Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 53

A/N: Saving Forever Selfpub Preorders are still ongoing and will last until August 23, 2024. Support your dearest author by securing your copy now. Thank you and enjoy!


***

"B-Boss—"

Humawak ang isang kamay ni Boss Iesus sa kanyang pupulsuhan. "Come with me." Napasinghap si Amora nang hatakin siya nito patungo sa direksiyon ng underground museum. Hindi na tuloy siya nabigyan ng pagkakataon na iwan ang librong hawak. Binitiwan lamang nito ang kamay niya para alisin ang pulang libro sa itaas na parte ng shelf para bumukas iyon.

"Boss, promise, hindi ko talaga intensiyon na makinig—"

Hindi ito umimik, sa halip, ibinalik nito ang libro sa kung saan iyon nakalagay saka muling hinawakan ang pupulsuhan niya at hinila siya papasok sa lagusan. Nagsimula siyang mataranta nang dahan-dahang sumara ang pinto sa kanyang likuran. Isa-isa namang nagbukas ang mga ilaw sa magkabilang pader habang pababa silang dalawa. She swallowed hard. Paano sila makakalabas? Iyong libro lang naman ang tanging susi para makapasok papunta sa undeground museum nito. At madalas iniiwang bukas lang ang pinto sa itaas kapag may tao sa ibaba.

"B-boss, paano tayo makakalabas?" hindi niya napigilang tanong. "S-sinarado n'yo po kasi."

"Rest your worries aside. Maraming lagusan ang bahay na ito. I can bring you out here alive." His voice was still stern and formidable.

Lalo tuloy siyang kinabahan. Mukha lamang siyang sanay kapag galit ito pero hindi talaga. Madalas ay nagkukunwari lang siyang hindi natitinag dito. Pakiramdam niya lagi ay huling araw na niya sa mundo kapag ganoon ito kaseryoso. Muli siyang napalunok nang tuluyan silang makababa. Binitiwan nito ang pupulsuhan niya pero hindi siya nilingon. Abala ito sa pagbabasa sa kung ano mang nakasulat sa kapirasong papel na hawak nito.

"B-boss—"

Bigla ay nilingon siya nito. "Where did you find this?" Itinaas nito ang sulat, napaatras siyang bahagya dahil sa boses nito. Hindi ito nakasigaw pero tila kulog ang mga salita nito sa kanyang pandinig. "Amora."

Napatingin siya sa kapirasong papel sa kamay nito. Ang nababasa lamang niya ay apat na numero na 5 - 3 - 9 - 1. Iyon lang din naman kasi ang tanging nakasulat doon. Tiningnan niya sa mukha si Boss Iesus. Seryoso ang mukha nito at pansin niya ang lalong paglalim ng kulay asul nitong mga mata—hindi na ito kasing tingkad tulad kanina. Nakaramdam siya ng mas matinding takot dahil tila biglang kamukha na nito ang larawan ng lolo nitong si Don Jose Remegio de Dios noong kabataan nito.

"N-nakita ko lang po 'yan sa likod. . ." She gulped. Dumiin ang paghawak niya sa libro. ". . . nahulog lang po. . ."

"Where exactly?"

"Kung saan n'yo po ako nakita kanina."

Bumaba ang tingin nito sa libro niyang hawak. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. "Did you see something inside that book?"

"P-po?"

Nilahad nito ang isang palad. "Hand me that book."

"O-opo. Ito po." Mabilis niyang ibinigay rito ang libro. Agad naman nitong binuklat iyon. "Hindi ko po binasa. . . pero po. . ." Huminto ito sa isang pahina upang hulihin ang mga mata niya. Bigla siyang nanginig at hindi na ulit makapag-isip sa susunod niyang sasabihin dahil sa mapanuri nitong titig.

"Pero ano, Amora?"

She swallowed hard again. "M-may mga guhit po riyan, Boss." Sa kabila ng kanyang panginginig ay lumapit siya nang kaunti. Ramdam niya ang bumubaong tingin nito sa bawat kilos niya. "At. . . para pong. . . may itinuturong direksiyon," lakas loob niyang dugtong sabay palit ng mga pahina. Tumigil siya sa pahina kung saan may guhit ng isang tunnel. "Ito po." Sinunod niya ang guhit ng isang malaking aklat sa ibang pahina at ang huli ay punit na papel sa isa pang pahina.

His brows furrowed. "I haven't seen this book before."

"Wae?" Umangat ang tingin nito sa kanya, masama ang tingin sa kanya. Gagi, Amora, iyan ka na naman. Lusutan mo iyan talaga. "I-I mean. . . Boss. . . kasi 'di ba. . . marami ka namang alam lagi? Pansin ko lang po sa mga kilos at mga salita n'yo na alam n'yo na agad kahit hindi pa namin sabihin. Ganoon po kayo—"

"Why would you think that?"

She blinked when she realized something. "Kung ganoon, Boss? Bida-bida lang kayo?" Napaatras siya nang dumilim ang tingin nito sa kanya. "Este, Boss, nagkukunwari lang kayo na may alam? All this time?" Hala, did she judge him wrong?

Isinarado nito ang libro na hawak. "Who do you think I am? God? Of course, I don't know anything. . . but I'm trying." Humugot ito nang malalim na hininga bago bumuntonghininga.

"Then, Boss, ibig n'yo ring sabihin, hindi n'yo alam paano mapapabalik sina Chi dito sa atin?" His lips tightened as he shook his head. Natutop niya ang bibig. "Boss!" hindi niya mapigilang pagtaasan ito ng boses.

"Don't raise your voice on me, Amora." He started pacing back and forth, hand on the book. "I said I'm trying. . . and doing my best to get them out of there."

Ibinaba niya ang mga kamay. "Pero, Boss? Paano? Makakatulong ba ang missing item nila? At paano n'yo makikita 'yon ngayon?"

He halted his steps and turned his face at her. "There should be another passage. Vier might be right or. . . wrong about the astral projection as a way of time travel." He stepped closer to her. "Or. . . there's another time portal that opened."

"Bagong portal? Ibang nakaraan? Ibang bersiyon po, Boss?"

He nodded. "But I might be wrong about that either."

Tinalikuran siya nito at naglakad patungo sa maliit na opisina roon—ang pirate's den kung tawagin ni Chi dahil sa ayos n'on at mga gamit paglalakbay na nakalapag sa mesa. Hinila nito ang silya sa likod ng mesa at naupo r'on. Sumunod niya rito pero nakatayo lang siya sa likuran nito.

"There's another tale."

"Hindi iyong Hidden Old Love Letter tale?"

He glanced at her over his shoulder, his eyes glaring. She gulped. Sabi na eh, dapat tinatahi ang bibig at hindi binubuka.

"Boss, kalma." Tinaas niya ang mga kamay. "Narinig ko pero promise, hindi ko pa rin naintindihan. Kasi naman, Boss, hindi naman kasi ako katalinohan. Nag-aaral ako para lang pumasa noon pero hindi ibig sabihin tatandaan ko habambuhay. Kaya nga siguro, ako ang pinili ni Mother Superior kasi bobo ako."

"No. I don't want to hear that from you." Napangiti siya roon. "You're just a bit. . ."

"A bit, what po, Boss?"

"Slow."

Nawala ang ngiti niya.

Naikiling pa nito ang ulo, tila iniisip pa nito kung tama ang salita na sinabi nito o mas may tamang salita pa. Napamaang siya r'on. Wow naman!

"Anyway, going back." Ibinalik ulit nito ang tingin sa mesa. "There's another story he used to tell me." He adjusted his seat and drew out the drawer under the table.

Galing, hindi pala iyon naka-lock gaya sa mga palabas na napapanood niya. Lalo na kapag may mga secret information doon.

"Boss, bakit sa'kin mo sinasabi ang mga 'to? Paano po sina Ser?"

"I'll tell them soon." Mula sa drawer ay nilabas nito ang isang sepia photo. "I am just confirming something." Namilog nang husto ang kanyang mga mata nang makita kung sino-sino ang mga kawangis ng mga ito—sina Chi at Chef Math.

Tatlo ang nasa larawan, kuha mula sa loob ng isang bahay. Isang nakaputing bestida na babae at isang lalaki na puti ang pang-itaas na may mahabang manggas. Marahil ay kulay tsokolate ang mahabang pantalon nito na may nakakabit na kalsonaryas. Pumagitna sa dalawa ay isang batang lalaki na mukhang nasa lima o anim na taong gulang.

"Boss, sino-sino po iyang nasa larawan? At bakit kamukha nila Chi at Chef Math?"

"The woman in the photo is Maria Priscilla Altagracia y de Dios, Lolo Xersus' aunt," walang pagdadalawang-isip na sagot nito. "The boy was my grandfather in his childhood."

"At ang lalaki na kasama nila Boss?"

"Mateo Valdevielso," seryosong sagot nito.

"V-Valde. . ." Kumunot ang kanyang noo. "Valdeselso?"

"Valdevielso," he corrected. Sabi ko nga mali ako. "They had the same last name as Mathieu's grandfather, Dimitrio Valdevielso."

Mahina siyang napansinghap. "Hala—"

"Yes, Mathieu came from the same bloodline." He paused before speaking again, "The Valdevielso are one of the prominent families back in the 1930s. They were never good friends of our family, but they remained civil with us. Four years before the Second World War, the Valdevielso lost all their fortune. The young Valdevielso was forced to sell all their properties and left Liloan for good."

"Si Mateo po ba iyon, Boss?"

Umiling si Boss Iesus. "No. It was the other brother, Dimitreo Valdevielso. The father of Mathieu's grandfather. The eldest, however, was not mentioned in my grandfather's diary. Which piqued my interest even more. Why wouldn't he write him in his diary when he had this photo in his belongings?"

Binaliktad nito ang larawan at nandoon din ang apat na numero na nakalagay sa sulat na nakita nila. Napakurap siya at nangilabot kahit wala naman siyang naiintindihan kung ano at para saan ang apat na numero na iyon.

"And this four-number combination is showing up again," with furrowed eyebrows he muttered.

"Boss, anong mga numero ang mga iyan?"

"I have assumed it's a lock combination of a vault. I tried my luck, but failed. Wala sa mga lumang vault dito sa bahay ang nabuksan gamit ang mga numerang iyan."

"Hindi kaya may nakatago pa pong ibang vault?"

"Could be."

"At ano kaya ang posibleng laman n'on, Boss?"

"I don't know." Pinagtabi nito ang larawan at sulat sa itaas ng mesa. Magkapareho ng sulat kamay kaya mahahalatang iisang tao ang ang sumulat n'on na maaaring ang Lolo Xersus nito. "Hopefully, a clue that could help me figure things out."

Tinitigan ni Amora ang numero. Five. Three. Nine. One. Naikiling niya ang ulo. Posible naman kasi talaga na lock password iyon ng isang vault at sa vault na iyon ay may iniwang mga sulat ang lolo ni Boss Iesus. Pero kung babaliktarin niya ang numero. One. Nine. Three. Five. It will give her the year 1935. Taon kung na saan ngayon sina Chi at Chef Math. Nagkataon lang ba iyon o sinadya talaga? At bakit naman isusulat iyon ng lolo nito? Bakit ang taon lang?

Narrowing her eyes, her lips pressed together as she tried to put a sense of it. "Boss, iyong Hidden Old Love Letters na kwento ng lolo n'yo, wala ba talagang pangalan ng mga bida?" basag niya maya-maya. Napaangat ito ng tingin sa kanya kaya nagtama ang kanilang mga mata. "Kasi, 'di ba, ayon sa kwento niya. May isang dalaga sa Pueblo de Liloan ang umibig sa isang binatang may minamahal nang iba. Hindi ito gusto ng binata dahil sa matapang na pagpapahayag nito ng pag-ibig. Mga sulat at isang tangkay ng rosas ang lagi nitong dala na madalas tanggihan ng binata. Ngunit isang sumpa na paratang ang naging tulay upang mapukaw ang totoong damdamin ng binata sa dalaga lalo na nang makita nito kung paano saktan at kutyain ng mga tao ang dalaga."

"Why do you want the names?"

"Kasi, what if," binaliktad ni Amora ang larawan, "kwento talaga iyon nila Maria Priscilla at Mateo? And he's leading his tales to what happened in 1935. Kasi, tingnan mo, Boss." Hindi na niya pinansin ang sobrang pagkakadikit nila para maabot ang sulat at larawan. "Kapag binaliktad mo ang mga numero, 1935 ang numerong mabubuo. At alam naman natin kung na saan sina Chi ngayon—sa 1935."

"I didn't realize that."

"Boss, alam mo ba ang buhay ni Maria Priscilla?"

"No." He cleared his throat. "What I know is that her death was sudden and Lolo Xersus' father, Julian de Dios decided to bring his son and his pregnant wife to England. The family stayed there until my grandfather reached the age of twenty-one. Umuwi ang mga ito ng Pilipinas ngunit hindi nanirahan dito sa Faro."

"May isang kwento pa siya, 'di ba? Sabi mo iyon kanina. Anong kwento iyon?"

"It's about an evil jeweler in Pueblo de Liloan who schemed everyone to get all of the town's precious jewels. He lured them in believing that all of their misfortunes would vanish if they gave him their most valuable item—the powerful ones."

"Kagaya ng mga missing items ng Lolo Jose Remegio n'yo, Boss?"

He nodded. "One powerful item in exchange for one wish. But like I said before, I don't have any proof that these tales were true. And there's a higher chance that these were made-up stories. . . I used to believe that these tales were true. . . not until. . ."

"Ano pong nangyari?"

Sadness and disappointment mirrored in his eyes. "Even Chizle doesn't know this, Mor. Only Vier, Sep, and I knew about what killed my grandfather."

Bigla siyang kinabahan. Parang masasaktan siya sa kung ano mang sasabihin nito. Alam pa naman niya kung gaano ka-close si Chi sa Lolo Xersus nito. Madalas kasi iyong ikuwento sa kanya ni Chi. Kaya kung inilihim ng mga ito ang tungkol doon, malamang ay para protektahan si Chi.

"Boss—"

"You keep this secret until I could tell her the truth. Can you do that for me?" Tumango siya. "Good."

"Ano po bang nangyari sa kanya?"

He seemed to gather his thoughts first. "He lost his mind," he muttered. Kunot na kunot ang noo nito. "We had to keep him away. . . it was Lolo Xers wish. He didn't want Chi to see him slowly losing himself."

"Hindi naman po siya—"

"No. He didn't kill himself." Nakahinga siya nang maluwag doon. Tiyak na kung ganoon ang nangyari ay mas lalong masasaktan si Chi. "The doctor diagnosed him with Alzheimer's disease. His gradual progress and medication was of a big help. . . but were not really giving him the cure. Until it reaches to a point where I could no longer recognize my grandfather in him."

Tipid pero may lungkot na ngumiti ito.

"But before he died," salita muli nito. "With his mind completely of a five-year-old child, he begged me to find his Kuya Mateo. He said he didn't want his Tiya Priscilla to cry." Napansin niya ang pag-igting ng panga nito upang magpigil marahil ng emosyon. "And he's sorry for being. . . not strong enough," he swallowed hard, "to save them."

Hindi niya naman kilala si Lolo Xersus pero nadala siya sa lungkot ng boses ni Boss Iesus kaya tumulo ang kanyang mga luha. Pasimple niyang pinunasan ang mga luhang iyon.

"He had this picture placed near his heart until his last breath." He cast a somber glance at her. "I made a promise to him, Mor. I promised him to bring Mateo back. But it was a lie. . . to assure him that everything will be fine."

"Pero, hindi ba't mas okay na rin po iyon. Para hindi po siya maghirap pa."

"I know, but the memory of his cries keeps me up every night. I had never seen my grandfather shed a tear. . . but seeing him in that vulnerable state. . . it was never the same, Mor. He was never the same in my eyes. So when I had enough understanding of things, I started digging about the past he had tried to conceal from all of us."

"At may natagpuan po kayo?"

"His diary didn't have much information on what I needed from him, but it was better than nothing at the time. Chi's uncanny resemblance to the late Maria Priscilla always gave me an uncomfortable feeling—seeing Chi, always reminds me of the promise I made to Lolo Xers. That I will find, Mateo Valdevielso."

May nabubuong ideya sa isip niya. Hindi kaya, "Huwag n'yo pong sabihing. . . sadya n'yo pong hinanap si Chef Math dahil sa pangako n'yo sa lolo n'yo, Boss?"

"I did try. But I gave up. . . only to find out that we were studying at the same university. And he's a Brandaeur—a damn Brandaeur. "

"Ano pong meron doon?"

"Mathieu's father and Chi's father are sworn enemies in politics. Those two will kill each other even at a one-inch distance. I'd rather not risk playing Cupid." He suddenly moved back to his seat. She moved away before he could stand up. "But I guess, fate has its ways in making those two find each other."

"Naniniwala po kayo sa tadhana, Boss?"

"If it's not fate, then who?"

"God." Tinitigan siya nito nang husto. "Sabi ho kasi ni Mother Superior, Boss, fate is God's way of saying He's allowing His will to manifest in someone's life. When God allows, it means it was the life God wanted for them. At mukha naman pong hindi nga po kayo nagpaka-Cupid sa kanila pero pinagtagpo pa rin sila. So, it was God's will that they meet despite the bad and good circumstances of their lives. At kung hindi man po sila nagkita, it was still God's will dahil naniniwala po ako na may dahilan ang bawat ganap ng buhay ng tao. Maliban na lang siguro kung gusto n'yong hamunin ang Dios at gawin mo pa rin ang mga bagay na nais n'yo kahit na mali iyon at hindi pa rin makabubuti sa iyo."

He gave her a half smile. "You have your faith, Mor."

Ngumiti siya pabalik. "Mukha rin naman pong meron din po kayo. Ayaw n'yo lang aminin."

"I trust that you will keep this between us," sa halip ay sabi nito.

Tumango siya. "Pero kapag po nakabalik na sina Chi, sa tingin ko po ay mas tamang sabihin n'yo po sa kanya ang totoong nangyari sa lolo n'yo. Marami na pong nawala sa buhay ng pinsan n'yo. Huwag n'yo na pong ipagkait ang katapatan sa kanya. At sa mga kaibigan n'yo na rin po. Hindi po sa nanghihimasok ako, Boss. Pero sa dami po ng misteryo sa buhay n'yo, hindi n'yo po kakayanin ito ng mag-isa."

"I will think about it, but drop the po, Amora. It's getting on my nerves."

Hindi niya napigilan ang matawa. Lalo nang bumusangot ang mukha nito. "Eh kasi naman, Boss, ang bastos kapag walang po."

"I don't care. Just drop the formalities."

Tinalikuran siya nito na dala ang pulang libro. Sinundan niya ito ng tingin, papunta ito sa likurang parte ng underground museum.

Humabol siya rito. "Boss, huwag n'yo kong iwan!" Naku, wala siyang balak makulong dito mag-isa.

"There's another passage I haven't checked with," saad nito nang makaagapay siya.

"Boss, iyong totoo? Ano ba 'tong bahay mo? Escape room?"

"I'd tell you," he glanced over his shoulder, "but then I'd have to kill you." Napamaang siya. He chuckled. "Just kidding." Itinuon muli nito ang tingin sa harapan. "C'mon, I need your help on something."

"Sure, Boss, pero paano iyong mga kaibigan n'yo?"

"You said I couldn't do it alone."

"Oo nga po."

"Then, allow them to solve that problem on my behalf. You and I have something else to do."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro