman ang natigilan, bahagyang namilog pa ang mga mata. Mapait siyang ngumiti. "Ayokong mabuntis kahit naman nag-iingat tayo. Pero alam mo naman na may pagkakataon na hindi talaga tayo nag-iingat. And whenever it showed a negative result, it always felt like something died in me. Kahit na ayaw ko pa, kung sakali man na may mabuo, tatanggapin ko ang baby natin nang buong puso."
"Chi—"
"Because I am always assured that you will be a great father." Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mukha nito ay ang pagkawala ng ilang butil ng mga luha mula sa mga mata nito. "At siyempre, hindi na rin ako lugi sa guwapo mo ba naman."
Umatras yata ang luha nito nang matawa ito. But she knew how much those words meant to him. At masaya siya na nasabi na niya ang totoo rito.
"Naisip ko na ang suwerte ng babaeng mamahalin mo. . . at ng mga anak mo sa'yo," dagdag niya. "Pero alam mo naman noon, ang dami ko talagang problema. Natatakot akong baka hindi ko maibigay ang buong pagmamahal ko sa'yo. Na baka maging selfish ako sa'yo. At ayoko na ikulang ka sa buhay ko lalo na't maraming hindi sigurado sa buhay ko noon."
"Chi, I risked my friendship with Sus just to be with you. That's how much I wanted to be part of your life."
"Pero nakipaghiwalay ka, 'di ba?" paalala niya ulit.
"Sh–t." He sighed harshly instead of cursing. "I did." He grimaced a little remembering it. Muli siyang natawa nang mahina. "Which was the dumbest thing I did in my entire life."
"Pero bago ka umalis papunta ng Spain ay okay pa naman tayo. Naisip ko pa noon kung anong nangyari sa'yo roon para magbago ang isip mo." She paused to looked at him straight in the eyes. "What happened in Spain, Math?"
His lips pressed in a thin smile. "I realized how much I wanted you in my life, Chi." He paused. "Hindi ako makapag-concentrate sa kasal ng kaibigan ko roon dahil ikaw ang nakikita kong bride na ikinakasal. I'm seeing myself getting married with you. I longed for you. My soul longed for you, Chizle. Ikaw lang ang babaeng nagpabaliw sa'kin nang sobra. And it frustrate me knowing that you wouldn't love me back—or give me the chance to love you."
"Kaya mo itinigil ang lahat?"
He softly nodded. "Gusto kong maging bahagi ng buhay mo ngunit nirerespeto ko rin ang gusto mo. Inisip ko na, magpapahirap lang sa iyo ang pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo. Kaya mas mabuti pang itigil ko na."
"At aalis ka pa rin ng Faro?"
"I might. . . for a while." A smile slipped on his face. "Magpapa-miss lang nang kaunti."
"Mathieu!" she hissed in a low voice.
Bahagya itong natawa. "Shsh, the priest will hear us."
"Kung ganoon, kung hindi ako gumawa ng problema noon ay liligawan mo ulit ako?"
"Babalik at liligawan ka na may permiso na kay Iesus at Vier. Mahal ko, sa tingin mo ba talaga ay iiwanan kita? I told you. I can wait. And if I must, I will. I was just mad at you that time. I'm sorry if I have said those words."
"It's fine. Totoo rin naman ng lahat nang iyon."
He chuckled. "Alam ko."
Sinamaan niya ito ng tingin saka marahas na binawi ang mga kamay mula rito. "Asar ka talaga. Pasalamat ka't alam ko ang mga kasalanan ko sa'yo." Sa kabila ng inis niya kanina ay muli siyang ngumiti. "Pero last na 'yon. Hindi ka na puwedeng mawala sa'kin, Dmitry."
"Does that mean," nilapit nito ang mukha sa kanyang mukha, may pilyong ngiti na nakababa ang tingin sa kanyang mga labi. Hayan na naman ang pakiramdam na tila tumigil ng ilang segundo ang puso niya. Lintik iyan. "I can marry you anytime? And anywhere?"
"And in any timeline," nakangiti niyang sagot. Umangat ang tingin nito sa kanyang mga mata at nagtama ang kanilang mga mata. "Will you marry me now, Mathieu Dmitry Brandaeur?"
Namilog nang husto ang mga mata nito sa pagkamangha. "Seriously?"
Sunod-sunod na tumango siya. "Ano ba sa tingin mo ang dahilan ko kung bakit ako nagpasama sa'yo sa simbahan?"
"Para magdasal?" With innocent eyes, he answered.
Her lips twitched. "Hay naku, hindi." He chuckled, saka muling umayos ng tayo sa kanyang harapan. "Mag-aayos ba ako nang ganito kung magdadasal lang tayo."
He smiled. "I do."
Siya naman ang natigilan. "Huh?"
Binitiwan ng kanang kamay nito ang kaliwa niyang kamay. Nasundan niya ang pagpasok ng kamay nito sa bulsa ng pantalon nito upang ilabas ang isang napakagandang singsing. She gasped. Tila kumikinang ang perlas no'n dahil sa tumamang sinag ng araw.
It was the most beautiful pearl ring she had seen in her entire life. It appears as though the ring's golden lining curves endlessly and the pearl rests on top of it.
"Math—"
"I, Mathieu Dmitry Brandaeur," ibinalik nito ang tingin sa kanya, "Mateo in this lifetime," and smiled, "accept Chizle Priscilla Garcia, Maria Priscilla in this lifetime as my dearly beloved wife from this day forward until our next lives."
Sa kabila ng kanyang ngiti ay sunod-sunod na naglandas ang mga luha niya sa kanyang mga pisngi sa sobrang saya. Hinayaan niyang isuot ni Mathieu ang singsing sa kanyang palasingsingan. Damang-dama niya sa kanyang puso ang pagmamahal na nakikita niya sa mga mata ni Mathieu nang iangat nito muli ang mukha upang magtama muli ang kanilang mga mata. Who would have tought that she will marry him in 1935?
"I, Chizle Priscilla Garcia."
Natawa siya nang siya naman ang humugot ng kung ano sa bulsa ng kanyang bestida. Siyempre, hindi lamang ito ang naghanda. Nilabas niya ang singsing na nakita niya sa mga gamit ni Priscilla. It was obviously for Mateo lalo na't halata sa simpleng disenyo no'n na para nga iyon sa isang binata. At alam naman ng lahat na isang lalaki lamang ang iniibig ng isang Maria Priscilla Altagracia y de Dios—at si Mateo lamang iyon.
"Maria Priscilla Altagracia y de Dios sa panahon na ito," dugtong niya. "Ay buong pusong tinatanggap bilang aking pinakamamahal na asawa ang isang Mathieu Dmitry Brandaeur, Mateo Valdevielso. Simula ngayon hanggang sa maraming buhay na magtatagpo ang aming mga landas."
Kumarap siya at lalong dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. Isinuot niya ang singsing sa palasingsingan nito sa kabila ng paninikip ng kanyang dibdib sa sobrang pagpipigil ng iyak. Nanatili naman ang ngiti nila sa isa't isa pagkatapos.
"At pangako. . . dadating ako. Kaya hintayin mo lamang ako, ha?"
Lumuluhang tumango si Mathieu na sa mga oras na iyon ay naging Mateo na sa kanyang paningin. Pakiramdan niya ay bumalik lahat ng mga alaala ni Priscilla sa kanyang isip nang mga oras na iyon. Doon niya lubos naunawaan kung bakit sobra-sobra ang pagmamahal nito kay Mateo. Dahil doon ay lalo siyang napaluha.
Hindi niya gustong umalis at iwan ito sa ganoong sitwasyon ngunit naging malupit sa dalawa ang panahong ito. Sinikap ng mga ito na maging sapat ang maikling panahon na magkasama ang dalawa. At doon siya nasasaktan nang sobra. . . dahil wala na siyang magagawa upang iligtas ang buhay na iniwan niya sa panahon na ito.
Napayuko siya at yumugyog ang mga balikat niya sa sobrang pag-iyak. "S-sorry," hikbi niya habang maingat na niyayakap ang kanyang umbok na tiyan. "I'm sorry. . ."
"Shsh." Naramdaman niya ang mainit na pagyakap ni Mathieu sa kanya bago ikinulong sa mga palad nito ang kanyang mukha. "Baby, look at me." Dahan-dahan nitong iniangat ang kanyang mukha upang matingnan siya. Her lips trembled as she couldn't stop herself from crying. Seeing his face brought pain in her heart. Maiiwan ito sa oras na mawala sila. "I will be fine. Mateo will be okay."
May pagmamahal na pinunasan nito ang mga luha sa kanyang mga pisngi gamit ng mga hinlalaki nito.
"I'm s-sorry. . ."
Tuluyan na ring naluha si Mathieu pero pilit niyang tinatago sa pagngiti. "It's not your fault. Our baby will come back to us." Bumaba ang isang kamay nito para haplusin ang kanyang tiyan. "And he. . . or she. . . will live longer. . . and happy in the future. . . with us." Naipikit niya ang mga mata nang gawaran siya nito ng halik sa kanyang noo. "Mahal na mahal ko. . . k-ayo." It hurt so much to hear when his voice nearly broke.
If only life wasn't cruel in 1935.
Minulat niya ang mga mata at nakangiti pa rin ito sa kanya sa kabila ng mga luha nito. With all the love she could poured into it, she cupped his face and gazed upon it. Mathieu held her hand and cried in her touch. It was the very first time that he had seen him cry so hard. But he tried his best to smile at her—assuring her that he would be okay when that time comes.
Dahan-dahan nitong ibinaba ang kanyang mga kamay at sinapo ang kanyang pisngi, adoringly caressed it. She smiled back.
"I love you," she mouthed.
He smiled and tipped his face forward until their lips could touch. Pinikit niya ang mga mata at buong pusong tinugon ang may pananabik na pag-angkin ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Her hands clutched on his chest. Naramdaman naman niya ang isang kamay nito na yumakap sa kanyang baywang at may ingat siyang hinapit sa katawan nito upang mas lalong pailaliman ang halik.
Ibinuhos nila sa halik na iyon ang buong pagmamahal at pananabik sa isa't isa na tatagal hanggang sa susunod nilang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro