Kabanata 6
NAKAHINGA NAG MALUWAG si Chippy nang makita na isang pulang linya lang ang lumabas sa tatlong pregnancy test na sinubukan niya. Nakalapag ang tatlo sa sink counter ng banyo.
Marahas niyang naisuklay ang isang kamay sa kanyang mahabang buhok. The signs she experienced the past few days were alarming. It kept her awake until dawn. Ironically, despite her strong personality she felt scared confirming her assumptions.
Hinarap ni Chippy ang sarili sa salamin. Tinitigan nang mabuti ang mukha. She won't sugarcoat it, truth be told, she was a complete mess. Hindi siya skinny person, never siyang pumayat nang sobra, all her curves are on the right places, pero sa nakikita niya sa salamin ay mukhang masyado niyang pinapahirapan ang sarili sa nakalipas na linggo. Ang laki ng pinayat niya, napansin din 'yon ni Iesus kanina that's why he was too concern on her well being. Maputla rin siya dahil hindi siya naglagay ng kahit anong makeup sa mukha. Nanlalalim ang ilalim ng mga mata at halata ang eyebags.
Napabuga ng hangin si Chippy. "God, Chizle! What are you doing with your life?" Binuksan niya ang water faucet sa sink counter at naghilamos ng mukha. Ipinikit niya ang mga mata at paulit-ulit na binabasa nang malamig na tubig ang kanyang mukha.
It had been a hell of a month for her. The pregnancy scare only add up to her miserable life at the moment. Alam niya na gumamit sila ng proteksyon noong gabing 'yon, but she couldn't stop herself from overthinking.
Paano kung may butas pala ang condom na 'yon? Expired kasi hindi nag-quality check ang store? O karma niya for being a blacksheep of the family? Malay ba niya kung mas malapit sa langit ang ama niya?
Sana naman alam niya na may balak tumalon ng buwan ang dalaw niya para hindi siya napaparanoid nang ganito. Kung kailan naman siya nakipag-sex saka naman tumalon.
Pinatay niya ang tubig at tumayo nang maayos. She didn't dry her face with a towel kahit mayroon naman sa harapan niya. She just stare at her miserable face, water dripping from her face.
"You're really miserable, Chizle," kausap niya sa sariling repleksyon.
Chippy scoffs and scoops the three pregnancy tests in one hand before throwing them inside the trash bin just under the sink counter.
Siya rin naman magtatapon no'n bukas, no one will know. Marahas na hinaklit ni Chippy ang white face towel mula sa counter at lumabas na ng banyo. Pinatay niya ang ilaw ng banyo mula sa switch sa labas saka nagpunas ng mukha.
Loft style ang interior design ng rooftop house, ang nag-iisang bahay sa itaas ng commercial building sa boardwalk ng Faro de Amoré. It used to be a plain box – the initial plan was to make this a storage room but the room was spacious enough for her kaya she asked Iesus to turn this vacant room into a loft style apartment for her.
Una, dahil layas siyang babae at wala siyang pera to rent her own space noon. Pangalawa, she didn't have the courage to live far away from her cousins because practically wise, she can't survive with her pride alone. At least dito, mabubuhay siya nila Iesus at Vier. Pangatlo, she hated the white Spanish-Victorian ancestral house of de Dios. Titira lang siya roon na may katabing buhay but if mag-isa lang siya, kahit sampalin pa siya ng sampung milyon ay hindi siya matutulog doon.
Naupo siya sa sofa at inabot ang cellphone sa center coffee table. Hinubad niya ang slipped on bunny slippers niya at komportableng ipinatong ang mga paa sa mesa. Kinapa niya ang pinakamalapit na throw pillow sa kaliwa niya saka ipinatong sa kandungan niya.
When she entered the house earlier ay malinis naman ang paligid. All things are place in the right locations as how she remembers it. Nagpalit lang siya ng bedsheets at kurtina dahil maalikabok. Naglinis na rin siya bago binuksan ang centralized aircon. Aba'y walang siyang balak malunod sa alikabok.
Hindi rin naman nangingialam si Iesus sa bahay na 'to. She already claimed this house as her own and Iesus respects her privacy kaya never itong nag-attempt na pasukin ang rooftop house niya na hindi nagpapaalam.
In exchanged, Iesus asked her to find tenants to the vacant leasable spaces below. She did pretty well in finding one. Nag-door-to-door pa siya sa mga residents, nagbabakasali na baka may mga business owners or startups na gustong mag-expand ng business sa loob mismo ng Faro.
Yes, she was able to find people to lease all vacant three spaces in the ground floor. Isang mini convenience store, laundry shop, at pet store-clinic. Maliban sa malaking space sa second floor na isang malaking pagsubok sa kanya. But anyway, it's the least of her concerns dahil hindi naman siya pini-pressure ng pinsan niya.
Binuksan ni Chippy ang Instagram account niya – specifically pinuntahan ang account ni Eunice. Inihilig niya nang maayos ang likod sa back rest ng sofa habang tinitignan ang mga latest photos sa feed nito.
Una niyang napansin ang proposal photo nito at ni Marco. Chippy taps the photo and it navigates her back to the version of the photo with its caption. Two weeks ago, nag-propose ang walangya kay Eunice.
She can't help but scoffs. "Bagay nga kayo," komento niya.
Parehong may ngiti sina Eunice at Marco sa larawan na 'yon. Nakaharap ang likod ng kamay ni Eunice sa camera, kumikinang ang diamond ring sa ring finger ng step-sister niya habang nakayakap naman sa likuran nito si Marco.
Binasa ni Chippy ang caption. Eunice always knew how to compose her words, kaya ito lagi ang nag-aayos ng mga speeches ng ama niya. Naging exclusive assistant nito si Eunice sa halos lahat ng bagay lalo na noong past election. Everyone adores the step-daughter of Governor Ephraim Garcia – the perfect Eunice Marchella Garcia. Habang siya? She's the biological daughter who always stand behind the perfect family portrait of her father's second family.
Chippy swipes the next photo at bumungad sa kanya ang masayang ngiti ng kanyang ama kasama ni Eunice. Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya kaya bumigat bigla ang kanyang dibdib. Pero lalo lamang bumigat ang kalooban niya nang maging buong pamilya sila kasama na ang pamilya ni Marco.
She bites her lower lip saka pinatay ang cellphone. Inilapag niya 'yon sa unan sa kanyang hita. Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata, ang pagbabanta ng mga hikbi na gustong kumawala sa kanyang bibig. Life could have been better if she didn't lose her mother and brother. They could have been a perfect family.
They could have been us.
"Tangina!" mahinang mura niya, tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya sa kanyang mga mata, lalo lamang naninikip ang kanyang dibdib. "Tanginang buhay 'to!"
Marahas niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. Bigla namang umilaw ang screen ng cellphone niya. Muli niyang hinawakan ang cellphone at binasa ang pumasok na notification.
Chi, hija, tumawag ako kanina kay Iesus. Sabi niya ay uuwi ka raw bukas. – Stepmother
Anak, gusto mo bang ipasundo kita riyan? – Stepmother
Puwede ba kitang tawagan? – Stepmother
Napabuga ng hangin si Chippy saka pinatay ang cellphone – power off para hindi siya nito ma-contact.
Inihagis niya ang cellphone sa tabi niya at tuluyan nang tumayo. Ililigo na lang niya itong nararamdaman, iinom ng beer, at itutulog. Bukas ng madaling araw ay lalayas siya at magpapakalayo na naman.
INILABAS NI MATHIEU ang isa pang larawan mula sa likod ng picture na kasama niya ang lolo at lola niya sa wallet. Nakangiting hinaplos ng dalawang daliri niya ang larawan. It was a photo of him and his father taken almost twenty years ago. It was the only family photo that holds a genuine happy memory of his childhood.
Naging mapait ang ngiti ni Mathieu nang ibaling ang tingin sa labas. Mula sa glass panel wall kung saan nakapuwesto ang mesa at upuan na inuukupa niya ay kitang-kita niya ang kalmadong dagat, may iilang migratory birds sa paligid, at kumikinang ang bawat paligid na maaabot ng sinag ng araw. Naisip niya, paano kung bisitahin niya ang Mama niya? Ang mga kapatid niya? Will they be happy to see him?
It had been a while.
Ibinalik at iginala ni Mathieu ang tingin sa loob ng Noah's Ark. Alas diez na ng umaga, mabibilang lang sa kamay ang mga kumakain sa Noah's Ark. Sanay na siya sa ganoon. Monday is always a busy day but not a cravings days. Mamaya pa ng tanghali at gabi magsisidatingan ang mga customers ng Noah's Ark.
Ibinalik ni Mathieu ang larawan sa loob ng wallet at ibinulsa iyon. Sakto namang may narinig siyang pamilyar na boses.
"Apo!"
Agad na naibaling ni Mathieu ang tingin sa pinanggalingan ng boses. Napangiti siya nang makita ang Lola Mariana niya. Napalitan lang ng pagtataka nang sumunod mula sa likod nito si Simon.
At anong ginagawa ni Engineer dito nang ganito kaaga? Lunes na Lunes pa.
"Lola!" habol ni Simon sa matanda, nakasukbit sa dalawang kamay ang dalawang eco bag ng mga gulay. "Nako! Itong si Lola Mara napaka –" Sa huli ay natawa si Mathieu sa stress na nakikita niya sa kaibigan na si Simon.
Sa edad na 72 ay napakalakas pa rin ng kanyang Lola Mara at nakakatakbo pa rin – hindi man sobrang bilis pero mahahabol pa rin siya ng pamalo.
Gaya ng lagi nitong suot ay laging naka blouse at mahabang pencil skirt ang Lola Mara niya. Pinapatungan nito iyon ng makapalkapal na cardigan at laging may medyas ang loafers na sapatos dahil malamig sa lugar nila dahil nasa mataas na lokasyon.
Tumayo si Mathieu at sinalubong ng yakap ang kanyang Lola Mara.
"Mat-Mat!" Napangiwi si Mathieu sa pagtawag ng lola niya sa kanya ng palayaw niya noong bata siya. Naririnig pa niya ang malakas na pagtawa ni Simon. "Anak ka talaga ng ina mo –" Pinalo siya nito bigla sa kaliwang braso which made him flinch.
Damn!
"La!" Napalayo si Mathieu rito at nahaplos ang nasaktang braso. Sinong mag-aakala na sa liit ng Lola Mara niya ay kasing bigat naman ng gold bar ang kamay nito. "Ano na naman?"
"Nakalimutan mong bumisita sa'kin noong nakaraan. Aba'y namimihasa ka nang bata ka. Noon ay dalawang beses mo akong inuuwi sa Balamban. Ngayon ay kailangan ko pang bumaba rito para makita ka."
"Tama 'yan, La, pagalitan mo ang apo n'yo," sulsol pa ni Simon.
Pasimpleng pinaningkitan ni Mathieu ng tingin si Simon. Pero napalo na naman siya ng Lola Mara niya sa braso.
"Huwag mong inaaway si Mon-Mon!" Siya naman ang natawa. Nag-face-palm naman si Simon, pigil na pigil ang tawa. "Hindi ko matawagan ang cellphone mo na bata ka. Bibilibili ka niyan pero hindi mo naman ginagamit."
Napatingin si Mathieu sa nakakwintas na touchscreen cellphone ng Lola Mara niya. It's not the latest phone model although he did try to buy her one, but his grandmother was too stubborn so he let her keep her old phone.
"I'm charging my phone," sagot ni Mathieu sa lola niya. "Sana tumawag po kayo sa'kin kagabi, La. Si Kuya Tonyo ba ang kasama n'yo?"
"Kasama ko si Puri." Si Ate Puri ang kasambahay na laging kasama ng lola niya sa bahay at kapag nagsisimba ito. May iilan din naman silang katulong doon maliban dito. "Nasa kotse, may inaayos lamang."
"At ikaw, bakit ka nandito?" baling na tanong ni Mathieu kay Simon.
Tumawa muna ito bago sumagot. "Chef, libre ka ba?"
"Wala na akong pera Takeuchi, tigilan mo ako sa kakagala mo."
"Grabe! Sagot ko na accommodation mo – aray!" Ito naman ang nakatikim ng palo ni Lola Mara. "Lola naman!"
"Kayong dalawa, ang iinit ng mga puwet n'yo. Gala kayo nang gala, hindi kayo mapirmi sa iisang lugar. Mabuti sana kung 'yang pag-alis-alis ninyo ay may nauuwi kayong nobya."
"Pasalubong po, Lola, meron," nakangising sagot ni Simon.
"Hay nako, 'yan na naman po kami sa paghahanap ng nobya," aniya, nagpipigil ng tawa. "La, iba na po ang panahon ngayon. Hindi na minamadali ang pag-aasawa."
"Aba'y Dimitrio, hindi na ako bumabata. Ipakita mo naman sa'kin ang apo ko bago ako kunin ng iyong yumaong Lolo para magkasama na kami sa langit."
"Sa langit ba talaga punta Lola o sa –" Napalo na naman sa braso si Simon, lumakas lang ang tawa ng huli. "Ito naman si Lola, hindi mabiro. Sa bait n'yo po, hindi malayong lumagpas ka pa po sa langit."
"Masyado ka nang madaldal ngayon Mon-Mon. Palalagpasin mo pa ako 'di mawawala pa ako," sermon ng Lola Mara niya kay Simon. "At isa ka pa, kailan ka naman mag-aasawa? May balak ba kayong bumuo ng organisasyon ng apo ko ng mga lalaking takot sa pakikipagrelasyon?"
"Nako, La, wala sa bukabularyo ko ang tumandang binata." Inakbayan nito si Lola Mara. "Hayaan mo, La, kapag nahanap ko na siya. Ikaw ang unang makakaalam."
Napangiti si Lola Mara. "Ay talaga ba? Bakit hindi mo subukang maghanap ngayon na at nagmamadali ako."
Tawang-tawa si Simon. "La, kalma, dadating din tayo riyan."
Humagikhik naman si Lola Mara. Magkasundo talaga ang dalawang 'yan. Noon, siya lang ang favorite apo ng Lola Mara niya pero nang ipakilala niya si Simon ay mukhang na demote siya sa second favorite apo.
Napakamot na lamang si Mathieu sa kanyang isang kilay.
"Nga pala, may pag-uusapan lang kami nitong suwail kong apo." Pinaningkitan siya ng mata ng Lola niya. "Kumain ka muna, apo." Tinapik-tapik ni Lola Mara ang braso ni Simon. "Libre ko na."
"'Yon oh!" Niyakap ni Simon si Lola Mara at hinalikan sa pisngi. "The best ka talaga, Lola Mara."
"Babayaran mo pa rin ako sa katapusan. Sagot ko lang 'yan ngayon." Natawa si Mathieu sa pilyang ngiti ng Lola Mara niya.
"'Yan tayo e."
"Wala nang libre ngayon, apo ko."
Napakamot na lamang sa ulo si Simon. "Mag-tubig na nga lang ako."
"Mabuti pa," sagot naman ng Lola Mara niya kay Simon.
Umalis si Simon na dala-dala ang mga eco bags na alam niyang para sa kanya. Lumipat lang ito ng mesa. Agad naman na nilapitan ito ng isa sa mga staff niya at binigyan ng menu.
"Upo ka, La," basag ni Mathieu, ipinaghila niya ito ng upuan paharap sa kanya.
"Malapit na ang birthday ng Mama mo," simulang kwento nito nang makaupo. "Hindi ka ba dadalaw sa bahay nila?"
Bumalik naman siya sa kinauupuan kanina. Knowing his grandmother, alam niyang importante ang isinadya nito sa kanya.
Ngumiti siya. "I don't think Papa will be happy to see me."
"Hay nako, huwag mo na 'yon pansinin. Hindi ka naman naging suwail na anak sa kanya. At saka, tumawag sa'kin ang mga kapatid mo. Nami-miss ka na."
Alam niya kung sino sa mga kapatid niya ang nangungulit sa lola niya. "How's Hadrian and Sol?"
Mas matanda ng isang taon si Hadrian kay Sol. Malaki ang agwat ng mga bunso niyang kapatid sa kanya at sa sumunod sa kanya na si Alexandyr. He's just two years ahead from Andyr. He was eighteen when his mother gave birth to Hadrian and nineteen naman siya nang sumunod si Sol.
"They misses you. Hindi mo na raw sila dinadalaw. Ayaw nila ng video call."
Mapait siyang napangiti. "I'll just visit them in school."
"Mathieu, mga kapatid mo sila, kaya mo ba silang tiisin?"
"La, alam mo naman ang sitwasyon namin –"
"At wala ka namang ginagawang masama. Hindi mo kasalanan ang nangyari noon. Wala kang kasalanan apo –"
Hinawakan niya ang kamay ng Lola Mara niya at marahan iyong pinisil. "But it's still my past." Binigyan niya ng malungkot na ngiti ang lola niya. "I could no longer change it. They're good without me in their lives."
NAKA 50 MISSED calls na si Chippy ngayong araw kay Iesus at Vier. She even deactivated her social media accounts. Wala namang idea ang dalawa sa kung ano ang pangalan ng online boutique shop niya sa Facebook at Instagram. Yup, she did manage to escape kanina na walang nakakapansin sa kanya. Sinakto niya na umalis si Manong Ben sa guard post bago niya binuksan ang gate na mag-isa.
Isinilid niya sa black clutch bag niya ang cellphone. Kahit sa restroom ng bar ay ramdam niya ang vibrations nang malakas na music. She went there alone dahil may date ang magaling niyang kaibigan na si Louise Veronica. Parang kailan lang nang makilala niya ang babaeng 'yon sa mismong bar iyon na wasak na wasak sa pag-ibig at muntik pang mapapulis.
Natawa si Chippy nang maalala ang gabing 'yon. Pero tangina ang babaeng 'yon, ang bilis makahanap ng lalaki. Sana nga lang tumagal na 'yon at baka sa susunod na mawasak na naman ang puso ng babaeng 'yon ay rehas na ang hihimasin nila.
Lumabas na siya ng cubicle at dumiretso sa counter sink para matignan ang sarili sa salamin. Good thing, iilang babae lang ang kasabay niya, on weekends, halos magdikit-dikit na.
Inayos niya ang black halter dress na hanggang sa itaas ng tuhod ang cut. Nilalamig na rin siya sa suot na 'yon – tanginang, tiis ganda.
Sinuklay niya gamit ng isang kamay ang buhok at bahagyang ginulo. Napangiti siya pagkatapos. A beautiful mess, komento niya sa isip.
Nabibingi siya sa lakas ng beat ng music nang bumalik siya sa bar counter. Wala siya sa mood, she's trying though, pero naasar lang siya sa mga lalaking nag-i-initiate na kausapin siya – natatarayan na nga niya. Wala rin naman siyang plano na magtagal sa bar na 'yon. Now, that everything irritates her and her stupid heels are killing her feet. One Bloody Mary then she's good.
Inilapag ng bartender ang order niya na Bloody Mary.
"That's on me."
Napatingin si Chippy sa kanyang kaliwa. Napairap siya sa kanyang isip.
Ito na naman? Kanina pa siya kinukulit ng lalaking 'to. Hindi ba ito nakakaintindi ng signs? She's not responding, meaning, he doesn't interest her.
Mula sa clutch bag niya ay nilabas niya ang master card niya. "I can pay for myself." Ngumiti siya sa bartender at kinindatan pa ito. "Thanks."
Ngumiti ang bartender saka kinuha ang card. "I'll be back."
Chippy didn't bother looking back at the guy beside her. Kapag pinansin niya ay baka isipin lang nito na nagpapakipot lang siya.
"I think I remember who you are," basag ulit nito. "I have seen you before with... Anyway, how are you related to Marco Altamirano?"
Natigilan si Chippy.
Shit! Kung mamalasin ka nga naman. Kilala pa ng walangya ang isa pang walangya. Kaya pala ayaw ako tigilan ng gago.
Mataray na ibinaling niya ang tingin sa lalaki. "I don't know him." Ibinalik niya ang tingin sa harapan saka inisang lagok ang Bloody Mary niya. The liquor almost burned her throat but she didn't care.
Fuck, uuwi na ako!
"I even thought you were his girlfriend," dagdag ng lalaki. Humigpit ang hawak ni Chippy sa shot glass. "But I've heard he's engaged with the governer's daughter." Marahas na ibinagsak ni Chippy ang baso. Sakto namang bumalik ang bartender at bahagya itong nagulat sa ginawa niya.
Hinugot ni Chippy ang buong lakas na harapan ang lalaki sa kanyang tabi na hindi sumasabog. She even smile at the guy kahit gustong-gusto niyang ipukpok dito ang bote ng alak sa harapan nito.
"Well, good for them," aniya, tumayo siya at kinuha sa bartender ang card niya. "Adios!"
Mabilis ding tumayo ang lalaki sa tabi niya. "Ihahatid na kita."
Ibinaling niya ang tingin dito. She smiles seductively. "No," nawala rin ang ngiti niya sa sagot na 'yon. "I can manage, thanks."
Iniwan na niya ang lalaki at dire-diretso lang sa exit pero ramdam pa rin niya ang pagsunod nito. Wala na siyang pakialam sa mga taong nasasagi niya sa dance floor dahil sinadya niyang doon dumaan.
"Tangina, hindi ba ako titigilan ng walangya?" nabubwesit niyang bulong sa sarili.
Binilisan na lamang niya ang paglalakad hanggang sa makalabas siya at makasakay sa elevator. Nasa itaas ang high-end na bar kaya kailangan pa niyang mag-elevator pababa ng parking lot. Akala niya ay makakahinga na siya nang maluwag nang mapansin niya ang lalaki na nakasunod na naman.
"Fuck! Ano ba 'tong lalaking 'to? Anak ba siya ng elemento?"
Hindi pa nakatulong ang litseng heels na suot niya. Malulumpo yata siya kapag tumakbo siya.
Chippy, think!
Hindi lang muna siya nagpahalata. Inilabas niya ang cellphone mula sa bag at nagkunwaring may tinatawagan pero nakahanda na ang numero ng mga pulis in case. Ramdam niya ang panlalamig ng mga kamay at panginginig no'n habang hawak ang cellphone.
May narinig siyang pag-lock ng pinto ng kotse sa malapit. Agad siyang napatingin kung saan banda 'yon. Naulit ang tunog at umilaw pa ang headlights. Nakita niya ang isang pamilyar na matangkad na lalaki na may-ari ng kotse. Natigilan siya nang lumingon ito sa direksyon niya. Literal na naistatwa si Chippy sa kinatatayuan niya nang makita ang mukha ng lalaki.
Mathieu!
Hindi siya puwedeng magkamali.
Napalunok si Chippy.
She knew that hiding from Mathieu will only make her situation worse and a gain to that asshole na alam niyang nagtatago lang sa likuran niya. She needed an escape plan and Mathieu was the escape she needed at the moment.
Oh, fuck it!
Mukhang namukhaan din siya ni Mathieu kaya ito natigilan, but she has no time for drama. Kaya malapad na ngumiti siya rito at kumaway.
"Kuyaaaaa!" sigaw niya rito.
Napakurap nang husto si Mathieu at literal na napatingin sa likuran nito. Pinandilatan niya ito ng mga mata at sinenyasan na huwag tumingin sa kung saan. Pero lalo lang itong naguluhan.
"Kuya!" ulit niya sabay takbo sa pagitan na distansiya nilang dalawa ni Mathieu. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay!" Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng gago sa likod.
Nang makalapit ay hinawakan niya ang isang kamay ni Mathieu – litong-lito pa rin ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.
"Please lang sumakay ka na lang. Kanina pa ako sinusundan ng walangya. Hindi ako titigilan niyan kapag hindi ka sasabay."
Pasimple itong sumilip sa likuran niya pero sinaway niya ito.
"Huwag mong tignan!" she hisses.
Kumunot ang noo ni Mathieu nang ibalik ang tingin sa kanya. "He's looking." Hinubad nito ang suot na black jacket at natira na lamang ang white shirt nito. Ipinatong nito ang jacket sa mga balikat niya saka siya inakbayan.
"Get in the car."
Pinindot nito ang unlock button sa remote keys na hawak, umilaw ang mga headlights ng sasakyan at may narinig siyang pag-click. Binuksan nito ang pinto sa passenger seat para sa kanya.
"Pero ang kotse ko –" awat niya rito nang sapilitan siya nitong ipasok sa loob.
Mathieu leans closer and smile. "Your beloved brother will get it later." Pinaningkitan niya ito ng mga mata, halatang nang-aasar. "But first, I will have to secure my little sister's safety." Kinindatan pa siya nito bago tuluyang isarado ang pinto.
Chippy cringes at the thought. Oh, god! Mathieu will never be a brother material for her – not with the kind of history they shared together a month ago.
Seriously, Chippy, Kuya? Sana nag-Love or Babe ka na lang. Ngayon parang kinikilabutan na siya. The incest feeling! Damn.
Nakaupo na sa driver's seat si Mathieu. He was looking at her through the rear-view mirror. Nakaplaster pa rin ang isang pilyong ngiti.
"Comfortable with your seat, Lil sis?"
She glared at him. "Shut up!"
Ikinabit nito ang seatbelt sa katawan at pinaandar ang kotse. Chippy can't help but notice that his car smells so much like him. She finds it weird to even still remember those small details. Sobrang linis din ng loob – a complete irony of her messy car.
And so, Chippy? Anong gusto mong i-imply sa sarili mo? Argh!
"By the way," nakangiti pa ring nilingon siya nito, "kumain ka na ba... Lil Sis?"
"Fuck you!"
Tawang-tawa si Mathieu. "Later." Saka ibinalik ang atensyon sa harapan at nag-drive paalis ng parking lot.
Chippy, kalma!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro