Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 52

A/N: Saving Forever Selfpub Preorders are still ongoing and will last until August 23, 2024. Support your dearest author by securing your copy now. Thank you and enjoy!

Ps: Not to confuse everyone, 1 day in present Faro means 1 month in 1935. So mabilis ang oras sa nakaraan kaysa sa present. Current 1935 timeline is around September of 1935.


***


"KUYA ANDRES!"

Napatigil sa paglalakad si Andrew sa dalampasigan at napalingon sa kung saan nanggaling ang sigaw. He at first thought it was someone else who bears the same name as his false identity was being called out. Pero nang makita niya ang kumakaway na binata na si Andris mula sa bangka nito ay napagtantato niyang siya nga ang tinatawag.

Naningkit ang kanyang mga mata nang ibaling niyang tuluyan ang katawan sa dagat. Doon ay binati siya ng nakasisilaw na liwanag ng araw kaya itinaas niya ang isang kamay upang iharang iyon sa kanyang mukha. Kasabay ng ingay ng mga ibon at pag-uusap ng mga tao r'on ay ang kalmadong paghampas ng alon sa dalampasigan. Hinintay niyang makadaong nang tuluyan ang bangka at mula roon patalon na bumaba si Andris. Iniwan nito ang dalawang kasamahan at lumapit sa kanya.

Andrew turned his face away from the sun. Andris went to stand facing him. "Magandang umaga, Kuya Andres," nakangiti nitong bati.

Tipid na ngumiti si Andrew. "Magandang umaga."

Even now, he found Andris' uncanny resemblance to his older brother strange, in addition to the fact that he was indeed his great-grandfather Andris Alquiza—the man who raised his family from poverty. Something that he had been curious about. How did he save the Alquiza from the slums?

"Kayo lang ho ba? Hindi n'yo ho kasama sina Kuya Doming at Kuya Juanito?" Iginala pa nito ang tingin sa paligid ngunit nang hindi nito nakita ang hinahanap ay ibinalik nito ang tingin sa kanya.

"Hindi. Ako lang." Tumango-tango ito. "Marami bang huli ngayon?" pag-iiba niya.

He glanced at his great-grandfather's old fishing boat. Malaki iyon sa pangkaraniwang bangka pero halatang matagal na ito. Ang isa sa dalawa nitong mga kasama ay isa-isang inaalis ang mga isdang nahuli mula sa lambat at inililipat sa ibang lalagyan. Ang isa ay sinusuri ang likurang parte ng bangka.

"Madalang ho. . . " Ibinalik niya ang tingin dito. ". . . malapit na nga hong wala." Bumuntonghininga si Andris. "Noong isang buwan ho. . . ay kahit papaano ay meron pa. Akala nga ho ng mga tao rito ay unti-unti nang nawawala ang sumpa na pinapaniwalaan ho nila na dala ng unica hija ng mga de Dios."

"Sumpa?" Kumunot ang noo ni Andrew. "Ngunit hindi ba't binawi na ito ng matandang babae? Na huwad ito at walang katotohanan." Isang bagay na palaisipan pa rin sa kanya. Paanong nakabalik dito ang baliw na matanda at bakit nito binawi ang sinabi?

He and Mathieu traced back the events that had happened after Mateo left Pueblo de Liloan. Mateo's decision to leave Pricilla was beyond Mathieu's access to Mateo's memories, so they were forced to piece together missing information by themselves. All that Mathieu could recall was the day Mateo nearly died and their attempt to escape in 1935 which he believed to be not part of Mateo's.

Tumigil ang usap-usapan ng mga tao tungkol sa sumpang dala na nagbibigay ng kamalasan sa mga taga Pueblo de Liloan nang muling magpakita ang matandang babae. Binawi nito ang paratang tungkol kay Priscilla at pagkatapos noon ay bigla ulit itong naglaho. It happened after Mateo left Liloan for good.

They also tried to locate Lolo Nonoy's house but nobody seemed to know him. His house did not exist in the same location where it was built. Pati ang kaibigan nitong si Mang Epifanio ay hindi rin ito kilala at hindi rin pamilyar sa pangalang Nonoy. The old man just vanished without a trace.

Tumango si Andris. "Ngunit hindi po lahat ng taga rito ang nakumbinse. Nanatili na ho kasi sa mga isipin ng iba ang tungkol sa sumpa. . . lalo na't tila wala namang pagbabago. Matumal pa rin ho ang huli."

"Sumpa nga ba ang dahilan o may iba pang dahilan kung bakit wala nang isda rito sa atin?" pahaging niya.

"May iba ho sa'min ang naghihinala sa grupo nila Kuya Temyong." That bastard. Ang hayop na hindi nila mahuli-huli. Nagpatuloy si Andris, "Matagal na ho ang usap-usapan na iyan sa amin, Kuya Andres. Kaya raw may nahuhuli sina Kuya Temyong ng maraming isda sapagkat gumagamit sila ng dinamita. Isang klaseng bombang pandagat na pumapatay ng maraming isda at maaaring sumira rin sa mga tahanan ng mga ito sa ilalim ng dagat. Na hindi ho malabo na totoo sapagkat sa tuwing sumisisid ako ay napapansin kong marami nang mga korales ang mga nabibiyak. Ngunit ang pinagtataka lang namin ay. . . saan nila nakukuha iyon. . . at sino ang tagatustos ng mga iyon sa kanila?"

"Dito pa rin ba sila nangingisda?"

Umiling ito. "Hindi na ho dahil wala na raw isda rito. Sa ibang isla naman sila nangingisda. Ngunit kahit sa kabilang isda ay matumal din ang mga huli."

"At sila?"

"Umuuwi pa rin na maraming huli."

Bumuntonghininga si Andrew. "Hindi malabo na may isang taong tumutulong sa kanila, Andris. At ginagamit nito ang sumpang paratang sa mga de Dios upang pagtakpan ang mga iligal nilang mga gawain."

Thinking about it, it did make sense. There is a strong probability that someone disseminated false information about the de Dios on purpose in order to carry out their illicit activities. Sadya ang paninira at maaaring nalaman na ito ni Mateo noon pa man. But why did he hide it? And who the fuck is that godforsaken person behind this? He doesn't normally curse but he had enough.

"Kuya Andres." Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito sa pagkakataon na iyon. "Sa tingin ko ay maaaring. . ."

"Maaaring ano?"

Andris was suddenly cautious with his surroundings. He made sure first that no one seemed suspicious around before speaking again, "Maaaring katulong nila ang mag-aalahas," he confessed in a low voice.

Andrew's forehead creased. "Ang mag-aalahas?"

Tumango ito. "May isang dayong mag-aalahas dito sa Pueblo de Liloan. Noong isang buwan ay nakita kong nag-uusap sina Kuya Temyong at ang mag-aalahas sa likod na bahagi ng simbahan. Sa'yo ko lamang ho ito sinabi dahil alam kong naghahanap din kayo ng kasagutan. Ako rin ho ay naghahanap ng kasagutan upang mailabas na ang katotohanan. Naniniwala ho akong mabait ang mga de Dios. Isa ho ang itay ko sa mga natulugan ni Don Jose noon."

For a simple fisherman, Andris knew a lot of things. Kung hindi niya kilala ang lolo niya bilang malapit sa pamilya nila Iesus ay paghihinalaan niya ito. Pero mukhang sinsero naman ito sa pagtulong sa kanila.

"Sino itong mag-aalahas na sinasabi mo?"

"Si Don Sebastino. Isang mag-aalahas na ipinanganak sa Espanya ngunit matagal na raw ho rito sa Pilipinas." Lalong kumunot ang noo ni Andrew. Although the name doesn't sound familiar, but he has a strong feeling that he's not just a simple jeweler. "Kilala ho siya ng ama ni Senyorito Mateo."

"Kilala?" Now he's curious. Did that man often visit the Valdevielso? At kung oo, malamang ay nakita na niya ito roon ngunit hindi niya lamang pinagtuonan ng pansin.

Tumango si Andris. "Opo."

"Matagal mo na ba silang minamatiyagan?"

"Hindi lamang ho sinasadya, Kuya Andres. Nagkakataon lamang na sa tuwing binibisita ko roon ang aking itay ay nandoon siya."

"Itay? Sino?"

"Kilala ho siya bilang si Mang Leo sa hacienda ng mga Valdevielso."

Natigilan doon si Andrew. Kilala niya ang matandang tinutukoy nito. Si Mang Leo, ang matandang pinagkakatiwalaan ni Mateo. Ito rin ang hindi nagdalawang-isip na tumulong sa kanila ni Juan para makapasok bilang trabahador sa hacienda ng mga Valdevielso.

So all along, it was his great-great-grandfather Leopoldo Alquiza? Hindi niya namukhaan ito dahil walang naitagong larawan ang kanyang Lolo Andris. At kung meron man, marahil nasira na.

"Nagbalik na raw ang anak ni Don Porfirio na si Mateo rito sa atin." Pansin ni Andrew na hindi lamang siya natigilan nang marinig ng pag-uusap na iyon, si Andris din. "Ang balita nga rin ay dahil sa unica hija ng mga de Dios."

They stayed silent as they listened to the two women talking nearby. Pareho ang mga itong naglalako ng mga gulay.

"Si Senyorita Priscilla? Hindi ba't naghiwalay na ang dalawa?"

"Iyon ang sabi-sabi, ngunit. . . may balitang kumakalat ngayon na nagdadalang-tao ang senyorita at itinatago lamang ng mga de Dios." Kumunot ang noo ni Andrew. Paanong nakalabas ang mga impormasyon na iyan sa labas ng mansion? "At may nakakita rin sa nakatatandang binata ng mga Valdevielso na pumunta sa mga de Dios kahapon. . . at tila nagmamadali."

"Bakit naman daw?"

"Dahil kamuntik na raw makunan si Senyorita Priscilla."











"MATEO, ikaw ba ang ama ng dinadala ng pamangkin ni Jose de Dios?" Dumilim ang tingin ng ama ni Mateo kay Mathieu. Kakauwi lamang niya ngunit agad na bumungad sa kanya ang nagpupuyos sa galit na ama. Kasama niya sa library si Dimitreo at ang ina na parehong seryoso ang ekspresyon ng mga mukha. "Is that why you are here? Because that woman is pregnant?"

Mathieu's jaw clenched, pinipigilan ang sarili na huwag salubungin ang galit nito. He had been in a bad mood after hearing those damn rumors outside. He didn't want to lose his temper for god's sake!

"Leave Priscilla alone." He tried his best to be calm. "She has nothing to do with our personal affairs nor your unresolved problem with the de Dios—"

"Iligpit mo ang mga gamit mo ngayon din." Kumunot ang noo ni Mathieu. What the hell?! "Ikaw ay sasakay sa huling barkong aalis mamayang gabi. Naiintindihan mo ba ako?"

Mathie gulped down his annoyance. "Aalis? Para saan? Dahil lang sa mga naririnig n'yo ay paalisin n'yo na naman ako?"

"Ikaw na rin ang nagsabi na hindi ka magtatagal dito. Puwes, hindi na kita maaaring patuluyin dito nang matagal." He can't believe this. Marahas siyang napabuga ng hangin.

Lalong nagtagis ang mga panga niya. "Ano bang ikinakatakot n'yo sa pamilya nila?" he demanded this time. He didn't tear his piercing gaze at Mateo's father. "Did this family steal something from them—"

"Mateo!" his mother called out in utter frustration, but he ignored his mother.

Lalo lamang nagdilim ang tingin ni Don Porfirio sa kanya. "Don't you dare accused me of a crime I did not commit, Mateo. Wala kang alam sa pamilya na ito. At higit sa lahat—"

"At higit sa lahat, ano, Papa?" paghahamon pa niya rito.

"Mateo, tama na!" pigil ulit ng ina sa kanya. "Huwag mo nang sagutin ang iyong ama."

Matapang niyang tiningnan ang ama. "Higit sa lahat ano, Papa?"

Nagtagis ang mga panga nito ngunit hindi siya sinagot. Hindi nito kaya dahil alam niyang magbabago ang tingin ni Dimitreo sa kanilang ina kapag nalaman nitong anak siya sa ibang lalaki nito. His father had been protecting his only son from the truth.

"At kailan ba ako nagkaroon ng importansiya sa pamilyang ito?" pagpapatuloy ni Mathieu. "Buong buhay ko nakikiapid ako sa isang pamilyang hindi ako kailanman matatanggap. At kahit na ialay ko pa ang aking buhay ay hinding-hindi ako bibigyang halaga. . . kahit na mamatay ako ngayon. . . o bukas, ni isang luha ay walang bubuhos diyan sa inyong mga mata."

"Kuya—"

Nagpatuloy siya sakabila ng pagtawag ni Dimitreo. "At oo, tama ka, Papa. Ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Priscilla. . . at kung noon ay napilit n'yo akong iwan siya ngunit asahan n'yong hindi n'yo na madidiktahan ang buhay ko sa pagkakataon na 'to."

Natigilan doon si Mathieu ngunit hindi niya pinahalata sa ekspresyon ng mukha niya. He didn't remember that part before. But now? There were fragments of memories in his head that he couldn't same to piece together. Mateo's lost memories are beginning to come back. And those words. . . seemed to be his as well.

"Tunay na napakatigas talaga ng iyong ulo, Mateo!" Pinagtaasan siya nito ng boses. Marahas na bumuga ng hangin ang ama pagkatapos, madilim pa rin ang tingin sa kanya ngunit tila ikinakalma na sarili. "Dimitreo," mahinahong baling nito sa anak, "samahan mo muna sa labas sa iyong ina at nais kong kausapin ang iyong kapatid na mag-isa."

"Ngunit Papa—"

"Ngayon din," pinal ngunit may pagbabanta sa timbre ng boses ng kanilang ama.

"Masusunod po." Inalalayan ni Dimitreo ang kanilang ina hanggang sa makalabas ang mga ito mula sa library.

Hinintay ng ama na maisarado ang pinto bago ulit nagsalita, "Binalaan na kita noon pa, Mateo. Dahil sa katigisan ng ulo mo ay inilalagay mo lamang sa kapahamakan ang buhay ng iyong mag-ina."

Hindi nag-iwas ng tingin si Mathieu. He tried to read the old man's mind through his eyes. It was obvious, he knew something. He certainly did. And if the warning was for Mateo's sake, why would he even bother saving a bastard's son he loathed?

"The fate of that family will no longer be saved." Those words brought an unsettling feeling in him as if he knew well about the de Dios and their expected ends. "There are greedy people who will try to ruin that family for power. . . and involving yourself with the de Dios will only make you a prisoner of their family's misfortunes."

"Paano mo nasabi ang mga salitang iyan, Papa?"

"I know them well enough, and don't ask for more, so if you are smart enough, you will listen to me, Mateo."

"Why are you doing this? I am not even your son."

"You may not be, but I gave you my name. And the least that you can do for me is to keep yourself alive." He took a single stride in his direction, the old man's expression somber. "Stay here and die. Or leave and live. It is your choice now."








SINISIKAP ni Chippy na hindi ma-stress dahil ayaw niyang maulit muli ang nangyari sa kanya noong isang gabi. She already had enough problems on her plates—problems where solutions are nowhere in sight. Her priority for now is her baby while Mathieu and the rest will find the apt solution for all of these drama. Pero paano niya magagawa iyon kung meron na namang dumating na breaking news kanina sa bahay? Buryong-buryo na nga siya sa kakahiga ngayon ay may iisipan na naman siya.

Kanina, dumating si Andrew at ibinalita sa kanila ang kumakalat ngayon na kuwento tungkol sa kanya. Hindi niya alam kung paanong nakalabas sa hacienda ang kondisyon niya at noong kamuntik na siyang makunan. Lahat ng mga katiwala lalo na ang mga nandoon nang gabing iyon ay kinausap nila Julian at Noah. Binayaran ng pera kapalit ng pananahimik ng mga ito.

"May spy," basag ni LV maya-maya.

Kumunot ang noo ni Chippy. "Huh?"

"Girl, trust me, may spy dito sa inyo." Mula sa gilid ng kama ay umisod pa ito para lalong makalapit sa kanya. "I've encountered many in my present life. Siyempre noong wedding event organizer pa ako at hindi katiwala rito sa 1935. Kunwari mapagkakatiwalaan mo, kukunin ang loob mo, at kapag tiwalang-tiwala ka na saka ka nila sasaksakin sa likod. Kaya hindi malabo ang iniisip ko dahil wala namang pinipili ang ahas kung sino ang tutuklawin lalo na kung nakasalalay roon ang ikabubuhay nila, and considering the survival rate in this era, trust me, even your most loyal servant in this place will damn bite you just to survive."

Yes it make sense, at naisip na rin niya iyon kanina. Wala namang apoy ang hindi sisilab ng malaki kung hindi iyon sinadyang palakihin. Malamang ay may traydor sa loob ng hacienda—either threatened or desperate for money.

"Hindi puwedeng kumalat nang husto ang tsismis na 'yon, Vee. Malalagay sa komplikadong sitwasyon si Math—bilang Mateo. Hindi siya puwedeng ma-distract. . . at ang rami pa niyang kailangang imbestigahan sa bahay nila." Iyon talaga ang ikinababahala niya, ayaw niyang madagdagan pa ang mga alalahanin nito dahil alam niyang hindi ito palalagpasin ng ama nito. Napabuga siya ng hangin. "We have no idea how much time do we still have para maresolba itong lahat at makauwi tayo ng ligtas. Hindi puwedeng matutok na naman sa'kin ang atensiyon ng mga tao."

LV twitched her lips and squinted her eyes, she looked as if she was thinking of a solution to her dilemma. She exhaled after a few seconds. "Alam mo," baling nito sa kanya. "There might be another solution for that."

"Ano?"

"What if. . . magpakalat din tayo ng ibang tsismis? Iyong mas scandalous para ma-divert ang atensyon ng mga tao r'on. I don't know if they will also agree with this plan kasi isang tsismis lang talaga ang naiisip ko ngayon na tatalo sa tsismis n'yong dalawa ni Mathieu."

"You're thinking about. . ."

"I'm thinking spreading a rumor about Julian and Amara. Ang headline, nabuntis ni Senyorito Julian ang katiwala nitong nag-aalaga sa anak niya." Nanlaki nang husto ang mga mata ni Chippy. Gusto niyang murahin ang kaibigan pero may punto din ang suhestiyon nito. Julian and Amara's situation is more scandalous than Priscilla and Mateo. Siguradong agad na maibabaling sa dalawa ang atensiyon ng mga tao. "Girl, listen, alam naman na nating paninindigan ni Julian si Amara. Instead of a lowkey love story, ang mangyayari ay ipagsisigawan natin sa buong Pueblo de Liloan na—"

"Na nabuntis ni Julian ang katiwala niya," dugtong niya.

"Tompak!" Kinumpas nito ang isang daliri to confirm they are in the same page. "Ganoon nga." Dapat hindi na siya nagtataka kay LV. Of course, maiisip nito agad iyon, she used to be writing in a local news paper here in Cebu since she's a masscom graduate. Expertise nito ang mga magpakalat ng mga balita—at tsismis na verified dahil ayaw nito ng fake news. Pero hindi ganoon kasimple iyon.

"Eh gaga, paano ko mapapayag iyong dalawa? At sa tingin mo, isasakripisyo nila ang mga sarili nila para sa akin?"

"Eh gaga ka rin, paano natin malalaman kung hindi mo isa-suggest sa kanila? Chi, if we need more time para makapag-focus tayo sa mga task natin dito sa 1935. Someone in your family must make a sacrifice to buy us more time." Inabot ni LV ang isa niyang kamay at marahang pinisil ito. "You're not being selfish, you just need your family's help. . . plus the situation requires you to make an immediate choice. And we are. . . making choice now."

Bumuga siya ng hangin.  "Fine!" pagsuko niya at saka tipid na ngumiti. It was the only choice. . . at least for now. Dahil iyon lang din ang naiisip niyang paraan para tigilan ng mga tao na pag-usapan ang tungkol kina Priscilla at Mateo. "Kakausapin ko sila," dagdag niya. She knew that if she allowed the rumors to spread further, mauungkat na naman ang sinasabi nilang sumpa ng pamilya de Dios. At gugulo na naman ang lahat.

"Ah, nga pala," pag-iiba niya. "Nagkausap na ba kayo nila Juan, Andrew, at Simon?"

"Sina Juan at Andrew nakita ko kanina sa likod ng bahay. At saka anong, Simon, ha?! Walang Simon Takeuchi dito? Wala ka ring binanggit sa'kin."

"Galit na galit? Gustong manakit?"

"Well, may nakita akong kamukha ni Engineer kagabi pero noong nilapitan ko, girl, hindi ako kilala! Sabi niya ang pangalan niya Doming Sy—Doming Sy? Hindi Simon. Napahiya ako, gagi iyon. At ito pa, in-walk-out-an ako. Napakaantipatiko."

Tawang-tawa si Chippy. Gago iyon. Nagpanggap pang ibang tao. Ano na naman kayang drama ng isang iyon at hindi nagpakilala kay LV?

"Anyway, kahit gago iyon, kailangan natin siya." At hindi niya rin itatama, titingnan niya hanggang saan ang amnesia ng isang Engr. Simon Takeuchi. Arte-arte!

"Huh? Why? Ang pangit ng ugali n'on. No thanks."

"Masyado na iyong maraming nalalaman. And besides, kamukha siya ni Simon—"

"Kamukha pero hindi kaugali."

"Wow! Kilalang-kilala si Takeuchi? Baka nakakalimutan mong babae ka na wala kang ikinukuwento sa'kin na nakikipagkita ka na pala r'on."

"Excuse me!" LV raised an eyebrow before arrogantly crossing her arms over her chest. "As far as I could remember, babae ka, marami ka ring itinatago sa'kin tungkol sa relasyon n'yo ni Chef Mathieu. So don't give comments about my personal life because I don't give comments about yours. Bobbie Salazar. Four Sisters and a Wedding." Marahas na hinawi pa nito ang maikling buhok, pang-asar lang.

Natawa siya. "Gaga!" Tawang-tawa din si LV. "Akala ko ba ikaw si Lily Cruz?"

"W-wait! Wait!" LV cleared her throat and elegantly aligned her shoulders like a queen, hands loosely clasped in front, expression poker face. "Just like gold, I am indestructible. Ivy Aguas as Lily Cruz. Wildflower." Humagalpak ito ng tawa pagkatapos. "Pak! Sino ka riyan?" Tawang-tawa pa rin siya pero sumeryoso na ang mukha ni LV. "Okay, tama na. Masyado na tayong masama—este masaya. Marami pa tayong problema."

Kaso hindi niya mapigilan ang tawa. "Ewan ko sa'yo."

"Chi, focus!"

"Oo na!"

"Good. Okay, what's our next plan? Kailan ang kasal nila Julian at Amara? Motif? Ilan ang guest? Ilang flowers? Wait. May entourage na ba sa panahon na ito?"

"Sa pagkakaalam ko meron na pero hindi kasing bongga ng nasa isip mo." Hindi niya kinakaya ang mga bonggang kasal na mga nasa isip ni LV. Parang ma-overwhelm sina Amara at Julian kapag pinagsalita niya itong si LV.

"Okay, at least we're on the safe side. At saka, we have to plan ahead. Alam mo na, pampalubag loob sa paggamit natin sa kanila."

"Bakit? Ikaw ba ang magiging event organizer?"

"Ahm, why not? Magkukusa ako. Bakit ba?"

"Alam mo, sumama ka na lang sa'kin." May ingat na umalis siya sa kama at umikot para mahila patayo si LV. Hindi naman ito nagpabigat, nagkusa pa nga, naguguluhan lang ang ekspresyon ng mukha nito. "Kailangan kita para i-distract si Xersus. Gaya nga ng sabi mo kanina. Kung hindi ngayon, kailan pa?" Atubili man ay nagpahila pa rin sa kanya si LV palabas ng silid.

"I don't think sinabi ko iyan—"

"Hindi na importante kung sinabi mo o hindi. Basta, kakausapin ko sina Amara at Julian ngayon at gawin mo ang trabaho mo rito sa 1935—alagaan mo ang bata."

"Oh eh 'di alagaan!"





PRESENT


KANINA pa nagtatago sa likurang parte ng shelf si Amora. Hindi siya makalabas dahil hindi pa tapos sa pag-uusap ang Boss niya at ng mga kaibigan nito. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya upang dahan-dahang alisin ang libro para may masilip siya. Malalagot talaga siya kapag nahuli siya. Bawal pa naman siyang makisali sa mga pa-meeting ng Boss Iesus niya. Pero hindi niya naman sinasadya. Ibabalik lang naman sana niya roon ang binabasang nobela na nadiskubre roon. Napansin kasi niya, lalo na sa tagong parte na puro romance book ang naka-display roon. Weird nga iyon para sa kanya kasi bakit puro romance book? Tapos may mga initials pa ng may-ari nakalagay: J.R.dD

Naisip niya, hindi kaya Jose Remegio de Dios iyon? Mahilig pala si Lolo sa mga romance books? Saka fairness nito, magaganda ang kuwento kahit hindi na niya maintindihan sa sobrang lalim ng Ingles n'ong iba.  Lolo ka riyan, Amora. Kamag-anak mo? Napangiwi siya nang masilip na hindi pa tapos ang mga ito. Sinusubukan na lamang niyang huwag isa-tainga ang mga naririnig. Ayaw niyang may maisagot kapag may nagtanong sa kanya. Ang hirap pa man din magsinungaling. Napa-sign-of-the-cross siya.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at muling pumasok sina Sir Jude at Ser. Kahit sa pinagtataguan ay nakita niya ang malalim na paghinga, hingal at pag-aalala ng dalawa.

"Jude? Balti?" Nahimigan ni Amora ang pagkaalarma sa boses ni Iesus. "What happened?"

"W-we. . .have. . . another problem," hinihingal pa ring sagot ni Sir Jude. "We. . . think someone is at the basement. . . "

"Sino ang huling dumating?" Iesus asked in a firm tone.

"I am." Si Attorney Tor ang sumagot. "Pero hindi ba't si Amora ang nagsasara ng gate? Where is she by the way?"

"Sus, ako ang nagsara ng gate," paglilinaw ni Sir Jude. "I double checked it, and it was securely closed. Pero itong si Ser biglang may napansin sa likuran ng bahay mo. Kaya sinundan namin."

"Let's go and check."

Sunod-sunod ang paggalaw ng mga upuan at nagsilabasan ang lahat. Tumalikod si Amora at pinag-igi pa ang pagtatago. Yakap na niya ang libro na kinuha kanina. Napangiwi siya. Parang ayaw na niyang lumabas pa dahil walang ibang masisisi kundi siya. Pero hindi niya naman kasalanan, nandito na siya loob bago pa man na kompleto ang mga kaibigan nito. At sinarado naman iyon ni Sir Jude. Kaya sino ang nagbukas ulit? Mga multo?

Ang hirap talaga pakisamahan ng bahay na 'to. May sariling desisyon sa buhay. Siya naman lagi ang nalalagot. Ibinaba niya ang libro at siya ay napatingin doon. Napakurap siya, makapal pala iyon at may red velvet na cover. Parang kagaya roon sa libro sa secret door ni Boss Iesus.

Nakapagtataka lamang dahil walang pamagat ang libro pero halatang sobrang luma na. Pinukaw ng libro ang kuryusidad niya roon kaya binuklat niya. Hindi niya binabasa ang laman pero may mga guhit sa mga bakanteng parte ng iilan sa mga pahina. Ang weird dahil parang may itinuturo iyong lugar. Pero hindi niya alam kung saan. Isa sa mga guhit na nakita niya ay parang tunnel. . . tapos may isang makapal na libro. . . at punit na papel sa drawing.

Nalunon niya ang singhap nang may mahulog doon na nakatuping kapirasong papel. Bumagsak ito sa kanyang mga paa. Agad siyang umupo at sana'y dadamputin niya ang papel pero naunahan siya ng kamay ng kung sino.

Shuks!

Namilog ang mga niya sa gulat at na-estatwa siya sa ganoong posiyon. Kilalang-kilala niya ang kamay na iyon lalo na ang pares na mga sapatos sa kanyang harapan. Napalunok siya at napangiwi nang sobra.

"Amora," tawag sa kanya ng baritonong boses na kilalang-kilala niya kahit siya pa ay tulog.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. "B-boss?" Nakatayo ito sa harapan niya, hawak ang papel sa kanang kamay, habang seryosong-seryoso ang ekspresyon. Pakiramdam niya ay nilulunod siya ng tila nangangalit nitong asul na asul na mga mata.

"Let's talk."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro