Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 56

UNTI-UNTING lumalakas ang mga matitinis na tunog na tila ba nag-uunahan pa ang mga ito patungo sa kanilang direksyon. Pamilyar siya na hindi sa nalilikhang tunog ng mga ito, madalas niyang naririnig ang mga iyon sa mga horror movies o iyong may tema na pumapasok ang mga bida sa kweba at hindi na nakakalabas pa nang buhay. Dios ko, hindi kaya mga paniki ang mga iyon?

"B-boss—"

"Duck!"

Napasinghap siya sa gulat nang biglang iyakap ni Boss Iesus ang isang braso sa kanyang ulo, sumandal nang husto ang kanyang mukha sa dibdib nito. Ginawa nitong kalasag ang sarili para protektahan siya. Narinig niya ang pagkabasag ng lampara sa sahig, sa pagkakataong iyon ay dalawang braso na nito ang nakayakap sa kanya. Dumiin pang lalo ang nakapikit na niyang mga mata, ramdam niya ang tuluyang pagkagat ng kadiliman sa paligid. Binibingi ang kanyang tainga ng mga matitinis ngunit malalakas na ingay ng mga paniki.

"Boss!" natatakot na sigaw na niya, parang niyayanig ang buong lugar. "Mamatay na ba tayooooo?!" naiiyak niyang tanong. "Boss, ayoko pa mamatay! Baka hindi ako tanggapin sa langit. . . kulang pa ang return of service ko sa pagiging tao!" Humigpit nang husto ang yakap nito nang biglang nagkaroon ng malakas na hangin sa loob, sumisipol pa. At hindi niya alam saan galing ang hangin na iyon. "Bosssss—"

"Damn it!" he cursed. Hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya para hindi siya tangayin ng hangin. ". . . Will you. . . shut up. . . I'm trying. . . to keep. . . us. . . still." Ramdam niyang nadadala na silang pareho ng hangin, hindi niya makita kung saang direksyon pero ramdam niyang patungo sa loob pa ng lagusan na iyon.

"Boss!" malakas niyang iyak. "Huwag mo 'ko bitiwaaaaaan. . . parang awa mo na! Gusto ko pa maging madreeeeeee!"


IN 1935


Mahigpit ang bilin ni Tiyo Jose na bantayan ang mga lagusan sapagkat isa roon ang pasilyong magtuturo kung na saan itinago ni Lolo Jose Remegio de Dios ang kanyang makapangyarihang singsing.

Sunod-sunod na nagpalipat-lipat ng pahina ang diary na hawak niya nang umihip ang malakas na hangin. Napaangat siya ng tingin sa bukas na bintana at napansin niyang mas lalong nagdilim ang langit at nagsisiliparan na ang mga dahon ng puno dahil sa marahas na paghampas ng hangin sa mga puno sa labas. Sumisipol pa nga ang hagupit nito na lalong nagpatindi sa pangingilabot na nararamdaman niya nang mga oras na iyon.

Her gut feeling is urging her to go to the underground museum. Pakiramdam niya ay may mahahanap siya roon na siya lang ang makakahanap. Marahas na binaling niya ang mukha kay Mathieu na nakatingin na pala sa kanya.

"Math, let's go down."

"Down?" Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "You mean, the underground museum?"

Tumango siya. "Hanapin natin itong sekretong silid na nadiskubre ni Priscilla." Sinarado niya ang diary at inabot kay Mathieu. Tinungo niya ang closet at naghanap ng komportableng damit na maisusuot. "Napapansin kong wala tayong nahahanap na sagot kapag hindi ako nagkukusang gumawa ng paraan." Hindi na siya nag-abala pang itago ang kahubaran at doon na siya nagbihis at nagpalit. "Kung katulad ko si Priscilla, I doubt she's a damsel in distress. Like me, she will turn every leaf in Pueblo de Liloan into stones just to find a solution out from this situation." Hinarap niya si Mathieu nang matapos siya. "And I'd rather do the same. At. . . hindi ko hahayaang pigilan mo ako."

"Who said I'm going to stop you?" Umangat ang isang bahagi ng labi nito sa isang mayabang na ngiti. Hawak ang dairy sa isang kamay ay lumapit ito sa kanya. "Count me in your quest, mahal ko." Sinapo ng libreng kamay nito ang kanyang pisngi para gawaran ng magaan na halik ang kanyang mga labi. Pareho silang nakangiti sa isa't isa nang maglayo ang kanilang mga mukha.

"Let's go. . . but let's sneak quietly."

"I don't think they will notice us."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"They're busy with Juan."

Napangiti siyang muli. "Tama, maging busy sila kay Juan." Hinawakan niya ang isang kamay ni Mathieu at hinila na ito patungo sa pinto. "And hold that diary for me."

"Got that, Boss. Lead the way."

Mahina lang siyang natawa bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Ulo niya muna ang nilabas niya para lang silipin kung walang tao. When the coast was clear, mabilis ang mga kilos ngunit may pag-iingat na lumabas silang dalawa ni Mathieu. Nauna siya, nakasunod lang ito sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa imbakan ng mga alak sa likuran ng bahay at sa underground museum.

"Math, nasa sa'yo ba iyong ninakaw mong perlas?"

"Grabe sa ninakaw."

Seryoso dapat siya kaso bigla siyang natawa nang harapan niya ito. He was supressing his laugh.

"Well, I did steal it." Gamit ng isang libreng kamay nito ay may kung ano itong hinugot sa bulsa ng pantalon nito—isang brown coin pouch. "I always bring it with me." He lifted it in the air, leveled it on his face.

Lumapit siya rito dahil bahagya siyang malayo. "Wala kang nadiskubre rito?" Kinuha niya rito ang maliit na bag, niluwagan ang tali para mabuksan iyon. "Kapangyarihan?"

"Not much. Aside from the letters that come with these pearl earrings."

Napansin niya na biglang nahulog sa malalim na pag-iisip si Mathieu. Wala na sa kanya ang tingin nito. And she knew about the letters, nabanggit na iyon sa kanya ni Mathieu. Ngunit hindi pa niya nakikita ang mga sulat na iyon.

"About Magalie?"

He nodded without even looking at her. "I don't know, but her letter sounds so much like your voice." Nagtama ang kanilang mga mata nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. "I should have brought it and have you read it yourself."

Tipid siyang ngumiti. "Later. May oras pa naman tayo."

May ngiting tumango ito. "Maliban sa babala na sinabi ni Jose Remegio sa kanyang sulat, wala rin akong ideya sa kung anong kayang gawin ng mga perlas na hikaw na mga iyan. Sinubukan kong tanungin si Dimitreo sa mga nalalaman niya pero wala rin siyang alam. Kahit pala kay Dimitreo ay tikom ang bibig ng ama ni Mateo."

"Hindi ba iyon nakapagtataka, Math? Kung iisipin mo, si Dimitreo din ang magmamana ng lahat ng mga kayamanan at lihim ng mga Valdevielso. Pero bakit, maraming itinatago pa rin ang tatay nila? Maliban na nga lang kung nagsisinungaling sa'yo ang kapatid ni Mateo."

"It did cross my mind. Kaya pinamanmanan ko si Dimitreo kay Juan. Doon ko nakompirma na totoo ang mga sinabi niya sa akin. Pero may isang bagay siyang hindi binanggit sa akin."

"Ano?"

"Inutusan siya ng ama nito na ibenta ang buong hacienda sa oras na mamayapa ito. Gusto nitong lumayo si Dimitreo sa Pueblo de Liloan kasama ng mama ni Mateo at ni Pearlina."

Napaisip siya roon. "Mamayapa? Bakit. . . parang sigurado na sigurado siya sa bagay na iyon?"

"Hindi ko rin alam."

"Kung ganoon, malaki ang posibilidad na walang balak na ipamana ng ama nila ang mga kayamanan ng lolo nila?"

"Ang hula ko ay dahil tungkol sa mga sulat na kasama ng mga hikaw."

"Meaning, may alam siya tungkol sa kapalit na hinihingin no'n?"

He nodded. "And he's trying to protect his son from it."

"What if, he's also protecting you?" Napatitig ito sa kanya. "Ikaw, bilang Mateo. Kaya siguro. . . itinago niya ang tungkol sa mga hikaw. Kasi. . . alam niyang. . . ikakapahamak mo rin iyon."

"You think I might use it for my personal gain?"

"We might use it for our personal gain, Math. Tandaan mong, ang mga nawalang gamit ng Lolo Jose Remegio ko ay makapangyarihan. Maaaring itulak tayo ng mga bagay na iyon upang gamitin sila para matupad ang mga kahilingan natin. Hindi ba't ganoon din ang pinili ni Thad? He was willing to sacrifice himself just to save Sanna and Art."

"Chi. . ."

"We have experienced being Priscilla and Mateo in this lifetime. . . and I know by now, kilala natin sila. . . at mga bagay na mas pipiliin nilang ipaglaban sa buhay na ito. Kung ibibigay iyon ng mga hikaw na ito," sabay silang napatingin sa mga hikaw sa kanyang palad, "malamang ay isasakripisyo nila ang mga buhay nila para sa kaligtasan ng lahat."

"Pero ano nga ba ang kapangyarihan na taglay ng mga perlas na hikaw na 'yan?"

Natigilan sila nang maramdamang umaalog ang mga bagay sa paligid nila. Napasinghap siya sa gulat nang mapagtantong lumilindol. Nabitiwan niya ng hindi sadya ang mga hikaw at gumulong ito sa sahig. "Math, ang mga hikaw!" natatarantang sigaw niya. Sinubukan niyang pulutin ang mga iyon pero hindi siya pinakawalan ni Mathieu lalo na nang lumakas pa ang lindol. Isa-isang nagsibagsakan ang mga gamit doon sa sahig.

"Chi, it's not safe! Let's go." Pilit siyang inakay at inilayo ni Mathieu mula sa mga nagbabagsakang gamit.

"Math, iyong mga hikaw!"

"Leave it!"

"Hindi! Hindi puwedeng mawala ang mga 'yon—" Pilit siyang kumawala sa paghawak nito sa kanyang mga balikat pero napakalakas nito. Ayaw siya nitong pagbigyan, sa halip ay hinila siya nito palabas ng underground museum. Inihit siya ng ubo dahil sa mga alikabok at lupang nahuhulog mula sa itaas ng madilim na lagusan. "Math—"

"Damn it, Chizle! I said leave it! Hindi iyon mawawala roon."

Wala siyang nagawa kundi ang sundin si Mathieu. Kaya nang makarating sila sa wine cellar ay mabilis na inalalayan siya nitong makaakyat sa hagdan at sumunod ito sa kanya. Dali-dali silang lumabas sa bakanteng silid na iyon. Nahigit niya ang kanyang hininga at napalunok nang makalanghap muli ng preskong hangin. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang hawak ang kanyang umbok na tiyan. Pero nang bahagyang nakahuma ay roon lang nila napansin na hindi lang silang dalawa ni Mathieu ang nasa labas. May dalawang taong naghihintay sa kanila roon.

Nakatalikod ang pamilyar na matangkad na babae at lalaki sa kanila at nang mapansing ng dalawa na may tao sa likuran ng mga ito ay sabay na napatingin ang mga ito sa kanila. Literal na nanlaki ang mga mata niya, pati na siguro si Mathieu nang makita ang gulat din na mga ekspresyon ng mga mukha ng mga ito. Gusto niyang magmura pero mas nanaig ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.

"Chi? Chef?" basag ni Amora.

Doon bumuhos ang kanyang mga luha, lalo na nang matitigan ang mukha ng pinsan niyang si Iesus. Parang batang humagulgol na lang siya.

"Kuya Sus. . ." tawag niya rito sa tawagan na mailap bigkasin ng kanyang mga labi. Tinakbo niya ang natitirang distansiya na meron sila upang yakapin ito. Kamuntik pa itong matumba pero mabilis siya nitong nahawakan at naibalanse sa mga bisig nito.

"Chizle. . ."

"I'm sorry. . . " hagulgol niya. "I'm sorry. . ."

Maaga mang nawala ang Kuya niya, pero hindi naman nawala ang Kuya Iesus niya. Madalas man na matigas ang ulo niya pero kailanman ay hindi siya nito pinabayaan. At sa tuwing nawawala siya dahil sa katigasan ng ulo niya ay lagi siya nitong nahahanap. Tulad na lamang noong mawala siya sa garden maze noong naglalaro silang magpipinsan. Nagtatampo siya noon dahil siya na naman ang taya at wala na ang kuya niya para kampihan siya. Umiiyak na siya sa gitna ng maze. . . papalubog na ang araw. . . at takot na takot. Pero natagpuan pa rin siya ni Iesus at sinundo palabas ng maze.

At sa mga oras na iyon, ganoon na ganoon ang pakiramdam niya. Muli na naman siya nitong nahanap.

"Shs," alo nito sa kanya. "Tahan na. Nandito na ako."

Lalo lamang siyang humagulgol ng iyak nang marinig ang boses nito. "Kuya. . . "

"Did you get scared?"

She nodded on his chest. Hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya rito. "Iuuwi mo na 'ko, please. . ."

Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng isang kamay nito sa kanyang ulo. "I'll do my best."

"Sus."

"Math."

Lumawag ang pagkakayakap niya sa pinsan. Hinayaan siya nitong makalayo para matingnan ang mukha nito, ni Mathieu, at ni Amora.

"Chi," tawag sa kanya ni Amora, naiiyak na lumapit ito at niyakap siya. "Sorry, ha? Late kami ni Boss. Pero may kasabihan naman na, it's better late than never."

Sa kabila ng kanyang mga luha ay natawa siya. "Gage ka!"

"Alam ko."

Niyakap nila nang husto ang isa't isa. Lalo lang siyang naiyak, she didn't realize how much she missed them not until she saw them again.

Sa pagkakataon na iyon ay lumapit na si Mathieu, kitang-kita niya kung gaano nagpipigil ito ng luha bago yakapin ang pinsan niya.

"Sus." Ramdam at nakikita niya kung gaano kahigpit nito niyakap si Iesus.

"Mathieu."

"Y-you. . . found us. . ."

"I did my best to find all of you."

"Math, Chi!" nag-aalalang sigaw ni Andrew. "The time fast-forwarded again—" Huminto ito sa paglalakad nang makitang hindi lang sila ni Mathieu ang naroon. Umawang ang mga labi nito at napakurap. "S-Sus?" She had known Andrew to be strong-minded and mostly cold, but the moment he saw Iesus, his face softened like a child and showed great relief.

"Andrew."

"Ba't ang tagal mo?" Sinugod ni Andrew ng yakap si Iesus. "I've been waiting for you."

"I'm sorry." Iesus chuckled. "I got lost."

"Juan, hintay naman!" narinig nilang boses ni Simon. "Hoy! Respeto naman sa injured." Mukhang sumunod din ang iba kay Andrew.

"Teka lang naman, ano na naman bang nangyayari?" Boses naman iyon ni LV, nagrereklamo. "Anong nag-fast-forward? Meron bang ganoon? TV lang? May remote ba rito? Saan? Hanapin ko."

"Ewan ko sa inyong dalawa!" reklamo ni Juan. "Bagal-bagal n'yo. Kailangan malaman 'to nila Math—" Nang matanaw na nila ang tatlo ay kagaya nila ay parehong natigilan at nagulat din ang mukha nila Simon at Juan. Si LV nagtaka muna sa kung bakit tumigil ang dalawa. Malamang, malabo ang nakikita nito dahil wala itong salamin sa mata.

She squinted her eyes first before gasping. "Shit!" mura ni LV. "Ay sorry, sorry, hindi pala ako nagmumura," bawi nito.

"My lord!" sigaw ni Simon, may luha at ngiti sa mukha. May sling sa braso nitong may daplis ng baril. "My loooooord!"

"Sus!" ganoon din si Juan.

Sabay na tumakbo ang dalawa at mabilis na yumakap kay Iesus. Dahil hindi pa tuluyang nakakalayo si Andrew ay nasama pa rin ito sa yakap ng dalawa. Pasimple namang pinunasan ni Mathieu ang mga luha sa kabila ng tawa nito.

"My lord, why have you forsaken me?" iyak ni Simon.

"Who broke into my house without my permission, ha?"

"Hindi ako iyon. Si Chef!"

"I was just curious," sagot naman ni Juan.

"Matitigas kasi ang mga ulo n'yo."

"Malay ba naming itatapon kami ng bahay mo rito sa 1935?" reklamo pa ni Simon. "E 'di sana, naghintay na lang ako sa labas."

Nakalapit na sa kanila si LV at biniglang yakap silang dalawa ni Amora. "Girl, nagyayakapan na ang lahat. Sali ako."

Natawa na lamang silang dalawa ni Amora at hinayaan ito. Aba'y, feeling close naman talaga ang babaeng ito lagi. Kaya nga sila naging magkaibigan.

"Hoy, Amora," baling niya rito. "Paano kayo napunta rito?"

"Hay naku, mahabang kuwento—"

"Hindi iyan problema, summary mo," putol ni LV rito.

"Okay, nagsimula noong may napansin sina Ser na may nakapasok sa bahay."

"Wait," pigil ni LV. "Kilala ko sino iyang gagaitang babaeng pumasok sa bahay na iyan."

"Oo, malamang ikaw iyon, Miss LV."

Marahas na pinakawalan sila nito at sinamaan ng tingin si Amora. "Hey, who's your boss? I want to talk to him about your personality."

"Sige lang, Miss LV, kahit anong paninira mo sa'kin, mahal ako ng Boss ko."

LV's lips twiched. "E 'di, ikaw na."

Ngumisi si Amora. "Wala na siyang mahahanap na katulad ko."

"Malamang, nag-iisa ka lang makapal ang mukha sa buhay niya."

Napamaang si Amora. "Hala, bakit naman tayo magsasalita ng totoo rito, Miss LV?"

"Honest ako e. Ikaw ba, honest?" pagtataray pa nito.

"Honest sa feelings?"

Si LV naman ang napamaang. Tinawanan lang ito ni Amora. Aba, aba, lumalaban na pala itong si Amora ngayon. Galing, sino mentor nito?

"Huwag ako, Miss LV, alam na alam ko po ang mga galawan ng mga tao sa Faro."

"Bored ka, 'no?"

Ngumisi si Amora rito, halatang may panunukso. Naku, mukhang she's missing the latest tea in and out of Faro.

"Hoy, kayong dalawa," pumagitna siya. "Umamin nga kayo—"

"Wala akong aaminin. I'm innocent."

"Sabi ng mga taong may itinatago," parinig pa ni Amora. "God bless na lang po, Miss LV. Asahan n'yo pong kasama po kayo sa mga dasal ko."

"Naku, kahit huwag na."

Kahit walang naiintindihan ay natawa na lang siya. Well, wala pa siyang naiintindihan pero alam niyang, mapapaamin niya rin itong si Amora.

"Sus, we need your help."

Halos sabay silang tatlo na napatingin sa direksyon nila Mathieu, Iesus, Andrew, Simon, at Juan. It was Mathieu that spoke.

Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Iesus. Isa-isa sila nitong tiningnan at tila iniisip pa nito kung anong sasabihin sa kanila. She knew his cousin. He may not have any idea on how to help them, but he will surely find a way.

Maya-maya ay sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. "I'm sure there's a way."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro