Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 55

A/N: Thank you for waiting! Pasensiya na at natagalan. Don't worry, I'll do my best to update regularly this time. Enjoy and don't forget to leave comments! Lots of love.


***


RAMDAM ni Chippy ang namumuong tensiyon sa silid aklatan ng bahay. Dumagdag pa sa tensiyon ang panaka-nakang pagkulog at malakas na ulan sa labas.

"Anong ibig mong sabihin, Mateo?" kunot ang noong balik tanong ni Julian kay Mathieu.

Seryosong-seryoso ang tingin nito rito. Halata sa mukha ni Julian ang pagkalito pero nakitaan niya ng rekognasyon ang mga mata nito. May pakiramdam siyang pamilyar na ito sa pangalan ng lalaking binanggit ni Mathieu sa kanila.

"Si Don Sebastino, ang dayuhang mag-aalahas—"

Lumikha nang malakas na kalabog ang marahas na pagbukas ng dalawang magkadikit na pinto sa library. Lahat sila ay napatingin sa dumating at ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata niya nang makita kung sino ang dumating. "Juan!" singhap niya sa pangalan nito. Magkadikit ang mga kilay, seryoso ang ekspresyon, at basang-basa ang kasuotan ni Juan.

"Juanito!" mabilis na tawag ni Noah rito.

"Hindi lang siya basta-bastang mag-aalahas," basag ni Juan, lumapit ito sa kanila.

Agad namang sinarado ni Andris ang mga pinto sa likuran nito. Halata ang pagkagulat nila Julian at Noah sa narinig kay Juan. Lalo na silang mga kaibigan nito sa biglang pagsasalita nito. Mukhang seryoso at importante ang natuklasan nito dahil hindi na ito nag-abalang magkunwaring pepe.

"Sa tingin ko ay kayo talaga ang punterya ng lalaking iyon," dagdag pa ni Juan.

"Juanito," paglapit ni Mathieu dito, kunot nang bahagya ang noo. Halatang, hindi rin alam ni Mathieu kung paano lulusutan ang biglang pagsasalita ni Juan. Lalo na ngayon na may pagtataka at paghihinala na ang tingin ni Julian kay Juan at Mathieu.

God, another stress!

"Teka," pumagitna si Noah, "ika'y nakapagsasalita, Juanito?" kunot ang noong tanong nito. "Sa pag-aakala namin ay ikaw ay walang kakayahang magsalita."

"Kuya," lumipat siya sa harapan nila Juan at Mathieu, "mahabang kuwento. . . pero hayaan mong ako ang magkuwento no'n sa'yo sa ibang oras. Mas importante ang kung ano mang sasabihin sa atin ngayon ni Juanito."

Sa kanya nabaling ang tingin nito. "At matagal mo na itong alam, Priscilla?"

"Matagal na," buong tapang niyang sagot. "At alam kong hindi n'yo kami paniniwalaan kapag sinabi namin sa inyo ang totoo."

"Anong katotohanan?" pagsingit ni Julian.

Naglapat nang husto ang kanyang mga labi at napatingin kina Mathieu at Juan. She needed help, naiipit siya sitwasyon, pero tila nagdadalawang-isip din ang dalawa kung dapat na ba nilang sabihin ang totoo o hindi. Hindi niya alam kung makakatulong iyon o baka mas lalo lamang gumulo ang sitwasyon. Baka isipin nila Julian at Noah na nababaliw na sila.

Ibinalik niya ang tingin sa dalawa. Naibuka na niya ang ibaba nang maunahan siya ni Drew na magsalita.

"Ang katotohanan na nakapagsasalita talaga si Juanito," basag ni Drew. Mula sa likod ay lumipat ito sa kanilang kaharapan. "Ipagpatawad n'yo. . . Senyorito Mateo," baling nito kay Mathieu. "Nagawa lamang ho naming magsinungaling upang maaawa kayo't bigyan n'yo kami ng trabaho sa hacienda. At. . ." bumaling ito kina Julian at Noah. "Nakiusap lang ho kami kay Senyorita Priscilla na ilihim muna ang bagay na iyon sa takot na magbago ang tingin sa amin ng Senyorito. Lubos niya kaming pinagkakatiwalaan at hindi naman nais na maging sanhi pa iyon ng aming hindi pagkakaunawaan." Bahagyang yumuko si Drew. "Patawad."

God, Drew! Your mind is minding.

"Wala silang kasalanan, ako pa nga ang nag-suhestiyon no'n," dagdag pa niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Julian, Noah, at Mathieu. "Pero saka na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Mas importante na malaman natin kung anong mga nalaman ni Juanito tungkol sa mag-aalahas."

"Priscilla—"

"Kuya Julian, please."

Bahagyang naglapat ang mga labi ni Julian. Ilang segundo na may panunuri ang tingin nito kay Juan pero sa huli ay sumuko rin ito at napabuntonghininga. Lihim siyang napangiti roon.

"Sino itong dayuhang mag-aalahas? At bakit sa tingin mo ay ang pamilya namin ang nais niyang punteryahin?" seryosong tanong ni Julian.

"Nakapagtataka lamang kung ganoon nga," dagdag ni Noah. "Sapagkat matagal na ang aming pamilya sa pangangalakal ngunit wala kaming nakasalamuhang dayuhang mag-aalahas na Sebastino ang pangalan."

"Ngunit pamilyar ako sa kanya, Noah," baling ni Julian sa pinsan nito. "Sa aking pagkakatanda ay may dayuhang mag-aalahas nga ang pumarito sa ating hacienda mga ilang buwan na rin ang nakalilipas. Ang papa ang kanyang sinadya ngunit hindi niya ito hinarap."

"Hindi hinarap ni Tiyo? Sa anong kadahilanan?"

"Hindi niya eksaktong binanggit ang dahilan, ngunit kilala mo naman ang aking Papa, Noah. Hinding-hindi siya basta-basta nagpapasok sa hacienda ng mga dayuhan kahit pa mabuti ang nais na ugnayan ng mga ito sa atin. Hinaharap niya ang mga ito sa ating opisina malapit sa pantalan."

"Sa tingin mo ay binalikan niya si Tiyo at nag-usap sila nitong Sebastino na ito sa labas?"

"Iyon ay hindi ko alam."

"Nasaan ang Tiyo?"

"Nagpapahinga na ang papa sa kanyang silid. Bukas ko na lamang siya kakausapin at bahagyang masama ang kanyang pakiramdam simula pa kanina."

Tumango si Noah. Napaisip din siya, totoo ang sinabi ni Julian. Napansin din niyang medyo masama nga ang pakiramdam ni Tiyo Jose dahil tahimik ito at hindi niya nakita pang lumabas pagkatapos magtanghalian. Pinahatid nga lang ang panghapunan nito sa sarili nitong silid.

"Nakita mo ba ang mukha niya, Juanito?" mahinang tanong ni Mathieu kay Juan.

Bumaling at umiling si Juan. "Hindi." Naningkit ang mga mata nito at tila ba inaalala pa sa isipan nito ang mukha ng misteryosong lalaki. "Pero. . . sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad natin sa kanya."

"Kilala ko bawat mangangalakal na dumadayo rito sa Pueblo de Liloan," pagsingit muli ni Julian, lahat sila ay natuon ang atensiyon dito. "Gaya nang nabanggit ko kanina, hindi na bago sa akin ang pangalan niya dahil matagal ko nang naririnig ang pangalan na Sebastino. . .ngunit tila hindi kami pinaglalapit ng mundo. Sa aking mga narinig, marami sa mga mayayaman dito ay nahuhumaling na bumili sa kanya ng mga alahas. Naisip kong marahil siya ang dahilan kung bakit hindi na tinatangkilik dito ang aming mga nakalakal na alahas sa ibang bansa."

"Kaya ba't inutasan mo akong ikalakal ang mga alahas na ito sa ibang bayan?" pagkompirma ni Noah. "Dahil wala nang tumatangkilik sa mga ito rito?"

Tumango si Julian. "Ayon sa mga tao natin sa barko, mailap ang Don Sebastino na ito. Madalas ay ito ang dumadalaw sa mga mayayamang pamilya rito sa atin. Marahil ang pagpunta nito sa hacienda ay ganoon din ang balak nito."

"Hindi ko pa nakikita ang Sebastino na iyan ngunit masama na ang pakiramdam ko sa lalaking iyan."

"Hindi rin maganda ang kutob ko sa kanya, Noah. Ngunit," isa-isa silang tiningnan sa mukha ni Julian, "sa tingin ko ay hindi makakatulong ang komprontahin agad siya tungkol sa bagay na ito. Wala pa tayong sapat na pruweba laban sa kanya." Sa pagkakataong ito, tinuon nito ang atensyon kay Mathieu. "At kung totoo man ang iyong sinabi, Mateo, na gumagawa siya ng kuwento laban sa aming mga de Dios. . . sa tingin ko ay may malalim na dahilan kung bakit niya sinisira ang imahe ng aming pamilya rito sa Pueblo de Liloan. Lalo na't, sa kanyang kilos ay iniiwasan niya kami ni Noah."

"Matagal nang tahimik ang aming pamilya," dagdag ni Noah. "Hindi na rin masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa aming Lolo Jose Remegio. . . ngunit. . . nakapagtataka na tila marami siyang nalalaman tungkol sa aming yumaong abuelo."

"Dalawa lamang ang naiisip kong dahilan, Noah," baling ni Julian dito.

"Ano?"

"Una, nagnanais siyang higitan ang pamilya natin o matagal na niyang kilala ang ating Lolo Jose Remegio."

Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay mas lalong bumigat ang tensiyon sa loob. Malakas ang pakiramdam niya na mas tama ang huling rason na binanggit ni Julian. Why would that Sebastino pull such scandalous rumor against the de Dios if he only want to surpass the legacy of de Dios? She's sure he wanted more than seeing the fall of de Dios. At doon siya natatakot, kasi paano kung ito ang dahilan kung bakit namatay sina Noah, Priscilla at Mateo sa panahon na ito?

And that idea clung to her throughout the night. Nagkukunwari na lamang siyang tulog para mapanatag sa tabi niya si Mathieu. He didn't talk about it further, pero nangako naman itong pag-uusapan nila ang lahat bukas. Ayaw nitong ma-e-stress pa siya lalo dahil makakasama iyon sa pagbubuntis niya. But she can't help it! The situation itself is already causing her too much distress. Hindi niya na matandaan kung anong oras siya nakatulog pero naririnig na niya ang mga tilaok ng manok kahit madilim pa sa labas bago siya tuluyang hinila ng antok.

Naalimpungatan lang siya at nagising nang maramdaman ang marahang pag-alog sa kanya ng kung sino sa kanyang mga balikat.

"Chi, c'mon, wake up!" Boses iyon ni LV.

Tuluyan na niyang naimulat ang mga mata. "V-Vee?" bahagyang paos niyang tawag dito. Tinulungan siya nitong makabangon.

"Girl, nagkakagulo sila sa sala." Bakas ang panic sa mukha nito. "Kumakalat ngayon sa bayan n'yo na nabuntis ni Senyorito Julian ang nag-aalalaga sa anak niya."

"Ha?" bahagyang nakasigaw siya. 'Langya, nagising ang buong kaluluwa niya roon. "P-paano? I mean, hindi naman sila pumayag sa suhestiyon na iyon—" Bigla siyang natigilan at napatitig siyang husto kay LV. "Huwag mong sabihing—"

"Hoy, hindi, a! Hindi naman ako ganoong tao. At saka, hindi ko ugaling magpakalat ng chismis na walang consent."

"Kung ganoon, sino? Tayo lang lang naman ang nag-uusap no'n. Saka, sina Julian, Amara, at Noah lang ang nandoon sa library nang kausapin ko sila."

"Girl, sinasabi ko sa'yo. Kapag ako napagalitan, ipagtanggol mo talaga akong gaga ka. Inosente ako. Alam mo saan lang ako buong araw kahapon. Hinahanap ko lang iyang litseng mga lagusan n'yo sa underground."

"E, kagabi? Na saan ka?" Naglapat ang mga labi nito at nag-iwas ng tingin. "Hoy! Na saan ka kagabi? Umalis ka, 'di ba?"

Ibinalik nito ang tingin sa akin. "Umalis ako, pero doon lang ako sa parola nagpahangin. Bumalik lang din ako, natakot ako. Ta's sinilip ko si Simon."

Napakurap siya nang maalala si Simon. God, she almost forgot that Si was injured. "Kumusta siya? Gising na ba?"

"Hindi ko pa alam kung gising na. Dumeretso na 'ko rito nang magkagulo. Baka hanapin pa ako at isisi sa'kin e wala naman akong ginawa. At saka, ayos lang ba si Simon? Kagabi kasi—"

"Anong nangyari kagabi?"

"Dinalaw siya ng masamang panaginip. Hindi ko lang maintindihan. . . kasi salitang Hapon. . . ta's para siyang hinahabol ng kung sino. . . may tinatakasan ba. . . pawis na pawis siya. . . may binubulong siya na pangalan pero masyadong mahina at hindi ko masyadong naintindihan. Pero noong hinawakan ko ang kamay niya. . . bigla siyang kumalma."

Mangha ngunit naniningkit ang mga mata niya rito. "Kumalma siya?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni LV sa sinabi niya. "Bakit? Lagi ba siyang ganoon?"

Hindi niya alam kung tama bang sabihin niya sa kaibigan ang bagay na iyon. Mahigpit pa namang bilin sa kanya ni Vier na dapat hindi niya kinukuwento ang tungkol kay Simon sa ibang tao—higit na ang pinagdadaanan nito. Unless, Simon gives his consent.

Kaya, pasensiya muna, LV, I don't think I have the right to cross that line yet.

Kumurap siya at bahagyang umiling. "Hindi, I was expecting the worst. At saka, hindi rin ako sigurado. Malihim ang isang 'yon. Baka dahil sa natamo niyang sugat at mataas niyang lagnat kaya siya nagkaroon ng masamang panaginip."

"Talaga?" diskumpyado nitong tanong.

"Oo—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bumi kas ang pinto ng kanyang silid. Pareho silang nagulat ni LV at sabay pang napatingin doon. Alam niyang hindi lang siya ang napalunok sa takot, pati rin ang kaibigan. Lalo na't sobrang sama ng tingin ni Julian sa kanila.

Syet!








"MANIWALA ka, Kuya Julian, hindi kami ang nagpakalat ng impormasyon na iyon," mahinahon pero may paninindigan niyang sagot dito. Hindi na sila umalis sa kanyang silid, sinarado na lamang ang pinto upang walang makarinig sa labas.

Maliban kay LV, kasama niya sa silid na iyon sina Julian, Noah, Amara, at si Mathieu. Nasa tabi niya si Mathieu, nakaupo sa gilid ng kama. Lumipat naman ng tayo si LV sa tabi lang din ni Mathieu. Hindi niya hinayaang makalayo ito.

"Kung ganoon? Bakit nakalabas ang impormasyon na iyon sa bayan?"

"Hindi ko rin alam. Wala kaming ibang pinagsabihan ni Lily tungkol doon. Maniwala ka sa'kin. Hindi rin iyon magagawa ni Lily sa atin."

"Totoo ho iyon, Senyorito. Nasa hacienda lang ho ako buong araw kahapon. . . sa katunayan po ay hindi pa ako ulit lumalabas ng inyong hacienda."

"Hindi kaya't may espiya rito sa ating bahay, Julian?" seryosong baling na tanong ni Noah sa pinsan nito. "Ako'y nagtataka na, sapagkat sunod-sunod na ang eskandalo ng ating pamilya tungkol sa aking kapatid. . . at ngayon naman ay kay Amara."

"Sumagi na rin iyan sa aking isipan. Ngunit, lahat ng mga katiwala at trabahador natin dito sa hacienda ay matagal nang namamasukan sa atin. Maliban na lamang sa ina ni Pol at ikaw, Lily," deretsang tingin nito kay LV pagkatapos.

"Senyorito, hindi ko ho ugali ang magpakalat ng mga fake news." Kumunot ang noo nila Julian, Noah, at Amara sa salitang banyaga at hindi pangkaraniwang sinabi nito. "Este, mga maling balita. Oo, aminado naman akong, ako ang nagsuhestiyun no'n. Pero maniwala man kayo't sa hindi, hindi ho ako pabida—este—kulang sa pansin. Hindi rin ako naninira ng puri, maliban na lamang kong deserve mo iyon—o nararapat iyon sa inyo. At saka ho, mapagkakatiwalaan ho ako. Hindi lang halata."

"Kuya Julian at Kuya Noah, maniwala kayo. Sa dami ng mga nangyari sa nakalipas na araw, maiisip pa ba naming suwayin ang hiling n'yo? Siyempre, kaibigan ko si Amara, kung sa tingin ng lahat na mali ang naiisip kong solusyon ay hindi ko gagawin iyon."

"Kung mararapatin n'yo ho, Senyorito, hindi naman ho nangangahulugan na kahit matagal na sa inyo ang tao ay hindi ka na niya kayang pagtaksilan. Marami hong dahilan ang sumusubok sa tao upang kumapit sa patalim. Kung ang pagtataksil ang tanging paraan upang makaahon sa pagkakalugmok, sa tingin ko'y iyon din ang pipiliin ng taong bumaliktad sa pamilya n'yo," dagdag ni LV.

And she knew, those words made sense to Julian. At itong kaibigan niya, hindi rin basta-basta nagpapatalo. Mangangatwiran hanggat alam nitong nasa tama ito.

"Tama siya, pinsan," basag ni Noah. "Sa tingin ko'y masyado lamang tayong naging maluwag at mabait sa kanila. Mas mabuting manmanan natin ang ating mga katiwala. Sa tingin ko naman'y, nandito lamang siya."

Tumango si Julian.

"Kung ayos lang sa inyo," salita ni Mathieu. "Imumungkahi ko sana sa inyo si Juanito. Magaling magmanman ng palihim ang katiwala kong iyon. Maasahan nating walang makakapansin sa kanya."

Her eyes lit up. Tama, lalo na kapag nagkatawang pusa si Juan. Maiikot niya ang buong hacienda at mapapakinggan ang mga pag-uusap ng mga katiwala sa bahay.

"Totoo iyan, Kuya Noah, Kuya Julian, magaling ho si Juanito."

Nagkatinginan ang dalawa, mata lamang ang pinag-usap, at bahagyang tumango sa isa't isa pagkatapos. Sabay ang dalawa na ibinalik ang tingin sa kanila.

"Na saan ngayon si Juanito?" seryosong tanong ni Julian.

Nagtaas ng kamay si LV. "Ah, nasa kusina."








SINAMAHAN ni LV sina Julian, Noah, at Amara sa kusina. Naiwan silang dalawa ni Mathieu sa silid. Siniguro ni Mathieu na lock ang pinto para walang makapasok. Mula sa bukas na bintanang pinagdungawan niya ay nagtagpo sila sa gilid ng kama. Nauna lamang siyang maupo roon at humila ito ng silya mula sa mesa na lagi niyang pinagsusulatan. Naupo si Mathieu roon.

"Hindi mo pa sinasabi sa'kin ang mga nalaman n'yo ni Juan?" basag niya. "Nangako ka sa'kin kagabi na sasabihin mo sa'kin ang lahat ngayon."

He sighed in defeat. Kilala niya ito, kapag hindi niya pinaalala at kinulit, itatago lang nito. Well, kailanman ay hindi siya nagpapahuli sa chismis.

"May palagay si Juan na hindi basta-basta ang mag-aalahas na iyon," simula nito. "May malalim na rason kung bakit siya nanggugulo at pinupunterya ang mga de Dios. Ang totoo," inilapit pa nito ang upuan sa kanya bago nagpatuloy, "hindi pa kinukuwento ni Juan ang buong nasaksihan niya noong gabing iyon sa pamilya n'yo."

Hindi niya alam pero bigla siyang kinilabutan. Ramdam niya ang pananaas ng mga balahibo kahit wala pa namang sinasabi si Mathieu. Kinukutuban na talaga siya kagabi pa.

"Bakit? Anong meron sa mag-aalahas?" Nanatili ang tingin nito sa kanya. Lalo tuloy siyang kinakabahan dahil sa pagbitin nito sa kanya. "Math, huwag mo na akong bitinin pa. Sino siya? At anong kaya niyang gawin?"

"Juan said," he paused again, "he reminded him of Nathanael."

Kumunot ang noo niya. "Si Ser?"

He nodded. "Oo, may kapangyarihan din daw ito. Nakita ni Juan kung paano napapasunod ng mag-aalahas si Temyong gamit lamang ng isang kumpas ng kamay."

Bigla siyang nanghina, ramdam niya ang pagbagsak ng mga balikat niya. Naglapat ang mga labi niya sa sobrang pag-aalala. Napansin naman ito ni Mathieu kaya mabilis na hinagilap at hinawakan nito ang dalawa niyang mga kamay at marahang pinisil ang mga iyon.

"Kung ganoon—"

"He might be behind the early deaths of Priscilla and Mateo. . . and Noah, too."

"Pero bakit tayo? Kami?" naiiyak siya bigla. "I mean, anong kasalanan natin sa kanya? Ng mga de Dios?"

"He might be looking for Jose Remegio de Dios."

"Pero matagal na siyang patay."

"He's gone, but he left powerfuI items, Chi." He paused before speaking again, "At naniniwala kami ni Andrew na maaaring konektado 'to sa mga isinumpa at makapangyarihang bagay na naiwan niya. Kaya niya binabalik ang nakaraan—tungkol sa sumpa ni Jose Remegio de Dios na matagal nang kinalimutan ng mga tao rito. Gusto niyang malaman kung saan nakatago ang mga iyon—o kung sinu-sino ang mga kumuha. At malalaman lamang niya 'yon kapag pag-uusapan ulit ng lahat ang tungkol doon."

"Kung ganoon, maaaring binayaran din niya ang matandang baliw sa simbahan?"

He nodded. "Could be. Isa pang hinuha ko ay, may alam ang ama ni Mateo tungkol doon. At maaaring, iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang umalis ng bayan si Mateo."

"Pero akala ko ba. . ." Hindi niya maituloy dahil nangangamba siyang baka masaktan niya ang damdamin nito.

"I don't know." Mapait itong ngumiti. Nahabag siya roon. Kahit na tahimik si Mathieu sa usaping pamilya nito ay alam niyang apektado ito. Lalo na't malaki ang pagkakapareho nila ni Mateo. "Ayaw kong umasa para kay Mateo, but what if. . . his father. . . still care for him?"

But as she looked at his hopeful eyes. She had a feeling that Mathieu and Mateo wanted the same answer—ang malamang mahal pa rin sila ng kinilala nilang ama. Kahit na naiinis siya sa kung paano nila tratuhin si Mateo rito. She also wanted Mathieu and Mateo to be loved.

May ngiting inangat niya ang isang kamay sa kanang pisngi nito. Nakangiti man ay hindi naman umabot sa mga mata nito.

"You're worthy of love, Math," aniya. "And I want you always to remember that. Because I wouldn't mind loving you in all reincarnations of my life." Ngumiti siyang lalo, natawa naman ito nang bahagya. "Gago, seryoso ako."

"Iyan ang gusto ko sa'yo." He chuckled. "Love language mo talaga ang murahin ako. Kaya hindi ako naniniwalang the feeling is not mutual." Hinawakan nito ang nakadampi niyang kamay sa pisngi nito at ibinaba iyon. Sa gulat niya, kinantalan nito ng mabilis na halik ang kanyang labi. Napakurap na lamang siya nang maglayo ulit ang kanilang mga labi.

"Gago."

Tinawanan lang siya nito.  "Hay naku!" At napabuntonghininga pagkatapos. He stared at her with tired eyes, stressed expression, but with hopeful smile. "Kung sana, umamin ka na lang na mahal mo ko, hindi sana tayo babalik ng 1935," dagdag niya, halatang pang-asar lang para gumaan ang problema nila.

"Hay naku! Kasalanan ng parola. Kung saan-saan tayo tinatapon."

"You know what?"

"Hmm?"

"I hope Sus is here." Natigilan siya roon, napatitig nang husto sa mga mata nito. "He always know what to do."

"Sa tingin mo?" mahina niyang sagot. Naibaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Hindi nakasisilaw ang liwanag dahil makulimlim ang langit sa labas. Ngunit wala roon ang isip niya. Nasa memorya ng mukha ng pinsan niya. "Minsan kasi. . . kahit na hindi ko siya naiintindihan at buwesit ako sa kanya. May pakiramdam ako na pagod na siyang intindihin ang misteryo ng pamilya namin. . . lalo na ang pagkatao niya."

"Sus may be tired. . . and lost as we are."

Not maybe, Math. He is indeed. . . lost and tired.

Bigla ay may suminding liwanag sa utak niya. Marahas niyang naibalik ang tingin kay Mathieu. Naalala niya ang mga pangitaing nakita niya tungkol sa kanyang Lolo Xersus.

"Math, sa tingin ko ay ako lang makakahanap ng sagot sa lahat ng mga 'to?"

Bumakas ang pagkalito sa mukha nito. "Huh?"

"Si Priscilla." Iniwan niya ito at hinanap ang diary ni Priscilla sa ilalim na kaha ng mesa. Matagal nang walang sulat iyon pero pakiramdam niya maaga niya masyadong sinukuan ang diary nito. "I have a feeling she knew what's underneath this mansion." Nasa likuran na niya ito nang simulan niyang buklatin muli ang diary. Dumeretso na siya sa huling pahina.

"Akala ko ba'y nagbabasa ka pa rin—"

Naputol ang pagsasalita nito sa bigla niyang pagsinghap. Shit! There was another entry. Damn, Chi! Sabi ko sa'yo e. Pinasadahan niya ng mabilis na basa. Bago nga iyon. . . at tungkol sa isang nakatagong silid sa underground. She blinked and reread everything from the start.

"Chi?"

"Shsh."

Kung ang mga makapangyarihan at isinumpang bagay ang habol ng mag-aalahas sa aming pamilya. Maaari kayang may alam ito tungkol sa isa pang isinumpang bagay na naitagong maagi ng aking Lolo Jose Remegio? At marahil ito ang gustong makuha nito sa amin. Narinig ko sa pag-uusap nila Tiyo Jose, Kuya Julian, at Kuya Noah na hindi dapat matagpuan ng mag-aalahas kung saan nakatago ang pang-treseng bagay na pagmamay-ari ni Lolo Jose Remegio. Sapagkat sa lahat ng mga isinumpang bagay, ang bagay na iyon ang pinakamakapangyarihan.

Natigilan siya at napakurap nang sobra. "May pang-trese?"

"Pang-trese na, ano?"

Ibinaling niya ang tingin kay Mathieu. "Math, may pang-trese na isinumpang bagay sa panahon na ito."

Pati ito ay sobrang natigilan, halata sa panlalaki ng mga mata nito. "What do you mean?" Inabot niya rito ang diary at pinabasa ang unang talata. Lalong nanlaki ang mga mata nito. "Does it mean, there are two cursed items near us?"

Kinilabutan siya nang husto at niyakap siya ng kakaibang takot. Nagsimulang manlamig ang mga palad niya. Lalo na't pumasok sa silid ang malamig na hangin mula sa labas. Kung ganoon nga't may dalawang isinumpang bagay na malapit sa kanila. Posible ngang malaking gulo ang kinaharap nila Priscilla at Mateo sa panahong ito.

Nagkatinginan sila ni Mathieu, parehong kabado sa nalaman.

"Math, sa tingin ko ay ang pang-trese na sinumpang bagay ang gustong kunin ng mag-aalahas."

"At alam niyang nandito iyon sa inyo," dugtong nito na parang siguradong-sigurado ito.

Inagaw niya mula ang diary at binasa ang pangalawang talata.

Mahigpit ang bilin ni Tiyo Jose na bantayan ang mga lagusan sapagkat isa roon ang pasilyong magtuturo kung na saan itinago ni Lolo Jose Remegio de Dios ang kanyang makapangyarihang singsing.





PRESENT





"Boss, question," basag ni Amora sa katahimikan.

Binasag na niya bago pa siya tuluyang kainin ng kadiliman ng mga agam-agam at takot niya habang nilalakad nila ang walang katapusang pasilyo na iyon. Kung hindi sa liwanag ng lampara ni Boss Iesus ay baka isipin niyang namatay na talaga siya at sa kasamang palad, hindi siya sa langit pupunta. Pero kung ganoon man, at least kasama niya si Boss.

"What?"

Nakasunod lang siya rito, nakahawak sa nakalislis na manggas ng white long sleeve polo nito. Bahala ito, hindi niya tatanggalin ang kamay ro'n.

"Anong reward mo kapag nahanap mo na lahat ng 12 missing items?"

"Ginto," pabalang nitong sagot.

Napaismid siya. "Lokohin n'yo po ako. Hindi ako naniniwala. Siguro, immortal life, ano?"

"Why would I want an immortal life?"

"Hindi po ba maganda iyon? Halos lahat ng tao gustong mabuhay nang matagal o hindi kaya walang kamatayan. Ayaw n'yo po ba 'yon?"

"If everyone you have loved is gone, why would you want to stay?"

Natigilan siya roon. Una, dahil totoo. Pangalawa, bakit ramdam niya ang matinding lungkot sa boses nito? Sa sobrang lungkot ay parang gusto niyang umiyak.

"Boss—"

Tumigil ito bigla kaya siya rin ay natigilan. "To live in the time where they exist is already enough," wika nito na hindi siya nililingon.

They? Sino?

Nagulat siya at napakurap nang lingunin siya ng seryosong ekspresyon nito. Napalunok siya at nabitiwan ang manggas ng damit nito. Ihahakbang niya sana patalikod ang isang paa nang hawakan ni Boss Iesus ang isa niyang kamay. Namilog nang husto ang mga mata niya at tila ba may dagang nagsipulusan ng takbo sa kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata. Nilulunod siya ng malalaot na kulay ng mga mata nito.

"I told you not to be scared," marahan at malambing niyang sabi.

"B-boss?"

His face softened this time. "Mor. . ." Pero nagbago ulit ang ekspresyon nito, bumalik sa pagiging seryoso at nawala ang atensyon sa kanya.

"Bo–" Hindi niya naituloy dahil biglang umangat ang isang kamay nitong nakahawak sa kamay niya para takpan ang bibig niya. Wow, brutal naman ni Boss. Akmang aalisin niya ang kamay nito nang higpitan nito lalo ang pagtakip ng bibig niya.

"Shsh."

Napakurap siya, tila pinapakiramdam nito ang paligid. Maya-maya pa ay may naririnig na siya sa paligid. Hoy, ano iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro