Kabanata 50
A/N: Before you start reading, promote ko po muna ang Saving Forever selfpub ko. Pre-orders are ongoing. See the poster above. If you're interested in buying let me know. :D The book is 2 years in the making so it's worth the buy. Follow WG Publication Camp on Facebook for more details.
Also, reach 200 comments to unlock the next episode. 💙✨
* * *
BACK IN 1935
CHIPPY was in such awe, as her gaze roam around the alley of wine barrels and wine racks around her. Ito ang bumungad sa kanila ni Xersus pagkapasok nila sa wine cellar na nakatago lang pala sa likuran ng bahay. Kung maaga niya lang nadiskubre na mayroon nito sa mansion ay baka by partner pa silang pumupuslit dito ni Amara. Aba'y hindi puwedeng si Amara lang ang makatikim ng biyaya ng Dios.
She licked her lips, it had been a while. She grimaced when she remembered something. Her shoulders sagged. Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan at hinaplos ito ng isang kamay. Chizle, buntis ka. Kalmahan mo. She sighed. After nine months.
"Tiya, masarap po ba ang mga ito?"
Nagulat siya nang paglingun niya ay may hawak nang isang bote ng wine si Xersus. Naloka siya. The kid couldn't barely hold the wine bottle in both hands. Kaya mabilis na inagaw niya sa bata ang bote.
"Xersus!"
Nagulat din ito at napaangat ng mukha sa kanya. "Bakit po, Tiya?" natataranta ngunit inosenteng tanong nito sa kanya.
"Masarap 'to kapag matanda ka na, pero huwag muna ngayon." Ibinalik niya ang bote sa kung saan ito kinuha ni Xersus. "Malalagot tayo ng Lolo Jose at Papa mo kapag may nabasag tayo rito."
"Nakakawala po ba ng kalungkutan ang alak, Tiya?" pangungulit pa rin ni Xersus.
"Aba'y bata ka, saan mo naman nakukuha iyang mga tanong mo?"
"Sa'yo po, Tiya."
Namilog nang husto ang mga mata ni Chippy. "Sa akin?" Itinuro pa niya ang sarili. "O, bakit sa akin?"
"Hindi n'yo po ba naalala, Tiya? Nagkasagutan po kayo ni Papa dahil lasing na lasing po kayo noon."
Lalo siyang naloka sa rebelasyong iyon. "S-sandali. K-kailan iyan?"
"Hindi ko na po maalala, Tiya ang eksaktong buwan ngunit sa aking alaalala ay gabi po iyon. Nagalit po si Papa at tinanong ka po niya kung bakit n'yo po inubos ang isang bote ng alak. Tapos po pasigaw n'yo pong sinagot na malungkot po kayo at nasasaktan. . . kaya po kayo umiinom para makalimutan ang mga malulungkot na bagay sa buhay n'yo."
Pinigilan niya ang mapangiwi. Gagi ka Maria Priscilla! Wild ka talaga. Huminga siyang malalim at dahan-dahang bumuga ng hangin. Lumuhod siya sa harapan ni Xersus at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Ngumiti siya sa bata.
"Xers, masyado ka pang bata para intindihin ang mga problema ng mga matatanda sa paligid mo. Dadating ang araw na maiintindihan mo rin kung bakit. . ." Kung bakit kami emotionally unstable most of the time. Pero hindi niya sasabihin ang mga iyon at baka lalong mawindang ang batang bersyon ng lolo niya. "Kung bakit nagiging malungkot ang mga matatanda."
"Nalulungkot din naman po ako, Tiya. May pagkakaiba po ba ang kalungkutan ng isang tao kapag po siya ay tumanda?" inosenteng tanong nito.
"Xers." Nakangiting hinaplos niya ang buhok nito. "Maraming nababago sa buhay natin kapag tumanda tayo. Tulad mo ngayon, hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay na iyan, ngunit pagdating ng tamang panahon kapag binalikan mo ang tanong na ito, maaaring mahanapan mo na ito ng sagot. Pero sa ngayon." Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ni Xersus. Punong-puno pa rin ng pagtataka ang mga mata nito pero nakikitaan niya naman ng pang-unawa. "Gusto kong ituon mo ang atensyon mo sa paglalaro at sa paggawa ng mga bagay na magbibigay sa'yo ng tunay na kaligayahan. Hayaan mong protektahan ka muna namin mula sa mundo."
May ngiting tumango si Xersus. "Opo, Tiya."
Lumapad ang ngiti niya. "Kalmahan mo lang. Huwag kang magmadaling lumaki." Dahil madalas malungkot ang mundo roon. Hinalikan niya sa noo si Xersus at ramdam niya ang pagngiti nito nang yakapin siya nito bigla.
"Mahal na mahal po kita, Tiya."
Ibinalik niya ang kaparehong init ng yakap sa bata. "Mahal na mahal din kita, aking Xersus." Ang Lolo Xersus ko. "Pero kapag matanda ka na huwag kang inom nang inom." Kasi ang mga apo mo, hindi kaya ang drink moderately. Drink savagely lang. "Choose your bottles."
"P-po?"
Kumalas siya sa pagkakayakap niya kay Xersus upang matingnan ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya napigilan ang matawa sa magkahalong pagkalito at kainosentehan ng mukha nito. "Wala." She playfully messed his hair. "Tama na drama, may underground museum pa tayong hahanapin." Maingat siyang tumayo.
"Tiya, sa dulo po mukhang may pinto." Sinundan ni Chippy ang itinurong daan ni Xersus sa likuran niya.
"Aba'y oo nga 'no? Ang daldal mo kasi e. Halika na nga." Hinawakan niya sa kamay si Xersus at magkaagapay silang naglakad patungo roon. "Humawak ka lang sa akin."
"Tiya, alam n'yo po ba na maraming lagusan sa ating bahay?"
"Lagusan?"
"Opo. Narinig ko lang po na pinag-uusapan nila Lolo, Papa at Tiyo Noah sa silid aklatan. Hindi po nila alam na nandoon ako, nagtago na lamang po ako sa ilalim po ng mesa roon."
"Akala ko talaga nonchalant ka noong kabataan mo, marites ka rin pala."
"Po?"
She chuckled. "Wala, o ta's anong narinig mo?"
"Binanggit po ni Lolo na dapat may mga lagusan daw po sa bahay na kailangan pong ipasara at iilan daw po roon ay hindi na ligtas." Oh? Hindi kaya konektado iyon sa mga kumuha ng mga cursed item ni Lolo Remegio? May mga lagusang nalaman ng ibang tao? "Kaya po inuutusan niya sina Papa at Tiyo Noah na ipasara na po ang mga ito."
"Alam mo ba ang mga lagusang ito?"
"Hindi po ngunit may nasilip po akong mapa. . . hawak po ito ni Tiyo Noah noong nag-uusap po sila."
Hindi na niya nasagot si Xersus nang makalapit sila sa malaking pinto na yari sa isang matibay na kahoy. Hindi ito kagaya ng mga normal na pinto na lagi niyang nakikita. Binitiwan niya muna si Xersus para subuking buksan ang pinto. Hindi niya natutulak paabante at lalo na paurong kaya sinubukan niyang i-slide ito patungo sa kaliwa at namilog ang mga mata niya nang dahan-dahan itong bumukas, lumilikha ito ng tunog dahil may puwersa niya itong tinutulak. May bahagyang bigat din kasi ang pinto.
"Shuks!"
"Pinto nga po talaga!"
Lumapad ang ngiti niya. "Oo! Heto na, Xers. Isa sa mga lagusan."
Malakas ang kutob niyang papunta ang lagusan na ito sa underground museum. Natantiya na niya kanina na malapit nga ang wine cellar sa eksaktong underground museum ni Iesus dahil nasa ilalim ito ng library. Kaya hindi malabo na konektado lang ang dalawang lugar.
Pagkabukas niyang tuluyan sa pinto ay hinatak niya agad palabas si Xersus. May liwanag siyang naaninag sa dulo kaya tinakbo na nila ito. They only halted their steps when she noticed a figure of a woman standing at the entrance. Mabilis na itinago niya sa kanyang likuran si Xersus. Nilingon niya ito, inilapat niya ang isang daliri sa labi at sinenyasan na huwag magsalita.
Ibinalik ni Chippy ang tingin sa harapan, maikli ang buhok pero babae ang pigura nito. Kaya lang, iba ang damit nito sa kanila. Mukhang galing sa hinaharap. Napasinghap siya na walang kumakawalang boses. Pamilyar na pamilyar siya sa likuran ng babae.
Pero imposible. Paano mapupunta dito ang walangya? May kapangyarihan ba iyon? No. Hindi mapapadpad sa Faro ang babaeng iyon. Unless—
Marahas itong lumingon na tila ba may tumawag dito mula sa likod at ganoon na lang talaga ang gulat ni Chippy nang makita ang mukha ng kaibigan niya.
Shit!
"Louise Veronica?!"
Ganoon din ang naging reaksyon nito. "Walangya! Chizle?!"
What the fuck?!
"SANDALI!" pigil ni LV sa kanya, nasa loob sila ng underground museum, nakasalampak ng upo sa makinis na sementadong sahig. "Let me process everything before I lose my mind. Girl, sinasabi mo bang nag-time-travel ako sa 1935 at hindi ka naka-costume? I mean, kayo with that kid. Sino nga siya ulit?" Ngumiti ito kay Xersus. "Sorry, baby boy. Tita LV is just confused right now, huwag kang matakot sa akin. I don't bite."
Sumiksik lang si Xersus sa tabi niya at yumakap nang husto sa isang braso niya. Ikunuwento niya rito ang past episodes ng buhay nila rito sa 1935 at nakatitig lang sa kanya si LV sa buong minuto ng kuwento niya. Although she knew she was slowly processing everything in her mind dahil wala naman itong choice kundi unawain lahat ng mga nangyayari.
"Teka nga, bakit ka ba napunta rito?"
"Girl, hindi ko alam," may gigil na sagot nito. "Pero iku-kuwento ko pa rin sa'yo." Umayos muna ito ng pagkakaupo. "So I was worried, ilang linggo ko na kayong hindi ma-contact—"
Kumunot ang noo niya. "Kayo?"
Naglapat ang mga labi nito at asiwang ngumiti. Alam niya ang ngiting iyon. Ngiting nahuli sa sariling bibig. "Fine! Ikaw at si Engineer. Okay na?"
"Engineer? Si Simon?"
"Marami bang Engineer sa Faro?"
"Si Iesus, Industrial Engineer."
"Iyong civil."
"Ah, si Simon nga," kalmadong kompirma niya. Wait, si Takeuchi?! Pinanlisikan niya ng mga mata si LV. "Gaga ka! Kailan pa kayo naging close no'n?"
"Hindi kami close, we're just colleagues."
"Mamatay?"
"Brutal mo naman. Oo nga, kulit mo. Anyway, huwag natin i-focus ang usapan sa akin dahil girl, mas malaki ang problema natin ngayon kung nasa 1935 nga tayo."
"Sandali." Ibinaling ni Chippy ang tingin kay Xersus. "Xers, huwag mo kaming intindihin. Nagkukwento lang ang Tita LV mo sa bagong librong binasa niya."
"Magkaibigan po kayo, Tiya? Paano po siya nakapasok dito?"
"Shapeshifter siya."
"Ano po iyon, Tiya?"
"Ah basta. Nangongolekta siya ng dragon balls para matupad ang dream wedding ng mga magkasintahan. Kaya quiet ka lang. Wala kang naririnig. Dito ka lang, huwag kang humawak ng kahit ano, mag-uusap lang kami." May ingat na inalis niya ang kamay ni Xersus sa braso niya. "Usap ng matatanda."
"Hoy, grabe ka Chizle," react ni LV.
"Shs!" sita niya rito. Tumayo siya at marahas na hinila si LV patayo. "Halika dito."
Ang laki ng simangot nito nang kaladkarin niya sa ibang direksyon. Doon sa malapit sa isang sementadong mesa kung saan may mga naka display din na mga gamit. Maliwanag naman ang buong museum dahil sa mga wall candle lantern. Ang weird lang dahil parang may taong nauna pa sa kanila para sadyaing pailawan ang buong museum.
"Feeling ko nanaginip lang ako. Nabagok siguro ang ulo ko ta's nawalan ako ng malay." May gigil na pinisil nito ang magkabilang pisngi para lang mapangiwi. "Shit! Ang sakit. Okay, this is not a dream, but a nightmare. God! Paano na lang si Nate?"
"Ang OA."
"Girl, nasa 1935 ako tapos ang kapatid ko nasa 2021. What do you expect? Magpa-fiesta ako?" Hininaan nito ang boses pero tunog nakasigaw pa rin. "Magpa-litson ako? Ganoon? Walangya! Dapat hindi na ako nangialam e. Noong huling nangialam ako sa buhay mo na-detain tayo sa police station ng tatlong araw dahil Linggo na kinabukasan at holiday noong Lunes at Martes kaya hindi na process ang release paper natin. And now, here I am again. Dapat hindi na tayo naging magkaibigan—" Nanggigil na pinalo niya ito sa isang braso. "Ouch!"
"Sinabi ko bang mag-ikot ka sa Faro, ha? O pumunta ka sa mansion ng pinsan ko? Kasi parang iyon nga ginawa mo para mapunta ka rito."
"Walang nag-utos sa akin pero masisisi mo ba ako, ha? Kaibigan kita at nag-aalala ako, okay? Saka, you know me. Kapag hindi ko na ma-contact ang mga kaibigan ko ay hahanap talaga ako ng paraan para matunton kayo pero takte naman, hindi ko naman inasahan na aabot ang hanapan sa 1935." Iyak na iyak na ang ekspresyon ng mukha nito. "Puwedeng magmura ng intense?"
"Hindi," may diin niyang sagot. "At hindi ka nagmumura."
"Sabi ko nga." Marahas itong bumuga ng hangin. Ilang segundo muna itong nahulog sa malalim na pag-iisip bago pa ulit nabuhayan ng loob. "Pero, hindi nga," baling nito, may himig ng kuryusidad. "Alam mo ba kanina may tumawag sa pangalan ko pero hindi naman boses ng babae." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya naman ito tinawag kanina. "Boses ng lalaki kaya nagulat ako at napalingon. Imposible naman din si Xersus iyon o ikaw."
"Boses ng lalaki?"
Sunod-sunod na tumango ito. "Oo, sabi niya." She cleared her throat, pinaseryoso rin ang mukha. "Veronica," panggagaya pa nito sa malalim na boses ng isang lalaki. "Ganoon."
"Sino iyon? Tatlo lang naman tayo rito."
"Aba'y malay ko. Ako ba taga rito?"
"Tsk. Di bale na nga lang. Tulungan mo muna ako." Iniwan niya si LV at nagsimulang maghanap sa mga bagay roon. In terms of organization, malaki ang pagkakaiba ng underground museum ngayon sa kasalukuyan. Mas makalat dito kumpara sa future. "Tingnan mo nga."
"Ano ba hahanapin?"
"Logbook."
"Logbook nino?"
"Ng pamilya namin."
"Oh? So, what does it look like? Vintage looking log book? Huhulaan ko pa ba ang mukha no'n?"
"Sure, baka tumama hula mo," pabalang niyang sagot.
"Pfft."
"At huwag mo hawakan ah."
"Ano titigan ko lang?"
"Duh. Oo. Kung gusto mo pa ng peace of mind," nilingon niya ito na nasa katapat na mesa na si LV kung saan may glass case cabinet. "Kahit may spark, huwag mong ibubulsa."
"Anong tingin mo sa akin magnanakaw?"
"I'm just reminding you."
"Well noted, okay na?"
Naglakad na siya patungo sa isang study table doon. Hindi na bago ang parte na iyon sa kasalukuyan, naayos lang siguro ang mga gamit at nagdagdagan. Nandoon pa rin ang lumang mapa ng mundo, nakadikit sa pader. May mga navigation tools and scrolls na sa tingin niya ay mapa o architecture design. Meron ding globo sa tabi ng mesa, Iesus calls it terrestrial globe, a three-dimensional model of earth na hindi siya sigurado kung kailan ginawa. Malaki ito sa pangkaraniwang globo na nakikita niya. That particular space seems to imitate a pirate's office—captain's den.
Lumapit siya sa mesa. Ang weird lang dahil parang may gumamit sa mesa na iyon kanina dahil nakakalat pa ang mga gamit tulad ng brass binoculars, magnifying glass, at compass na mukhang mamahalin talaga. Mayroon ding used leather journals na nakasalansan, nakapatong doon ang isang maliit na bungo na sa tingin niya ay gawa sa ginto. Gusto niya sanang hawakan kaso parang huwag na lang.
Mas pumukaw ng atensyon niya ang isa pang lumang mapa sa mesa. Pinadaanan niya ito ng isang daliri pero hindi niya inilapat mismo roon at baka masira. Contenents lang naintindihan niya at ibang lumang pangalan ng mga bansa na hindi na ginagamit sa panahon kung na saan siya. Sa itaas nito ay mga phases of the moon at mukha ng isang eclipse. May guhit at marka ng latitude at longtitude kasama na rin ang isang compass. May napansin siyang marka ng pulang bilog sa ilan sa mga bansa. Parang may pattern pa nga—direksyon pero hindi pa lang niya maintindihan.
Chi, this may help Iesus in the future.
Mabilis na kumuha siya ng kapirasong papel sa isa sa mga journal doon. Hindi naman na siguro ito mapapansin nila Julian. Wala siyang ibang makitang pansulat kundi ang pluma na nandoon. Tiningnan niya kung mayroon pang lamang ink ang maliit na bote at sa awa ng Dios ay mayroon pa. Hinila na niya ang silya, naupo roon at in-adjust palapit ang upuan upang makasulat siya nang maayos.
Spain. Simula niyang sulat. France. Siam. Joseon. Kyoto. Prussia? Natigilan siya. Saan iyon? Nagpatuloy siya sa pagsusulat, saka na niya kikuwestiyunin ang mga bansang ito. Sa tingin kasi niya ay nagtagal sa Spain at Portugal ang barko ni Lolo Remegio niya. Ngunit may isang isla sa Las Islas Filipinas ang may namarkahan pero walang pangalan kung anong isla iyon. Hindi rin hugis ng Cebu pero sa tingin niya kabilang lang sa isla ng Visayas. Anyway, isusulat ko pa rin ito.
Nang matapos siya ay napaangat siya ng tingin at nakita niya si Xersus na tumitingin-tingin na rin sa ibang gamit doon pero nasa likod nito ang mga kamay. Si LV ay nandoon pa rin sa kung saan niya ito nakita kanina, seryosong nakatingin sa mesa katabi ng glass case cabinet kung saan may mga nakapatong ng kung anu-anong mga gamit.
"Huy Veronica!" tawag pansin niya sa babae.
Nagitla ito at halatang napukaw talaga niya ang malalim na pag-iisip nito kanina. She looked petriefied still, halata sa mukha nito nang ibaling nito ang tingin sa direksyon niya.
"Anong nangyari sa'yo?" kunot ang noong tanong niya.
"W-wala." LV shrugged her head gently. "Ahm. Nagandahan lang ako rito sa dream catcher." Kunot ang noong turo nito pero hindi niya makita ang hitsura no'n. "Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong design. Kakaiba."
"Sinasabi ko sa'yo Louise Veronica, magnakaw ka na sa SM huwag lang sa mansion ng mga de Dios."
"Oo na. Oo na. Alam ko." Nagtaas ito ng dalawang kamay sa ere. "Off limits."
Chippy sighed. Kung kailangan niyang paulit-ulit na paalalahanan si LV tungkol sa mga bagay na ito ay gagawin niya. Wala siyang tiwala sa mga gamit dito sa mansion ng pamilya niya.
Tumayo na siya at nagtungo sa kalapit na kahon kung saan may mga lumang damit na umaapaw kaya hindi na ito masara. "Hoy Veronica!"
"Bakit Priscilla?!"
Hinarap niya ito mula sa puwesto niya. She folded her arms over her chest. LV imitated her action.
"If you're going to stay here in 1935." Binuksan niya ang malaking kahon. Pero wrong move, inihit siya ng ubo sa alikabok. Punyemas! Hindi na siya huminga pagkatapos mahugot ang unang damit na nakuha niya bago ipinakita kay LV. "Palitan mo iyang damit mo."
"Anak nang—"
MATHIEU had been looking at the old portrait painting of Mateo's great-great-grandfather Leandro Dimitrio Valdevielso inside the library. It was an aged version of the youthful Leandro—completely contrasting to the photo he discovered in one of Mateo's belongings. The Leandro in his youth seemed more approachable and outgoing while the Leandro in the portrait painting shows a formidable stature and power. The old Valdevielso has a strong prominent Spanish feature and piercing light brown eyes like his. But what caught his attention was that Leandro resembles his late Lolo Dimitrio in the present.
There must be a secret room within these walls. Iginala ni Mathieu ang tingin sa buong library. Unti-unti nang kumakalat ang dilim sa paligid dahil tuluyan nang lumubog ang araw. The darkness gawking and eerie. A man who hides a lot of things creates a safe place for his immorality.
Nagpasya siyang lumabas mula sa library at dire-diretsong tinungo ang silid na alam niyang matagal nang hindi ginagamit sa bahay ng mga Valdevielso. Nakompirma na niya mula kay Dimitreo na dating silid ito ni Don Leandro at kailanman ay walang nangahas na okupahin ang silid na iyon. Pinapalinis lamang ito sa pinagkakatiwalaang kawaksi ng mga Valdevielso. He was lucky to find the key in one of Mateo's things. Mukhang madalas na si Mateo sa silid ni Leandro bago pa siya pumalit sa katawan nito.
Wala siyang nakasalubong na mga tao, dahil alam niyang busy na ang lahat sa paghahanda ng hapunan at nagbilin na rin siyang huwag siyang ipatawag kapag kumain na ang lahat. It will buy him more time to look inside Leandro's room. Tumingin siya sa kanyang kanan at kaliwa bago niya ipinasok ang susi sa knob ng pinto. Walang kahirap-hirap na nabuksan niya ito at agad siyang pumasok nang masigurong walang nakakita sa kanya.
In-lock niya ang pinto sa kanyang likuran at hindi na inabalang buksan ang ilaw. Mapapansin ito sa labas kapag bukas ito. That was the exact reason why he chose this specific time. He will make use of the remaining day light to execute his plan. Kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Hinalughog niya ang buong silid, binuksan ang mga cabinet nang hindi gumagawa ng malakas na ingay. Tiningnan niya ang ilalim ng kama at iba pang mga puwede niyang tingnan. He didn't mind the beads of sweat dripping on both side of his face. He need to find something. He must find something.
Ramdam niya ang hingal dahil sa bilis ng kanyang mga kilos. Napapangiwi siya sa panaka-nakang kirot ng kanyang sugat kapag siya ay yumuyuko. But he must endure it. Dasal niyang huwag lang sanang bumuka ang tahi niya. God forbid. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng silid, pagod, at nauuhaw. Unti-unti nang nilalamon ng kadiliman ang bawat bagay at parte ng silid ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.
"Well, Leandro, I'm not going out here without knowing your grimmest secret," hamon niya rito sa kawalan. "Your great-great-grandchild Dimitrio didn't raise me as a quitter." He smirked. Muli niyang iginala ang tingin sa buong silid. He has two options now. Check the floor panels or check the walls for hidden doors. "Uunahin ko na 'tong book shelf dito at kanina pa kita pinag-iinitan."
Mathieu tried to move and slide the shelf on his right. It didn't move but he could feel something detaching, so he exerted more effort in pushing it to his right. Napabuga siya ng hangin at ibinuhos na ang buong lakas niya sa pagtulak nito hanggang sa bumigay ito at tuluyan nang bumukas. Bumulaga sa kanya ang isang hagdan paakyat sa taas. It has a two flight of stairs before it reachers the hidden floor of this room.
"Damn, I knew I was right."
Umakyat siya sa taas at bumungad sa kanya ang isang silid ng mga koleksyon ng mga lumang gamit. The room reminded him of Iesus' underground museum, only that Leandro only keep minimal items that he might have considered valuable to this family. Dahan-dahan siyang naglakad at nagmasid sa mga gamit doon. Majority of the items displayed were jade vases, porcelain kitchenwares, and jewelries that were made in jade, diamonds, and rare stones.
"What the fuck," mura ni Mathieu sa kawalan. "These are worth millions or billions in present now."
Tiningnan pa niya ang ibang mga gamit doon. There were many variants of artifacts that can be considered national treasures. Artifacts that are possibly illegally bought by Leandro Valdevielso. Kaya hindi imposible na nandito rin sa silid na ito ang mga perlas na hikaw na hinahanap niya. He only need to know which cabinet to open. But he guessed that choosing is no longer an option. Lalo na't isang cabinet lang naman ang nakasara—ang pinakagitna.
Madilim na ang silid, wala na siyang nakikita kahit na naka-adjust na ang mga mata niya. Bumaba siya. He had no choice but to get the candle lamp on top of the bedside cabinet downstairs. Luckily, may kasama itong pansindi kaya hindi na siya nahirapan. He took the candle with him upstairs and placed it in secure place. Saka lamang niyang binalikan ang cabinet. As expected it was locked—may padlock.
Binasa niya ang mga labi at ibinaling muli ang tingin sa paligid. There should be hidden key somewhere here. Isa-isa niya ulit tiningan ang mga bagay roon pero wala siyang nahanap na susi. He was getting impatient. The room was to enclosed, one more move and he's close from inhaling the last air he could fill his lungs with. Fuck this.
Bumalik siya sa cabinet, hinarap niya ito at sinimulang kapain ang magkabilang pader na nagsilbing frame nito. Natigilan siya nang may makapa siyang umusling parte sa gilid ng cabinet—sa bandang kanan. This must be it! Sinubukan niyang hatakin ang parteng iyon at may nakuha siya. Hindi niya napigilan ang pagngiti sakabila ng kakapusan ng hininga.
"The exact reason why I hate solving mysteries. There's too much work. But damn."
Kinuha niya mula sa kahetang hinatak niya ang susi. He immediately inserted the key into the keyhole and twisted it firmly to open. He heard a clicking sound and the lock detached. Inalis niya ang padlock at agad na binuksan ang cabinet sa kanyang harapan. At ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata niya nang makita ang isang pamilyar na chest box. The same box where they saw the hidden old love letters and the pearl earrings.
Mathieu swallowed hard as he reached the chest box. "Found you." Binuksan niya ng isang kamay ang kahon at pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makita ang isang pares ng mga perlas na hikaw. Muli siyang napalunok, kinakapos siya ng hininga kahit wala naman siyang ginagawa. Aside from the pearl earrings, there were two folded papers inside.
Let's save the curiosity for later, Mathieu. Let's get out of here first.
Naghanap siya ng ibang kahon na ipapalit niya roon. He found one. Ito ang inilagay niya sa cabinet bago niya ibinalik ang padlock. Dala ang dinala niyang kandila ay mabilis siyang bumaba at muling ibinalik sa ayos ang shelf ng mga libro. He made sure that everything was in order. He left the candle holder but he took the used candle with him. Sinilip niya kung walang tao sa labas bago tuluyang lumabas ng silid. Narinig niya ang ingay ng mga kubyertos at mahinang usapan sa bandang kusina tanda na lahat ng kawaksi ng mga oras na iyon ay nakatuon ang atensyon sa pamilya ni Mateo.
Damn, you got out on time.
Habang busy pa ang mga tao ay tahimik siyang umakyat sa taas at bumalik sa kanyang silid. He locked the door and walked straight to the study table. Binuksan niya ang ilaw sa kanyang mesa at muling binuksan ang kahon. He didn't touch the pearl earrings, he proceeded with the two folded papers. Inuna niya ang sa tingin niya ay mahabang liham.
Kumunot ang noo niya ang makita ang sulat. It was written in French by a certain woman named Magalie. A language that he and Mateo could understand.
Mon amour, rends-moi ces perles car elles m'assureront que notre amour t'a protégé de tous les maux qui tentent de nous séparer. Alors seulement mon cœur sera en paix. J'attendrai toujours votre retour sain et sauf. –Magalie
Which means.
My love, return these pearls to me for they will assure me that our love has protected you from all the harm that tries to keep us apart. Only then will my heart be at peace. I will forever wait for your safe return. –Magalie
"Who's Magalie?" he uttered in bewilderment.
Sinunod ni Mathieu ang isa pang papel. It was written in Spanish this time.
Robará algo a cambio.
May nahimigan siyang pagbabanta sa boses ng sumulat. At sa tingin niya rin ay lalaki ang nagsulat nito dahil naririnig niya ang boses sa sulat. A familiar voice he couldn't pin point where and when did he heard, but he could feel a strong familiarity of it.
Ibinalik niya ang tingin sa pares ng hikaw sa kanyang harapan. Niyakap siya ng kilabot at tila lumamig ang ihip ng hangin sa loob ng kanyang silid lalo na nang mapansin niya ang larawan nila Leandro at Jose Remegio katabi ng kahon. He didn't notice the photo earlier.
Mathieu swallowed hard as he reached a hand to that photo. Iniangat niya ito sa ere at tinitigan. "Robará algo a cambio," he uttered with such demise. If he's not mistaken, it would mean. "It will steal something in return."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro