Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 54

A/N: Dahil mahal ko kayo, mag-update ako! This chapter is intense, so enjooooy and keep your heart at a normal rate. Malapit na tayo sa dulo. Don't forget to leave comments! Mwah.


***


DINAMPOT ni Boss Iesus ang isang may tamang laki na lampara mula sa itaas ng cabinet altar sa pinakadulo ng underground museum. Napansin niyang may sapat na langis pa iyon upang makagawa ng apoy. Aalis sana siya para maghanap ng posporo pero hindi niya naituloy dahil naglabas ng lighter si Boss Iesus mula sa bulsa nito. Iyong lumang lighter pa, kuwadrado ang hugis at yari sa metal.

Hindi na siya nagtataka kung bakit may dala itong lighter. Pero nakakalimutan niyang dala-dala nito iyon lagi. Sa tagal niya sa poder nito, hindi maubos-ubos ang langis ng lighter ni Boss talaga. Noong unang beses na makita niya iyon, inisip niyang  baka naninigarilyo si Boss. Siyempre, judgmental din naman siya minsan pero hindi naman pala.

Mas madalas kasi na nawawalan ng kuryente itong malaking bahay. Iba raw kasi ang linya ng kuryente rito at laging nagkakaproblema ang electrical panel nito sa ibaba, ewan, lagi naman iyong inaayos ni Engineer Simon pero may mga gabing blackout ang bahay pero ang buong Faro hindi naman. Iyong lighter, pang-ilaw nito ng mga kandila iyon. Yaman, yaman ni Boss walang pambili ng generator.

Umapoy ang lampara at nauna itong naglakad sa kanya. Ganito si Boss e. Magpapasama pero nang-iiwan—saya! Sumunod agad siya, nilabas niya ang cell phone sa bulsa ng mahaba niyang saya at binuksan ang flashlight n'on. Itong karugtong na lagusan ng underground museum, kung dederetsohin ito ay palabas ito sa gubat, iyon ang sekretong lagusan na ginamit nila Boss Iesus at Sir Thad noon. Dito rin dumaan sina Chef at Engineer bago sila nawala.

Naririnig niya ang alingawngaw ng bawat yapak ng kanilang mga sapatos, pati na rin ang patak ng tubig na bumabagsak. Tila ba dumoble ang lakas ng pandinig niya. Nangingilabot tuloy siya. Nakakatakot talagang lakarin itong tunnel kapag mag-isa. Feeling niya ay magpapakitang multo o elemento roon ta's hahatakan siya sa ibang mundo. Pero itong si Boss, kalmado lang. 'Kala mo naglalakad lang sa sala nito.

Humabol siya nang kaunti nang napansin niyang lumalayo na ito. Naku, hindi maaari. Inabot niya ang tela sa parte ng may siko ng suot nitong long sleeve polo nang makalapit siya. Nakalislis ang mahabang manggas n'on hanggang siko kaya iyon ang hinawakan niya habang pinapatamaan ng ilaw ang bawal pader ng tunnel.

"Boss, ano bang hahanapin natin dito?"

"Itong mga nakaguhit sa libro. If your assumption is right, we might see another secret room here."

Namilog ang mga mata niya. "Iyong totoo, Boss? Nag-aadik ba ang pamilya n'yo sa mga secret room? May trust issues po ba kayo?" Hold that thought, Amora. Well, considering Boss Iesus' family history. Hindi nga imposibleng may trust issues ang buong angkan nito sa mga tao. Okay, gets. "Ay, ekis n'yo na iyong sinabi ko, Boss. OA lang talaga ako."

"My grandfather lost the map of this tunnel. But what I know, is there were a lot. We made another map but could only retrieve a few based on Lolo Xersus' memories."

"Nasaan ang map, Boss?"

"In my room."

"Hala, e 'di dapat balikan natin—"

"No need. Sauludo ko naman. Maliban kung wala sa mga lagusan na alam ko ang tinuturo ng mga guhit sa librong ito."

"Iisa-isahin natin ang bawat lagusan?" Napalunok siya pagkatapos. Naku, hindi pa naman siya kumain ng marami kanina kasi may plano siyang maghapunan nang maaga. "Boss—"

"We can't. There's too many of those."

Nakahinga siya nang maluwag doon pero nakangiwi naman siya sa kanyang isip. Hirap palang mag-diet kung Boss mo laging may adventure. Hindi pagod ang papatay sa kanya, gutom.

"Boss, may spin the wheel app ako rito. I-roleta na lang natin kung saan tayo mauuna—" Bigla itong tumigil. Napalunok siya nang lingunin siya nito mula sa balikat, seryoso ang ekspresyon ng mukha. Ngumiti siya. "Indecisive kasi ako Boss," palusot pa niya. "Kapag hindi ako makapili, spin the wheel ang sagot."

"Have I mentioned that I find your mind amazing?"

"Hala!" Napangiti siya. "Oy, Boss, huwag kang ganyan." Kinilig naman siya roon. "Unique lang po talaga ako mag-isip."

"I agree. Keep it up and you'll die early."

Napamaang siya. "Boss!"

Ibinalik nito ang tingin sa harapan. "And Amora," tawag nito sa kanya kahit na nasa nakabuklat na libro ang tingin nito. "Kindly take your hand off of my sleeve." Parang napasong binitawan niya ito. "Don't worry, I'm not going to leave you here alone."

"S-sorry, Boss, nakakatakot po kasi."

"Stay near, don't wander around."

"Okay po—este—okay, Boss." Nakagat niya ang ibabang labi. Gusto niyang kutusan ang sarili at isuntok sa pader ang lahat ng mabubuong po sa bibig niya.

Nagpatuloy ulit sila sa paglalakad, nakasunod lang siya kay Boss Iesus. Panay ang pagtama niya ng ilaw ng flashlight sa itaas at pader. Sa totoo lang, ito pa lamang talaga ang unang beses na nasuyod niya ang tunnel na ito. Lumang-luma na pala, halatang ginawa pa noong unang panahon. Pero kahit sa kalumaan ay kapansin-pansin ang pulidong pagkakagawa at halatang ginastusan ang mga materyales. Lalo na ang mga batong ginamit. Parang fortress tunnel, at imagine, ilang lindol na ang dumaan sa bansa pero hindi man lang nasira.

What if may magic talaga dito? Kagaya ng sinasabi ni Au na may barrier daw ang buong Faro kaya ligtas ito sa kung ano mang mga masasamang elemento, mapaghiganting multo, at dark magic. Hala, what if—

"Boss, tao naman kayo, 'no?"

Bahagya itong inihit ng ubo sa sinabi niya. Hindi ito tumigil sa paglalakad pero sinulyapan siya dahil magkaagapay na sila. "Manghihina ka bang hindi dumadaldal, Amora?"

"Naniniguro lang. Ito naman, sensitive. Saka, Boss, ang tibay nitong underground n'yo a. Wala pa bang bumibigay na lagusan dito?"

Huminto sila bigla, 'di niya rin alam kung bakit. Itinaas ni Boss Iesus ang lampara ka-lebel ng mukha nito saka dahan-dahang umikot upang mas makita nilang malinaw ang paligid. Pakiramdam niya ay nahulog ang panga niya sa sahig nang mapansin niyang nakatayo na sila sa gitna at may daanan sa kanilang harapan, kaliwa, kanan, at likuran kung saan sila galing kanina.

Sa tantiya niya ay hindi mapapansin ang daanan sa gawing silangan at kanluran kapag walang ilaw dahil napakadilim ng bawat pasilyo lalo na kapag nagmamadali ang isang tao.

Nasundan niya ang pagpihit ni Boss Iesus sa kanluran, kung saan siya nakatayo at nakatingin. Ramdam niya ang pananaas ng mga balahibo, hindi aninag ng liwanag ang dulo ng lagusan na iyon kaya mas lalong nakakatakot.

"Boss," dumikit siyang muli at humawak sa siko nito, "magdasal na lang tayong makauwi sina Chi dito." Ayoko na, Dios ko!

"Wait."

Iniwan siya nito at lumapit sa pader sa kanlurang lagusan. Pinailawan nito iyon, curious, sumunod siya at doon niya napansin ang parang nakaukit na mga numero roon. Sinundan ng mga daliri nito ang bawat korte ng numero. It says, 1935. Iyong numerong baliktad sa sulat kamay ng lolo nito.

"I didn't notice this before," basag nito.

"Ano kaya ibang sabihin niyan, Boss?"

He glanced at her. "There's only one way to find out."


1935


NATAGPUAN na lamang nila Mathieu ang sarili sa dalampasigan malapit sa simbahan ng San Fernando El Rey. Tuluyan nang kumagat ang dilim sa paligid nang masundan ng grupo nila si Temyong. He and Simon chose to accompany Andris and Juan. Andrew had to stay with LV, susuyurin ng dalawa ang mga lagusan sa ilalim ng bahay ng mga de Dios. They have to work simultaneously now.

Nakakuha ng impormasyon si Simon kanina na may kikitain daw ngayong gabi si Temyong. Kumain ang mga bata nito sa kainan ni Boss Lee at narinig ni Simon ang pag-uusap ng tatlo. Ang duda ni Andris, ang mag-aalahas ang kikitain ni Temyong. Nabanggit na rin ni Andrew ang tungkol sa misteryosong mag-aalahas at sa tingin niya ay nakita na niya ito sa hacienda ngunit hindi niya masyadong pinagtuonan ng pansin.

Madilim ang paligid ngunit malaki ang buwan kaya kahit papaano ay may naaninag silang liwanag. Nakatago silang tatlo kung saan nakahilira ang mga puno, malayo ito sa dagat ngunit mula roon ay kitang-kita naman nila ang nakatayo at naghihintay na si Temyong na may dalang maliit na lampara. Hindi na nagkatawang tao si Juan kaya hindi alam ni Andris na kasama ito. Nandoon sa malapit si Juan, nagmamatiyag sa puwesto nila Temyong upang marinig nito ang pag-uusap ng dalawa.

Maya-maya pa ay may dumating na matangkad na lalaki, hindi niya maaninag masyado ang mukha nito lalo na't may suot itong sombrero sa ulo kahit gabi na. Pormal na puti ang suot nito, hindi maipagkakamali ang karangyaan lalo na't kumikinang ang alahas na suot nito kasalungat sa simpleng kasuotan ni Temyong. Nagmula ang lalaki sa simbahan, ito ay may lamparang dala at maliit na attache case na madalas gamitin sa panahong ito.

"Siya na ho iyan," mahinang kompirma ni Andris, nakatayo at nakatago sa puno ng niyog sa kanyang kaliwa. Lumipat si Simon sa kanyang kanan, sa tingin niya ay gusto nitong mas makita ang mukha nito sa malapitan.

"Ano kaya ang laman ng dala niya?" narinig niyang tanong ni Simon ngunit sa palagay niya ay hindi naman ito nanghihingi ng agarang kasagutan.

"Matagal na ba silang nagkikita, Andris?" sa halip ay tanong niya.

"Sa tingin ko ho ay matagal na, Senyorito. Hindi lamang ho ito ang unang beses na may nakakita sa kanila rito. Ang sabi ng ilang mga usisero sa palengke ay marahil ho may sapat na pera na ho si Kuya Temyong upang bumili ng alahas para sa kanyang asawa."

"Kung bibili nga ito ay bakit patago? At bakit sa ganitong oras?" aniya.

"Malamang may itinatago," tugon ni Simon.

"Ang pinagtataka ho ng mga tao rito, Senyorito, Kuya Doming, halos lahat ng mga mayayamang pamilya rito sa Pueblo de Liloan ay nabentahan na nito ng alahas. . . maliban lamang sa pamilyang de Dios."

"Sa mga de Dios?" kunot ang noong ulit niya.

"Hindi alam ng mga tao rito ang buong dahilan ngunit nang lumapit daw ho itong mag-aalahas sa mga de Dios, agad na tumanggi si Don Jose at hindi ito binigyan ng pagkakataon na makatapak sa lupain ng mga de Dios."

"Nakapagtataka nga kung ganoon. Hindi kaya, kilala ni Don Jose itong mag-aalahas?"

"Senyorito," tawag sa kanya ni Simon. Ibinaling niya ang tingin dito, nakatingkayad ng upo ito sa lupa. "Marahil ay dapat makipagtulungan na tayo kina Senyorito Julian. Hindi naman siguro nila ipagkakait ang tulong sa atin lalo na kung para naman iyon sa kaligtasan ng Senyorita."

He gave it a thought. He had been contemplating that idea on his mind for quite some time now. In fact, he's relying more on Mateo's instinct than his understanding. He couldn't make decisions without considering Mateo's situation, but he was damn sure Mateo worked with Julian and Noah. And he's going to do the same.

"I will consider that."

Ibinalik nila ang atensyon sa dalawa, mukhang may malalim na pinag-uusapan sina Temyong at ang mag-aalahas na si Don Sebastino. Tanaw niya ang pusang si Juan, unti-unting lumapit pero may distansiya pa rin. Hopefully, he could hear everything.

Maya-maya pa'y may dumating na apat na lalaki, may dala-dala itong mga lambat at gamit ng pangingisda. Sa tingin niya ay hindi lamang siya ang nagulat na may iba pang pupunta. Si Simon at Andris ay may kapareho niyang ekspresyon.

"Mukhang papalaot sila ngayong gabi, Senyorito," mahinang basag ni Andris.

"Hindi kaya mga dinamita ang dala nito?" hula niya.

"Maaari," segunda ni Simon.

"Mauna na kayo!" sigaw ng isa sa apat na dumating. "Kanina pa akong ihing-ihi—"

Nagtawanan ang tatlo. "Sa susunod ay iwan mo na sa bahay n'yo iyang pantog mo, Cardo!" tudyo pa ng isa.

Bigla silang naalarma nang maglakad ito sa direksyon kung na saan sila. Agad na sumenyas si Simon na huwag silang kumilos at gumawa ng kung ano mang ingay. Madilim ang parte kung na saan sila kaya hindi agad sila nito mapapansin.

Mula sa senturon ay hinugot ni Simon ang punyal nito. "Kapag sinabi kong takbo, tumakbo kayo," mahina ngunit may pag-iingat na utos nito.

Ramdam niya ang biglang pagbigat ng tensyon sa paligid at kaba ng bawat isa. Nakatuon ang atensyon nila sa lalaki na naglalakad palapit, huminto ito na tila ba may napansin ito sa lokasyon nila. Naningkit ang mga mata at tila ba may kinokompirma. Bigla ay namilog ang mga mata nito at biglang sumigaw.

"May tao!"

"Takbo," hudyat ni Simon.

Nauna si Andris at sumunod siya. Ramdam niya ang pagsunod ni Simon pero lahat sila ay natigilan nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.

"Shit!" narinig niyang mura ni Simon.

"Takbo!" tulak niya kay Andris lalo na nang sunod-sunod nilang marinig ang yapak ng mga paang tumatakbo sa kanilang likuran. Sa kabila ng kadiliman at mga puno ng niyog na natatamaan at nadadaanan nila ay binilisan nila ang pagtakbo. They'll be died if they caught them lalo na't may mga armas ang mga ito.

"Paano sila nakakuha ng armas?" tanong ni Simon.

"Hindi ko rin alam. . . baka dahil din doon sa mag-aalahas. . ." Napangiwi si Mathieu nang maramdaman ang pagkirot ng sugat niya, napahawak siya banda roon. "Shit."

"Math?"

"I'm fine!"

"Sumunod lang ho kayo sa'kin," salita ni Andris. "Sauludo ko ho ang daan dito."

Napalunok siya, damn it, not now. Pinilit pa rin niyang bilisan ang takbo. Hindi siya nilagpasan ni Simon, nakabantay ito sa kanya sa likod.

"Malapit na tayo."

"Nandito sila!" narinig nilang tatlo na sigaw ng kung sino.

Pinanlamigan siya, lumakas ang kabog ng kanyang puso, at tumindi ang pagbagsak ng pawis sa kanyang mukha lalo na't wala silang naaninag na tao sa paligid nila. Maliban sa nakakabinging ingay ng mga kuliglig at ingay na likha ng mga naapakan nilang tuyong dahon ay iyon lamang ang bumabasag sa katahimikan ng gabi.

"Andris, alalayan mo ang Senyorito."

"Si—" pigil niya rito, alam niya ang gagawin nito. He will make himself a bait to buy them time to escape. And no, he's not going to permit that. Not on his watch. "No. We're going out together. Now, move." Hinatak niya ito sa kamay at sabay-sabay silang tumakbo sa kadiliman. Sabay silang napaigtad at napayuko nang makarinig muli ng putok ng baril.

"Tangina!" mura ni Simon.

"Kaunti na lang po," ni Andris. "Malapit na tayo."

Hindi sila tumigil sa pagtakbo ngunit nang may pumutok ulit na baril sa paligid ay bigla na lamang niyang nabitawan si Simon. Napalingon siya at natigilan nang makitang duguan ang kaliwang braso nito habang nakaluhod sa lupa.

"Fuck," napamura ito, hawak ang duguang braso, pilit at nakangiwing tumayo si Simon. Agad na lumapit si Andris at tinulungan ito. Tiningnan nito ang sugat at napansin niyang bahagya itong nakahinga nang maluwag.

"Malalim ang sugat pero daplis lang," sabi ni Andris.

"Malayo iyan sa bituka," saad pa ni Simon, bahagyang nakangiti kahit mahahalatang masakit ang sugat na natamo nito. "Bilisan na natin at baka hindi lang daplis ang makuha ko rito."

"Andris, mauna ka, susunod kami," utos niya. Siya ang pumalit sa pag-alalay dito.

"Sige po, Senyorito."








AGAD na dumungaw si Chippy sa bintana nang makarinig ng bosena ng sasakyan. Pinanlamigan siya bigla nang makitang nakaalalay sina Mathieu at Andris sa duguang si Simon. Ramdam niya ang biglang panginginig ng mga kamay at panghihina ng mga tuhod.

"What happened?" she heard LV asked, dumungaw ito sa bintana kasama ni Andrew. "Teka, si Doming ba ang duguan?"

Bigla silang iniwan ni Andrew at mabilis itong lumabas ng silid. Hinawakan niya ang kamay ni LV. "Samahan mo 'ko," nagawa pa rin niyang sabihin sa kabila ng panginginig niya. Hinila niya ito at sinundan nila si Andrew hanggang sa sala.

Nang makababa sila sa sala ay agad na bumungad sa kanila sina Julian at Noah.

"Noah, magmadali ka't tawagan mo si Doktor Javier."

Umalis si Noah at dumeretso sa telepono. Hila-hila pa rin niya si LV nang makalapit siya kay Mathieu. Hindi na niya matanaw nang maayos si Simon dahil pinagtulungan na itong alalayanin nila Julian at Andris patungo sa bakanteng silid sa itaas.

"A-anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni LV, bumitaw ito sa kanya, nakasunod ang tingin kina Andris. "Bakit duguan si Doming?"

"Math," tawag niya kay Mathieu nang mapansin siya nito. Duguan ang damit nito, lalo na ang parte ng sugat nito. "A-anong nangyari? Bakit duguan kayo?"

"It's a long story, but thank God we escaped," niyakap siya nito nang marahan. "Si got shot, pero malalim ang nadaplisan nitong sugat—"

"Si?"

Kumalas silang dalawa sa pagkakayakap nang marinig ang boses ni LV. Lalo itong naguguluhan sa nangyayari.

"Did you call him Si?"

Kumunot ang noo ni Mathieu. "Vee, he's Simon. Hindi mo ba itinama, Chi?" baling nito sa kanya pagkatapos.

Mahinang umiling siya. "Hindi."

Marahas itong napabuga ng hangin at sinamaan sila ng tingin dalawa. "Pambihira!"

"Vee—"

Pero imbes na sermonan sila ay iniwan sila nito ay lumabas ito ng bahay. Marahas siyang napabuntonghininga.

"I should have been honest with her."

"It's not your fault."

"Paanong hindi?"

"Chi, no one expected that Si will be shot. We didn't expect they were fully armed. Hindi lang dinamita ang sinu-supply sa kanila, pati na rin armas." Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Someone is behind Temyong's group—a powerful man who may have all the illegal resources to trade these items here in Pueblo de Liloan. At kailangan kong kausapin sina Julian tungkol dito."

"Bakit?"

"Dahil mukhang. . . malaki rin ang interes niya sa pamilya n'yo. . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro