Kabanata 58
"KUNG ganoon, bumalik nga ang kamalasan sa Pueblo de Liloan," Mathieu concluded, tumango si Simon.
Sa isang maliit na mesa na yari sa kahoy, doon sila nag-uusap. Sa gitna no'n ay isang gasera at malapit ang mesa sa bukas na bintana. Dalawang silya lamang ang nahanap nila sa kubo kung kaya't silang dalawa lamang ni Iesus ang naupo—magkatapat sa isa't isa. Si Simon ay nakatayo sa kanyang kaliwa habang sina Juan at Andrew ay nasa magkabila ni Iesus, parehong tahimik at may seryosong ekspresyon sa mukha. Si Iesus naman ay tila may inalala sa kanyang isip.
"Ang nangyari kasi, my lord," pagpapatuloy na kwento ni Simon. "Apat na buwan ang tinalon sa unang time lapse. At nang umalis si Mateo, at ayun na rin sa kuwento nila rito, bumalik ang baliw na matanda na nagsabing isinumpa si Priscilla at binawi ang paratang."
"Na saan na ang matandang 'yon?" curious, Iesus interjected.
"Ayun lang, biglang nawala," sagot ni Simon. "Sinubukan naming hanapin ni Juan pero hindi na namin nakita. Wala nga ring makapagturo, talagang walang iniwang bakas."
"Hmm." Mula sa pagkakahalukipkip ng isang braso, umangat ang kamay ni Iesus sa baba nito. "Pinagkalat. . . at binawi. . . I find this odd. . . and familiar."
"Iyon din ang pinagtataka namin, Sus," aniya. "At mas lalo lamang tumindi ang paniniwala naming maaaring may nag-utos sa matanda na ipagkalat iyon. And that, he might be connected with the merchant jeweler."
"My lord, tanong," nag-taas ng kamay si Simon. "Wala ka bang ideya tungkol sa mga nangyari rito? Maliban sa araw ng pagkamatay ni Priscilla?"
Sa pagkakataon na iyon, isinandal ni Iesus ang magkabilang siko sa mesa at pinagdaop ang mga kamay pagkatapos. "They were none. . . only tales made by my grandfather."
Simon frowned. "Tales? So hindi iyon totoo?"
Calmly, Iesus nodded. "He had many tales. The only fact he had said to me was Priscilla's untimely death."
"Chi mentioned that she had no idea that Priscilla was pregnant. Itinago n'yo rin ba ito sa kanya?" tanong niya.
"I believe, Lolo Xersus intentionally hid that from us."
"Hindi mo rin alam?" kunot ang noong tanong niya.
"I was aware of it but didn't learn about it until later. . . not until Lolo Xers was on his deathbed."
Someone cleared a throat. "Ahm, excuse lang po," biglang singit ni Amora, lumapit pa ito sa mesa nila. "Kanina pa po kasi ako nakikinig sa inyo. Hindi ko lang alam, Boss, kung napansin n'yong pamilyar na ang kuwentong sinasabi po nila Engineer."
"What is it, Amora?" baling ni Iesus kay Amora.
"Boss, ako na, ha? Feeling ko kasi may maiambag ako rito." Napansin ni Mathieu ang pagpipigil ng tawa ni Simon kay Amora. Kumunot lang ang noo ni Iesus sa assistant nito. "Tutal nabanggit n'yo na rin po sa kanila ang tungkol sa mga kwento ni Lolo Xersus. Ahm, Boss, makiki-lolo muna ako, a, para mas dama."
"You also knew about the tales?" seryoso ang mukha pero manghang tanong ni Andrew.
"Yes, Sir Drew, pero kanina ko lang po talaga iyon nalaman. . . ano, present time. " Amora glanced at Iesus. "Kwento ko na, ha, Boss?"
Naniningkit man ang mga mata at parang hindi sigurado dahil bahagyang nakatagilid ang ulo ay tumango pa rin si Iesus. "Go on," he urged.
"Ayun, sige, so may dalawang tales po kasi na binanggit sa'kin si Boss Sus. Iyon pong The Tale of Hidden Old Love Letters. Nabanggit n'yo po kasi na may baliw na matanda na nagparatang kay Priscilla na isinumpa siya. So, iko-confirm ko lang po sana kung ganito po ba ang kuwento ng love story nila Priscilla at Mateo."
"Sige, anong tungkol do'n, Mor?" interested, he asked.
"Sa kwento po kasi ni Lolo Xers, Chef, may isang dalaga sa Pueblo de Liloan ang lihim na umiibig sa isang binata. Pero hindi siya gusto ng binata na iyon at may iba ngang mahal." Hold on, this seems familiar to him. "Medyo weird daw kasi iyong dalaga saka mataas ang confidence magtapat sa binata. Lagi pang may pa pulang rosas at sulat ang dalaga sa binata. Pero ito na nga, sinabi n'yo na may nagpakalat ng storya na may dalang sumpa si Priscilla, 'di ba?" Tumango silang apat, maliban kay Iesus. "Iyon din ang nangyari sa kuwento ni Lolo Xers. Sinabi sa kuwento na isang sumpang paratang ang naging tulay upang makilala pa nang husto ng binata ang dalaga."
Natigilan at napakurap siya roon. Damn! Kinilabutan siya nang sobra. "That was indeed what happened between Priscilla and Mateo," pagkumpirma niya.
Namilog ang mga mata ni Amora at napasinghap. "Boss, sabi ko sa'yo e. Tama ako," baling ni Amora kay Iesus. "Hindi lang kuwento-kuwento iyon ng lolo mo. Kaya siguro gusto niyang paniwalaan mo siya kasi iyon talaga ang totoong nangyari."
"If that's the case, Sus. Why can't Lolo Xers tell you the truth directly?" tanong niya. "Why does it have to be stated through tales?"
"Mor, iyong pangalawang tale. Ano iyon?" singit ni Simon.
"Ah, ahm. . ." Halatang nagpa-panic na inalala ni Amora ang pangalawang kuwento. But only for a split second, mukhang naalala agad nito nang matingnan ang mukha ni Iesus. "Ah, naalala ko na!" she snapped her fingers. "Tungkol po iyon sa isang mag-aalahas na scammer. Hindi po ba, binanggit n'yo rin iyon kanina?" Sa sinabi ni Amora ay halos hindi na maipinta ang mukha ni Iesus.
"Ayusin mo ang pagkukuwento mo, Amora," hindi maiwasang komento ni Iesus.
"Ay, sorry, Boss." Amora cleared her throat. "Pero parang ganoon naman din po iyon, Boss. Tungkol pa rin naman iyon sa isang misteryosong mag-aalahas sa Pueblo de Liloan." Napatingin silang apat sa isa't isa, mukhang napansin din iyon nila Amora at Iesus.
"Ituloy mo," seryosong udyok ni Andrew.
"May isang masamang mag-aalahas na nanloloko ng mga tao. Pinapaniwala ng mag-aalahas na ito ang mga tao na mawawala lahat ng mga problema at kamalasan nila kapag ipinagbili nila sa kanya ang mga pinakamakapangyarihang mga bagay na meron sila."
"Shit!" malakas na mura ni Simon.
"The merchant jeweler," biglang usal ni Andrew.
Lalo siyang kinilubatan. If Xersus described the man as an evil jeweler, it means, he was indeed a scheming jeweler and an enemy to the de Dios.
"Wait, kung ganoon. . . nandito rin po siya?" may pag-aalalang tanong ni Amora.
"He's here." Seryosong-seryoso ang mukha ni Juan, may bahid ng galit. "And he had abilities similar to some of us, Sus."
"Anong ibig mong sabihin doon, Juan?" na alarmang tanong ni Iesus.
"Bago tumalon sa pangalawang time lapse," siya ang sumagot. "Tiniyempuhan namin ang grupo nila Temyong, kasama si Andris. Sep and Drew's great-grandfather. Malayo sa'min si Juan dahil nagkatawang pusa siya para mas marinig niya ang pag-uusapan nila Temyong at ang kikitain nitong mag-aalahas na mas kilala bilang si Don Sebastino. Kagaya ng inyong pamilya, mangangalakal din itong mag-aalahas na sa tingin namin ay ang tao na nasa likod ng mga kaguluhan dito sa Pueblo de Liloan."
"Nakakuha rin kami ng impormasyon tungkol sa kanya, Sus," dagdag ni Simon. "Isa na nga roon ang paglapit niya sa mga mayayaman dito sa bayan. Kinukuha niya ang loob ng mga 'yon para sa kanya bumili ng mga alahas. Mukhang sinasadya niya para mawalan ng kabuhayan ang mga de Dios. Pinuntahan na rin niya si Don Jose de Dios pero nakapagtataka na hindi ito hinarap ng tatay ni Julian. At mukha ring umiiwas itong si Sebastino sa pamilya n'yo. Lalo na't sa kwento nila Julian at Noah, hindi pa nila nakakaharap ang mag-aalahas. Hanggang sa may nag-tip kay Andris na may kikitain nga ang grupo nila Temyong."
"I was closer, so I saw everything," dagdag ni Juan. "In just one snap of his fingers, he can manipulate the person like his puppet."
"Have you seen his face, Juan?"
Umiling si Juan kay Iesus. "I didn't, but I'm sure I did see his face, but I couldn't remember it now."
He doesn't remember Juan had said that before. "Hindi mo binanggit sa'min iyan, Juan," he demanded.
"I was confused. . . I'm sorry." He gulped before saying again, "I tried to remember his face. . . pero wala talaga. . . malinaw lang ang pigura niya pero wala na siyang mukha sa isip ko."
"Did he see you?" he asked.
Umiling si Juan. "No. I'm sure about that." Seryoso ang tingin nito sa kanya, he could tell that Juan was telling the truth. If not, he wouldn't be standing as a human by now.
"Kung ganoon, Sus, Lolo Xers was already giving you hints," baling niya kay Iesus.
"Sandali, balikan natin ang tanong mo kanina, Chef," ni Simon. "Kasi may point ka e. Bakit idadaan ni Lolo Xers sa kuwentong bayan ang mga pangyayari sa nakaraan kung puwede niya namang sabihin kay my lord nang deretsa ang lahat? Gets n'yo? Sa ginawa niya, parang may matinding dahilan si Lolo Xers. Unless, may ginawa siya na naging dahilan kung bakit walang nakakaalala sa mga nangyari sa 1935."
"It does make sense," segunda ni Andrew.
"'Di ba? Tama ako."
"If we traced it back, this phenomenon should have been written as a historical event in the history of Liloan," Andrew continued. "I would have known. . . and I would have remembered. I've read a ton of folktales already. There's a slim chance that this tale would slip my mind."
"Parang impossible po na walang makaalala, Sir Andrew. Lalo na kung ganoon nga po ka interesting ang kuwento. Ang chismis nga po e may pakpak at bunganga, agad nagba-viral bigla sa panahon natin. Paano na lang po kaya ang mga nakakalokang mga ganap dito sa 1935? Malamang sa malamang, through word of mouth po iyan. At true po, Sir Andrew, marami na rin po akong nabasa na mga folklore sa Cebu. Ang kugtong at lilo lang po ang masasabi kong pinakasikat."
"There was another myth, a tragic love story associated with the word 'silot.' Although, I'm presuming that it wasn't as popular as the two folklore you have mentioned. Still, Priscilla and Mateo. . . and this evil jeweler had no accounts in the present time."
"Maybe. . . someone erased it," Juan guessed.
"It could be," Andrew somehow agreed.
"And only my grandfather remembers everything," Iesus added thoughtfully.
"But my question is." Lahat ng mga mata ay biglang nasa kanya. "How did Xersus remember everything if indeed someone erased it?"
IKA-16 NG DISYEMBRE NG 1935
NAGISING si Chippy na wala sa tabi niya si Mathieu, madilim pa sa labas pero rinig na niya ang tunog ng kampana ng simbahan. Hindi man ganoon kalakas, but enough to wake her up in the middle of the dawn. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, pansin niyang hindi nagalaw ang kabilang parte ng kama kung saan humihiga si Mathieu. Didn't he come home last night? Kunot ang noong tanong niya sa sarili.
She's not usually up at this early, talagang nagising lang siya. Hinawi niya ang kumot sa katawan at dahan-dahang tumayo. Suot ang tsinelas, hinagilap niya ang balabal na iniwan niyang nakasampay sa dulo ng kanyang kama at iniyakap ito sa kanyang katawan. Dumungaw siya sa malaking bintana na nang mga oras na iyon ay nililipad pa ng malamig na simoy ng hangin ang mahabang puting kurtina. Nayakap niya nang husto ang sarili, lalo na't nanunuot ang lamig sa kanyang balat.
"December 16 na nga pala ngayon," usal niya sa kawalan, iginagala ang tingin sa bawat parol at palamuting nakikita niya sa buong hacienda. Malamang ay ang kampana ay ang pagbibigay-senyas sa mga tao para sa unang araw ng Misa de Gallo.
Biglang bumukas ang pinto at siya ay napalingon doon. "Xersus!" singhap niya nang makitang si Xersus lang pala iyon. Sakabila ng nag-aagaw ng dilim at liwanag sa kanyang silid, naaninag pa rin niya ang mukha ng bata.
"Paumanhin, Tiya, kung ikaw po ay nagulat ko." Tumuloy ito sa loob at lumapit sa kanya. Napansin niyang nakabihis na ang bata ng pangsimba nito. "Naghahanda na po kami para sa pagpunta namin sa simbahan."
Ngumiti siya kay Xersus at hinawakan ang kaliwang pisngi nito upang marahang haplusin iyon ng kanyang hintuturo. "Sino ang mga kasama mo sa pagsisimba, langga?" malambing niyang tanong dito.
Hindi siya puwedeng sumama, para na rin sa kaligtasan niya. Umiiwas sila na pag-usapan ng mga tao. Lalo na't malaki na ang kanyang tiyan pero hindi pa rin sila kasal sa simbahan ni Mathieu bilang Priscilla at Mateo. Unlike Julian and Amara who got married a month ago.
Lumapad ang ngiti ni Xersus. "Sina Papa, Mama Amara, Lolo at Lola, Tiya."
Bahagyang kumunot ang kanyang noo, may isang hindi sasama? "Hindi ba sasama ang Tiyo Noah mo?"
Umiling si Xersus. "Hindi po, Tiya. Siya po ay magbabantay rito sa bahay. Hindi po kasi maaari na maiwan po kayong mag-isa rito."
Namimilog ang mga matang, napakurap siya. Tama nga naman. "A, ganoon ba?"
"Bubuoin ko po ang siyam na araw, Tiya," sabik na kuwento nito. "Meron na naman po kasi akong kahilingan. . . sana nga lang po ay hindi magsawa ang Dios sa pakikinig po sa akin." Bahagya siyang natawa roon. "Lagi na lang po kasi akong humihiling sa Kanya at lagi naman po kasi Niya akong pinapakinggan, Tiya."
"Naks, malakas naman pala ang kapit mo sa Kanya e."
Humagikhik ang bata. "Pero po ang hiling ko po ngayon ay hindi po para sa akin, Tiya."
"O, e, para kanino naman?"
Ngumiti ito ng matamis. "Para po sa iyo." Natigilan siya, bigla ay naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "Ako po muna ang magdadasal para sa iyo, Tiya. Ako po muna ang magsisimba para sa iyo."
"Xers—"
"Para po, hindi po isipin ng Dios na hindi na po kayo nagsisimba. Nandoon po ako para sabihin po sa Kanya na kasama ko po ang Tiya ko lagi. . . at huwag na po Siyang magdamdam. Hindi n'yo naman po kasalanan kung bakit hindi na po kayo nakakalabas ng bahay. Sabi ni Papa, para naman po iyon sa kaligtasan n'yo."
Hindi niya maiwasang lumuhod sa harapan nito ng may pag-iingat. Hilam ang mga luhang niyakap niya si Xersus—ang Lolo Xersus niya.
"Salamat," aniya, ramdam ang paninikip ng dibdib at lalamunan sa pagpipigil ng hikbi. "Salamat, Xers. . ."
Gumanti ito ng yakap sa kanya. "Walang anuman po, Tiya ko. Mahal na mahal po kita e."
Lalo lamang siyang naluha sa mga sinabi nito. Naalala niya bigla ang bersiyon ng mga salitang iyon ng kanyang Lolo Xersus. Sa tuwing nagpapasalamat siya rito ay iyon din ang sinasagot nito. 'Walang anuman, apo ko. Mahal na mahal ka ng lolo mo e.' Naipikit niya ang mga mata at yumakap pa lalo sa bata.
"Mahal na mahal din kita, Xersus ko."
"Ang aga naman ng pagmamahalang nasasaksihan ko." Naimulat niya ang mga mata at napatingin sa dumating—si Mathieu. Mula sa bukas na pinto ay lumapit ito sa kanila, lislis ang manggas ng suot nitong puting polo hanggang sa mga siko. Mahinahong inihagis nito ang nakasampay na blazer sa braso nito papunta sa paanan ng kama. Sinunod nitong kalasin ang ilan sa mga butones ng polo nito. "Magandang umaga, Xersus."
Kumalas ang bata sa kanya. "Tiyo Mateo!" masaya at sabik nitong sigaw. Mabilis itong lumapit kay Mathieu para yumakap sa baywang nito.
Mathieu chuckled. "Maganda yata ang gising ng Xersus namin." Malambing na ginulo nito ang buhok ni Xersus. "A, alam ko na."
Dahan-dahan siyang tumayo at may ngiting tinitigan ang dalawa habang pasimpleng pinupunusan ang mga hindi pa natuyong luha sa kanyang mga mata.
"Ano po iyon, Tiyo?" nakaangat ang mukha na tanong nito.
"Wala." Nakangiting umiling si Mathieu sa bata. "Ngunit, ikaw ay hinahanap na ng iyong ama sa ibaba. Aalis na raw kayo."
Namilog ang mga mata ni Xersus at napalayo kay Mathieu. "Tiya!" baling nito sa kanya. "Tiyo!" baling ulit nito kay Mathieu. Natawa siya sa pagkataranta nito, tumatakbo pa ito sa mismong kinatatayuan nito. Hay naku! Napakaligalig talaga. "Aalis na po ako at baka po ako ay mapagsabihan ni Papa. Paalam po!"
"Mag-ingat ka," aniya.
"Pray well," dagdag ni Mathieu, nakangiti.
May ngiting kumaway si Xersus bago sili iwan ni Mathieu. Pero wala pa ngang isang minuto ay bumalik ito para isarado ang pinto. Pareho silang natawa ni Mathieu.
"Ang kulit ng lolo mo," basag ni Mathieu. Lumapit pa ito sa kanya. "Is he always like that?" Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito.
"You mean? As a child o bilang lolo ko?"
"Both?"
She chuckled. "As far as I could remember, yes. Kahit bata pa ako noon ay naalala kong makulit siya. Well, there were times that he's strict, but only when we're being stubborn. But he was a great, Lolo, Math. In fact, spoiled na spoiled kami sa kanya. Kaya kahit na hindi kami rito nakatira nila Iesus sa faro noon, lagi kaming nandito, dinadalaw siya."
"Did he live alone here?"
She nodded. "Pero may tatlo siyang kasama sa bahay noon." Naglakad siya muli patungo sa bintana at tinangnan mula roon ang labas. Nakita niya roon ang paglabas ng dalawang sasakyan na marahil lulan ang pamilya niya. "Naunang mamatay si Lola Manuela, ang asawa ni Lolo," simulang kuwento niya. Naramdaman niya ang pagtabi ni Mathieu, pero hindi na niya kinompirma ng tingin. "At noong isa-isa nang nagsipag-asawa ang mga anak niya, hindi sila tumira rito sa bahay. Ayaw ni Papa, siyempre walang magagawa noon si Mama. Si Tito Josef naman, feeling ko, ayaw niya rin na dito lumaki si Iesus. Ewan, assumption ko lang din."
"I don't think Xersus was a bad father."
Nang ibaling niya ang tingin kay Mathieu ay nakatingin na ito sa kanya. "He wasn't." Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Humaplos ang lamig no'n sa kanyang pisngi. "Pero siguro kagaya ko ay ginusto rin nilang makalaya mula sa bahay na 'to." Inayos niya ang balabal sa kanyang katawan bago muli ibinalik ang tingin sa labas. "Pero si Lolo, ayaw niya. Nandito lang siya lagi. Hinihintay kami na dalawin siya." Muli niyang naramdaman ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "Bata pa ako noon, kaya hindi ko pa masyadong iniisip kung bakit ayaw niyang umalis. Ang natatandaan ko lang ay, may pangako siyang tinutupad."
"Pangako?"
Tumango siya. "Oo. Ayaw niya sabihin kung ano. Pero noong bata ako, madalas ko siyang nakikita na may hinihintay sa labas ng parola. Lumalabas siya ng bahay eksakto bago tumunog ang kampana ng simbahan. Ginagawa niya iyon sa umaga at bago mag-alas-sais ng gabi." She paused before speaking again. "Nakuwento ko na iyon kay Iesus noon. Pero sabi niya ay hayaan na lang daw namin si Lolo. Nang pumanaw siya, hindi ko na rin inisip ang tungkol doon. Simula kasi nang mawala si Lolo, isa-isa na akong iniiwan ng mga mahal ko sa buhay. Hanggang sa mag-asawa ulit si Papa, mas tumindi ang kagustuhan kong makaalis sa lugar na ito. Pero sa tuwing nagtatangka akong umalis ay lagi akong bumabalik dito." Binaling niya ang mukha kay Mathieu. "At dito rin tayo unang nagkita. At kahit sa nakaraan nating buhay, dito rin tayo laging pinagtatagpo."
"Chi—"
"Will our fate in the future follow the same fate we had in our past, Math?" Dati na niyang inaalala iyon, paulit-ulit na nga yata siguro siya sa pagtatanong no'n kay Mathieu.
Mathieu smiled reassuringly at her. "No."
They faced each other this time. "Paano ka nakakasiguro?"
"Because our future isn't done yet. Pagbalik natin doon, you will still be the same Chizle Priscilla de Dios Garcia that turned my life upside down." Natawa siya roon. Gagi! Inabot nito ang dalawa niyang mga kamay at marahang pinisil ang mga ito. "And I will still be the same Chef Mathieu Dmitry Valdevielso Brandaeur. I still have a screenshot copy of my PSA if you want proof."
Mas lalo siyang natawa. "Baliw."
He chuckled. "Papunta na nga roon. Wala pa akong tulog."
Which reminds her. Pinanlisikan niya ito ng mga mata. "At saan ka galing, Mateo?" Sadya ang pagtawag niya sa pangalan na iyon.
"Doon lang sa kubo. Marami kaming pinag-usapan nila Iesus."
Her face softened. "May plano na kayo?"
"On how to get out of here? Still not sure about that. But we're diverting our focus to the mysterious jeweler and Xersus."
"Kay Xersus?"
Mathieu nodded and yawned at the same time. Halata na sa mukha nito ang antok at pagod. Mukha ngang bibigay na ang mga mata nito. Kung hindi pa ito humikab ay hindi pa niya mapapansin na nanlalalim na rin ang ilalim ng mga mata nito.
"Matulog ka na lang muna, Math. You've been awake since—"
" —since two months ago," may bahagyang tawa na dugtong nito.
"Oo, literal."
"Grabe, sirang-sira na ang body clock ko sa timeline na 'to."
Hinila na niya ito papunta sa kama. "Matulog ka na, lugi ka. Iyong mga barkada mo tulog na iyon malamang." Pinilit na niyang mahiga roon.
"Iyong apat lang."
"Sino?"
"Alam mo na kung sino."
"A, malamang, si Iesus na lang gising."
Mathieu chuckled. "Sinabi mo pa."
Inangat niya ang kumot hanggang sa dibdib nito. "Hayaan mo na 'yon, matanda na siya." Natawa lang ulit si Mathieu pero nakapikit na ang mga mata. "Goodnight."
"Goodnight."
Hindi inabot ng ilang minuto ay nakatulog na nang tuluyan si Mathieu. Alam niyang malalim na ang tulog nito dahil rinig niya ang mahinang hilik nito. Tinitigan niya ang mukha nito at marahang bumuntonghininga. Even in his sleep, he looked tired and worn out. Kaya hahayaan niya muna niya itong matulog—kahit buong araw pa.
Gising na gising naman na ang diwa niya, siguro ay may araw na siya dadalawin ulit ng antok. Kaya iniwan niya muna sa kama si Mathieu at naupo siya sa silya ng mesa kung saan ang sulatan ni Priscilla. Hinugot niya ang drawer at mula roon ay nilabas ang isang maliit na kahon. Biglang dumapo sa mesa ang asul na ibon ni Juan. Hinayaan niya lang ito at lagi naman talaga itong nakabantay sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon ng isa niyang kamay ngunit naantala nang mapansin niyang biglang naging aligaga si Ate Kim. Nagsimula itong mag-ingay at tila ba may itinuturo sa labas ng bintana, ang bintanang nakaharap sa may gate ng hacienda.
"Teka lang, bakit ba?" Sinarado niya muli ang kahon at ibinalik sa drawer. Tumayo siya at nagtungo sa bintana. Dumapo sa hamba ng bintana ang ibon. "Ano bang mer—" Pagbaling niya sa banda kung saan ang malaking gate ay may napansin siyang pigura ng isang lalaki na nakatayo sa labas, malayo ito sa gate pero dahil sa hawak nitong lampara sa isang kamay ay napansin agad niya ito.
Umihip ang kakaibang lamig ng hangin, tuluyang nanayo ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa biglang pag-akyat ng kilabot sa puso niya. At hindi niya alam kung saan galing ang takot na iyon. Matangkad ang lalaki at may suot na sombrero sa ulo. Sakabila ng liwanag ng lamparang hawak nito ay tila nakatago ang pigura nito sa kadiliman.
Biglang nanginig ang katawan niya at nanghihinang napaatras.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro