Kabanata 51
A/N: Let's keep the passion burning. 🔥 Reach 300 comments to unlock the next chapter. And Saving Forever Selfpub Pre-order is still ongoing and will last until August 23, 2024. Support your dearest author by securing your copy now.
Thank you and enjoooooooy!
***
"AT sino naman iyang kasama mo, Priscilla?"
Bahagyang ibinaba ni Tiyo Jose ang binabasang dyaryo, kahit sa gabi ay nagbabasa pa rin ito. Tumayo ang matanda at tiningan si LV sa likuran ni Chippy.
"Siya po Lily Cruz, Tiyo," pakilala niya. Inihit ng ubo si LV. Pigil naman niya ang tawa. Bakit ba? Wala siyang maisip na ibang pangalan. "Mamamasukan sa atin bilang bagong tagaalaga kay Xersus."
"Kung ganoon ay kakausapin ko muna siya—"
"Huwag na po, Tiyo!" pigil niya.
Kumunot ang noo nito. "Galit ka ba, Priscilla?"
Ngumiti siya. "Hindi po." Kinalma niya ang sarili. Woah, hirap! "At huwag n'yo na pong alalahanin ang bagay na iyon. Nakausap ko na po si Lily." Natigilan siya, parang may kulang. "Cruz," dugtong niya. "Nalaman ko rin po na kababata po niya sina Doming, Juanito, at Anding sa isla nila. Mapagkakatiwalaan po natin siya, Tiyo."
Striktong pinasadahan ng tingin ni Tiyo Jose si LV. "Marunong ka bang mag-alaga ng bata, hija?" tanong nito nang maibalik ang tingin kay LV.
Tumango si LV nang tingnan niya ito. "O-opo. Ako po ang nag-aalaga sa kapatid ko. . . at bumubuhay rin po."
"Kung ganoon ay maasahan ko bang mahaba rin ang iyong pasensiya sa isang bata?"
"Opo."
"Bueno." Ibinalik ni Tiyo Jose ang tingin sa kanya. "Sabihan mo si Lita na pasamahan itong si Lily sa dating silid ni Amara. Bukas mo na lamang ipakilala kay Xersus ang kanyang bagong tagaalaga."
Tumango si Chippy. "Opo, Tiyo." Phew!
"Nga pala, Priscilla, hindi ba nabanggit sa iyo ni Julian kung saan siya patungo? Aba't, buong araw ko na siyang hindi nakikita."
"Hindi ko po alam, Tiyo. Akala ko nga po ay magkasama sila ni Kuya Noah."
"Ngunit kakarating lamang ni Noah, hija."
"Opo, nakita ko nga po ang sasakyan niya sa labas."
Inayos nito ang salamin sa mga mata. "Saan na kaya ang batang iyon? Dadalaw pa man din ang kanyang mapapangasawa bukas."
"Uuwi rin ho iyon, Tiyo. . . matanda naman na iyon." Kumunot ang noo ng matanda sa kanya. "S'yempre dahil matanda na ho siya ay marunong na siyang umuwi." Ngumiti siya sabay hawak sa palapulsuhan ni LV. "Magandang gabi po, Tiyo." Iniwan na niya ang tiyuhin kasama si LV.
"Maghahaponan pa tayo, Priscilla," pahabol nito.
"Mamaya po."
Hinatak niya ang kaibigan patungo sa kusina. "Girl, taray mo doon. Muntik na akong madala sa aktingan natin, ah. Feeling Leonor Rivera ka doon."
Natawa siya. "Gaga! Kailangan mong mag-adjust at baka mapagkamalan kang spy dito diyan sa pananalita mo."
"Parang nauuhaw ako bigla." Lumunok ito. Natawa ulit siya rito. "Da't kumuha ka ng alak doon sa baba eh. Girl, kailangan natin ng alak para ma-digest ang mga nangyayari dito at kung bakit ako napunta dito?"
"Kumalma ka. Dalagang Filipina ang atake natin dito," paalala niya rito. "Saka na tayo magpakalasing kapag may birthday. Anyway, ihahatid na muna kita sa silid ni Amara. Siya ang dating yaya ni Xersus pero may something-something sila ni Julian."
"Oh? Sino si Julian?"
"Well, pinsan ko siya dito bilang Maria Priscilla. . . may hawig kay Iesus pero brown ang mata. Anyway, saka ko na ikukuwento ang lahat, ibubuod ko na lang mamaya kapag hinatiran kita ng pagkain."
"May something sila? Forbidden love, ganern?"
"Well, parang ganoon na nga." Huminto sila sa paglalakad, hinuli niya ang mga mata nito at hinawakan niya sa magkabilang balikat si LV. "Pero, hoy, hindi puwedeng may makaalam tungkol sa bagay na iyon. Hayaan na nating si Julian ang mag-release ng breaking news."
Malokong ngumiti si LV. Wala talaga siyang tiwala sa mga ganyang ngiti ni LV. Alam na alam niya ang ngiting ganyan ng loka-loka. Ngiting may gusto na naman itong ikasal ng libre. Ugali iyon ni LV, minsan may kinakasal itong all expense nito at bibigyan nito ng discounted price.
Dinuro niya ito ng isang kamay. "Kumalma ka, wala kang pera. . . dito."
Nawala ang ngiti nito at sinamaan siya ng tingin. "May sinabi ba akong may pera ako? Tsk."
Natawa siya. "Saka ka na maging fairygodmother. For now, behave." Nagpatuloy sila sa paglalakad. Doon sila dadaan sa may kusina, may hagdan doon pababa para sa mga silid ng mga kawaksi ng mga de Dios.
"Curious lang." Nakakunot ang noo nito. "So, sino sina Doming? Juanito? At Anding?"
"Sila ang F4 dito sa 1935. Apat iyan sila pero nasa kabilang hacienda ang isa."
"Taray! So ikaw si San Cai?"
"Hindi rin." Ngumiti siya sa kaibigan. "Ako si Maria Clara dito."
Umismid si LV. "Maria Clara'ng wild."
"Gaga."
Pero tinawanan lang siya ng loka-loka. Pero sa true din naman.
NAGISING si Chippy na may nararamdamang kakaibang paghihilab ng tiyan. Dahan-dahan siyang bumangon habang nakaalalay sa kanyang tiyan. Kinalma niya muna ang sarili at paulit-ulit na humugot nang malalim na hininga habang dahan-dahan itong ibinubuga pagkatapos. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, hindi pa naman siya nabubuntis sa panahon niya. Hindi rin naman siya nagtatanong sa mga kaibigan niya at imbes na sagutin siya ng matino ay aasarin pa siya.
'Langya, ang hirap pala magbuntis.
Napangiwi siya dahil parang hindi tumatalab ang ginagawa niyang pagpapakalma sa sarili. Ramdam niya ang pamamawis ng kanyang mukha at panlalamig ng kanyang mga kamay at talampakan. Sinubukan niya umalis sa kanyang kama pero sa tuwina ay napapahinto siya sa kanyang pagtayo dahil parang may matulis na tumutusok siyang nararamdaman sa kanyang tiyan.
Nagsimulang bumigat ang kanyang paghinga at hindi niya kayang makatayo dahil sa sakit. Kusa na lang pumatak ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Nakatukod ang isa niyang kamay sa higaan habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang tiyan. Naipikit niyang mariin ang mga mata at nailapat nang husto ang mga labi nang tumindi pa ang sakit. Gusto niyang sumigaw sa sakit.
Mathieu. Umiiyak na tawag niya sa kanyang isip. Mathieu, please. Kasabay ng kanyang pagsinghap ay ang pagmulat niya ng mga mata. Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan niya nang makita ang patak ng dugo sa sahig. Isa-isang nagsibagsakan ang mga luha niya. Hindi. Hindi. Hindi ang anak ko.
"Mama!" umiiyak niyang sigaw na siyang bumasag sa katahimikan ng gabi.
"SENYORITO."
Nagtataka si Mathieu kung bakit napakaseryoso ng mukha ni Andrew nang makasalubong niya ito sa labas. Iniwan siya nito at sinundan niya ang kaibigan. Tumigil sila sa tagong parte sa likuran ng malaking bahay.
"What happened?" nag-aalala niyang tanong.
"It's about Chizle."
He swallowed hard. Kaninang madaling araw pa siya hindi mapakali. Nagising siya sa isang masamang panaginip at hindi na siya nakabawi ng tulog pa.
"Anong nangyari sa kanya?"
"She almost lost the baby."
His body tensed. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas. No, not Chi. Not our child. Hinawakan niya sa isang braso si Andrew. "H-how. . . how is she? Our baby? Drew." He blinked the tears welling up from his eyes.
"Math, she's fine. The baby is fine. Ang sabi ni Simon ay mabilis daw nakapunta roon ang doktor ng pamilya nila at nailigtas ang mag-ina."
Napabuga ng hangin si Mathieu. "Thank, god." Tinalikuran niya si Andrew. Nanginginig ang mga kamay na nahilamos niya ito sa kanyang mukha paakyat sa kanyang buhok. Muli siyang bumuga ng hangin at iginala ang tingin sa paligid. "Damn, Andrew, if I'll lose one of them in this lifetime, I would not know what to do."
Lumipat si Andrew ng tayo sa tabi niya. Pumagitan sa kanila ang katahimikan ng ilang segundo bago nito binasag ang katahimikan. "We will eventually lose them." Naibaling niya ang tingin sa kabigan. "We will eventually lose the three of you," baling nito sa kanya.
"Andrew—"
"Have I told you how I hate goodbyes?"
"No. . . I don't think you've mentioned that to me before."
Ibinalik ni Andrew ang tingin sa harapan nila. Umihip ang hangin at narinig nilang pareho ang paggalaw ng mga dahon sa puno sa kanilang paligid. Nanatili ang kanyang tingin dito.
"I hate goodbyes just as how Chizle hates tragic stories. It was one of the many reasons why I could tolerate her chaotic decisions in life. . . because we had something in common. We both hate the idea of missing someone after spending half of our life loving and treasuring them. I know goodbye is not forever, but when you're left behind with only memories to remember, the sadness stays forever."
Mathieu fell silent. Alam niyang malalim na tao si Andrew. He had always been smart and curious, but he seldom voices out his thoughts. He observes and plans out everything. He was an overthinker, but a brother who would never have second thoughts to save his friends. He is calm as the waves and rough in the moments of storms, but like the waves, Andrew will always come back to the shore. Malabo na umalis ito at pabayaan ang mga taong importante sa buhay nito.
"But if memories are the only thing that's left," Andrew glanced at him. "Then human should make use of their time making good memories on Earth."
Mathieu couldn't help his smile. "Andrew." Inakbayan niya ang kaibigan. They both shared a stupid smile. Despite his worries, he will not deprive himself of that proud smile for his little brother. "If one day Kap gets bored of you. It would be an honor to have you in my home. . . as my younger brother."
Natatawang napailing ito. "Thanks." Tinapik nito ang likod niya. "You got yourself a deal." He let go of him before playfully messing his hair. "Stop that." Natawa lang siya nang pigilan nito ang kamay niya. Sinamaan pa siya ng tingin.
"Anyway, where's Simon?"
NAGISING si Chippy na ramdam niyang may mainit na kamay na nakahawak sa kanya. Pagod na pagod ang pakiramdam niya at tila ba ang tagal niyang nakatulog. Hindi na niya maalala ang mga sumunod na nangyari. Takot na takot siya. Iyak nang iyak. Inaalo siya ng ina niya hanggang sa dumating ang doktor at nawalan na siya ng malay.
"Baby," malumanay na tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses ng lalaki—it was Mathieu. Ramdam niya ang mariing paghalik nito sa likod ng kanyang kamay. Ilang beses siyang napakurap upang maging malinaw ang paningin niya.
"Mathieu. . ." pabulong niyang tawag, ramdam niya ang sobrang panunuyo ng lalamunan. Binaling niya ang mukha rito.
"Kumusta ka?" Imbes na sagutin ito ay bigla na lamang naglandas ang kanyang mga luha. She had been calling his name in her mind, but he was nowhere in sight. She waited for him. "Shs." Isiniksik nito ang sarili sa gilid ng kama upang mayakap siya. "I'm here. I'm here now. . . tahan na."
Niyakap niya ito nang husto. Sobra, na para bang takot na takot siyang wala si Mathieu sa bisig niya.
"H-huwag. . . ka na lang umalis. . . please. . ."
"Chi—"
"Natatakot. . . natatakot ako na baka. . . baka kapag umalis ka na naman. . . mawala rin sa atin ang anak natin. . ." parang batang iyak niya sa dibdib nito.
"Hindi na muna ako aalis." Hinalikan siya ni Mathieu sa noo. "Dito lang ako. Pangako."
NANATILING tahimik si Mathieu sa kanyang upuan. Ipinatawag silang dalawa ni Julian ni Don Jose sa library dahil sa mga nalaman nito. Nagpupuyos sa galit at dismaya ang Don na hindi nito maaaring ipakita sa labas. Kasama rin nila roon si Noah na seryoso ang ekspresyon ng mukha.
"I had high expectations from you, Julian. Alam mo ba ang gulo na maidudulot ng mga desisyon mo sa ating pamilya?"
Julian exuded an unwavering conviction on his expression. "Buo na ho ang desisyon ko, Papa. Magpapakasal ho kami ni Amara sa lalong madaling panahon bago pa ho mahalata ang paglaki ng kanyang tiyan. At hindi ko ho nais na mailagay ang ating pamilya sa komplikadong sitwasyon ngunit. . ."
"Ngunit, ano?"
Nakita ni Mathieu kung gaano katapang na sinalubong ni Julian ang nanunubok na tingin ng ama nito.
"Ngunit mahal ko si Amara, Papa. Pagmamahal na akala ko ay hindi ko na muling mararamdaman. Patawad kung kayo ay aking nadismaya ngunit hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko kay Amara at hindi ko siya kayang ipagpapalit sa ano mang bagay na alam kong pagsisihan ko lamang sa bandang huli."
Mariing naipikit ng Don ang mga mata at marahas na napabuga ng hangin. Nagmulat ito ng mga mata. "Ano pa nga ba ang magagawa ko kung dinadala na ni Amara ang aking apo? Ngunit sana ay ipinagtapat mo na lang sa akin ang lahat, Julian."
"Patawad. Ako na ho ang kakausap sa—"
"Hindi na. Mas mainam na ako ang humarap sa kanila. Hayaan mo na." Bumalik ang kaba sa dibdib ni Mathieu nang ibaling ng Don ang tingin sa kanya. "Mateo."
"Patawad, Don Jose, ngunit. . . kagaya ninyo ay itinago rin ho sa akin ni Priscilla ang kondisyon niya. Hindi ko ho alam na ipinagbubuntis na niya ang anak namin bago ako nagdesisyon na tapusin ang kasunduang kasal ng ating mga pamilya. Ngunit, naiintindihan ko ho kung bakit niya ito itinago. . . marahil ay dahil inakala niyang hindi ko ho siya tunay na iniibig."
"Nabuntis mo ang aking kapatid bago ang nakatakdang n'yong kasal?" Kunot na kunot ang noo ni Noah nang tingnan siya. "Kung ganoon. . . may nangyari na sa inyo bago pa man kayo nahuli ni Julian sa dalampasigan."
"Patawad—" Sinugod siya ni Noah at hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit. Puwersahang hinatak siya nito patayo ngunit hindi siya nanlaban.
"Noah!" Inawat ito ni Julian pero hindi siya nito binitiwan. Punong-puno ng galit ang mga mata nito.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko, Valdevielso?!"
"Nagmamahalan kami ni Priscilla."
Umigting ang panga nito. "Nagmamahalan kayo ngunit pinili mo pa ring iwan siya? Anong klaseng pagmamahal iyan?!"
"Ilayo mo ang pinsan mo kay Mateo, Julian!" utos ng Don.
Sa pagkakataong iyon ay nagawa na nitong ilayo si Noah sa kanya. Napahawak si Mathieu sa kanyang leeg at marahang hinimas ito. Hindi siya nagbaba ng tingin, sinalubong niya ang bawat tinging ipinupukol ng mga de Dios at Altagracia sa kanya.
"Bigyan n'yo lamang ako ng kaunting panahon. . . aayusin ko ang gulong ginawa ko sa pagitan ng ating mga pamilya."
"Sa tingin ko ay mahirapan ka, hijo," wika ng Don. "Lalo na't malaki ang disgusto ng iyong mga magulang sa aming unica hija. Hindi namin ugali ang ipilit ang aming mga sarili sa mga taong ayaw sa amin. Ngunit, mahal ka ng aming Priscilla at ama ka ng magiging apo ko. Kahit na tumanggi ang iyong mga magulang ay sarili mo pa ring desisyon ang pakikinggan namin."
"I FOUND the missing item." Binuksan ni Mathieu ang maliit na kahon na pinaglagyan niya ng perlas na kwintas. Bumakas sa mga mukha nila Juan, Andrew, at Simon ang pagkamangha lalo na't tila kumikinang ang perlas sa kanilang harapan. "May nadiskubre rin akong dalawang sulat na kasama niyan."
"Sulat nino?" tanong ni Simon.
"Hindi ko alam. Pero ang isang sulat ay galing sa isang babaeng nagngangalang Magalie. It was written in French. Here." Inabot niya sa isa kanila ang nakatiklop na sulat, si Simon ang tumanggap. "The other is written Spanish. . . probably from a man." Si Andrew ang kumuha nito sa kanyang kamay.
"Hindi ko mabasa."
"Robará algo a cambio."
Sabay na wika nila Simon at Andrew.
Kinuha ni Mathieu mula kay Andrew ang liham. "Robará algo a cambio. It will steal something in return." Tinitigan siya ng tatlo. "I think the person who wrote this is warning Leandro about the item he stole from the de Dios."
"Hindi ba't may kapalit naman talaga ang bawat nawawalang bagay ni Sus?" saad ni Juan. "Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa atin."
"Tama si Juan," pagsang-ayon niya. "Kaya posible na ang liham na ito ay galing mismo kay Jose Remegio de Dios."
"The fact that he knew who they were means how powerful Jose Remegio de Dios," napagtanto ni Andrew.
"Kaya alam nila Julian kung sino-sino sa Pueblo de Liloan ang nagnakaw ng mga bagay na iyon," dagdag niya.
Ramdam ni Mathieu ang matinding kilabot at pananaas ng kanyang mga balahibo sa katawan. He could sense that it was not only him who felt the sudden feeling of bewilderment and eerieness in the room.
Andrew's forehead furrowed. "But what did it steal from the Valdevielso?"
"At sino si Magalie?" segundang tanong ni Simon.
"The love interest of one of the crews who boarded the ship?" hula ni Juan. Napatingin silang tatlo rito. "I just noticed that the past missing items always tell a tragic love story. . . baka ganoon din sa perlas na kwintas na 'to. Lumubog din ang relasyon." Ngumisi si Juan.
Naitakip ni Mathieu ang isang kamay sa mukha at natawa na lang bigla. Damn, he was not supposed to laugh, but he couldn't help it. Napatanga si Simon at kunot na kunot naman ang noo ni Andrew.
Juan chuckled, "What?"
"Tama ka na, Juan," react ni Simon. Lalo lang tuloy itong natawa. "Para mo na lang din sinabi na lahat nga ng kuwentong pag-ibig ng mga tao sa barko ng lolo ni Iesus ay minalas sa pag-ibig."
"I wouldn't be surprised," sagot nito.
Mathieu composed himself again. "Anyway, I will keep this item for now." Ibinalik niya sa kahon ang mga sulat at isinarado na ito. "I still need to go back. Sa tingin ko ay marami pa akong madidiskubre tungkol kay Leandro at Remegio."
"What about Chizle?" asked Andrew.
"She'll understand. Hindi pa naman ako aalis ngayon. Saka na kapag nakabawi na siya ng lakas." Tumango ang tatlo. At isa pa, kailangan siya ng mag-ina niya. "Nga pala, ako lang ba o may napansin kayong bagong mukha sa bahay ng mga de Dios?"
Kumunot ang noo ng tatlo.
"Bagong mukha?" nagtatakang tanong ni Simon. "Meron ba? Hindi ko napansin. Kina Boss Lee ako natulog kagabi eh."
Tumango si Mathieu. "Oo, pero hindi ko sigurado. . . isang beses ko lang nakita. . . akala ko nga ay imahinasyon ko lang."
"Bakit? Sino ba kamukha?" tanong ulit ni Simon.
Naikiling niya ang ulo sa kanyang kaliwa, binalikan niya sa isip ang eksena. Nakita niya ang babae na nagtatago sa may kusina at nang makita siya ay biglang umalis. Hindi niya sana papansinin pero malaki talaga ang hawig.
"Math?"
"Ewan ko, pero kamukha ni LV." Biglang tumayo si Simon sa pagkakaupo. "O, saan ka pupunta?"
"Nakalimutan kong may ipinag-uutos pa pala sa akin si Boss Lee. Maiwan ko muna kayo." Naglakad ito patungo sa pinto.
"Hoy, Takeuchi, gabing-gabi na," pahabol ni Juan. "Mamatay ka bang hindi nakakapagtrabaho?"
Huminto ito at nilingon sila sa isang balikat. "I shall be back. Sayonara!" He saluted before leaving.
Nakangising naglabas ng mga barya si Juan sa mesa. "Pupusta ako, hahanapin ni Takeuchi iyong kamukha ni LV." Mapang-asar itong tumawa pagkatapos.
"Marupok," dagdag naman ni Andrew.
It cracked him up into laughing so hard. "Hayaan n'yo na," aniya, pagkatapos pigilan ang tawa at parang bubuka na ang tahi niya. Shit. "Masyado pa kayong bata para maintindihan ang usaping pag-ibig." Tumayo siya at sabay na tinapik ang tig-isang braso ng dalawa. "Anyway, I will leave you here two alone. Pupuntahan ko lang si Chi sa kwarto niya. And don't fight."
PAGPASOK ni Mathieu sa silid niya ay agad na kumilos paalis ang mama niya at si Amara. Marahang tinapik ni Amara ang kanyang kamay bago binitiwan. Nakangiti itong lumayo sa kama. Hinalikan naman siya ng mama niya sa kanyang noo bago umalis kasama ni Amara.
Lumapit si Mathieu at naupo sa gilid ng kanyang kama. He had a warm smile on his face. Kaya napangiti siya.
"Akala ko ay umalis ka na naman," akusa niya rito.
He reached out her hand. "I told you that I will be staying."
Umisod siya para para magkaroon ng space sa tabi niya. She then pointed her head to that space beside her. "Move, Brandaeur."
Natawa ito saka lumipat ng upo sa tabi niya. Binitiwan nito ang kamay niya para mayakap siya nito sa isang bisig. Pero gusto niyang hawakan ang kamay nito kaya inabot niya ang isa saka inihilig ang ulo sa balikat nito.
"Alam mo ba, may na realize ako."
"Ano?"
"That every day you seem to be becoming more and more like Mateo in 1935. Pero naisip ko rin na kapag seryoso at nagagalit kay ay para ka talagang si Mateo. Wala lang siguro akong pakumparahan noong nasa present tayo."
Mathieu chuckled. "Which do you like better?"
Nakatingin ito sa kanya nang mag-angat siya ng mukha. "I like you in all timelines. Kasi sa tingin ko, wild pa rin naman ako kahit saan ako ilagay."
Natawa ito lalo. But she stopped him by closing the distance between their lips. He kissed her back, gentle at first, then it grew like a wildfire until both of them could no longer put off the fire consuming them. Parehong may ungol na kumawala sa kanilang bibig nang pailaliman pa nito ang halik. Umangat ang isa niyang kamay sa panga nito at hinapit siya ni Mathieu nang husto sa katawan nito. Her body wanted more, but she knew that they shouldn't do that. . . for now.
Tinapos nito ang halik na magkahinang ang kanilang mga mata. Sandali pa ay natawa na lamang sila sa isa't isa. She gave him a quick kiss on the lips that made him chuckled.
"I know you need to go home," basag niya. "And I'm fine now." She gave him a reassuring smile. Kinuha niya ang isang kamay nito at inilapat sa kanyang halata nang umbok ng kanyang tiyan. Napansin niyang parang lumaki ito nang malaman ng pamilya niya na buntis siya. "We will be fine. Huwag mo masyadong isipin sina Kuya."
Naalala na naman niya. He couldn't help but sighed. "If Julian didn't stop him, Noah might have killed me on the spot."
"Hindi niya gagawin iyon. Alam niyang magagalit ako sa kanya."
Ngumiti si Mathieu. "I promised them that I would fix the problem and misunderstanding between our families."
"They didn't force you to marry me?"
Umiling si Mathieu. "Hindi, pero sa takbo ng usapan, mas susundin pa rin nila ang desisyon nating dalawa kaysa sa desisyong bubuoin ng pamilya ni Mateo. The de Dios really value the sanctity of love in marriage. Akala ko nga ay pagagalitan nang husto ni Don Jose si Julian, pero hindi nito ginawa. If my assumption is correct, the de Dios are lowkey hopelessly romantic."
Natawa si Chippy. "Pansin ko rin."
"And Amara is pregnant." Namilog ang mga mata niya sa pagkagulat. Shuta! Sabi na e. Nawala ang ngiti ni Mathieu at napalitan ng pagkabagabag. "And I guess, she haven't told you yet."
"Hindi. Gagi iyon!" Napangiti siya. "Pero masaya ako para sa kanya. Para sa kanilang dalawa ni Julian."
"Well, just not tell her you got that piece of information from me. Geez, baka may iba pang tao sa bahay na ito ang gusto na rin akong patahimikan."
Tawang-tawa si Chippy. "Gagi!"
"Anyway." Yumuko si Mathieu para gawaran ng halik ang kanyang tiyan. Niyakap niya rin ito pagkatapos. At hindi mapigilan ni Chippy ang butil ng mga luhang kumawala sa kanyang mga mata. It brought a throbbing pain on her chest. She knew the end is near, but she also knew they needed to unravel the reason why they were brought back in 1935.
Pinunasan niya ang mga luha nang ibalik ni Mathieu ang atensyon sa kanya. "I also have a good news. Nakita ko na ang undeground museum." Namilog sa pagkamangha ang mga mata ni Mathieu. She nodded with a smile. "May ibang daan na hindi sa library. Sa likuran mismo ng bahay. . . sa imbakan ng mga alak."
"Chi—"
"Don't worry, hindi ko papagurin nang husto ang sarili ko. I will have Simon and LV look for more clues there. Sa kuwento ni Xersus, marami pa raw lagusan doon. Naisip ko na—"
"W-wait, LV is here?"
Kunot na kunot ang noo ni Mathieu, siya rin ay napakunot ang noo. "Buong araw na kayong nandito pero 'di n'yo siya nakita?!"
The heck?! Saan ba nagsusuot ang babaeng iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro